Chapter 16: Fights
Chapter 16: Fights
'Yong inaakala kong magiging okay rin ang lahat sa trabaho, lalo lang lumalala.
Sarah has been doing nothing but to piss me off. Pero hinahabaan ko 'yong pasensya ko sa kaniya dahil para siyang elementary student na nambu-bully ng kaklase.
N'ong nakaraang linggo, tinapunan niya ng kape 'yong script ko. Imagine kung ilang pages 'yon! She's been denying it all throughout but I saw her with my own eyes. Isa pa naman sa pinaka-iniiwasan ko, 'yong mag-aksaya ng papel.
Last week din, hindi niya sinunod 'yong advised set design ko. At n'ong nakaraang araw naman, nagpakuha siya sa kumpanya ng ibang costumes kumpara sa na-visualize ko na na pinag-usapan na namin a week before.
Kahapon? Ginawa niya ang lahat para i-convince ang art director na ibahin ang location para sa taping kanina. Supposedly, malapit lang sa bahay namin 'yong filming location pero ang nangyari, napalayo pa.
Sumasakit talaga 'yong ulo ko sa kaniya!
She's being so impossible.
Ang kaso nga lang, for the past week, naiuuwi ko sa bahay 'yong init ng ulo ko. Hinahabaan ko man 'yong pasensya ko kay Sarah pero 'yong inis ko ay nandoon pa rin, nabubunton ko nga lang kay Peter.
Kanina pag-uwi ko, hindi niya ko nasundo dahil nag-half day lang siya sa kumpanya nila. Sa sobrang siksikan sa tren at idagdag pa na ang traffic-traffic, umuwi akong mainit ang ulo.
Wala kong pinansin sa bahay. Inis na inis pa ko n'ong nakita ko 'yong kalat ni Peter sa counter. N'ong umakyat kami sa second floor, hindi ko siya kinibo at hinihintay ko siyang lambingin ako kaso hindi niya ginawa. Kaya dito na lang ako sa kwarto ko nag-stay.
He sent me a text saying that I should rest for now and we'll talk tomorrow.
As much as I want to not be too emotional at work, I am becoming so insensitive at home.
Parang gusto ko namang magsisi na hindi ako natulog sa kwarto ni Peter. Sa kwarto namin. Parang ang lonely-lonely na mag-isa ako ngayon kahit nasa kabila lang naman si Peter.
Niyakap ko na lang 'yong unan ko. Good thing, nandito pa rin naman 'yong iba kong mga gamit since hindi kasya sa kwarto namin ni Peter.
Hindi ko alam kung nakailang hinga ako nang malalim bago ko nag-desisyon na matulog na.
Kinabukasan, nagising na lang ako na nakapasok na pala si Peter. May presentation daw siya sa kumpanya nila, sabi ni Nang.
Ni hindi niya na personally nagawang sabihin 'yon sa 'kin. Akala ko ba, hindi dapat namin pinapalipas 'yong mga ganito? Na dapat inaayos din kaagad lahat?
I was so disappointed in him.
N'ong pumasok ako, sobrang nairita lang ako kay Sarah. I am doing my best to be patient with her pero sinasagad niya 'yong pasensya ko.
Kaming dalawa lang ngayon sa loob ng storage room; dito kami nag-shoot ulit ngayon sa mansion. Break time. Kumakain 'yong mga kasamahan namin ngayon sa labas.
"Kung sa school, may sipsip at teacher's pet. Dito naman sa set, may linta. May asawa na nga, dumidikit-dikit pa sa ibang lalaki," pagtataray niya sa 'kin.
Magka-krus pa 'yong mga braso niya sa may dibdib niya habang nakataas ang kanang kilay.
Nginitian ko siya. Pero 'yong ngiting nanggigigil na. Ayaw ko namang gayahin siya sa pagiging immature niya kaya kahit nagpantig ang tenga ko sa narinig, pinapakalma ko ang sarili ko.
"Wala ka na bang ibang napapansin kundi kami ni Brent?" Sarkastiko akong tumawa. "Don't tell me, you are actually the one who likes him?"
From the past weeks that Sarah has been acting so immature, I have noticed one consistent thing about her— she keeps on looking at Brent. Intently looking at him with admiration in her eyes.
At kapag ako 'yong kausap ni Brent? Nanlilisik 'yong mga mata niya sa 'kin na parang anytime, gusto niya kong sabunutan.
"Oo. So what?" pagtataray niya na naman. I knew it. She likes him. "You know what, you don't belong here."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Parang biglang umurong 'yong dila ko sa narinig. Ramdam na ramdam ko 'yong sakit sa loob ko nang sabihin niya 'yon.
I do not belong here?
"You've been working in the industry for years yet you haven't won anything until now," may pandidiri at pangmamataas sa tono niya.
Napakuyom ako ng mga kamay ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Pinikit ko 'yong mga mata ko at pinilit mag-isip nang maayos. I'm done with her. Hindi pwedeng ipagkibit-balikat ko na lang lahat ng ginagawa niya sa 'kin. She's being a bully!
Pagdilat ko. Seryoso ko siyang tinabunan ng tingin.
"Awards may be so important to many as they think that these are the measurement of one's excellence but I do not think the same way, Sarah," kalmado pero seryoso kong saad. Nandoon 'yong diin sa bawat salitang binibitawan. "I'm passionate with what I'm doing. I work hard. I give my best to every project. If many people can't appreciate my works, it's okay, as long as there is someone who believes in me."
Bahagya akong huminto sa pagsasalita at saka mapaklang ngumiti. "I'm that someone."
Umalis din kaagad ako sa storage room matapos kong sabihin 'yon. Masyado na kong pagod sa mga nangyayari, wala na akong sapat na lakas at wala akong balak makipagbangayan sa kaniya.
After few hours of trying my best to be fine on set, the shooting for that day finally ended.
Sobrang nakakapagod na nga 'yong trabaho, nakakadagdag pagod pa 'yong mga nasa paligid ko.
Sana... sana pag-uwi ko maging okay na kami ni Peter. I want to talk with him. I want to hug him. Alam ko namang isang yakap niya lang, magiging okay rin ako.
When I got home, I composed myself first before entering the house. Inaasahan ko na nakauwi na si Peter dahil maaga siyang umalis kanina at anong oras na rin.
Pero wala. Wala pa siya sa bahay pagdating ko.
"Nas'an daw po siya ngayon?" nag-aalala kong tanong kay Nang. Wala kasi siyang pasabi. Walang paalam.
Hindi naman ganito si Peter kaya nakakapag-alala lang.
"Baka nasa office pa," hindi siguradong sagot ni Nang.
Nagambala naman ako lalo dahil sa sagot niya. Napakagat ako sa ilalim kong labi. Hindi ko alam kung anong iisipin. Pero pinipilit kong huwag mag-isip ng masama.
He's safe. Trust in that, Lindsay.
Sinabihan ko si Nang na magpahinga na sa taas n'ong makita kong anong oras na pala. Ako na lang ang maghihintay kay Peter.
I want to make things right. I realized that it should not always be him who makes an effort in fixing things between us. Dapat, gumagawa rin ako ng paraan.
Nagpahinga lang ako sandali sa sala, thinking Peter might arrive in no time. Pero n'ong isang oras na, wala pa rin siya, naglinis na muna ko ng katawan at nagpalit ng pambahay.
Narinig ko na 'yong tiyan kong kumukulo pero ininom ko lang 'yon ng tubig. Sasabayan ko na maghapunan si Peter. We'll discuss things over dinner.
Hindi ko alam kung gaano ko katagal naghintay sa sala. Ang sigurado ko lang, lagpas a las doce na n'ong dumating si Peter (12 midnight).
Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga ko sa couch nang marinig kong bumukas 'yong gate at pumasok ang kotse niya. I smiled with the thought that I can finally hug him and end this silence between us for more than a day.
Binuksan ko 'yong pinto pero laking gulat ko na lang n'ong iba 'yong bumaba sa driver's seat ng kotse niya.
Babae. Wearing a formal dress. Tall in height. Petite.
Naestatwa ko sa kinatatayuan ko. Nawala 'yong ngiti sa mga labi ko. Kinakabahan. Natatakot. Naiinis. Napataas 'yong kaliwa kong kilay sa nakita.
Binuksan pa n'ong babae 'yong pinto sa passenger's seat at saka inalalayan si Peter na makababa r'on.
That was the cue; parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Hindi ako kumain kaagad ng hapunan tapos ito 'yong makikita ko?!
"No, I told you I can handle this," dinig kong sabi niya r'on sa babae.
I tilted my head to the right. Eyes frown. Naguguluhan. Nasasaktan.
Sino siya? Anong nangyari't inumaga si Peter?
Hindi na inalalayan n'ong babae si Peter sa pagbaba sa kotse. Sinabayan niya na lang si Peter sa paglalakad palapit sa pwesto ko.
She smiled at me, "Lindsay?" she asked. Tumango lang ako. Naiinis ako lalo dahil sa pag-ngiti-ngiti niya.
Pero hindi ko naman dapat ibaling 'yon sa kaniya. Pero ang hirap din kasing magpanggap na okay ako kasi hindi ako okay!
"He drunk a few glasses. I was advised by his cousins to take him home," she added.
Wala akong maibigay na reaksyon sa sobrang daming emosyong nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong magalit pero ayaw ko ring ngumiti dahil hindi naman ako natutuwa sa nakikita ko. I plainly said, "Thanks."
Gumilid ako n'ong nasa harap ko na si Peter para makadaan siya papasok pero hindi naman siya tumuloy. Amoy na amoy ko 'yong alak sa kaniya.
Peter occasionally drinks. He doesn't go out with people that much as well.
Anong rason ba't umuwi siyang nakainom? Nang hindi nagsasabi sa 'kin?!
Wala namang kaso sa 'kin kung uminom siya kasama 'yong mga katrabaho niya. Pero 'yong iinom siya nang walang pasabi at inumaga na nang umuwi? No! Hindi 'yon okay. At mas hindi okay lalo na't may kasama siyang babae pauwi.
He could've called me if he can't drive himself home!
"I'll excuse myself now. I gotta go," mahinhin na sabi n'ong babae at saka lumabas.
Hindi pa nasasara 'yong gate kaya doon na lang siya lumabas.
Nilingon ko si Peter na nakasandal sa pintuan. He's smiling at me. I was poker face.
"Isara mo na 'yong gate," walang emosyon kong sabi.
Hindi ko alam kung manggigigil ako sa kaniya. Magagalit. O ano.
Narinig ko na lang na nagsara 'yong gate pagkapasok ko sa loob ng bahay. Tumayo ako sa gilid ng sala at hinintay ko siyang makapasok. Dito kami sa loob magtutuos.
I want an explanation. I want him to apologize! On the other side, I want him to explain himself and assure me that nothing's wrong is going on.
Gusto ko siyang maging honest. Gusto kong marinig lahat ng magagandang rason. Dahil natatakot ako. Nagagalit ako. Dahil hindi ko alam kung anong dapat isipin sa lahat ng nakita't nasaksihan ko ngayon.
My hands are trembling behind my back. Thumb twiddling.
Pagkalapat palang ng mga paa niya sa bahay, tinaasan ko siya ng kilay at kaagad ko siyang pinaulanan ng mga tanong. Pinilit kong maging kalmado pero nandoon 'yong panlalamig sa boses. "Ayon na 'yon? Pumasok kang hindi ako kinausap o pinuntahan sa kwarto? Na-late ka ng uwi nang wala pasabi? Tapos makikita kitang lasing? May kasamang babae?"
I am not the jealous type. Hindi ko alam kung sa pagod ba 'to, gutom, init ng ulo, o lumipas na tampuhan namin ni Peter kaya gigil na gigil ako.
Huminga ako nang malalim at saka ipinagkrus naman sa may dibdib ko ang mga braso ko. Napakagat ako sa ilalim kong labi habang naghihintay sa isasagot niya.
Make sure you'll answer the right thing, Peter. Dahil punong-puno na ko ng mga emosyon ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa 'tong dalhin lahat o sasabog na lang bigla.
"She's one of the directors in the company. A family friend. You don't need to worry about anything else," kalmadong sagot ni Peter at saka ako nginitian.
'Yon na 'yon?
Napabuga ako ng hangin. This is not something to smile about.
Kitang-kita 'yong pagkalamlam ng mga mata niya dahil sa alak. Sa kalasingan.
"It's not about her, Peter," mariin kong saad.
I want to hear something else pero ayon lang 'yong sasabihin niya?!
"Then what?" kunot-noo niyang tanong na lalong nagpainit sa ulo ko.
I was totally disappointed. Didn't he get my point?
I cannot help myself but snap with what I've heard.
"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ko kanina?!" inis na inis kong tanong. Na sa sobrang bigat ng mga emosyong dinadala ko, hindi ko na lang napigilang maiyak.
Sa halo-halong problema, sama ng loob, galit, at inis, ayon na lang ang nagawa ko— umiyak.
"Pinalipas mo 'yong gabing hindi ako kinausap, Peter! Pumasok ka sa trabaho na hindi man lang ako pinuntahan sa kwarto," huminto ko saglit nang mapahikbi. Ang sakit-sakit. Ramdam na ramdam ko 'yong sakit sa puso ko.
"Ang tagal kitang hinintay na makauwi, Peter! Ang tagal-tagal. 'Yong hapunan ko, inabot na ng umaga! Tapos malalaman ko, uminom ka nang walang paalam?" Sarkastiko akong napatawa at saka pinunasan 'yong luha sa magkabila kong pisngi. "Anong gusto mong isipin ko? Ano palang dapat maramdaman ko?"
"Let's just talk about everything tomorrow. I'm tired, Lindsay," walang gana niyang sambit na lalong nagpabuhos ng luha ko.
"Pagod ka na, Peter?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nakita ko sa peripheral vision ko si Nang na kakalabas lang sa kwarto niya. "Eh ako? Hindi ba ko pagod?" nanghihina kong dugtong.
Nilingon ko si Nang sa direksyon niya nang makita kong papalapit siya. I signalled her to not intervene. Bumalik naman siya kaagad sa kwarto niya.
"I've been asking you what's bothering you, Lindsay, but you've never trusted me," seryoso niyang saad at kita ko 'yong pagkalito sa mga mata niya.
"Bakit biglang naging tungkol sa 'kin 'to, Peter?" sarkastiko na tanong ko. Napahikbi na naman ako. "Ano bang importanteng pinuntahan mo at ni hindi mo nagawang magsabi?!" galit na galit kong tanong.
He let out a deep breath. His eyes showing disappointment and tiredness. At sana, hindi ko na lang nakita 'yong mga 'yon sa mata niya. Dahil ang sakit-sakit.
Hindi ko na alam kung nakailang hikbi na ko. At mas lalong hindi ko alam kung anong nangyari at umiiyak na lang ako nang ganito sa harap niya.
I thought we won't come to this point when we are already hurting each other. I thought Peter will always have a reason to understand me. I thought I can always lean on him when things get rough. Yet, what happened?
"You didn't know because you've never shown interest in what I'm doing, Lindsay."
Ayon na lang 'yong mga huling salita niyang narinig ko n'ong gabing 'yon.
I broke down. Napaluhod na lang ako sa sahig n'on at hindi ko na alam kung anong oras ako tumigil sa pag-iyak. N'ong umakyat na lang ata ako't natulog ay saka ako tumigil sa pagluha. N'ong natulog na lang ata ako, saka nawala 'yong sakit.
Pansamantala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top