Chapter 6: Reunion

Chapter 6: Reunion


Sobrang sakit ng ulo ko. 'Yon lang ang sigurado ako ngayon.

Nakakainis na Peter 'yon, hindi ako pinatulog nang maayos! Sa tulog ko na wala pang dalawang oras, hindi ko alam kung p'ano niya nagawa na sumingit pa r'on para ulitin-ulitin 'yong pa-good night na sinabi niya kagabi.

Napasabunot ako sa sarili ko at saka nagpa-padyak-padyak habang nakahiga. Nababaliw ka na, Lindsay!

Call time namin ng nine in the morning. At heto ko, four palang ng umaga, gising na.

Mukha akong zombie sa pangit ng hitsura ng mga mata ko!

Bukod sa maigsi lang ang tulog ko, anong oras na rin ako kinain ng antok. Akala ko nga hindi na ko makakatulog!

Ginawa ko naman lahat para antukin kaagad. Lahat na ng sleeping position, nagawa ko na ata. Pero ayon, I ended up like this.

P'ano, 'yong puso ko, napraning kagabi.

Pinisil-pisil ko 'yong mga pisngi ko para magising na ang diwa ko. Nakailang hinga rin ako nang malalim at saka ako nag-desisyong bumangon.

Aagahan ko na lang pumasok nang hindi ko makita si Peter. Baka sakaling makalimutan ko rin 'yong naramdaman ko kagabi kung ano man 'yon.

Nag-toothbrush lang ako, ligo, at namili na ng masusuot. Dahil sandali lang naman kami magshu-shoot today, nagsuot na lang ako ng white V-neck long sleeve chiffon blouse at high-waisted dark brown pants. Tinernuhan ko lang 'to ng flats at saka kinuha ang tote bag ko.

Good thing, kakaunti lang ang mga kailangan kong dalhin ngayong araw.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto nang hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Para hindi magising 'yong nasa kabilang kwarto kung nandiyan man siya at hindi kami magkita.

Pagkababa ko sa hagdan, narinig kong parang may nagtatalo sa kusina. Sa kyuryosidad ko, dumiretso ako r'on na nakakunot ang noo.

"Tinapon ko na nga 'yong nido soup dahil sira na! Ang kulit naman ng batang 'to," kunsumidong saad ni Nang sa napakalakas na boses.

Nakita ko siya sa may counter at napansin kong nand'on si Peter. Nakatalikod siya sa pwesto ko ngayon. Nakaupo siya sa stool.

Kumalma ka, Lindsay. Kumalma ka.

"Oh, ayan na pala asawa mo. Magpaluto ka na lang ulit!" naiinis na saad ni Nang sabay turo sa 'kin.

Napataas ako ng dalawang kilay sabay turo sa sarili ko. Sakto naman at nilingon ako ni Peter.

Parang on cue na pagtingin niya sa 'kin, biglang bumilis 'yong kabog ng puso ko.

Kinuyom ko 'yong mga kamao ko para kumalma 'yong naghuhurumintado kong puso. Buti naman, nakinig at kumalma rin mula sa mabilis na pagkabog nito!

"Lindsay?" nabalik ako sa wisyo n'ong tawagin ako ni Peter.

"Ano 'yon?" wala sa sarili kong tanong.

"I said you're too early today." Napatango-tango ako sa sinabi niya.

"Maaga naman ako palagi," I replied as a matter of fact. "Hindi ka papasok?" wala sa sarili kong tanong.

Malamang, Lindsay! Baka may sakit pa siya, right?

"I took a break," he said shortly.

Napunta kay Nang 'yong tingin ko n'ong napalakas 'yong bagsak niya ng ilang gamit panluto sa counter.

"Paglutuan mo nga 'yan ng nido soup nang matahimik na," utos ni Nang sa 'kin. Nanlalaki 'yong mga mata niya na parang kapag hindi ko sinunod, papaluin niya ko. Gan'ong level!

"Papasok na siya," sabi ni Peter kay Nang pagharap niya sa kaniya.

Hindi inaalis ni Nang 'yong tingin niya sa 'kin kaya nag-desisyon ako na ibaba na sa stool malapit sa kinauupuan ni Peter 'yong tote bag ko at saka naghugas ng kamay.

"You might get late," mahinang saad ni Peter, pinatutukuyan niya ko.

Halata sa boses niya na nanghihina pa siya't may sakit.

Napabuntong-hininga ako, "Mamaya pa pasok ko. Let me do this."

"Buti naman! Makalabas nga muna, sumakit ulo ko rito sa batang 'to," kunsumidong saad ni Nang.

Pagkapunta ko sa counter, nakita kong wala na si Nang. Napalingon ako kay Peter na nakatitig sa 'kin. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin at saka nagsimulang kumuha ng ingredients.

"I'll talk to Brent in case you get late," sabi niya.

Tumango-tango na lang ako. Ewan ko kung nakita niya. Basta nag-focus ako sa ginagawa ko.

Nagsimula na kong magluto at tahimik naman kami n'ong una hanggang binasag niya 'yong katahimikan. "Nag-chat si Aika kagabi." Napalingon ako sa kaniya sa gulat.

Kinakabahan ako sa kung anumang sinabi ng babaeng 'yon! Nako ka talaga, Aika.

"Sabi niya may class reunion daw kayo mamayang hapon," mahina niyang sabi.

Napairap naman ako at saka tumalikod para ituloy ang ginagawa.

Si Aika talaga! Nagsabi naman na ko sa kaniya na hindi ako makakapunta. Kung gusto niya, punta siya pero ako? No. Ayaw ko.

"Why don't you come with Aika?" nagtataka niyang tanong na parang nagsa-suggest na rin na umalis ako.

"Mas gugustuhin ko pang matulog mamaya pag-uwi ko kaysa makita mga kaklase ko n'ong high school," naiinis kong sabi pero sa mababang tono lang.

Hindi niya naman deserve masalo 'yong inis ko dahil kay Aika. 'Yong Aika na 'yon!

"Why is that so?" parang pumiyok pa 'yong boses niya. Salita kasi nang salita. Hindi na lang magpahinga.

"That reunion will only be filled of unnecessary bragging, I'm telling you. At saka, marami akong fake friends d'on, for your information," saad ko habang nagluluto.

Kalma, Lindsay. Kailangan sincere at with love kapag nagluluto.

"Try to unwind once in a while," napairap ako sa narinig ko. Hinarap ko siya at nilapitan. 'Yong kitchen island na lang ang pagitan namin. "Get to know more people who might be of help to you in your future works or might teach you one or two about life."

Napabuntong-hininga ako. Ang kulit naman nito.

"Reminisce with them. Bad or memories man 'yon. Who knows, you might enjoy it. Kung hindi, don't come next time," seryoso niyang sabi at saka sumandal sa kitchen island.

Napahakbang patalikod tuloy ako dahil sa lapit ng mga mukha namin.

"Kung sasama ka, sige sasama ko," pagbibiro ko saka alanganing tumawa.

As if namang sasama siya, may sakit pa siya. At saka hindi naman siya naglalalabas para mag-hang out, not unless si Brent ang nag-aya.

"Deal," he calmly said.

Napataas 'yong kaliwa kong kilay saka natawa. "Nagjo-joke ka ba?"

Umiling siya bilang sagot. I was dumbfounded for a second. Sira ba siya?

"May sakit ka!" Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko sa pagtaas ng boses ko. Dahil sa hiya, tinalikuran ko na lang siya at bumalik sa pag-aasikaso ng niluluto ko.

Tumahimik naman na siya kaya nakapag-focus na ko sa pagluluto. In less than an hour, natapos na ko sa ginagawa.

Kinuhanan ko siya ng mangkok at kutsara at saka sinalinan ng soup. Ipinatong ko 'yon sa tray at saka inilagay sa kitchen island sa harap niya.

"Paso ba 'yan?" tanong niya habang nakatitig sa kanan kong kamay.

Tinago ko kaagad 'yon sa likod ko at saka umiling. Alanganin akong ngumiti.

"Ubusin mo 'yan ah! Pasok na ko," sabi ko at saka nagmamadaling kinuha 'yong tote bag ko.

"Won't you apply some cream on it?" tanong niya bago ako makalabas sa kitchen.

Nilingon ko siya at saka umiling. Nakatingin siya sa 'kin mula sa kinauupuan niya. Aalis na sana dapat ako nang magsalita na naman siya.

"I'll fetch you at three." Napakunot ang noo ko sa narinig. "That's final."

Tinalikuran niya ko't itinuon ang pansin niya sa hinihigop na soup.

"Bahala ka, hindi ko sasabihin sa 'yo kung s'an kami magshu-shoot," naiinis kong sabi at saka umalis na nang padabog.

Pagdating ko sa set sa isang restaurant, magsisimula palang mag-film kaya makikilagay muna ko ng gamit sa kotse ni Brent. Pumunta ko sa parking area at saka hinanap 'yong kotse niya.

Pagkakita ko, kaagad akong kumatok sa salamin ng driver's seat.

"Direk, palagay naman ako," pakiusap ko pagkababa niya ng salamin at saka iminuwestra 'yong tote bag kong dala.

"Sabihin mo muna master," natatawa niyang saad kaya napatawa rin ako.

"Kala mo bata!" natatawa pa rin ako pagkasabi n'on.

Binuksan niya naman agad 'yong salamin sa backseat saka ko ipinatong sa upuan d'on 'yong tote bag ko. Bumalik ako sa gilid niya.

"Salamat," nangingiti kong sabi.

Pumunta na ko sa set at ilang minuto lang, nandoon na ang lahat. Wala kaming sinayang na oras. Nagsimula kaagad kami para maagang matapos.

N'ong bandang 1 p.m., nag-10-minute break kami tapos start na ulit. Thankfully, hindi naman na kinailangang ulit-ulitin 'yong take sa ibang eksena.

Medyo nangangawit na rin ako sa pagtayo sa gilid ni Brent. Napansin niya ata 'yon kaya napalingon siya sa 'kin. Tumayo siya sa kinauupuan niya saka iminuwestra 'yong upuan niya nang hindi nagsasalita para hindi magulo 'yong nag-a-acting sa harap.

Iwinagayway ko lang sa hangin 'yong kamay ko saka umiling. Sign na huwag na.

Hindi na rin naman niya ko kinulit pagkatapos n'on. Nadapo 'yong tingin ko sa isa naming kasamahan at pansin ko 'yong mapang-usisang titig niya bago siya lumingon sa kabila.

Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon.

Wala pang 3 p.m., natapos na kami. Nagpaalam na ang lahat sa isa't isa at nagliligpit naman ang iba.

Sabay kami ni Brent pumunta sa kotse niya para kunin 'yong tote bag ko. Binuksan niya 'yong pinto sa back seat at saka ko inabot 'yong gamit ko.

Pagkasara ko ng pinto, wala na siya sa gilid ng kotse at narinig ko na lang siya sa hindi kalayuan.

"Buddy! Na-miss kita. Na-miss mo ba ko?" Rinig ko 'yong boses ni Brent pati pagtawa niya.

Biglang kumalabog 'yong puso ko. Hinanap ko kung nas'an siya.

Pagdapo ng mata ko sa hindi kalayuan, nakita ko si Brent at isang pulang AC Schnitzer BMW i8.

Kabadong-kabado ko. Sigurado ko, kotse ni Peter 'yon!

Dahan-dahan akong lumapit d'on at nakita ko sa gilid ni Brent si Peter. Kunot-noo kong mas lumapit sa kanila at saka sinimangutan si Peter kahit hindi pa siya nakaharap sa 'kin.

"Ang pasaway nito!" naiinis kong sabi.

Sabay silang napaharap sa 'kin at tawa naman nang tawa si Brent.

"Pakana mo 'to?" Tinaasan ko ng kilay si Brent. Tinawanan niya lang ako at saka umalis.

Nilingon ko si Peter, "At talagang dinala mo pa 'yang mamahalin mong kotse?" hindi makapaniwala kong saad.

Bahagya siyang ngumiti. Nakita kong may pinindot siya sa remote at tumaas na 'yong pinto sa passenger's seat.

Inirapan ko siya saka pumasok sa loob. Pagkapasok niya, nag-start na ang makina ng kotse.

Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na siya. Mukha ngang ready na ready siya. Umaalingasaw 'yong pabango niya. He's wearing white V-neck shirt and black pants.

Tinitigan ko siya nang masama, "Alam mo na rin naman siguro kung s'an tayo pupunta, right?" Malamang sinabi na rin ni Aika.

"Yes, ma'am," nangingiti niyang sabi at saka nagsimulang magmaneho.

Hindi ko siya kinikibo the whole time. Sobrang nag-aalala ko sa kaniya sa hindi ko malaman na dahilan.

Basta! Nag-aalala ko dahil may sakit siya. Tapos.

In less than an hour, nakarating na kami sa Pasay. Sa Seaside Boulevard 'yong restaurant na paggaganapan ng reunion.

Ilang sandali lang, nand'on na kami sa lugar. Nag-park lang siya at saka kami bumaba. Nilingon ko siya n'ong kalmado na ko.

"Huwag mo na 'tong uulitin, Peter," mariin kong saad. "May sakit ka, baka nakakalimutan mo."

Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad. N'ong nasa tapat na kami ng restaurant, pinagbuksan niya ko at pinauna pumasok.

Natanaw ko kaagad sa hindi kalayuan 'yong mahabang mesa kung nas'an 'yong mga kaklase ko dati. Nakita ko si Aika na tumayo sa kinauupuan niya at saka kumaway-kaway.

Lagot ka sa 'kin mamaya, babae ka!

Ngumiti na lang ako at saka dumiretso sa mesa.

"Ang gwapo! Amoy mayaman," hirit ni David, siya 'yong bully noon sa klase. Titig na titig siya kay Peter na nasa gilid ko.

"Peter," pag-i-introduce ko sa kaniya. Humahanap ako ng tamang salita kung paano ko siya ipapakilala nang unahan niya na ko. "Lindsay's husband."

Parang nag-init 'yong mga pisngi ko sa narinig. Kinagat ko 'yong ilalim kong labi at saka inurong 'yong upuan sa tabi ni Aika para umupo. Naramdaman ko namang nakaalalay si Peter sa likod ko.

Nang makaupo ako, tinabihan niya ko. Sunod-sunod 'yong mga tanong sa kaniya ng mga nasa mesa. Gustong-gusto ko silang irapan. Hello! May sakit 'yong asawa ko.

"Order na tayo," nakangiti kong suhestiyon para matigil na sila. Thankfully, nawala na kay Peter ang atensyon nila.

Nag-order na sila at as expected, puro seafood ang nandito.

Lumingon ako kay Peter at saka bumulong, "May food allergy ka ba?"

Umiling siya bilang sagot. Tinanguan ko lang siya saka nilingon si Aika sa kabila ko.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya saka siya tinignan nang masama. Napatili siya kaya naagaw niya 'yong atensyon ng iba. Tumatawa-tawa lang siya at saka ako tinignan.

"Alam mo bang may sakit 'tong kasama ko?" nanggigigil kong sabi sa kaniya.

Nabigla naman siya sa sinabi ko at saka lumingon kay Peter na nasa kabilang tabi ko. Binalik niya 'yong tingin niya sa 'kin.

"Mukhang wala naman! Ang gwapo-gwapo—"

Sa sobrang inis ko, hinampas ko siya sa braso. Kaagad siyang napa-aray kaya ngumisi lang ako. Buti nga sa 'yo!

Nawala 'yong atensyon ko kay Aika n'ong abutan nila si Peter ng song book. Pinapapili nila ng kanta. Kaagad kong nilingon si Peter.

"Huwag na," bulong ko.

Ngumiti lang siya nang magtama ang mga mata namin. Para kong kakapusin ng hininga dahil d'on. Nasasanay na 'to sa pag-ngiti-ngiti niya ah!

Nakita ko na lang siya na nag-enter ng number sa remote kaya napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko.

Ang tigas ng ulo!

Kinuha niya 'yong mic na inabot ni Mariel at saka tumingin sa 'kin.

https://youtu.be/dFQAVRe0pcg

Mababa lang ang boses niya sa pagkanta ng mga naunang linya ng napiling love song. Masarap pakinggan ang tono at para nitong pinaparating ang mga salitang gustong sabihin.

Hindi ko alam kung anong gagawin o kung dapat bang may gawin ako. Parang natunaw lahat ng inis ko nang marinig ko siyang kumanta. Medyo hirap siya pero ang ganda pa rin ng boses niya.

Naghaharumintado 'yong puso ko at nag-iinit din 'yong mga mata ko. I don't know what exactly it is. O baka alam ko pero ayaw kong tukuyin?

Inurong niya 'yong upuan niya sa tabi ko at saka inabot 'yong kamay ko para hawakan 'yon nang mariin gamit 'yong isa niyang kamay.

Natulala na lang ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam. It feels right but it feels wrong as well.

Hindi ko na marinig 'yong iba. Hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa paligid. Pokus na pokus na lang ako sa nasa harap ko— kay Peter.

Pagdating ng sa chorus, tumataas na ang boses niya pero ang sarap pa rin pakinggan. Hindi naman siya bumibirit kaya sakto lang sa pandinig.

Mas inilapit niya 'yong mukha niya sa 'kin na isang maling galaw ko lang, magdadampi na 'yong mga labi namin. Titig na titig ako sa mga asul niyang mata. Para kong nilalamon n'on at pinapahina ang kalamnan ko.

Hindi ko alam kung bakit at paano pero naluha na lang 'yong isa kong mata na kaagad niyang pinunasan gamit ang likod ng kamay niyang nakahawak sa 'kin kanina.

Stop this, Peter. This ain't good. This won't do us good.

Palakas nang palakas 'yong kabog ng puso ko. Para 'tong lalabas mula sa dibdib ko.

Sobrang nao-overwhelm ako sa nararamdaman ko. At hindi ko alam kung paano iwe-welcome 'to. Hindi ko alam kung p'ano magre-react.

Natapos niya 'yong kanta ilang sandali lang at saka ako nginitian nang pagkatamis-tamis. The first sweet smile I have ever seen from him.

"Hey," kuha niya sa atensyon ko at saka hinawakan 'yong pisngi ko.

Napaiwas naman ako at saka inayos ang sarili ko.

Naibalik niya na pala 'yong mic at kita kong inaasar-asar na kami ng ibang nasa mesa.

"Grabe! Pwedeng-pwede pang music video," kumento ni Aika na sinang-ayunan naman ng iba.

Nginitian ko na lang sila at nakapag-move on din naman sila nang kumanta na si Erika. Nakatuon lahat ng pansin sa kaniya.

Napalingon lang ako kay Peter n'ong hawakan niya 'yong kanan kong kamay na kaagad ko namang iniwas. Inalis ko rin 'yong tingin ko sa kaniya pero pansin ko sa peripheral vision ko 'yong pag-aalala niya.

Hindi ko na 'yon pinansin. Hindi ko na rin siya kinibo kahit n'ong kumakain na't nilagyan niya ng fried rice 'yong plato ko. Natapos din 'yong reunion na puro sila lang, mga dati kong kaklase, ang nag-uusap.

Para na kong mapapanisan ng laway. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong nila ko, tulad ng tungkol sa trabaho.

"Buti hindi nagseselos asawa mo? Siya pala palagi mong direktor," kumento ni David n'ong nakwento ko 'yong mga film na ginawa namin ni Brent.

Si Peter? Magseselos? Why would he?

Ngumiti na lang ako at magche-change topic na lang sana nang sumingit si Peter, "I trust my wife."

Mas lalo akong nainis sa kaniya. Ano bang ginagawa at pinagsasasabi niya? Hindi naman siya required na magpaka-sweet ng ganito! Ba't kailangan niyang gawin lahat ng 'to?

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'to o masyado lang akong nagiging OA. Pinilit ko na lang isawalang-bahala 'yon at hindi na muling nagsalita.

As expected, nagyabangan lang silang lahat. I noticed some of them who became more understanding. 'Yong iba mukhang mas bumait din. Pero nand'on pa rin 'yong yabang ng ilan. 'Yong yabang na nakakainis.

I shrugged it off. None of my business. I shouldn't comment further.

Pinagmasdan ko na lang silang lahat hanggang sa nagkayayaan ng umuwi. Nagpaalam na rin ako at saka tumayo't lumabas.

Ramdam ko namang nakasunod lang si Peter sa likod ko. Pagkarating namin sa parking area, hinintay ko lang siyang mabuksan 'yong pinto at saka ako pumasok sa loob.

Huminga ko nang malalim at iwinasiwas lahat ng naramdam ko kanina. Pagkapasok niya, saka ko nagsalita.

"Ano 'yon? All the things you did earlier. What was that for?" seryoso kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya.

"Just doing husband duties—"

"Hindi ko naman sinabing gawin mo," mariin kong sabi. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"I just did what I want—"

"Without asking for my permission!" Hindi ko na napigilan 'yong pagtaas ng boses ko.

"Lindsay," mahinahon niyang tawag sa 'kin. "I'm sorry." Malamlam 'yong mga mata niya. Nababasa ko ngayon 'yong emosyon sa mga asul niyang mata at hinihiling ko na lang na sana, sana hindi ko nakita 'yong sensiridad sa mga 'yon.

"Huwag mo nang gagawin sa susunod 'yong mga bagay na ayaw ko at hindi ko naman sinabing gawin mo," huminto ko at huminga muna. "Sinabi ko na kasi sa 'yo, ayaw kong pumunta rito."

Whatever that overwhelming feelings are, I don't care about them. They are not welcome in my life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top