Chapter 5: Conscience
Chapter 5: Conscience
The next day, everything came back to normal. Naiwasiwas ko na kung ano man 'yong overwhelming emotions na naramdaman ko n'ong nakaraan.
Sobrang naging busy rin ako. Tulad ngayon, anong oras na, nasa set pa ko. Nandito ulit kami sa mansion.
"Scene 50. Take 10!" sigaw ni direk.
Sobrang tahimik ng mga staff. Nate-tense na ang iba dahil sa halatadong inis ni direk. Dapat kasi, two hours ago pa kami tapos sa pagfi-film pero heto, na-extend nang na-extend dahil sa mga scene na kinailangang i-take higit sampu.
Mukhang kina-career na rin n'ong cast members ang pag-acting kaya hindi rin tumagal ng 30 minutes, natapos din kami.
"It's a wrap!" Kaagad umalis sa set si direk kaya sinundan ko siya dahil sa pag-aalala.
Hindi lang naman siya direk para sa 'kin, para ko na rin siyang kaibigan.
Dumiretso siya sa storage room kaya pumasok din ako r'on.
"Kung anong kinalamig ng panahon, 'yon naman kinainit ng ulo mo," mahinahon kong saad pagkalapit ko sa kaniya.
Nasa harap kami ng shelf at kinuha niya muna 'yong phone niya sa loob ng bag niya bago niya ko hinarap.
"Hindi ka ba nainis kanina?" Mahinahon na siya ngayon at nakakangiti na rin kahit pap'ano kaya napangiti rin ako.
"Hindi," sagot ko sabay iling. "Ay! Medyo pala," bawi ko na ikinatawa namin pareho. "Ayan, ganiyan dapat. Happy-happy lang. Nakakapangit kaya kapag palagi kang galit," biro ko.
"Uuwi na si Peter two days from now, 'di ba?" seryoso niyang tanong.
"Oo? Ata?" hindi ko siguradong sagot.
"Ikaw 'tong asawa, dapat alam mo," kunot-noo pero nakangiti niyang sabi.
Natigil lang kami sa pag-uusap n'ong may kumatok.
"Pasok," sabi ni direk kaya pumasok na 'yong ibang staff. "Oh?" nabiglang banggit ni direk kaya lahat ng nasa kwarto, napatingin sa kaniya.
Nakatitig siya sa phone niya. Bumuga siya ng hininga at saka napakamot sa ulo.
"May problema ba?" mahina kong tanong.
Tumango siya, ibinulsa ang phone, at saka kinuha ang atensyon ng lahat.
"Is everyone here?" tanong niya.
"Opo, direk," sagot n'ong boom operator namin.
"Nag-text 'yong manager mula sa resort na pina-reserve natin. Canceled. Schedule conflict kaya hindi na raw pala nila tayo maa-accommodate, lalo na at ang dami natin," dismayadong anunsyo ni direk.
Napakagat ako sa ilalim kong labi. Paano na 'yon? Next week na 'yon ah!
"Saan na tayo, direk?" tanong n'ong makeup artist namin at saka ako nilingon ni direk.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Any place in mind na hindi lalayo r'on sa hitsura ng place na na-visualize mo?" natahimik ako sandali.
May ilang nag-suggest pero hindi ako ma-satisfy-satisfy. Pero ilang saglit lang, parang biglang may lightbulb na umilaw sa ulo ko. Ngiting-ngiti kong sinabi, "Sa Baler!"
May ilang side comments, tulad ng malayo, kailangang mag-stay in, may budget pa ba, baka mag-conflict sa schedule ng cast, at iba pa.
Pero natahimik ang lahat n'ong dahan-dahang ipinalakpak ni direk ang mga kamay niya para kunin ang atensyon ng lahat.
"That's final. I'll personally fix things to be sure. We'll go to Baler next week!" May ibang na-excite at ang iba naman ay nag-worry. "Coordinate to everyone, especially to the cast members, Raff. Check their availability," utos ni direk sa production manager na sakto naman na nandoon din.
Sobrang saya ko sa loob-loob ko. Gustong-gusto kong makapunta sa Baler noon pa at ito na 'yon!
Pagkaalis ng lahat, napayakap ako kay Brent at nag-thank you sa pagpayag niya. Nginitian niya ko pabalik at saka bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Umuwi ka na. Alon na ng dagat ang makikita mo next week, hindi lang 'yang paalon-alon mong buhok," biro niya at saka lumabas na.
Kinuha ko na rin lahat ng gamit ko at saka lumabas. Nag-commute lang ako pauwi at para akong batang patalon-talon habang naglalakad papunta sa pinto ng bahay.
Hindi nakasara 'yong gate pati pinto kaya hindi na ko nag-abalang kumatok pa. Pagbukas ko ng pinto, kaagad kong hinanap si Nang bago isara ang pinto.
"Nang?" tawag ko sa kaniya. "Nang!" masayang-masaya kong hanap sa kaniya.
Hindi pa ko nakakaalis sa sala n'ong nakita ko siyang lumabas mula sa kitchen. Napatakbo ko sa pwesto niya at saka ngiting-ngiting hinawakan ang mga kamay niya.
"Aalis ako next week!" bungad ko. "Pupunta kaming Baler!" excited na excited kong dugtong.
"Anong mayr'on?" nagtataka niyang tanong.
"Na-cancel po kasi reservation namin d'on sa resort na pagshu-shooting-an namin. Tapos ayon, napapayag ko si Brent na sa Baler na lang!" tuloy-tuloy kong kwento.
Sa kung anong saya ko, ayon naman ang pagtataka at lungkot ni Nang kaya napabitiw ako ng hawak sa kaniya. Napuno rin ng kyuryosidad ang mukha ko.
"May problema po ba?" takang-taka kong tanong.
Bumuntong-hininga muna siya at saka nagsalita, "P'ano 'yong yearly dinner natin kasama ang pamilya ni Peter tuwing birthday niya?"
Sobrang nabigla ako sa narinig. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Hindi agad ako nakasagot.
"Hindi ka pupunta? Hindi ba magtataka sina Alexia at Mikael nito kapag wala ka?" Bigla akong kinabahan sa sunod-sunod na tanong ni Nang.
May point siya, "Pero, Nang, kailangan ako ng production team, lalo na ni Brent," nanghihinayang kong saad. Hindi ko alam paano sasabihin pero hindi pwedeng mawala ako sa set.
"That's okay." Napaangat 'yong tingin ko sa pinto. Nakita ko na iniluwa nito si Peter.
Napakunot ang noo ko. "Sa isang araw ka pa dapat uuwi 'di ba?" tanong ko lang dapat 'yon sa sarili ko pero napalakas pala.
He slightly smiled. Parang dinurog 'yong puso ko. He looks overworked. He looks tired. At ngumiti si Peter? Seryoso ba 'to?
"We cut short the business trip because I'm sick," saad niya. May sakit pala siya. Halatado naman 'to sa boses niyang nanghihina. "Look, Lindsay, you are not obligated to be at my birthday dinner."
Mukhang seryoso talaga siya, lalo na at narinig kong binanggit niya ang pangalan ko na napaka-unusual. Napangiwi ako.
Binalik ko 'yong tingin ko kay Nang na mukhang sobrang disappointed sa 'kin. Hindi ko alam pero nasasaktan akong makita 'yong gan'ong reaksyon ni Nang. I wanted to apologize but I don't know-how.
"Hindi ba talaga kaya?" tanong ni Nang sa mababang tono. "Baka pwedeng umuwi ka kaagad. Kailangan ka ba talaga sa buong shooting?"
Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.
"Oh siya," tumingin siya kay Peter na nakasandal na ngayon sa pintuan. "Kayong mag-asawa na ang bahala mag-usap. At ikaw bata ka, magpahinga ka na sa taas."
Hindi na ko nilingon ni Nang at dumiretso na siya sa kwarto niya. Para akong batang naluluha na napalingon kay Peter.
Ngumiti siya ulit na ikinainis ko, "Bakit ka ba ngiti nang ngiti?"
"Just to tell you that it's really okay for me," kalmado niyang saad at saka umakyat sa taas. Baka magpapahinga na sa kwarto niya.
Naestatwa ko sandali sa kinatatayuan ko bago ako napabuga ng hininga. Inakyat ko lang 'yong bag ko sa kwarto ko at saka lumabas.
Napahinto muna ko sa tapat ng kwarto ni Peter. Lumapit ako r'on at aktong kakatok na sana pero ibinaba ko na lang 'yong kamay ko at saka pumunta sa first floor.
Dumiretso ko sa tapat ng kwarto ni Nang at saka kumatok.
"Nang?" tawag ko sa kaniya n'ong hindi siya sumagot.
"Pasok," mahina niyang saad pero tama lang para marinig ko.
Dahan-dahan kong binuksan 'yong pinto at saka sumilip. Alanganin akong ngumiti n'ong magtama ang mga tingin namin. Nakahiga na siya sa kama ngayon.
"Bakit?" tanong niya saka ako napabuntong-hininga.
Pumasok ako at saka isinara ang pinto sa likod ko. Umupo ako r'on sa paanan ng kama niya kaya umupo rin siya't sumandal sa headboard ng kama.
"Hindi ko po alam. Nakalimutan ko po na birthday na nga pala ni Peter next week," malungkot kong saad at saka napayuko.
Wala akong narinig na salita mula kay Nang kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang nakakaramdam ako ng konsensya at lungkot.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" tanong niya sa mababang tono. Bakas pa rin sa boses niya 'yong pagkadismaya.
"Sorry po—"
"Huwag ka sa 'kin mag-sorry, Lindsay," putol niya sa sasabihin ko at saka niya ko tinitigan sa mga mata. "Kay Peter. Malamang sa malamang, gagawan niya ng paraan 'yan para hindi magtaka sina Alexia at Mikael," pagpapaalala niya.
Napatango-tango na lang ako. Ilang sandali akong natahimik at saka ako nakaisip ng ideya.
"Ipagluto ko po kaya si Peter? May sakit siya, right?" suhestiyon ko na ikinangiti naman ni Nang.
"Alam mo ba ang paborito niya?" Umiling-iling ako. "Beef broccoli," dugtong niya.
Napasimangot naman ako sa narinig.
"Ang hirap naman n'on, Nang!" reklamo ko na ikinatawa niya. "Alam niyo naman, mga simple lang kaya ko," nahihiya kong saad at saka napakamot sa batok.
"Anong kaya mo?" Nanliliit 'yong mga mata niyang nakatingin sa 'kin.
"Naalala ko na!" nakangiti kong sabi. "Last time, nag-order siya ng soup. Nido soup na lang po kaya?"
"Labas na! Gawin mo na 'yan," pagtataboy ni Nang sa 'kin.
Napangiti naman ako nang makitang bumalik na sa masiglang sarili si Nang. Tumayo na ko at binuksan ang pinto. Lalabas na sana ko n'ong magsalita siya. Nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sa 'kin.
"Kilalanin mo pa si Peter, 'nak. Siguradong magugustuhan mo rin siya," mahinahon niyang saad.
My heart almost skips a beat because of what I've heard. Natulala ko sandali. Nabalik lang ako sa wisyo n'ong nginitian niya ko at sinenyasan na lumabas na kaya umalis na ko sa kwarto niya.
Inalog-alog ko 'yong ulo ko. That's nothing. Nagulat lang ako sa narinig at wala lang 'yong naramdaman ng puso ko.
Dumiretso na ko sa kitchen. Naghugas muna ng mga kamay at saka inayos 'yong mga sangkap at gamit na kailangan ko. Ngumiti-ngiti muna ko. Sabi kasi nila, kapag magluluto ka, dapat sincere sa ginagawa at may halong pagmamahal para masarap.
Kahit naman pagod ako sa trabaho at hindi gan'on kagaling magluto, gusto ko pa rin na masarap 'yong maihahain ko.
Inabot ako ng isang oras sa kusina bago ako natapos. Kumuha lang ako ng tray at saka ipinatong d'on 'yong mangkok at serving spoon. Pagkatapos, nagsalin na ko ng soup. Medyo mainit pa kaya hindi ko naiwasang mapaso.
Napasimangot naman ako. Ano ba 'yan! Ang sakit tuloy.
Hinayaan ko na lang 'yon. Anong oras na. Baka tulog na si Peter.
Naghugas lang ulit ako ng kamay at saka dahan-dahang naglakad paakyat habang dala-dala 'yong tray.
N'ong nasa tapat na ko ng pinto ng kwarto niya. Hindi ko na nagawang kumatok kaya nilakasan ko na lang 'yong boses ko sa pagtawag sa kaniya.
"Peter? Gising ka pa ba?" N'ong wala akong narinig na sagot, mas nilakasan ko pa 'yong boses ko. "Peter! Pagbuksan mo ko ng pinto—"
Alanganin akong napangiti n'ong binuksan niya ang pinto at nakita kong mukhang kakatapos niya lang isuot 'yong t-shirt niya.
"Ang atat mo," masungit niyang kumento.
Awkward akong napatawa, 'yong tunog 'hehehe' talaga kaya medyo nahiya ako.
Iminuwestra ko na lang kaagad sa kaniya 'yong bitbit kong tray at saka ngumuso sa loob. N'ong mukhang hindi niya ko naintindihan saka ako nagsalita, "Pwedeng pumasok?"
Tumango lang siya at saka binuksan nang malawak ang pinto. Pumasok na ko at inilagay sa taas ng kama niya 'yong tray.
Tumayo lang ako sa tapat ng kama niya at dahan-dahan naman siyang umupo r'on para hindi matapon 'yong soup, saka niya kinumutan 'yong mga binti niya.
Sa sobrang bigla ko n'ong hawakan niya ang tray dahil mukhang mabibitawan niya, napalapit ako sa kaniya at saka siya tinulungang iangat 'yon.
Buti na lang at lamp niya na lang ang bukas. Ramdam na ramdam ko kasi 'yong pag-init ng mga pisngi ko n'ong mahawakan ko 'yong kamay niya.
Kaya n'ong naipatong na namin sa nakukumutang binti niya 'yong tray, bumitaw kaagad ako sa pagkakahawak d'on.
"What's this for?" nagtataka niyang tanong at saka tinikman. "Luto mo?"
Tumango ako bilang sagot n'ong tinignan niya ko.
"Kaya pala iba ang lasa," kumento niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Pangit ba lasa?" nag-aalala kong tanong. Baka lalo siyang magkasakit kapag hindi tinanggap ng tiyan niya 'yon!
Tinikman ko naman 'yon kanina, okay naman 'yong lasa. Baka dapat nagdagdag ako ng asin?
Hindi niya ko kinibo. Busy siya sa paghigop ng soup at tahimik lang din akong nakatayo sa harap ng kama niya.
Napatingin-tingin ako sa paligid. Madalang lang ako makapasok dito, kapag naglilipat lang ng gamit tuwing may pupunta rito para hindi kami mabuko na natutulog kaming magkahiwalay.
N'ong napansin kong patapos na si Peter, saka ako naglakas ng loob na magsalita.
"Sorry," simula ko kaya napaangat ang tingin niya sa 'kin at huminto sa ginagawa niya. "Sorry kung nakalimutan ko," hiyang-hiya kong dugtong.
N'ong napansin kong hindi siya kumibo, nagsalita ulit ako.
"Masyado kasing na-occupy isip ko kanina. Biglaan lang ding nag-announce si Brent. Tapos ayon, na-pressure ako n'ong tinanong niya ko," tuloy-tuloy kong sabi na parang dinedepensahan ko ang sarili ko kay mama tuwing nale-late ako ng uwi noon. "Baler lang 'yong naisip kong lugar dahil 'yon lang ang babagay sa scenes. At saka, isa 'yon sa mga gusto kong puntahan."
Napayuko ako at saka pinagsalikop 'yong mga kamay ko dahil ramdam ko 'yong panlalamig n'on.
"You don't have to explain," sabi niya. Halatang-halata 'yong pagod sa boses niya.
Nag-alala kong napatingin sa kaniya.
"Paano parents mo?" mahina kong tanong.
"They'd understand. I can handle this. Maliit na bagay lang 'to." Halata na pinipilit niya na lang magsalita.
"Pwede ba ko magtanong?" Tumango lang siya at saka sinimot 'yong soup. "Ba't 'di ka man lang nagreklamo kanina?"
Mariin niya kong tinignan, "You look really happy while you were talking about it."
Hindi ko alam kung anong nangyari... pero parang biglang siya na lang 'yong nakikita ng mga mata ko. Parang nawala bigla sa frame lahat ng nasa paligid ko.
"Ba't ba palagi mo kong iniintindi?" naiinis kong tanong. "Hindi mo naman 'to trabaho. Pwede ka ring magreklamo," dugtong ko sa medyo tumataas na tono.
"Hindi ko naman talaga 'yon trabaho. My job is to handle Pareja's Food Group of Restaurants, our buildings, and other businesses," biro niya na ikinairap ko.
Mukhang nakita niya 'yon kaya itunuloy niya ang sinasabi niya, "It's not my job because it's my responsibility."
Nabigla ako sa sagot niya kaya wala sa sarili kong nasabing, "Hindi naman tayo totoong mag-asawa!"
Nag-seryoso lalo 'yong mukha niya, "It's my decision, Lindsay— to respect you and act accordingly as a man."
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa biglaang pagbilis ng kabog ng puso ko.
Sobra akong nao-overwhelm sa nararamdaman ko. I composed myself as I grab the tray on his lap.
"Pahinga ka na," saad ko sa mababang boses nang hindi siya tinitignan sa mga mata.
Tinulungan niya kong buksan 'yong pinto at nang makalabas ako, bago niya isara ang pinto, para na kong malalagutan ng hininga sa simpleng sinabi niya.
"Good night."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top