Chapter 12
Chapter 12: Sorry
Pagbalik ko sa lugar na iyon ay wala na silang dalawa doon, halos mapamura ako ng hindi ko na sila maabutan pero may side sa akin na nabunutan ako ng tinik dahil hindi naman siguro sila lalabas pa ng classroom na 'to para magpatayan di ba?
Pagkababa ko ay sumilip ako sa classroom namin at nakita kong may nagtuturo na kahit wala namang nakikinig sa kanya, pumasok ako sa loob at bahagya akong yumuko sa bagong teacher para magbigay galang pero hindi na rin niya ako pinansin dahil siguro ay sanay na siya sa mga estudyante dito.
Hinawi ko ang buhok ko bago ako umupo sa upuan ko, wala dito yung dalawa, maski si Jungkook. Napatingin ako kay Rigelle na ngayon ay nakatulala sa kapatid ko habang ang kapatid ko naman ay nakadukdok lang sa desk niya.
Inikot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Yoongi na busy sa cellphone niya, habang ang iba ay nagkakagulo na.
I tried to listen kahit ang ingay ng apat sa likod pero wala talagang pumapasok sa isip ko kundi si Jimin at si Taehyung, lutang ang utak ko hanggang sa matapos ang klase.
Wala ako sa sarili ko habang naglalakad ako papalabas ng school kaya naman hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Rigelle, humawak siya sa braso ko habang sabay kaming naglalakad.
"Nakakapanibago talaga." Aniya.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Sila, yung mga kaklase nating lalaki sa room."
"Oh bakit naman?"
Bumagal ang paglalakad namin dahil sa pag-uusap naming dalawa.
"Oo nga pala! Transferee ka nga pala, hindi mo kasi naabutan na magkakasundo yung pito na yon." Aniya.
Napataas ang kilay ko, sinong pito? Yung pitong lalaki sa room namin? Magkakasundo sila dati?
"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga! Bakit ba ayaw mong maniwala? Alam mo bang bago ka dumating sa school na 'to kilala silang apat bilang Bangtan Sonyeondan. Bulletproof boyscouts ang ibig sabihin noon." Paliwanag niya.
"Bulletproof? Bakit hindi ko alam yan."
Nag-isip ako kung nabanggit ba iyon sa akin minsan ni Jin o ni Jimin pero wala akong matandaan na may binanggit silang ganoon.
"Yeah, they are really close. Sa lahat ng kalokohan magkakasama sila, kahit si Yoongi na tahimik lang, kasama nila yun. Hindi ko din nga alam kung anong nangyari, basta pagdating mo dito nabago na lahat. Maski si Taehyung na walang ibang ginawa kundi mangulit ay nagiging masungit na."
"Hindi naman siguro ako ang dahilan di ba? I only know Jimin and Jin, kung may maapektuhan sa pagdating ko, malamang yung dalawa lang at hindi kasama ang iba."
"Hindi ko din alam eh." Nagkibit-balikat siya.
Napatulala akong saglit, magkakaibigan sila dati? Pero bakit kung umasta si Taehyung, si Jimin at si Jungkook kanina ay parang hindi?
"Oy, hatid na kita sa coffee shop." Bigla akong hinila ni Rigelle kaya bumalik ako sa huwisyo. Sinakay niya ako sa sasakyan nila patungo sa coffee shop.
"Salamat ha, nalibre pa ako ng pamasahe." Natatawang sabi ko.
"Wala yun! Ikaw pa." Sabay pabiro niya akong hinampas.
Kung ano-ano ang pinagkwentuhan namin dalawa, panay ang kwento niya sa akin sa pinanuod niyang korean drama kagabi, hindi daw siya maka-get over doon dahil namatay yung bidang lalaki, kaya daw namamaga ang mata niya ngayon.
Pero di ba magkasama sila ni Kuya kagabi? Hindi ko nalang siya tinanong dahil baka hindi ko pa magustuhan ang isagot niya.
"Salamat! Ingat!" Kumaway ako sa kanya ng makababa na ako sa tapat ng coffee shop. Panay ang kaway din niya sa akin kahit umuusad na ang kotse papalayo.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng coffee shop.
"Hi, Ate Deighn." Bati ko sa kanya ng makita ko siyang nagpupunas ng lamesa.
"Oh hi! Uwian nyo na?" Tanong niya sa akin na obvious naman ang sagot.
"Yup." Sabi ko bago ko inilapag ang bag ko sa isang gilid.
"Si Suga?"
"Ha?"
"I mean, si Yoongi nasan?" Napataas ang dalawang kilay ko dahil sa tinanong niya. Hanapan ba ako ng nawawalang gilagid?
"Ewan ko, di ko naman napansin kung san siya pumunta pagkatapos ng klase." Sagot ko.
Biglang tumunog ang chimes kaya naman napatingin ako sa may pintuan at nakita kong pumasok ang isang pamilyar na lalaki.
"Oh eto na pala siya eh!" Sabi ko ng makita ko siyang naglalakad patungo sa dulo.
"Ha?!" Biglang nagtago si Ate Deighn sa gilid bago sinuklay ang buhok nya gamit yung daliri niya.
"Haggard ba ko?"
Gusto kong matawa sa tanong niya pero di ako natawa dahil nakita kong tuliro siya. Para bang hindi niya alam ang gagawin niya, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, maganda pa rin naman siya yun nga lang ay haggard na talaga siya.
Tumango ako sa kanya kaya mas lalo siyang natuliro.
"Nakakainis! Naiwan ko kasi yung polbo ko, meron ka ba?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako bago ko kinuha yung polbo ko sa loob ng bag ko at inabot sa kanya.
"Suklay at lipstick, meron ka?" Tanong niya sa akin at tumango ako bago ko kinuha yun at inabot ulit sa kanya.
"Salamat."
Nagsuklay siya at naglipstick, pinapanuod ko lang siyang nagmamadaling mag-ayos, napatigil ako ng makita kong naglabas pa siya ng pangkilay, woah!
"Ah, oo nga pala. Djermayne pwede mo bang puntahan si Yoongi doon at sabihin na nagluluto pa kamo ko?"
"Okay..." Tiningnan ko yung oven para tingnan kung nagluluto nga ba talaga siya pero nakapatay naman iyon. Nagkibit balikat nalang ako bago ko pinuntahan si Yoongi.
"Nagluluto pa si Ate Deighn." Sabi ko agad.
"Di ko naman tinatanong." Malamig na sabi niya sa akin.
I rolled my eyes, kahit kaylan talaga ang isang 'to.
"Pinapasabi niya yan."
Hindi niya ako pinansin dahil imbes na tumingin siya sa akin ay lumagpas ang tingin siya sa likod ko at bigla nalang nangiti kaya sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Ate Deighn na papalapit na.
"Hi." Bati niya kay Yoongi bago siya umupo sa tabi nito.
"Hi." Ngiting ngiti na bati ni Yoongi pabalik.
Nagbalik-balik ang tingin ko sa kanila dalawa gusto ko pa sanang magtanong kung bakit sila nagngingitian ng ganyan habang nagtititigan. Para silang mag-asawa na in love na in love sa isa't isa.
Pwe! Bakit na nandito pa ako sa harap nila at pinapanuod yung pagngingitian nila?!
"Natagalan ba ko? May niluluto pa kasi ako eh."
Ha! Sinungaling! Nagpantay lang siya ng kilay eh.
"May nagluluto ba na ganyan pa rin kaganda?"
Aba't-- YOONGI IKAW BA YAN?!
Nasusuka ko! Nasusuka ko! Nakakaumay! Kadiri!
Sinapak siya ni Ate Deighn ng pabiro kaya naman mas lalo akong napangiwi dahil nagmukha iyong pa-sweet imbes na pabiro. Eto namang si Yoongi nakangiti kahit hinampas, damang-dama ang pagpapabebe ni Ate Deighn.
"Uwi na tayo?" Tanong ni Yoongi kay Ate Deighn.
"Ha?"
"Uwi na tayo sa apartment mo. Doon ako matutulog." Sabay kindat ni Yoongi kay Ate Deighn.
Napahawak ako sa bibig ko habang pinapanuod ko silang dalawang naglalandian sa harapan ko. At kita mo nga naman! Hindi na nahiya na may tao sa harapan nila.
Nakita kong namula si Ate Deighn kaya nag-iwas siya ng tingin. Don't tell me doon talaga siya natutulog sa aparment ni Ate Deighn?
Wala naman akong problema doon dahil sa apartment ko din naman natutulog si Jimin minsan pero... di ba engage na si Ate Deighn?
At estudyante lang niya dati si Yoongi.
"Pero di pa ko nakakapaglinis sa apartment." Nahihiyang sabi ni Ate Deighn.
"Ikaw nga natulog sa condo ko kahit parang binagyo eh." Sabi pa ni Yoongi.
Napataas ang kilay ko sa kanilang dalawa bago sila sabay na napatingin sa akin, nagbalik-balik ang tingin ko sa kanila. Hindi naman ako chismosa, naririnig ko lang talaga yung mga sinasabi nila.
"Ahh, Djermayne pwede bang doon sa muna sa counter? Hehe." Awkward na sabi ni Ate Deighn.
Napapaypay ako sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bumuntong hininga ako bago ako ngumiti sa kanila dalawa.
"Wag kayong mag-alala, di ko naman narinig na natutulog pala kayo sa bahay ng isa't isa." Sabi ko bago ko sila tinalikuran papuntang counter.
"Aba't loko din pala 'tong si Djermayne." Narinig kong sabi ni Ate Deighn.
"Hayaan mo nga siya." Sabi ni Yoongi.
Nagmake face ako habang ginagaya ko ang sinabi ng taong magilagid na iyon.
Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok na costumer, napabuga ako ng hangin ng makita kong si Angel iyon. Tinaasan niya ako ng kilay bago siya kumapit sa kasamahan niyang lalaki, malamang bagong lalaki na naman niya. Kahit saglit ko palang siyang nakikilala ay alam ko ng mahilig siya sa lalaki.
Kahit masama sa loob ko ay lumapit ako sa kanya at inabot ang menu, hindi ko ugali ang magpakaplastic pero ginagawa ko 'to para sa trabaho ko, nakita kong lumagpas ang tingin niya papunta kila Ate Deighn at Yoongi.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng dalawa pero pakiramdam ko ay kaylangan ko silang itago kaya naman humarang ako para matabingan ko ang tingin niya.
Tiningnan niya ako ng masama pero mukhang wala din naman siyang balak patulan ang ginawa ko. Kinuha ko ang order nila bago ako bumalik sa counter.
Nang tumayo na si Ate Deighn at Yoongi ay napatingin ako sa kanila, nginuso ko sa kanila si Angel at napatingin din naman sila doon, pero hindi naman iyon pinansin ni Yoongi. Si Ate Deighn ay parang wala na rin sa kanya iyon.
Nakita kong kinuha niya ang susi sa gilid at inabot sa akin iyon.
"Ikaw na ulit magsara nito ha?" Sabi ni Ate Deighn. May magagawa pa ba ko?
"Oo na, sige na! Umalis na kayong dalawa." Pagtataboy ko sa kanila na parang ako ang may-ari ng coffee shop na 'to.
"Pinapalayas mo na talaga kami no." Pabirong sabi ni Ate Deighn bago kami sabay na napatingin kay Yoongi na nakalabas na ng coffee shop dala ang gamit ni Ate Deighn. Bakit ba nakabagpack pa ang isang 'to? Sabagay, galing nga pala kaming school.
"Kahit kaylan talaga yung isang yun." Inis na sabi ni Ate Deighn, bago siya kumaway sa akin at sinundan na si Yoongi.
Kitang-kita ko mula dito ng sinuotan siya ni Yoongi ng helmet, nagkibit balikat nalang ako bago ako napatingin kay Angel na nakatingin din sa pwesto ni Ate Deighn at Yoongi ngayon.
Pagtingin ko sa dalawang naglalampungan ay naka-angkas na si Ate Deighn sa motor ni Yoongi bago ito pinaandar at hindi ko na iyon tanaw dito.
Bumalik ulit ang tingin ko kay Angel na mukhang may tinitingnan sa cellphone niya, napairap ako sa kawalan bago ko siya nilapitan at walang pasubili kong kinuha ang cellphone niya.
Sabi ko na nga ba e, tama ako! Pinicture-ran niya. Agad ko iyong pinagdedelete bago pa niya maagaw sa akin ulit ang cellphone.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw niya sa akin.
"Bakit mo dinilete!" Sigaw pa niya ulit.
"You don't need that anyway." Mataray na sabi ko sa kanya.
"How dare you! You're just a waiter here and I'm a costumer--"
"Then leave! Umalis ka na! Magsasarado na kami! Total kapag nakalabas ka naman na ng coffee shop na 'to ay hindi na kita costumer." Malamig na sabi ko sa kanya.
Nakita kong pikon na pikon na siya at napapabuga nalang siya ng hangin sa kawalan.
"Magsasarado na kami." Sabi ko sa kanya bago ako lumapit doon sa counter at nagsimula ng magligpit. Napatingin sa akin ang lalaking kasamahan niya ng hindi man lang siya magawang ipagtanggol.
Napatingin ako kay Jin ngayon na nasa di kalayuan habang may hawak-hawak na kulay pink na camera. Bakit siya nandito?
Napatingin ako sa buong park na pinuntahan ko ngayon, alam kong hindi siya mahilig sa gantong lugar pero bakit siya nandito? Pinagmasdan ko siya ng palihim habang nagpipicture siya ng mga batang tumatakbo. Napakahilig talaga siyang magpicture.
Kinagatan ko ang cone ng ice cream na kinakain ko kanina pa habang nakaupo ako sa isang bench, usually kasi ay dumadaan muna ako sa park para bumili ng ice cream, dirty ice cream to be exact. Yung nabibiling tig sampong piso lang.
Mas trip ko kasi yung gantong ice cream kaysa doon sa mga nagmamahalang ice cream. Pare-pareho lang din namang malamig.
Napayuko ako ng may makita kong bola na umusad papunta sa akin, napatingin ako sa mga batang naglalaro mula sa malayo na nakatingin sa akin.
Napakurap pa ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanila, inubos ko ang natitirang cone ng ice cream bago ko kinuha ang bola at initsa sa kanila pero laking gulat ko ng ibalibag ulit nila sa akin iyon at mabuti nalang ay nasalo ko.
"Ate pasa mo sa akin!" Sabi noong isang batang babae na may bangs.
Napangiti ako bago ko iyon pinasa sa kanya, nang masapo niya iyon ay pinasa niya sa isa habang may pumipigil sa kanila. Laking gulat ko na naman ng biglang bumalik sa akin ang bola at yung nasa gitna ay papunta sa gawi ko kaya nataranta ako kaya hinagis ko ulit doon sa isa.
Tawa ako ng tawa ng marealize kong kasali na ako sa laro nila, ako ang pinakamalaki sa kanila kaya naman na-awkwardan ako pero tuloy pa rin ako. Tuwang tuwa ng makuha ng nasa gitna yung bola ng itinira iyon sa kabila.
Sumali na talaga ako ng tuluyan sa nilalaro nila, kung ano man ang tawag dito. Nagulat ako ng biglang tumama sa akin nag bola at hindi ko iyon nasalo.
Nagsigawan ang mga bata kaya naman nahiya ako, ako na ngayon ang taya. Ang galing pala ng mga batang 'to kaya hirap na hirap akong kunin ang bola pero ng makita kong tatama iyon sa isang bata ay agad ko iyong hinampas para mapunta sa ibang direksyon.
Halos maubusan ako ng dugo ng makita kong tumama iyon kay Jin, pero ang pinakamasaklap pa doon ay nahulog siya sa isang pond.
"Hala Ate! Lagot ka!" Sabi ng isang bata.
Agad akong nagtatakbo papunta kay Jin, tinulungan ko siyang maka-ahon doon pero hinawi niya lang ang kamay ko.
"Sorry! Sorry! Sorry talaga!" Paulit-ulit kong sabi sa kanya dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Basang-basa siya ngayon dahil sa kalokohan ko.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya!"
Napatingin ako sa camera niya na basang basa rin. Napanganga ako dahil... baka...
"Jin, waterproof naman yang camera mo di ba?" Nag-aalangan na tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya iyon at sinubukang buksan, pakiramdam ko ay malamig ang bawat butil ng pawis ko dahil sa sobrang kaba, natatakot akong baka hindi na niya iyon mabuksan dahil alam kong marami na siyang pictures doon na naipon.
Nakita kong napatawa siya ng sarcastic at doon ko na narealize na hindi... hindi waterproof iyon.
"Jin, I'm sorry!" Sabi ko habang hinahawakan ko siya pero hinahawi niya lang talaga ang kamay ko.
"Ayos lang." Malamig na sabi niya.
Iyan ang pinaka-ayoko, kapag sinasabi niyang ayos lang pero alam kong hindi iyon ayos sa kanya. Everyone knows that Jin loves taking pictures.
"Yung ngayon lang naman ang mawawala, naisave ko na sa laptop yung ibang nandito."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa sinabi niya o hindi. Alam kong naiinis na siya sa akin. Palagi naman, palagi naman siyang inis sa akin.
"Basang-basa ka na, umuwi-- Ay!"
Napasigaw ako ng bigla niya akong hinila papunta sa pond. Halos magsipasukan lahat sa ilong ko ang tubig, nang maka-ahon ako ay agad akong suminghot ng hangin. Pinunasan ko ang tubig na nasa mukha ko bago ako napahaching.
Napatingin ako kay Jin bored na nakatingin sa akin habang nakacross arms ang kamay niya at nakalusong pa rin ang paa sa pond.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Sarcastic na sabi niya sa akin bago siya umalis sa pond, nakatingin ang ilang bata sa amin pati na rin ang mga batang nakalaro ko kanina ay nakatingin din.
Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang hiya at inis pero laking gulat ko ng makapanik na siya ay inabot niya ang kamay niya sa akin. Nakatitig lang ako doon habang nararamdaman ko na ang panginginig ng luha ko.
"Tanggapin mo na yung kamay ko, bilisan mo!" Atat na atat niyang sabi sa akin. Inirapan ko siya sa sobrang inis ko bago ko hindi pinansin ang kamay niya at nagdire-diretso lang ako sa pagpanik ng walang kahit anong tulong niya.
Mabilis akong naglakad papalayo, kahit alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao ay hindi ko iyon pinansin, mabigat ang pakiramdam ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Nagsorry naman na ako di ba?! Bakit pa niya iyon ginawa?! Nakakainis siya!
Pinipigilan ko ang luha sa mata ko, inis na inis na ako sa kanya! Hindi porket patay na patay ako sa kanya ay pwede na niya akong ipahiya!
Halos matalisod ako ng biglang may humawak sa akin papalayo at hinila ako, napatingin ako sa kamay ni Jin na nakahawak sa kamay ko ngayon. Gusto ko siyang sigawan at paghahampasin dahil sa ginawa niya sa akin pero kahit ganoon ang nasa isip ko, hindi ganoon ang sinusunod ng katawan ko.
Nagpatangay lang ako sa paghila niya sa akin, kahit anong mangyari, kahit ipahiya niya ako sa marami, I still like him. Gustong-gusto ko pa rin siya at hindi na iyon maganda, natatakot na ako sa sarili kong nararamdaman. I should be more careful about this feeling pero masyadong akong nabugla sa pagkahanga ko sa kanya. This is insane!
"Sakay." Utos niya sa akin ng matapat kami sa sasakyan niya.
Umirap ako bago ko binuksan pintuan sa likod pero hinila niya ako ulit at bigla iyong sinara. Hindi ba niya kayang mag-ingat?! Hindi ba niya nakikitang nasasaktan na ako?!
"Doon ka sa tabi ko, wag mo kong gawing driver."
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko bago ako padabog na pumwesto sa front seat bago siya umikot para makapunta sa driver seat.
Pinatay niya ang aircon, nakatingin lang ako sa bintana habang ramdam ko ang mabibigat na titig niya sa akin. Tapos ano?! Mag-gagaganiyan ka?! Hambalusin kita ng betlog ni Namjoon eh. Kainis!
Habang ini-imagine ko na kung papaano ko siya hahambalusin ay bigla siyang may hinagis sa akin, hindi ba niya kayang i-abot ng ayos iyon?! Bwisit! Bwisit ka talaga Jin! Kung di ka lang talaga gwapo! Bwisit ka! Bakla!
Tiningnan ko kung ano iyong hinagis niya sa akin at coat iyon.
"Anong gagawin ko dito?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Isusuot mo malamang, ano pa bang pwede mong gawin diyan bukod sa suotin?" Mas mataray na sagot niya sa akin.
Aba't kinabog pa niya ako sa pagiging mataray ngayon, I rolled my eyes bago ko binalik iyon sa kanya ng padabog din. Nagcross arms ako at bahagya akong tumagilid para hindi ko makita ang pagmumukha ng baklitang 'to.
"Yung bra mo nakikita kaya ko binigay sa iyo yan." Iritadong sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa bra ko na kulay Navy blue na kitang-kita dahil basa na nga ang suot-suot kong uniform. Kahit naramdaman ko ang pamumula ko ay hindi ko pa rin siya pinansin ay bahagya nalang akong tumalikod para hindi niya iyon makita.
"Kung di mo pa susuotin 'to, iisipin ko na talaga na inaakit mo ako."
I snapped.
Agad akong napatingin ng masama sa kanya dahil sa sinabi niya, what did he say?! Oh gosh! Kahit desperadang-desperada na ako sa kanya noon palang ay hindi ko siya aakitin gamit ang aking oh-so-sexy-body.
"Bakit naaakit ka ba? Di ba bakla ka naman? Kahit siguro mag-hubad ako sa harapan mo wala lang naman sa'yo yun!"
Hindi ko na alam kung saan ko nahugot yung mga salitang iyon, basta bigla nalang siyang lumabas sa bibig ko. Kitang-kita kong papaano magbago ang ekspresyon ng mukha niya, unti-unting nagdilim ang paningin niya sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ko dahil sa hiya sa sarili kong sinabi. Damn it Rigelle! Napakadaldal mo kasi. Ayan tuloy!
Halos maghabol ako ng hininga ng makita ko siyang unti-unting lumalapit sa akin, napalunok ako bago ako lumalayo sa kanya kada lumalapit siya. Natatakot ako sa kanya, ngayon ko lang nakita na ganyan siya kagalit.
Gusto ko ng mag-sisigaw ng maramdaman kong wala na akong uurungan, na-corner na ako dito sa loob ng kotse niya. Pakiramdam ko ay nakikipag-habulan ako sa sobrang bilis ng puso ko ng maramdaman ko na yung paghinga niya sa balat ko.
Pero bago pa niya ako halikan ay pumikit na ako, enebe! Opportunity na 'to.
"Isuot mo na yan."
Napadilat akong bigla ng makita kong nakalayo na siya sa akin at in-start na niya ang sasakyan. Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sobrang hiya, wala naman pala siyang balak halikan ako! Ang assuming ko talaga.
Napakapit ako ng mahigpit sa coat bago ako umayos ng upo, basang-basa kaming pareho kaya mabasang-basa na din ang inuupan naming dalawa kaya medyo na-awkwardan din akong kumilos.
Hindi ko sinuot ang coat sa halip ay pinantabing ko nalang iyon sa dibdib ko. Wala kaming imik pareho habang pinapaandar niya ang sasakyan niya, pakiramdam ko ay ang awkward dahil wala man lang nagsasalita sa amin kaya naman kahit hindi ako nagpaalam ay binuksan ko ang music.
Biglang tumunog ang pamilyar na kanta ng BLACKPINK na mayroong mahinhin pero magandang tono.
"It goes little something like." Pagsabay ko sa kanta.
Napatingin siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan pabalik, hindi ko mapigilan ang pagsabay ko sa kanta dahil isa 'to sa mga kinahihiligan kong kanta ngayon.
"Saglit lang." Bigla niyang pinark ang kotse sa isang... ano ba 'to? Boutique? Nagkibit balikat nalang ako at hinintay ang pagbalik niya sa sasakyan.
Inikot ko ang paningin ko sa buong sasakyan niya, maayos na maayos ang mga gamit dito at may touch iyon ng kulay pink dahil sa mga ilang maliliit na kagamitan, napatingin din ako sa mga mario stuff toy na nasa harapan ko lang. Pinitik ko ang isa doon.
"Dahil hindi ko kayang magalit sa kanya kaya ikaw nalang pagbubuntungan ko ng galit." Sabi doon sa kawawang stuff toy bago ko siya pinagpipipitik.
Nang marinig kong pabukas na ang pinto ay umayos ako ng upo, napatingin ako sa binili niyang nakapaper bag pang pink. Gusto ko sanang itanong kung ano yun kaya lang naalala kong nagagalit nga pala ako sa kanya kaya naman pinigilan ko ang sarili kong magtanong.
Napatingin ako sa dinadaanan namin at napakunot ang noo, hindi dito ang daan papunta sa bahay ko.
"Teka! Saan mo ko dadalhin?!" Natatarantang tanong ko sa kanya.
"Sa condo ko." Plain na sagot niya sa akin.
"WHAT?! Hindi pwede! Uuwi na ako!" Sabi ko sa kanya bago ko sinusubukang buksan yung pinto.
"Magpapakamatay ka ba?" Iritadong tanong niya sa akin. Napatigil ako sa pagbubukas ko ng pinto at hinarap siya.
"Ibaba mo na ako! Uuwi nalang ako mag-isa ko." Sigaw ko sa kanya. Bigla niyang hininto ang sasakyan niya kaya naman sinunggab ko ang pagkakataon para buksan ang pinto pero ayaw mabuksan noon.
"Sige, umuwi ka sa inyo ng ganyang ang hitsura mo."
Napatigil ako at napatingin sa kanya, tama siya. Hindi ako pwedeng umuwi sa amin ng basang-basa ako dahil pagtitinginan ako ng mga tao dahil basang-basa ako, plus mo pa na kapag nakita akong ni daddy na ganto ang hitsura ko ay mag-aalala yun, iisipin niya na may nang bully sa akin kaya ipapatawag niya lahat ng estudyante sa buong campus at iisa-isahin niya iyon hanggang sa paaminin! Tapos malalaman niya na si Jin ang gumawa nito sa akin tapos ano? Hindi na siya papayag na magpakasal kami! NO!!!
"Sige, paandarin mo na ulit yung sasakyan." Sabi ko sa kanya bago ako napasandal kasabay ng pagcross arms ko. Nagkibit balikat nalang siya bago niya pinaandar ang sasakyan.
Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-smirk niya ng patago.
Bwisit ka talaga Jin!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top