Kabanata 25

This chapter is dedicated to my friend,  PrettyBora7
Happy Birthday again Be!♡

[ FLAIRE ]


"Flaire..."

Isang boses ang narinig ko at napunta ako sa tuktok ng isang talampas. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tumambad sa aking paningin ang isang babae na nakasuot ng pulang bestida. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Hindi rin pamilyar sa akin ang boses kaya wala akong hinuha kung sino siya.

Kahit nagtataka kung paano ako napunta rito ay lumapit ako sa kanya. Humarap siya sa akin at naglahad ng kamay. Natulala ako. Magkamukha kami.

May nagtutulak sa akin na iabot ang kamay ko na ginawa ko. Nang magtapat kami ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Napakaganda ng Fiore, hindi ba."

Binalingan ko ang kanina pang pinagmamasdan niya at ganun na lang ang pagkamangha ko sa nakitang tanawin. Mula sa pwesto namin kitang kita ang malawak na Fiore at sa kalayuan ang bayan nito at ang Palasyo. Sa lawak ng Fiore hindi makita mula rito ang hangganan na naghihiwalay sa kabilang lugar o ang tirahan ng tulad namin ngunit ibang elemento ang tinataglay.

"Masigla at payapa naman ang bayan. Sa kagustuhang mapanatili ang ganyang kaayusan ay maraming katotohanan ang itinatago at pinagtatakpan. Ang bawat angkan ay may sariling nais para sa bayan at sa kanilang kapakanan."

"Labing walong taon na ang nakakalipas mula nang makamit ng Fiore ang kapayapaang tinatamasa nito dahil sa isang dahilan."

"Magulo ba ang Fiore labing walong taong nakakaraan?" Tanong ko.

"Oo dahil sa alitan sa pagitan ng kaharian ng angkan ng itim na apoy at kaharian ng angkan ng asul na apoy. Kahit mag-isa lang ang angkan ng itim na apoy ay kaya nitong tapatan ang limang angkan sa ilalim ng pamamahala ng angkan ng mga asul. Mas lumala ang nangyaring gulo dahil sa isang pangyayari."

"Anong nangyari?"

Binaling niya sa akin ang paningin at ngumiti.

"Tungkol sa isang dahilan na tinutukoy ko kanina, isang tao ito at ikaw iyon, Flaire."

Natigilan ako at akmang magtatanong ulit nang maglaho siya.

"Sino ka..."

Presensya ng mga taong nakapalibot sa akin ang nagpamulat at nagpabangon sa akin.

"Flaire, mabuti at gising ka na."

Binalingan ko si Ina at nilibot ang paningin sa paligid. Natigilan ako ng biglang pumasok sa isip ko ang laban namin nila Prinsipe Alixid.

"Si Prinsipe Alixid?" Agad na tanong ko nang maalala ang itim na bolang apoy na bumagsak sa kanya. Akmang babangon na ako ng pigilan ako ni Ina.

"Anong nangyari kay Prinsipe Alixid? Kailangan ko siyang makita."

"Huminahon ka, Flaire. Nandito ka sa silid mo sa ating mansyon at wala ka sa Palasyo. Dinala ka namin dito matapos ang nangyari kahapon." Natigilan ako at nagtatakang tiningnan sya.

"Pupunta ako ng Palasyo."

Akmang tatayo na ako nang mapansin ang mga galos ko sa katawan. Nakabenda rin ang isa kong braso.

"Hindi ka makakapasok ng Palasyo, Flaire. Pinagbawalan ka ng Mahal na Hari."

"Ha?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari 'yon sa Mahal na Prinsipe. Nasa 'yo ang sisi ng lahat kaya hindi ka pweding bumalik doon ngayon para sa kaligtasan mo."

"Papaanong ako?"

Naguguluhan na ako sa nangyayari. Nagkatinginan sina ama at ina, nagdadalawang isip kung sasabihin sa akin. Nabaling ang atensyon namin nang bumukas ang pinto at pumasok si lola.

"Flaire, apo."

"Lola, ano po ba talaga ang nangyayari? Malala po ba ang kalagayan ni Prinsipe Alixid?"

"Iha, ikinalulungkot ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay ang Mahal na Prinsipe."

Natigilan ako at nag-umpisang lumuha.  Teka- itim na apoy. Ang mga taga angkan ng itim na apoy ang may gawa nun.

"Iha, ikaw ang dahilan kung bakit may nangyaring ganun. Lubha kang nasaktan sa paligsahan kung kaya ang itim na bolang apoy ay para sa kasama ng Prinsipe ngunit iniligtas niya ito. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kita ng pasalihin kasi kahit na may sulat ay babalewalain nila 'yon."

"Anong kaugnayan ko sa angkan ng itim na apoy?" Tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa lola ko.

"Bakit hindi ako pweding masaktan?"

"Dahil ikaw ang Scarlet Princess."

"Hindi ko kayo maintindihan."

"Flaire..." Nilingon ko si ina na lumuluha. Si ama na nasa tabi niya ay hindi makatingin.

"H-hindi kami ang tunay mong mga m-magulang." Sambit ni ina. Gusto kong magsalita pero ayaw gumalaw ng bibig ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako pero bakit ganyan ang ipinapakita nila sa akin. Bakit pakiramdam ko totoo.

"Ang tunay mong ina ay ang kapatid ng ama mo, si Divina Daverson at..."

"Ang sabi mo sa akin ina ay walang kapatid si ama kaya paano?"

"P-para pagtakpan ang ginawang kasalanan ni Divina kailangang kalimutan na n-nabuhay siya mula nang mamatay siya pagkapanganak sayo." Muling bumagsak ang mga luha niya at inalo siya ni ama. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya maging kay ama. Naiiyak ako sa mga nalaman ko.

"Anong kasalanan ni---niya?"

"Kahit kailan hindi naging kasalanan ang magmahal pero ang mahalin ang kalabang angkan at magka-anak ay kasalanan para sa nakakataas. Flaire, bunga ka ng kasalanan, pagtataksil ngunit totoong pagmamahalan. Kaya tinawag kang Scarlet Princess bilang simbolo ng pinagmulan mo."

Simula nang mapansin kung may itinatago sila sa akin ay gustong gusto ko na itong malaman at ngayong sinasabi na sa akin ay parang ayaw ko na lang makinig. Wala na talagang mas sasakit na marinig kundi ang katotohanan. Sa labing walong taon ko sa mundo ngayon ko lang nalaman ang totoo sa pagkatao ko.

"Sino ang tunay kong ama? Buhay pa ba siya?" Kahit lumuluha ay ngumiti ako, nagbabakasakali na kahit ang tunay kong ama ay buhay pa. Pinagkaitan akong makilala ang tunay kong ina at sana sa ama ay hindi. Gusto ko siyang makilala, makasama, mayakap at umiyak sa bisig niya.

"A-ang tunay mong ama ay si Draven Favilla (Fa-vi-la)."

Natigilan ako. Draven?

"Isa kang Prinsesa, Flaire dahil anak ka ni Draven. Anak ka ng hari ng kalabang angkan, ang angkan ng itim na apoy."

"Nagbibiro ka lang diba ina haha." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Nilingon ko si Lola at nagtatanong na tiningnan siya. Umaasang hindi totoo ang sinabi ni ina ngunit umiling ito.

"Dahil sa pagkamatay ni Divina hindi pumayag ang pamilya natin na ibigay ka kay Draven kaya nasa pangangalaga ka namin. Dahil doon nagkaroon ng kasunduan at binalaan kami ni Draven na hindi ka pweding masaktan dahil guguluhin niya ang buong Fiore. Para sa kaligtasan ng lahat, iningatan ka namin kahit na minsan ay hindi talagang maiwasang masaktan ka dahil tulad ng iyong tunay na ina ay mahilig kayo pareho sa labanan. Hindi mo napapansin pero ikaw ang dahilan kung bakit may inaataki ang mga taga angkan ng itim na apoy sa bayan. May nasasaktan kaya't mas lagi ka naming pinaalalahanan."

Kaya pala. Ngayon alam ko na kung bakit, bakit ganito ang lahat sa akin. Siguro ako lang talagang walang alam sa pagkatao ko kaya nagtataka ako sa kilos nila sa akin.

Grabing buhay na 'to. Akala ko dati ay isa lamang akong ordinaryong Daverson tapos malalaman ko isa pala akong prinsesa. Prinsesa ng kalabang angkan. Masakit marinig at tanggapin.

"Flaire, apo..."

Nilingon ko si Lola. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya o hindi. At palagay ko ay may dapat pa nga akong malaman.

"Para mas maiwasan na masaktan ka ay pinasok ka namin sa Palasyo at utos ng Mahal na Hari na gawin kang tagapagbantay ni Prinsepe Alixid upang mas mabantayan ang mga kilos mo na sinang-ayunan naming mga konseho." Napayuko si lola at muntik na matumba pero nasalo siya ni ama.

"Akala ay iyon na ang pinakamagandang desisyon ngunit ang napahamak na ay ang Mahal na Prinsepe kung kaya't inilayo ka sa kanya. Para sa kaligtasan ng Mahal na Prinsepe hindi ka na papayagang makalapit ulit sa Palasyo."

Mas nanghina ako sa narinig. Pilit kong iniintindi lahat ng sinabi sa akin. Hinayaan na ang mga matang lumuha sa katotohanan.

Para akong isang bagay na ginamit panangga at kapag natapos ay itatapon na lamang.

"Patawad, Flaire kung ngayon lang namin sinabi ang mga bagay na ito."

"Kung hindi siguro nangyari ang nangyari kay Prinsepe Alixid malamang ay habang buhay niyong itatago sa akin ang pagkatao ko."

"Hindi sa ganun Flaire---"

"Natatakot kayo na malaman ko ang totoo. Na magdulot ako ng gulo sa bayang ito dahil sa pagtatago niyo. Ikinalulungkot ko ngunit hindi ako katulad ng Scarlet Princess na nasa kwentong nabasa ng lahat."

Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo.

"Totoo nga yung sinabi niya, ni Divina Daverson sa panaginip ko. Ako ang dahilan ng lahat ng ito." Nagulat sila sa sinabi ko. Ngumiti ako.

"Nakausap ko rin siya kahit sa panaginip lang."

Tinalikuran ko sila at pumunta sa pinto.

"Saan ka pupunta, Flaire?"

"Napapagod na ako, Ina pero kailangan kong maging malakas. Marami pa akong gustong malaman at sa tingin ko ibang tao ang makakasagot at sana hayaan nyo ako sa gusto ko."

Lumabas ako ng silid at dumaan sa may bintana para makaakyat sa bubong ng bahay. Nahiga ako sa lagi kong pwesto habang pinagmamasdan ang bayan.

Muli akong lumuha at hinayaan na manghina ang buong katawan sa nalaman sa ilalim ng makulimlim na panahon. Pilit inuunawa ang lahat kahit na malinaw ang lahat ng sinabi sa akin.

*****
-

Tulad ng sabi ko u-unti-untiin ko lang talaga since busy ako. Thank youu sa paghihintay.♡

-btgkoorin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top