Kabanata 9

[FLAIRE]

Naksunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa likurang pinto ng Parte de Azul. Isang mahabang pasilyo ang bumundad sa amin at pumalibot naman ang tingin ko. Malawak ang pasilyo at sa bandang kaliwa ay naroon ang daan na agad rin namin tinahak hanggang sa makarating kami sa pasilyong madadaanan ang malawak at malaking kusina.

Sumilip ako rito at nabungaran ko ang mga abalang mga tagaluto at mga tagapagsilbi ng Parte.

"Isa sa mga dahilan kung bakit ako narito sa Parteng ito ng Palasyo ay dahil sa unang prinsepe." Lumaki yata ang tenga ko sa narinig. Binalingan ko ang nagtutumpukang mga tagapagsilbi na naglilinis ng plato.

Nanliit ang mga mata ko. Pinag-uusapan yata nila ang aking prinsepe. Teka--- si Prinsepe Alixid pala. Pagtingin ko sa unahan ay wala na siya. Bahala siya dyan.

"Napakakisig niya. Nakita ko siya kanina matapos niyang maligo sa ilog. Hindi ko maalis ang tingin sa kanyang kaakit-akit na katawan" nangunot ang noo ko.

"Napakaswerte mo. Sayang man lang ay may ginawa ako kanina"

"Ako rin"

Mga ambisyosa. Pinagpapantasyahan nila ang prinsepe ko. Wala silang karapatang tingnan ang katawan ng aking mahal na prinsepe.

"Bilisan niyo na dyan at nang matapos hindi yung pinag-uusapan niyo ang mahal na prinsepe" nabaling ang tingin ko sa may edad na babaeng masama ang tingin sa nag-uusap kanina lang.

Mabilis na kumilos ang mga ito at nabaling naman ang tingin ng babae sa akin. Ngumiti naman ako.

"Anong ginagawa ng isang Daverson rito?" tanong niya at hindi man lang ngumiti pabalik sa akin. Napanguso ako.

"Napadpad lamang ho ako rito at naengganyo sa mga nakita." Tumango siya at bumaling sa babae na isa sa mga nag-uusap.

"Dalhin mo iyan sa Unang Prinsepe. Nasa Silid Aklatan ito" aniya at itinuro ang tray na may meryenda, isang baso ng kape at mamahaling uri ng tinapay at iba pang klase ng meeyendang pweding kainin gamit ng kamay lamang sa isang mesa.

Kinuha naman ito ng babae na may malaking ngiti sa labi habang ang mga kasama naman niya ay punong-puno ng inggit sa mukha.

"Sandali lamang" napatingin sa akin ang mga nag-uusap pati na rin ang babaeng nag-utos. Sa kanya ang tingin ko kaya nagtatanong niya akong tiningnan.

"Maari ho bang ako na lamang ang maghatid. Balak ko ho rin namang pumunta roon pagkatapos ko rito." Ngumiti pa ako ng malawak sa kanya. Kita ko ang pag-aalanganin sa mukha niya pero tumango lang soya at tumalikod na.

Bumaling ang tingin ko sa babaeng hawak na ang tray at lumapit rito at nakangising kinuha ito. Busangot ang mukha nitong binalingan ako pero inirapan ko lamang siya. Sapat na makita niya ang mahal kong prinsepeng katatapos lang daw maligo at siyempre ay hindi ko na siya papayagan sa sunod na pagkakataon. Amg swerte niya naman masyado!

Umalis ako dun nang may malaking ngisi. Ang isiping pagsisilbihan ko ang unang prinsepe sa ganitong paraan lang ay lubos na ikinasisiya ng aking damdamin. Nananabik na akong makarating agad sa Silid Aklatan upang makita siya at pasalamatan ako sa aking munting pagsisikap na madalhan siya ng meryenda.

Ang isiping yun ay lubos na nakakatuwa pero ang isiping hindi ko naman alam kung saan ang Silid Aklatan ay hindi nakakatuwa.

Hindi pa ako nakakalibot rito dahil sa nagdaang araw ay marami akong ginawa.

Pagliko ko sa isang pasilyo ay may nakasalubong akong isang tagasilbi at agad na tinanong kung saan matatagpuan ang Silid Aklatan na agad niya namang sinagot na pagliko ko sa kaliwang pasilyo ay may makikita raw ako roon ng malaking pinto at nakalagay sa itaas ang pangalan ng silid.

Hindi rin naman ako nabigo. Pero bago ako kumatok ay nilibot ko ang paningin. Malapit pala ito sa bulwagan ng Parte.

Tatlong katok ang ginawa ko at saka pumasok. Bumungad sa akin ang tahimik na silid at malawak na aklatan. Mukhang walang tao pero ang sabi nandito daw ang Mahal na Prinsepe. Saan kaya siya?

"Prinsepe Acnus?" malakas na tawag ko pero makalipas ang isang minuto ay walang sumagot.

Baka nakaalis na siya?

Bigla yata akong nanghina sa naisip. Ngayon na lang nga ako magkakaroon ng oras para makasama ang prinsepeng pinangarap ko na noon pa pero di man lang ako napagbigyan. Hay.

Iniayos ko ang pagbuhat ng tray at tumalikod na. Paghakbang ko ay nakarinig ako ng isang kalabog kaya napalingon ako sa kung saan. Kumunot ang noo ko.

Isang kalabog ulit at tumama ang paningin ko sa isang lalagyanan ng aklat. Lumapit ako rito at sinilip ang pagitan nito at ng pader pero isang salamin lamang ang nakita ko.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin at ngumiti. Ang ganda ko talaga. Kahit na amoy pawis ako. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit kanina pa.

Nanlaki ang mga mata ko ng kumalabog ang salamin. Lumapit ako rito at ganun na lang ulit ang panlalaki ng mga mata ko ng makarinig ng daing. May tao sa likod ng salaming ito.

Hindi ako sigurado pero mukhang sekretong kwarto ang nasa likod ng salaming ito. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin ang kakaibang libro na nakadikit sa pader. Hinawak ko ito at nang dumiin ito na parang pindutan. Nawala ang salamin sa harap ko at bumungad sa akin ang malawak na kwarto at...at ang nakahigang Prinsepe.

Agad akong pumasok at inilagay ang dala ko sa isang mesa at tumakbo papunta sa nakahigang prinsepe.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga galos nito at ang nakapikit niyang mga mata. Hindi maalis ang tingin ko sa mukha niya. Napakagwapo niya. Ang kapal ng kilay, ang tangos ng ilong, namumula ang pisnge, meron siyang manipis na labi, perpektong panga at maputing balat.

Napaatras ako ng magmulat siya? Buhay pa siya? Kahit na pilit kong alisin ang titig sa mga mata niya ay hindi ko magawa at ganun rin siya. Naalis lang yon ng umiwas  siya ng tingin at tumayo. Bumalik ang tingin niya sa akin at ngumiti. Nakita ko tuloy ang pantay niyang mapuputing ngipin.

"Paano mo nalaman kung saan ang kwartong ito?" Hindi pa rin naalis ang ngiti niya sa labi.

"Sinundan ko yung kalabog na narinig ko at saka..." nilingon ko ang tray ng kanyang meryenda at binalik ang tingin sa kanya.

"Hindi ka na sana nag-abala pa. Meron namang tagasilbi para dalhan ako." Aniya at tumalikod. Lumapit siya sa mesa at umupo sa isang upuan.

Tumalikod ako at huminga ng mabigat. Ayaw niya yata akong makita kaya ganun ang sinabi niya. Ang sakit sa dibdib. Parang gusto ko nang umalis pero ayaw ko. Pagkakataon ko na ito, sasayangin ko pa.

Ngumiti ako at inilibot ang tingin sa kwarto. Isa itong Silid Ensayuhan. Nanlaki ang mga mata ko ang makita ang hilerang mga sandata sa isang mesa. At nakuha ng espada na may gintong hawakan ang atensyon ko.

Nakakamangha ang laki at talas nito. Napakaganda sa paningin. Espada ang pinakagusto kong sandata sa lahat kaya bata pa lamang ay marunong na akong humawak nito pero hindi pa ako pinapayagang magkaroon ng sarili bilang parusa sa mga kagagawan ko.

Nahigit ko ang hininga nang maramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Malamang ng nag-eensayo siya kaya my mga kalabog at daing akong narinig kanina. Patunay na rin ang mga pawis at galos niya. Nagsasariling ensayo siya.

"Salamat"

Tumango ako nang hindi siya nililingon. Hindi dahil sa sinabi niya kanina kundi sa pakiramdam na habang malapit kami ay lumalakas ang tibok ng dibdib ko at lumalaki din ang pagkakagusto ko sa kanya.

"Kanina ka pa ba nag-eensayo Mahal na Prinsepe?" sabi ko at lumipat ng pwesto. Tinitingnan bawat espadang madadaanan ng paningin ko.

"Oo" sagot niya. Natahimik naman ako at natigil sa harap ng isang espada na may pulang bato sa hawakan. Kinuha ko ito at hinawakan ang talas pero bago lumapat ang daliri ko ay isang kamay ang pumigil sa kamay ko.

"Masugatan ka" ito na naman po ang kabog ng dibdib ko. Natatameme ako. Binitawan niya ang kamay ko at bumalik sa kaninang pwesto at kinuha ang espadang may gintong hawakan.

"Ang sabi nila'y magaling raw humawak ng espada ang isang Flaire Daverson" tumingin siya sa akin.

"Hinahamon kita sa isang laban. Tinatanggap mo ba?"

***
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top