Simula🔥
Upang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore ay kailangan nilang sundin ang isang napakahalagang babala;
'Ang huwag saktan ang tinatawag nilang Scarlet Princess.'
*****
Ang Fiore ay isang bayang nakapaloob sa kontinente ng Elementia. Ang kontinente ng Elementia ay nahahati sa apat na bayan; ang Fiore, Wisteria, Terrania at ang Aerra.
Ang bayan ng Fiore ay tirahan ng mga taong may kapangyarihang kontrolin ang apoy. Ang bawat mamamayan dito ay nahahati sa bawat angkang kinabibilangan ayon sa kulay ng apoy na tinataglay. Ngunit sa lahat ng angkan, ang asul ang angat dahil angkan ito ng mga royal blood kung saan nanggagaling ang mga namumuno tulad ng hari at reyna. Sa lahat ng angkan ay ito ang pinakaunti ang nagtataglay kung kaya'y itinuturing silang natatangi. Ang ikalawang angat ay ang angkan ng mga pulang apoy na pinanggagalingan ng mga magagaling na tagapagbantay ng mga royal bloods.
Ang mga Daverson ang pinakamalaking pamilya sa angkan ng pula at pinakakilalang pinanggagalingan ng magagaling na mandirigma at tagapagbantay. Ang pamilyang ito ay halos perpekto at hinahangaan ngunit simula nang magkaisip ang ikatlo sa mga anak ng ika-dalawampu't isang henerasyon ng pamilya ay nagkaroon ng lamat ang imahe ng pamilya dahil lagi itong nasasangkot sa gulo. Ngunit kahit na ganun ay hindi nabawasan ang pagmamahal ng mga nakakatanda para sa batang ito dahil ito ang nagdadala ng saya sa pamilya. Sakit man ng ulo ang tingin ng iba ay hindi pa rin maitatanggi ng nakakataas na ang batang ito ang dahilan ng payapa nilang bayan.
Mula sa bubong ng malaking mansyon ng pamilyang Daverson ay nakatanaw sa malawak na bayan ng Fiore ang dalagang nagngangalang Flaire.
Lagi itong nandito upang pagmasdan ang bayan lalo na ang palasyo na nakatayo mismo sa taas ng burol hindi kalayuan sa bayan. Sa labing pitong taon niya sa mundo ay tatlong beses lamang siya nakatapak dito at ang oras na yun ay maliit pa lamang siya.
Pangarap niyang pumasok sa paaralang nasa loob nito kung saan tinuturuan din ang katulad niyang kailangang maglingkod sa mga Royal Blood o ang angkan na nagtataglay ng asul na apoy.
Ang isa pa niyang nais ay ang makita ang Unang Prinsipe, sikat ang prinsipe sa bayan dahil sa angking kagwapuhan, katalinuhan at kabaitan. Hangad ito ng maraming kababaihan lalo na't dalawampu't isang taon pa lamang ito at isa na siya dun.
Natuwa siya sa iniisip. Gustong gusto na niya talagang pumasok sa palasyo para makita ito. Kaya lang nang maalala ang mga kalokohang ginawa niya ay napasimangot ito at nawalan ng pag-asa. Malabong ipasok siya sa palasyo kung palaging gulo at kapalpakan ang nakabuntot sa kanya. Nagpapasalamat na lang siya at hindi siya tinatakwil ng pamilya niya, pangatlo siya sa limang magkakapatid. Ang dalawa niyang nakakatandang kapatid ay ipinadala na sa tahanan ng Royal Blood sa palasyo bilang personal na tagapagbantay nito. Ang dalawang nakababatang kapatid naman ay naiwan din kasama niya. At sa lima, siya ang pinakasakit sa ulo.
Sanay na siyang napapagalitan ng magulang at nakakatanda pero sadyang lumaki na siyang matigas ang ulo. Pinipilit niya namang magpakabuti pero isang araw lamang ang itinatagal nun at kinabukasan ay balik na naman sa dati.
Napakamot na lamang siya ng ulo sa naisip. "Walang pag-asa hay!"
Tumayo siya at walang ganang tumingin sa bayan. Hanggang bayan lang talaga at sawa na siyang umikot sa kabuuan. Huminto ang kanyang paningin sa tumpok ng mga tao sa kalayuan. Mukhang nagkakasiyahan dahil sa galaw at buka ng bibig nito.
Napangiti siya at akmang tatalon na pababa nang may humila sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Ang kapatid na sumunod sa kanya. Nililipad ang nakalugay nitong pulang buhok na tumatama sa mukha niya.
"Anong problema mo Fheira?" aniya at tinanggal ang kamay ng kapatid. Pinagpagan pa niya ito at tiningnan ng masama ang nakababatang kapatid.
"Tawag ka ni Ama at Ina" sabi nito at nawala na lang bigla. Naiwan siyang nakatulala at nagtatanong.
"May nagawa ba ako?" Napukpok niya ang ulo sa tanong. Sa dami ba naman ng nagawa niya maski ang bilangin sa sampung daliri ay sobra.
'Patay na naman ako' aniya sa isipan habang inaalala ang mga ginagawa. Napangiwi na lamang siya dahil sa ala-ala. 'Masamang-masama'.
Dahan-dahan siyang naglalakad sa malawak na pasilyo ng kanilang tahanan. Sa bawat pader ay may nakasabit na larawan ng buong pamilya na kinabibilangan niya. May mga antigong bagay din ang maayos na nakalagay sa bawat lalagyan nito. Maraming pinto rin siyang nadadaanan pero sa pinakadulong pinto pa ang kwartong hinahanap niya.
Binuksan niya ang pinto at sumilip dito. Mula sa loob nakita niya ang kanyang ama at ina na nakaupo sa mahabang sofa habang seryosong nag-uusap. Natigil lamang ito nang makita siya.
"Pumasok ka" nagulat siya sa tuno ng kanyang ina kaya mabilis siyang pumasok at umupo sa harapang sofa ng magulang.
"Bakit po?" pinilit niyang ngumiti sa harap nito. Hinahanda niya rin ang dalawang kamay sa tagiliran kung sakaling masigawan siya ay may ipapangtakip siya sa tenga. Kahit tagal na niyang nararanasan ay hindi pa rin siya sanay.
"Labing walong kaarawan mo na bukas. At napagpasyahan ng nakakatanda na ipasok ka sa palasyo upang mag-aral at gawin ang proseso."
"Ha!" Weh di nga? Totoo?
Ang prosesong tinutukoy ay ang tatlong buwang pagsasanay ng mga mula sa angkan ng pulang apoy upang maging ganap ng tagapagbantay ng mga Royal Blood. Ang proseso ay ang pag-aaral kasama ang ibang nagmula sa iba't ibang angkan. Ngunit mas mabigat ang pinag-aaralan kesa sa iba dahil lamang ang pagtuturo sa pakikipaglaban.
"Ayaw ko sana kaya lang mas makakabuting nandun ka para tumino ka naman." kahit ganun ang sinabi ng ina ay natuwa lamang siya. Inaasahan niya talagang mag-aalanganin ang magulang na papapuntahin sa palasyo dahil sa ugali pero ngayong nakakatanda na ang nagpasya wala nang magagawa ang mga magulang niya.
Nagdiwang ang buong isip at puso niya sa mangyayari. Makikita na niya sa malapitan ang unang Prinsepe. Sa isip pa lang ay kinikilig na siya pa'no pa kaya kung sa harap na niya.
"Kailangan mong tumino dahil hindi ordinaryong pure blood ang paglilingkuran mo..."
Tumango lamang siya sa sinabi ng ina. At nakatuon pa rin ang isipan sa mga posibleng mangyari kapag nagkita na sila ng unang prinsepe. Nandon na yung magiging sila, kilig, pamamasyal nilang dalawa at maging ang kasal. Ganyan siya ka-advance mag-isip.
"Nagulat kami sa sinabi ng Hari pero ikaw ang napili niya para bantayan ang kanyang anak."
"Anak? Ng Hari?" OMG ang asawa ko. Sadyang biniyayaan talaga ako ng dyosa at ibinigay ako sa prinsepe na matagal ko nang hinahangad. Oh my...
"Kailangan mong mag-aral at matututo para mapangalagaan mo ang mahal na Prinsepe Alixid"
Nahinto ang pagmumuni-muni niya ng marinig ang pangalan ng prinsepe at inulit sa isipan ang narinig. Prinsepe Alixid? Prinsepe Alixid? Hindi Prinsepe Acnus? Oh my gosh! Oh dyosa anong nangyari? Bakit?
"Si Prinsepe Alixid hindi Si Prinsepe Acnus?" Tinaasan lamang siya ng kilay ng ina.
"Ayusin mo na ang mga gamit mo at bukas ay susunduin ka na dito" ani nito at umalis kasama ang asawa. Naiwan siyang natulala at hindi makapaniwala.
"Bakit si Prinsepe Alixid? Ang sungit,sungit,sungit nun. Bakit hindi si Prinsepe Acnus? AYOKO NA!" sa halip na tumungo sa silid ay humiga siya sa sofa at nakakunot noong tiningnan ang kisame.
Pwedi naman si Prinsepe Acnus ah. Saka kapag siya talaga ang babantayan ko ay pangako magpapakabait ako, hindi na ako magiging sakit sa ulo.
Pero...
Kapag ang masungit at sakit sa ulo pinagsama----Goodluck!
***
Scarlet Princess by btgkoorin
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products or imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.
Ang inyong mababasa ay purong kathang-isip lamang at walang katotohanan o hindi nangyayari sa totoong buhay. Ang bawat impormasyon sa loob ng kwento ay tanging gawa-gawa lamang ng aking isipan.
Ito po ang ikatlo kong fantasy story at sana tulad ng pagsuporta sa mga nauna kong kwento ay ganun rin dito. Maraming salamat po.
-btgkoorin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top