Chapter 11: Baler (Day 7)

Chapter 11: Baler (Day 7)


Nagising ako sa mabangong amoy ng beef tapa. Nagkusot-kusot muna ko ng mga mata gamit 'yong likod ng mga kamay ko at saka idinilat ang mga 'to.

What happened yesterday was not a dream.

Napangiti ako sa unang nasilayan ko. Ganito pala. Ganito pala magising na 'yong taong gusto mo, mahal ka at nasa paligid mo lang.

Bigla akong natigil sa pag-iisip nang maalala ko 'yong pag-amin ni Peter kagabi. Teka... hala, s'an naman kaya nanggaling 'yong mga sinabi niya kagabi? Nagsa-sideline na rin ba siya bilang writer?

Napatitig ako sa gawi niya; nagbabalat si Peter ngayon ng mansanas. Nakatagilid 'yong pwesto niya mula sa 'kin. Nakaupo siya sa couch na nakapwesto sa tapat ng kama ko at nakasandal sa full glass window.

May center table r'on sa tapat ng couch. Nakapatong d'on ang dalawang plato na may kanin at ulam na beef tapa. May dalawang baso rin na may lamang tubig.

Bumangon ako at umupo. Kaagad kong nakuha 'yong atensyon niya at nangingiti niyang sinalubong ang mga tingin ko.

"Good morning," he sweetly said.

Ibinalik niya 'yong atensyon niya sa pagbabalat at paghiwa ng mansanas. May platito r'on at doon niya inilalagay 'yong mga nahiwa niya na. Bigla akong nagutom sa nakikita at naaamoy ko. Kumulo pa nga 'yong tiyan ko na ikinatawa niya nang lingunin niya ko.

Nakakahiya!

"Kain na," saad niya at saka tumayo para buksan 'yong kurtina.

Medyo napapikit-pikit pa ko dahil sa sinag ng araw pero nang maka-adjust ang mga mata ko, dumilat ako't bumungad sa 'kin ang napakagandang tanawin.

May glass pool pala ang hotel na 'to. Tapos sa hindi kalayuan ay kitang-kita ang dagat at ang mga taong nagsisimula ng lumangoy habang ang iba ay sayang-saya sa pagsu-surfing.

"Get up now," malambing niyang sabi nang umupo siya sa gilid ng kama ko at saka hinawakan 'yong isa kong kamay.

Tumango-tango lang ako at mabilis na tumayo nang bawiin ko 'yong kamay kong hawak niya kanina.

Aba! Hindi ako magsasalita nang hindi pa nagtu-toothbrush 'no. Wala naman kami sa pelikula na 'pag gising ng mga bida, fresh na fresh ang hitsura nila.

Bago ko pumasok sa CR, kinuha ko na 'yong suklay, toothpaste, toothbrush, sabon, at bimpo ko sa loob ng bag ko. Nang matapos ako maglinis ng sarili, lumabas din ako't tinabi na 'yong mga gamit ko.

Paglingon ko sa couch, nagtama 'yong mga tingin namin ni Peter. Nakaupo lang siya r'on at mukhang hinintay niya talaga ko.

Dali-dali akong naglakad palapit sa kaniya at saka siya tinabihan. Patagilid siyang yumakap sa beywang ko na nagpangiti nang sobra sa 'kin. Parang may kung ano ring kumikiliti sa tiyan ko dahil sa ginawa niya.

Medyo hinigpitan niya pa 'yong yakap niya at saka isinandal 'yong ulo niya sa kanan kong balikat. Matamis akong napangiti. 'Yong mga ganito niyang yakap noon kapag nasa bahay kami ng pamilya namin, isa na ba 'yon sa mga sweet gesture niya para ipaalam sa 'kin na mahal niya ko?

Napatitig ako sa nakahandang pagkain. Mukhang binili niya lang 'to sa baba pero hindi ko maiwasang matuwa, lalo na nang maalala ko 'yong panahon na pinagluto niya ko ng hapunan.

Masyado ba kong naging manhid noon? O masyado lang akong busy sa sarili kong buhay, sa mga kapatid, at magulang ko, lalo na kay mama?

"Paborito ko ang beef tapa," pabulong kong sambit na sinagot niya ng, "I know."

Napakunot ang noo ko. Parang alam niya na nagtaka ko sa sinabi niya kaya dinugtungan niya 'yon ng, "I know most of your favorites, likes, and dislikes through observation."

Napatango-tango naman ako at saka hinawakan 'yong kamay niyang nakayakap sa 'kin.

Medyo nahiya ako sa narinig dahil kung ako ang tatanungin, sobrang kaunti lang ng alam ko tungkol sa kaniya. Na kung magku-quiz lang kami para malaman kung gaano namin kakilala ang isa't isa, babagsak ata ako. Still, I believe, it's not too late to get to know him.

"Akala ko ba sabi mo, kain na ko?" pabiro kong sabi nang lingunin ko siya't bumungad sa 'kin ang mabango niyang buhok. "Parang ayaw mo naman akong pakainin," natatawa kong dugtong.

Umayos na siya ng umupo at kumalas na sa yakap. Kahit gusto ko pa 'yong feeling na nakadikit siya sa 'kin, gutom na ko. Mahirap kalaban ang tiyang kulo nang kulo.

"Where do you want to go after we eat?" tanong niya nang magsimula na kaming kumain.

Napahinto ako sa pag-nguya at nag-isip.

"Liligo muna ko, mamaya na natin 'yan pag-usapan," sagot ko nang malunok ko 'yong nasa bibig ko.

Natawa naman siya sa narinig kaya tumingin ako sa kaniya't bahagya ko siyang sinimangutan. "Bakit? Nababahuan ka ba sa 'kin?" pagtataray ko pero 'yong pabiro lang.

Lalo siyang natawa kaya napangiti ako. His laugh is like a music to my ears. May bago na naman akong goal sa buhay— to make him laugh and to make sure that I won't do anything that would erase his sweet smiles.

Tinuloy na namin 'yong pagkain at nang matapos, nagpaalam ako sa kaniya't liligo na ko.

"I'll take a bath after you," he told me as I got my things on my bag.

Tumango-tango lang ako sa kaniya bilang sagot. Muntik ko nang malaglag 'yong gamit ko nang bigla siyang humirit, "O pwede ring sabay na tayo."

Kunot-noo ko siyang nilingon habang nakatayo siya sa gilid ng sofa at nakasandal sa bintana. Parang nag-iinit 'yong mga pisngi ko sa narinig. Ano bang sinasabi ng lalaking 'to?

"Just kidding," he said as he laughs.

Inirapan ko siya. Aba! May pa-joke-joke na siya ng gan'on. Nakakainis! Seryosohin ko 'yan eh.

Parang gusto kong kurutin ang sarili kong tagiliran sa naisip ko.

"As I told you," pabitin niyang sambit at saka naglakad papalapit sa 'kin. Tumayo na ko't handa ng maligo. "I won't pressure you with everything," seryoso niyang saad at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi.

I mouthed 'thank you' before I smiled. Kumawala na siya sa pagkakahawak sa 'kin at saka ako pumasok sa CR.

Todo kuskos ako sa sarili ko at todo shampoo. Siyempre, first official date namin 'to kaya dapat, sobrang mabango ako!

But... do I really need to do this and that? 'Di ba, hindi ko naman siya dapat ini-impress? If he loves me, he'll love even my flaws.

Pinisil ko 'yong sarili kong pisngi sa inis. Aba, Lindsay, dapat ka lang maligo nang maayos para sa sarili mo at sa lahat ng makakaamoy sa 'yo! Hindi dahil sa pagpapa-impress. Ano bang iniisip mo riyan?!

Nang matapos ako sa pagligo, lumipat ako r'on sa tuyong bahagi ng CR. May glass door naman na panghati sa paliguan at damitan.

Nagsuot lang ako ng simpleng damit na dala-dala ko na rin kanina— high waisted denim shorts na may tupi sa ilalim at black racer boxer crop top. Ito 'yong sinuot ko para hindi ako mahirapan sa paggagala mamaya. Teternuhan ko 'to ng rubber shoes.

Nagpatuyo lang ako ng buhok gamit 'yong bimpo ko. Napaangat 'yong tingin ko sa salamin na nasa harap ko.

I smiled seeing my reflection. I look beautiful in my own eyes. At kita ko sa repleksyon ko 'yong kakaibang glow— the different kind of glow because of genuine happiness.

Dali-dali akong nagsuklay at baka naiinip na 'yong naghihintay sa 'kin sa labas. Kinuha ko lahat ng gamit ko at saka lumabas na sa CR.

Nakita kong busy si Peter sa cellphone niya— mukhang may ka-text. Inayos ko na 'yong gamit ko at saktong pag-upo ko sa kama, napatingin siya sa 'kin.

"You're beautiful as always," he complimented me.

Napatawa naman ako dahil sa kilig. "Maligo ka na!" pagtataboy ko sa kaniya na ikinatawa niya rin.

Nakatanaw lang ako sa labas mula sa glass window habang hinihintay si Peter matapos. Hindi rin naman nagtagal, natapos din siya. Simple lang 'yong suot niya— white V-neck shirt at saka black casual shorts.

Nag-impake na kami at saka nag-check out.

Pagpunta namin sa parking, inilagay niya lahat ng gamit sa backseat at saka ako pinagbuksan ng pinto. Inalalayan niya ko makaakyat at nang masara niya ang pinto sa gilid ko, saka siya pumasok sa loob.

These simple gestures of him remind me of what he usually do when we go to different places with our families. Napangiti ako sa sariling naisip. He has always been that sweet to me; I thought he did all that for our families to not suspect us.

"Siguro kahit kaunti lang puntahan natin?" nag-aalangan kong suhestiyon kay Peter nang buksan niya na ang makina't nagsimula nang magmaneho.

"Are you not feeling well?" nag-aalala niyang tanong pabalik nang hindi ako nililingon. Nakapokus siya sa pagmamaneho niya.

Napakagat ako sa ibaba kong labi bago sumagot, "Baka kasi mapagod ka. Uuwi rin tayo agad mamaya. Mahaba pa ang biyahe."

I saw him smile. "I can drive miles and miles without getting tired, Lindsay, especially that it is for you."

Napangiti rin tuloy ako dahil sa narinig. Umayos na ko ng upo at saka nag-suggest ng mga lugar na pwede naming puntahan.

Binuksan niya 'yong mga salamin at saka pinatay ang aircon para sariwang hangin daw 'yong maamoy namin.

Just sitting there and being with him makes me so happy.

Una naming pinuntahan 'yong Baler Town Plaza. Marami-rami ang mga tao sa paligid pati na rin ang mga naglalako ng pagkain. Malinis ang paligid.

Sa gilid ay may kalakihang letter standee na bumubuo ng salitang 'Baler'. Tapos sa likod naman nito ay ang tinatawag na Baler 400 Years Monument na mistulang apat na malalaking surfing boards.

Mayroon ding municipal hall, stage, at iba't ibang statues. Ang ganda-ganda rito!

Naglakad-lakad lang kami ni Peter nang magkahawak ang mga kamay. By simply holding his hand already makes my heart race.

Hindi ko maiwasang tignan-tignan siya habang naglalakad. He has this power to catch the attention of others when he's walking. Na hindi ko naman gan'ong napapansin noon dahil busy ako sa pagpapanggap namin tuwing magkasama kami't nasa paligid ang mga pamilya namin.

'Yong mga asul niyang mata, maputing balat, at 'yong pagdadala niya ng damit— sobrang agaw-atensyon. Hindi ko rin napapansin masyado lahat ng features niya na 'yon noon and look at me now, parang hindi ako nagsasawang titigan si Peter.

Dumaan din kami sa Museo de Baler bago kami napadpad sa Doña Aurora Aragon-Quezon House. Replica na lang 'to n'ong totoo nilang naging bahay ayon sa mga lokal na naabutan namin ni Peter d'on. She was a known civic leader who had been involved in various activities and organizations that helped people, especially the poor and women. She's one of the many women I'm admiring because of their passion to work for the Filipinos.

Sa tapat naman ng Doña Aurora Aragon-Quezon House ay ang hindi kalakihan pero napakagandang Baler Church. Pagkatapos namin ni Peter maglakad-lakad, bumiyahe na ulit kami.

"Daan na lang siguro tayo sa Ermita Hill tapos diretso na tayo sa Diguisit Rock Formations," suhestiyon ko kay Peter habang abalang nagre-research sa cellphone ko.

"We can still go to Mother Falls, Balete Tree, and Ampere Beach," mahina niyang rekumendasyon na sinagot ko ng iling. "There's this Baler Hanging Bridge as well," dagdag niya pa.

Huminga ako nang malalim at saka itinago ang phone ko. Nilingon ko siya at saka ngumiti.

"Mapapagod ka nang husto, Peter," mahinahon kong saad pero nandoon 'yong finality.

"Okay, okay," he finally surrendered. "Let's just visit them next time," he added.

Nilingon niya ko sandali para ngitian. Hindi ko maiwasang lalong mapangiti.

Habang nagmamaneho siya, hindi ko maiwasang ikumpara siya sa lahat ng lalaki na nagustuhan ko noong high school ako. I was that type of girl who easily falls in love with a boy. Yes, a boy. 'Yong hindi pa gan'ong ka-mature at hindi pa 'man enough' para isipin ang responsibilities sa buhay.

'Yong mga playboy, campus crush, and a like. At bilang hindi ko pa kayang i-differentiate ang like sa love noon, palagi akong nagkakamali. Mapusok. Marupok. Ending, broken hearted.

Nako! Ito ata ang rason ba't 'di man lang ako makapagsimula ng romance script.

Then, here's Peter beside me— family-oriented, gentleman, hard-working, considerate, understanding, and thoughtful. The man I have never thought is existing.

I'm not in a fairy tale nor I am Wendy but I was able to catch the attention of Peter. I'm not that good at cooking nor I am Lara Jean but Peter chose me.

Matapos ang mahabang biyahe, nakarating na kami sa Ermita Hill pero sobrang worth it. Nauna kong lumabas sa kotse kaysa kay Peter. Ngiting-ngiti ako n'ong sinilip ko 'yong dagat sa baba, mga puno, bundok, at iba pa. The place is filled with green and blue. Napansin ko rin na parang nagmistulang ilog 'yong karugtong ng dagat sa kabilang bahagi. Hindi ko sure kung ano at paano nangyari 'yon. Our nature is really amazing!

Medyo nabigla ako n'ong maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko. Ramdam niya kaya 'yong bilis ng tibok ng puso ko?

Para akong na-estatwa n'ong mga naunang minuto na nakayakap siya pero nasanay rin ako't hinawakan ko pa ang mga kamay niyang nakapulupot sa beywang ko.

We stayed in that kind of position for a moment before we decided to eat our lunch. Sa pinakamalapit na karinderya kami kumain. I unknowingly asked him if it is his first time eating in such a place.

In which he answered, "No," kaya nabigla ako.

Bahagya siyang natawa sa reaksyon ko.

"Brent eats everywhere when we were young," sambit niya bilang sagot sa pagkabigla ko.

Tumango-tango naman ako at kumain din kami nang dumating 'yong mga order namin.

Natutuwa ako sa nakikita ko— mukhang nae-enjoy ni Peter 'yong pagkain. Walang reklamo. Walang arteng ipinapakita.

Nagpahinga lang kami sandali nang matapos kaming kumain at saka bumiyahe na ulit. Medyo matagal ulit 'yong naging biyahe dahil sa layo n'ong sunod na pupuntahan namin.

May mga nakita kaming kotseng nakatigil sa gilid n'ong malapit na kami sa rock formations kaya sinabihan ko si Peter na itigil 'yong kotse sa gilid. Namangha ako n'ong nakita ko kung ano 'yong inaakyat ng mga tao.

"May falls sa taas, Peter!" namamangha kong saad sabay turo d'on.

"Gusto mong umakyat?" he asked.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Let's go there then," nakangiti niyang sagot kaya napapalakpak ako sa sobrang saya.

Hindi naman gan'on kataas 'yong kailangang akyatin. Medyo mahirap at madulas lang talaga dahil walang lubid na kakapitan— mga sanga at bato lang 'yong mahahawakan.

Hindi ako natakot o kinabahan sa pag-akyat dahil nasa likod ko naman si Peter na nakaalalay sa 'kin.

Doing this with him makes me the happiest woman that there is. 'Yong mga simpleng bagay na nagagawa sa magagandang lugar na lalong gumaganda kapag taong gusto mo ang kasama mo.

Wala pang 10 minutes n'ong maakyat na namin 'yon at matanaw na ang main falls. May mga naliligo d'on at kahit gusto kong magpakabasa, hindi pwede. Huling malinis na damit ko na 'to.

Umupo lang kami sandali ni Peter sa malaking bato sa gilid habang pinapanood ang ibang tao na maligo tapos nag-desisyon din kaming bumaba na. Sumakay na kami sa kotse at saka tinungo 'yong rock formations sa hindi kalayuan.

Pagkahintong-pagkahinto niya ng kotse, nagmamadali akong bumaba at saka tinungo 'yon. Hinintay kong lumapit si Peter para sabay naming babain 'yong dagat d'on.

Parang kumikinang 'yong mga mata ko habang nakikita ang tanawin. Maasul na maputi na maberde ang kulay ng tubig. Iba't iba ang laki at hugis ng mga bato na makikita sa paligid. Maputi naman ang mga buhangin at pakalat-kalat ang patay na corals; medyo nalungkot ako banda r'on.

Hinubad ko 'yong mga sapatos ko at saka nagpalakad-lakad. Sobrang nakakatuwa tuwing humahampas 'yong alon ng tubig sa mga paa ko. Ginaya naman ako ni Peter.

N'ong medyo makalayo kami, bumalik kami doon sa pinanggalingan namin na malapit sa pwesto ng kotse.

Umupo kami r'on sa bato para hindi mabasa 'yong shorts namin habang hawak ang mga sapatos. Isinandal ko 'yong ulo ko sa balikat niya. Ngiting-ngiti ako n'ong ipulupot niya 'yong kamay niyang walang hawak ng sapatos doon sa beywang ko. Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa katawan niya. This one is becoming my favorite thing now.

Pero aaminin ko, hindi pa rin ako gan'ong nasasanay na ganito kami ni Peter— bumibilis pa rin 'yong tibok ng puso ko tuwing nagdidikit kami at parang hindi na ata 'yon magbabago. I love this.

Bigla kong nalungkot n'ong may mapansin ako, "Wala pa tayong picture."

Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya at sinalubong din naman niya ko ng tingin.

"Says who?" nangingiti niyang tanong. "I took you a lot of photos," pagmamalaki niya na sobrang ikinalapad ng ngiti ko.

"Patingin!" excited kong saad.

Kumawala siya sa pagkakahawak sa 'kin at saka kinuha 'yong phone niya sa bulsa ng shorts niya.

Pinakita niya sa 'kin 'yong mga stolen niyang kuha sa 'kin. Hindi ko maiwasang mangilid 'yong mga luha ko dahil sa nakita. Sobrang saya ko habang tinitignan ang mga 'yon.

"You want me to take us a photo?" tanong niya.

Kaagad kong pinunasan 'yong tumulong luha na hindi nakaligtas sa paningin niya. Tinulungan niya kong punasan 'yon.

"Why? What did I do wrong?" nag-aalala niyang tanong na bahagyang ikinatawa ko naman.

"Wala kang nagawang mali," saad ko habang nararamdaman ang pag-iinit pa rin ng mga mata ko. "'Yong mga simpleng bagay na ginagawa mo, sobra mo kong napapasaya."

Niyakap niya ko kaagad at saka ako hinalikan sa ulo. Nang kumawala kami sa yakap ng isa't isa, tumayo na kami. May nakita akong bata sa hindi kalayuan kaya tinawag ko siya.

"Pwede mo ba kaming kuhanan ng picture?" tanong ko sa mababang boses at kaagad namang um-oo 'yong bata.

Ngiting-ngiti niyang inabot 'yong cellphone ni Peter at saka kami pinapwesto sa gilid n'ong mga bato.

"Atras pa po kayo!" sigaw niya sa magalang na tono kaya sumunod naman kami ni Peter.

Natatawa kong inangat 'yong dalawa kong sapatos na hawak ng magkabila kong mga kamay. Inakbayan naman ako ni Peter gamit 'yong kanan niyang kamay at saka ako ginaya— inangat niya rin sa ere 'yong pares ng sapatos niya gamit ang kaliwa niyang kamay. We were all smiles.

Kaagad lumapit sa 'min 'yong bata na ngiting-ngiti. "Bagay na bagay po kayo!"

Sobrang nag-init 'yong mga pisngi ko sa narinig. Nagpasalamat kami n'ong iabot niya na 'yong phone tapos umalis na. May mga kasama siya, pamilya niya siguro. Napangiti ako nang makita silang masaya.

Nag-stay lang kami ni Peter d'on sa may bato. Nag-kwentuhan lang kami tungkol sa mga lugar sa Pilipinas na napuntahan na namin. We were also thinking to visit more places in the country before we go abroad together.

Sobrang saya ko habang nagsa-suggest ako ng destinations sa kaniya at gan'on din siya. May mga hindi siya sinasang-ayunan dahil baka delikado raw kaya nag-isip kami ng iba.

Hindi na namin namalayan 'yong oras. Inabot din kami ng higit dalawang oras sa lugar na 'yon. Gan'on talaga 'no? Hindi na natin napapansin ang oras kapag masaya tayo kasama ang taong importante sa buhay natin. The place also gets more beautiful when we are spending it with a special person or people in our lives.

Umalis na kami r'on at sinuot na ang mga sapatos bago kami sumakay sa kotse. Binuksan niya 'yong speaker at saka ako namili ng kanta.

https://youtu.be/PpRNw3yhJ_A

Hininaan lang niya 'yong volume at saka siya nagsimulang sumabay sa kanta. Sinabayan ko naman siya. Hindi ko maiwasang mapatawa kapag nagkakamali kami ng lyrics.

Nakailang kanta rin kami hanggang sa mapagod na kaming pareho't hindi na sinabayan 'yong mga sumunod pang kanta. Sinara niya na rin 'yong mga bintana dahil unti-unti nang dumidilim ang paligid.

"Nagugutom ka na ba?" malambing niyang tanong.

"Hindi pa naman," sagot ko.

Nag-drive thru na lang kami at bumili ng dalawang burger, dalawang regular fries, at tubig. Sinusubuan ko siya ng fries habang nagmamaneho siya para makakain na rin dahil medyo gutom na raw siya.

Tuwang-tuwa ako sa sarili kong ginagawa. Kumakain din ako habang hinihintay siyang matapos sa pag-nguya.

N'ong matapos kaming kumain, nag-inat-inat ako. Inaantok na ko.

"Take a nap if you're sleepy," he said in a low tone.

Umiling ako bilang sagot.

"Hindi raw dapat natutulog kapag nasa passenger's seat para hindi antukin 'yong nagmamaneho," saad ko habang nakatitig sa labas.

Sobrang ganda ng tanawin. 'Yong mga nadadaanan naming nagtataasang puno, mga bundok, malalawak na taniman, at malilinis na paligid, ang sarap-sarap tignan.

"I'll wake you up when I feel sleepy," pagpupumilit ni Peter.

Nilingon ko siya at saka sinimangutan.

"Baka hindi mo na ko magising kasi nakatulog ka na rin," saad ko na ikinatawa niya.

"Just sleep, please. Take a rest," he smiled when he looked in my direction, giving me an assurance that he's fine.

Hindi na ko nakipagtalo pa dahil unti-unti na kong kinakain ng antok n'on.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil sa pagod. Pagdilat ko na lang ng mga mata, nasa NLEX na kami at pamilyar na sa 'kin ang paligid. Malapit na kami, 'yon ang sure ko.

"Sabi ko sa 'yo gisingin mo ko kapag inantok ka," sermon ko sa mababang boses kay Peter.

Nilingon ko siya sa tabi ko.

"Hindi naman ako inantok," sambit niya. "At saka hininto ko naman 'yong kotse kanina d'on sa may kainan."

Tinignan ko 'yong storage sa harap ko at nakita kong bumili pala siya ng kanin at chicken dahil sa walang lamang lalagyan na nand'on.

"Hindi na kita binilhan dahil sabi mo hindi ka gutom," nag-aalangan niyang saad.

Napangiti ako dahil kitang-kita ko 'yong pag-aalala sa mga mga niya na bakas din naman sa boses niya. "Oo, hindi ko rin 'yon makakain kung binilhan mo ko. Masasayang lang."

Halos dalawang oras na lang ata 'yong naging biyahe namin bago kami nakauwi sa bahay namin sa Quezon City. Kinuha niya lang 'yong remote sa bulsa niya at saka pinindot d'on ang button para bumukas ang gate.

Nang magbukas 'yon, pinasok niya na kaagad sa garahe ang kotse katabi n'ong tatlo pang kotse at isang SUV.

Bababa na sana ako n'ong pigilan niya ko at saka siya bumaba para pagbuksan ako. Tinulungan niya kong bumaba bago ko sinara 'yong pinto sa passenger's seat.

Siya na rin 'yong nagbaba n'ong mga gamit namin. Kinuha ko lang 'yong bag kong isa at saka kami pumunta sa pinto. Hahawakan ko palang sana 'yong doorknob nang magbukas 'yon at saka iniluwa si Nang na ngiting-ngiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top