Chapter 7: Surprise visit

Chapter 7: Surprise visit


One hour before call time, nasa set na ko. Inagahan ko talaga dahil gusto ko rin mapag-isa at mag-isip-isip. Thankfully, sobrang kaunti palang ng tao sa set at karamihan naman sa kanila, busy sa kaniya-kaniyang task.

Nasa Washington Sycip Park kami ngayon, na kilala sa pagiging green oasis nito in a busy city. Six hours lang 'yong napa-book at nakuhanan namin ng permit dito kaya halos four hours lang ang matitira para sa filming mismo.

Naglalakad-lakad ako at sobrang na-appreciate ko 'yong zen garden, gazebo, at kalat-kalat na benches. Sobrang calming tignan ng tropical trees pati na rin ng mga halaman na bibihira na lang makita sa panahon ngayon.

Umupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita at saka pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Huminga ako nang malalim at saka tumingin sa kalangitan.

Hindi pa gan'on kasikat ang araw kaya hindi pa masakit sa mata kapag tumitingin sa langit. Napapikit ako para sana mag-reflect-reflect sa buhay pero nag-flash lang sa utak ko 'yong nangyari kahapon sa reunion.

Napangiwi ako dahil d'on. Damang-dama ko 'yong lungkot sa loob-loob ko.

Pagkatapos kong sigawan si Peter, hindi pa ulit kami nakakapag-usap at wala na kong balak pang kausapin siya. What he did yesterday were off limits. At kung bibigyan ako ng chance na bumalik sa eksena na 'yon? Hindi ko babaguhin 'yong mga sinabi ko sa kaniya.

I know well that we are only pretending as husband and wife, and we both agreed to act as a real married couple when deemed necessary. Pero hindi naman kasali r'on 'yong mga ginawa niya kahapon. It felt like he was playing around. At hindi ko 'yon gusto.

I admit. Nasaktan ako.

Over night, halos hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari at inakto ko. At naisip ko na para maiwasiwas ko na nang tuluyan lahat ng unnecessary feelings and emotions na epekto ni Peter sa 'kin, kailangan kong tanggapin kung bakit ako nagkakagan'on. He's starting to envade a special place in my life.

Hindi ko 'yon gusto. Kailangan n'on na matigil na dahil hindi 'yon kasama sa plano. Magugulo lang ang buhay ko kapag sinalubong at niyakap ko ang namumuong feelings ko na 'yon para sa kaniya.

Napadilat ako at napatanong sa sarili.

May chance ba kami kung hindi niya ko inaya magpakasal more than two years ago for money purposes?

Nagkibit-balikat ako sa naisip.

Dapat hindi na kami mag-usap. Kung kikibo man kami, only for important things. Kung kailangan mag-pretend, sa harap lang ng mga pamilya namin.

Napabuga ako ng hangin.

Nagsimula siguro lahat ng feelings na 'yon n'ong i-invite niya ko sa family dinner nila? O n'ong dinala niya ko sa The Garden para gumaan ang loob ko?

Ewan.

Napalingon-lingon ako sa paligid. Lalo kong naalala 'yong moments na magkasama kami ni Peter. Kailangan, mabaon na lahat ng 'yon sa limot.

"Seryoso natin ah?" pabirong sabi ni Brent nang makita niya ko't magtama ang mga mata namin.

Ngumiti naman ako at umurong pakanan para makaupo siya sa gilid ko.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong pagkaupo. "Mukhang problemado ka," pagpupuna niya saka tumagilid para makita ako nang maayos.

Ginaya ko siya para maging magkaharap kami.

"Alam mo, direk—"

"Brent," nakangiti niyang singit na ikinatawa ko.

"Brent," pagko-correct ko. "Minsan feeling ko, masyado akong mukhang pera," nahihiya kong saad.

"We all 'need' money. Sino bang hindi?" natatawa niyang saad. Diniinan niya 'yong pagkakasabi sa 'need'. "Iba-iba lang ang approach at pangangailangan pero lahat tayo, kailangan ng pera."

Nagkibit-balikat ako at saka itinuloy ang sinasabi, "'Yong iba naman, ayos na sila sa kung anong mayr'on sila. Ako? Ayon, nagpakasal sa mayaman."

"Lindsay," hinawakan niya ko sa magkabila kong balikat. "May mga rason ka. Hindi illegal na nagpakasal kayo ni Brent. Aware siya at aware ka kung bakit kayo nagpakasal."

Napangiti ako sa mga narinig ko. Brent really has the power to make me feel at ease. Minsan man ay palabiro siya. Pero nandiyan siya palagi para makinig at magpayo.

Binawi niya 'yong mga kamay niya at saka tumingin sa langit. Ginaya ko naman siya.

"Kamahal-mahal ba ko?" out of the blue kong tanong na mahina niyang ikinatawa.

"Tinatanong pa ba 'yan? Para mo kong tinanong kung gwapo ba ko, alam kong 'oo' ang sagot." Pareho kaming natawa sa sinabi niya.

"Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko!" natatawa kong sabi habang bahagyang nakakunot ang noo.

Tinignan ko siya kaya tinignan niya rin ako pabalik.

"You are more than of what you think. Kung nakikita mo lang sana ang nakikita ng mga mata ko," seryoso niyang saad na ikinangiti ko.

"Excuse me," pareho kaming napalingon sa nasa harap namin na umubo-ubo pa. Ngumiti siya sabay tingin kay Brent. "Can I talk to Ma'am Lindsay for a minute?"

"Oo naman! Una na ko, balik k'agad kayo sa set," paalala ni Brent at saka tumayo't umalis.

Tumabi naman sa 'kin si Bernadeth. Nagpatulong lang siya i-refresh iyong ibang scenes at kung paano ide-deliver ang ibang lines niya.

It makes me feel happy seeing actors and actresses asking for my help even if we're in the middle of the production phase. Karaniwan kasi, hindi o kaya sa direktor dumidiretso.

Tumayo na kami at magsisimula na sana kong maglakad nang magsalita siya.

"Bagay kayo ni direk," nangingiti niyang saad nang lingunin ko siya.

Napatawa naman ako. "You know, not all relationships are romantic, it could be friendship too. At saka, may asawa na ko; he is actually Direk Brent's best friend."

Napatango-tango naman siya at nag-sorry. Sabi ko, ayos lang 'yon.

Bumalik na kami sa set. Nilibang-libang ko 'yong sarili ko at talagang nagpakapokus sa trabaho.

Parang dumaan lang 'yong oras, natapos din kami sa shooting. Pagkatapos mag-ayos ng lahat, umalis na ko.

Dahil ayaw ko pang makita si Peter, dumaan na lang muna ko sa pinakamalapit na mall. Nagtingin-tingin ng mga libro, appliances, at gamit panlinis sa bahay. I ended up not buying anything.

Umuwi na rin ako nang makaramdam ng pagod. Magko-commute lang ako, hindi dapat ako matapat sa rush hour.

Hapon palang n'ong makauwi ako sa bahay. Bukas 'yong gate kaya dire-diretso lang ako papasok. N'ong malapit na ko sa pinto, napakunot 'yong noo ko dahil ang ingay sa loob ng bahay.

Bigla akong nag-alala.

Nagmamadali akong makarating sa tapat ng pinto at saka pinihit ang doorknob. Halos lumuwa 'yong mga mata ko n'ong pagbukas ko ng pinto, pamilya ko ang nakita ko sa sala.

Hinanap ng mga mata ko si Nang. Nas'an siya?

"Ayan na pala si ate!" narinig kong excited na sabi ni Lance.

Hindi ko siya pinansin. Natataranta akong dumiretso kay Nang nang makita ko siyang prenteng nakasandal sa pintuan ng kusina.

Nanlalaki 'yong mga mata kong bumulong, "Ba't 'di niyo po ko sinabihan?"

"Sabi ko sa asawa mo, sabihan ka," bulong niya rin. "Huwag na raw dahil kaya naman na niya 'to. Baka raw maabala ka pa," dugtong niya.

Napahinga ako nang malalim, "Nang—"

"Naayos ko na 'yong taas, huwag kang mag-alala. Naka-lock na kwarto mo," bulong niya ulit saka inilipat ang titig niya sa likod ko.

Tumingin din ako r'on at nakita ko si mama na papalapit sa 'kin. Kaagad niya kong hinampas sa braso, "Aray naman, ma!" reklamo ko dahil napalakas 'yong hampas niya.

"Trabaho ka nang trabaho, hindi mo asikasuhin 'yong asawa mong may sakit!" Hinampas niya ulit ako.

"Ma, nandito naman si Nang. Saka malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya. Hindi naman kami nagpakasal para maging alipin niya ko," naiinis kong sabi kaya hinampas niya ulit ako.

"Sabi ko, asikasuhin. Wala naman akong sinabing magpakaalila ka! May sakit 'po' kasi 'yong asawa mo 'po'," tuloy-tuloy niyang litanya habang nakapameywang pa.

Napairap na lang ako. Hindi na ko sumagot pa dahil kapag tumaas presyon ni mama, yari na. She is still having her maintenance. Isa 'to sa mga rason ko kung bakit ko pinakasalan si Peter. One month before ako alukin ni Peter ng kasal, inatake sa puso n'on si mama at wala kaming sapat na pera pangbayad sa ospital at lubog na rin kami sa utang dahil sa gamot at araw-araw na gastusin.

Kailangan pang mag-tuition nina Lechar at Lance sa kolehiyo. Sobrang liit din ng kinikita ni papa sa pagpapasada ng jeep. Naging partial na lang din 'yong scholarship ko n'ong nag-fourth year ako dahil sa isang minor course ko n'ong third year na spaghetting bumaba dahil sa 80 na grade sa reporting.

Wala rin akong stable job n'on. Puro part time na sobrang panandalian lang.

Stress sa school, sa scholarship, sa buhay, sa trabaho, sa orgs, isipin pa sa pag-aaral ng mga kapatid, at may problema pa sa pera. Para kong sinalo lahat ng problemang available sa mundo.

Pero lahat nagbago n'ong nagpakasal kami ni Peter. Gumaan lahat ng dala-dalahin. Nakuha ko 'yong dream job ko. Doon ko na-experience na pwede palang magpakasarap sa buhay ang panganay na anak.

"Alam mo bang n'ong dumating kami, inaapoy 'yon ng lagnat?" kunot-noo niyang tanong. "Kapag kayo talaga nag-divorce nitong asawa mo?" pabitin niyang sabi.

"Walang divorce sa Pilipinas," nakasimangot kong singit.

"Patapusin mo ko! Kapag kayo nagpa-annul, sure akong ikaw ang dahilan," sermon niya saka ako hinawakan sa braso.

Hinila ako ni mama paakyat sa taas at kahit gusto kong magpipiglas, hindi ko magawa dahil baka malaglag pa kaming dalawa sa hagdan.

"Ma, dahan-dahan," narinig kong nag-aalalang sabi ni Lechar. Nakasunod silang dalawa ni Lance sa 'min ni mama. Si papa, mukhang naiwan sa sala pati na rin si Nang.

Huminto lang kami n'ong nasa tapat na kami ng kwarto ni Peter. Binitawan niya ko at agad kong tinignan 'yong braso kong pulang-pula na. Nakuha niya lang 'yong atensyon ko n'ong malakas siyang bumuga ng hangin.

"Say-say," kalmadong pagtawag niya sa 'kin; ayon 'yong nickname ko. "Kapag nag-asawa ka, hindi pwedeng 100 percent mo siyang mahal. Dapat 50-50 kayo; 50 sa kaniya at 50 sa 'yo para hindi ka maubos. Pero hindi rin pwedeng puro sa sarili mo lang 'no! Kailangan, aware at sensitive ka sa nararamdaman at kalagayan niya. Dapat, nag-e-effort ka kahit kasal na kayo," mahaba niyang saad sa mababang tono. "Parang dati lang ang sweet-sweet mo sa kaniya!"

Inirapan niya ko at saka humarap sa pinto. Kumatok siya r'on at hindi niya na hinintay pang makasagot si Peter, binuksan niya na kaagad 'yong pinto at saka ako tinulak papasok d'on.

"Aray," mahina kong sambit.

Sinara niya na 'yong pinto at napahinga na lang ako nang malalim.

Nakakailang hingang malalim na ata ako ngayong araw ah?

Napapikit ako para i-compose ang sarili at saka dumilat at humarap sa kama. Nand'on si Peter, nakaupo at nakasandal sa headboard.

"Lalabas din ako mamaya," walang gana kong sabi at saka naupo sa gray contemporary sofa niya na nasa gilid.

"Sorry if you were forced to go here," nanghihina niyang paumanhin na nagpabilis sa kabog ng puso ko.

Hindi ko siya tinignan. Binaba ko lang 'yong bag ko at nahiga na saka pumikit. Nakakainis na puso 'to! Pwede namang chill lang siyang tumibok diyan.

Narinig ko siyang umubo kaya napakagat ako sa ilalim kong labi.

Nabinat ba siya dahil kahapon?

Hayaan mo siya, Lindsay. Kasalanan niya 'yon. Problema niya, bahala siya.

"Also... sorry for what I did yesterday," pahina nang pahina 'yong boses niya.

Lalong napadiin 'yong kagat ko sa labi ko. Lalo kasing bumibilis 'yong kabog ng puso ko.

"I'll be more considerate next time—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya, "No more next time, Peter. Let's just get this through nang hindi na pinapahirapan ang isa't isa. No more unnecessary conversation. Annul. Tapos," nakapikit kong litanya.

Para kong hinahabol 'yong hininga ko pagkatapos kong sabihin lahat ng 'yon. Hindi pa nakiki-cooperate 'yong puso ko. But I have to be tough.

"Totoo lahat ng—"

I stopped him by abruptly making a shushing sound.

Ayaw kong marinig kung anuman 'yong sasabihin niya. Hindi ko gustong malaman kung anuman 'yon.

After an hour or so, kumatok si Nang at sinabing umalis na pauwing Mandaluyong ang pamilya ko. Dali-dali akong lumabas sa kwarto ni Peter dala-dala ang bag ko nang hindi siya nililingon.

Nag-good night lang ako kay Nang pagkakita ko sa kaniya at saka pumasok sa kwarto kong nabuksan niya na rin.

It should have been better if we didn't get a little closer to each other. Walang ganito. Walang balakid sa buhay.


(Photo courtesy of Kenneth M. del Rosario for Getaway PH.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top