Kabanata 7

[FLAIRE]


"Kung isumbong ko kaya kayong tatlo? Huh?" Naniningkit ang mga matang pinasadahan ko ng tingin silang tatlo na hindi makatingin sa akin.

Matapos naming bumaba ni Prinsepe Alixid sa isang madilim na parte ng daan sa Farrobina na sya pa lang tagpuan nilang tatlo. Kung hindi ko pa nakita ang prinsepe ay hindi ko malalamang tumakas pala sila ng palasyo.

Alam kong alam nila na may batas ang palasyo na ang estudyante ay hindi papayagang lumabas ng palasyo ng walang importanteng dahilan at makakalabas lamang kapag inaprubahan ng namumuno sa paaralan. At ang mahuhuling tumakas ay makakatanggap ng parusa. Nalaman ko iyan mula sa dalawa kaya masasabi kong napakatigas ng ulo nila para sawayin ang batas.

"Kapag nahuli naman tayo ay damay ka rin" ngumisi ako sa katwiran ni Zack. Napakunot naman ang noo ni Nathe at Prinsepe Alixid sa tinuran ko. Akala ba nila kapag nahuli kami madadamay ako? Hindi noh! May paraan ako.

"Bakit ka ba kasi nandito Flaire?" Sinamaan ko ng tingin si Nathe. Siya lang ba may karapatan pumunta rito? Sa pagkakaalam ko mas kabisado ko ang bayan kesa sa kanya na nakakulong sa Palasyo.

"Dito rin naman ang punta ko. At saka nahuli ko kasi Prinsepe Alixid na tumatakas kaya sinamahan ko na. Trabaho ko rin namang protektahan siya at samahan sa kalokohan niya. Maging kayo rin, kaibigan ko kaya kapag nahuli tayo walang iwanan" ngumisi ako ng malaki at kita ko ang pagngiti ng dalawa at pag-iling naman ng isa. Mga uto-uto!

"Tara na!" Sabi ko at itinaklob sa ulo ang sumbrelo ng dyaket at inilabas ang itim na tela at tinali iyon para matakpan ang bibig pababa. Kilala ako dito kaya kailangan kong maitago ang mukha para hindi makilala.

Pagdaan ko sa tarangkahan ay hindi ko pinansin ang titig ng tagapagbantay at diretso lamang ang lakad upang makihalubilo sa mga nandito. Nilingon ko ang tatlo at nang makitang sumusunod ito ay bumalik ang tingin ko sa harap.

Malawak at maganda ang Farrobina at dahil bago ay patok sa mamamayan. Kung ipagkukumpara ko ito sa Fireland ay naabot din nila ang ganda nito pero wala nang gaganda pa sa Fireland na pagmamay-ari ng mga Avelarzon.

Tumigil ako at inilibot ang paningin. Nang makita ko ang parte kung saan ang piryahan ay agad akong tumungo roon ng may malawak ng ngiti. Ito talaga ang habol ko sa mga pasyalan.

Hindi naman ito ipinagbabawal ng pamahalaan basta sumunod lamang sila sa patakaran. Ang dalawampu't limang porsiyento ng kita ng pasyalan o iba pang establisymento dito sa bayan ng Fiore ay mapupunta sa pamahalaan bilang buwis. At ang buwis na ibinibigay nila ay ginagasta sa buong bayan maging sa palasyo. Hindi rin naman nagkulang ang pamahalaan na ipakita ang daloy ng salapi ng bayan sa lahat ng mamamayan kaya walang problemang nangyayari at pagkukuwestyon sa kaban ng bayan.

Napunta na ako sa kaban ng bayan!

"Saan pal---" hindi ko natuloy ang tanong nang makitang wala na silang tatlo sa likuran ko. Saan na sila?

Sa dami ng tao ay hindi ko sila makita. Ano na naman bang trip nilang tatlo at iniwan nila ako? Kapag hindi ko sila nakita habang hinahanap ko sila ay isusumbong ko talaga sila. Maglalaro na lang muna pala ako malay baka nadyan lang din pala sila sa paligid. Kapag nakilala lang talaga sila bahala sila sa buhay nila.

Lumapit ako sa pwesto na maraming tao at nakisiksik. Narating ko ang unahan sa pamamagitan ng pagsingit at pagbangga sa kanila, may nagalit at nainis pero wala akong pakialam. Nasiko rin naman ako ah.

Lumaki ang ngiti ko na ang pinagkakaguluhan pala nila ang isa sa paborito kong laro dito sa piryahan ang 'Color Box'. Magtataya ka sa kulay na pinili mo at kung ang kulay na tinayaan mo ang lumabas kapag hinagis ang isang maliit na kahon na may pagpipiliing kulay, asul, pula, dilaw at berde ay dodoble ang salapi mo.

Naglabas naman ako ng salapi at hinayaang tumaya ang ibang sumali. Napatingin ako sa tagapagbantay at kitang-kita ko ang paglaki ng ngisi niya na dumama ang tumaya. Halos karamihan ng taya ay nasa kulay na asul at ganun din sa pula, kunti naman sa dilaw at walang tumaya sa berde. May patakaran din ang laro na ito dahil kung saan mo inilagay ang taya mo ay hindi mo na pweding bawiin at ilipat sa ibang kulay at isang kulay lamang ang pwedi mong tayaan.

Inilapag ko ang taya sa kulay na berde. Napatingin sila sa akin at nagkibit balikat lamang ako. Wala namang masama na magtaya ako sa berde. Kinalabit ng tagapagbantay ang tali at nahulog ang kahon. At kung susuwertihin ka nga naman o panalo ako. Kinuha niya ang taya ng mga natalo at binilang ang taya ko. Kita ko ang saglitang paglaki ng mata niya kaya napangisi ako. Ang isang daang halaga ng salapi na itinaya ko ay naging dalawang daan.

Muling nagtayaan ang iba at natawa ako ng mahina nang makitang sa berde na sila nagtaya. Hindi naman nila nakikita ang bibig ko kaya malaya akong tumawa at ngumiti. Inilagay ko ang isang daan sa asul at nagulat ako ng may sumunod ding lumagay dun. Napatingin ako sa tagapagbantay at kita ko ang titig niya sa akin. Gusto ko sanang lugiin siya tulad ng ginagawa ko dati. Kapag nakikita ako ng iba sa piryahan at lalo na sa laro na ito ay nakikisali sila at ginagaya kung saan ako tataya. Ayos lang naman sa akin kasi hindi naman ako lugi yung tagapagbantay lang naman din. Dumadami ang salapi ng mga sumasali dahil sa akin. Hindi naman sa gumagamit ako ng kapangyarihan sadyang nahuhulaan ko lang talaga madalas ang lalabas na kulay at hindi naman iyon mababago ng tagapagbantay dahil sa mga ganitong laro sa piryahan ay ipinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan para maging patas sa lahat.

Nahulog ang kahon at kulay dilaw ang lumabas. Walang nanalo at puro ungol ng pagsisisi ang naririnig ko. Sinadya ko ang ilagay sa asul ang taya ko dahil kailangan ko nang umalis dahil kanina pa ako pinagmamasdan ng tagapagbantay. Kanina pa niya binabantayan ang kilos ko.

"Sana nandito si Flaire at manalo naman ako" napatingin ako sa katabi kong matanda na nanghinayang sa salaping itinaya.

"Sayang lang at pinapasok na sa palasyo" dagdag naman ng isa. Napangisi ako at tumalikod. Hindi na ako lumingon pa at mabilis na nakihalubilo sa mga naroon din.

Napadpad ako sa isang entablado kung saan may naglalaban. Kumunot ang noo ko nang makilala ang naglalaban.

Nandito lang pala silang tatlo. Si Zack at Nathe ang naglalaban sa entablado habang nanonood naman sa kanila si Prinsepe Alixid. Sisingit na sana ako nang mabangga ako ng tumatakbong lalaki. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa rami ng tao.

"Padaan!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kawal ng palasyo na dumaan sa tabi ko.

"Huwag niyo patakasin ang estudyanteng iyon!" nanlamig ako. Hindi nila pweding makita ako, kami at lalo na ang prinsepe.

Aalis na sana ako nang may humila sa akin papunta sa ibang direksyon salungat sa pinuntahan ng mga kawal at nang hinahabol na estudyante.

"Kailangan na nating umalis" nilingon ko si Prinsepe Alixid at tumango. Binilisan namin ang pagtakbo at nang mapadpad kami sa madilim na parte ay naroon na sina Zack at Nathe. Pareho silang nakasakay sa ulap na apoy at suminyas na mauna na. Pagkaalis nila ay nagpalabas si Prinsepe Alixid ng kanyang ulap na apoy at sumakay rito.

"May iba pang mga estudyante ang narito. Halughugin niyo ang paligid"

Dali-dali akong umupo sa apoy na ulap ni Prinsepe Aloxid at humawak sa damit niya. Agad kaming umalis at nang makalayo ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag.

Ang higpit ng Palasyo. Nakakainis. Hindi man lang ako nakapagsaya ng sobra. Amg dami pa namang pweding gawin roon pero dahil sa mga kawal na iyon ay nasira ang araw ko. Ang sarap nilang sunugin. Hindi na ako makakagamit ng kapangyarihan bukas at umiinit talaga ang ulo ko.

"Aray" napabitaw ako sa Prinsepe at siya namang tingin niya sa akin ng masama. Nakurot ko na pala siya dahil sa inis ko.

"Patawad Kamahalan" nahihiyang sambit ko.

***
-btgkoorin

Birthday update haha. Sinakto ko talaga sa araw na ito (07/25/2019) kasi 18 birthday ko ngayon haha.

Wag niyo na lang pansinin. Share ko lang sa inyo haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top