Kabanata 30
Hello! Thank you dahil nakarating kayo sa huling kabanata ng SP. After ng kabanata na ito ay ang Wakas na. ♡
[ALIXID AVELARZON]
"Hindi lang ang ina mo ang nawala dahil sa bawal na pag-iibigan, maging ang ina rin nila Vesiana at Vance Morrel."
Sinalubong ko ang tingin ni Flaire at nanghihinang pilit pinupunasan ang kanyang mga pisnge ngunit tuloy tuloy lamang ang kanyang mga luha na tila'y hindi pa napapagod.
Pilit kong pinapasok sa isip ang nais ng kanyang ama at isa lang ang pilit pinapamukha nito sa akin. Kapag nagpatuloy kami ay mawawala sa akin si Flaire.
Hindi ko kayang maging malakas ngayon dahil kamatayan ang naghihintay kay Flaire dahil sa pagmamahalan namin. Pero mahal na mahal ko si Flaire. Hindi ko alam-mali may paraan pero ayaw ko. Ayaw kong mawalay sa kanya. Siya lang ang gusto ko, ang mamahalin ko.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa magkabila kong mata.
"Mahal na mahal kita, Flaire Daverson!"
"A-alixid..."
"Sobra kitang mahal na wala na akong maisip na paraan para ipagpatuloy yung kakasimula lang nating relasyon."
"Hindi! Hindi ako papayag sa naiisip mo, Alixid!" Bumitaw sya sa akin at nagmamakaawang pakinggan siya. Nasasaktan rin ako pero---pero para sa kaniya kailangan ko 'tong gawin. Kailangan? Tangina hindi ko kaya!
"Kung mahal mong talaga ang anak ko, hindi mo siya pagkakaitan ng karapatang mabuhay pa ng matagal."
"Ama!"
"Ngayon ko lang makakasama ang anak ko at kapag nawala pa siya ay hindi ko alam ang maaaring mangyari sa lugar na ito, sa buong Fiore." Napayuko ako.
"Alixid!" Ramdam ko sa tono ni kuya ang gusto niyang ipahiwatig. Pero paano naman ako?
Kapag pinilit ko ang meron kami ni Flaire, mawawala siya sa akin. Mapapahamak ang pamilya ko, ang kaharian ng Palasyo namin at ang mga nasasakupan namin. Pero kapag pinili ko ang kaligtasan namin, kailangan kong iwan at kalimutan ang pag-ibig ko kay Flaire.
"Ama hindi ako matutulad kay ina!"
"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ako na nasaksihan kung paano kunin sa akin ang pinamamamahal ko. Kung paano sya nawalan ng buhay habang nasa bisig ko. Hindi namin alam pareho ang kahihitnan ng pagmamahalan namin hanggang sa isinilang ka. Kung ayaw mong maramdaman ni Alixid ang naranasan ko, gagawin mo ang tama!"
"Nag-iisa kang anak ko, may responsibilidad ka sa kaharian natin. Ikaw ang papalit sa akin, ang magiging anak mo ang papalit sayo. Gusto mo bang iparanas sa magiging anak mo ang kawalan ng kalinga ng totoong ina, Flaire? Ipagkakait mo rin ba sa anak mo ang ipinagkait sayo?"
Malalim na ang paghugot ng hininga ni Flaire dahil sa pag-iyak at muntikan na syang matumba at mabuti lamang ay nasalo ko.
"Flaire..." Nilingon niya ako. Ang kanyang itsura ngayon ang mas lalong nagpapahina sa akin.
"A-ansama sa'tin ng t-tadhana. N-nagmahal l-lang n-naman tayo a!"
"Mahal kita, Flaire. Hindi na mababago yun. P-para sa iyo, h-huminto na tayo."
Nabigla ako ng mawalan siya ng malay at bumagsak sa akin. Akmang bubuhatin ko siya nang may bumuhat na rito, ang kanyang ama. Seryoso nito akong tiningnan ngunit nakatuon lamang ang tingin ko sa mukha ni Flaire. Ayaw kong alisin rito ang paningin dahil baka ito na yung huli na makikita ko siya ng malapit.
"Kahit ipagpatuloy mo ay hindi kita hahayaan."
Tumalikod ito at nawala na lang bigla. Nakasalubong ko ng tingin si Vesiana Morrel.
"Ang naging misyon ko sa kaharian niyo ay bantayan ang nag-iisang Scarlet Princess." Ani nito saka nawala kasabay ng kanyang kasama. Napatulala naman ako sa kawalan.
"Alixid."
Tumingin ako sa kubong tinuluyan namin kagabi, sa ilalim ng puno kung saan kami kani kanina lang. Iyon na pala ang huli naming pagsasama. Muling pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito at hinarap ang apat.
"Tara na." Malamig na ani ko.
Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa aming dalawa. Matagal ko nang alam ang tungkol sa tinatawag na Scarlet Princess. Matagal ko nang alam ang katauhan ni Flaire. Bata pa lamang ay lagi ko nang naririnig kela ama ang tungkol sa kanya. Kuryuso ako sa kanya pero dahil mahigpit sa akin ilang beses ko lamang siya nakita sa labas ng palasyo. Hanggang sa nagpasyang ipasok siya sa Palasyo.
"Kung patuloy siya sa labas ng Palasyo, magiging delikado ang buong bayan dahil sa mga kinasasangkutan niyang gulo. Panahon na para ipasok siya rito sa Palasyo upang mabantayan ang mga kilos niya." Seryosong pahayag ni ama sa mga tao sa loob ng silid pagpupulong.
"Malaking gulo kapag hindi siya ipapasok rito bago pa niya malaman ang totoo niyang pagkatao." Dagdag ni ina.
Binalingan ko ang parte kung saan nakapwesto ang tumayong magulang ng Scarlet Princess. Nakayuko ang mga ito.
"Iminumungkahi ko, Mahal na hari na gawin siyang tagapagbantay ng bunso nyong anak. Mas malapit sa atin, mas malaki ang tiyansa na hindi gagawa ng ikapapahamak ng kanilang prinsesa ang kalabang kaharian laban sa atin." Hindi ko pinahalata ang pagkagulat at mataman lang na tiningnan ang punong konseho.
"Paumahin, Mahal na Hari ngunit hindi ako papayag sa mungkahi ng Konseho Fagari. Hindi bagay ang apo ko para gawing kalasag laban sa kabilang kaharian. Ang akin ay maging isang ordinaryong estudyante siya rito sa Palasyo."
"Mas mahalaga ang buhay ng nasasakupan at pinamumunuan ng kahariang ito kesa sa isang tulad niya. Itataya mo ba ang kaligtasan ng karamihan dahil sa apo mong magdudulot ng kapahamakan sa oras na kumilos ang kalaban?"
"Pero Mahal na Hari-"
"Sumasang-ayon ako sa mungkahi ng Punong konseho." Tumingin sa akin si ama at muling ibinalik sa mga nasa harap niya. Tahimik ang mga ito at walang nag-apila pa.
Matapos ang pagpupulong ay umalis na ako at tahimik na bumalik sa aking silid. Kakaupo ko pa lamang ay may kumatok na sa aking pinto. Tumayo ako at lumapit. Nagtataka kung sino ang kumatok. Pagbukas ko ay ganun na lamang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang Konseho ng Angkan ng Pulang apoy at sa likod niya ang mag-asawa at ang dalawang anak nito na tagapagbantay ng aking ama at ina.
"Mahal na Prinsipe, nandito ako upang humingi ng pabor sa iyo. Walang alam ang aking apo sa mga bagay tungkol sa kaniyang katauhan kung kaya't hiling ko ay itrato mo siya ng maayos."
Malakas at sunod sunod na katok ang nagpabalik sa aking kamalayan. Bumukas ito at tumambad sa akin ang dalawa. Zack at Nathe.
"Sabi na e, andito siya kaya wala siya sa silid niya." Ani ni Zack kay Nathe.
Tatlong linggo mula nang nangyari iyon, halos magkulong lamang ako sa aking silid o di kaya rito sa katabing silid. Wala na ang mga gamit niya rito at tulad ng sabi sa akin kinuha ito nang oras na napahamak ako.
"Si Flaire?" Ang unang mga salita ang lumabas sa bibig ko pagkagising. Umikot ang paningin ko at tanging sina ama, ina, kuya, Zack, Nathe at ang manggagamot ang narito sa silid ko.
"Siya ang dahilan kung bakit napahamak ka kaya't wala na siya rito sa Palasyo."
Hindi galing sa kaniya ang apoy na tumama sa akin pero pinipilit nilang dahil iyon sa kanya kaya napahamak ako. Dahil prinsesa siya ng angkan ng itim na apoy.
Gusto ko siyang puntahan matapos kong magpahinga mula sa pagkakagising ngunit hindi ako pinayagang sumama kina Zack at Nathe. Nagkulong ako sa kwarto at naghintay na lamang na dumating ang dalawa para magtanong sa kalagayan ni Flaire. Ngunit nung dumating ang mga ito ay hindi magandang balita ang dala. Ang pag-alis ni Flaire.
"Nga pala, Alixid. Bago umalis si Flaire pinapasabi niya na...hindi ka daw niya gusto, patawad."
"Gago! Baliktad!"
"Panira ka rin e. Papaiyakin nga natin si Alixid!"
Nung mga oras na 'yon, nagkaroon ako ng pag-asa. Naghihintay na baka sakali bisitahin niya ako pero alam ko namang hindi siya makakalusot sa higpit ng seguridad. O kaya'y makalabas man lang ako para ako na lang ang pumunta sa kaniya.
"Sulat para sa iyo, galing kay Flaire." Isang araw nang bumisita sa aking silid si Vesiana Morrel. Tinanggap ko ang sulat. Agad naman itong umalis at agad ko ring binuksan ang sulat.
Habang binabasa ay napokus ang atensyon ko sa isang salita, 'ipapakasal'. Ipapakasal si Flaire sa iba at ang kaisipang iyon ang nagpapagalit sa akin. Ginawa ko ang lahat para makatakas sa tulong ng dalawa para makarating sa sinabi niyang tagpuan. Nilabag ko sila ama para lang makita at mapigilan siya.
Ayaw ko siyang makasal sa iba, sa akin lang kahit magkalaban ang angkan namin.
"Anong kailangan nyo?" Mariin kong tanong pero nagulat ako nang seryoso nila akong tiningnan.
"Umamin ka, Alixid!" Napakunot noo ako kay Zack.
"Ginapang mo si Flaire?" Malakas na sabi ni Nathe habang nakaduro sa akin. Mas lalong nangunot ang noo ko sa kanilang dalawa.
"Anong ginapang?" May nangyari sa amin ni Flaire pero hindi ko siya ginapang dahil gusto namin iyong dalawa. Tumayo ako at binatukan sila pareho.
"Aray!" Pareho nilang daing.
"Kung wala na kayong magandang sasabihin, maaari na kayong lumabas!" Sinamaan nila ako ng tingin. Nagtataka na talaga ako sa pinanggagawa nila.
"Ang sama mo sobra! Dapat sayo taguan ng anak!" Napatakip ng bibig si Zack. Nangunot ang noo ko.
"Anong sabi mo?" Tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa at mabilis na pumunta sa pinto pero nahila ko sa damit sa Zack. Hinila siya ni Nathe pero sinipa ko sa tagiliran ito para mabitawan niya si Zack. Sinuntok ko naman si Zack at bumagsak ito.
"Magpaliwanag kayo." Malamig kong turan. Hindi ko alam pero nanlalamig talaga ako. 'Taguan ng anak'? Anak? Nagbunga ang ginawa namin ni Flaire? Mas lalo akong nanlamig.
"Narinig namin ang sinabi ng isang tao mula sa kalabang angkan, hinihingi ang presensya mo sa kabilang kaharian para pakasalan ang anak ng hari, si Flaire. Tinanong ng iyong ama kung bakit, ang sagot nito ay dahil sa hiling ni Hari para sa kaniyang APO! Alixid, APO! Nag-iisang anak si Flaire! Ang apong tinutukoy ay anak ni Flaire!"
Natigilan ako.
"Tumanggi ang ina at ama mo pero nag iwan ng babala ang kalabang hari na magkakaroon ng gulo sa buong bayan ng Fiore kapag hindi ka pumunta sa kaharian nila."
Pero...si Flaire! Mawawala sa akin si Flaire kapag isinilang na niya ang anak namin!
"Alam namin ang mangyayari, Alixid pero nandyan na. Walang ibang paraan, wala. Tanggapin ang kalalabasan para sa anak nyo. Masyadong maaga pero alagaan mo si Flaire hanggang sa...hanggang sa mawala siya, Alixid."
Napayuko ako. Nalilito sa kung anong dapat gawin. Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto at pumasok ang galit kong ama at ina.
Isang suntok ni ama ang nagpatumba sa akin sa sahig. Masakit at ramdam ko ang galit nila sa akin. Sa kinalabasan ng ginawa ko.
"Para sa kaligtasan ng nasasakupan natin, papakasalan mo si Flaire pero hindi ako papayag na tumungtong rito ang babaeng yun at ang anak nyo kahit kailan!" Ani ni ama at umalis.
"Ang pagtapak ni Flaire sa palasyong ito ay isang malaking pagkakamali. Hindi ko akalain na mauulit ang nakaraan at sa iyo pa talagang anak ko. Tumayo ka, Alixid." Malamig na turan ni ina na agad kong sinunod. Nakayuko lamang ako ngunit gamit ang kaniyang mga kamay ay pinagtama niya ang tingin namin.
"Gawin mo ang responsibilidad mo hindi bilang prinsipe kung di bilang magiging ama. Gawin mo ito hindi dahil para sa kaharian natin kundi para sa babaeng mahal mo. Hindi bale't maging masama ang tingin sa amin ng anak mo, 'wag lang sa'yo." Naramdaman ko ang pagbuhos ng luha sa aking mga pisnge. Niyakap ko si ina at tahimik na nagpasalamat.
Ang mga salita ni ina ang naging baon ko nang mamalagi ako sa kaharian ng itim na apoy. Tatlong buwang paghahanda ay ikinasal kami ni Flaire. Buong kaharian ng itim na apoy ang nagdiwang at ni isa wala akong natanggap na pananakit mula sa kanila, maging sa ama niya ngunit hindi ako nito gaanong pinapansin. Ang kapatid ni Vesiana na si Vance ang gusto niya para sa anak. Nagseselos ako pero ang mahalaga ay ako ang gusto ni Flaire, ako ang mahal niya at magkakaanak kami.
Masaya ako para kay Flaire, kung paano siya pahalagahan dito taliwas sa aming kaharian. Isang buwan, tatlong buwan, walong buwan akong laging nasa tabi ni Flaire para alagaan at bantayan siya habang buntis. Ngayong ika-siyam na buwan niya, ang buwan na kanyang panganganak ay narito kami sa kanyang silid kasama ang magpapa-anak sa kanya.
"A-alixid...m-masakit! Aaaahhhh!" Humigpit ang kapit ni Flaire sa akin at ako nama'y panay ang punas ng pawis sa kanyang noo. Nahihirapan siya pero patuloy siya para lamang mailabas ng maayos ang anak namin.
"Malapit na, Mahal na Prinsesa. Lumalabas na ang ulo ng sanggol."
"Aaahhhhh!" Isang malakas na ere ni Flaire ang siyang paglabas ng sanggol at pag-iyak nito. Idinikit ko ang noo sa noo ni Flaire at binigkas ang mga gusto kong sabihin.
"I love you so much, Flaire. Mahal na mahal kita at ang anak natin."
"I love you so much too, Alixid. Alagaan at palakihin mo ang anak natin. Mahal na mahal ko siya."
"Malusog na sanggol na lalaki ang inyong anak, Mahal na Prinsepe at Mahal na Prinsesa."
Hinalikan ko sa labi si Flaire at nagpasalamat. Ganun rin siya pero unti-unti nang pumikit ang kanyang mga mata. Nakangiti pa rin siya hanggang sa tuluyan nang bumitaw ang kamay niya sa aming pagkakahawak. Lumakas ang iyak ng aming anak wari'y alam ang nangyari sa ina.
Nanghihina akong napasandal sa kamang hinihigaan niya at tahimik na lumuluha. Tanggap na niya ngunit ako ay nasa proseso pa rin.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang ama, sina Vesiana at ang kambal nitong si Vance, sina Zack at Nathe na kahapon pa dumating na agad akong pinuntahan sa pwesto ko.
Hindi huminto ang aking anak sa pag-iyak nung kargahin ito ng Hari kung kaya't pinilit ko ang sariling tumayo at lumapit rito. Tahimik lang ang Hari at ibinigay sa akin ang aking anak.
Dahan-dahan, ingat na ingat ko itong dinuyan sa aking mga braso. Tumigil ito sa pag-iyak at tumitig sa akin na akala'y nakikita ako. Tumaas ang gilid ng isang labi wari'y ngumisi at saka pumikit. Muli akong naluha at hinalikan ang anak sa noo.
"Tulad ng hiling ng iyong ina, papangalanan kitang...Alixaire."
*****
-btgkoorin-
Alixid + Flaire = Alixaire
Comment kayo plss. Hindi ako sigurado kung ayos lang ba ang kabanatang ito huhuhu. Ito na ang pinakamahaba kong naisulat sa lahat ng kabanata sana ay magustuhan niyo.🥺
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top