Chapter 11
Chapter 11: Save Me
Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulala sa lalaking 'to na kanina pa humihilik, napahikab ako kaya naman kinuha ko ang kumot ko at isang unan papunta sa sofa at inilapag ko doon ang unan pati ang kumot.
Sinubukan kong humiga doon ay medyo hindi ako mapakali dahil wala akong yakap na unan kaya naman lumapit ulit ako kay Taehyung para sana kunin ang isa pang unan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Akala ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa bigla nalang siyang humahawak sa kamay, inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago ako kinuha ang isang unan ng bigla niya akong tawagin sa hindi ko naman pangalan.
"Tif... fy..."
Napatingin ako sa kanya bago ako umupo sa kama at sinalat noo niya, okay naman ang temperature niya pero bakit nag-hahallucinate na siya?
"Gusto mo talaga si Tiffy no?" Hindi ko alam pero bigla iyong lumabas sa bibig ko.
"Sobra." Aniya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya sa akin, alam naman pala niya na hindi ako si Tiffy eh, bakit bigla niyang sinabi yung pangalan ni Tiffy?
Aalis na sana ako ng bigla na naman niyang hinawakan ang wrist ko, wala na ba siyang ibang pwedeng gawin bukod sa pag-hawak sa wrist ko at sa pagsira ng araw ko?!
"Mahal mo talaga si Jimin no?"
Nabigla ako sa tanong niya sa akin, hindi agad akong nakasagot dahil nagtataka ako kung papaano niya nalaman iyon? Napabuntong hininga nalang ako bago ko inalis ng dahan-dahan ang pagkakahawak niya sa wrist ko.
"Sobra." Sagot ko sa kanya.
Kusa na siyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa wrist ko kaya naman madali ko ng nakuha ang unan at bumalik na ako sa sofa para makapwesto ako. Gusto ko sanang matulog sa kama ko pero hiyang-hiya naman ako sa kanya eh. Insert sarcastic here.
Panay ang tingin ko sa kanya habang nakapwesto ako sa sofa hanggang sa naramdaman ko na ang pagbigat ng mata ko.
Nagising akong nakahiga sa kama kaya naman agad akong napabangon, kinapa ko agad ang damit ko para makasiguradong walang nawawalang saplot sa akin bago ako napantingin sa hinihigaan ko.
Papaano ko napunta dito?! Ang alam ko ay sa sofa ako natulog!
Agad akong bumangon para hanapin si Taehyung pero wala na siya sa buong apartment ko, maliit lang naman ito at isang tinginan mo lang ay kita mo na ang kabuoan pero wala talaga siya dito, naghanap ako sa mga pader baka may iniwan siyang notes pero wala din.
Ganoon nalang yun?! Wala man lang thank you?! Hindi pa nga nya nababayaran yung nagastos kong pera sa taxi eh!
Patay sa akin ang isang yun kapag nakita ko ulit siya! Pagbabayarin ko talaga siya!
Pagbabayarin ko siya ng nagastos ko sa kanya.
Nagising ako dahil sa ingay ng pagbukas ng pinto, napatingin ako sa katabi kong mahimbing pa rin na natutulog pero napabalik din agad ang tingin ko sa nagbukas ng pinto.
Nakita ko si Jungkook na nakatingin sa amin, napakusot ako ng mata ko, bakit nandito na naman 'to?
Maingat akong bumangon para hindi magising si Suga sa pagtulog niya, mahirap na baka mamura pa ako. Nilagpasan ko si Jungkook at sinundan niya lang ako ng tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ihahatid ko lang 'to." Inabot niya sa akin ang mga plastic bags, naubos ba agad ni Suga yung groceries na hinatid ni Jungkook noong nakaraan?
Napatingin ako sa mga basag na bote na nakakalat sa sahig. Kinuha ko ang walis at dustpan at inabot ko kay Jungkook iyon.
"Tulungan mo kong maglinis." Sabi ko.
Tumango lang sa akin bago niya kinuha iyon at nagsimula na siyang walisin ang mga nakakalat na bote sa sahig, ako naman ay isa-isa kong pinulot ang mga malalaking tipak ng bote sa isang plastic.
"Bakit ba ganto kakalat dito?" Tanong niya sa akin.
"Naglasing 'yang magaling mong pinsan." Sabi ko sa kanya.
Napatigil siya sa pagwawalis at napatingin sa akin, tiningnan ko siya pabalik dahil mukhang may iniisip siyang kakaiba.
"Hoy! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Baka sapakin kita diyan."
Nagkibit balikat nalang siya bago niya tinapos ang pagwawalis niya. Inayos ko naman ang ibang mga gamit na nabuwal dahil siguro ay mga hinawi 'to ni Suga kagabi.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya sa akin ng malapit na kaming matapos.
"Tinawagan ako ni Suga." Plain na sagot ko.
"Dito ka natulog?" Tanong niya, tumango ako dahil obvious naman di ba?
Saglit kaming natahimik na dalawa bago niya binalik ang walis at duspan sa dati nitong pwesto.
"Di ka man lang magpapaliwanag?"
Napatigil ako sa pag-aayos ng sofa dahil sa tanong niya, napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin.
"Bakit ako magpapaliwanag? Nakita mo kami di ba? Nandoon ako sa kwarto niya, nakahiga ako sa tabi niya. Ano pang ipapaliwanag ko eh nakita mo naman kami?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, hindi ko mapaliwanag pero may mali sa ekspresyon niya, siguro iyon ay dahil hindi ko pa siya nakikitang nagkaganyan.
Nakarinig kami ng kalabog sa kwarto kaya napatingin kami ng sabay doon, biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Suga na parang gulong-gulo pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay bigla siyang kumalma at napangiti.
Pero ng mapatingin siya kay Jungkook ay nawala ang ngiti niya at napalitan ng usual niyang mukha na nakapoker face lang.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Suga.
"Hinatid ko lang yung groceries mo, alam ko namang di ka bibili hangga't hindi pinapadala ni Tita." Sabi ni Jungkook bago niya tinuro ang mga plastic bags.
"Sige, mauna na ko." Aniya bago lumabas ng condo ng walang imik, pare-pareho kaming tahimik hanggang sa tuluyang lumabas na si Jungkook.
"Anong pinag-usapan nyo?" Tanong agad sa akin ni Suga.
"Wala." Tipid na sagot ko.
"Imposibleng wala, ano nga yung pinag-usapan nyo." Lumapit siya sa akin kaya naman umalis ako at dumiretso sa kusina para kunin yung groceries. Bakit ba interesado siya sa pinag-usapan namin.
"Wala yun! Tinanong niya lang ako kung bakit ako nandito." Sabi ko bago ko hinalungkat ang mga laman refrigerator niya.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya habang patuloy lang ako sa paghahanap ng pwede kong lutuin sa refrigerator niya.
Lumapit din siya sa refrigerator at inilabas ang isang naka-pack na tosino, yun lang yung gusto nyang kainin?
"Anong sinagot mo sa tanong niya?" Tanong niya sa akin habang busy ako sa pagkuha ng frying pan at iba pang gagamitin ko.
"Bakit ba interesado ka?" Tanong ko.
"Bakit ba ayaw mong sabihin?" Tanong niya.
Napabuntong hininga nalang ako bago ko siya hinarap ulit.
"Sinabi ko na wala naman akong dapat ipaliwanag kasi nakita naman niya tayo na natutulog sa kwarto mo." Sabi ko sa kanya.
Napangiti siya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko, nakakainis yung ganoong ngiti niya, yung kita na yung kabuoan ng gilagid niya.
Hindi ko pinansin yung ngiti niya at pinagpatuloy ko nalang yung pagluluto ko hanggang sa naramdaman ko kamay niyang humawak sa baywang ko hanggang sa maramdaman ko na din yung dibdib niya sa likod ko.
Napatigil ako sa pagluluto ko dahil sa pagyakap niya sa akin pero mas pinili kong ipagpatuloy nalang ang ginagawa kong pagluto dahil baka masunog 'to kapag pinansin ko siya.
"Salamat." Bulong niya sa akin.
Hindi ulit ako kumibo hanggang sa humigpit yung yakap niya sa akin.
"Hindi mo ko iniwan." Binaon niya yung mukha niya sa likod ko.
"Eh hindi mo naman kasi ako papayagan na umalis." Sabat ko bigla.
I heard his chuckle on my back, nakakainis! Natutuwa ba siya na wala akong magawa kagabi kundi manatili sa tabi niya? Ganoon?!
"About nga pala kay Jungkook..." Napatigil ako ng banggitin niya ang pangalan na yun.
"Suga, wala kang alam sa amin ni Jungkook."
"Oo na, wala na kong alam." Nahimigan ko yung pagkapikon sa boses niya kaya naman hinarap ko siya, ngayon ay paharap na siyang nakayakap sa akin.
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata at ganoon din naman siya sa akin.
"Naging kami ni Jungkook ng wala pang isang linggo, tinigilan din namin agad yun dahil alam mo naman di ba? Mali yun, at isa pa. Sinabi ko na rin sa kanya na kaya lang naman ako na-attached sa kanya dahil naalala ko sa kanya yung kapatid ko na namatay na dapat ay ka-edad niya na ngayon. Ganoon din naman siya sa akin dahil di ba iniwan siya ng mommy niya noong bata siya."
Nakatingin lang siya sa mata ko habang nagpapaliwanag ako sa kanya, hindi man lang siya kumibo o ano dahil diretso lang ang tingin niya sa akin.
"Naintindihan mo ba ha? Walang kami, nanatili lang talaga kaming close dahil sa akin lang naman siya sanay, hindi siya sanay sa ibang babae dahil natraumatize siya sa mommy niya di ba?"
"Bakit mo pinapaliwanag sa akin yan?"
Nablangko ako sa tanong niya, bakit nga ba? Akala ko kasi gusto niyang malaman yun eh.
Nang maka-amoy ako ng nasusunog ay haharap na sana ako para isarado yung kalan ng ibinalik niya ako sa pwesto ko at siya nalang ang nagpatay noon. Nanatili akong nakaharap sa kanya at ganoon din naman siya.
"Ano na?" Tanong niya sa akin.
Anong ano na? Anong ibig niyang sabihin doon? Diretso lang ang tingin niya sa akin kaya napapaiwas ako ng tingin, hindi ako makatingin sa kanya pabalik.
"Eh papaano naman yung fiance mo?" Napatingin akong bigla sa kanya dahil sa tanong niya. Tinaas niya ang kilay niya sa akin na para bang hinahamon niya akong magsalita about doon.
Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya bago ko sinukbit ang kamay ko sa leeg niya. Nakita kong bahagya siyang natigilan sa ginawa ko kaya napangiti ako.
"Ano sa tingin mo yung magandang gawin?" Tanong ko sa kanya.
Diretso siyang nakatingin sa akin bago napatagilid ang ulo niya na para bang tinatantsa ang reaksyon ko.
"Dump him."
Napangiti ako sa sinabi niya, sabi ko na nga ba iyon ang sasabihin niya. Binatukan ko siya bago ako kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.
"Kumain ka na at papasok ka pa." Sabi ko bago ko nag-hain at hindi na ulit muling tumingin sa kanya.
Pagkapasok ko palang sa classroom ay agad ng hinanap ng mata ko si Taehyung, nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya habang kumakain ng lollipop at nakikinig ng music sa headset niya.
Agad akong lumapit sa kanya at inilapag ko ang isang papel sa table ni Taehyung, napatingin siya doon bago niya ako bored na tinapunan ng tingin.
"Utang mo sa akin." Sabi ko sa kanya bago ako nagcross arms.
Dinampot niya iyon at tiningnan bago pinakita pabalik sa akin.
"Pano naging listahan ng utang 'to, eh mapa yata 'to." Aniya.
"Exactly! Nakita mo yung may mga linyang itim iyan? Iyon yung mga dinaanan natin dahil ayaw mong sabihin kung saan ka nakatira, nakailang liko tayo kaya naman naging triple ang pamasahe natin."
Nakatingin lang siya sa akin, napairap ako sa kawalan bago ko kinuha ang isa pang papel sa bulsa ko at inilapag ko ulit ko ng panibagong papel sa table niya.
"Eto naman yung computation ko, nandyan na din yung total ng utang mo."
Tiningnan niya lang iyon saglit bago dumukot na ng pera sa wallet niya at inabot sa akin na para bang boss siya at inaabutan nya lang ng pera ang alipin niya.
Umirap nalang ako bago ko kinuha ang pera sa kanya at binilang iyon, napatigil ako ng mapansin kong may mali kaya binilang ko ulit.
"Kulang pa ng twenty eight pesos" Inilahad ko ang amay ko sa kanya
Napairap siya bago dumukot ulit ng pera at dalawang daang buo ang inabot niya sa akin.
"Wala akong isusukli dyan." Sabi ko agad.
"Keep the change." Malamig na sabi niya sa akin, nagkibit balikat nalang ako bago ko pinasok iyon sa wallet ko.
"Okay." Sabi ko bago ako nag-cross arms ulit.
"Anong pang hinihintay mo dito? Umalis ka na sa harap ko." Aniya.
I rolled my eyes again bago ko nanatili sa pwesto ko.
"Hindi ka magtethank you sa akin?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong sarcastic siyang natawa sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
"Magkano pa ba yung gusto mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ako humihingi ng pera, thank you ang kaylangan ko." Sabi ko sa kanya.
"Binigyan na kita ng pera, ano pa bang gusto mo?"
"Thank you! Di ka ba marunong magsalita ng thank you ha? Simpleng thank you lang para sa ginawa ko sa'yo kagabi hindi mo pa magawa? Alam mo ba kung gaano kasakit yung katawan ko ha? Tapos pag gising wala ka na sa apartment!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano pa bang gusto mo ha? Hintayin pa kitang magising para sabihin sa'yo na thank you kagabi?" Napatayo siya kaya napaurong ako dahil kahit matangkad ako ay mas matangkad pa rin siya sa akin.
"Oo! Hindi yung ganoong pag gising ko palang wala ka na sa apartment! Iniwan mo ko sa kama at bigla ka nalang umalis!"
Natahimik ang lahat kaya naman nakaramdaman ako ng awkwardness bago ko marealize na may mali sa sinabi ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin sa aming dalawa, nang tumama ang paningin ko kay Jimin ay parang nahiya akong bigla sa mga sinabi ko.
Baka kung ano isipin nila?!
Napatingin ako kay Taehyung na ngayon ay nakangisi sa akin bago niya biglang ginulo ang buhok ko.
"Thank you kagabi." Sabay kindat niya sa akin.
Naramdaman ko ang pag-akyatan ng dugo ko sa mukha ko, what the hell! Agad ko siyang sinapak sa tyan niya dahil sa ginawa niya, narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko kaya mas lalo akong nainis.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko, I almost trip because of that sudden grabbing of hands. Seriously why?
Tiningnan ko lang si Jimin habang hinihila niya ako papalabas ng classroom, hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa bigla niya akong hinila papasok sa isang classroom na walang katao-tao bago niya ako tinulak sa pader.
Napapikit ako at halos mapasigaw sa sakit dahil sa pagtama ng aking likod. Before I open my eyes ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. My eyes widened when I felt his tongue trying to get inside of my mouth. Damn it.
Sinubukan ko siyang itulak sa papalayo sa akin pero mas malakas siya sa akin kaya di man lang siya na-aalis sa pwesto niya. Habang hinahampas ko yung dibdib niya ay naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko.
This is not the Jimin I used to love.
Nang ma-ipon ko ang lahat ng lakas ko ay naitulak ko na siya papalayo sa akin bago ko siya sampalin ng malakas.
Hinahabol ko ang paghinga ko habang tinitignan ko siyang hindi man lang kumibo pagkatapos ko siyang sampalin, he stayed looking at his left.
"You ruined everything, I thought my first kiss to you would be as romantic as fuck."
Naramdaman ko ang panginginig ng luha ko and for unknown reason ay naramdaman ko ng bumagsak iyon.
I can't remember when is the last time I cried. But I cried because of him now. It's always him. Damn you Jimin. I thought I will be tearless forever.
Napasinghap ako hanggang sa napatingin siya sa akin ng marealize niyang umiiyak ako. He looked at me with his concern look. Yan! Iyan yung Jimin na minahal ko at hindi iyong Jimin kanina.
"I-I'm s-sorry, I'm Sorry Djermayne, I'm sorry, sorry, sorry, sorry, I'm sorry. Please don't be mad at me, I'm sorry, I didn't mean to do that. I'm sorry. I'm really sorry, please. Don't--"
"Don't touch me" Sabi ko habang umiiwas ako sa paghawak niya sa akin.
Napatigil siya sa pangungilit niya, he looks at me with his teary eyes before his fingers run through his hair. He keeps on swearing habang sinasabunutan niya ang sarili niya.
Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang tinitingnan siyang nahihirapan. I know what he did is wrong but... What's wrong to me?! I can't stand watching him suffering.
Bumagsak ang luha sa mata ko, I don't know how to stop my tears now. Napahikbi ako kaya naman napatingin siya sa akin. He suddenly pulled me to his chest and hug me.
He's still the sweet Chimchim I know.
"I'm sorry, i'm sorry Djermayne. I love you, you know that, right? I loved you and I always love you. I-I was just j-jealous because of Taehyung, I mean he's not even your boyfriend but-- shit!"
"Calm down Jimin, calm down." Sabi ko habang tinatapik ko ang likod niya.
"I'm sorry. I don't have a plan to rape you seriously, I just want to kiss you. Don't freak out okay? Okay?" Para bang hinihintay niya akong sumagot kaya naman tumango nalang ako.
Kumalas siya sa yakap at napatingin siya sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko before he swipe my tears using his thumb.
"Don't cry just because of asshole like me." Aniya.
I weakly smiled at him, he does the same thing to me bago bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya naman kumalabog bigla yung dibdib ko.
Oh no you don't-- okay.
I closed my eyes when I know that his lips is already near at my lips. I almost get out of breath when I felt his smooth lips touching my lips.
Naramdaman ko ang pagtingkayad niya para mas tumangkad siya kaysa sa akin. This is awkward position but who cares, as long as Jimin is the one I'm kissing with, then it's fine.
I was smiling in the back of my head. I can't imagine that it would happen in this kind of situation. Automatically, my hand went through his waist while his cupping my face and kissing me--
Oh shit! We're not in a relationship!
Napadilat akong bigla pero imbis na itulak ko si Jimin ay napatingin ako bigla sa gilid ko. Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo doon.
"Kissing inside this school is prohibited. Did you know that?"
Nakita kong nag-igting ang panga ni Jimin bago masamang tinapunan ng tingin si Taehyung.
"At ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ni Jimin sa kanya.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa inyong dalawa niyan?" Tanong niya pabalik kay Jimin.
Nakita kong napakuyom ang kamay ni Jimin habang nakatingin ng masama kay Taehyung, hinawakan ko ang kamay niya para naman hindi niya magawa ang naiisip niya.
Masama ang tingin niya kay Taehyung pero noong humarap na siya sa akin ay naging malumanay iyon.
"The playboy of the month is playing a caring guy now. Wow!" Sarcastic na sabi ni Taehyung, nakita kong mapakuyom ulit ang kamao ni Jimin ng harapin niya si Taehyung.
Within a seconds nakita ko na agad si Jimin na nakalapit kay Taehyung at kinukwelyuhan niya ito.
"Oh shit!" Sabi ko sa sarili ko bago ko sila lapitan at pigilan.
Imbes na samaan siya ng tingin ni Taehyung ay tumawa pa ito kaya mas lalong nainis si Jimin. Damn it.
Halos mapasigaw ako ng makita kong sinuntok ni Jimin si Taehyung sa panga, akala ko ay hindi gaganti si Taehyung pero sinuntok niya pabalik si Jimin.
"Ano ba! Tumigil nga kayong dalawa!" Sigaw ko pero hindi nila ako pinapansin dahil panay lang ang balibagan nila ng suntok sa isa't isa.
Umaawat ako pero wala naman akong nagagawa dahil mas malakas sila kaysa sa akin, nang muntik na akong matamaan ay laking gulat ko ng may humila sa akin papalayo.
Akala ko ay hinila lang ako para hindi ako matamaan pero hindi, dahil hinila na talaga ako papaalis sa lugar na iyon.
"Jungkook saan mo ba ko dadalhin?!" Sigaw ko habang patuloy lang siya sa paghila sa akin.
Muntik na akong mabuwal ng bigla niya akong bitawan.
"I save you. Can't you see?" Tanong niya sa akin.
"Save me?!" I chuckled in sarcastic way.
"Hindi mo ba nakita na nag-aaway yung dalawa? Papaano kung magpatayan yung dalawang yun doon?!" Sigaw ko.
"Edi hayaan mo silang magpatayan, at least wala ka na doon kapag nangyari yung crime scene di ba?"
Seryoso ba siya doon?! Napabuga ako ng hangin sa kawalan bago ako nagtatakbo ulit pabalik doon pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.
"Kapag bumalik ka doon mas lalo ka lang mahihirapan." Seryosong sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin bago ko inalis iyon.
"Mas gugustuhin ko ng mahirapan." Sabi ko bago ako tumakbo pabalik.
At iniwan siyang mag-isa doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top