┊xv. fifteen : Emergency

Jordyn's POV


This is our fourth day here in Cebu. Ilang araw na lang at babalik na kami sa pagiging normal. Gigising araw araw para pumasok sa klase, the usual routine.


Nagising ako dahil tumunog ang phone ni Kai. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at inabot ang phone niya mula sa nightstand. I saw her Mom texted kaya naman ginising ko na din siya. Tinignan ko din ang oras, it's 6:30 am.


"Babe, wake up. Your Mom sent you a message" I tapped him softly on his shoulders. "Huh?" tanong nya, inaantok pa din. I smiled and put a soft kiss on his forehead.


"Get up. Tignan mo yung tinext sa'yo ni Tita Kia. Malapit na din mag-7 kaya bumangon ka na dyan. We still have some places to go" Dire-diretso kong sabi sa kanya at saka tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama.


Nakita ko si Kai na umupo sa kama at tinignan ang phone niya. Dumiretso naman na ako sa banyo para maligo, then I wore the dark green paper bag pants and my black bralette top.


When I got out of the CR, I saw Kairo looking problematic while sitting still on the bed.


"Hey, you good? Ano daw?" bungad ko sa kanya. Tinignan nya ako at nginitian tsaka siya umiling sa akin. "Mom told me that Lola will call me later. Hindi niya nga lang sinabi kung anong oras" tanging sabi niya sa akin.


Nacurious naman ako kung bakit mukha siyang natalo sa tayaan at ganyan ang itsura niya pero hindi na lang din ako nagtanong. He'll tell me naman if importante.


Sinabihan ko siya na maligo na at ginawa naman niya. He wore black shorts and a dark green loose shirt to again match with me. Pinagplanuhan yata talaga namin yung mga isusuot namin. Okay lang naman, para kapag may nawala sa amin mabilis mahanap, 'di ba? Hehe


Nang makapag-ayos na, dumiretso kami sa restaurant ng hotel at doon na lang kumain ng almusal. It took about 30 minutes before we finished our meal.


After we ate, nagbook kami ng private driver since hindi accessible ng ibang sasakyan ang pupuntahan namin. Today, we decided to see the Chocolate Hills at saktong umayon naman ang panahon.


It was a 3 hour drive bago kami nakarating sa destinasyon. Worth it naman ang layo at tagal ng biyahe dahil hindi bibiguin ng Chocolate Hills ang mata at expectation mo. It was beautiful, it's refreshing and calming to stare at it.


Naramdaman ko nalang bigla si Kairo na hinawakan ang kamay ko at tinignan ako na para bang mang-aasar na naman siya. "Ganda 'no? What a sight to see" he commented. Tinignan ko din ang direksyon kung saan siya nakatingin bago sumagot, "I know, right? It's peaceful in here"


"Akala ko nga ikaw na yung pinakamaganda e. May mas maganda pa pala sa'yo" pang-aasar niya. Tumawa lang ako dahil sumasang-ayon naman ako sa kanya. The sight is indeed beautiful, it's enthralling. Masyadong nakakabusog sa mata.


We took pictures and recorded videos for memories. Naisipan din namin na maghire ng ATV para mas malibot pa namin ang paligid. Natakot ako noong una dahil hindi naman ako marunong pero natuto din naman ako nang nag-instruct sa amin.


It was a very enjoyable experience, masyadong masaya na gusto kong hilingin na sana ganito nalang ang routine ko sa araw-araw; Makakasama ko pa si Kairo palagi. It's a win-win


Nagpalipas lang kami ng dalawang oras at sumakay na ulit sa sasakyan para puntahan naman ang Tarsiers Conservation Area. Tatlumpung minuto din ang ginugulo namin sa biyahe bago makarating doon. Madami kaming natutunan tungkol sa endangered na hayop na 'yon kaya natuwa din kami.


We drove through the Bilar Man-Made Forest, took pictures at dumiretso sa Sipatan Twin Hanging Bridge. Inasar-asar pa ako ni Kairo dahil takot nga ako habang naglalakad tapos kinailangan pa namin tumigil sa gitna para sa picture taking.


"Babe! Tantanan mo kasi!! Hahampasin kita kapag nakaalis tayo dito, tignan mo!" sigaw ko sa kanya dahil nasa likod ko siya at nakahawak ang parehong kamay niya sa tulay.


Tumatawa siya para bwisitin ako habang iginagalaw niya ang katawan niya kaya ramdam ko din ang paggalaw ng buong tulay, "Oh galit na yan? Paano yung galit? Kalmahan mo. Yung puso mo" asar pa niya. Bibigwasan ko na 'to


Pagkalipas ng ilang oras, bumalik na kami sa siyudad para kumain dahil lipas na ang kain namin. Kumain kami ng mga ihaw ihaw at sobrang sulit ng bayad dahil busog talaga. Uminom din kami ng tig-isang bote ng beer bago napagdesisyunan na magpahinga sa hotel.


Almost 5 pm na kami nakarating at agad naming isinalampak ang katawan namin sa kama kahit hindi pa nagpapalit ng damit. It was a tiring yet fulfilling day. Napakasaya basta kasama ko si Kairo.


"So, did you have fun today?" tanong niya sakin habang nakapikit, nagpapaantok. I let out a heavy sigh and looked at the ceiling, "I had so much fun that I'm scared.. kasi what if hindi na maulit?" pag-aalala ko.


I turned my gaze to him but I saw that he was already looking at me with worry in his eyes. Para akong tinatanong ng mga mata niya kung bakit. Nginitian ko siya at mas idinikit ang katawan sa kanya para mayakap ko siya.


"It's nothing. I'm just scared of what will happen next. I learned the hard way na bawat kasayahan mayroong kapalit" pagtutuloy ko. "Nakakatakot lang yung thought na baka super lala ng mga sunod na mangyayari"


After I talked, I immediately felt him tighten his hug and then kissed my hair. He didn't say anything at mas mabuti na din na ganoon. Mas okay nang pinakinggan niya lang ako kaysa magsabi ng mga bagay na wala naman kaming kontrol.


We stayed like that for some minutes at nakatulog din ako.


Nagising ako nang hindi ko maramdaman si Kairo sa tabi ko. I turned around and saw him on the balcony. He's talking to someone in his phone at halata sa itsura niya ang pagkairita


I got up from lying down and came a little closer to the balcony para magkaroon ng ideya sa kung ano ang pinag-uusapan nila noong kausap niya at kung bakit mukhang pikon na pikon si Kai.


"Must it really be before tomorrow, lola? I'm currently in Cebu--"


Naputol ang sasabihin niya, siguro dahil mayroong sinabi ang lola niya nga. I observed Kai's facial expression turned from being irritated to being frustrated. Malayo ang tingin niya at parang mayroong iniisip na kung ano pati tuloy ako kinakabahan.


Lumabas ako sa balcony para samahan siya. Nang makita niya ako, he forced to give me a soft smile pero bakas pa din sa mata niya ang pagiging iritado. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa tagiliran


"Hindi na po ba talaga pwedeng imove? Kahit this time lang, please" sagot niya sa kausap. Tumigil siya sa pagsasalita para pakinggan ang kausap sa kabilang linya. Bumuntong hininga siya na parang nagpatalo na lang sa kausap, "Alright. I'll just try to move our flight.. Alright.. Bye"


He kept his phone in his pocket. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinaasan siya ng kilay para tanungin kung mayroon bang problema.


"Let's move our flight tonight" diretsong sabi niya sakin at napansin naman niya siguro ang pagkagulat ko. "My grandma called me. Mayroon daw meeting tungkol sa business, about the transfer of ownership. Dapat daw mapirmahan ko na ang mga papeles before tomorrow" he added.


"Why all of a sudden?" Tanging naitanong ko nalang sa kaniya. Hindi siya kaagad nakasagot kaya bumalik ulit ako sa loob ng hotel. Narinig ko lang siya na bumuntong hininga at sumunod sa akin.


"That's the reason kung bakit tumawag si Mom sakin kanina. To inform me na tatawagan ako ni Lola pero hindi ko alam na pauuwiin niya pala ako para pumirma nang kung ano" Mahinahong pagpapaliwanag niya. "I'll move our flight, okay? Mag-7 pm palang naman, may oras pa--"


"Yung flight mo lang muna yung imove mo. I'll stay here until tomorrow night" pagpuputol ko sa sinasabi niya at humiga ulit sa kama. "Come on, babe. Why is that?" he asked, then stood beside the bed, staring at me.


"May gusto pa akong puntahan bukas. Susunod nalang ako sa Manila. Magkita nalang ulit tayo sa Lunes" mahabang sagot ko sa kanya. Binuksan ko ang phone ko para magscroll doon at iwasan ang tingin niya. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa gilid ng kama.


"Let's go to that place the next time we go here, babe" suhestyon niya pero hindi ko siya sinagot. He rested his hand on my thigh, still looking at me and waiting for my response. "Jordyn.." he called again pero nagfocus lang ako sa phone ko.


Natahimik siya at inalis niya ang pagkapatong ng kamay niya sa hita ko. He tapped something on his phone and got up. Dumiretso siya sa banyo.


Natotoxic-an ako sa kinikilos ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Of course, signing the transfer of ownership is fricking important and I understand that pero bakit naman kasi ngayon? Hindi naman kasalanan ni Kairo pero nagtatampo ako and that's what irritates me.


Pero ayaw ko pa talaga bumalik sa Manila. Gusto kong sulitin ang bakasyon dito sa Cebu kasama siya. Sabihin nang parang isip bata ako na isang araw na lang naman ang iMomove mag-iinarte pa pero pakiramdam ko kasi napakaraming isipin nanaman ang sasalubong sa akin sa puntong nakaapak nanaman ako sa Manila.


Matapos ang labinlimang minuto, lumabas si Kairo sa banyo at nakaayos siya. He's wearing a white button down shirt, the sleeves are folded up until his elbow, the two buttons are unbuttoned and a dark blue smart pants.


Dumiretso siya sa maleta nya at inilagay doon ang mga gamit niya. He fixed everything na para bang desidido talaga siya na mauna pero wala naman akong magagawa, alam ko naman na importante naman talaga ang pupuntahan niya. Nakakatampo lang, ewan ko ba sa sistema ko.


Tumingin siya sa akin pero iniiwas ko din kaagad ang mata ko sa kanya. He walked towards me at umupo sa tabi ko. I can feel him looking at me and waiting for me to talk pero hindi ko ginawa.


"Hey, babe. Let's go home together na" pag-aaya niya pero hindi ko pa din siya pinansin. "Are you really sure na hindi ka sasabay? Mauuna na talaga ako. I can't delay my flight, babe. I'm sorry" he explained calmly kahit ramdam niya ang pag-iwas ko sa kanya.


Umurong siya palapit sa akin para sana halikan ako pero umiwas ako sa kanya kaya naman kinuha niya nalang ang kamay ko at iyon ang nilapatan ng halik.


Nakakapikon ang kinikilos ko pero hindi ko na din alam. Hindi ko din maatim kung paano nagkakaroon ng pasensya sa akin si Kairo. Kasi kung ako siya, ang sarap ko sampalin e.


Ilang minuto lang ang lumipas, nagbook na siya ng sasakyan papunta sa airport. "Babe, be safe on your flight tomorrow, okay? Don't skip meals. I'll call you kapag nakalapag na ako sa Manila pero if you're asleep by then, I'll just leave you a message, okay?" mahabang bilin niya.


After a while, hinila na niya ang maleta niya at binitbit ang duffle bag tsaka dumiretso papalabas sa hotel room then here I am all alone. Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga para ayusin ang sarili nang makarinig ako ng notification mula sa phone ko.


Kairo sent me a message kahit wala pang limang minuto siyang nakakaalis.


From: Babe 💓

'Sorry, babe. Bawi ako. Eat dinner na ah? I love you'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top