Chapter 2: Better this way
Chapter 2: Better this way
It was four in the morning when I woke up. Bilang sanay naman na ko na maagang gumigising o minsan umaga na natutulog dahil sa trabaho, wala na sa 'kin ang madaling-araw na paggising.
Naghilamos at toothbrush lang ako sandali tapos lumabas na ko ng kwarto. Pagtingin ko sa sala, mahimbing pa ring natutulog si Peter. Dahan-dahan kong kinuha 'yong bag ko sa gilid ng kinahihigaan niyang sofa at saka naghanap ng notepad at ballpen.
Uwi na ko. Thanks for the food last night! Baka mauna na rin ako sa inyo mamaya. :)
Lindsay
Idinikit ko lang 'yong notepad sa center table at saka isinukbit ang backpack ko sa kanang balikat. Nakahawak na ko sa doorknob nang mapalingon ako nang wala sa wisyo sa gawi ni Peter.
Seeing him asleep is new to me. Simula kagabi, hindi pa rin ako masanay-sanay na makita siyang tulog. Ang amo-amo pala ng mukha niya kapag nakapikit. He looks stress free.
I wonder what bothers him these days; iba kasi 'yong repleksyon at emosyon ng mga mata niya tuwing nagkakatinginan kami n'ong mga nakaraang araw.
Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon. We do not dwell on each other's problems or issues anyway.
A las seis na ng umaga (6 a.m.) n'ong makarating ako sa bahay namin sa Quezon City. Saktong pagkapihit ko sa doorknob at bukas ng pinto, bumungad naman sa 'kin ang napakalakas na sermon na mapapatakip ka talaga sa tenga.
"Ikaw bata ka! Ba't hindi ka man lang nag-text kung nas'an ka? Magdamag akong alalang-alala sa 'yo!" Napakunot ang noo ko sandali dahil sa pagtataka at hindi ako kaagad nakagalaw sa puwesto ko.
"Hindi po ba nag-text si Peter kagabi, Nang?" bawi kong tanong na siya namang ikinatahimik ng nasa harap ko.
"Si Peter?" biglang kumalma 'yong boses niya at napuno ng kyuryosidad ang mukha. "'Yong batang 'yon!" at wala pang ilang segundo, napasigaw na naman si Nang. Pagkalapit niya sa 'kin, kaagad niya kong hinampas sa braso pero hindi naman malakas.
"Uso ba ngayon ang mawalan ng load! O wala na kayong pakialam sa naghihintay sa inyo rito sa bahay?" pinandilatan niya ko ng mata na bahagya kong ikinatawa. "At nagagawa mo pa kong tawanan?"
"Sorry na, Nang. Sobrang pagod lang po kagabi," malambing kong saad at saka sinarado ang pagitan namin ng isang yakap. Ramdam kong hindi niya ko niyayakap pabalik kaya mas hinigpitan ko pa ang kapit ko. "Magkasama naman po kami ni Peter—"
Hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko, napahawak kaagad si Nang sa magkabila kong braso at saka inalis ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya para magkaharap kami. Nanliliit 'yong nga mata niya na wari'y inaaral ang mukha ko.
"Kayo? Ni Peter? Magkasama kagabi?" hindi niya makapaniwalang tanong na ikinatawa ko na naman. Kaya naman pala!
Nakangiti kong sagot, "Opo, nagpasundo ako dahil sobrang lakas ng ulan kagabi. Pero ideya po 'yon ni Brent!" pagbibigay ko ng disclaimer bago pa niya maisip ang pwede niyang maisip. "Kaso ayon po, sa sobrang lakas ng ulan, nagpalipas na lang kami ng gabi sa unit niya," dagdag ko at saka alanganing napangiti na siya namang ikinalawak ng ngiti ni Nang.
Mas humigpit din ang kapit niya sa mga braso ko at napangisi. Kaagad akong napairap dahil alam ko na kung s'an papunta 'tong usapan na 'to. "Nang? Kung anumang iniisip niyo—"
"Wala naman akong iniisip ah," pabiro niyang banggit at saka natawa. Bumitaw na rin siya sa pagkakahawak sa 'kin at saka tumalikod na at naglakad papuntang kitchen.
Nakangiting napairap na lang ulit ako. Kunware pa 'yon!
Si Nang (nickname niya lang) ang kasama namin sa bahay simula n'ong tumira kami ni Peter sa ilalim ng iisang bubong. Pero itinuturing na namin siyang pamilya, lalo na si Peter. He grew up with Nang beside him; second mom niya na, gan'on.
Nasaksihan niya lahat ng importanteng parte sa buhay ni Peter— elementary graduation, first contest, high school completion, first business, college graduation, at marami pang iba.
She's in her 50s now and has decided not to have her own family. Parang anak na kasi ang turing niya kay Peter at masaya na siya r'on.
Kaya naman n'ong tumira kami sa bahay na 'to, nabisto niya kaagad na may mali sa relasyon namin ni Peter. It was hard to lie to the people around us at hindi biro 'yong sakit tuwing kinakailangang magpanggap, in short, manloko ng iba.
Mangiyak-ngiyak pa ko n'on habang nagmamakaawa ko sa kaniya na huwag ipagsabi sa iba. I was desperate. I told her my reasons, ewan ko lang si Peter kung nabanggit niya 'yong kaniya. It was a great relief for me to know that she understands me and my reasons.
Aside from her, 'yong dalawang kapatid ko lang at ang matalik na kaibigan ni Peter, si Brent, ang nakakaalam sa kahibangan na 'to. Sa kasal-kasalan na 'to. At sa pina-plano naming annulment... which is only less than a year from now.
Sinundan ko kaagad si Nang sa kusina pagkababa ko ng bag sa center table.
May mga kinukuha siya sa ref at ako naman, tumayo sa gilid ng counter habang pinagmamasdan siya. Whenever I see her do things like this, preparing food, nami-miss ko bigla si mama.
"Sinangag na may hotdog at itlog o bacon at itlog?" tanong niya sa 'kin habang imunu-muwestra sa harap ko ang plastic ng hotdog at bacon.
Nagkunware pa kong nag-iisip, hawak sa ilalim ng baba, at saka ngumiti nang malapad, "Siyempre bacon!"
Pareho kaming natawa dahil alam naman namin pareho na mas gusto ko ang bacon kaysa hotdog.
"By the way, Nang, aalis po pala ko mamaya. Pupunta ko sa bahay ng parents ni Peter sa Bulacan. D'on na lang po kami magkikita," pagbibigay-alam ko sa kaniya.
Ibinaba niya 'yong bacon sa counter at saka isinauli 'yong hotdog sa ref. Lumapit siya sa 'kin at seryosong itinanong, "Mamaya 'yong dinner ng buong pamilya nila 'di ba?"
Tumango ako bilang sagot. Alam na rin pala ni Nang, baka nasabihan na siya ng parents ni Peter.
"Si Alexia ba ang nag-invite sa 'yo?" seryoso pa rin siya at mariing nakatingin sa 'kin.
Nagtataka naman akong umiling, "Hindi po magulang ni Peter, Nang. Si Peter po ang nagsabi mismo."
Tumango-tango lang siya at saka pumunta sa lutuan. "Napag-usapan niyo na bang dalawa 'yong annulment?" tanong niya sa mababang tono habang nagsisimula nang magluto.
Umiling ako bilang sagot, as if makikita niya 'yon, "Simula po n'ong napagkasunduan namin lahat ng bagay regarding this marriage when we were in college, never pa po ulit na-bring up ang annulment."
"Baka naman ayaw niya na makipag-annul?" Pareho naming ikinatawa ang hirit niya na 'yon. "Pero seryoso, 'nak, wala ba talaga kayong nararamdaman kahit katiting na pagmamahal para sa isa't isa?"
Sandali akong natahimik sa tanong na 'yon. Tipid akong napangiti at sinabing, "Wala po kong oras sa pagmamahal. At ang relasyon na 'to? This is all for money. Both parties, 'yon ang purpose," huminto ko sandali at saka tinitigan si Nang sa mga mata nang humarap siya sa pwesto ko. "Hindi niya rin po ko gusto and it is better this way."
Pagkatapos naming mag-almusal, nag-stay muna ko sa kwarto ko at naupo sa kama para maisandal ko 'yong likod ko sa headboard. Inayos ko 'yong magiging schedule ko next week. As usual, siksik na siksik, kulang na lang ay bawal nang huminga.
Naalala ko tuloy bigla, bago matapos ang pandemic last year, to be specific ay November 2021, ay sobrang hassle at hirap ng shooting. Nakailang bubble filming din kami o 'yong tinatawag nilang lock-in taping.
Ang stressful n'on at ang limited ng mga galaw namin. Magastos din! Kaya kahit mahirap ang shooting these days, mas gusto ko 'to. Mas gusto namin 'to, lalo na't mas safe at mas marami na ang crew at staff na available on set.
One month from now, ipapalabas na 'yong isang pelikula namin na ang tema ay socio-political at mas nagpo-pokus sa social issues. Sobrang excited ang lahat ng kasama sa pre-production, production, at post-production sa magiging screening nito. Kasama na ko!
Isa rin siguro ang lock-in taping sa mga dahilan kung bakit hindi man lang kami naging close ni Peter sa mahigit dalawang taon na naming kasal. Palagi akong wala sa bahay at siya rin naman.
There was a time when he got stranded in Agusan del Norte. From March to May 2020, nand'on lang siya dahil sa ECQ o 'yong enhanced community quarantine. 'Yong two weeks niyang business trip, naging two months.
Mag-uusap lang kami n'on through text kapag may itatanong ako na itinatanong ng parents niya. Para accurate naman mga pinagsasasabi ko sa kanila kahit pap'ano.
Gan'on lang set-up namin during pandemic. Pero bago 'yon, ibang-iba lahat. Before graduation, pinakilala niya ko sa pamilya niya at pinakilala ko rin siya sa pamilya ko para hindi na magkagulatan kapag kasalan na.
Tinotoo na lang namin na in a relationship kami para mabawasan naman kasalanan namin. Tamang acting lang na in love kami sa isa't isa but not to the point na magiging super clingy na kami.
'Yong natural lang— holding hands, eye to eye, hatid-sundo, gifts, and hugs. No more, no less. Basics lang alam ko sa kaniya. Napakakonti lang talaga.
I was and still not curious about him and his background. Para saan pa? Basta alam ko, wala silang criminal or any abuse of power-related case.
When we graduated back in July 2019, our immediate families celebrated together. D'on namin sinabi na magpapakasal kami. Lahat nagulat kaya ang daming tanong but he was able to handle things.
Mas dinalasan namin ang pagkikita to convince them that we really want to marry in the following month. Sobrang hirap; akala ko magiging madali lang.
As I was so desperate to get the money and house from Peter, ilan sa mga nasabi ko sa kanila noon, "When you love someone, you do not waste any minute. You make the most out of it. You spend all the highs and lows together. So, tita at tito, gusto ko pong maikasal at bumuo ng pamilya kasama ang anak ninyo. Allow us, please?"
Well, that must be an advantage of a writer? Ang daming dialogues na nasa isip na pwedeng gamitin in real life.
August 27, 2019 n'ong ikinasal kami. Then, seven months from now, third anniversary na namin which will also be this marriage's end.
Tumayo na ko at lumabas ng kwarto pagdating ng tanghalian. Sabay na kaming kumain ni Nang at pagkatapos, naligo at nag-ayos na kaagad ako.
I have chosen to wear a plain white casual short sleeve ruffle dress. Tinernuhan ko na lang 'to ng black flats at taupe-colored sling bag.
Hindi ko alam kung bakit pero kabado talaga ko ngayon. Peter's parents are kind, generous, and calm. Hindi sila mahirap pakisamahan. Pero hindi ko lang alam sa relatives niya.
Pati kasi si Nang, never nag-kuwento tungkol sa kanila. Nadagdagan lang 'yong kaba ko dahil sa reaksyon ni Nang kanina n'ong magkausap kami. Something feels off.
Kahit labag sa loob ko, nag-book na lang ako ng private vehicle papuntang Bulacan. Hindi lang ako nag-dalawang isip kung magbu-book ba ko o hindi kundi ilang beses ko 'tong pinag-isipan. Sayang kaya!
Nakakahinayang kasi 'yong babayaran pero ayaw ko namang dumating d'on na haggard.
Wala pang a las cinco ng hapon (5 p.m.) n'ong makarating ako sa bahay ng parents ni Peter. Pagkabayad at baba ko, huminga muna ko nang malalim.
"Mommy. Daddy. Mommy. Daddy," pagpa-practice ko sa pantawag ko sa mga magulang ni Peter— sina Tita Alexia at Tito Mikael. Napabuga na lang ako ng hininga bago nag-doorbell.
As usual, si Tita Alexia ang bumungad sa 'kin bitbit ang napakatamis niyang ngiti. Pagkakita ko sa kaniya, kumalma na rin ang puso kong kanina pa napa-praning.
Kaya minsan ayaw ko ring nakikita si Tita Alexia— sobrang nakaka-konsensya. She deserves a daughter-in-law who is as kind and thoughtful as her. Hindi 'yong katulad kong sinungaling.
"Hindi kayo nagsabay ni Peter?" nakangiting tanong niya habang palingon-lingon pa sa likod ko.
"Hindi po, mommy, alam niyo naman 'yon, ang daming inaasikaso," pagsisinungaling ko at saka tipid na ngumiti.
Lumapit pa siya lalo sa 'kin at saka isinukbit ang kaniyang braso sa akin. Mas matangkad sa 'kin si Tita Alexia, has a pair of blue eyes, at maputi rin. Hindi ako mahilig sa pabango pero gustong-gusto ko 'yong light scented pomelo perfume niya.
Sabay kaming pumasok sa loob at wala pa ang iba. Mga kasambahay at silang mag-asawa lang ang nasa bahay.
"Hello, dad," nakangiti kong bati kay Tito Mikael na kakapunta lang din sa sala.
"It's nice to see you here, Lindsay. Your mom prepared cookies for you as soon as Peter told her that you are coming," nakangiti niyang bati pabalik. Pero kahit gan'on, hindi maitatago 'yong authoritative na dating ni tito, lalo na sa malalim niyang boses.
"May cookies po kayong ginawa?" nangingiti kong tanong pagkalingon kay tita sa gilid ko.
Bahagya siyang napatawa na tila nagpakinang sa mga mata niya. "At kakatapos lang ma-bake. Mas gusto mo kapag mainit pa, tama ba?"
Tumango ako bilang sagot at sabay-sabay na kaming pumunta sa gilid ng bahay nila. May nakahandang long table sa pool side at nakahain na rin ang ilang cookies sa mesa.
Nang makaupo sila nang magkatapat sa dulo ng mahabang mesa, tumabi kaagad ako kay Tita Alexia. Kinumusta niya lang 'yong pamilya at trabaho ko habang kumakain kami ng cookies. Sobrang sarap!
Kaya gusto ko ang cookies kapag mainit pa— halo ang lambot at crunchiness. Sakto lang ang tamis at 'yong chocolate chips ay kumakapit ang lasa sa dila ko.
"Next month na po pala 'yong screening at premiere ng movie na isinulat ko. Pupunta po ba kayo?" nahihiya kong tanong.
Alam kong sobrang busy nilang tao pero kahit pa man gan'on, I want to invite them and show them the piece that I can brag off.
"Of course!" medyo napalakas na sagot ni Tita Alexia. Nandoon 'yong excitement sa mga mata niya na sobrang ikinasaya ng puso ko yet at the same time, ikinalungkot ko rin.
Deserve ko ba sila?
"Pangalawang movie mo na 'to na maipapalabas sa sinehan, tama ba?" tanong ni Tita Alexia.
Tumango naman ako bilang sagot. "Tapos 'yong pangatlo po, nasa production period palang kami," pagbabahagi ko.
"How about you and Peter? How's married life?" Napalingon ako kay Tito Mikael sa biglaan niyang pagtatanong.
Para kong nasa quiz bee tapos ako 'yong proxy sa dapat na matalinong representative. Wala kong maisagot.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang naipakita ko sa sobrang pagkabigla ko dahil alalang nagtanong si Tita Alexia, "May problema ba kayong mag-asawa?"
Bigla akong natawa sa narinig ko. Iwinagayway ko 'yong kaliwa kong kamay sa hangin sabay sabing, "Wala po!" Paano kami magkaka-problema, ni hindi nga kami nagkakausap nang matagal? "Okay po kami. Mukhang napalaki niyo po talaga nang maayos si Peter. Nagre-reflect po sa ugali niya," dagdag ko.
Mukhang hindi sila na-convince sa sinabi ko kaya piniga ko nang husto 'yong utak ko. Nako, ano bang mga usual na sinasagot ng ibang bida sa pelikula kapag ganito?
Ah! "Kung magkaka-problema man po kami, kakayanin namin 'yon dahil mahal namin ang isa't isa," nakangiting salaysay ko.
Hindi ko maalala kung saang pelikula ko narinig 'yon, post na nakita sa Facebook, o kung kanino man sa mga kaibigan ko galing 'yong line na 'yon. Basta, narinig ko na 'yon.
"Sabihin mo lang kapag may problema kayo ah?" sincere na sabi ni Tita Alexia na pabirong dinugtungan ni Tito Mikael, "Don't worry, we don't tolerate Peter's bad behavior. Kapag may problema kayo, pagsasabihan namin 'yon."
Bumalik kami sa pagkain ng cookies at saktong pagkaubos nito nang alukin pa ko ni Tita Alexia, "Gusto mo pa ba?"
"Nako, mommy, okay na po! Mamaya na lang po siguro ulit. Baka magulat ibang bisita mamaya na magsisimula palang dinner tapos ako po, busog na," pagbibiro ko na ikinatawa nilang mag-asawa.
"Oh, speaking of, here they are," bulong ni tito habang nakatingin sa direksyon ng pinto mula sa gilid ng bahay papunta rito.
Bigla na naman kumabog nang mabilis 'yong puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top