Wakas

Dedicated ang 'Wakas' sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyo sa mahabang oras, panahon kasama ang kwentong ito. Finally, tapos na rin.

*****

[ ALIXAIRE DAVERSON FAVILA AVELARZON ]


"M-maligayang ikapitong k-kaarawan sa iyo, Prinsipe A- alixaire!" Nahihiyang ani ng babaeng nasa harap ko. May hawak itong isang kahon na binalot sa mamahaling tela habang hinihintay na abutin ko. Sa halip na tanggapin ito ay tiningnan ko sya ng mataman. Nanginginig ang kanyang dalawang kamay at hindi ako matingnan ng deretso. Batang bersyon ni Tita Vesiana ngunit mahinhin at mahiyain.

"Prinsepe Alixaire, tanggapin mo na. Maawa ka naman kay Ziyah, nangangalay na." Binalingan ko si Tita Vesiana at hindi man lang nagpakita ng emosyon sa biro niya. Binalik ko ang tingin sa anak niya at kinuha ang kahon.

"Kalahating Flaire at Alixid talaga ang ugali." Naiiling na ani ni Tita Vesiana habang inaalalayan ang babaeng anak. Napa-angat ang itaas na labi nang marinig ang pangalan ng aking ina at ama. Hindi na dapat sya magtaka kung kanino ako nagmana at kung bakit ganito ako.

"Prinsipe Alixaireee!" Napalingon kami sa papalapit na pinsan ni Ziyah na si Zeina, anak ni Tito Vance. Kabaligtaran ito ng pinsan, magaslaw at maingay sa kabila ng maamong mukha.

Yumukod ito sa harap ko at inabot ang regalo na tinanggap ko rin dahil hindi sa ayaw ko sa kaniya sadyang naiirita lang ako sa maingay. Akmang lalapit pa ito sa akin ngunit natigil nang may papalapit sa amin. Alam kong may paghanga ang babaeng ito sa akin tulad ng lagi niyang sinasabi kapag lumalapit sa akin ngunit hindi ko lamang pinapansin.

"Alixaire, apo!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ang lolo ko, ama ni Ina na nakangiti sa akin. Ang lolo kong kinatatakutang hari nung nasa trono pa ito. Lumapit ako rito at nagmano.

"Halika na sa Hardin." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Sumunod rin sa amin si Tita Vesiana kasama ang anak niya at ang pamangkin na nag-uusap?

Pagkarating namin ay mataman kong pinagmasdan ang paligid. Sa malawak na hardin ng Palasyo ng Angkan ng Itim na Apoy idinaos ang aking ika-pitong kaarawan. Maraming tao ang narito't upang magdiwang  at muling masilayan ako.

Kanina pa nagsimula ang pagdiriwang ngunit pumasok ako sa palasyo dahil sa hiling ni Tita Vesiana. Nagtataka akong ganun kamahiyain ang anak ay kabaligtaran naman ng ina.

Lahat ng panauhin ay masayang kumakain habang nagkwekwentuhan at nang makita akong papalapit ay nababakasan ang pagkamangha sa kanila. Hindi lang ako, pinagsamang mukha ni ina at ama kundi maging ang kanilang magkaibang kulay na kapangyarihan ay taglay ko. Ngunit ang hindi inaasahan ng lahat ay tataglayin ko rin ang itim na apoy.

Tinatawag nila akong katangi-tangi at makapangyarihang bunga ngunit sa kaharian ng pamilya ng aking ama ay isa akong kasalanan tulad ng aking ina. Minsan ko na silang nakita at nabuo ang galit sa akin nang malaman ang ginawa nila sa aking ina. Kahit sa ilang kaarawan ko ay nais nila akong makita ay ako na ang nagdesisyon na huwag.  Mahal at iniidolo ko ang aking ama ngunit hindi pinamunuan ng pamilya niya. Masama ang tingin nila sa angkan ng itim na apoy at hindi na mababago yun.

Muli akong binati ng karamihan ngunit wala pa rin akong ipinapakitang emosyon. Isang  tingin ang nagpaangat sa akin at  nang masalubong ang matalim na tingin ng katitigan ay nagbaba ako ng tingin at pilit na ngumiti sa lahat.

Muling bumalik ang tingin ko sa kanya at matalim pa rin akong tinitigan nito. Kung hindi lang sya pinigilan ng kasama niya ay patuloy akong kakabahan. Huminga ako ng malalim at muli ay umalis.

Napadpad ako sa malawak na harap ng palasyo. Kwento sa akin ay dito unang nagpakita ang aking ina nang malaman nito ang totoong katauhan. Sa tuwing naalala ko ito ay hindi ko maiwasang mamangha sa aking ina.

Napaatras ako nang may bolang apoy ang muntik nang tumama sa akin. Umangat ang tingin ko at ganun na lamang ang paging alerto ko nung makita ang kanyang ngisi. Sa tabi niya naman ay naroon ang isang taong tahimik na nakatingin lang din sa akin.

Nagpalabas ako ng pulang apoy sa kaliwang kamay at asul na apoy sa kanang kamay at itinira sa pinanggalingan ng apoy kanina. Bago pa ito makalapit sa kanila ay nawala ito nang parang bola at lumipat sa itaas nila at nagpatuloy na puntiryahin sila. Bago pa tumama ang apoy ko ay nawala na sila sa kanilang pwesto at nang maramdaman ko sila sa likod ko ay ganun na lang ang pagkabigla ko nang makita ang malaking bolang apoy. Kung iiwas ako ay mahahagip pa rin ako sa laki nito kaya't ang paraan ay harapin at tapatan ito.

Nagpalabas ako sa dalawang kamay ng tatlong kulay ng apoy at tumama ito sa patungong apoy sa akin. Nagdulot ito ng pagsabog ngunit parehong hindi kami naapektuhan.

"Napakaganda talaga!"

Nangunot ang aking noo at nakita sila lolo, Tita Vesiana, Tito Vance at ang iba pang konseho sa harap ng palasyo. Tuwang-tuwa sila sa nasaksihan at panay ang papuri.

Lumapit sa harapan ko ang dalawang kalaban ko kanina lang at ang isa ay lumuhod sa akin. Ngumiti ito sa akin na nagpangiti rin sa akin.

"Ama..." Yumakap ako rito at ginantihan niya. Tumingala ako at nakasalubong ko ng tingin ang mataman sa aking nakatingin na babae.

"Di ko nagustuhan ang ipinakita mo kanina, Alixaire!" Napayuko ako.

"'Wag mong gayahin ang ama m--Aray!" Palagay ko'y sinamaan nito ng tingin si ama.

"Sorry, ina." Siya ang pinaka-kinatatakutan ko sa lahat.  Mahal na mahal ko ang ina kaya takot ako kapag nagagalit ito sa akin. Lalo na rin dahil sa akin ay muntik na siyang mawala sa amin ni ama.

Ang sabi sa akin ay sumpa ang pagmamahalan ng magkaibang angkan na mula sa magkalabang kaharian. Ang babae ay mamatay kapag nagsilang ito tulad sa nangyari sa aking lola. Ngunit dahil naiiba ang aking ina, at makapangyarihan ang pinagsamang itim at pulang apoy ay nabuhay siya matapos mawalan ng malay sa loob ng tatlong araw mula nang iniluwal niya ako.

Ilalagay na sana siya sa kaniyang magiging himlayan ngunit bigla na lamang bumalik ang kaniyang paghinga. Kwento niya ay isang araw pa lang dapat ay nakabalik na siya ngunit pinasya niyang manatili muna kasama ang kanyang ina, si lola sa kabilang mundo. Mundo kung saan daw tumutungo ang mga kaluluwa ng mga yumaong may taglay na kapangyarihan.

Lumuhod ito at hinintay akong yumakap sa kanya. Humiwalay ako sa ama at niyakap ng mahigpit ang ina.

"Maligayang kaarawan, Alixaire." Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Mahal na mahal ko ang ina na sa puntong kapag ginagalit siya ni ama ay ako ang gumaganti kay ama. Ngunit wala akong laban kay ama kaya sa huli si ina pa rin. Silang dalawa ang nagtuturo sa akin kung paano gamitin ang tinataglay kong apoy at gumamit ng mga sandata.

"May hiling ako sayo, anak. Kaarawan mo pero ako ang may hiling. Gusto ka nang makilala ng pamilya ng ama mo at ang gusto ko ay patawarin mo na rin sila tulad ng ginawa ko." Hindi ako umimik.

"Flaire, hayaan mo muna siya. Naiintindihan ko ang anak natin."

"Hindi, Alixid. Kahit na ganoon ay ayaw kong palakihin si Alixaire na may galit pa rin at ilang sa pamilya mo. Tama na ang ilang taong ipagkait sa kanila ang kanilang kadugo rin."

Inihiwalay ako ni ina sa kanya at seryosong tiningnan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka bahagyang ngumiti. Pinakamagandang babae na nasilayan ko at hindi na mapapalitan pa.

"Sige po, ina."

"Ipagpaumanhin nyo po, Mahal na Reyna at Mahal na Hari, ngunit narito na po sila." Tumango sina ina at ama at bumukas naman ang tarangkahang nasa harap namin. Tumayo ang aking ina at ama. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at sabay naming hinarap ang paparating.

Pitong tao ang nasa harap namin ang papalapit sa pwesto namin. Nang makarating sila ay tahimik lamang ngunit ramdam ang mabigat na awra. Kilala ko silang lahat at ito ang ikalawang beses na masisilayan ko sila. Para sa kanila ito ang una nilang pagkita sa akin.

Nilingon ako ni ina at muli ay yumuko upang tapatan ako.

"Sige na, Alixaire." Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. Tumango ako at hinarap ang pamilya ng aking ama. Lumapit ako rito habang mataman silang tiningnan.

"Magandang araw po sa inyo. Ako po si Alixaire Daverson Favila Abelarzon." Seryosong bati ko at ganun na lamang ang pagkagulat ko nang lumuhod sa harap ko ang lolo at lola na naluluhang hindi inaalis ang tingin sa akin. Niyakap nila ako at ganun na lamang ang pagsaya sa isang bahagi ng kalooban ko. Parang napunan ang kulang.

"Apo ko!" Ramdam ko ang pangungulila nila sa akin na unti unting sumisira at bumubura sa galit ko sa kanila. Bumitaw sila sa pagyakap at mataman akong pinagmasdan.
Lumipat ang tingin ko sa kuya ni Ama at sa asawa nitong bagong Hari at Reyna sa kabilang kaharian. Sa tabi nila ay ang anak na lalaki na seryosong nakatingin sa akin. Ang alam ko ay mas matanda ako rito ng isang taon.

Niyakap din ako ni Tito Acnus at ni Tita Yumina. Nakipagkamay sa nakakabatang pinsan na ang pangalan ay Aiden at tinanguan ang dalawang malapit na kaibigan nila ama at ina. Ilang beses ko na silang nakita at hindi na sila bago sa akin. Lumayo ako at seryosong nagsalita sa kanila.

"Alam ko po ang mga nangyari na naging dahilan para ako mismo ang magdesisyon na hindi magpakita po sa inyo. Mahal ko ang aking ama at lalo na ang aking ina na kahit sino pa ang magkasala sa kanya ay hindi ko mapapalampas. Sa kabila nun, tulad ni ina ay pinapatawad ko na rin po kayo." Yumuko ako at pagkatapos ay muling nag-angat ng tingin.

"Maraming salamat, Alixaire, Flaire."

Tulad ng sabi ni ina, kahit gaano pa kalalim ang galit na nararamdaman sa kanila dahil sa kanilang ginawa ay hindi dapat pinagdadamot ang pagpapatawad para sa kapayapaan ng bawat isa. Isa sa katangian na iniidolo ko kay ina ay ang pagiging mabait niya kahit na ganun ang nangyari sa kaniya ay hindi siya gumanti. Mahal na mahal niya si ama na ayaw niya itong masaktan dahil sa pamilya nito ang nagkasala sa kaniya.

Tumango ako at nilingon sila ama at ina. Nginitian nila ako at saka lumapit sa akin.

"Tuloy kayo sa aming hinandang pagdiriwang sa aming hardin." Paanyaya ng aking ina. Patunay na pagdedeklara ng kapayapaan sa pagitan ng magkalabang kaharian.

Nagsimula kaming lumakad papuntang hardin habang nasa gitna ako ni ama at ina. Nawala ang kaninang mabigat na tensyon na ipinasalamat ko.

"Nga pala, Fl-Mahal na Reyna, ang pamilyang Daverson ay darating rin maya-maya." Tumango si ina sa nagsalitang Zack at saka ngumiti. Maging ang pamilya ni Ina ay nakita ko na rin, nakilala na rin nila ako at naging maayos iyon.

"Iba talaga ang Flaire-Alixid Supremacy, Prinsipe Alixaire, nais kang makilala ng aking munting prinsesa." Manghang ani ni Tito Nathe habang nakatingin sa akin.

"Si Prinsipe Alixaire ay para sa magandang anak ko. Kaya 'wag ka nang maglakas loob,  Nathe Haminez." Tumigil kami sa paglakad nang pumunta sa harap ko si Tita Vesiana.

"Diba Prinsipe Alixaire?" Natigilan ako at tahimik na sinasalubong ang tingin niya. Narinig ko naman ang bungisngis ng aking ina.

"Hintayin nating lumaki si Alixaire at nang malaman natin kung sinong maswerteng babae ang maiibigan niya hahaha." Namula ako sa turan ni ina.

"Pusta ko ang anak ko!" Si Tita Vesiana.

"Ang prinsesa ko!" Si Tito Nathe.

Napatingin kaming lahat kay Tito Zack.

"Nasisiraan na ba kayo? Puro lalaki ang anak ko!"

Napaismid ako. Alam naman ng lahat iyon at mukhang pinagtripan lang nila si Tito Zach. Tinawanan nila ito at mukhang asar na asar naman ang huli.

Nagpatuloy kami sa pagpunta sa hardin na hindi natatapos ang asaran nina Tita Vesiana na tinutulungan ni Tito Nathe para mas asarin pa si Tito Zack na nauwi sa habulan.

"Kung hindi ka lang Reyna, kanina ka pa sumali sa habulan nila." Napatingin ako kay ama at saka binalingan si ina. Nakanguso ito pero halata ang saya sa mga mata.

"Hindi rin naman. Mga isip bata lang talaga sila kahit may mga anak na." Napataas ang isang kilay ni ama wari'y hindi na niniwala kay ina ngunit sinamaan lamang siya ng tingin nito. Napangiti si ama.

"Maraming salamat, Flaire. I love you."

"I love you too, Alixid."

I love you both, Ina at Ama.

Kapag dumating ang oras na sa ganyang edad ako ay hahanapin ko ang babaeng mamahalin ko sunod sa aking ina. At tatanggapin tulad ng ginawa ng aking ama sa nag-iisang Scarlet Princess na ngayo'y isa nang reyna ng kaharian ng angkan ng itim na apoy at ina ng makapangyahirang prinsipe sa buong Fiore, ang nag-iisang lugar na tinitirahan ng nagtataglay ng apoy na kapangyarihan.

-----WAKAS-----

▪︎Magrereply ako sa mga comment nyo.▪︎
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top