┊xvi. sixteen : Surprise

Jordyn's POV


Pagkatapos ko kumain ng dinner kagabi, hindi naman kaagad ako nakatulog. Tinawagan ako ni Kairo pero sadyang hindi ko lang siya sinagot. Ni-ring niya ang phone ko, siguro mga tatlong beses pero itinigil din naman niya at nagsend nalang ng message sa akin.


Ngayong araw, wala naman talaga akong plano puntahan. I was just hoping na magpahinga kami ni Kai ngayong araw na kaming dalawa lang tapos walang pupuntahan. But anyways, ganon nga ang ginawa ko. Bumangon na lang ako noong lunch time na at bumaba sa restaurant ng hotel.


I ordered a light meal dahil mag-isa lang naman ako at kakain lang para magkaroon ng laman ang tiyan. Pagkakuha ng waiter sa order ko, may isang lalaki na tumingin sa akin at lakas loob na lumapit sa akin tsaka umupo sa upuan na nasa harap ko. Sininghalan ko naman siya.


"Nice dress," he casually said na para bang matagal na kami magkakilala. Napatingin naman ako sa suot ko. I'm currently wearing a yellow square neck dress na above the knees at mayroong sleeves.


Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya and raised a brow. Ngumisi siya nang nakakaloko, 'yung gugustuhin mo nalang siya biglang sapakin sa mukha. Ganoon.


"Anong kailangan mo? Andaming bakanteng upuan, bakit dyan ka naupo?" Mataray kong tanong sa kanya. He gave me an amused smile, hindi makapaniwala na tinarayan ko siya. Well, deserve naman niya talaga 'yon dahil ano bang kailangan niya?


"Makiki-upo lang. Bakit? Bawal? Mukha namang mag-isa ka lang" Nakakairitang sagot niya sa'kin. Nauubos ang pasensya ko kaya naman ako nalang ang tumayo at lilipat sana ng ibang lamesa nang hawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko iyon tsaka inilipat sa kanya ang tingin ko.


"Bibitawan mo ako o magpapasapak ka sa'kin?" walang ganang tanong ko sa kanya. Gusto ko lang naman kumain, bakit may sira ulo na taong nakikigulo sa buhay ko?


"Sige nga, sapakin mo ako. Ako pa luluhod to make it up to you, Miss" nakakadiring sagot niya kaya pwersahan kong hinatak ang kamay ko sa kanya. "Gago," I whispered bago sabihin sa staff na ideliver nalang sa hotel room ang inorder ko.


I ate my lunch while entertaining myself by listening to some podcasts. I still haven't recorded a content for my next episode but oh well, bakasyon ko naman kaya ayoko gumawa ng matrabahong bagay.


Tumawag si Kai sa akin at sinagot ko naman na 'yon. Hindi ko na sinabi sa kanya yung insidente kanina dahil baka mag-alala lang siya tsaka wala namang nangyari sa akin. Kai mentioned that he's done signing the papers and wished that he's with me right now. Natapos din naman kaagad ang pag-uusap namin nang magpaalam siya dahil may pupuntahan pa siya.


Nagpahinga lang ako saglit at inayos na ang mga gamit ko para mamaya aalis nalang ako sa hotel. The flight is at 6 pm, may dalawang oras pa ako. Naligo nalang ulit ako at nagsuot ng komportableng damit para hindi na masyadong pansinin pa sa iba.


Dumiretso ako sa airport at nakapagboard din naman kaagad. The flight was smooth. Nakarating kaagad ako sa Manila, naramdaman kaagad ang pagbalik ng normal kong araw-araw.


"Babe!"


I was about to book a grab to ride but I heard Kai's voice. Napatingin ako sa likod ko at nakita siya. Alam ko namang may kaunti akong tampo sa kanya but seeing him made me smile. Rupok ko, kairita.


I smiled back at him when I saw him walking towards me. Nang makalapit siya sa akin, nabitawan ko ag maleta ko nang binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.


"I missed you. How's the flight?" he asked before placing a kiss on my forehead. Lumayo naman ako sa kanya at hinila na ulit ang maleta ko. "It was fine. Mabilis lang din," tipid na sagot ko sa kanya na nakikipagsabayan sa lakad ko.


Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Sinalubong naman niya ang tingin ko at nginitian niya ako. "Let's have dinner before I drop you off your dorm" he said.


Pagkaalis ng airport, dumiretso kami sa isang restaurant. He reserved a table for two. Nang makaupo na kami, hindi na namin kinailangan umorder dahil nakaorder na rin si Kai nung nagpareserve siya.


He was sitting in front of me, busy with his phone. I can sense that he'll be two times busier since nakapirma na siya, sa kaniya na nakapangalan yung business ng biological father niya. Kaya naman itinuon ko na lang ang pansin ko sa paligid at sa mga tao na nag-uusap.


"What did you eat for dinner last night? What about your breakfast and your lunch earlier?" Tuloy tuloy na tanong niya kaya naman napalingon ako sa kaniya, only to see him still busy with his phone. Nakikipag-usap sa akin tapos nakatingin sa phone? Ganyanan pala ah?


"Food" Nang-aasar na sagot ko. He turned his gaze on me and raised his brow kaya naman tinaasan ko din siya ng kilay, "What?"


"Of course, you ate food. What food?" Pinapakalma ang sarili niyang tanong at saka ibinalik ang tingin sa phone nya, hinihintay pa din na sumagot ako.


"The one that can be eaten. Yung masarap at nakakabusog" Mas detalyadong sagot ko, pinipigilan ang sarili na tumawa. Konti pa, alam kong maiirita na 'to sa akin but yeah, ayun yung balak ko.


"Thank you for answering my questions properly, babe. Nakakahiya naman na nagsayang ka pa ng laway para lang sagutin yung tanong ko" He sarcastically replied at inirapan ako. Pinigilan ko naman ang sarili ko na tumawa.


Maya maya pa ay dumating din kaagad yung mga pagkain at nagsimula kami na kumain. It took us about 20 minutes to finish everything bago napagdesisyunang umuwi. I'm tired as hell.


When we arrived at my dorm, he didn't enter the room. Nakatayo lang siya sa labas ng pinto ko at tinignan lang ako na dire-diretsong pumasok.


"Come in. Uuwi ka na ba agad?" Tanong ko sa kaniya habang sinisimulan buksan ang maleta ko para ayusin na ulit yung mga gamit ko. "Let's not see each other tomorrrow and just rest. Magrerecord din ako for my next podcast ep"


"Yeah, I'm also gonna rest tomorrow. Dadaan pa ako mamaya sa resto ni Dad to check what's happening in there," he paused to sigh. Pumasok din siya sa dorm ko at umupo sa tabi ko. "Aaralin ko pa kung paano ang process flow ng business at makikipagmeeting pa" he added.


"Don't overwork yourself, okay? Chill ka lang, there are lots of time for you to learn" pagpapaalala ko sa kaniya at tinanguan naman niya ako. Ayaw ko lang na mapressure siya sa mga mangyayari sa kaniya na hindi naman ako makakarelate kaya okay nang napapaalalahanan ko man lang siya.


He helped me fixed my things and wait until I changed into my sleeping wear bago siya magpaalam para umalis na. Sinabi naman niya sa akin na may ipapakilala siya sa akin after class sa Lunes kaya naexcite naman ako na kinabahan. Ilang minuto lang ay nakatulog din ako.


I woke up early to have a productive Sunday. I cleaned my dorm, decluttered things at dumaan sa laundromat para labhan ang mga damit ko dahil wala naman akong washing machine sa dorm.


Nang makauwi, I ate my brunch and read Kai's message saying he just got home and will be having his rest. Nagreply naman ako sa kaniya nang sunod sunod.


To: Babe 💓

'what?! you just got home from last night?'


To: Babe 💓

'alright, have your rest'


To: Babe 💓

'i love you'


Naligo ako at saka napagdesisyunan na magrecord na for podcast. The episode I recorded this time is about falling in love with someone so deeply that it's becoming scary. I had fun recording it since I could say na nararamdaman ko naman siya ngayon. Ramdam ko din yung takot.


Sunday passed so quickly. I'm currently here in the cafeteria to wait for Kairo dahil sabay daw kami kakain pero 15 minutes na akong naghihintay, wala pa din siya.


"Clemente!" Napatingin ako kay Joziah na papalapit sa akin. "Ba't hindi ka pa kumakain? May discussion pa yung klase ni Eugenio. Narinig ko lang diyan sa tabi tabi" dagdag niya.


Bumuntong-hininga naman ako at naglakad para bumili ng pagkain. Hindi man lang nagtext sa akin para nainform ako na hindi naman pala tuloy yung pagkikita namin, hays. Hindi pa kami nagkikita simula nung Sabado.


Naramdaman ko sa likod ko si Joziah pero hindi ko na lang siya pinansin. Humanap ako ng bakanteng lamesa at doon kumain. Tumabi naman din siya sa akin pagka-order niya.


"Stop following me, Palacio. Not now," Banta ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at inumpisahan nang kumain.


"Okay lang na sungitan mo ako habang kumakain basta may kasama ka. Kaysa naman mag-isa ka dito, 'di ba?" Tuloy tuloy na sabi niya nang nakatingin sa akin habang ngumunguya. Inirapan ko naman siya tsaka kumagat sa burger na in-order ko. "Don't flirt with me," maikling sabi ko.


Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya tsaka ngumiti nang hindi makapaniwala sa akin. "Nako, Clemente. As if naman" Umiling siya bago sumimsim sa inumin niya. "Pero hindi ako takot kay Eugenio ah? Hindi lang talaga kita nilalandi," dagdag niya pa.


"Then why do you keep showing up?" I asked, raising a brow on him. "Napakatahimik mo kasi, curious ako kung paano ka makipag-usap sa tao. Tsaka pasalamat ka 'no, edi kapag kailangan ng grupo sa mga sub, alam mo na kung kanino ka unang pupunta" Itinaas-baba niya pa ang kilay sa akin tsaka tumawa. Parang baliw lang.


I spent the 30 minute lunch break with him. Nag-usap lang kami pero mostly, siya lang naman yung panay daldal. Reaksyon lang ambag ko. Sabay na rin kami naglakad papunta sa susunod na klase namin. I took out my phone and sent messages to Kai.


To: Babe 💓

'my lunch break's over. papunta na ako sa next class'


To: Babe 💓

'enjoy your lunch, though. i love you'


Itatago ko na sana ang phone ko pero nagreply kaagad siya kaya tinignan ko kaagad 'yon.


From: Babe 💓

'Aw, already? Sorry, babe. Na-extend yung discussion namin'


From: Babe 💓

'But tuloy tayo mamaya, okay? What time is your dismissal?'


From: Babe 💓

'I'm on my way to the cafeteria. I love you'


I was about to type a reply when I felt Joziah's hand on my arm kaya tinapunan ko 'yon ng tingin. "Bitaw" maikling utos ko at tinignan niya ako. "Ang bagal mo maglakad, tanga. Tara na malalate tayo" Hinila niya ako papasok tuluyan ng room at hindi na ako nakapagreply pa.


Our subject is Feature Writing. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating sa pagsulat ng mga napakahabang piece kaya naman kahit medyo nakakatamad, pinilit ko pa din na makinig at ituon ang buong atensyon ko sa klase. Tumabi sa akin si Joziah pero ayos lang naman dahil kapag klase, tahimik siya at talagang nakikinig.


Mabilis tumakbo ang oras at kaagad natapos ang klase. I stretched my arms out para gisingin ang inaantok kong sarili. Nagpaalam na ako kay Joziah na mauuna na ako dahil magkikita pa nga kami ni Kai.


Hindi agad ako makakatulog dahil may ipapakilala pa daw sa akin si Kairo, panigurado may pupuntahan nanaman kami na pagkalayo-layo. Pagkalabas ko sa room, umupo muna ako sa bench sa may field para magsend ng message kay Kairo.


To: Babe 💓

dismissal ko na. nasa may field ako, hbu?


To: Babe 💓

dapat ba kita hintayin dito?


Habang naghihintay sa reply niya, pinaikot ko muna ang mata ko sa paligid. I saw students coming out from their classrooms, busy talking to their blockmates. Some were busy fixing their things. Nabalik na lang ulit ako sa wisyo nang may tumabi sa akin.


It was Kairo, hindi na siya naka-uniform. He's wearing a mustard colored shirt and denim shorts. "How are you? I missed you" He said while smiling before giving me a drop of his gentle kiss. Hinawi niya pa ang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.


"Saan ka galing? Maaga dismissal n'yo?" Tanong ko at hinahayaan siyang paglaruan ang kamay ko. Kinuha niya din mula sa akin yung bag ko at ipinatong sa hita niya bago ipagpatuloy ang pagpisil sa kamay ko.


"Kaninang 3 pm pa dismissal namin. I went home for a while to change. May dadaanan ka pa ba bago bumalik sa dorm mo?" he asked. Umiling ako kaagad at tumayo. Hinila ko siya para umalis na kami pero hindi siya tumayo.


"Malapit na mag-6 pm. Let's eat dinner first," pag-aaya nya at ganoon na nga ang ginawa namin.


We're currently here in a fast food restaurant dahil iyon ang pinili ko. Balak nanaman kasi ni Kai sana sa fine dining pero nang inaya ko siya sa restaurant nila, ayaw naman niya kaya andito kami ngayon. We both ordered a 2pc chicken meal, burger, fries pati na coke float.


"Babe," he called, causing me to look at him. "I heard your latest podcast episode.. Is that what you're feeling about us? What can I do to help you relieve yourself?" Sunod sunod na tanong niya at kita ko sa mata niya ang pag-aalala.


Nginitian ko siya at hinaplos ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. "Just be there. Be with me and I can get through this phase. Just stay by my side," I answered, umaasa na 'wag sana siya mag-alala nang sobra.


Pinagpatuloy namin ang pag-kain namin saka nagdesisyon na ihatid na niya ako sa dorm. Pero nang nandito na kami sa labas ng building, may naisip nanaman na kalokohan 'to at nilagyan ako ng blindfold.


"Kapag ako nadapa dahil sa kalokohan mo, humanda ka sa'kin ah?" pagbabanta ko sa kaniya nang maramdaman kong alalayan nya ako pababa sa sasakyan niya. "Trust me," he replied.


"Alright, we're in front of your unit. Are you excited?" He whispered into my ear before kissing my cheek. Napangiti naman ako sa ginawa niya at tumango bilang sagot.


Narinig kong binuksan niya ang pinto bago luwagan ang piring na nakasuot sa akin. Abot tainga ang ngiti ko nang nakita ko na may tumakbo papalapit sa amin.


"Surprise, babe! Meet Kaidyn" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top