Chapter 14: Side by side

Chapter 14: Side by side


I didn't know that this night could be more memorable and enjoyable than it is already but, Peter being himself, he made it possible.

Pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay, hinubad niya lang 'yong tuxedo coat niya at dumiretso kaagad siya sa kusina. Nasa stool lang ako habang pinapanood siyang magluto. As he instructed, he wants me to sit still and relax. He said he'll make garlic lemon butter shrimp as our dish tonight.

May tira pa namang kanin kaninang tanghali kaya ininit niya na lang 'yon. Sobrang bilis niya nga lang naluto 'yong ulam, wala pa atang 30 minutes.

Hindi ko maiwasang langhap-langhapin 'yong niluto niya dahil sa mabango at nakakagutom nitong amoy. Add up the fact that he added lemon on it. Panalong-panalo sa bango!

Nang maihain niya na ang kanin at 'amoy pa lang, masarap na' na garlic lemon butter shrimp, nagpaka-busy siya ulit sa counter.

"Anong gagawin mo?" na-e-excite kong tanong sa kaniya nang makita ko siyang maglabas ng chocolate ice cream, fresh milk, whipped cream, chocolate syrup, at peanut butter.

"Chocolate peanut butter shake," nakangiti niyang sagot nang iangat niya ang tingin niya sa 'kin. "Good for the brain," he added sabay turo pa sa bandang ulo niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang busy siya sa paggamit ng shake blender.

Sa lahat ng ginagawa ni Peter para sa 'kin, hindi ko maiwasang matakot minsan– matakot na p'ano na ko kapag nawala siya sa tabi ko? I grew up without him by my side. Kinaya ko naman noon kahit wala siya. Mahirap nga lang dahil sa patong-patong na problema ng pamilya namin noon.

Pero 'yong katotohanan na sobrang laki ng natulong niya sa 'kin at sa pamilya ko to be where we are right now, p'ano 'yong susunod? Sa lahat ng bagay, pagsisilbi, at pagmamahal na ibinubuhos niya para sa 'kin, masyado na kong nasasanay.

I'm a strong independent woman but with Peter around makes me realize that having someone who deeply loves you is just enough.

Hindi ko maiwasang umasa na sana... sana hindi na lang kami magpa-annul. I hope things will go well between us. 'Yong forever. Hanggang tumanda kami.

Napangiti ako nang lumapit siya sa pwesto ko't dala-dala na ang dalawang basong may laman ng chocolate peanut butter shake.

"I'll get something first then we'll eat," he sweetly said as he reaches for my cheeks.

Nginitian ko lang siya at pinanood na ipatong niya 'yong sampung maliliit na kandila sa kitchen island. Nang masindihan niya 'yon, d'on ko lang napagtanto na lavender scented 'yong mga kandila.

Sobrang nata-touch ako sa mga ginagawa ni Peter. Parang lumalambot nang husto ang puso ko.

"One last thing," he said almost laughing.

"Go lang, hindi naman ako nagmamadali," natatawa kong saad.

Pinatay niya 'yong mga ilaw at saka ako tinabihan. Pinulupot niya 'yong kamay niya sa beywang ko at saka ako hinalikan sa gilid ng ulo ko.

This romantic dinner may not be prepared before I come here but the fact that I saw how much effort and love he put in doing this makes me so grateful.

Nang kumalas siya sa pagkakahawak sa 'kin, nagsimula na kaming kumain.

"Ginawa mo na ba 'to noon? Parang master na master mo na," pabiro kong saad pero pinupuri ko lang siya.

"First time," sagot niya saka ako nilingon. "Just thought about all these while we're going home," nakangiti niyang dugtong sa naunang sinabi bago nagpatuloy sa pagkain.

Inubos ko na rin 'yong pagkain ko. Sobrang sarap n'ong ginawa niyang ulam! Nawala 'yong lansa ng mga hipon dahil sa garlic at lemon. Parang kahit ngayon ko lang natikman 'yon, favorite ko na kaagad 'to.

Sinunod ko ng tikman 'yong shake na medyo nagbasa-basa na 'yong baso.

"Oh! Sarap din," sambit ko pagkatikim n'ong shake.

Nilingon ko si Peter sa gilid ko na kaagad inabot 'yong kamay niya sa pisngi ko. Naramdaman kong humaplos 'yong hinlalaki niya sa gilid ng mga labi ko.

"Take it slow," nangingiti niyang sambit.

Medyo nahiya naman ako. Hindi naman ako makalat kumain, hindi ko lang napansin 'yong dumi sa gilid ng labi ko sa sobrang sarap!

Basta, enjoy na enjoy kong inubos 'yong shake na ginawa ni Peter. Lalo pa kong napapasarap sa pag-ubos n'on dahil sa calming at sweet scent n'ong mga kandila. Kahit ang haba-haba ng araw na 'to, wala akong maramdamang pagod.

"Thank you for the delicious food and a very romantic dinner, Peter," I said as I looked at him.

Humarap din siya sa 'kin kaya kaagad ko siyang niyakap. Ramdam na ramdam ko 'yong kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Walang kupas, ang bilis ko pa ring kiligin kay Peter!

Kumalas din ako kaagad sa yakap at saka sinimot 'yong shake. Pagkatapos n'on, tumayo na ko kaagad at ramdam ko naman 'yong kamay ni Peter na nakaalalay sa likod ko. Suot-suot ko pa rin kasi 'yong dress ko.

"Hugas na ko," sambit ko at lalakad na sana nang tumayo na rin si Peter.

Hinawakan niya ko sa kaliwa kong kamay kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Mamaya na. May isa pa," natatawa niyang saad saka kinuha 'yong phone niya.

Napataas naman 'yong mga kilay ko sa kyuryosidad. "Ano 'yan?"

Hindi niya ko kinibo. May kinalikot lang siya sa phone niya tapos may tumugtog d'on saka niya nilakasan ang volume bago pinatong sa kitchen island ang phone.

Iginiya niya ko palayo sa kitchen island. Nasa gitna na kami ng kusina at saka niya hinawakan ang kanan kong kamay at iniangat 'yon sa ere habang ipinulupot niya naman iyong isa niyang kamay sa beywang ko. Ipinatong ko 'yong kaliwa kong kamay sa balikat niya.

Natatawa pero kinikilig kong sabi, "Ito ba 'yong part two ng sayaw natin kanina?"

Kita kong medyo nahiya siya, "Yes."

Hindi na ko nagsalita n'ong simulan niyang sabayan 'yong kanta. We were simply swaying as he sang me a song.

Sobrang saya ko n'ong mga oras na 'yon. I won't trade that night for anything else. Sa simpleng pagsayaw lang sa 'kin ni Peter, 'yong epekto niya ay sobra-sobra na. 'Yong puso ko, parang nakikipagkarera.


Mas matangkad sa 'kin si Peter kaya medyo nakatingala ako para matitigan siya. Pansin na pansin ko 'yong amoy mint niyang hininga. Amoy na amoy ko rin 'yong natural scent niyang hindi ako magsasawang singhutin.

Napakabango naman ng asawa ko. Oo, Lindsay, asawa mo. I smiled with that thought.

N'ong mas ilapit niya pa ko sa kaniya, lalong lumakas 'yong kabog ng puso ko.

Sa bawat linyang kinakanta niya, hindi ko maiwasang i-interpret 'yon at damhin bawat salita. Kaya ayon, unti-unti na ngang namuo ang luha sa mga mata ko.


Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kaagad pinunasan ni Peter 'yon gamit 'yong kamay niyang nakapulupot sa beywang ko kanina.

Ibinalik niya 'yong kamay niya sa pwesto nito kanina at tinapos ang kanta.

At that very moment, I knew it, I completely fell for Peter.

Huminto kami sa pagsayaw at saka niya hinawakan ang pareho kong mga kamay. He leaned forward and planted a kiss on my forehead, my nose, and my cheeks.

Malamlam ang mga mata kong tumitig sa kaniya. Saya. Kilig. Appreciation. Gratitude. Sobrang busog na busog ang puso ko ng mga positibong emosyon n'ong mga oras na 'yon.

Pinagdikit niya 'yong mga noo namin at saka ako niyakap mula sa beywang ko kaya pinatong ko naman 'yong mga braso ko sa balikat niya.

"Your curve will fade one day. Your beautiful face will get old. Your shape will not be the same as today decades from now. But you know what will never change?" malambing niyang litanya. "You. I have loved you and will love you for who you are. I chose to love you because it's you, Lindsay."

Napakunot ang noo ko sa narinig.

"You chose to love me? 'Di ba dapat kusa mo lang mamahalin 'yong tao?" nagtataka kong tanong at bakas sa boses ko 'yong pagkadismaya.

"When the right person comes, you choose between to love them or take them for granted. When the person becomes yours, you decide between seizing each moment with them or just leave them hanging. When the person you love liked you back, you choose between loving them more or do nothing," huminto siya sa pagsasalita at saka ipinagdikit ang mga ilong namin.

Peter never disappoints.

Sa isang maling galaw, magdadampi ang mga labi namin. Para tuloy akong malalagutan ng hininga dahil sa lapit namin at sa mga sinasabi niyang kay tamis-tamis.

"And I? I chose to love you, Lindsay. To make you feel that love as much as I can. To make you feel special ​each and every day," huminto siya saglit para haplusin ang kanan kong pisngi. "I choose you every day."

Para akong sirang nag-iiyak na naman dahil sa mga sinasabi at ginagawa ni Peter. Panay punas naman niya sa mga pisngi ko.

Ganito pala 'no? Kapag sobrang saya mo, napapaluha ka na lang. Dati, akala ko hindi totoo 'yong mga nakikita ko sa pelikula na naiiyak 'yong characters dahil sa sobrang saya.

Now that I experience it first hand, ang sarap-sarap pala sa pakiramdam. Totoong maiiyak ka na lang dahil ramdam mo 'yong importansya mo na ipinapa-realize ng tamang tao sa 'yo.

Hindi ko alam kung g'ano kami katagal ni Peter sa gan'ong posisyon. At hindi ko na rin alam kung anong hitsura ko n'ong gabing 'yon.

Bago kami umakyat sa taas, pinagtulungan naming hugasan lahat ng ginamit niya sa pagluluto at pinagkainan namin. Tinuruan ko siya kung paano 'yong tamang pagsasabon at pagbabanlaw. It was nice doing the simplest thing with him.

Nang matapos kami magligpit sa kusina, umakyat na kami sa taas. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto, nilakasan ko 'yong loob ko at sinabi na ang gustong-gusto kong sabihin n'ong nakaraan pa.

Now, I am sure. More than sure than I have been with all the decisions I made in my life.

"S'an tayo tutulog?" pabitin kong tanong na ikinakunot ng noo niya.

I smiled seeing his eyes filled with curiosity.

"Inside our rooms?" hindi niya siguradong sagot.

"Sa kwarto mo na lang," pagde-desisyon ko at saka lumakad papunta sa tapat ng kwarto niya.

I saw the shock in his eyes but later on, it was replaced by joy and admiration.

"You sure with this?" he said with a sweet smile on his face.

"Of course," sagot ko na bakas na bakas sa boses ko ang pagiging sigurado.

He opened the door as I entered the room. Pumasok na rin siya bago niya isinara ang pinto sa likod niya.

Dahan-dahan akong pumwesto sa higaan niya. Kahit confident ako sa desisyon ko, hindi ko maiwasang kabahan pa rin. Nahihiya? Maybe. But this is Peter. Walang dapat ika-kaba.

Humiga na rin siya sa tabi ko at saka inunan ang ulo ko sa bisig niya. Niyakap ko siya at isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Ramdam ko naman 'yong yakap niya sa 'kin pabalik.

"Alam mo naman kung ba't kita pinakasalan, right?" sambit ko nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya.

Sinalubong naman niya ko ng tingin. Sobrang lapit ng mga mukha namin at para kong malulunod sa asul niyang mga mata.

"Hirap na hirap kami n'on sa buhay. Si mama inatake, mga kapatid ko kailangang mag-tuition, si papa hindi na sapat kinikita para sa 'min, ako naman hindi naman palaging may part time job at commission, 'yong scholarship ko pa naging partial," huminto ako saka napatawa.

"I remember that. You were so mad at me when I wasn't able to attend the class during our reporting," nahihiya niyang saad.

Mas hinigpitan niya 'yong yakap niya sa 'kin kaya gan'on din ang ginawa ko. Niyakap ko siya nang sobrang higpit.

"Sobrang hirap ng buhay. Pero alam mo, hindi ko inaasahan na darating 'tong moment na 'to. Hindi ko alam kung p'ano ko magpapasalamat sa lahat ng deities na ikaw ang binigay sa buhay ko," seryoso kong saad.

Binalik ko 'yong ulo ko sa pagkakasandal sa dibdib niya. May mga nai-kwento rin siya about his life and interests. Tinatak ko lahat ng 'yon sa utak ko.

Somehow, I was waiting for him to tell me further why he married me. Pero hindi niya naman 'yon nabanggit kaya hindi na rin ako nagtanong. Maybe he's not ready to talk about it? Or there's really nothing more?

Basta, ang alam ko lang, n'ong gabing 'yon, na-imagine ko na 'yong sarili ko bilang ina ng magiging mga anak namin ni Peter. I saw him with me in the future. I saw him growing old with me.

Sabi nila, kapag nakita mo raw 'yong sarili mo na kasama 'yong isang tao, it could be a sign that the person is meant for you.

Ewan kung totoo 'yon.

Bago ako tuluyang lamunin ng antok, naisip ko lang na ang sobrang pinapaniwalaan ko siguro na sinasabi ng iba– a man do respect and love you when he did not touch you when he had a chance... when he was with you in bed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top