Chapter 10
Chapter 10: Stay
Napabuga nalang ako sa hangin pagkatapos kong mai-lock ang coffee shop, pinulot ko ang shoulder bag ko na inilapag ko sa sahig noong sinara ko ang pinto.
Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 9 o'clock na ng gabi, malapit-lapit lang naman dito ang apartment ko kaya siguro mas maganda kung maglakad nalang ako, sayang naman ang 20 pesos na ipapamasahe ko pambili ko na din iyon ng lutong ulam para bukas ng umaga.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, ganoon naman siguro talaga kapag mag-isa ka lang, ang dami mong talagang maiisip.
Dumaan ako sa isang kalye na pwedeng maging short cut para mapadali akong makauwi, yun nga lang ay mas madilim dito kaysa sa ibang daanan. Hindi naman ako takot sa multo dahil hindi naman nila ako masasaktan, mas takot pa nga ako sa mga adik sa kanto eh.
Habang naglalakad ako ay itinatali ko ang buhok kong nakalugay bago ko tiningnan ulit kung anong oras na, 9:15 na. So, fifteen minutes na pala akong naglalakad? Ang tagal na din pala.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero napansin kong bumalik ako sa kalsada, anyare?
Namali yata ako ng pinasukang shortcut, napakamot ako sa ulo ko bago ko napatigil ulit sa paglalakad ng biglang may humablot sa kamay ko.
Sasapakin ko na sana iyon ng makita kong pamilyar sa akin ang lalaking nakahawak sa kamay ko, muntik na siyang bumuwal, mabuti nalang at nahawakan ko siya kaya naman hindi siya tuluyang bumagsak.
"Punyeta naman Taehyung!"
Inis na inis ako lalo na ng kumapit siya sa akin kaya naman pati ako ay muntik ng mabuwal mabuti nalang ay nabalanse ko agad. Nang lumapit ang mukha niya sa akin ay naamoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at cologne. And I swear! Hindi siya masarap sa ilong.
"Aish! Umayos ka nga!" Inis ko siyang tinulak sa papalayo sa akin pero muntik na naman siyang mabuwal kaya inalalayan ko siya.
Sa totoo lang pwede namang itulak ko nalang siya at iwan dito pero hindi na ako maabala pero may natitira pa naman akong bait sa katawan at isa pa baka hindi ako patulugin ng konsensya ko.
Ini-akbay ko siya sa akin at pumara ako ng taxi. Sisingilin ko nalang siya bukas sa lahat ng magagastos ko sa kanya.
Tinulungan ako ng driver na isakay si Taehyung sa loob, mukhang lasing na lasing ang isang 'to kaya naman napairap ako sa kawalan. Inayos ko ang shoulder bag ko ng umupo ako sa tabi niya.
"Taehyung saan ka nakatira?" Tanong ko sa kanya.
Nakatingin siya sa labas ng sasakyan na para bang lumilipad na ang utak niya papalayo sa kanya.
"Hoy! Saan ka kako nakatira?!" Malakas na tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin pero mukhang malayo pa rin ang isip niya. Napairap akong bigla dahil sa tingin niya sa akin.
"Sa Mars?" Sabay turo niya sa itaas.
Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang inis ko, sa mars siya nakatira?! May sayad ba yung isang to! Ibang klase pala 'to kapag nalalasing. Hindi ko tuloy alam kung anong pipiliin ko, ang makipag-usap sa hindi lasing na Taehyung o makipag-usap sa lasing na Taehyung.
Pwede bang wag nalang mamili at sana wag ko nalang siyang makausap ulit?!
"I mean saan dito sa earth?"
Pinagdiinan ko pa ang salitang 'earth' dahil baka magbigay siya ng address pero sa mars pala yung ibinigay niya.
"Sa Lupa?"
What the ef?! Syempre sa lupa siya nakatira! Alangan namang lumulutang yung bahay niya o kaya naman nasa ilalim ng tubig yung bahay niya?!
Huminga ako ng malalim para maikalma ko ang sarili ko, baka kapag hindi ko kinalma ang sarili ko ay masapak ko nalang siya bigla at sipain papalabas ng taxi.
"Saan dito sa lupa?" Kalmadong tanong ko.
Nakita kong bahagya siyang nag-isip bago sumagot.
"Sa bahay namin?"
Oh thank God! Akala ko ay kalokohan na naman ang sasabihin niya.
"Saan yung bahay nyo?"
"Uhm..." Napalapit ako sa kanya para hintayin ang sasabihin niya. Napakunot ang noo ko ng bigla siyang ngumiti at napakamot sa batok niya.
"Nasa lupa."
Bigla akong napanganga dahil sa sinabi niya, napapaypay ako sa sarili ko para pigilan ang pagtaas ng blood pressure ko. Wala ba siyang matinong sasabihin ha?!
"Manong paki liko nalang po 'tong taxi, sa kabilang daan nalang po tayo." Sabi ko at tumango namana ang driver bago niliko ang taxi.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
"I-uuwi kita." Sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"I-uuwi mo ako?" Tanong niya sa akin.
"Oo! Sa apartment ko! Doon ka nalang muna matulog kasi kung hindi-- naku Taehyung! Mapapatay kita!"
Inis na sabi ko bago ko siya tinulak papalayo sa akin, nakakainis! Naiinis talaga ako! Ang lakas niyang makabadtrip!
Nang huminto na ang jeep sa harap ng apartment na inuupahan ko ay tinulungan ako ng driver na i-akbay sa akin si Taehyung, habang nagbabayad ako ay halos manlumo ako dahil ang laki ng nagastos ko pamasahe palang.
Pahirapan akong ipinanik siya dahil sa may fifth floor pa ang apartment ko, ilang beses na kaming muntik mahulog sa hagdan, malamang bukas ay puro pasa na ako sa katawan.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tinutulungan ko pa siya kahit masama ang loob ko sa kanya.
Pahirapan akong buksan ang apartment ko dahil hindi ko maipasok ng ayos yung susi sa door knob dahil bumabagsak ng tuluyan 'tong si Taehyung.
Nang mabuksan ko ang pintuan ay halos pahila ko nalang siyang pinasok sa loob, kung hindi lang lasing to ay baka naisip kong minamanyak na ako nito dahil dikit na dikit ang katawan niya sa akin.
Muntik pa kaming bumagsak mabuti nalang ay nakasarado na ang pinto kaya naman doon lang ako tumama habang nakahalos yakap na siya sa akin. Sa sobrang inis ko ay tinulak ko siya, wala na akong pake kung lasing siya o ano! Muntik na akong mapipi dahil naipit ako sa pagitan niya at ng pinto!
Bumagsak siya sa sahig pero parang wala lang sa kanya iyon, napakamot ako sa ulo ko bago ko siya hinila papunta sa sofa at isinubsob ko nalang siya doon.
Anong gagawin ko sa isang 'to?!
Kung tawagan ko kay si Rigelle? Hindi! Hindi pwede baka kung anong isipin niya! Si Jin kaya? Hindi rin pwede dahil baka idemanda pa niya 'tong si Taehyung, kung si Tiffy kaya? Oo tama! Si Tiffy!
Pero wala akong number ni Tiffy...
Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa sobrang inis ko!
"Ano bang gagawin ko sa'yong bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya bago ko siya sipain sa binti. Oo sinipa ko siya! Para naman makabawi ako sa lahat ng ginawa niya sa akin.
Sinamantala ko na yung pagkakataon dahil lasing naman siya.
"Bwisit! Bwisit ka talaga!" Sigaw ko sa kanya habang inaayos ko ang pagkakahiga niya sa sofa.
Pero nahulog lang siya doon, napasigaw nalang ako at napapadyak sa sobrang inis ko. Naiirita na talaga ako pero wala akong mapaglabasan ng inis ko.
"D-Djermayne..."
Natigilan ako at napatingin sa kanya, kilala pala niya ako? Aba'y syempre! Ikaw yata ang paboritong inisin niyan!
"Oh bakit?!" Sigaw ko.
"N-Na... Nasusuka ako..."
Napanganga ako ng makita kong muntik na siyang maduwal, nataranta akong bigla.
"Teka! Wag kang susuka diyan!" Sabi ko bago ko siya hinila at inakbay ulit sa akin, dinala ko siya banyo at itinapat ko siya sa toilet.
Napasalpak nalang siya banyo sumuka siya doon sa bowl, napahawak ako sa noo ko habang pinapanuod ko siyang halos isuka na yata nag lahat ng kinain niya.
Sa dami-dami ng taong makakakita sa kanya ng lasing siya ay bakit ako pa?!
Pero di kaya... di kaya sinasadya niya akong hanapin?
Teka! Bakit naman niya ako hahanapin? Baka nagkataon lang talaga na nakita niya akong naglalakad.
"Ano? Tapos ka ng sumuka?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin at napairap nalang ako dahil humiga na sya ng tuluyan dito sa C.R.
Alam mo yung pakiramdam na ako na ang nandidiri para sa kanya?! Binuhusan ko yung suka niya para ma-flush, pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya ko at pinunasan ko ang bibig niya.
Jusko! Dapat niya akong bayaran dahil sa pag-aalaga ko sa kanya!
Hinawi ko ang buhok niya dahil pawis na pawis siya bago ko siya inakbay ulit sa akin, dadalhin ko sana siya sa sofa pero naisip ko na mahuhulog lang siya doon kaya naman idinala ko na siya sa kama ko na malapit lang naman din sa sofa dahil hindi naman nakahiwalay ang kwarto ko sa sala.
Napahawak ako sa noo ko bago ko inayos ang pagkakahiga niya.
"Bakit ka ba naman kasi uminom kung di mo naman pala kaya!" Inis na sabi ko kahit alam kong hindi niy ako sasagutin ng matino.
"J-Jin..."
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya naman lumapit ako sa kanya at umupo ako sa kama.
"Anong sabi mo? Gin? Gin yung ininom mo?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya.
"Si Jin! K-Kasama ko si Jin."
Bigla akong nagloading doon hanggang sa marealize kong si Kuya ang kasama niyang uminom! Shit!
"Bakit kayo uminom?! Nasan siya?!" Inis na tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya sa akin kaya mas lalo akong nataranta.
Naalala kong magkapartner nga pala sila sa school project! Baka imbes na gumawa sila ng project ay gumimik nalang silang dalawa, hay nako!
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya pero cannot be reach, kanina pa ako paikot-ikot sa sala habang pinipilit kong tawagan si Jin pero wala talagang sumasagot.
Si Rigelle kaya tawagan ko? Total stalker naman siya eh!
Agad kong dinial ang number niya at wala pang isang ring ay sinagot na niya agad ang tawag ko.
"Nasan ka?!" Bungad ko sa kanya.
"Alam mo kung nasan ako ha?! Kasamahan ko lang naman yung magaling mong kapatid na lasing na lasing!"
Bigla akong napangiti dahil sa sinabi niya, wow! Sa tingin ko ay approve na siya sa akin ngayon bilang sister-in-law ko.
"Thank God!-- teka! Baka naman gahasain mo yang si Jin! Mahabag ka Rigelle!"
"Oo syem-- ANO?! Ganyan na ba ang tingin mo sa akin ha?! Alam mo bang hirap na hirap na akong magmove on tapos biglang eeksena ng ganto yung magaling mong kapatid! Akala mo ba natutuwa pa ako Djermayne ha?!" Sigaw niya sa akin.
Natawa nalang ako dahil mukhang naiirita na rin siya kagaya ko.
"Djermayne!"
Nawala bigla ang ngiti ko ng marinig kong tawagin akong ni Taehyung, sumenyas ako sa kanya na tumahimik siya pero mukhang hindi siya nakakaintindi.
He keeps on groaning kaya naman bahagya akong lumayo sa kanya para hindi iyon marinig sa kabilang linya.
"Sino yun?" Tanong sa akin ni Rigelle.
"Wala! Pinsan ko lang--"
"Don't me! Wala kayong pinsan Djermayne!"
"I mean pinsan ng kapitbahay ko! Patapusin mo muna kasi ako."
"Sino ba yan! Tara na dito Djermayne! Nasusuka ulit ako!" Sigaw ni Taehyung. Napapikit ako ng mariin dahil ngayon ay tama ang hinala ko. Nasa tamang pag-iisip pa 'tong si Taehyung! Kasi nananadya eh!
"OMG! Is that Taehyung?!" Sigaw ni Rigelle sa kabilang linya.
"Are you talking with other guy huh?!" Narinig kong boses ni Kuya sa kabilang linya, napangiti ako dahil iniligtas niya ako sa maraming tanong ni Rigelle.
"What? No! I am talking to your sister!" Ani Rigelle.
Pinatay ko na ang tawag dahil ayoko ng maka-istorbo sa kanilang dalawa, kunwari pa sila eh bukas makalawa niyan mabalitaan ko nalang na may pamangkin na pala ako.
Nang tingnan ko yung Taehyung na 'to ay sinugod ko agad siya para paghahampasin ng unan.
"Bwisit ka talaga!" Sabi ko sa kanya bago ko siya inirapan.
16 missed calls from +639********
Napatulala ako ng makita ko ang napakaraming missed call mula hindi ko alam na number.
Tinawagan ko ang number na iyon dahil sa hindi ko malaman kung bakit naman siya magmimissed call ng ganoon karami.
"Hello?" Bungad ko agad ng sagutin iyon ng may-ari.
"Gelle?" Napakunot ang noo ko ng marealize kong boses ni Jin iyon, alam kong boses niya iyon, kahit nga yata paghinga niya ay malalaman ko agad na siya yun eh.
"Bakit?" Mataray na tanong ko.
Pero walang effect yung pagtataray ko dahil pinatayan niya lang ako ng tawag, nakakainis! Minsan ko na nga lang siya tarayan ay gaganyanin pa niya ako.
Bigla akong napakunot ng makita kong may nareceive akong text mula sa parehong number.
From: +639*********
Southern Park, jakuga ja nalaour sa oybi ng barra okwasw
What the cheesecake?! Anong klaseng salita to?! Souther park lang ang naintindihan ko.
Sinubukan kong intindihin ang nakasulat, sinubukan ko pa ngang baliktarin ang cellphone ko dahil baka may hidden meaning iyon pero wala naman, napakamot ako sa ulo ko habang nakatitig ako ng marealize ko kung ano iyon.
Southern Park, kaliwa ka malapit sa puno ng narra please.
Okay! Park Rigelle Genius talaga ko.
Pero bakit kaylangan ko pang mag-isip ng ganoon? Nagpapractice na ba siya para sa house of cards? Kainis naman.
Tinitigan ko ang cellphone ko bago ako nag-isip, anong gagawin ko sa text na 'to? Pupuntahan ko ba yun?
Nagbalik-balik ako sa buong bahay namin bago ko napag-desisyonan na pumunta sa lugar na iyon, wala namang masama kung pupunta ako di ba? Wala naman sigurong mangyayaring masama.
Nagpahatid ako hanggang sa lugar na tinext sa akin, pinauna ko ng bumalik yung driver namin bago ko pinuntahan yung pakaliwa malapit sa puno ng narra at...
"Oh my god! Jin!" Sigaw ko bago ako nagmamadaling pumunta kay Jin na nakahandusay lang sa kalsada.
Nakita kong maraming nakatingin sa kanya kaya naman napakamot ako sa ulo ko habang pinipilit ko siyang tumayo. Ano ba 'tong ginagawa ni Jin? Sigurado ba kayong eto yung taong kinababaliwan ko?
"Jin tumayo ka na diyan!" Sabi ko habang hinihila ko siya papatayo, nang mahila ko na siya ay muntik na siyang mabuwal pero yumakap siya sa akin kaya imbis na mainis ako ay napangiti ako.
"Sa dami ng taong pwede mong contact-in bakit ako pa?"
Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot, pinagpagan ko ang damit niyang madumi dahil sa paghiga niya sa kalsada.
"Gelle." Humarap siya sa akin kaya naman napangiti ako dahil halos magkadikit na ang mukha namin.
"You know what? Huh Park Rigelle?! You are the most insensitive person I've ever met! Like ever! Ever in my life! Ever!" Sabi niya ng paulit-ulit sa akin.
Tumango nalang ako sa mga sinasabi niya, panay ang paliwanag niya sa akin na napaka-insensitive ko hanggang sa makarating na kami sa may sakayan.
"You are not listening to me! I am older than you Park Rigelle! Listen to me!"
Tumango nalang ulit ako, kasi medyo naiinis na ako dahil insensitive daw ako samantalang siya nga ang napaka-insensitive eh!
"Iuuwi na kita sa inyo." Sabi ko sa kanya bago ko siya ipinasok sa taxi.
"Hindi mo alam yung bahay ko." Sabi niya sa akin. Napanguso ako sa sinabi niya, papaano ko hindi malalaman eh lagi akong dumadaan sa tapat ng bahay nila dati para lang tingnan siya?
"Alam ko!" Sabi ko bago ko sinabi sa taxi driver ang direksyon papunta sa bahay nila.
Habang nasa byahe kami ay tumawag pa si Djermayne sa akin pero nainis ako ni Jin kaya naman panay ang sabi ko sa kanya na tigilan na niya yung pag-iinarte niya, kahit crush na crush ko siya ay naiinis ako sa ginawa niyang pag-inom. Papaano kung walang nakakita sa kanya doon?! Papaano kung may mangrape sa kanya doon?! Papaano kung kunin nila ang lamang loob niya?!
Nakakainis siya! Pero dahil ang gwapo niya hindi na ako maiinis sa kanya.
Pinagmasdan ko siyang nakatingin sa bintana, panay ang bulong niya ng kung ano-ano pero hindi ko naman naiintindihan ang mga sinasabi niya.
"Kim Namjoon!" Napangiwi ako dahil bigla siyang sumigaw.
Bakit niya sinigaw ang pangalan ng kaklase namin?
"Papatayin kita Kim Namjoon! Papatayin talaga kita!" Sigaw niya pa lalo. Nakita kong napapatingin ang driver sa kanya kaya naman napapakamot nalang ako sa ulo ko.
"Kim Namjoon..." Sabi niya pa bago siya mapapikit at mapasandal nalang.
Bigla akong nanlumo ng maalala ko yung sinabi niya sa akin noong nakaraan, hindi kaya si Namjoon ang dahilan? Bigla akong nainis dahil doon kaya naman hinampas ko siya ng malakas sa braso niya, napa-inda siya sa ginawa ko pero hindi siya gumanti.
Buong byahe yata akong badtrip hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay niya, nagbayad ako sa taxi driver bago ko inalalayan si Jin papalapit sa gate nila.
Naka-akbay sa akin si Jin habang nagdodoorbell ako, ngawit na ngawit na ang balikat ko, sa laki ba naman niyang iyan at ang liit ko lang kumpara sa kanya.
Nang magsilapitan ang mga maid ay nakita kong gulat silang nakatingin kay Jin bago nila tinawag ang ilang mga guard para tulungan si Jin makapasok sa loob.
"Miss, salamat sa pagdala dito sa kanya. Girlfriend ka po ba ni Sir?" Tanong sa akin ng isang maid.
Napangiti ako ng awkward dahil sa tanong niya, kung pwede lang eh. Kaso boyfriend hanap ng amo niyo eh.
Nakita kong siniko siya ng kasamahan niyang kasambahay din nila Jin kaya naman awkward siyang natawa.
"Sige po ma'am! Pasok muna po kayo, pasensya na kayo at madaldal 'tong isang 'to eh."
"Hindi, ayos lang. Hindi na ako papasok sa loob, gabi na kasi." Sabi ko bago ko bahagyang yumuko sa kanila at umalis na para makasakay ulit sa panibagong taxi pauwi.
After I heard the slurring words coming from Yoongi, I immediately go in his freaking condo. Hindi ako mapakali habang nasa elevator ako papanik sa kanyang condo unit.
Nang makarating ako sa tapat noon ay agad akong doorbell pero walang nagbubukas, lumapit ako sa tapat ng pinlock at nag-isip ng pwedeng ilagay niya. Sinubukan ko na lahat, yung birthday niya, birthday ng aso niya, ng pusa niya, ng kapitbahay niya, pati birthday ko ay sinubukan ko na din hanggang sa tinamad na akong manghula at sinubukan ko nalang ang anim na zero at alam nyo bang tama iyon?!
Halos mapamura ako ng bumukas ang pinto, pagpasok ko palang ay may nakita na agad akong basag na bote malapit sa pinto. Narinig ko ang malakas na sigaw niya mula sa loob, ini-lock ko ang pinto niya bago ako nagtatakbo papunta sa kanya.
Pilit kong iniwasan lahat ng madadaanan kong basag na bote, kunot noo ko siyang nilapitan pero ng humarap siya sa akin at tumama ang mata niya sa mata ko ay nawala bigla ang pagkakunot ng noo ko.
"Yoongi-ah."
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at naglakad siya kahit gegewang-gewang na siya. Pero sa takot kong maka-apak siya ng basag na bote ay itinulak ko siya papaupo sa sofa.
Alam naman niyang nag-wawala siya kapag nalalasing pero bakit naglalasing pa rin siya?!
Akala ko ay magwawala ulit siya pero nakayuko lang siya habang nakaupo sa sofa. Without any word ay agad ko siyang nilapitan, I pulled his head to my chest and hug him. My position is inaccurate kaya naman napaupo ako sa lap niya pero nanatili akong nakayakap.
Automatically, he wrapped his arms in my waist. We stayed in that position for awhile, habang tumatagal ay mas lalo akong na-awkwardan sa pwesto namin. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman bahagya akong lumuwag ng yakap sa kanya.
Pakiramdam ko ay hiyang-hiya na ako dahil sa pwesto namin, umurong ako ng konti pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya kaya nababalik ako sa pwesto namin kanina.
"Suga, bitawan mo na ko." Awkward na sabi ko.
Umiling siya sa akin kahit nakayakap pa rin siya, gusto kong tingnan ang reaksyon niya pero nakadukdok pa rin ang mukha niya sa dibdib ko. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya at naghintay nalang ako ng ilang saglit hanggang sa kumalma na siya.
Wala akong magawa kaya naman napagdikitahan ko ang buhok niya at pinaglaruan ko nalang iyon habang hinihintay ko siyang sumuko sa pwesto naming dalawa pero mukhang wala siyang balak sumuko kaya naman umayos nalang ako ng pwesto at hihintayin ko nalang siguro siyang makatulog bago ako umalis.
Nang maramdaman kong okay na siya ay bahagya akong lumuwag, akala ko ay tulog na siya pero gising pa pala siya dahil nagtama ang paningin naming dalawa. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil nakakalula yung tingin niya.
Bigla niya akong hinila ulit papalapit sa kanya para yakapin niya ulit kaya mas lalo akong na-awkwardan dahil sa ginagawa niya.
"Stay here." Bulong niya.
Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi, kasi hindi ko alam kung kaya ko bang manatili dito.
"Wag mo kong iwan dito mag-isa." Dagdag pa niya.
Napalunok ako habang hinihintay ko pa ang susunod niyang sasabihin pero mukhang wala na siyang ibang sasabihin kaya naman tumango nalang ako as response kahit hindi ko alam kung malalaman ba niyang tumango ako o hindi dahil hindi naman siya nakatingin.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.
Napatingin ako sa kwarto niya, kung kumain na siya ay maganda kung matulog nalang siya.
"Matulog ka na." Sabi ko bago ako umalis na sa pwesto namin at hinayaan niya lang ako. Hinila ko siya papasok sa kwarto niya habang iniiwasan ko ang mga basag na bote.
Binuksan ko ang ilaw sa kwarto niya bago ko siya inihiga sa kama niya, aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya bored ko siyang tinapunan ng tingin.
"Wag ka kakong umalis." Sabi niya sa akin.
"Papatayin ko lang yung ilaw." Palusot ko pero ang totoo niyan ay pag nakatulog na siya ay uuwi na ako.
Pinatay ko ang ilaw bago ko lumapit ulit sa kanya para ayusin ang kumot niya pero laking gulat ko ng hilahin niya ako papahiga sa kanya.
"O-Oy! Teka!" Reklamo ko ng bigla niya nalang akong niyakap, tatayo pa sana ako para maka-alis pero panay ang groan niya na para bang nabubuwisit siya sa pagrereklamo ko.
"Hoy tigilan mo ko sa pag-iinarte mo Suga!" Iritadong sabi ko sa kanya at nag-attempt ulit akong umalis ng bigla niyang isinandal sa akin ang hita niya para hindi ako makagalaw.
"Aba't loko ka!" Sigaw ko sa kanya bago ko siya tinulak pero mas malakas siya sa akin kaya hindi ako makaalis sa pagkakayakap niya.
He kept on hushing me to be quiet pero papaano ko titigil kung ayaw niya akong bitawan, kada tinutulak ko siya papalayo ay mas lalo niya akong yinayakap ng mas mahigpit.
Nabuga nalang ako ng hangin mailabas ko lahat ng inis ko sa katawan dahil alam kong hindi niya ako papakawalan.
"Suga bitawan mo muna ako." Bulong ko sa kanya.
"Ayoko, aalis ka, iiwan mo ko." Parang bata niyang sabi sa akin.
To be honest this is the first I saw him being so childish, kung pwede ko lang irecord 'to para kapag hindi na siya lasing ay ipapapanuod ko sa kanya at ipapang-black mail ko.
"Hindi ako aalis! Aayusin ko lang yung kumot natin."
After I said the word 'natin' ay bigla siyang napadilat at napatingin sa akin bago niya ako dahan-dahang binitawan, inayos ko yung kumot naming dalawa bago ako humarap ulit sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at he do the same thing, may unan namin kaming dalawa pero nakaunan pa rin ako sa braso niya habang ang isang kamay naman niya ay nakayakap sa akin at ako naman ay nakasiksik lang dibdib niya.
I can smell the alcohol in his breath sa sobrang lapit naming dalawa, halos magpigil ako ng hininga but I feel comfortable in his arms. Maybe people will call me a cheater after this but... who cares?
Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa kanya, I saw his lips form into a grin kahit nakahit nakapikit siya kaya naman kinurot ko siya sa baywang, natawa siyang bigla pero yinakap niya lang ulit ako papalapit.
Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nakapwesto na ganoon bago ko maramdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top