Chapter 9: Baler (Days 4 to 5)

Chapter 9: Baler (Days 4 to 5)


Everything that I've heard three days ago, I shrugged those off. So far, so good. Wala naman na kong narinig na kahit ano tungkol sa affair issue na 'yon sa kahit na sino sa kanila. Thankfully.

Sa totoo lang, pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba 'yon kay Peter para aware siya. Para hindi siya magulat, magtaka, at pandirihan ako. Ayaw kong isipin niya na nagchi-cheat ako tapos sa best friend niya pa.

Pero naisip ko rin, para saan pa? Hindi niya naman ako gusto. Ako lang 'yong may gusto sa kaniya.

Yes, I already fully admitted my feelings for him. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang hinayaan ang sarili ko na makaramdam ng gan'ong feelings para sa kaniya. Time will come, mawawala rin 'to. Why not na hayaan at i-enjoy ko na lang muna?

Torn between being honest or keeping all these with me, I am slightly getting worried. I tend to imagine possible scenarios that might happen later on. Overthinking is getting into me although I said that I don't care about them and what they think about me. I hate this!

Kinagabihan, mabilis lang akong kumain tapos bumalik kaagad ako sa kwarto. Nagtalukbong ako ng kumot para kung darating man 'yong mga kasama ko (who knows they also talk behind my back) ay iisipin nilang tulog na ko. Wala kong gana makipag-usap sa kahit na sino ngayon. I want to be alone.

I was browsing through my Facebook to kill time until I fall asleep when I saw Brent's My Day. Napansin ko sa preview na parang pigura ko 'yong nand'on kaya na-curious ako't tinignan 'yon.

Pagka-click, na-confirm ko na ako nga. It was me a while ago before our taping. Nakatingin ako sa dagat.

He captioned, "Baka malusaw 'yong araw kakatingin mo, friend."

Bahagya akong napatawa.

Alam na rin ba ni Brent 'yong issue? I hope not. He doesn't deserve to be stressed out because of that nonsense issue. Marami pa siyang isipin at hindi na dapat 'yon dumagdag pa.

Nag-haha react lang ako sa My Day niya tapos naisip kong tignan 'yong Facebook profile ni Peter. Tinalo ko pa 'yong nagdadalaga! I don't do things like this.

Napakunot 'yong noo ko n'ong mapansin kong iba 'yong nasa add friend button. It says 'respond'.

Nag-send siya ng friend request?

Bahagya akong napanganga sa nakita. Para din akong naestatwa. Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. My heart is racing.

'Peter Pareja wants to send you a message.' Lumabas bigla 'yong notif na 'yon sa taas ng phone ko na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Unti-unti akong napangiti at parang mapupunit na 'yong mga labi ko sa lawak ng ngiti ko.

Medyo nanginginig pa 'yong daliri ko n'ong pinindot ko 'yong 'respond' button. I immediately clicked the message request he sent. Para kong batang atat na atat na makita kung ano 'yon kaso sobrang bagal naman ng internet!

Ano naman kayang sinabi ni Peter at hindi niya na lang itinext?

Peter Pareja

I already informed my parents about the sudden change in your schedule.

If you reply, Peter Pareja will also be able to call you and see info like your Active Status and when you've read messages.

Sandaling nawala 'yong ngiti ko sa nabasa at napasimangot. Ito na 'yon?

Still, the thought that he sent me friend and message requests makes me so happy. Napalitan muli ng ngiti 'yong simangot ko.

Pinipilit kong magseryoso para makapag-concentrate sa pag-reply sa kaniya kaso ayaw talaga.

Ano ba naman, Lindsay!

Pumikit ako sandali at saka dumilat. Kagat-kagat ko 'yong labi ko n'ong magre-reply na ko.

Lindsay Manalo

Thanks!

Pagka-send ko n'on, bigla akong napakunot ng noo. Tinitigan ko 'yong reply ko at saka nasapo ang sarili kong noo gamit 'yong isa kong kamay.

Ang tagal mong nag-concentrate tapos ito lang ire-reply mo, Lindsay?

Pinatay ko 'yong phone ko at saka sinabunutan ang sarili sa gigil.

P'ano niya ko re-replyan ulit kung wala namang kwenta 'yong reply ko?!

Pinakalma ko 'yong sarili ko at humiga na nang maayos. Okay lang 'yan, Lindsay. Okay lang 'yan. Para hindi ka naman magmukhang atat na kausap siya. At saka 'di ba, ang sabi ko, hahayaan ko lang na magkagusto ko sa kaniya? Hindi ko naman sinabing haharot ako. Nako!

I was so happy that night. Matapos ang ilang araw, n'ong gabi na 'yon na lang ulit ako nagkar'on ng mahimbing na tulog at naging masaya kaagad pagkagising.

Day 5 na namin sa Baler. Bukas, last day na tapos sa isang araw, maglilibot na kami! Sobrang excited ako. Baler has always been one of my top dream destinations. Sa photos palang kasi, sobrang ganda na. Kahit nga na dito palang kami sa area medyo nakakalibot para sa taping pati na rin sa mga malalapit na lugar, sobrang ganda na!

'Yong parang bawat hininga ko, alam kong fresh air 'yong nalalanghap ko. The cleanliness and love of the locals for the place are really on another level!

Nakasuot lang ako ng puting V-neck shirt at black high-waisted pants para mas madaling kumilos. Nakakatuwa lang dahil ang smooth ng shooting namin ngayon. Nakakatulong ata 'yong magandang tanawin sa focus ng bawat isa.

It was six in the evening when we finally finished filming. Matatapos na kami bukas!

Nag-order lang si Raff ng pagkain para sa lahat kaya nasa sala lang ang bawat isa. Kaunti lang 'yong upuan kaya ang iba, kasama na ko at si Brent d'on, ay nasa lapag.

N'ong dumating 'yong mga order, nagkuhanan na kami ng sari-sariling pagkain, plato, at utensils. For a moment, everyone became silent. Nagkatinginan kami ni Brent.

Bakit kaya?

Inilapag ko muna sa sahig 'yong plato ko at saka ipinatong d'on ang utensils at nakabalot na pagkain.

"Direk?" tawag pansin ni Sarah sa atensyon ni Brent na nasa gilid ko. Tumingin naman sa kaniya ang lahat. "We are very concerned with something."

"Go straight to the point, Sarah," naiinip na saad ni Brent. Nand'on 'yong diin sa bawat salita niya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit parang sobrang seryoso rin ni Brent. For a second, an idea flashed to my mind. Don't tell me tungkol 'to d'on sa affair issue?

"We do not want our film to be at stake because of your arising issue with Lindsay," sabay tingin niya sa 'kin. Kaagad bumilis 'yong tibok ng puso ko. "We do not want to be called a production team who tolerated their director and writer's affair," may pandidiri sa boses niya n'ong binitawan niya 'yon.

Napakuyom ako ng mga kamay ko. My teeth are also grinding due to my anger. Kumukulo nang sobra 'yong dugo ko sa kanila, lalo na sa kaniya.

Magsasalita sana si Brent pero hinawakan ko siya sa kamay para huminto siya. Hindi ko siya nilingon. Nakatuon lang 'yong buong pansin ko kay Sarah.

They've talked too much. That's enough. Sabi ko nga 'di ba? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kapag kailangan.

Although people always say that we have to disregard all bad comments including the negativity of others thrown at us, I don't believe in that. There is a right time to speak up. There is a right time to protect ourselves, not to clean our names, but to let them know that they cannot just step on us.

"The last time I checked, we are all professionals here," kalmado kong sabi. Pinilit kong maging kalmado rin 'yong hitsura at approach ko. "Why does it seem like we can't even handle a simple issue here?" Hindi ko na napigilan na sarkastikong mapatawa at saka umiling-iling.

Ipinag-krus ko ang mga kamay ko at saka isa-isa silang binato ng tingin. "Sobrang wala ba kayong magawa kaya buhay ng iba ang pinapakialaman ninyo? Ang dami-dami naman nating gawain, bakit may oras pa kayo para pag-tsismisan ang iba?"

Huminto ko sa pagsasalita at pinukol ulit ang tingin ko kay Sarah. "Y'all know what, one of the most significant things that I have learned from my professor during college, 'finding out the root causes is a way to finding a solution for a problem'. She taught us how important peace communication is in our lives because it helps us see root causes without simply looking at the problem. We need proper communication and peace in attending to matters but we also need consent from another person before fixing a problem. That's called respect. If you deemed this issue as important as your duties here, you should have reached out to me nicely. Asked me if I would want to talk about that 'affair issue'. Let me talk. Let yourself listen. Help each other. Learn from one another."

Huminto ko sa pagsasalita at saka huminga nang malalim.

Ang iba ay nakatingin sa 'kin at ang iba ay nakalingon sa ibang direksyon. Guilty? Probably, yes.

"Can you explain the times when Brent brought you home?" nakataas ang kilay ni Sarah nang itanong niya 'yon. Nand'on 'yong pagmamalaki sa mukha niya. Dinugtungan niya pa iyong sinabi niya, "Matatatanda na tayo, alam nating hindi nagtatagal ang pagkakaibigan ng lalaki at babae."

Sarkastiko ulit akong napatawa at saka umiling-iling. Tahimik ang lahat. Walang may lakas ng loob na magsalita kundi itong si Sarah lang na gusto kong sampalin kaliwa't kanan. Pero siyempre, hindi 'yon pwede. Hindi 'yon tama.

"Lahat ba ng relasyon para sa inyo, romantic kaagad? Kapag may kaibigan ba from an opposite sex o same sex pero sobrang close, may namamagitan kaagad? Look at yourselves. Baka kakatingin niyo sa iba, nakakalimutan niyo ng i-assess ang mga sarili ninyo, lalo na kung paano kayo mag-isip at tumingin sa ibang tao," huminto ko sandali.

Ipinagpatuloy ko 'yon sa pagsasabing, "'Yong paghatid 'minsan' noon ni Brent sa 'kin, alam 'yon ng asawa ko. Buti pa ang asawa ko, hindi 'yon ginagawang issue. You know why? Hindi kasi marumi ang isip niya. Brent and I are friends. Brent and my husband are best friends. Actually, we aren't simply friends. We're family." Mariin 'yong pagkakasabi ko sa huling linyang binitawan ko.

Inirapan ako ni Sarah at saka nanlilisik na tumitig sa 'kin. "Teacher ba kita? Kung maka-lecture ka, akala mo kung sino kang magaling. Sino ka ba? Ano na bang nakamit mo sa field na 'to? Sige nga. How about the fact that you have always been together for years in different projects?"

I smiled devilishly. Gustong-gusto kong patulan siya ng, 'Ikaw, judge ka ba? Ang galing mo kasing manghusga', but I refrained from saying that.

"Gan'on ba tayo kababa para atakihin personally ang kausap? Ako ba 'yong pinag-uusapan? We were talking about the affair issue and how much 'you' wanted to not be called consenter of bad actions. Sorry," natatawa kong saad, "I won't stoop down to that kind of level."

Huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy sa pagsasalita. Mas kalmado. Pinilit kong isantabi 'yong galit dahil kapag hinayaan ko 'yon, hindi maganda ang magiging action ko. I don't want that to happen. Hindi ako gan'on pinalaki ng mga magulang ko.

"If you were really that concerned, you should have reached out to me. Not in this kind of scenario where you are actually shaming Brent and me. Everything can be fixed in peace communication, being open-minded, thorough listening, and empathy." Tumingin ulit ako sa iba bago ko tinignan si Brent na nasa gilid ko. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.

"Brent has nothing but good to me. He gave me all the opportunities he has in his pocket," ngumiti ako kay Brent at saka ibinalik ang tingin ko sa nanggigigil na si Sarah. "Dumaan ako sa maayos na proseso. Nag-apply ako. Na-interview. Nag-submit ng additional portfolio. Anong mali ngayon kung palagi kaming magkasama ni direk sa magkakasunod na proyekto? Maraming gan'ong case, lalo na kung nakita 'yong potensyal mo," I said as a matter of fact.

"Mahirap bang makisama, maging mabait, at maging considerate sa colleagues o kahit kaninong kapwa? We are all facing different problems in our lives. Giving other people ridiculous stress is highly unnecessary. Grow up," madiin at seryoso kong saad. "Mahal ko ang asawa ko. May respeto ako sa sarili ko. Alam ko ang limitasyon ko. May prinsipyo ako. Alam at sinusunod ko ang kontratang pinirmahan ko sa trabahong 'to. Who are you to judge me when all I did is to be good to everyone here?"

Pagkatapos kong magsalita, para kong hinahabol ang hininga ko sa sobrang dami kong nasabi. Nako, baka writer 'to!

Still and all, I am thankful that I was able to think critically. Hindi mapusok. Alam ko kung anong dapat at hindi dapat sabihin para ipresenta ang argumento ko at mga katotohanan.

Padabog na tumayo si Sarah at saka nag-walk out. Tumayo rin 'yong lima niyang mga kaibigan at saka siya sinundan.

Sarah is part of the production design team. She has been doing this job for more than five years. She was kind to me before this confrontation happened. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ayos naman ang lahat noon. Ayos naman.

Akala ko, magsisitayuan na rin ang iba at aalis kahit hindi pa nakakakain. Pero nagkamali ako.

"We are really sorry about that, Ma'am Lindsay," dismayadong saad ni Bernadeth. "I swear, I made sure to tell them about your side when I talked about this to you the last time."

Napangiti ako kay Bernadeth. Hindi ko maiwasang hangaan siya. Despite fame and wealth as an actress, she's still down to earth.

I mouthed 'thank you' in her direction.

"Dapat tinanong at kinausap kaagad namin kayo ni direk tungkol dito bago nag-conclude. Apologies, direk and Lindsay," nahihiyang sabi ng art director namin.

"I hope this won't happen again," kalmado at nakangiti kong saad. "Sorry kung nadawit ka pa rito, Brent," nag-aalala kong paumahin kay Brent nang lingunin ko siya.

Nginitian niya ko. "Wala ka namang masamang ginawa," natatawa niyang sabi.

Nawala na 'yong mabilis na kabog ng puso ko. Bigla na lang akong naging kalmado ulit.

Pinagsalikop ko 'yong mga kamay ko at dama kong hindi na rin ito nanlalamig. I'm proud of you, Lindsay.

Natapos 'yong gabi na 'yon na humingi sila ng paumanhin. I'm more than glad that they've accepted their mistakes. Nag-sorry din ako kung naging offending man ang dating ko sa kanila. I also forgave them for what happened.

Kumain kaming magkakasalo n'ong gabing 'yon. Pagkatapos, nagpahinga lang ako sa tabing-dagat at saka pumasok sa kwarto. Tulog na 'yong mga kasama ko at may naghihilik na rin.

Dumiretso ko sa kama ko. Nagtalukbong ng kumot. At saka nakangiting pumikit.

Job well done, Lindsay.

I hope everything will be fine soon. Hindi ko man alam kung anong galit ang mayr'on si Sarah sa 'kin pero sana, sana hindi na 'to lumaki pa.

I want our juniors and seniors to come along and continually have a healthy environment. Mahirap mag-trabaho nang may kasamaan ka ng loob at may nagpapataasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top