Kabanata 27
[ FLAIRE ]
Hindi maalis ang tingin ko kay Vesiana na nakaupo sa harap habang kumakain sa mahabang mesa. Sa gilid at punong upuan ay ang aking ama habang ako’y nasa kanan niya. Sa tabi ni Vesiana si Vance na tahimik at sa pagkain lamang ang tingin. Hindi nag-aangat ng tingin sa akin si Vesiana at hindi ko alam kung dahil sa prisensya ng aking ama o ayaw niya lang ako kausapin.
“Morrel!” Tawag ko na nagpa-angat ng ulo ng dalawa nang sabay.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at tinaas ang isang kilay nang may mapagtanto.
“Kambal kayo.” Pahayag ko.
“Opo, mahal na prinsesa.” Napangiwi na naman ako sa tawag sa akin ni Vesiana. Sumubo ako at hindi inalis ang tingin kay Vesiana. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang espiya sya. At kung paanong nandito siya sa angkan ng itim na apoy kung lila ang angkan niya.
Binaling ko ang tingin ko kay Vance na tapos nang kumain pero nanatiling nakaupo at nakatingin sa akin. Nagtama ang paningin namin pero una akong umiwas hindi dahil lang inaamin kong attracted ako sa kanya kundi ay may kailangan akong malaman kay Vesiana.
“Kailan mo balak sabihin sa akin kung bakit kayo narito at anong ugnayan niyo sa angkan na ito, Vesiana?” Seryoso kong tanong nang maisip na alam niya rin ang katotohanan sa akin. Hindi ko alam kung pagtapos nito ay ita-trato ko sila ayon sa nararamdaman kong galit o mananatiling mabait.
Muli akong sumubo at naghintay ngunit sa halip na siya ang sumagot ay ang ama ko ang nagsalita.
“Tulad mo’y bunga din sila ng dalawang magkaibang angkan, itim at lila. Si Vesiana ay nagtataglay ng lilang apoy samantalang si Vance ay itim na apoy.” Nasagot ang nabubuong tanong sa isipan ko pero may isa pa, hindi, marami pa. Tinanguan ko ang ama at uminom ng tubig at ibinaling ang atensyon ulit kay Vesiana. Pero bago ako makapagtanong ay nagsalita ulit si ama.
“Pagkatapos mong kumain ay isasabi ko sayong lahat ang dapat mong malaman, Flaire.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Akmang tatayo na sila nang kumuha at naglagay ako ulit ng pagkain sa plato ko. Bumalik sila sa pagkakaupo at napansin ko naman ang pag-iling ni ama at Vesiana. Inikutan ko sila ng mata at nagpatuloy sa pagkain.
“Wala akong hapunan at umagahan.”
Nang matapos na ako ay nauna na akong tumayo. Sumunod si ama at sila Vesiana. Kahit na gusto kong tawagin si ama ay hindi ko kaya, hindi ako sanay at naninibago pa ako. Ang katotohanang ama ko siya ay sobra sobra na.
Bumalik kami sa bulwagan at huminto kami sa gitnang kinalalagyanan ng trono niya. Nag-angat si ama ng tingin na nagpasunod sa akin. Mula sa itaas ay ang napakalaking larawan ni ama at ni ina. Hindi ko ito napansin kanina. Hindi ko maalis ang tingin ko kay ina. Napakaganda niya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam na nangungulila sa tunay kong ina.
“Nagkakilala kami nang sumugod siya rito labing siyam na taon na ang nakakaraan. Galit na galit sya sa angkan namin dahil sa nangyari sa kanyang malapit na kaibigan. Napatay ito ng isa kong alagad sa laban at sa dala ng damdamin ay mag-isa syang sumugod dito at pinatumba ang maraming kawal.”
“Sa halip na magalit sa ginawa niya ay wala akong ginawa kundi ang pagmasdan siya. Sa dami nang nagpapansin sa akin ay sya lang ang kumuha ng atensyon ko. Matapos ang pangyayaring iyon ay naging interesado ako sa katauhan niya at dun ko nalaman na isa siya sa pinakamagaling na tagapagbantay na galing sa angkan ng Pula. Mahusay siya sa paghawak ng kahit anong sandata at magaling magmanipula ng kaniyang apoy na kapangyarihan.”
“Habang nagagalit sya sa angkan ko at sa akin ay kabaligtaran naman ng nararamdaman ko sa kaniya at alam niya iyon.”
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Vesiana at binangga ang balikat ko at saka bumulong.
“Iba talaga ang karisma ng mga babaeng Daverson, Hari at Prinsipe ang nabihag.”
Napalingon sa amin si ama at nangunot ang noo. Umiling ako.
“Nagbago ang nararamdaman niya. Hindi niya inamin pero pumayag siyang magkita kami lagi ng palihim. Patuloy ang gulo sa magkalabang kaharian at kahit ako ang hari ay ang mga konseho ko ang nagdedesisyon. Kumplikado ang nangyari sa aming dalawa dahil itinuturing na pagtataksil sa sariling angkan ang ginawa namin ngunit pinagpatuloy namin hanggang sa malaman naming na buntis siya sa iyo.”
“Mas lalong nagkagulo nang malaman ng lahat ang pagbubuntis niya sa anak namin. Tinanggal siya bilang tagapagbantay sa Palasyo ng Asul at kinulong sa Mansyon niyo. Hindi siya pumayag na ipalaglag ka dahil siguradong maraming buhay ang mawawala kapag naghiganti ako. Tanggap ka ng angkan ko pero ang kalabang mga angkan ay hindi.”
Nilingon ako ni ama pero iniwas ko ang tingin at iniiwasang lumuha. Nasa sinapupunan pa lang ako ay ayaw na pala sa akin ng mga taong pinaglaanan ko ng oras para hangaan.
“Pilit nilang ginigipit si Divina pero tulad ng pagmamahalan namin ay nanindigan siya. Isinilang ka niya at hiniling ang kaligtasan mo. Nang bawian ng buhay si Divina ay nasa tabi niya ako at dun nabuo ang kasunduan at ipinakalat ang babala ko para mapangalagaan ka. Gusto kong ako ang magpalaki sayo pero hindi ako pinayagan ng mga Daverson. Pumayag ako kahit na labag sa loob ko at sa angkan ko.”
Lumipat kami ng larawan at ganun na lang ang gulat ko nang makita ang larawan ko nang maliit pa lang ako. Nakangiti ako sa larawan at habang naglalaro ng apoy sa kamay.
“Kausap kita dyan at tinuruan magpalabas ng apoy. Unang interaksyon natin nang magkaisip ka. Nasubaybayan ko ang paglaki at kapag nasaktan ka ay hindi ko na kailangang mag-utos dahil gagalaw at gagalaw ang angkan ko ayon sa napagkasunduan.”
“Nag-iisa kang anak ko kaya kaunting pagkakamali ng kalabang angkan ay gulo ang kapalit.”
Nagulat ako sa pahayag ni ama. Hindi ko akalaing ganito ako para sa angkan niya. Hindi ko maiwaang umiyak nang pumasok sa isip ko yung mga pinagdaanan ko sa Palasyo ng Asul, yung lugar na pilit kong isinisingit ang sarili pero itong angkan ng itim sobra ang pagpapahalaga sa akin.
Lumapit sa akin si ama at niyakap ako. Tuloy –tuloy ang pagbuhos ng luha ko na agad kong kinukusot. Ipinilupot ko ang mga braso sa bewang niya at ang kanyang kamay naman ay nakaakbay sa akin. Sa ganitong posisyon ay ramdam ko ang kaginhawaan sa kabila ng mga nararanasan ko.
"A-am- hindi mo ba naisip na palitan si i-ina sa nagdaang panahon?" Isang tanong na pumasok lang bigla sa isip ko at lumabas sa bibig ko.
"Hindi. Kahit kailan hindi." Humigpit ang yakap ko at tumango. Mahal niyang talaga ang tunay kong ina.
Nang matapos i-kwento ni ama lahat ay hinatid nila ako sa pagma-may-ari kong kwarto rito sa Palasyo. Ang sabi ni ama ay mula nang ipinanganak ako ay ginawa at inayos ang silid na ito para sakin dahil alam niyang darating ang oras na titira rin ako.
“Ama…” Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ng aking ama sa tawag ko sa kaniya.
“Tulad ng sabi ko kanina bago ako tuluyang mamalagi rito ay dadalawin ko ang ikalawang Prinsipe.” Bigla siyang naging seryoso at pinagmasdan ako.
“Maliban sa gusto mong masigurado na ayos lang siya, Iniibig mo ba si Prinsipe Alixid, Flaire?”Iniwas ko ang tingin sa kaniya at hindi sumagot.
“Papayagan kitang puntuhan siya bukas at tulad ng sabi ko tutulungan ka ni Vesiana. Hindi sa pinipigilan kitang umibig pero ayaw kong malagay ka sa sitwasyong ikaw lang din ang mahihirapan. Bago pa lumalim ay iwasan mo na.” Tahimik lang ako habang sa iba ang paningin.
“Ngayong nandito ka na sa pangangalaga ko, hangga’t maaari ay ilalayo kita sa mga taong makakasakit sayo.” Huling pahayag niya bago umalis at iwan kaming tatlo. Maya maya ay nagpaalam na rin si Vance kaya si Vesiana na lang ang kasama ko sa silid.
“Hindi pa nagsisimula ay gusto na ng ama mong itigil na.” Tinaasan ko siya ng kilay. Ayaw ko isabi ang nasa isip ko ngayon dahil naguguluhan pa ako.
“Hindi man diretsong ipinapahayag ng ama mo ay nais niyang taga rito ang iibigin mo. Ikaw ang sunod na mamumuno rito at base sa kinikilos ng ama mo ay hinahanda niya si Vance bilang mapapangasawa mo.”
*****
-btgkoorin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top