Kabanata 26
[ FLAIRE ]
Matapos ng mga narinig ko kahapon mula kila Ina ay napagdesisyunan kung umalis. Isang bag ang nilagyan ko ng kaunting damit at ibang gamit. Ang mga gamit ko sa Palasyo ay narito na rin kaya wala ng dahilan para bumalik ako doon.
Hindi rin daw natuloy ayon kay ina ang huling pagdiriwang ng Fire Festival dahil sa kalagayan ni Prinsepe Alixid. Sana ay gumising na siya.
Suot ang itim na kasuotan ay isinukbit ko ang bag sa likod at lumabas ng aking silid. Tumambad sa akin ang itinuring kong pamilya. Nagkulong ako magdamag sa kwarto ko pag-alis nila at ngayong umaga lang ako lumabas. Hindi pa rin ako kumakain dahil wala akong gana.
"Flaire..."
Tiningnan ko sila isa-isa mula kay Ina, ama, kuya Francis, ate Fanria hanggang kay Fhaire.
"Babalik ako pero hindi ko pa masabi kung kailan. Maaring buwan o taon. Gusto kong lumayo dahil masyado nang masikip ang lugar na ito para sa akin. Sa dami at bigat ng nalaman ko, hindi ko na alam kung saan ako lulugar."
Pinahid ko ang luhang bumagsak at napalingon sa dumating na sina Zack, Nathe at si Lola.
"Yung pakiramdam na alam ng mga taong nakapalibot sa akin ang tungkol sa akin samantalang ako hindi. Ang sakit. Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang katotohan."
"Mahal ko kayong lahat pero panahon na siguro para makasama ko din yung totoong ama ko."
Ngumiti ako at nagsimulang lumakad paalis.
"M-mag-iingat ka, Flaire." Taliwas sa nais ni ina na manatili ako.
Tumango ako at tinalikuran sila. Bumagsak na naman muli ang mga luha ko at habang naglalakad ay pinupunasan ko ito. Ang alam ko lang ay masyado akong nasasaktan sa mga nalaman ko.
"Flaire..."
Natigil ako sa paglakad at hinarap si Nathe at Zack. Lumapit sila sa akin at niyakap ako. Muling tumulo ang luha ko.
"Sorry, Flaire." Tumango ako.
Sila yung mga naging totoong kaibigan ko mula pagkabata pero siguro ganun nga talaga may mga bagay na ayaw nilang sabihin sa akin para di masira yung samahan namin. Nagpapasalamat lang ako na kahit ganun yung totoong pagkatao ko hindi nila ako itinuring na iba.
"Nung una pa lang na nalaman namin hindi pa rin nagbago yung tingin namin sayo. Ikaw pa rin yung Flaire na matapang, malakas at mabait. Oo nga't ikaw ang Scarlet Princess pero di ka katulad nung sa aklat. Kahit kailan 'di ka naging masama kundi pinapakita mo lang kung sino ka. Kung paano mo protektahan ang sarili mo sa ibang tao. Mahal ka namin, Flaire."
"Mahal ka rin ni Prinsipe Alixid."
Bumitaw ako at sinamaan ng tingin si Zack. Kita nang umiiyak sasabi pa ng ganyan.
"Maayos na ba si Prinsipe Alixid? Nagkamalay na siya?"
"Oo, pero masyadong mahigpit ang bantay sa silid niya at hindi siya pinapayagang lumabas mag-isa. Sasama sana siya sa amin kaso hindi siya pinahintulutan na umalis at tumapak sa mansyon niyo."
Napayuko ako. Simula ng malaman ko ang lahat nagbago ang tingin ko sa Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Plinano nila ng maayos at ngayong dumating ang ganitong pangyayari ay bigla na lang nila akong tatratuhin ng ganito.
"Flaire, pupunta ka talaga sa Palasyo ng angkan ng Itim na apoy? Paano kung mapahamak ka?"
"Bakit mo naman naisip na mapapahamak ako e kaangkan ko rin naman sila. Ang astig diba, dalawa angkan ko."
Ngumiwi silang dalawa sa akin na nagpatawa sa akin. Para akong baliw, kanina'y umiiyak tapos ngayon ay tumatawa.
"Oo, magiging tatlo kapag naging kayo ni Prinsipe Alixid." Singit na naman ni Zack.
"Alam mo bang pagkagising niya ikaw ang una niyang hinanap."
"At alam mo bang ang hirap kiligin kapag nasa harap mo sina Tito at Tita ang ibig kong sabihin, ang Mahal na Hari at Reyna."
"Kahiya ka, Zack." Napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa.
"Hindi ka kinikilig, Flaire sa sinabi kong ikaw ang hinanap niya agad pagkagising niya?" Bubuka na ang bibig ko nang sumingit si Zack.
"Kawawang Alixid, hindi gusto ng gusto niya."
"Pinagsasabi nyong dalawa. Tumigil nga kayo!" Lumungkot ang mukha nila at umiwas ng tingin.
"Lapit kayo, may sasabihin ako."
Nilapit nila ang tenga nila sa akin at ibinulong ko naman ang sasabihin ko. Hindi ko na sila agad pinasalita nang sumakay ako sa ulap na apoy at lumipad paitaas.
"Paalam!"
Nasa mataas na ako na bahagi at pinagmasdan ko ang bayan, ang Palasyo.
Babalik ako.
Hindi ko alam kung saan ang isaktong kinaroroonan ng Palasyo ng Angkan ng Itim na apoy dahil ni minsan hindi ko tinangkang pumunta rito dahil mapapahamak ako.
Isang malawak na kagubatan lang ang nakikita ko pero baka sa dulo yung Palasyo. Tuloy tuloy lang ako at nung nilingon ko ang pinanggalingan ko ay hindi na ito nakikita. Bumalik ang tingin ko sa harap at napahinto ako ng may maramdaman akong kapangyarihan.
Napatingin ako sa baba at isang bolang apoy ang patungo sa pwesto ko. Iniwasan ko ito at gamit ang telang itim ay tinakpan ko ang ilong hanggang baba. Inilugay ko din ang buhok para hindi masyadong makita ang buhok ko. Wala pa akong planong magpakilala dahil may kasalanan pa sila sa akin. Sa ginawa nila kay Prinsipe Alixid.
Dalawang bolang apoy na ang papunta sa pwesto ko na agad kong iniiwasan at bumaba ako sa pagitan ng dalawang lalaking mula sa angkan ng itim na apoy. Sinuntok ko sa mukha ang nasa kanan ko at sipa naman sa sikmura ang ginawa ko sa nasa kaliwa. Bago pa sila makatayo ay binigyan ko sila ng malakas na suntok sa panga na nagpatulog sa kanila.
Aalis na sana ako ng may isang babaeng may espada ang sumugod sa akin. Gamit ang dalawang kamay ay inipit ko ito sa pagitan ng palad ko at pwersang ibinaba at tinadyakan sa tagiliran niya. Nabitawan nya ang espada na agad kong kinuha at itinutok sa leeg niya.
"Dalhin mo ako sa Hari nyo."
"Sino ka ba para utusan ako?" Aniya na nagpangisi sa akin. Mas nilapit ko sa balat niya ang dulo ng espada hanggang sa magdugo ito. Lumitaw sa mga mata niya ang takot at hinayaan ko namang tumayo sya habang nakatutok pa rin sa kanya ang espada niya.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa isang lagusan ang dinaanan namin at bumungad ang napakaraming kawal nila na itinutok ang mga kamay sa akin at handa nang magpakawala ng itim na apoy.
Bago pa makawala ang babae ay nagpalabas ako ng apoy mula sa pwesto ko na lumawak at tinupok ang mga lumalapit na kawal. Muli akong nagpakawala ng apoy nang may magtangkang lumapit sa akin. Yung babaeng bihag ko naman ay tinutupok din ng apoy.
Nagpatuloy ako sa paglakad habang nakapalibot sa akin ang aking pulang-pulang apoy. Pinoprotektahan din ako nito sa mga bolang apoy na papunta sa pwesto ko. Bago ako mawalan ng lakas kailangang makarating ako sa Hari nila.
"Tumigil kayo."
Isang malamig na boses ang nagpatigil sa akin sa paglakad at nang tingnan ko ito ay mariin itong pinagmamasdan ako. Nakasuot siya ng baluti na mas maganda pa kesa sa mga kawal. Maganda ang kanyang pangagatawan, malakas ang dating, mapanganib at higit sa lahat ay gwapo.
"Anong ginagawa mo dito?" Aniya sa malamig na boses pero ang lakas ng dating sa akin. Parang...hindi ako magsasawa kahit marinig ko ulit. Hindi ako nakakaramdam ng takot pero nadadala ako sa boses niya at sa tingin niyang hindi inaalis sa akin.
"Dalhin mo ako sa Hari nyo." Utos ko sa kaniya.
"Anong kailangan mo sa Mahal na Hari?" Nagbago ang awra niya at kunti na lamang ay maglalabas na siya ng apoy. Ngumisi ako na hindi naman niya nakikita.
Iginalaw ko ang kamay na may hawak na espada at itinutok sa kaniya.
"Dadalhin mo ako o papatayin kita?"
Ngumisi siya. Mas lalo siyang gumwapo. Tumigil ka, Flaire! Hindi ito ang oras para lumandi.
Nawala ang ngisi niya at itinaas ang kanang kamay at nagpawala ng apoy na patungo sa akin. Hindi ko ibinaba ang espada at pagtama nito sa espada ay hinigop lamang nito ang lahat ng apoy at umuusok pa pagkatapos. Ibinaba ko ito at tinaasan siya ng kilay.
Mas naging seryoso ang mukha niya. At akmang maglalabas ulit sya pero nawala ako sa pwesto ko gamit ang apoy ko at lumitaw sa tabi niya. Itinutok ko ang espadang umuusok pa sa leeg niya.
"Sino ka?" Tanong niya na nagpangisi sa akin. Hindi ko pa rin tinatanggal ang takip kaya hindi niya nakikita ang ginawa ko.
"Tinatawag nila akong Scarlet Princess." Sagot ko.
Nang may maramdaman akong palapit ay agad ko itong tinira ng bolang apoy. Tinupok ng apoy ito at agad ding nawala ang apoy at tumambad sa akin ang kanina ko pang nais makita.
"Hindi ko inaakalang mas maaga kang pupunta rito kesa sa inaasahan ko."
"Hindi ko rin gusto ang ginawa niyong pakikialam sa laban ko."
Hinayaan kong lumayo sa akin ang lalaking gwapo at napansin ko sa gilid ng mata ang pagyuko nito sa akin. Tinanggal ko ang harang na tela at seryosong tiningnan ang Hari ng Angkan ng Itim na apoy, ang tunay kong ama.
"Ginawa ko 'yon para sa'yo."
"Laban ko iyon at wala kang karapatang manghimasok kahit ikaw pa ang tunay kong ama."
Kinakain ako ngayon ng galit dahil sa ginawa niya. Si Prinsipe Alixid ang napahamak kaya hindi ako matahimik kahit na nalaman kong nagkamalay na ito.
"Sumunod ka." Tumalikod siya at sumunod naman ako.
Sa likod ko ang lalaking hindi ko pa alam ang pangalan. Huminto ako at nilingon siya. Napahinto din siya at nagtaka sa akin ngunit nanatili ang malamig niyang awra.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko na nagpagulat sa kanya. Bakit ang gwapo niya talaga! Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa napakunot-noo ako. Bakit parang may kamukha siya?
"Vance, Mahal na Prinsesa." Tumango ako kahit na naibahan ako, hindi sanay at bago lang tawaging prinsesa na kahit kailan ay hindi ko akalaing na magkakatotoo.
"Tawagin mo akong Flaire." Utos ko na ikinataas ng isang kilay niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay at hinihintay na banggitin ang pangalan ko. Tumingin siya sa harapan namin at saka ibinalik sa akin.
"Pata-" Sinamaan ko siya ng tingin.
"F-flaire." Nginitian ko siya at tinalikuran. Ang ganda pala pakinggan ng pangalan ko sa boses niya.
Nagulat ako nang makitang nakatingin sa akin ang ama ko habang nakangisi. Nang mabawi ko ang gulat ay tinaasan ko siya ng kilay. Nakangisi pa rin siya nang talikuran niya ako at magpatuloy sa paglakad.
Nagpatuloy ako sa paglakad at pinagmasdan ang paligid. Pumasok kami sa malaking tarangkahan at bumungad sa akin ang malaking bulwagan. Sa dulo ay ang dalawang magkabilang hagdan at sa gitna ang eleganting upuan ng hari at reyna.
Huminto siya at hinarap ako. Tumigil ako at nanatili naman si Vance sa likod ko.
"Patawad sa panghihimasok ko."
Natigilan ako.
"Hindi sila tumutupad sa pinag-usapan at saka hindi ang bunsong Avelarzon ang target kundi ang babaeng nanakit sa'yo. Balita ko'y rin ay nagising na ang Prinsipe."
Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang siguro nga kasalanan ko rin ang nangyaring gulo. Dahil simula't sapul nakasalalay sa akin ang kaligtasan nila pero nabibigo ako kasi wala akong alam at hindi ko maiwasan.
"Alisin nyo na ang kasunduan niyo sa kanila." Nakita ko ang pagtataka sa kaniya kaya agad kong nagsalita.
"Mamamalagi ako dito." Pahayag ko.
"Pumunta ako dito para sabihin yun at bago ako tuluyang mamalagi dito ay pupunta ako ng Palasyo ng angkan ng asul na apoy para dalawin ang ikalawang Prinsipe."
"Hindi ako pumapayag na bumalik ka dun."
"Hindi mo mababago ang isip ko." Matigas na pahayag ko.
"Kung ganun ay hayaan mong tulungan kang makapasok ng mata ko sa Palasyo nila." Naningkit ang mga mata ko sa kanya. May espiya siya sa loob ng Palasyo at sino naman kaya iyon.
"Nandito na po ako, Mahal na Hari."
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses. Nang magtagpo ang paningin namin ay nagulat rin siya pero agad ding nawala at ngumiti sa akin.
"Maligayang pagdating sa kaharian ng angkan ng itim na apoy, Mahal na Prinsesa."
"Vesiana..." Banggit ko sa pangalan niya.
*****
Ang kabanata na ito ay dedicated sa inyong lahat at sa 2 years naming naging adviser nung shs pa lang ako.
Thank you sa paghihintay.♡
Btw, Bitin? :>
-btgkoorin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top