Chapter 2
CHAPTER TWO
I CAN'T REMEMBER the last time I was so nervous like this.
"Salamat sa pagpayag na makipagkita sa akin ngayon." Hindi ko alam ang sasabihin kaya tanging marahang pagtango lang ang naging tugon ko. "Kumusta ka na, Reese?"
Umayos ako nang upo at huminga nang malalim bago kalmadong ibinuga ang hangin at saka sumagot ng, "Ayos lang naman po."
"How about my son? Kumusta naman siya?"
"A-Ayos lang din naman po ang lagay ni Raven."
"Sobrang nami-miss ko na siya. We miss him so much." Hindi ko ulit alam ang sasabihin o dapat maging tugon sa sinabi niyang 'yon kaya nanatili lang ako sa aking puwesto at hinintay ang sunod niya pang sasabihin. "Can you please bring him back to us, Reese?"
When she suddenly contacted me, may ideya na ako kung bakit. Hindi ko lang sinasabi kay Raven pero ilang beses na rin akong sinubukang contact-in ng mama niya. I always declined because I didn't see the point before why I had to meet her even though she didn't like me and she was against my relationship with her son. Not until I realized how much Raven misses his family already especially his mom. Kaya pumayag na ako kahit kahit alam ko yung mga posible niyang sabihin o ipakiusap sa akin.
Inisip ko na lang na para din naman 'to kay Raven yung gagawin ko.
But I'm really the only one fooling and hurting myself. Because to be honest, I'm not ready to hear those words. I'm not ready to be asked to return her son as if I took him from them.
Wala naman kasi akong kinukuha.
Wala akong inaagaw.
Pero bakit gano'n ang ipinaparating niya sa akin?
Hindi na ako nakapagsalita kasi di ko na rin talaga alam ang sasabihin. Nag-iingat na lang din ako kasi bakâ may masabi pa akong hindi ko dapat sabihin.
Napayuko na lang ako at hinintay ang iba niya pang sasabihin pero mabilis din akong napatingala nang may ilapag siyang mga dokumento sa harapan ko. Nagtama ang aming mga tingin at nasaksihan ko ang pagbabago ng emosyon sa kaniyang mga mata.
"I don't want to use it, Reese, but I hope you understand my situation now."
***
When they say that they don't want to be too happy because it might just take it back from them, I did not expect that I would experience that or I would end up in such a situation.
Kaya pala sobrang saya lang ng pakiramdam ko nitong mga nakaraan kasi may ganito palang mangyayari.
Ang galing nga naman talagang makipaglaro ng tadhana, o.
Sa bilyon-bilyong tao sa mundo, ako pa ang napili na mapunta sa ganitong sitwasyon. Minsan na nga lang akong piliin, sa ganito pa.
"Reese, are you okay?"
Seeing his face, I was once again reminded how lucky I was to have met him and had a man like him come into my life.
"I love you, Raven."
He wasn't surprised by what I said even though it was out of nowhere, but I could see the concern in his eyes more.
Dito ako hindi magaling, e. Yung itago ang totoo kong nararamdaman. And knowing him, alam kong di rin siya titigil hangga't di nalalaman kung ano ba ang iniisip o nararamdaman ko kaya ako nagkakaganito.
Maybe it's time to practice the art of pretending that everything is okay---that everything will be okay.
"I love you too," mabilis niyang sabi. "Did something happen? Masama ba pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?"
Agad akong umiling. I smiled at him and gently pulled him closer so I could hug him. "Ito naman . . . May sakit talaga agad? Di ba puwedeng gusto ko lang i-express kung gaano kita kamahal?"
Naramdaman kong nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi kong 'yon. Mas humigpit din ang pagkakayakap niya sa akin sabay sabing, "You got me there. Akala ko napaano ka na, e. Mabuti naman at ayos ka lang."
Pinigilan ko ang sarili na umiyak.
Inalis ko na rin muna sa isipan ang napag-usapan namin ng mama niya. Saka ko na lang 'yon iisipin ulit. Sa ngayon, si Raven muna.
"Alis táyo," sabi ko sa kaniya. Kumawala na kami sa pagkakayakap at magkaharap na kaming ulit. "I mean, out of town date?"
Hindi agad siya sumagot at parang may inisip pa.
"Hindi naman siguro pababayaan nila MJ yung business natin? Kaya na nila 'yon. Saka saglit lang naman táyo. Gusto ko lang makapag-unwind kasama ka kasi matagal-tagal na rin yung huli nating bakasyon together."
Nginitian niya ako. "Okay, let's go on an out of town date."
Muli ko siyang niyakap nang mahigpit.
Wala na akong pakialam kung ayon na ang magiging huling bakasyon ko kasama siya. I just want to make a lot of memories with him.
And I will make sure to make the most of it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top