Chapter 1
CHAPTER ONE
DUMATING NA AKO sa puntong takot na akong magmahal muli.
Ilang beses na kasi akong nasaktan. Ilang beses na rin akong niloko, pinaglaruan, at iniwan. Paulit-ulit na lang. Puro panandaliang saya lang ang ibinibigay at ipinaparamdam sa akin. Tapos wala na. Hanggang doon lang.
Sabi na nga ng mga taong nakapaligid sa akin, hindi na raw talaga ako natututo.
Totoo naman.
I even asked myself what was wrong with me. Na kung bakit kahit paulit-ulit na akong nasasaktan, paulit-ulit ko pa ring binubuksan ang puso ko.
Kaya nga nang dumating siya sa buhay ko, hindi pa ako gano'n kasigurado---sa kaniya, sa amin. Pero siya . . .
"The moon is beautiful, isn't it?"
Bago ko tingnan ang buwan sa kalangitan na sinasabi niya, sa direksyon niya muna ako lumingon. At napangiti na lang ako nang magsalubong ang aming mga tingin. We stared for a few seconds while there were smiles on our lips and gleam in our eyes.
"Yeah. Ang ganda nga," sabi ko nang ibaling na ang atensyon sa may buwan.
"Reese." Every time he actually called my name, it seemed like music to my ears. "I love you."
Sa sinabi niyang 'yon, mas lalo kong naramdaman ang pagkurba ng aking mga labi paitaas at mas lalong pagningning ng aking mga mata.
Simula nang maging kami, he’s always been really saying the right words at the perfect time.
"I love you tomorrow, the day after tomorrow and from now on too."
Nakilala ko si Raven na hindi vocal sa nararamdaman niya. Nakilala ko siya na hindi kayang i-express nang maayos ang mga gusto niyang sabihan. And hearing those words from him, I know how true, pure, and sincere it is. Kaya naman di ko na mapigilang hindi maging emosyonal. Palagi naman siyang ganyan sa akin mula nang maging kami, pero hanggang ngayon, for some reason, hindi talaga ako masanay-sanay.
Maybe because for the first time, I also felt the kind of love I give to those I used to love.
"Thank you, Raven," nakangiti kong sabi sa kaniya, "and I love you, too."
Pagkatapos kong sabihin 'yon, mabilis niya lang akong hinalikan banda sa may noo bago niyakap nang mahigpit. We stayed in that position for a few seconds before we looked again at the stunning moon and the shining stars in the sky.
I hope we are always like this.
"My mom texted me," pagbasag niya bigla sa katahimikan. "She asks if I can visit her now."
Tiningnan ko siya nang may pag-aalala.
"I said no," pagpapatuloy niya.
"Raven . . ."
"Reese, hangga't di ka niya matanggap---itong relasyon natin---walang chance na magpapakita pa ako sa kaniya at kakausapin siya."
"But she's still your mother, Raven. And it's been two years. Siguro oras na rin para kausapin mo ulit siya."
I held his hands tightly to make him feel like I was just here for him.
Muli ko tuloy naalala kung paano kami nag-decide na magsama sa iisang bahay. It was the time when he introduced me to his family at hindi nila ako nagustuhan for him. Lalo na ng mama niya. I still remember how much they were against our relationship. In short, hindi talaga naging madali ang lahat para sa amin.
Masasabi kong marami talaga kaming naging sakripisyo para ipaglaban 'tong pagmamahalan namin.
"Raven."
"Hmmm?"
"Ayaw naman kitang pilitin pero puwede bang pag-isipan mo pa nang mabuti?"
"Ang alin?"
"Yung pag-uwi mo sa inyo."
"Why?"
"Maybe it's not only your mom who misses you but also your home there with your family."
Seryoso niya akong tinitigan. He also stared straight into my eyes. Pagkatapos ay saka niya marahang hinawakan ang aking mga kamay.
“But the only time I feel at home is when I’m with you, Reese.”
Oh, God. What did I do to deserve him?
"But if you really want to---"
"Raven, no," mabilis na pagputol ko sa sinasabi niya. "I want you to do it because you really want to and you're ready, not because of me."
Nginitian niya ako. "Okay. Pag-iisipan ko."
"Thank you."
"No, Reese. Thank you."
"Sana magkaayos na ulit kayo."
"At sana matanggap ka na rin niya. Sana matanggap niya nang ikaw lang talaga yung babaeng mamahalin ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top