Chapter 8: Baler (Days 1 to 3)
Chapter 8: Baler (Days 1 to 3)
Things are getting better for the past few days— hindi na kami nag-uusap verbally ni Peter. The usual, nag-iiwan na lang kami ng note o nagte-text kapag kailangan. Nag-deposit na rin siya sa bank account ko para sa buwan ng February. We call it "my salary" for marrying him.
Getting better dahil wala ng unnecessary and complicated emotions. Pero ewan ko, parang ang hirap-hirap tanggalin n'ong maliit na feelings na 'yon sa puso ko.
Wala bang delete button? Para ma-erase na lang lahat kaagad?
"May gusto ba kayong bilhin?" tanong ni direk na nasa driver's seat pagka-park niya ng kotse sa tapat ng convenience store.
Umiling naman ako bilang sagot. Ako 'yong umokupa ng passenger's seat. 'Yong isa naman naming kasamahan na nasa likod, siya na lang daw ang bababa. Naiwan kami ni Brent dito sa loob.
Tumingin ako sa labas sa side niya, nakita kong nag-park na rin pala 'yong ibang kotse at van ng mga kasamahan namin. Sumilip-silip pa ko mula sa salamin sa gilid ko, nakita ko sa signboard na nasa Nueva Ecija na pala kami.
Hindi ko kaagad napansin na malapit na pala kami sa Baler! Sobrang natutuwa kasi ako sa mga nadadaanan namin.
Tulad ngayon, napangiti ako bigla, ang refreshing sa mata n'ong mga nakikita ko sa labas. Mga nagtataasang puno. Halaman. Bulaklak. Mga batang naglalaro sa gilid. At iba pa.
Medyo nagulat ako n'ong binaba ni Brent lahat ng salamin sa kotse. Nagtatakang napalingon ako sa kaniya.
"Para makalanghap ka ng presko at sariwang hangin," nakangiti niyang saad na parang nabasa 'yong naiisip ko.
Nginitian ko lang siya.
Sumandal muna siya sa kinauupuan niya at saka pumikit. Kitang-kita ko 'yong pagod sa mukha niya.
"Kung marunong lang akong mag-drive, nakipagsalitan na ko sa 'yo," nahihiya kong kumento.
Napangiti naman siya at napadilat 'yong kanan niyang mata.
"Huwag na, baka ibangga mo pa 'tong kotse ko," biro niyang saad bago ulit pumikit.
Naiiling na natatawa kong lumingon sa labas. Nandoon 'yong iba, busy sa pag-uusap. Napansin kong patingin-tingin sila sa gawi ng kotseng kinasasakyan namin ni Brent. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon.
Ilang sandali lang naman, bumalik na 'yong kasamahan namin. Hinintay lang naming makapasok lahat sa kaniya-kaniyang kotse at van bago kami lumarga na ulit.
I enjoyed every minute and moment that I was able to see the beauty of nature. Minsan lang 'to, sulitin na!
Ito talaga 'yong mapapasabi ka na sobrang nakakabusog sa mata 'yong mga nakikitang tanawin. Parang ang sarap nang tumira dito kung pwede lang.
In less than three hours, we finally arrived in the beachfront house we rented in Baler. Kahit sobrang na-drain ako sa biyahe kahit hindi naman ako 'yong nag-drive, hindi ko 'yon pinansin.
Nilagay ko lang kaagad 'yong maleta at backpack ko sa kwarto kung s'an ako naka-assign pati lima kong kasamahang babae. Tapos, lumabas kaagad ako at tumakbo papuntang dalampasigan.
Nakangiti akong napataas ng mga kamay, napapikit, at saka nilanghap ang amoy dagat na hangin. Ang presko! Ang sarap langhapin ng hangin. Nakakawala ng stress at pagod!
Pagkadilat ko, umupo ako sa buhanginan at saka pinagmasdan ang napakagandang dagat sa harap ko.
Sayang! Dapat pala dinala ko rin 'yong phone ko para nag-picture-picture ako. 'Di bale, isang linggo naman kami rito!
On the first day we spent in Baler, we only consumed the whole day by resting, relaxing, and checking the surroundings. N'ong gumabi na, pumunta lang ulit ako sa may tabing dagat mag-isa.
Umupo ako sa buhanginan at saka pinagmasdan 'yong paligid pati ilang mga taong naglalakad-lakad pa.
Ang sarap dito, parang makakalimutan mo lahat ng problema. Sana. Sana dito ko na rin makalimutan at maibaon sa limot ang nararamdaman ko para kay Peter.
Napabuntong-hininga ako sa sariling naisip.
Nagulat ako n'ong may tumapik sa balikat ko sabay upo sa tabi ko. Si Brent pala.
Pinatungan niya ng jacket 'yong likod ko at saka mas nagbigay ng distansya sa gitna namin. Napangiti naman ako r'on.
"Gabing-gabi na, ang lalim pa rin ng iniisip mo," pagpupuna niya.
Binalik ko 'yong tingin ko sa dagat at saka napaisip, "Kung hindi kaya ko naging screenwriter, mapapadpad kaya ako rito sa Baler?"
Narinig kong napasinghap si Brent kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa 'kin.
"Kapag para sa 'yo, para sa 'yo. Hahanapin at darating 'to sa buhay mo," bahagyang natatawa niyang saad.
Binalik ko 'yong tingin ko sa dagat. Mas lumalakas na 'yong hampas ng alon ngayon. Mas lumalakas din ang ihip ng hangin.
"What if. What if lang ah. What if wala tayo sa film industry, ano kayang ginagawa natin ngayon?" mahina kong tanong. I slightly tilted my head to my right shoulder.
"Ako siguro, nagbi-business?" hindi siguradong saad ni Brent na ikinatawa ko.
Napaisip muna ako sandali. I made a 'hmm' sound before saying, "Parang hindi ko alam kung ano 'yong akin."
Sandali kaming napatahimik. Itinaas ko 'yong mga tuhod ko at saka niyakap ang sariling mga binti habang nakaupo pa rin sa buhanginan.
"Alam mo, Brent, sobrang thankful ako na naging parte ka ng buhay ko," panimula ko at saka nilingon si Brent sa gilid ko. "If it weren't for you, wala naman akong trabaho rito sa kumpanya na 'to. Hindi ako magiging screenwriter."
Takang-taka siyang napalingon sa 'kin. Ilang segundo siyang natahimik at mukhang nag-iisip kaya na-curious ako kung anong nasa isip niya.
"Bakit?" tanong ko.
"If it wasn't for Peter, I won't seriously have you here," pagtatama niya sa sinabi ko na ikinabigla ko naman. "Hindi niya ba nasabi sa 'yo? Siya 'yong nagrekumenda sa 'kin na kunin kita."
Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko dahil sa narinig.
"Hesitant pa nga ko n'ong una. Perfectionist ako, alam mo 'yon, Lindsay," nahihiya niyang pag-amin. "Gusto ko, perfect lahat ng bagay at subok na lahat ng kasama ko sa team. Pero makulit 'yang asawa mo. Ilang araw niya kong pinuntahan sa trabaho at ipinagmamalaki niyang magaling ka raw, masipag, at passionate. Kahit ako pa raw mismo mag-interview sa 'yo, hindi raw siya mapapahiya."
Napaiwas ako ng tingin. Lumingon ako sa kabilang gilid dahil sa nag-iinit kong mga mata.
Ginawa ba talaga ni Peter 'yon? Knowing Brent, hindi siya magsisinungaling para pabanguhin ang isang tao. Hindi niya rin naman kailangang gawin 'yon dahil alam niya naman ang setup namin ni Peter.
"Ah!" medyo napalakas 'yong boses ni Brent kaya sandali ko siyang tinignan bago humarap sa dagat. Natatawa niyang sabi, "May time pa na nilibre niya 'yong ilan nilang empleyado para panoorin 'yong showing kong movie! Parang sira talaga 'yon. Kaya ayon, n'ong nalaman kong nag-submit ka ng application, sinubukan ko. At napasabing, 'mukhang tama nga ang loko'."
'Yong mga sinabi ni Brent, hindi ako pinatulog nang maayos. Kaya kinabukasan, parang zombie na naman ang hitsura ko dahil sa mga mata ko. Ako lang ata 'yong hindi nakatulog nang masarap sa 'ming lahat.
The whole night, I was thinking about Peter and what he did so Brent will consider having me. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil sa mga ginawa niya na hindi ko naman hiniling. Sa totoo lang, parang natunaw pa nga 'yong puso ko at naiwasiwas ko na lahat ng inis na naramdaman ko sa kaniya n'ong mga nakaraang araw.
I hate feeling all these things. Bakit ka ba kasi ganiyan, Peter?
At the back of my mind, I was hoping that he likes me.
D'on ko talaga nakumpirma na gusto ko siya.
Pinilit kong isantabi lahat ng 'yon. Todo pokus ako sa trabaho para matapos namin lahat ng kailangang gawin sa loob ng isang linggo. In fact, five days nga lang dahil pahinga lang naman kami kahapon tapos sa last day ay stroll day lang.
Good thing, everyone did the same. We are all out. Walang sinasayang na panahon at effort.
N'ong gabing 'yon, sabay-sabay kumain ang lahat. Pumunta kami sa pinakamalapit na open area na kainan. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tanawin, lalo na sa nakakaaliw na tunog ng alon kapag humahampas ito sa baybayin.
First time kong kumain sa lokal na kainan na eat all you can. Parang kumikinang 'yong mga mata ko habang patingin-tingin sa mga ulam na nandodoon.
N'ong turn ko na, kumuha lang ako ng isang plato tapos kutsara't tinidor. I only got what I am sure that I can consume. Kahit takam na takam, kaunti lang ang kinuha ko.
Naghahanap ako ng mauupuan n'ong kumaway si Brent sa direksyon ko. Ngumiti naman ako at saka tumabi sa kaniya. May iba na rin na nasa mahabang mesa, katulad na lang n'ong ibang artista.
Nag-usap-usap lang kami tungkol sa ibang bagay tapos hindi maiwasan na nasasamahan ng work-related topics. Natanong kasi nila kung sapat pa ba 'yong budget at kung anong ginawa nina direk, ng production manager, at ng producer tungkol d'on.
In-explain naman ni Brent na ayos lang 'yon dahil dito na lang din ishu-shoot 'yong ibang scenes na dapat ishu-shoot sa ibang lugar para hindi masayang 'yong budget. Sa gan'on, hindi na kailangang magdagdag pa dahil matagal nang fixed 'yong budget na napagkasunduan nila ng producer.
N'ong tumayo at medyo lumayo si Brent para sagutin 'yong tawag niya, napatingin lahat ng nasa mesa sa 'kin kaya medyo nagulat ako. Alanganing napangiti ako at saka tinanong, "Bakit?"
Parang nag-aalinlangan pa silang magsalita n'ong una pero nagawa ring sabihin ni Raff 'yong gusto nilang iparating sa 'kin.
"Halos lahat, pinag-uusapan ka," concern niyang saad na nagpawala ng ngiti sa mga labi ko. "You know, tsismis," dagdag niya pa.
"Bakit daw?" naguguluhan kong tanong at saka pilit na ngumiti ulit.
"You and Brent. Affair." Naiinis na napatawa ako sa sinabi niyang 'yon.
"But I told them that both of you are just friends, Ma'am Lindsay," singit ni Bernadeth.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong ipagsigawan na walang katotohanan 'yong tsismis na 'yon. Gusto kong ipagtanggol 'yong sarili ko at itama lahat ng iniisip nila. Still, I chose to calm down and smile in front of them.
"Magkaibigan lang talaga kami," kalmado kong sabi at saka pinagsalikop 'yong mga kamay ko sa ilalim ng mesa. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, lalo na ang nanginginig sa inis kong mga kamay.
Tumango-tango lang sila at nakita kong sincere na ngumiti naman sa 'kin si Bernadeth.
Hindi na ulit na-bring up 'yong topic na 'yon n'ong gabing 'yon, n'ong sumunod na araw, at n'ong kasunod pang araw. Lahat, busy sa shooting. Lahat, naka-focus sa trabaho.
Pero kapag kasama ko sila, hindi ko maiwasang matakot– they are nice in front of me. Kaso, kapag nakatalikod ba ko, mabuti pa rin sila sa 'kin?
Sabi nila, huwag kang matakot at magalit kapag pinagbintangan ka sa isang bagay na hindi mo naman ginagawa. Pero bakit gan'on? Bakit natatakot at gusto kong magalit sa kanila? Natatakot akong malaman 'to ni Peter. Natatakot akong hindi kaagad mamatay 'tong issue na 'to. Gusto kong magalit dahil naging mabuti ako sa kanila tapos ganito 'yong isusukli nila sa 'kin?
Perhaps, I am not only feeling fear but extreme disappointment as well. Can't they seriously focus on their own lives? Do they really need to come up with baseless rumors? For what? To add spices to their daily lives?
(Disclaimer: Photo provided above is mine.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top