Chapter 12: Day off
Chapter 12: Day off
Nginitian ko pabalik si Nang pero medyo na-awkward ako. Bigla akong kinabahan. P'ano namin sasabihin ni Peter na may something na sa 'min?!
Nilingon ko si Peter sa gilid ko. "Ikaw na ba magsasabi?" nahihiya kong tanong at saka ibinalik ang tingin ko kay Nang na nakangiti pa rin.
Para kaming mga high school student na nahuling nagde-date ng mga magulang nila. Hindi ko alam kung s'an magsisimula at paano mag-e-explain.
"We're dating?" alanganing sambit ni Peter kaya nabalik ang tingin ko sa kaniya. "We're together?" pagtatama niya sa naunang sinabi nang mapansin na parang hindi akma 'yon since kasal na kami.
Napalakas 'yong tawa ni Nang kaya sabay kaming napatingin sa kaniya. Nagugulumihan.
"Para kayong mga teenager!" puna niya at saka kinuha kay Peter 'yong isang bag. "Pumasok na nga kayo at magpahinga na. Hindi naman ako hurado; hindi niyo kailangang mag-explain diyan."
Naiilang akong napatawa para sana mawala 'yong awkwardness sa paligid pero parang lalo akong nakaramdam ng pagkailang. O ako lang 'yon? Peter beside me looks calm after hearing Nang's statement.
Sana naman kapag sinabi na namin ni Peter 'to sa mga kapatid ko pati kay Brent, 'wag na silang magtanong-tanong!
Sinundan namin si Nang na siyang sinamahan kami hanggang sa makaakyat kami sa taas. Napahinto kami n'ong nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ko.
"Sa iisang kwarto na ba kayo matutulog?" pagtatanong ni Nang na nagpainit sa mga pisngi ko.
Hindi ko alam kung anong isasagot at kung ready na ba ko para sa bagay na 'yon. Kahit naman natulog na kami ni Peter kagabi sa iisang kwarto, na first time nangyari, hindi ko alam kung ready na ko na magkatabi kami sa iisang kama.
Napansin ata ni Peter 'yong pagkahiya ko kaya siya na ang sumagot.
"I'll let Lindsay adjust until she's ready," sambit niya.
I mouthed 'thank you' in his direction. Seeing him being so cautious and sensitive to what I feel and act really melts my heart.
Parang dati, n'ong college palang kami, naiinis pa ko sa kaniya dahil sa pag-ghost niya sa group namin n'ong may reporting. Tapos n'ong naging mag-asawa kami, hindi naman kami nagpapansinan kapag kaming dalawa lang.
Yet, look at me now! Mas nakikilala ko pa siya lalo ngayon at gusto ko 'yon— na dumadami 'yong alam ko tungkol sa kaniya.
Tatalikod na sana ko para pumasok na sa kwarto nang magtanong na naman si Nang. Akala ko ba hindi na siya mang-uusisa?
Tinalo niya pa teacher na nagpapa-exam, ang hirap sagutin ng mga tanong niya kahit simple lang naman 'yon!
"May balak na rin ba kayong mag-anak?" nangingiting tanong ni Nang.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ano kayang magiging hitsura ng anak namin? Kamukha ko kaya? O kamukha ni Peter? Pwede rin namang pareho! Pero, ang tanong... tatagal ba kami?
Napalingon ako kay Peter na siya namang napansin kong natahimik. Ako na 'yong sumagot kay Nang.
"Hindi pa po kami ready, Nang," sagot ko sa mababang boses. "Nasa 'dating' phase palang po kami. Masyado namang mabilis kung anak agad! Enjoy-enjoy muna kami. Masyadong malaking responsibilidad ang pag-aanak. Kailangang pag-isipan nang mabuti bago pagdesisyunan ang bagay na 'yon."
Mukhang na-convince ko naman si Nang kaya hindi na siya nagtanong.
Totoo naman kasi. Kahit sabihin nating a child is a blessing, hindi dapat basta-basta bumubuo ng anak. Kailangan, ready in terms of financial, emotional, physical, and mental state.
Nag-good night na ko kay Peter at kay Nang bago pumasok sa kwarto ko. Nang masara ko na ang pinto sa likod ko, kaagad kong inihinagis ang sarili sa kama ko.
Na-miss ko 'tong higaan ko!
Nagpagulong-gulong pa ko bago tumayo at nagpalit ng pambahay. Naghilamos lang din ako ng mukha at nagpunas bago umayos ng higa sa kama.
Ipipikit ko na sana 'yong mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko. Ano ba 'yan! Anong oras na eh.
Tamad na tamad akong tumayo para kunin 'yon sa loob ng bag ko. Hindi ko muna tinignan kung sinong nag-abalang mag-text pa sa ganitong oras.
Pagkahiga ko, binuksan ko na 'yong phone at ngiting-ngiti ako nang makita kung sino 'yon. Peter sent me a message!
Kilig na kilig ako nang buksan ko 'yon at mabasa ang text niya.
Peter Pareja
Are you asleep?
Hindi pa. Bakit?
I forgot to plant a kiss on your head.
Bukas na lang. Tinatamad na kong tumayo.🥺
Anything you want to do tomorrow?
Magde-day off ka?
Yes. Want to spend the day with you :)
Okay! Ako rin. Magre-report lang naman kami sa office bukas. Anong gagawin natin?
Movie marathon?
Masyadong common!🤔 Pagluto mo na lang ako hehehehe.
Okay then. Good night :) I love you.
Good night, Peter.
Kinikilig ako habang tinitignan 'yong huling mensahe ni Peter. I love hearing and reading those three words.
Hindi ko man masabi 'yon ngayon sa kaniya pero alam kong darating din kami r'on. Hindi palang ngayon. Ayaw ko namang sabihin sa kaniyang mahal ko siya kahit gusto ko palang siya.
On that night, sobrang sarap ng naging tulog ko. Ni hindi nga ata ako nanaginip o nagising man lang n'ong madaling-araw. Kinaumagahan, ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa kisame. Just imagining what Peter and I will do today makes me so happy!
Nang makapag-inat-inat ako, bumangon na rin ako't naglinis ng sarili. Tamang toothbrush lang at hilamos para fresh sa pakiramdam at hindi nakakainis kapag gumagalaw.
Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko ay siya namang pagbukas din ni Peter ng pinto niya. Napangiti kaagad ako nang napakalapad. He sweetly smiled back at me that brought shivers to my body.
Sabay naming sinarado 'yong pinto sa likuran namin at kaagad niya kong nilapitan para yakapin mula sa beywang.
"Good morning," saad ko at saka isinukbit ang mga braso ko sa leeg niya.
"Good morning. I miss you," he said in a husky yet sweet voice.
Medyo natawa ako sa sinabi niya. Miss kaagad? Wala pa nga kaming 12 hours na hindi nagkikita. Mamaya inuuto lang pala ko nito ah!
Medyo niluwagan niya 'yong yakap sa 'kin para harapin ako't tignan sa mga mata. Sinalubong ko naman 'yong mga tingin niya. Ang gandang bungad naman ng mga asul niyang mata!
"You haven't brushed your hair yet?" nagtataka niyang tanong na ikinagulat ko.
Hala! Oo nga pala. Hindi pa ko nagsusuklay!
Nanlalaki 'yong mga mata kong kumalas sa kaniya at madaling-madaling binuksan ang pinto sa kwarto ko.
"Huwag mo na kong hintayin!" dali-dali kong saad saka isinara ang pinto.
Hinanap ko 'yong suklay sa bag ko at saka inayos ang buhok. Medyo may mga sabit-sabit pa dahil na rin siguro sa pagkakaalon-alon ng buhok ko.
Nang makita kong okay naman ang repleksyon ko mula sa phone ko, lumabas na ko sa kwarto habang bitbit ang cellphone ko.
Medyo nagulat ako n'ong makita kong nakasandal si Peter sa pader sa gilid ng pinto ng kwarto niya.
"Hinintay mo ko?" natatawa kong tanong. "Ganiyang-ganiyan kami ng mga kaibigan ko n'ong high school kapag may nagsi-CR tapos 'yong iba ayaw naman. Naghihintayan."
"But I'm not your high school friend," he said with a smirk on his lips. Napataas 'yong kaliwa kong kilay. "I'm your husband."
Unti-unting bumaba 'yong kaliwang kilay ko kasabay ng pagbilis ng kabog ng puso ko.
"Parang ewan 'to!" nahihiya kong sambit habang pinipigilan ang pag-ngiti ko.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang at pagkahiya. 'Wag kang ngumiti-ngiti riyan, Lindsay!
Pero aaminin ko, nagustuhan ko 'yong narinig ko.
Napabalik 'yong tingin ko kay Peter n'ong lapitan niya ko. Maamo 'yong mga mukha kong tumitig sa kaniya nang makalapit siya at saka ako hinalikan sa noo.
"Nag-toothbrush ka na ba?" pagbibiro ko na ikinangiti niya.
"What do you think?" tila nag-iisip pa siya n'ong itanong 'yon.
Kunware'y inirapan ko siya, "Nako! Toothbrush-toothbrush muna bago mag-kiss," sambit ko sa pakunwareng nandidiri na ikinatawa niya.
Magkahawak-kamay kaming bumaba ng hagdan. Pagdating namin sa kusina, nandoon na si Nang na nangingiting nakatitig sa kamay namin ni Peter na magkahawak.
Bibitaw sana ko dahil medyo naiilang ako sa reaksyon ni Nang pero lalo lang hinigpitan ni Peter 'yong hawak niya sa 'kin. Napaangat ako ng tingin sa kaniya pagkaupo namin sa stool.
"We're not doing anything wrong," bulong niya sa tenga ko.
Napakagat ako sa ilalim kong labi, "Sorry, hindi pa kasi ako sanay," nahihiya kong saad. "At saka tignan mo kasi si Nang!" sabay turo ko kay Nang na nakatitig pa rin sa 'min.
"Nang," malumanay na tawag ni Peter sa kaniya. "Inaasar niyo na naman po si Lindsay."
Natatawang umalis si Nang pagkatapos niya ilagay 'yong mga pinamili niya sa ref.
Kumain lang kami ng cereals bilang agahan. Pagkatapos kumain, nagpahinga lang kami saglit ni Peter sa sala. Nag-kwentuhan lang kami about work— tasks, goals, and so on.
He asked me as well about the exact date of my second movie's screening which Brent directed. Sinabi ko namang sa February 28 pa 'yon at ang sabi niya, aagahan niya raw out niya para makapunta.
Hindi ko maiwasang lalong magustuhan si Peter. Who wouldn't? Sobrang sweet niya. Pinapakita niya 'yong love and sincerity niya through words and actions.
What I like about him too is his skill to listen well. Kahit ang dami kong kwento, todo kinig siya at 'yong nakikinig na alam mong iniintindi ka.
Nang matapos kami mag-kwentuhan, bumalik kami sa mga kwarto namin para magpalit ng damit na pang-exercise. Nang matapos, sabay kaming umakyat sa third floor doon sa workout room namin.
Hindi ko alam kung ilang oras kami r'on basta nang matapos kami, nagpalit lang kami ng damit at hindi muna naligo. Masamang naliligo kapag pagod!
Nauna na siyang bumaba sa kusina dahil nag-prepare na siya ng ingredients. Siya na rin nagsabi kay Nang na siya muna ang magluluto ng tanghalian.
Pagkapunta ko naman sa kitchen, dala-dala ko na 'yong phone ko at saka ako tumayo sa tapat ng counter.
Nang makita ni Peter na itinatapat ko sa kaniya 'yong cellphone ko, nagtataka siyang nagtanong, "What's that for?"
Ngiting-ngiti ko siyang sinagot, "Video! Gawa ka ng YouTube channel tapos upload mo kapag tapos ko nang i-edit."
Napababa ako ng kamay nang mapansin kong hindi siya sumagot.
"Bakit?" nalulungkot kong tanong. "Ayaw mo?"
"What name is fitted to our YouTube channel?" Nabuhayan ako ng loob n'ong itanong niya 'yon.
Hinugasan niya 'yong ingredients kaya sinamahan ko siya sa tapat ng lababo.
I made a 'hmm' sound while thinking.
"Pe-Say? PL?" suhestiyon ko na ikinatawa niya. Napanguso naman ako dahil mukhang hindi niya nagustuhan.
Aba, Lindsay, nagiging pabebe ka na!
"What's up mga ka-Pareja!" masigla kong sigaw. 'Yong kasing sigla n'ong mga vlogger na ikinangiti ni Peter.
"That sounds good," nilingon niya ko bago lumipat sa counter para ilagay r'on 'yong mga ingredient. "It seems like you're being proud of our last name."
Medyo nag-init 'yong mga pisngi ko nang ma-realize ko kung anong sinabi ko at sinabi niya. Pero siyempre, kinikilig ako!
Halos ayaw kong nakikita apelyido niya sa tabi ng pangalan ko noon. Ni hindi ko nga ginamit man lang sa Facebook 'yong apelyido niya dahil sa isiping maghihiwalay rin kami. Pero heto ako ngayon, sayang-saya sa apelyido namin.
Sinundan ko siya sa counter. Tumapat ako sa kaniya at saka ipinatong ang mga kamay ko r'on. Seryosong-seryoso ako nang ibigay ko 'yong instructions para sa gagawin namin, lalo na sa introduction.
Dagdag ko pa, "Magka-cut-cut ako ng video para hindi tayo mahirapan pareho. Kukuhanan ko lang 'yong mga importante. Kukuhanan ko rin 'yong ibang steps pero ipa-fast forward ko na lang kapag in-edit ko. Iba-ibang angle rin para mas magandang tignan at mas mabigyan natin ng emphasis 'yong importanteng steps."
Para kong hiningal sa mahaba kong litanya kaya umalis muna ko sa counter at saka kumuha ng tubig sa sterilizer. Nakakabit 'yon sa gripo sa lababo namin. Nai-sterilize 'yong tubig para kapag inilagay na sa pitsel sa ref, malinis na. Minsan diretso kong kumukuha rito kapag ayaw ko ng malamig na tubig.
"Why don't you use your DSLR?" nagtatakang tanong ni Peter.
Ininom ko lang 'yong tubig at saka bumalik sa counter. Pinatong ko r'on sa gilid 'yong baso ko.
"Delikado 'yon kapag malapit sa kalan. Delikado rin naman ang cellphone kapag malapit sa kalan kaya hindi ako lalapit sa 'yo. Izu-zoom in ko na lang," pag-e-explain ko sa kaniya.
"I like it when I hear you talk things in a professional way," papuri ni Peter sa 'kin na ikinakilig ko.
"Siyempre! Sa film industry nagta-trabaho asawa mo eh," natatawang hirit ko na lalo niyang ikinangiti.
"Yes, wife," he said in a teasing yet very sweet tone.
D'on ko lang na-realize kung anong sinabi ko. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Kinikilig.
N'ong naayos na rin ni Peter 'yong mga gamit bukod sa ingredients, nagsimula na kami.
Naka-front camera muna kami at magkatabi kami ni Peter, "One. Two. Three. Action!" hudyat ko na magsisimula na kami at saka ako nagsimulang mag-record. Panay kaway naming dalawa.
"What's up mga ka-Pareja! This is Lindsay," hinto ko sabay kindat.
"And this is Peter," nakangiting dugtong ni Peter.
Natawa-tawa pa ko dahil ang bilis niyang nakuha 'yong instruction ko kanina.
"Ano bang lulutuin mo today, Peter?" umakto pa kong nacu-curious. Hindi ko naman kasi talaga alam.
"I'm going to cook chicken à la king for my wife," malambing na saad ni Peter saka ako tinignan sa gilid niya.
Natatawa ko siyang tinitigan pabalik.
"Let's see if he can amaze me with this dish!" Ayon 'yong huli kong sinabi bago ko pinatay 'yong recording.
Nagsimula kaming ipakita sa video 'yong nahiwa niya ng chicken fillet. In-explain niya na kailangang ibabad 'yon sa lemon, itlog, harina, at tubig for 30 minutes. Kanina niya pa raw 'yon nababad kaya ipi-prito niya na.
Habang nakasalang 'yong chicken, sunod na naming kinuhanan 'yong paghihiwa niya ng parsley at carrots na parehong 1/2 cup ang dami, banggit ni Peter. Siya na rin 'yong nagsasabi kung anong tawag d'on sa ingredient at kung gaano karami.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Bagay na bagay sa kaniya ang pagluluto at mukhang alam na alam niya ang bawat kilos at galaw niya.
Sunod naming kinuhanan 'yong paggigisa niya ng 3 tablespoon ng butter at harina sa pan. Hinalo-halo niya 'yon gamit ang flat wooden spoon at saka ibinuhos ang isang cup ng evaporated milk at tubig. Naghalo-halo siya ulit.
Good thing, double burner naman 'yong gamit namin kaya nagawa niya nang ipagsabay ang pagpi-prito ng chicken at paggawa ng sauce.
Kinuhanan din namin 'yong paghango niya sa mga chicken n'ong ayos na ang kulay ng mga ito.
Binalikan niya 'yong sauce para ilagay na ang nahiwang parsley at carrots. Nang kumulo na, saka niya inilagay ang all purpose scream. Naghalo-halo lang siya r'on.
Habang hinihintay na kumulo 'yon, binalikan niya 'yong mga chicken para sa plating. Manghang-mangha naman ako sa pagkakaayos niya. Inilagay niya sa gilid 'yong saucière.
Maya-maya lang, kinuha niya na rin 'yong sauce at saka nagsalin nang kaunti sa saucière.
"Wow!" manghang-mangha kong sambit nang matapos na siya.
Napaangat 'yong tingin niya sa 'kin at saka ako binigyan ng matamis na ngiti.
Umikot ako sa counter para tabihan siya at saka ko itinapat sa 'min 'yong camera. Pagka-on ko ng recording, "Tikman na natin!"
Excited na excited akong inabot 'yong tinidor kay Peter at saka humiwa ng kaunti sa chicken bago ko isinawsaw 'yon sa sauce.
Pagkatapos ko ngumuya, "Ang sarap! Kumakapit 'yong lasa sa dila ko. Parang lalo kong nagutom."
Bahagyang napatawa si Peter sa sinabi ko.
"Thank you for watching! Don't forget to like, comment, and share this video. If you haven't subscribed yet, hit the subscribe and bell button for more exciting updates. Until next time, mga ka-Pareja," masigla kong sambit bago pinatay ang phone.
Tinawag na namin si Nang. Sabay-sabay kaming kumain sa mesa. Magkatabi kami ni Peter at nasa tapat namin si Nang.
Bawat subo ko, puring-puri ko 'yong luto ni Peter na tinatawanan nilang dalawa. Nag-kwentuhan din kami ng kung ano-ano. Thankfully, hindi na kami inuusisa ni Nang tungkol sa nangyari at plano namin.
Hindi ko maiwasang tignan silang dalawa habang kumakain kami. Ang saya-saya lang sa puso— seeing them both here. Masarap ang kain. Masaya ang kwentuhan.
Madalang kami magkasabay-sabay kumain noon. Kung mangyayari man, hindi ko naman naa-appreciate nang ganito tulad ngayon.
'Yong mga simpleng bagay, kapag nabibigyan ng sapat na atensyon at appreciation, nag-iiba 'yong dating sa buhay natin. Kaya pala sabi nila, all blessings should be appreciated— maliit man o malaki. Minsan kasi, nakakalimutan nating maging thankful kaka-focus sa ibang mga bagay, lalo na sa responsibilities and dreams. We tend to forget to live in the present while focusing on the future.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top