Chapter 17: Married life

Chapter 17: Married life


Nagising ako dahil sa kung anumang mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Hindi ako makahinga nang maayos dahil d'on.

Isinawalang-bahala ko na lang dahil tinatamad akong dumilat; bukod kasi sa ang sakit ng mga mata ko, parang ang bigat-bigat ng mga 'to dahil sa napakatagal na pag-iyak ko kanina.

Inayos ko na lang 'yong higa ko. Tumagilid ako at saka niyakap 'yong unan ko.

I was about to get back in my sleep when I felt something that moved towards my back. May kung ano pang parang nakakakiliting umaamoy na humihingang ewan sa batok ko.

Gustong-gusto ko mang ikunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung anuman 'yong bagay sa likod ko, hindi ko magawa dahil ang sakit pa rin ng ulo ko.

Dahan-dahan kong inangat 'yong kanan kong kamay at saka hinawakan 'yong nasa likod ko nang hindi ginagalaw ang katawan ko.

Nagulat ako nang may magsalita.

"Aw," mahinang daing niya.

Mabilis akong napagulong papunta sa kabilang gilid para harapin kung ano 'yon at saka idinilat ang mga mata ko. Then, I saw Peter with his eyes closed. Magkalapit na magkalapit 'yong mga mukha namin sa isa't isa.

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Basta ang alam ko, nasasaktan ako. Biglang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko kanina.

"Nag-sleep walk ka ba o bumaba ka tapos wala ka sa sarili mo n'ong umakyat ka ulit? Nagkamali ka ng kwartong pinasukan. Pumunta ka na sa kwarto mo. Matutulog pa ko," I bluntly said.

I was about to face my back on him when he hugged me tighter from my waist. My heart suddenly wants to hug him back.

I miss him being this close to me.

Nagtatalo 'yong puso at utak ko kung ano ba 'yong dapat kong sunod na gagawin.

He opened his eyes. Nagulat ako nang mapansing namamaga rin ang mga mata niya. Did he cry too?

Napakagat ako sa ilalim kong labi. Bigla akong napaisip sa kung anong nangyari kanina n'ong natulog na ko.

"I'm sorry," the first two words that came from his mouth. Amoy na amoy ko 'yong alak sa hininga niya. We were gently looking at each other's eyes. "I didn't mean to hurt you, Lindsay. I was just tired and I was just disappointed with what happened, especially that you were not there in times when I hope you were with me," he continued in a husky voice. Tiredness is evident on it.

Peter is good at it. 'Yong magso-sorry at magpapaliwanag. Ito 'yong hinihintay ko kaninang a las doce pag-uwi niya. Na hindi niya nabigay kaya nauwi kami sa ganito. Sa sakitan ng damdamin ng isa't isa— if he really did get hurt by what happened.

Tahimik lang akong nakinig sa mga sunod niyang sinabi.

"You were wrong when you said that I didn't tell you my whereabouts and schedule yesterday." Huminto siya sandali para huminga nang malalim. "I left you a note on your side table, the usual thing we do back then. I was afraid to wake you up from your deep sleep but I did kiss you on your forehead before I went out."

Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero nabalik din ako sa sarili nang dapuan ako ng pagtataka.

Nag-iwan siya ng note?

Pinilit kong bumangon at niluwagan niya naman 'yong yakap niya sa 'kin pero nasa bandang puson ko lang 'yong braso niya.

Bahagya akong tumagilid pakaliwa para tignan 'yong side table ko. Pagtingin ko r'on, nakita ko 'yong isang note.

Inabot ko 'yon at saka pinagmasdan at binasa.

Will be pitching a new dish for our restaurant today. As soon as it gets approved, you'll be the one to taste it first on our branch near us.

Text me if you feel like talking to me already.

I'll wait.

P.s. I might get late tonight if the presentation becomes a success. See the address of the restaurant we might be dining at tonight at the back of this note. You can tell me if you don't want me to come to that possible team dinner. I'll understand.

Tinignan ko naman 'yong likurang bahagi ng papel at nakita ko nga 'yong address d'on.

As I inspected the paper, the written note does not look new. Mukhang nagsasabi naman si Peter ng totoo at hindi niya lang 'to inipit basta rito kanina para mapaniwala ko.

Para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa nabasa ko. Pero hindi ko itatago na bigla akong nakaramdam ng hiya.

Yesterday was supposed to be a big day for Peter but I was not there for him. He actually did reach out to me but I was naive. I was not giving full attention to 'us'.

Ano bang ginagawa at pinagkakaabalahan mo kasi, Lindsay?!

Hindi ko naiwasang maiyak. It was me. I was the one at fault.

Patago kong pinunasan 'yong luha sa pisngi ko para hindi ako mapansin ni Peter but, Peter being himself, he noticed.

Naramdaman kong bumangon din siya at saka umupo nang malapit sa tabi ko. Hinawakan niya ko sa pisngi ko at saka pinaharap sa kaniya.

He gently wiped the tears on my face.

"Sorry," mahina kong saad kasabay ng paghikbi ko.

He did his best to smile at me. Kitang-kita ko na inaantok pa siya. Mukha siyang pagod na pagod.

Sobrang naaawa ako sa hitsura niya at nalulungkot naman para sa nararamdaman niya. Dinagdagan ko pa siya ng stress!

Niyakap niya ko mula sa beywang ko at saka hinagod-hagod ang likod ko. Isinandal ko naman 'yong ulo ko sa balikat niya at saka siya niyakap pabalik.

"May tiwala ka ba sa 'kin, Lindsay?" malungkot niyang tanong sa 'kin na ikinabigla ko. Iaangat ko sana 'yong ulo ko para harapin siya pero hinawakan niya lang 'yong ulo ko para manatili ako sa pwesto ko. So we stayed on that position.

"I know what you're up to," he said in a low tone but disappointment and pain are evident on it. "It feels as if you don't trust me with your problems. Minsan nagtataka ko kung bakit hindi ka nagsasabi."

Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko dahil sa kaba. Alam niya? Alam niya kaya 'yong mga problema sa set?

"Brent told me everything. From what happened in Baler when I got there. Until the present time's problems you have with your colleagues," he continued.

Napakagat ako sa ilalim kong labi. Sobrang nakokonsensya ako na sa iba niya pa kailangang malaman 'yon.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at gan'on din siya.

Pinunasan ko 'yong pisngi ko dahil ramdam kong may natira pang luha r'on. Mariin ko siyang tinitigan sa mga asul niyang mata.

"Ba't hindi ka nagsalita?" nahihiya kong tanong sa kaniya.

Mapait siyang ngumiti at saka sinabing, "I was waiting for you to open up. I am waiting for you to give your full trust in me."

Biglang kumirot 'yong puso ko sa narinig.

All this time, Peter has nothing but been so considerate of me. Pero ano bang ginagawa at ginawa ko?

Biglang sumagi sa isip ko 'yong huli niyang sinabi n'ong hating-gabi— na never akong nagpakita ng interes sa mga ginawa niya. Unfortunately, he was right when he said that.

Masyado akong naging busy sa sarili ko. Masyado akong nag-focus sa trabaho ko. Masyado akong naging hands on sa pamilya ko nang hindi ko naiisip na may sariling pamilya na rin ako. Si Peter. He's my family.

Napayuko ako at naikuyom ang mga kamay ko dahil sa umaagos na hiya at sakit sa puso ko. Pain for Peter. That all this time, I was not giving him full attention, affection, care, and appreciation. I did not even show him my interest in what he's doing and working with.

I feel like I failed as a wife.

Hinawakan niya 'yong baba ko at saka inangat ang tingin ko para magkatitigan kami.

He gently moved his hand to my cheeks to caress my face with both of his hands.

"We're partners, Lindsay. Husband and wife. We should rely on each other, help one another, and be more honest than anyone else. This relationship won't work if we can't do those simple things," he said in a calm voice and in a careful manner.

Nginitian niya ako at saka hinawakan ang mga kamay ko.

Do I deserve Peter?

Parang ang dami-dami niyang ginagawa para sa 'kin pero hindi ko alam kung may mga bagay na ba kong nagawa para sa kaniya.

Unti-unti, nawawala na lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi. 'Yong pain na baka ayaw na sa 'kin ni Peter, na pagod na siya sa relasyon namin, at kung ano-ano pa. Dahil simula pa nga lang, wala namang dapat maramdamang sakit.

Para kong tanga na umiyak nang gan'on ka-bongga dahil sa sarili kong kamalian!

Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa mga pagkukulang at pagkakamali ko.

"I did not tell you all those things to make you feel less or for you to blame yourself, okay?" He's intently looking at my eyes, waiting for my response. So, I nodded as an answer as he continued, "My presentation was a success. That's why we went on with the team dinner. Kahit gustong-gusto ko nang umuwi, kinailangan kong mag-stay dahil kasama namin 'yong iba pang directors."

He paused for a while before he gave me a kiss on my forehead.

"Napainom ako pero hindi naman marami. It was my cousins' idea for Ize to bring me home— the woman you saw, Ize Rigal. The director." Huminto siya ulit sa pagsasalita at saka ngumiti. "May gusto ka bang itanong o sabihin?"

Sandali akong bumwelo bago nagsalita. Huminga muna ako nang malalim.

"I'm sorry," huminto ako sandali dahil may luha kaagad na tumulo sa mga mata ko. Kaagad 'yong pinunasan ni Peter pero binalik niya rin kaagad ang kamay niya sa pagkakahawak sa mga kamay ko.

I continued talking by letting him know everything that happened on set. Lahat ng problema ko mula r'on sa affair issue between Brent and me, Sarah bullying me, and all the stress that I have been going through.

"I was wrong when I thought that it was better for me to not tell you anything," I admitted. Nandoon 'yong pagsisisi. "Akala ko kasi, mas ayos kapag hindi ko sinabi. Iniisip ko na baka masyado ka ng problemado sa trabaho mo tapos dadagdag pa ko."

Huminga ulit ako nang malalim. Pilit kong inaalis 'yong hiyang nararamdaman ko sa loob-loob ko. Pilit kong iwinawasiwas 'yong thought na huwag na kong mag-sorry at magsalita pa dahil maiintindihan naman ako ni Peter. I am not used to doing stuff like this although Peter has been giving me awareness on how important communication is in relationships.

"Sorry sa lahat ng pagkukulang ko, Peter. Sorry kung masyado akong nagpokus sa trabaho ko, sa sarili, at kanila mama. You are important to me, Peter, I didn't mean to make you feel otherwise," litanya ko.

Hinawakan ko nang mariin 'yong mga kamay niya para iparamdam sa kaniya na seryoso ako sa sinabi ko— na importante siya sa buhay ko.

He made a shush sound before he smiled sweetly.

Napangiti na lang din ako nang maisip na para kaming mga ewan na parehong maga ang mga mata dahil sa misunderstanding at mga problemang wala naman talaga.

"Hindi ka nagkulang, Lindsay. Hindi ka pa lang sanay at naiintindihan ko 'yon. I told you, we'll make things work. Mapapagod lang ako sa business pero hindi ako mapapagod na mahalin ka, Lindsay," he paused. "I choose you every day."

Biglang lumambot 'yong puso ko sa narinig. Parang biglang nawala lahat ng worries ko. Ramdam na ramdam ko 'yong pagmamahal ni Peter sa 'kin.

At that very moment, I knew that I completely fell for him. I admitted to myself that it is already love that's growing in my heart.

Napangiti ako at saka niyakap si Peter. Niyakap niya naman ako pabalik. Nang kumalas kami sa yakap ng isa't isa, bumalik na kami sa pagkakahiga.

He spread his arm for me to lay my head on it. Mahigpit ko siyang niyakap sa may beywang niya at saka isiniksik ang ulo ko sa may dibdib niya.

"I love you," he sincerely said before he hugged me back and kissed me on my head.

Sa puntong din 'yon, natutunan ko na parte talaga sa relasyon ang mga hindi inaasahang problema. Darating talaga sa punto na masasaktan niyo unintentionally ang isa't isa. Na kahit hindi natin choice, may mga magagawa tayong bagay na makakasakit sa mahal natin sa buhay.

Pero may mga pagkakamali na choice ng tao— cheating, violence, and alike. At hindi dapat 'yon ginagawa o kinukunsinti.

I am just thankful that no matter how flawed I am or how many weaknesses I possess, Peter always chooses to love me and all of those baggages I have with me. That's the standard that people should set. Hindi 'yong mahal ka lang kapag convenient.

Akala ko talaga, ayaw na ni Peter sa 'kin... na pagod na siya. Akala ko talaga, gumawa siya ng mga bagay na sobrang nagdulot ng sakit sa 'kin. Akala ko ganito at ganiyan. Inakala ko lahat ng 'yon dahil hindi ko nilawakan ang isip ko at hindi ko hinabaan ang pasensya ko.

Nawala 'yong proper and good communication. Naunahan ako ng galit, pagod, at emosyon— na hindi ko dapat hinayaang mangyari.

Pero nangyari na at na-solve lang lahat ng 'yon dahil may nagpakumbaba. Dahil pinili naming maging honest na sa isa't isa.

For the next weeks that came, Peter and I got closer to each other than we were before. Mas pinag-uusapan na namin 'yong work life ng isa't isa, problema sa trabaho, at mga bagay tungkol sa pamilya.

He once told me that he really doesn't go well with his relatives and he was serious back then when he told me to not get close with them. Ang term niya pa nga, "dangerous" ang mga kamag-anak niya. Na gagawin nila lahat para makuha ang gusto nila.

Naglalaan na rin kami ng oras na lumabas nang magkasama. As for me, sinusubukan ko ng ibalanse nang tama ang trabaho, buhay may asawa, at 'yong unang pamilyang kinamulatan ko.

Sinusubukan ko na ring magtanong-tanong kay Peter tungkol sa tasks niya, sa buhay niya noon, at iba pang mga bagay tungkol sa kaniya. He always answer my questions with joy and interest.

Sobrang nakakatuwa lang na 'yong unang beses na umiyak kami nang todo dahil sa misunderstanding at problemang 'hindi naman problema', naging daan 'yon para itama na ang mga pagkakamali namin at mas pagtuunan ng pansin ang mga importanteng bagay sa buhay.

Today is Sunday, May 21 to be exact.

Peter and I were supposed to have a good rest today but works are piling up for the both of us.

Magkatabi kami ngayon sa lapag dito sa sala habang nakasandal sa couch. Pareho kaming nakapokus sa kaniya-kaniya naming laptop na nakapatong sa center table. May sari-sariling trabahong ginagawa.

This becomes our bonding too. We work together and help each other with things that we need suggestions on.

"Itong mga batang 'to dito pa talaga sa sala nagta-trabaho!" saad ni Nang sa malakas na tono, pakiwari'y hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Pareho kaming natawa ni Peter nang tignan namin si Nang na papalapit sa 'min.

"Para saan pa ang library sa third floor kung sa lapag lang din kayo rito magta-trabaho?" Umiling-iling pa siya bago inilapag 'yong tray sa center table.

Napangiti ako sa nakita. Sinarado ko muna 'yong laptop ko. May dalawang baso ng sariwang buko at may french fries ding dala si Nang!

Umalis din naman siya kaagad dahil may gagawin pa raw siya sa garden. Tinanguan lang namin siya ni Peter.

Nakita kong nagpatuloy lang si Peter sa ginagawa niya kaya nagpasiya akong subuan siya ng fries.

Napatitig ako sa laptop ko at napasimangot nang maalala ko 'yong ginagawa ko kanina.

"Hindi ko talaga kaya," malungkot kong saad at saka nilingon si Peter na nasa akin na ang atensyon. "Parang walang emosyon eh. Hindi ko ma-feel 'tong ginagawa ko," dugtong ko pa.

"Drop it then," simpleng sagot ni Peter. Napatawa naman ako. "Don't do it if even you don't like it. People will feel that upon watching. You are great in other genres. Focus on those and just practice on that romance one when you have the time."

Napangiti naman ako sa payo niya.

"Thank you!" masigla kong saad at saka ko siya niyakap.

Kumalas din naman ako dahil alam kong busy siya at baka makaabala ako.

Tama si Peter. Hindi ko rin gugustuhin na walang kwenta at walang sense 'yong ilalatag kong pelikula sa mga tao.

They deserve to see an entertaining and sensible movie. Hindi 'yong pinilit lang gawin.

Actually, ilang araw na rin akong nai-stress at nape-pressure sa kumpanyang pinagta-trabahuhan ko. Pinipilit kasi nila akong magsulat ng script para sa isang romance movie. Kahit anong gawin ko, wala talagang sense at hindi ko talaga maramdaman 'yong ginagawa ko.

Pagkatapos kasi ng production phase doon sa second comedy movie namin ni Brent, ito na 'yong inatas sa 'min na next project. At oo, magkasama ulit kami sa iisang proyekto.

Last try ko na talaga 'to, kapag pina-revise ulit at pinilit pa rin nila ko sa proyektong 'to, susubukan kong mag-suggest ng ibang plot na pwedeng next project namin.

Ang hirap kasi at alam kong nag-aaksaya lang kami ng oras. P'ano ba naman, Bernadeth is on her career's peak. At siyempre, gusto nilang kunin 'yong opportunity na 'yon through giving her back to back projects hanggat maingay ang pangalan niya sa masa.

Dahil mukhang naging ayos naman daw ang production relationship namin ni Brent with Bernadeth, gusto nilang kami ulit ang humawak sa next movie niya. Romance naman daw lalo na't 'yon ang mainstream.

"Sales aren't that increasing."

Napalingon ako kay Peter nang bigla siyang magsalita. Naubos ko na pala 'yong fries nang hindi namamalayan!

Nagpagpag ako ng kamay at saka siya tinanong, "Anong problema? Akala ko nakipag-partner na kayo sa ibang media?"

"Yes, and it doesn't seem to be quite helpful." He looks stressed out.

Naawa naman ako sa kaniya.

Tumahimik ako sandali at saka nag-isip nang mabuti.

"Napakalawak ng Pareja's Food Group of Restaurants. Ang dami niyong ino-offer," I said in a matter of fact. "Pero puro sa media lang kasi siguro kayo nakikipag-partner," I pointed out.

Tumigil siya sa ginagawa niya at saka tumingin sa 'kin.

"Why not partner with known yet trusted pages, bloggers, and influencers? Although media is a good choice, you can't hide the fact that some people know they're simply advertising your business when they see their contents. Business," saad ko.

Nakita ko namang napatango-tango siya at parang naghihintay pa siya ng kasunod na sasabihin ko kaya mas in-explain ko sa kaniya 'yon.

"Advise your marketing department to look for big pages, bloggers, and influencers which people also trust on dahil may quality contents sila at hindi puro sawsaw kapag may issues. Be specific as well," may diin sa huli kong sinabi.

"Sa mga menu niyo na Korean food, look for few yet trustworthy key people and pages dedicated to making Korean culture contents. Pero may mga page naman na nagke-cater ng Asian pop culture o mas malawak pa. They just need to research more and give enough time to do a background check," saad ko.

"Pero siyempre, mas okay kung kayo mismo ang magpapalawak sa presence niyo. There are various social media platforms to consider. Pero sino bang target market niyo? From what age bracket? Alam niyo naman, iba-iba ang social media platform na ginagamit ng mga tao ngayon base sa edad. Sa mga kabataan, usong-uso ang media sharing networks ngayon. Tapos sa mga ka-edad natin, social networks naman. Build your own presence and improve on how you communicate with your current and target customers," mahabang litanya ko.

Ilang segundo kaming tahimik. Hinihintay ko siyang sumagot nang mapansin kong nakatitig lang siya sa 'kin kaya bigla akong kinabahan.

"Did I say anything wrong?" nababahala kong tanong at saka napakagat sa ilalim kong labi.

Lumuwag lang 'yong hininga ko nang bigla siyang ngumiti nang napakalapad.

"You are great on this matter," manghang-mangha niyang saad.

Inirapan ko siya at saka mahinang hinampas sa braso. "Akala ko hindi mo nagustuhan!"

"You look well knowledgeable and professional on this," nand'on pa rin 'yong pagkamangha sa mga mata niya pero may pagtataka sa boses niya.

Napataas naman 'yong kaliwa kong kilay.

"And?" nabiting tanong ko.

"Aren't you interested to work in marketing, advertising, or business?" genuine niyang tanong na ikinatawa ko.

"Hindi na nga ko magkanda-ugaga sa film industry!" Huminto ako saka napangiwi. "Saka hindi ko nakita kailanman 'yong sarili ko na may ibang trabahong ginagawa bukod sa pagsusulat."

Napakunot 'yong noo niya sa sinabi ko.

"You should try new things to refreshen yourself," suhestiyon niya. "No one grows in comfort zone or in the same place you have always been stuck at," dagdag niya.

Natameme ako sa sinabi ni Peter. Hindi ko alam kung paano magre-react o kung anong sasabihin ko because he's making a point.

Parang buong buhay ko, nagpokus ako sa pag-improve ng writing style and skills ko. Hindi ko mabilang kung gaano karami 'yong alam at kaya ko bukod dito. Dahil bukod sa hindi ako nagtangka, masyado akong nagbuhos ng panahon at oras dito. Na nauubusan na para sa ibang bagay.

"Do not focus on one skill when you have many. Let your skills grow and shine."

Ayon 'yong mga huli niyang sinabi bago bumalik sa pagiging busy sa laptop niya.

Napaayos ako ng upo at saka napaisip nang husto. Sobrang binagabag ako ng mga sinabi ni Peter.

Nakukulong na ba ko sa iisang bagay na paulit-ulit kong ginagawa? Pero masaya naman kasi ako.

Yet, am I growing?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top