┊vi. six : Reasons
Kairo's POV
Habang naglalakad ako papunta sa next class, I kept on thinking about the guy na lumapit kay Jordyn at hinila ang ID nya para malaman ang pangalan nya. It's probably her blockmate dahil hindi naman dadayo si Jordyn sa ibang section and I'm sure of it.
It's alarming me for whatever reason, gusto ko magtanong kay Jordyn pero para saan? I know that it's not my business if ever she met someone else na makakausap nya pero it's clear na naiirita siya doon sa kung sino man yung lalaki na 'yon.
Sinubukan ko nalang kalimutan yung mga naiisip ko at tuluyang pumasok sa classroom para sa next subject which is Economics. The most basic topic for me back when I was a highschool student. Let's see if makikisama pa din sa akin yung utak ko ngayon.
Sana makipagcooperate yung 40% ng utak ko sa lesson, yung 60% ng utak ko kay Jordyn na e
Saktong pagkaupo ko ay pumasok na kaagad ang Prof ko. Since this is our first meeting with him, nagintroduce muna siya at sinabi kung ano ang mga dapat namin iexpect dito sa subject na 'to.
After the introduction, nagsimula na siyang magdiscuss ng kung ano-ano and luckily, my brain is cooperating well kaya nasusundan ko nang maayos ang mga sinasabi ng prof.
Pagkatapos ng discussion binigyan niya kami ng activities for our brain to be refreshed at maalala ang mga pinag-aralan namin nung high school. This subject is lighter than I expected kaya sana magpatuloy hanggang dulo.
Right after the reminders and announcements, our Prof immediately dismissed us. Kaya naman pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko dumiretso kaagad ako sa parking area ng school para sumakay sa sasakyan ko but I texted Jordyn first, 'Text me later when you are home na'
While walking, there's this girl from yesterday, she walked right beside me while holding her bag and books. "Dismissal n'yo na?" she asked na feeling niya close sya sa akin. To be honest, I feel uncomfortable whenever she's talking to me and I don't know why. Nakakairita lang.
"Yeah" I answered quietly at nagtuloy tuloy sa paglalakad. "So, I heard that yesterday you're with that MassCom Student. What's up with the both of you? Are you dating? Second day palang you're with someone na?" nakakairitang pakikiusyoso nya.
I stopped walking and so did her. I stared at her with my blank face and I closed my fist tight before talking, "It's not your business, okay? What if that MassCom student and I are dating and here you are nakikisawsaw sa amin. Isn't that disrespectful? Anong paki mo ba? We're not even close, kinakausap lang kita kasi I don't want you to look pathetic" I frankly said in a not so loud voice and it's obvious that my words affected her but who cares?
I turned my attention to the other students staring at us, "How about all of you? Pati itong pagcoconfront ko sa kanya dahil sa kasalanan nya pag-uusapan nyo? Tss, think about yourself, your grades and your lives bago nyo problemahin yung buhay ng ibang tao" I pronounced.
Maglalakad na sana ako papalayo pero hinila nya ang braso ko at bumulong, "Don't be like this, Eugenio. You'll need me someday pero don't worry hindi kita ipapahiya nang ganito para lang sagutin ka at ang mga tanong mo. So, talk to you soon, I guess?" Then she laughed hysterically.
What the fuck? As if I'll need her someday, and why would she think na kakailanganin ko siya? Baliw ampota.
Malakas na binawi ko ang braso ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan ko.
Nang nakalapit, sumakay agad ako nag drive pauwi. I was alone kaya hindi na din ako kumain pa, inaantok lang naman ko kaya gusto ko na talaga umuwi.
Sana din 6pm na para magdismissal na sila Jordyn para makausap ko na din siya.
Pagkauwi ko ay sinalubong ako ni Mommy, "Oh Kai, you're early today" she said. Nginitian ko naman siya at hinalikan sa pisngi bago sumagot, "Yes, Mom. How about Hiara?" I asked. "Kakauwi niya lang rin kani-kanina. How's college so far?" pag-iiba nya ng topic. "It's fine. Kinakaya pa naman ng utak ko. Thanks to all the advanced teaching" sagot ko at tumawa lang kami.
Inaya ako ni Mom kumain ng meryenda pero sinabihan ko siya na matutulog na lang muna ako dahil nakakapagod. Sa dinner ko na lang sila sasabayang kumain.
Nandito na ako sa kwarto ko at nakapagpalit na ako ng damit. I checked my phone and it's 4:53 pm. Matagal pa bago dismissal nila. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko when I felt its heaviness at nakatulog din naman kaagad ako.
Nagising ako sa pagring ng aking cellphone. What the hell? Nagalarm ba ako? Pilit na bumangon ako para kunin yung phone ko at tiningnan ito, it was Jordyn calling.
I immediately picked the call up and she called my name, "KAIROOO!" maligalig niyang tawag sa aking pangalan. I smiled by myself and lied on my bed while looking up. "Yes babe?" pangaasar ko at natawa naman siya.
"I have chika," she mentioned and I stifled a smile, kinikilig ata ako. Bihira lang ako maging ganto sa isang babae. She's even my fucking wallpaper now and she knows that. We're very comfortable with each other excluding the fact that we just started talking a few days ago.
"Spill the tea babe," I told her and I heard her chuckle before speaking. "So ayon nga kanina diba may lumapit sa akin, yung feeling close na lalaki gago, tapos after class he offered me a ride but I declined kasi what the fuck, who you ba siya?" she paused for a second and I smiled, "Ano sinabi mo para tigilan ka niya?" tanong ko at doon talaga siya nanahimik.
Bakit? Is there a problem ba? Hays, Kairo mali ata natanong mo gago. "Hey?"
"About that, I told him that I have a boyfriend..." I know where this is going kaya di ko na siya pinatapos. "And that boyfriend is me?" sabi ko sa kanya at natahimik naman siya at tumawa lang ako.
I can imagine her red face right now. "Come on babe, don't worry it's okay. I would rather tell everyone that you're my girlfriend than boys wanting to go up your panties—"
"Words, Kai." my heart jumped when he called me by my nickname. It sounded sexier when she called me that, and it attracted me so fucking bad pero ayaw ko pa rin magcommit, it will just break me.
My Mom told me about her wounds. How love crushed her and her heart into millions of pieces. She told me that loving someone and love itself is like laying on the clouds, seeing the world full of colors, everything feels magical and enchanting but she also told me that love is scary, dangerous and risky. Life is all about taking risks and love is part of it, the higher the risk you're jumping on the deeper the cut you will get. But sometimes risking is good, because you should consider two factors of risking, or let's say you either lose or win. Love will mend you but it can also break you into different ways that you never expect.
That's why Mommy told me that when I found out all the pain that love can cause me and I still chose to love, then I'm a fearless person. I'm courageous and daring. But in reality, here I am, scared of risking and loving someone because it's either they hurt me or I hurt them. There's no in between.
"Are you still there?" she asked which cut my thoughts. "Yeah. It's 7:30 pm. Kumain ka na ba ng hapunan? Anong oras ka nakauwi?" tuloy tuloy na tanong ko sa kanya. Narinig ko naman na humikab siya bago sumagot, "Kakatapos ko lang mag dinner. Hmmm, mga 7 na din ako nakauwi, medyo traffic e. Badtrip nga" sagot naman nya.
"When are you getting a dorm, Clemente?" diretsong tanong ko naman sa kanya. "This Saturday, aayusin ko na mga documents. Hindi ko na kaya pang mas tumagal yung araw-araw na pag-cocommute, jusko po," mahabang sagot nya at tumawa naman ako, "Good. Sasamahan kita"
We talked about random things na nangyari sa amin ngayong araw. I love hearing her voice through call kahit na naririnig ko din naman ang boses nya sa personal. Her voice has this calming effect na kapag narinig ko para buong buo na buong buhay ko, hays.
"Kakagising mo lang 'no? Your voice is husky, it's sexier than your normal voice," she randomly started and I had this adrenaline rush then I felt my body getting hot for I don't know reason. "Hmm, so you do find my voice sexy?" tanong ko sa kanya habang may pilyong ngiti sa labi.
"Of course, Eugenio. I won't deny that" she answered with her sensual voice.
Nagtuloy tuloy ang usap namin hanggang sa tinawag na ako ni Mommy para kumain ng hapunan kaya naman pinatay na namin ang tawag pero bago ako bumaba ay nagdm muna ako kay Jordyn, 'Had fun talking to you! I'll talk to you later'
I immediately received a reply from her saying, 'Thank you for letting me hear that husky voice of yours. Eat well, Eugenio <3'
So, cheating like sending a heart is allowed to make the other attached, huh? Noted, Clemente.
Mabilis ako bumaba para sabayan kumain sila Mommy. As usual, we talked about everything that happened sa aming lahat. How we are doing at school and kung may mga nameet na ba kami na tao na tumatak sa amin. Well for me, I do have someone that immediately took a space in my heart.
It is Jordyn but I don't want to tell them about her yet. I'm unsure of all the things that may happen. I still worry about the consequences of the actions or decisions that I might execute. To be honest, duwag na kung duwag pero nakakatakot magrisk. Lalo na't hindi ko naman alam kung ano ang mga pwedeng bawiin at mawala sa akin.
Dad teased me about him noticing how happy I am these days. Sabi nya palagi nya daw ako nakikita na ngumingiti, pati nga daw kapag matutulog ako nakangiti ako. Of course hindi ko naman napapansin yung sarili ko na ganon. My mouth automatically smiles whenever I'm thinking of her and I can't do anything about it.
But those aren't enough reasons for me to risk, get attached and be tricked by those things.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top