Chapter 1

Chapter 1: Resign

Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa saradong pintuan ng isang classroom dito.

"Are you okay, Ms. Kim?" Tanong sa akin ni Ms. Deighn, ang adviser sa section na ngayon ay papasukan ko.

Sabay kaming papasok sa classroom dahil transferee lang ako dito sa Converse High. Hindi to tatak ng sapatos or what! Paaralan to.

"I'm okay Ms. Deighn, wala naman akong dahilan para hindi maging okay di ba?" Tanong ko sa kanya.

Napakibit balikat nalang siya bago niya binuksan ang classroom, kahit nakapasok na siya dito ay wala pa ring pumapansin sa kanya.

Nagkalat ang mga lukot na papel sa sahig at gulo-gulo ang upuan. Ang mga lalaki ay nagsisigawan habang ang mga babae naman ay mga kanya-kanyang ginagawa.

Napansin kong kokonti lang ang nandidito sa classroom na ito kumpara sa ibang classroom.

Napakunot ang noo ko dahil wala man lang silang galang kahit na nandito na ang teacher.

Tinamaan ako ng lukot na papel pero hindi ko iyon pinansin, hinawi ko lang ito para maalis sa akin, napatingin ako kay Ms. Deighn na tinamaan ng eraser sa kanyang braso pero hindi niya iyon ininda kahit na naglagyan ng bakas ng chalk ang kanyang itim na top.

Napakuyom ang kamay ko dahil sa inis, magsasalita na sana ako pero biglang binagsak ni Ms. Deighn ang kanyang mga gamit sa lamesa, akala ko ay magsisitigil na sila sa kanilang mga ginagawa pero hindi.

Napatingin ako sa mga estudyante na walang tigil sa kanilang mga ginagawa, may nakita akong isang babaeng nakasalamin na siyang kaisa-isahang nagbibigay ng atensyon sa amin, pero ng makita niyang nakatingin ako sa kanya ay inirapan pa ako.

What the?!

Naghanap pa ako ng iba pang nagbibigay ng atensyon at nakita ko ang isang lalaking may kulay itim na buhok. Bakit ko sinabing itim ang buhok? Kasi sa lahat ng lalaki, siya lang ang itim ang buhok.

She's looking at Ms. Deighn pero wala din naman siyang balak pakinggan ang sasabihin nito.

Napatingin ako kay Ms. Deighn na ngayon ay may sinusulat na sa board pero wala pa rin kahit isang nagbibigay ng pansin.

Pagkatapos niyang magsulat ay wala pa ring nakatingin sa kanya bukod sa dalawa hanggang sa laking gulat ko ng bigla niyang sinipa ang table sa kanyang harapan.

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

Natahimik ang lahat ng estudyanteng naroon, lahat sila ay natahimik na nakatingin kay Ms. Deighn at tila ba gulat sila sa ginawa nito.

"Kapag hindi pa kayo makikinig sa akin ay hindi lang table na to ang sisipain ko!" Pakiramdam ko ay natakot ako sa boses niya kahit na mukhang dalaga palang naman talaga si Ms. Deighn pero hindi mo maipagkakailang nakakatakot pala siya kapag nagtataas ng boses.

Nakita kong parang sarcastic pa nilang tinitingnan si Ms. Deighn pero ngayon ay sa tingin ko nagbibigay na sila ng atensyon.

"Ano gusto nyo unang marinig? Good news o bad news?" Tanong niya.

Nakita kong nagkatinginan ang ilan sa mga lalaki dito sa classroom bago sumagot ang isang nakasalamin.

"Good news." Aniya.

"Okay, may bago kayong kaklase." Ani Ms. Deighn bago tumingin sa akin.

Sabay-sabay napatingin sa akin lahat ng estudyante at nakita kong nagulat ang ilan dito habang ang iba ay tila walang pakialam kung nandito man ako o hindi.

"Good news ba yun? Sa tingin ko ay wala namang good doon." Ani ng isang lalaking may subo-subong lollipop.

"Ms. Kim, Introduce yourself." Tumango ako sa sinabi ni Ms. Deighn.

Pumunta ako sa gitna, sinipa ko ang table para makapwesto ako ng maayos.

"Djermayne Kim." Sabi ko bago ako naghanap ng mauupuan ko at umupo na agad ako doon.

Nasa pagitan ako ng babaeng nakasalamin kanina at ng lalaking kumakain ng lollipop.

"That's it?" Tanong ng isa pa.

Napairap ako sa kawalan dahil narinig ko ang bulungan nila.

"Sorry, I mean that's the bad news for you and this is the good news." May inilabas si Ms. Deighn na isang papel sa amin.

So bad news pala para sa kanila ang magkaroon ng isa pang kaklase?

"Magre-resign na ako."

Isang malaking katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng paaralan na to, maski ako ay nagulat kahit na bago palang ako dito. I mean what the hell right? My first day of school is her last day.

"Gago ka ba?"

Napatingin ako sa isang lalaking nagsalita, he's the one who's paying attention to her earlier, the guy with a pale skin and black hair.

Tiningnan lang siya saglit ni Ms. Deighn pero agad din itong nag-iwas ng tingin.

"Magre-resign na ako dahil magpapakasal na ako--"

"Aba gago ka pala talaga eh!" Dagdag pa nito, napatingin ako ulit sa kanya, napabuga nalang ako ng hangin dahil gustong-gusto ko na talaga siyang sigawan pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong first day of school ko ay makarating na naman ako agad sa guidance.

"Magpapakasal na ako sa isang buwan at balak kong pagtuonan muna ng pansin ang magiging pamilya ko--"

"Ano uunahin mo yung lalaking yun kaysa sa amin? Napakawala mong kwenta!" Sabi pa nito.

Tatayo na sana ako para magsalita sa kanya ng makita kong may tumayo pang isang lalaki na sa tingin ko ay may pagkabata pa.

Lumapit ito sa harapan at hinawi niya ang ilang stands ng buhok ni Ms. Deighn.

Nagsigawan ang mga kaklase ko at nagkantyawan pa ang iba, narinig ko ang bulungan ng mga kaklase kong babae na sinasabing may relasyon daw talaga si Ms. Deighn at yung lalaking may malaking ilong na ito.

Biglang hinawi ni Ms. Deighn ang kamay nito na siyang naging sanhi kung bakit mas lalong lumakas ang kantyawan nila.

"Jungkook, ano ba!" Sigaw ni Ms. Deighn sa lalaki pero hindi nito ininda ang lakas ng sigaw ni Ms. Deighn.

"Iiwan mo kami?" Tanong nito.

Nakita kong hindi nakasagot si Ms. Deighn sa tanong nito pero para akong nawala sa sarili ng makita kong tinulak niya si Ms. Deighn patungo sa blackboard tsaka niya ito kinulong gamit ang isang kamay niya.

Mas lalong nagsigawan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa nito.

"Ano, iiwan mo pa rin kami?" Tanong nito kay Ms. Deighn.

"Jungkook!" Sigaw ng lalaking nagsabing gago daw si Ms. Deighn.

Nakita kong tumayo ito pero hindi na ito nakalapit dahil ako na ang naunang humila sa Jungkook na yun bago ko pinakawalan ang isang malakas na suntok patungo sa panga niya.

Natahimik ang lahat dahil sa ginawa ko, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.

Nanatili siyang nakatingin sa gilid bago niya pinunasan ang dugo sa labi niya at hinarap ako.

Binigyan niya ako ng masamang tingin pero hindi man lang ako kinilabutan sa tingin niya. Anong akala niya sa akin? Matatakot sa ganoon-ganoon lang?

Bigla akong kinuwelyuhan nito pero nakipagpaligsahan lang ako ng titig sa kanya.

I'm Djermayne Kim at hindi ako natatakot sa mga ganyang tingin lang.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na dapat ay sasapakin na ako nito pero bigla iyong napaupo sa sahig ng bigla siyang tinulak ng lalaking kanina ko pa hinihintay na lapitan ako.

"Jeon Jungkook, kapatid ko yang kinuwelyuhan mo." Malamig na sabi ni Jin.

"Djermayne! Long time no see, di agad kita nakilala. Anong cup na yang bra mo? Di na ba yan baby bra?" Napakuyom ang kamao ko ng marinig ko ang isa pang pamilyar na boses na nanggaling sa may gawing likuran.

"Manahimik ka Jimin!" Sigaw ko sa kanya.

Pupuntahan ko sana si Ms. Deighn sa gilid pero nakita kong wala na siya doon, agad akong napatingin sa pintuan at nakita kong hila-hila siya ng lalaking kanina ay sinabihan siya ng gago.

What the hell?! Bakit ang weird ng school na to?

Whatever, ang ganda nga ng first day of school ko e, action na action ang dating! Lakas makatelenovela eh.

Tiningnan ko ang Jeon Jungkook na iyon na pinapakalma ng lalaking nakasalamin na mukhang badjao pero hinahawi lang nito ang kamay noong lalaki at tila ba pinipigilan lang niya ang sarili niyang kumalma.

"Djermayne, bakit nandito ka?" Napataas ang kilay ko sa kapatid kong may pink na buhok.

"Bumigay ka na ba ha?" Diretso kong tanong sa kanya.

Napahawak siyang bigla sa labi niyang nakalipgloss, napabuga ako sa labi ko sa sobrang inis. Hinampas ko siya dibdib bago ko siya tinalikuran.

"Baliw! Hindi ako bakla!" Sigaw niya sa akin at sinundan pa ako hanggang upuan ko.

"Djermayne! Yoohoo!" Biglang sumulpot na naman ang mushroom specie na si Jimin. Tiningnan ko lang siya ng masama bago ko kinuha ang bag ko.

"Aww! Masakit ma-seen." Aniya at umarte pang humawak sa puso niya.

Tiningnan ko nalang ulit siya ng masama bago ko tinulak ang magaling kong kapatid papaalis sa dadaanan ko.

Nang medyo nakakalayo na ako ay bigla akong may naalala kaya humarap ako sa kanilang dalawa.

"Hindi ako nagtransfer dito para sa iyo at sa mushroom na iyan! Nagtransfer ako dito dahil wala na akong malipatang ibang school dahil lagi akong napaptalsik." Pagkatapos kong mag-speech ay inirapan ko silang dalawa bago ako tumalikod at maglakad na papaalis sa school na iyon.

Pakialam ko ba sa rules ng school na to?

Umalis ako ng classroom na iyon at nagpahangin-hangin lang, nakita ko ang ilang mga estudyante na galing sa ibang section na nagtitinginan sa akin.

"Iyan yung transferee di ba?" Narinig kong sabi ng isang babaeng maikli ang buhok na may kasamahang iba pang mga babae.

"Oo, kawawa naman siya! Doon pa siya sa last section napunta." Napairap ako sa kawalan.

Kaya ako napunta doon dahil nagpalagay talaga ako doon! Bwisit!

"Hays! Mukha pa naman siyang mahinhin." Napailing nalang ako sa huling sinabi ng babae.

Mahinhin daw! Pwe!

Patuloy lang ako sa paglalakad ko kahit hindi ko alam ang mga lugar dito sa school na to, hanggang sa nakarating ako sa may gawing likod ng paaralan.

Napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa damuhan dahil sa sobrang inis ko sa araw na to.

"ARGH! NAKAKAINIS!" Sigaw ko bago ko binalibag ang batong nadampot ko.

Biglang nanlaki ang mata ko ng makita kong may tinamaan na lalaki ng batong binalibag ko.

"What the--" Biglang napatingin sa akin ang lalaki at sabay kaming napatigil ng makita namin ang isa't isa.

"Di ba ikaw yung babaeng transferee?" Tanong nito sa akin.

"Di ba ikaw yung lalaking kumakain ng lollipop?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Napatingin siya sa stick ng lollipop na kinakain niya ngayon, feeling ko nahiya ako sa pagkakatanong ko dahil kumakain pa rin pala siya hanggang ngayon.

Tiningnan niya ulit ako pero tila ba kahit tinitingnan niya lang ako ay naiinsulto na ako.

"Papaano ka napunta dito? Kanina nasa classroom ka lang bago ako umalis ah!" Sabi ko sa kanya.

"Kaylangan ko bang sagutin yang tanong mo? Ano ba kita?" Bigla akong napatahimik sa tanong niya.

Hindi na niya ako pinansin sa halip ay nagpatuloy siya sa ginagawa niya, bigla niyang ini-spray ang spray paint sa dingding.

"Hoy bawal yan!" Sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang pakialam.

Actually wala naman talaga akong pakialam kung mag-vandal siya kahit nga sirain niya ang dingding na yan ay wala akong pake pero dahil pakiramdam ko ay ini-insulto niya ako kaya naman kinuha ko ang spray paint sa kamay niya.

Pero sa halip na tumigil siya ay nalagyan lang ako ng spray paint sa damit. Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pulang pintura na nakakalat sa damit ko.

"What the..." Nakanganga ako habang tinitingnan ko ang uniporme ko.

"Tss." Aniya bago tinuloy ulit ang pagsusulat ng kung ano sa dingding at para bang wala siyang pakialam sa ginawa niya.

Biglang pumasok sa isip kung magkano ang uniporme na ito kaya mas lalo akong nanlumo dahil ito lang ang kaisa-isahang uniporme na nabili ko at kaylangan ko pang mag-ipon ng anim na buwan sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop para makabili ulit ng panibago.

"Bayaran mo to!" Sigaw ko sa kanya.

Pero hindi niya ako pinansin, napakuyom ang kamao ko at pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Bingi ka ba?!" Sigaw ko ulit sa kanya pero parang wala talaga siyang naririnig.

Hindi na ako nakapagpagil kaya hinarap ko siya sa akin, pero laking gulat ko ng humarap nga siya sa akin pero patuloy pa rin siya sa pagspray.

Napanganga ako ng makita kong mas lalo pang nadagdagan ang pintura sa uniporme ko.

Nang tumigil na siya sa pagspray at inalog-alog pa niya ito na para bang chinecheck kung may laman pa ba iyon at ng marealize niyang wala na ay tinapon nalang niya kung saan.

Napayuko ako at napatingin sa sapatos ko na nalagyan din ng pintura.

Napakagat ako sa labi ko ng makita kong natutuluan pa rin iyon ng pulang pintura na nanggaling sa aking uniporme.

Naramdaman ko ang pag-akyatan ng dugo sa mukha ko at ang pagkulo ng dugo ko.

Nilagpasan ako ng walanghiya at naglakad papalayo na parang walang nangyari.

"ARGHHHH!" Napasigaw ako ng malakas sa sobrang inis ko.

Napatingin ako doon sa lalaking wala talagang pake! Bwisit! Agad ko siyang hinabol pero masyadong mabilis ang lakad niya dahil malalaki ang nagagawa niyang hakbang kaysa sa akin kaya kaylangan ko pang tumakbo.

Nang maabutan ko siya ay agad kong hinila ang braso niya para maharap siya sa akin bago ko siya nginitian. I gave him my sweetest smile at nang makita kong medyo naguluhan siya sa ginawa ko ay bigla ko nalang siyang sinapak sa mukha.

Nakita ko ang pagtulo ng dugo sa ilong niya...

"Woah! Pareho na tayong may red ngayon, kaso mas marami pa rin yung sa akin, gusto mong dagdagan pa yan ha?!" Sigaw ko sa kanya.

Inirapan niya ako bago niya pinunasan ang dugo sa ilong niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Ano bang ginawa ko sayo para pinturahan mo yung kawawa kong uniporme ha?! Alam mo bang isang buwan kong pinag-ipunan to para lang makabili ako nito! Kung ikaw mayaman ka o ano pero ibahin mo ako! Wala akong pera at kaylangan ko pang magtrabaho para makabili ng mga kakailanganin ko! Pero ikaw ganto lang ang gagawin mo?! Ang kapal ng mukh--"

Bigla niyang pinasok sa bibig ko ang lollipop na kanina ay nakasubo sa kanya.

Napatulala akong bigla sa ginawa niya, parang nilipad ang kaluluwa ko sa kung saan man.

"Ang ingay mo." Sabi niya sa akin bago ako tinalikuran muli.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko bago mag-sink in ng tuluyan sa akin na nasa bibig ko ang lollipop niya.

Agad kong inalis iyon sa bibig ko at tinapon sa kung saan man.

"Yuck! Yuck! Yuck!" Paulit-ulit kong sigaw habang hindi ko alam kung anong gagawin kong pagpalis ng laway niya sa bibig ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa likod niyang naglalakad pa rin papalayo sa akin.

Nang makita ko ang isang lata ng softdrink sa daan ay agad kong pinulot iyon at ibinato sa kanya pero ng makita kong hindi iyon tumama ay napasigaw nalang ako sa iritasyon ko.

"Bwisit ka! Bwisit ka! Arghhhhhh!!" Para akong batang nagtatantrums dito.

Hindi ko matanggap na may isang tao na ang nakapagpa-insulto sa akin ng ganito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top