Kabanata 3

[FLAIRE]

"Buhay ka pa ba?"

Sa inis ko ay naibato ko ang suklay sa pinto kahit na nasa labas ang nagsalita. Kanina pa ako naasar dahil paulit-ulit itong nagtatanong kung tapos na ako.

Muli kong tiningnan ang sarili sa malaking salamin. Suot ko ang isa sa mga dala kong pang-okasyong kasuotan. Pulang bestidang abot hanggang paa na gawa sa makintab at mamahaling tela ang napili ko. Puno ito ng mga disenyong burda na may maliliit na dyamante sa ibabang bahagi. Labas ang itaas na bahagi ng dibdib ko at ganun rin ang aking balikat kaya naglagay ako ng dyamanteng kwentas at hikaw. Naglagay din ako ng kolorete at iba pang pampaganda sa mukha. Nakalugay lang rin ang aking buhok. Sa ibaba naman ay suot ko ang puting sandalyas.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nakabusangot na prinsepe. Natigilan ako ng makita ang kasuotan nito. Itim ang kulay ng kanyang tuksedo na pinarisan niya ng pulang panloob. Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha, kahit masungit ay gwapo pa rin.

"Akala ko ay patay ka na kaya hindi ka sumagot."

"May galit ka ba sa akin Kamahalan?" naniningkit ang mga mata ko. Malay ko may galit pala itong Prinsepe na ito sa akin kaya ganyan siya makapagsalita. Kaarawan ko tapos patay ang maririnig ko sa kanya. Walang hiya.

"Tss. Tara na."

Nauna siyang maglakad at sumunod ako. Matapos ang pag-iikot namin sa buong palasyo ay natulugan ako sa kwarto at paggising ko ay malapit na ang hapunan kaya madali ako sa pag-asikaso.

Pagliko namin sa ikatlong pasilyo ay bumungad sa amin ang malawak na silid kainan. Sa itaas na bahagi ay naroon ang eleganteng aranya na nagbibigay liwanag sa silid.

Sa gitna ay ang malawak na mesa na punong puno ng iba't ibang pagkain. Bigla akong nahiya na mukhang kaming dalawa na lamang ang hinihintay kaya paglapit namin ay nagpaumanhin ako.

"Wala iyon iha. Maupo ka." ngumiti ako at tumango sa Mahal na Hari. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

"Salamat po."

Sa katabing upuan ni Prinsepe Alixid ako naupo. Sa tabi niya ang kanyang ina na nakangiti sa akin, sa dulo ay naroon ang Mahal na Hari at sa kabila nitong gilid ay naroon si Prinsepe Acnus. Itim din ang tuxedo nito at asul naman ang panloob. Ang gwapo niya talaga. Kung meron lang talaga akong kamera ay kinuhaan ko na siya.

Bago siya mag-angat ng tingin ay nilihis ko na ang paningin sa kanyang katabi. Nginitian ako ng dalawang inaanyayahan rin. Sina Zack at Nathe.

"Maligayang kaarawan Flaire, iha. Napakaganda mo ngayon at bagay na bagay sa iyo ang iyong kasuotan." lumawak ang ngiti ko sa sinabi ng mahal na reyna.

"Maraming salamat po Mahal na Reyna. Kayo rin po ay napakaganda. At mas lalong umangat ang inyong kagandahan sa inyong kasuotan." natawa ito habang naglalagay sa plato ng pagkain.

Bumaling ako sa Mahal na Hari na nakangiting nakatingin sa asawa.

"Maraming salamat po sa pag-anyaya sa akin. Isa pong karangalan ang makasabay kayo sa hapunan. Hindi ko po inaasahan na makakasalo kayo sa aking kaarawan."

"Walang anuman iha. Magpatuloy na tayo sa pagkain." nakangiti akong tumango ganun din ang iba.

Unang beses itong nangyari sa tanang buhay ko at hindi ko ito malilimutan. Ang makasama sa isang hapagkainan ang Royal Family ay isang pangarap na natupad.

Masyado akong masaya dahil nasa harap ko ang prinsepeng hinahangaan at gusto ko. Nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay napangiti siya at bumati.

"Maligayang kaarawan Flaire." parang musika sa'king tenga ang kanyang boses. Napakagandang pakinggan.

"Maraming salamat po Mahal na Prinsepe."

"Masyadong pormal. Prinsepe Acnus na lamang." naku Mahal kong Prinsepe pormal rin iyon kaya para hindi pormal puwedi bang Mahal na lang wala ng Prinsepe hehe.

Tumango ako ng nakangiti. Kinikilig ako putik. Nginitian ako ni Prinsepe Acnus. Sa gilid nang mga mata ko kita ko ang mga ngiting pang-asar ng dalawa kaya binalingan ko sila. Hindi man lang naalis ang ngiti nila. Minsan ko nang nasabi sa kanila na hinahangaan ko ang Prinsepe.

Inalis ko ang paningin sa kanila at tinuon ang atensyon sa pagkain. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos kami sa pagkain at tanging inuming alak na lang ang iniinom namin.

"Habang hindi ka pa pumapasok sa Palasyo ay ano ang pinagkakaabalahan mong gawin. Kuryoso lamang ako dahil madalas ko marinig ang iyong pangalan sa bayan." napalingon ako sa Mahal na Hari na nasa akin din ang tingin. Napalingon sa akin lahat kaya agad din akong sumagot. Pero bago ako sumagot ay narinig ko ang hagikhik ng dalawa.

"Nakakahiya po pero palagi po akong nasa lugar kung saan may laban. Palagi rin po akong nasasali sa mga laban na nagaganap. Hindi ko po alam kung bakit sikat ang aking pangalan sa mga taga-bayan." nakangiti kong sagot. Tumawa ang dalawa sa huli kong sinabi at napailing sa akin. Hindi naniniwala. Psst.

"Marahil ay bago sa kanilang paningin ang makakita ng babaeng laging nasa labanan sa halip na sa bilihan ng mga kasuotan."

"Siguro nga po haha. Hindi normal sa kanila ang makakita ng babaeng ang hilig ay makipaglaban at nadadawit sa kaguluhan." nahihiya ako sa sinasabi ko. Ayaw ko man ilaglag ang sarili pero gusto ko maging totoo sa kanila.

"Pansin ko, sa lahat ng magkakapatid ay ikaw ang pinakakilala." napangiwi ako at muling bumalik sa pagkakangiti. Oo, pinakakilala ako, pinakakilala sa katigasan ng ulo.

"Sumasangayon po kami Kamahalan" sinamaan ko ng tingin ang dalawa.

"Lagi po kasi akong nasa bayan haha." at kapag nasa bayan ako ay lagi na lang akong nakakagawa ng kapalpakan at nadadawit sa kaguluhan.

"Hindi ba nagagalit ang iyong mga magulang kapag wala ka sa inyong tahanan at lagi kang nasa labas?"

Narinig ko ang sadyang pag-ubo ng dalawa. Alam na alam talaga nila eh no.

"Nagagalit po, madalas." lalo na kapag may kasalanan na naman ako.

"Pero bakit patuloy ka pa rin sa paglabas?"

"Ang mga laban o away na nasasalihan ko po ay itinuturing ko pong ensayo. Marami akong natutunan sa pakikipaglaban kapag iba-iba ang nakakaharap ko sa laban. Maliban sa pakikipaglaban ay marami rin po akong natutunan at nalaman na ibang bagay. Tulad na lamang ng pamumuhay ng iilan. Sa halos araw-araw na paglibot ko ay marami na akong nakaksasalamuhang tao na nakakapagbigay aral sa akin."

"Kahit na po, sakit ng ulo ng pamilya ko ang tingin nila sa akin ay masaya ako sa ginagawa ko dahil natutulungan ko ang sarili sa pag-unlad. Hindi ko po ipagkakaila na lapitin ako ng gulo at hinahabol ako ng kapalpakan. Kahit na madalas akong umuwi sa bahay na maraming galos at sugat ay ayos lamang dahil may bago na namang naidagdag sa aking kaalaman. Dahil hindi ako payagang pumasok sa palasyo at makapag-aral kaya ginagawa kong paaralan ang bayan." ngumiti ako sa kanila at uminom sa aking baso.

"Nakakamangha ka iha. Maitanong ko lang, wala ka bang kasintahan?" muntik ko na maiubo ang ininom ko sa tanong ng Mahal na Reyna buti na lang ay napigilan ko.

"Hindi ba nagagalit ang kasintahan mo kapag nasasaktan ka sa laban?"

"Wala po akong kasintahan, Mahal na Reyna." nahihiya kong sabi. Ramdam ko pa ang titig ng mga Prinsepe lalo na si Prinsepe Acnus. Siya lang naman ang dahilan kung bakit wala akong kasintahan. Siya kasi ang nais ko haha.

"Marami na ang nagtangkang manligaw sa kanya Mahal na reyna pero natatakot lang dahil may pagkasadista." natatawang sabi ni Zack na sinang-ayunan ni Nathe.

"Kasama ba kayo dun?" biglang namula ang dalawa kaya napatawa ako. Savage.

"Hindi po. Kababata namin siya at matalik na kaibigan. Saka po, mukhang may kinahuhumalingan na siya pero hindi namin kilala." namula ako ng tumingin sila sa akin at kumindat. Hindi daw kilala pero inaasar na ako kanina pa.

"Sino kaya ang masuwerting lalaki na napupusuan ng magandang dilag?" tumawa ang Mahal na Reyna sa sinabi ng Mahal na Hari na lalong nagpapula ng mukha ko.

"Masyadong mahaba na ang oras natin sa paghapunan. Gumagabi na rin at kailangan na nating tapusin ang ating gabi sa munting pasasalamat para sa pagkain. Muli ay maligayang kaarawan Flaire iha. "

"Maraming salamat po."

Naunang umalis ang mag-asawa at bago sumunod si Prinsepe Acnus ay bumati ito sa ikalawang ulit at nginitian ako. Tahimik namang umalis si Prinsepe Alixid. Kanina pa siya ganyan pero wala namang kaso iyon.

Bago nagpaalam ang dalawa ay binati nila ako ulit at binigyan ng yakap. Tinawanan pa nila ako nang sumimangot ako. Lagi nila akong niyayakap at gusto nila yung nahihirapan ako sa paghinga.

Mag-isa akong naglalakad sa tahimik na pasilyo habang may ngiti pa rin sa labi. Masyadong nakakasaya ang araw na ito para sa akin. Kung sana ay kasama ko ang pamilya ay mas masaya.

Napahinto ako nang mamataan si Prinsepe Alixid na nakasandal sa pader na tabi ng pintuan ng silid ko. Lumapit ako at nagtatakang tumingin sa kanya.

Nang makita niya ako ay umalis siya sa pagkakasandal at hinarap ako.

"Maligayang kaarawan Scarlet Princess."
Aniya at umalis saka pumasok sa kanyang kwarto.

Natulos ako sa aking kinatatayuan. Binati niya ako. Binati ako ng masungit na Prinsepe.

***
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top