Chapter 20: New chapter

Chapter 20: New chapter


It has been more than a week since I gave a written notice to our boss regarding my resignation. Thankfully, the higher-ups accepted it after a thorough discussion. For now, I only need to render 23 more days before the effectivity of my resignation.

Actually, katatapos ko lang gawin 'yong mga trabaho ko ngayon sa opisina.

Pinatay ko na 'yong computer sa harap ko at saka in-arrange lahat ng papers na maiiwan ko.

I have to do this to help them, especially the succeeding screenwriter as part of my transition. Na parte naman ng kontrata ko at nakalagda rin sa batas.

Nang makita kong nakaayos na lahat ng nasa harapan ko, napangiti na lang ako— a bittersweet smile.

Never kong nakita 'yong sarili ko sa ganitong eksena. Kumbaga, hindi 'to parte ng script ng buhay ko na inasahan at ginawa ko noon. I hoped to be a famous screenwriter, one who is not only popular, until I retire.

Naisip ko pa nga noon na mag-lead ng writing workshops for aspiring writers. Kaso hindi ko naman nagawa-gawa dahil masyado akong naging focus at busy sa trabaho ko, that I forgot to do other things that make my heart happy.

In which, it was the same reason, one of the many reasons to be specific, why I decided to quit this job. Pero hindi ang pagsusulat!

Pagkatapos ng lahat ng nangyari— mula sa sagutan namin ni Sarah sa Baler, 'yong ilangan sa set dahil hindi na ko pinapansin ng iba naming kasamahan, 'yong patuloy na pananadya at pangbu-bully ni Sarah, pati 'yong pressure na dinulot ng mga boss namin para sa romance film, at 'yong mga nangyari sa personal kong buhay, I suddenly asked myself, dito na lang ba iikot 'yong buhay ko?

It was so stressful and draining to the point na parang nakakalimutan ko ng mahalin 'yong sarili ko. Na sa sobrang passionate ko sa trabaho, I forgot to love myself. Ika nga nila, magre-reflect lang 'yong pagmamahal natin sa isang bagay kapag natutunan nating mahalin ang sarili natin. What came wrong is that I am losing myself.

At the end of the day, mawawala naman 'yong trabaho at ibang mga taong pansamantala lang sa buhay ko. Pero 'yong mawala ako sa sarili ko para sa mga bagay na may hangganan? It was not worth to risk for. Lalo na't sobrang nai-stress na ko at pati worth ko, kinu-kwestyon ko na dahil sa ginagawa nila.

I let them get into me and it was hard to escape anymore.

Ito na siguro ang isa sa pinakamahirap na naging desisyon ko sa buhay— to quit the job I dreamed and worked hard for. Pero 'yong pagsuko ko, sinubukan n'on 'yong katatagan ko.

Aside from that, I also questioned if it is okay to focus on one skill. If it will give me growth and improvement.

Hindi ko naman kasi napapansin noon na marami akong strengths at skills until I was tested and given opportunity to do something else. Doon ko lang nalaman na magaling pala ko sa ibang bagay at ang sarap sa pakiramdam tuwing nagagawa ko lahat ng 'yon.

I know, it is impossible to do all those things when I kick-start my own advertising company, but I promised myself that, I won't withhold myself anymore from doing what makes my heart genuinely happy when I restart. Hindi ko ikukulong 'yong sarili ko sa comfort zone ko.

Yes, at the age of 24, magsisimula pa lang ako sa panibagong career ko. Ang hirap, sa totoo lang. Nand'on 'yong doubts, what-ifs, takot, at uncertainties. Pero gusto ko pa ring mag-risk sa panibagong chapter ng buhay ko na 'to.

Tumayo na ko at saka inayos 'yong sarili ko. I left the office after bidding my goodbye to my fellow writers. 'Yong iba, pinansin ako at 'yong iba, deadma lang. Pero okay lang, I learned to stop caring and being emotional with everything.

Nilakad ko 'yong hallway papuntang elevator. Pababa pa lang 'yong elevator at kailangan ko pang maghintay na umakyat 'to ulit.

While waiting, I suddenly remember how I spent my few days after what happened in Bulacan. I took a lot of time back then for reflection and me time. Ayon 'yong nawala sa 'kin dahil sa trabaho at sunod-sunod na mga nangyari.

It was overwhelming and painful at the same time.

I know that Peter has nothing but always been so supportive of me and my decisions. He was there to ease my pain and wholeheartedly embraced my baggages; but where I was for myself?

I became too dependent on him that I forgot to make decisions on my own. We are partners who should weigh things together before we decide. Pero naisip ko, I have me before I have had us. I also need to consult and make things work for myself.

Hindi obligasyon ni Peter na yakapin at i-heal ang flaws, pain, at scars ko. It is nobody else's obligation but mine.

"Oh, ikaw pala 'yan, Lindsay."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Brent na kakalapit lang sa 'kin. Nginitian ko siya at nginitian din naman niya ko pabalik.

"Kumusta?" tanong niya.

Tumunog 'yong elevator at pagkabukas nito, sabay kaming pumasok ni Brent sa loob.

"Ground floor," sambit ko at tumango naman siya para pindutin ang button.

"Kumusta kayo ni Peter?" tanong niya pagkalingon niya sa 'kin at pagkahawak sa handrails.

Humawak din ako sa handrails bago bumuntong-hininga.

"Things are tough, especially that his relatives are so conscious with the made-up 'affair'," I said as I gave him a wistful smile.

"I'm sorry," walang alinlangang saad ni Brent na nagpakunot sa noo ko.

"Wala ka namang kasalanan," pag-a-assure ko sa kaniya.

I gave him an affiliative smile to let him know that he has nothing to worry for.

Huminto 'yong elevator sa may second floor at saka siya bumaba.

"Sulitin natin 'yong last few weeks mo rito," nakangiting saad ni Brent bago nagsara ang pinto.

I was unable to say something when the door already closed.

Ilang sandali lang, bumukas ulit ito nang mapunta na sa ground floor.

Kaagad akong bumaba pero napairap ako nang bumungad sa 'kin ang puno't dulo ng galit ng relatives ni Peter sa 'kin.

Hanggang irap-irap lang naman ako sa kaniya at kapag kailangan, speak up. Pasalamat siya at hindi ako eskandalosa! I know my limits and I know how to behave.

"You sure was the happiest when I submitted my written notice of resignation," I said with disgust and annoyance in my tone.

One thing I am sure of kapag nawala na ko rito sa kumpanyang 'to— hindi na ko mai-stress nang todo dahil kay Sarah. She will finally be out of my sight.

"Siyempre, mawawala ka na sa eksena. Now, I am also sure that you have no affair with Brent," sambit niya na may halong saya at panlalait.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka gumilid dahil may papasok sa elevator.

Binigyan ko siya ng mapaklang ngiti, "After spreading an affair rumor to my husband's relatives? P'ano mo nagagawang matulog nang mahimbing sa gabi?"

Confusion and shock wrapped her face. Napairap ako sa nakita. Napakamapagpanggap talaga niya! Nakakainit ng ulo.

"I won't do that bitchy thing," she said with loath evident to her voice.

Napahinga ako nang malalim sa narinig.

Ganito ba talaga si Sarah? Kahit nahuli na siya, hindi siya aamin sa pinaggagagawa niya?

"Stop being so pretentious," natatawa kong saad na may halong sarkasmo.

Todo-todong kumunot ang noo niya at nanlilisik ang mga matang tinitigan ako.

"I won't do any trouble that will mess Brent's name!" nanggagalaiti niyang saad. "Don't accuse me for something I didn't do!"

Sarkastiko akong natawa sa narinig.

Wala na kong nasabi dahil umalis na kaagad siya sa harapan ko.

Her nerves and audacity to say I'm accusing her!

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka huminga nang malalim.

Inhale and exhale, Lindsay. Tama na ang stress. Make your stay here a worth while.

Pagkadilat ko, lumabas na ko sa building mula sa exit door.

Humakbang lang ako ng ilang beses pa bago tumigil para kuhain 'yong square sunglasses ko sa loob ng bag ko para suotin. Masyado kasing mataas ang sikat ng araw ngayon, ang sakit sa mga mata.

Aalis na sana ko pero hindi ko naiwasang mapalingon sa pangkabuuan ng building na iiwan ko na in less than a month. Tinanaw ko 'to mula baba hanggang sa itaas na floor nito.

I will definitely miss going to this company and visiting various places during taping. Ayon 'yong isa sa napakaraming thrilling part ng buhay screenwriter eh. Nakakapunta kami sa iba't ibang lugar— meeting new people, learning others' cultures, and deepening our understanding in the Philippine history.

I smiled, a bittersweet one. That kind of smile that feels pain and hope to move forward.

Toxicity, bad treatment, bullying, severe stress, draining, pressure, overworked, and losing myself.

"I won't be able to see another chapter of my life if I will keep myself stuck in the current page. May mga kailangan talagang i-let go kahit g'ano kahirap at kasakit kung para naman sa mas ikabubuti, lalo na ng mental health. Magiging mahirap sa simula but I trust that something great is waiting for me," bulong ko sa sarili habang tanaw-tanaw ang kabuuan ng building.

Tumalikod na ko at saka naglakad palayo sa building. Hindi pa ko nakakalayo masyado nang mapahinto ako't makita 'yong bagong bukas na coffee shop malapit lang dito sa kinatatayuan ko mismo.

Nag-open na pala sila?

I love coffee shops! Nakakatuwa kasi 'yong amoy sa loob sa mga gan'ong lugar, relaxing atmosphere, minsan may mga libro pang nilalagay, at iba pang pakulo. I'm excited to see what they have inside!

Dali-dali akong naglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok ko palang sa main entrance, amoy na amoy ko na 'yong calming aroma ng kape. Napasinghot talaga ko at halos ipikit ko na 'yong mga mata ko dahil sa mabangong amoy ng kape.

Humakbang pa ko papasok sa loob at napatigil din nang may makita ako sa hindi kalayuan.

Awtomatikong napakunot ang noo ko.

Nakalaan ata ang araw na 'to para mainis ako!

I saw Ize sitting in a table for two inside the coffee shop. She is talking to someone whose body built is familiar to me.

Hindi na ko nag-abalang tignan kung sino. Ayaw ko nang mainis lang lalo dahil sa Ize na 'yan. Dapat sa kaniya, nilalagay sa freezer!

Lumakad na ko papunta sa ordering station.

"Mocha Espresso Frappe. 12 ounce," saad ko nang ako na 'yong kinukuhanan ng order.

"Dine in or takeout, ma'am?" tanong naman n'ong employee.

Sandali nag-buffering 'yong utak ko dahil sa tinanong niya.

Ano bang pinagkaiba?

Para kong nasa game show na may time limit kaya kung anong una kong naisip, 'yon na ang nasabi ko, "Take out."

"Are you going to avail our reusable straw, ma'am? We do not offer plastic straws po," tanong niya pa.

Walang isip-isip, tumango na ko.

Despite my age, I never got a hang of ordering. Tinalo pa nito 'yong mga pa-recitation sa school, sobrang matataranta ka talaga!

Binigay rin naman niya kaagad sa 'kin 'yong stub tapos binayaran ko na sa counter. Tapos dumiretso ko sa kuhaan ng orders. Ang cute lang dahil ang organized tignan ng shop na 'to!

Na-amaze ako n'ong nakita kong hindi nga talaga sila gumagamit ng plastic straws. Ang dami pala nilang alternatives para sa hot and cold drinks— stainless, metal, bamboo, and so on. I love how eco-friendly they are!

Pagkakuha ko ng order ko, umalis na ko r'on pero napahinto rin kaagad sa paglalakad nang mabalik 'yong tingin ko sa table ni Ize.

Medyo nagulat ako n'ong nakita kong kaya pala familiar 'yong body built ng kausap niya, si Bernadeth naman pala kasi 'yon.

I haven't talked to her since the project was given to another team. Hindi naman kasi nagku-krus 'yong landas namin.

Torn between approaching her or not, I decided to do the former. Si Bernadeth naman 'yong kakausapin ko, i-deadma na lang 'tong si Ize.

Medyo malapit na ko sa pwesto nila nang may marinig akong hindi ko inaasahan. Napabagal 'yong paglapit ko sa table nila.

"You have to make a move too for you to get Peter and for me to win over Brent. Hindi pwedeng ako lang ang kumikilos," naiinis na sambit ni Bernadeth na ikinatigil ko. Hindi malakas 'yong boses niya, sakto lang 'yong hina na talagang malalapit lang ang makakarinig.

Ize sarcastically laughed before she gave her a dominance smile, showing pride as well as displease, "I was the one who made a big move, FYI. If I didn't use my connection with Peter's relatives, they won't be able to know that big news!"

I was stunned for a moment or two. Sobrang hindi ko inaasahan 'yong mga narinig ko. As much as I am surprised, I was also disappointed and hurt that this has to happen.

My heart broke into pieces. I thought it was Sarah but turned out to be somebody else. Somehow, I felt that I need to apologize to her for what I said a while ago. I did accuse her of something she didn't do.

The corner of my lip pulled up showing how upset and disheartened I am before I approached Bernadeth and Ize.

"Ang hirap talagang magtiwala sa mga tao 'no?" Inangat ko sa ulo ko 'yong square sunglasses ko at saka tinitigan si Bernadeth. Shock was evident in her face. "You won't be able to know the real evil persons because they're good in pretending. Pero sabagay, artista ka. Malaki ang chance na magaling ka pa ring umarte kahit sa totoong buhay."

Her jaw tightened upon hearing what I said. Tinitigan ko 'yong mga mata niya at basang-basa ko sa mga 'to na hindi niya talaga inaasahan ang pagdating ko. Kitang-kita ko rin kung gaano siya nanggagalaiti sa mga sinabi ko.

It was painful yet good that I've known about it this early. Kung hindi, I will get stuck with the thought that she's fond of me.

Kahit naiinis at nasasaktan ako sa ginawa niya, I do not want to be the reason for her career's downfall. Ayaw ko ng magsalita pa at baka may makarinig lang nito. It'll be a big issue kung nagkataon.

Kaya tinalikuran ko na lang sila at aalis na dapat ako nang magsalita bigla si Bernadeth. Napatigil ako sa paglalakad.

Sarcasm is overtopping her voice when she said, "It's good to know that you will finally be out of this company. Akala mo ba, gusto ka namin?"

Dahan-dahan akong napaharap sa pwesto nila at saka napatitig kay Bernadeth. I was confused and saddened.

"Ikaw palaging magaling sa mga mata ni Brent. Ikaw palaging tama. Ikaw palaging pinagtatanggol," her voice was shaking and so her lips. From then on, I knew where she's coming. "We're so sick of you!"

Hindi ko ine-expect 'yong biglaan niyang pagsigaw. Gulat na gulat ako.

Nahihibang na ba siya?

Napatingin ako sa paligid at nakita kong napatingin din sa gawi namin 'yong ibang nasa loob.

Kunot-noo kong ibinalik ang atensyon ko kay Bernadeth.

"Hush down unless you want your career get crashed in an instant," bulong ni Ize bago higupin 'yong kape niya.

Napairap ako nang ma-realize lalo kung bakit nila nagawang pagtulungan ako at siraan.

People really do crazy and unbelievable things thinking it'll give them happiness?

"Nilalason ka na ng inggit. Gamutin mo 'yan bago pa lumala," walang gana kong sabi kay Bernadeth bago nilingon si Ize. "At ikaw naman, stop living in the past. Hindi ka na gusto ni Peter, matagal na. Don't lower your level for a man... you love. Kasi hindi 'yan pagmamahal. Obsession na 'yan. Kahibangan."

She raised her right eyebrow on me before she laughed that is full of sarcasm. "Who are you to say that?"

Napailing-iling ako. She looked angelic in front of Peter and his relatives. Ibang-iba sa nakikita ko ngayon. She's showing the real side of her in front of me.

I'm disgusted and feeling pity for her at the same time. Wala bang nagmamahal sa kaniya? O sadyang hindi lang siya masaya sa buhay niya kaya masyado siyang uhaw sa atensyon ng isang lalaki?

"Who are you to ruin somebody else's life?" kunot-noo kong balik na tanong sa kaniya. "Mapepera at magaganda nga kayo pero hindi kayo marunong makuntento sa kung anong mayr'on kayo. Ni hindi niyo kayang maging masaya para sa iba," nasusuya kong litanya.

Ibinaba at ibinalik ko na ulit 'yong square sunglasses ko sa tamang pwesto nito. Tinalikuran ko na sila at saka tuluyang umalis sa coffee shop na 'yon.

I do not want the conversation to further. I am not interested to spend my time with toxic and insecure people.

Nakakagalit, oo. Pero wala naman na kong magagawa kundi layuan na lang sila.

Dumiretso ko sa may sidewalk at saka tumayo't tumambay r'on.

Naramdaman kong basang-basa na 'yong isa kong kamay na nakahawak sa iced frappe na binili ko kaya napatingin ako rito. Napangiwi ako nang makita kong basang-basa na pala 'yong paligid ng lalagyan nito.

Nilipat ko 'yon sa kabila kong kamay at saka ipinunas sa pants ko 'yong isa kong kamay.

Ininom ko 'yong frappe habang patingin-tingin sa paligid.

Then, I came to realize something. Napabuntong-hininga ako.

Two months na lang pala, darating na 'yong anniversary namin ni Peter na kinakatakot ko—

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko siyang papalapit sa 'kin.

— dati. Kinakatakot kong dumating dati. Kasi ngayon, I'm beyond excited to celebrate our first anniversary together na mutual na 'yong pagmamahal namin para sa isa't isa.

Napangiti ako nang makalapit na siya sa 'kin. He kissed me on my forehead as he said, "Na-miss kita."

Napatawa ko sa narinig.

"Agad-agad?" hindi ko makapaniwalang sambit at saka napailing nang may ngiti sa mga labi.

Tumango siya at saka ako niyakap nang sobrang higpit.

"PDA," pang-aasar ko sa kaniya bago ko siya niyakap pabalik.

My heart feels at ease.

In this marriage, I learned that I do not need to act strong all the time. Kaya lalo akong napapagod at nahihirapan kasi pinipilit kong maging positibo kahit hindi na. Kailangan kong tanggapin na may kahinaan ako at kailangan ko ring magpahinga. Tapos laban ulit.

Alam ko naman, hindi ako mag-isa sa laban na 'to.

Napangiti ako sa sariling naisip at saka isiniksik pa ang ulo ko sa may dibdib ni Peter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top