Epilogue

Epilogue


"S'an tayo pupunta?" nagtataka kong tanong kay Peter nang mapansin kong idiniretso niya pa-Skyway 'tong kotse.

We were supposed to go to Mandaluyong to visit my parents and siblings. Imposible namang naligaw o nagkamali siya?

Nilingon ko si Peter sa driver's seat, sa gilid ko, at saka pabirong itinanong, "Kidnap ba 'to?"

Hindi lumagpas sa paningin ko 'yong pagtawa niya na nagpangiti sa 'kin.

"May naka-sports car bang nangki-kidnap?" nakangisi niyang tanong pabalik na ikinairap ko.

"Ang hangin, grabe!" Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Napatahimik ako ng ilang minuto nang mas tumaas pa 'yong binabagtas namin. Sobrang amaze na amaze ako habang nakatanaw sa labas. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang sobrang lapad!

Kahit na matagal na 'tong Skyway at ilang beses ko na 'tong nadaanan, hindi ko talaga maiwasang ma-amaze. Feeling ko kasi, ang lapit-lapit ko sa langit kapag nandito ko.

Sobrang nakakagaan ng loob 'yong malinis at maasul na kalangitan. Isama pa na nakakaakit din sa mga mata 'yong nagtataasang building.

Napangiti ako lalo nang buksan ni Peter 'yong magkabilang bintana. Sobrang sarap ng hampas ng hangin sa balat ko, lalo na sa mga pisngi ko!

Napalingon ako sa kaniya nang pati roof ng kotse, binuksan niya.

I was so amazed! Sa sobrang tagal namin ni Peter na kasal o kahit simula n'ong nagkaaminan kami ng feelings, hindi naman niya ugaling buksan 'yong roof.

It was my first time to see it open that way!

Mabilis lang 'yong pagbukas. "Wow," amaze na amaze kong kumento.

Unti-unting pumorma 'yong ngiti sa mga labi ko n'ong lalong lumamig ang ihip ng hangin.

"Road trip. Do you like it?" nakangiti niyang tanong sa 'kin pero diretso lang 'yong tingin niya sa kalsada.

Ngiting-ngiti akong tumango at saka lumingon ulit sa labas.

Medyo nalungkot lang ako n'ong nadaanan namin 'yong area where poor and deprived people live in. Unti-unting nawala 'yong ngiti sa mga labi ko dahil sa nakita.

Napahinga ako nang malalim at saka ibinalik ang tingin kay Peter.

"What if, someday, mag-collaborate tayo para sa isang program?" pag-o-open ko ng topic.

Sandali akong nilingon ni Peter at saka nagtatakang itinanong, "What kind of program?"

"Scholarship program!" masaya kong sagot na nagpangiti sa kaniya. "To help those who are in need," dugtong ko na punong-puno ng pag-asa ang boses.

"Sure, let's work on that soon," walang alinlangang sagot ni Peter na sobrang nagpasaya sa puso ko.

Hinawakan ko 'yong kamay niyang nasa gear stick at saka hinaplos 'yon to show him how much he made me happy.

Inalis ko rin naman kaagad 'yong kamay ko at saka ibinalik ang tingin sa labas.

I may not be in the same position where they are, pero naranasan ko rin 'yong hirap. At kahit hindi naman sobrang hirap n'ong experience na 'yon, ayaw kong maranasan pa ng iba 'yon. So if I have the means, why not share it with others, right?

Ilang sandali pa, tinahak na namin 'yong SLEX. Patay na oras ngayon kaya wala masyadong sasakyan. Medyo binilisan ni Peter 'yong takbo ng kotse pero hindi naman umaabot o lumalagpas sa speed limit.

Nakaalalay rin naman siya sa pagmamaneho knowing na nakabukas 'yong roof ng kotse.

Grabe na 'yong pagsampal ng paalon-alon kong buhok sa mukha ko kaya dali-dali akong kumuha ng scrunchie sa bag ko. Itinali ko kaagad 'yong buhok ko at saka tinanggal 'yong square sunglasses ko. Feel ko kasi, malalaglag any minute 'yon kaya inilagay ko na lang sa loob ng bag.

"May kwento nga pala ko!" biglang saad ko nang may maalala ko. Sinadya kong palakasin 'yong boses ko para marinig ako ni Peter.

"Shoot," he said which was my cue to start telling him that story I suddenly remembered.

"Hindi ka maniniwala sa nangyari kanina sa loob ng coffee shop," may pa-intense kong saad na may pagpapalaki pa ng mga mata para mas may thrill.

Nakita kong medyo napatawa naman si Peter dahil sa inakto ko.

Inayos ko 'yong pagkakaupo ko at saka hinawakan 'yong seatbelt ko. Para kasi akong mawawalan ng hininga dahil sa hampas ng hangin sa mukha ko.

"Nakita ko sina Bernadeth at Ize sa coffee shop. At alam mo ba?" pabiting tanong ko na sinagot niya ng, "Hindi pa."

"I caught them by their own mouth! Sila pala 'yong may pakana bakit nalaman ng relatives mo 'yong tsismis sa set tungkol sa 'min ni Brent," gigil na gigil kong saad. "Nako! Kung alam mo lang Peter, gusto ko manabunot kanina." Umakto pa kong parang nananabunot. "Pero siyempre, hindi ako gan'on."

Ipinag-krus ko 'yong mga braso ko sa may dibdib ko at saka ngumiti. 'Yong ngiting pinapakita na "ang bait ko kaya".

Nakita kong kumunot 'yong noo ni Peter dahil sa sinabi ko.

"They did that together? For what?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Sarkastiko akong napatawa, "'Di ba! Nagulat din ako. Akala ko kasi, si Sarah 'yong may pakana n'on. Ang pagkakarinig ko, Bernadeth wants Brent and Ize wants to have you back."

Napangiwi pa ko sa huli kong sinabi.

Ang dami-daming lalaking may pangalan na Peter sa mundo, hindi na lang siya maghanap! Mang-aagaw pa siya n'ong kasal na.

"I'm in doubt," saad ni Peter na nagpataas sa kaliwa kong kilay.

Anong 'I'm in doubt' sinasabi niya? Hindi ba siya naniniwala?

Nakampante lang ako n'ong dugtungan niya 'yong nauna niyang sinabi. "Maybe, they intentionally conspired to scheme things."

Napaisip ako sa sinabi ni Peter.

Magagawa ba talaga nila 'yon pati ng mga kamag-anak ni Peter kung nagkataon? Pero sabagay, hindi malabong mangyari 'yon dahil nangyari na nga't nasiraan na ko nina Ize. Who knows, planado lang talaga ang lahat at kasabwat nila pati mga kamag-anak nina Peter.

Napakunot 'yong noo ko nang may maalala.

"You told me before that your cousins asked Ize for a favor to bring you home when you were slightly drunk, right?" napapaisip na tanong ko. Peter gave me a 'hmm' to say yes. "Baka sinadya nila 'yon para mag-away tayo?"

Alam kong masamang magbintang dahil nagkamali na nga ko n'ong isang beses kay Sarah. Pero hindi lang kasi maalis sa isip ko 'yong mga possibility na 'yon.

Nagkibit-balikat si Peter, "Could be yes. People could really be that cruel," naiiling niyang sambit na ikinatango ko naman.

"Lahat gagawin talaga ng iba, makuha lang 'yong gusto nila... 'yong taong gusto nila." Napasimangot ako. "Do they really think that's love? Kapag mahal mo kasi 'yong isang tao at alam mo namang 'di ka niya mahal, set them free." Napailing-iling pa ko. "Masaya ka dapat sa kung s'an siya sasaya. Hindi 'yong pipilitin mong mahalin ka niya pabalik kahit makasakit ka na ng damdamin ng iba."

Saglit akong nilingon ni Peter at saka itinanong, "If I said yes the last time when you asked me if we will push through the annulment, would you set me free without thinking twice?"

Napangiti ako sa tanong ni Peter. Naalala ko 'yong nangyari na 'yon sa Bulacan.

"We were supposed to have our annulment two months from now. Pagod ka na ba? Ako, sobrang nasasaktan ako. Itutuloy ba natin?" nasasaktan na tanong ko kay Peter.

Natatakot ako sa kung anong pwede kong marinig. Sa kung anong pwede niyang isagot.

Pero kung anumang nangyari sa past niya? Kung anuman 'yong kinakatakot niya dahil sa infertility niya? Tatanggapin ko lahat ng 'yon nang buong-buo.

Nakaraan na 'yon eh. At itong infertility niya, hindi naman issue 'yon sa 'kin. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

He should have chosen to trust me from the very beginning.

May tumulong luha sa mga mata ko na kaagad kong pinunasan. Pero lalo lang akong naiyak sa mga sinabi ni Peter...

"Why would I want an annulment now that I am sure that you love me back? I love you, Lindsay. Mahal na mahal kita. Gusto mo ba ng annulment?" punong-puno ng emosyon na sambit niya.

Napangiti ako. At itong luha ko? Luha ng saya.

"Mahal kita, Peter."

"Mahal kita, Peter," seryoso kong saad. "At oo, papakawalan kita kung sinabi mo 'yon. May mga laban kasing sinusukuan."

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. 'Yong huli ko kasing nabanggit, ganiyan 'yong mga payo niya n'ong nakaraan sa 'kin tungkol sa trabaho ko.

Napatawa na lang din ako sa sarili ko. Writer na writer ka talaga, Lindsay! Sayang lang, walang kasiguraduhan kung p'ano pa ko makakasulat. Online? Sa sariling notebook ko na lang?

I don't know. I am not sure but I must move forward.

"Bakit ko naman kasi ilalaban 'yong taong hindi ako mahal? Parang sinabi mo na rin na gusto mo kong sumugod sa giyera na walang sandata," natatawa kong saad.

Nagseryoso ulit ako't umayos ng pagkakaupo. Tinitigan ko siya nang masinsinan. "Pero inilaban mo, kaya ipinaglaban ko rin."

Huminto ko saglit at saka ko ipinag-krus ulit ang mga braso ko sa may dibdib ko. "Buti na lang talaga 'yong mga kamag-anak at 'yong dalawang 'yon lang ang panggulo sa buhay natin. Nako! Ayaw ko ng 'us against the world', Peter," pagbibiro ko na ikinatawa't ikinailing ni Peter.

"Good thing that our families are not like them," saad ni Peter.

Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon.

May ilan pa kaming mga pinag-usapan ni Peter, tulad n'ong nalalapit na official na pag-alis ko sa film industry. Pati 'yong pinaplano ko na pagsisimula ng advertising company.

He also let me talk about the other plans I have in my mind. It felt good to have someone who listens to me carefully. Hindi 'yong kunware'y nakikinig pero labas naman sa kaliwang tenga lahat.

In no less than two hours, we arrived in Tagaytay. Nagulat ako kasi hindi ko naman ine-expect na dito pala kami didiretso. Hindi naman kasi sinabi ni Peter.

This is one of my favorite places in the country. Ang sarap-sarap naman kasing tanawin ng Taal Volcano, 'yong malinis na paligid, pati 'yong mga kalat-kalat na puno kasama ang pine trees!

Isama pa na ang lamig-lamig dito at sobrang mahangin. It proves how the locals take good care of this place.

Maya-maya lang, isinara na ulit ni Peter 'yong roof ng kotse pati mga bintana.

Umayos na ko ng upo kasi feeling ko, malapit na kami sa bababaan namin.

"Kain tayong bulalo," nangingiti kong suhestiyon.

Hindi ako sinagot ni Peter; nginitian niya lang ako.

Ilang minuto lang din, ipinarada na niya 'yong kotse sa gilid ng isang simbahan.

Napakunot 'yong noo ko dahil sa pagtataka kung ba't kami nandito. Nilinga-linga ko 'yong paligid pero walang malapit na kahit anong establisyamento. 'Yong simbahan lang talaga ang naroroon.

Itinaas niya na 'yong mga pinto ng kotse at saka siya bumaba. Medyo nag-aalangan pa kong bumaba rin pero n'ong nasa gilid ko na siya at nakalahad na ang kaliwa niyang kamay sa harapan ko, inabot ko kaagad 'yon.

Hindi ko mawari kung ano 'yong kaba sa puso ko. 'Yong kaba na hindi naman dahil may nararamdaman akong masamang mangyayari. Ito 'yong kaba na may ina-anticipate. Kinikilig. Nagtataka.

Sinara lang ni Peter 'yong kotse at saka kami hawak-kamay na dumiretso sa tapat ng simbahan.

I was in total shock when I saw our families inside, standing in the aisles beside the pew (enclosed and long benches). They are on opposite sides while holding a weaved native basket in their hands.

Awtomatikong tumulo 'yong luha ko sa magkabila kong mga mata. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman sa sobrang saya. Gulat. Surprised.

Hindi ko naman kasi ine-expect na may paganito si Peter!

Marahan kong pinunasan 'yong magkabila kong pisngi gamit 'yong kaliwa kong kamay na hindi hawak ni Peter.

Pagkarating namin sa aisle, naluluha na natatawa ko sa ginawa nila. May sinaboy kasi silang petals sa 'min ni Peter nang madaanan namin sila.

'Yong puso ko, sobrang bilis ng tibok. Hindi ko alam kung p'ano ide-describe 'yong saya ko pero sobra-sobra eh. Nag-uumapaw. Na sa sobrang saya, panay tulo ng luha ko.

Peter really has gone this far for me?

I know that all women should really be treated in a way like this... like a queen. Pero ang unexpected naman kasi! At kapag sa 'kin na pala mismo ginagawa 'yong mga napapanood ko lang sa movie noon, iba pala 'yong saya.

Nanlalamig pa 'yong mga kamay tapos hindi mawala-wala 'yong ngiti sa mga labi. Baka hindi ko mamalayan sa susunod, marunong na pala ako magsulat ng romance dahil sa mga pakulo palagi ni Peter!

Huminto kami n'ong malapit na kami sa unahan. Humarap kami sa isa't isa.

Napatingin ako sa paligid at wala talagang ibang tao kundi kami. Parang nabasa naman ni Peter 'yong nasa isip ko at kaagad niyang sinabi, "I reserved the place."

Nakangiti akong napatango-tango at saka tinitigan siya.

Hinawakan niya 'yong dalawa kong kamay at saka mas lumapit sa 'kin. Napatitig ako sa kulay asul niyang mga mata. Kitang-kita ko r'on 'yong umaapaw na pagmamahal at sinseridad.

Ilang sandali lang, narinig kong may tumugtog na instrumental. Nilingon ko 'yong pamilya namin na nandoon pa rin sa pwesto nila kanina. Nakita kong may hawak na phone si Lance and so I concluded that it was him who played the music.

Napabalik 'yong tingin ko kay Peter nang galawin niya 'yong thumb niya sa gilid ng kamay ko.

https://youtu.be/_pKtnhmyP3Q

"Thank you is not enough to say how grateful I am to all the gods who gave you to me," nakangiti niyang simula. Lalong bumilis 'yong kabog ng puso ko na para na 'tong kakawala sa loob ko. "You taught me a lot of things from giving importance to what I have to being passionate in everything I do. You showed me the magic of patience, kindness, humbleness, and compassion."

Ngumiti siya nang mas matamis sa 'kin.

"I have wealth, power, and everything I could ever ask for but I wasn't paying attention to them. I took them for granted most of the time. When you came into my life, you let me see the importance of appreciating every blessing I have. You are like a ray of sunshine who brought light to my life. You added colors and happiness to my life, Lindsay."

Pinisil-pisil niya 'yong kamay ko. Nakikinig lang ako sa kaniya na parang wala na 'yong ibang tao sa paligid namin.

"You have had all the reasons to leave me upon knowing my past, dishonesty, and my infertility but you didn't. I apologize for my shortcomings. I do not want to promise you anything now because I don't want to end up doing the opposite," huminto siya para huminga nang malalim. "One thing is for sure, I will do my best to learn good things and unlearn the bad habits. I love you, Lindsay."

Napakagat ako sa labi ko nang marinig 'yong mga huli niyang salita. Kasabay nito 'yong pagdausdos ng luha ko sa magkabila kong pisngi. Kaagad pinunasan 'yon ni Peter nang kumalas siya sa pagkakahawak sa 'kin.

Mas lumapit siya sa 'kin para hawakan ako sa magkabilang gilid ng beywang ko.

"Those are challenges, Peter. They're part of us and our relationship. Wala namang perpektong tao. Pero ang importante, we are trying to do what's best and right. We choose to be better each day."

Nginitian ko siya at saka isinukbit sa magkabilang balikat niya 'yong mga kamay ko.

"There's no such thing as a perfect relationship. We have weaknesses and strengths. It depends on us on how we can make each of these our assets. It depends on how we will give voice and help each other with our weaknesses. Halinhinan. Tulungan. Intindihan. Pagpapakumbaba."

Isinukbit ko 'yong mga kamay ko sa batok niya. Bahagya akong napa-tip toe dahil mas matangkad siya sa 'kin. Naramdaman ko naman 'yong pagpulupot ng braso niya sa beywang ko.

Ramdam na ramdam ko 'yong parang kumikiliti sa tiyan ko. I was all smiles. Kinikilig.

"Hindi porket may problema, susuko na kaagad ako... tayo. Ilan sa pagkakamali natin 'yong pagiging dishonest in any way. We should trust and rely on each other more. At saka ano ka ba," marahan akong napatawa. "Hindi natin ikakamatay kung wala tayong magiging anak."

Nagseryoso ko pero bakas pa rin 'yong ngiti sa mga labi ko.

"A child is a blessing, yes, but we need to be extra ready with the responsibilities. We can adopt or not have a child. Pag-uusapan natin 'yan." I gave him an assuring smile. "Ikakamatay lang ng magiging anak natin kung ipipilit nating magkaanak kahit hindi pa tayo handa at healed pareho. Scars and bruises. Emptiness and insecurities. We have to work on these, on our relationship, before we decide whether to have a child or not."

Hinaplos-haplos ko 'yong kanan niyang pisngi pero kaagad ko ring ibinalik 'yon sa pwesto nito kanina sa may batok niya.

"Hindi man kaaya-aya 'yong rason ba't tayo nagpakasal— pera. Pero hindi ako nagsisisi at hindi ako magsisisi na pinakasalan kita, Peter," I gently moved my hands on his hair. "I was afraid at first to tell you how much I like you. Natatakot kasi akong sumugal n'on. I was even waiting for the right timing to tell you that I love you. Ang dami-daming sumubok sa relasyon natin. Pero na-test at na-prove n'on 'yong love, care, at loyalty natin para sa isa't isa."

Huminga ko nang malalim at saka tinignan 'yong pangkabuuan ng mukha niya. Peter is really good-looking and attractive.

I smiled with that thought and with what I'm seeing now.

"Alam mo ba ba't tayo nandito?" tanong niya.

Natatawa kong sagot, "Hindi pa."

Tumingin siya sa taas at saka sinabing, "Para humingi ng tawad sa lahat ng Bathala."

Napatingin din ako sa taas.

"Marriage is sacred and we are very sorry for what we did," huminto siya at ibinaba ulit ang tingin sa 'kin. I did the same thing. Tinitigan ko siya ng punong-puno ng pagmamahal. "Pero ngayon, ito, totoo na."

Kumalas siya sa pagkakapulupot ng mga braso niya sa beywang ko at saka lumuhod.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya napahawak ako sa bibig ko.

"Will you marry me again?" Naglabas siya ng singsing, different from the one we had during our wedding.

Umagos na naman 'yong luha ko at lalong umapaw 'yong saya ko.

"This time, everything is real. This time, I will court you every day, Lindsay. We'll get to know each other. We'll be each other's shoulders," litanya ni Peter.

Pagkatapos niya magsalita, tumango kaagad ako na naging dahilan ng sobrang paglapad ng ngiti niya.

Kaagad siyang tumayo at isinuot sa 'kin 'yong singsing bago ako niyakap nang sobrang higpit.

Napatawa ko sa ginawa niya. Kitang-kita ko 'yong saya kay Peter.

Niyakap ko siya pabalik.

Gumalaw siya para medyo dumistansya.

"I will," he said as he planted a kiss on my forehead. "Choose you," kissed me on my nose. "Every day, Lindsay," and gave me a gentle kiss on my right cheek.

"May I?" tanong niya sabay tumingin sa mga labi ko.

Bigla akong kinabahan at para kong maiihi dahil sa tanong niya. Pero kilig na kilig na tumango naman ako at saka niya ko binigyan ng matamis at marahang halik sa labi.

Biglang nag-init 'yong mga pisngi ko at may kung anong naramdaman ako sa puson ko.

"I love you, Peter."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top