Kabanata 24

[ FLAIRE ]

Maaga akong nagising para sa araw na ito. Ngayon ang huling araw para sa paligsahan at dalawa na lamang ang natitirang paglalabanan. May hinuha na ako na ang huling dalawang paligsahan ay ang labanan ng espada at tagisan ng taglay na apoy.

Lamang kami sa unang araw pero siguradong maabutan kami ngayon. Hindi ako sigurado sa kakayanan ng mga kasama ko at lalo naman sa kalaban namin. Pero kailangang manalo kami.

Hinigpitan ko ang tali sa aking buhok at sa aking bewang. Suot ang walang manggas at hanggang tuhod na pulang bestida ay lumabas na ako sa aking silid.

Nakaramdam naman ako ng ginhawa nang malamang hindi kami nagkasabay ni Prinsepe Alixid. Hindi ko alam ang iaakto ko kung sakali. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ng maramdamang uminit ito. Kalma, Flaire!

Paglabas ko sa Parte de Azul ay tumambad sa akin si Vesiana na malawak ang pagkakangiti. Napakunot noo naman ako.

"Ba't andito ka?" Agad na tanong ko bago pa siya magsalita.

"Kinikilig ako."

"Bakit may nobyo ka na?"

"Syempre wala pero ikaw meron."

"Gusto mo sapak?"

"Wag ka na tumanggi, alam naman naming umamin na sayo si Prinsepe Alixid. Pero wag ka mag-alala kami lang naman nila Zack at Nathe ang nakakaalam. Sinabi sa amin ni Prinsepe Alixid kaya nalaman namin."

Pakiramdam ko namula ako ulit. At kailan pa naging madaldal si Prinsepe Alixid? Duda talaga ako na sinabi sa kanila o baka pinilit nila. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pumunta ka na sa mga kaangkan mo, kalaban kita kaya distansya."

"Sa paligsahan pero sa labas, magkakampi tayo hahaha."

Inikutan ko lang siya ng mata at nauna na. Humabol naman siya at sumabay sa akin sa paglakad. Nanunuksong tinitingnan ako at bumubuo ng hugis puso sa kanyang mga daliri at ipapakita sa akin. Kukurutin ko sana kaso tinakbuhan ako. Ang ganda niya pa naman kaso ang lakas mang-asar.

Pagkarating sa Azure Battleground ay agad akong lumapit sa mga kasamahan ko. Ang saya saya nila at kahit napansin ako ay hindi man lang tinapunan ng pansin na pabor naman sa akin.

Umupo ako sa isang upuan at pinagmasdan ang paligid. Marami na ang tao at mahigit trenta minuto na lamang ay magsisimula na ang sunod na paligsahan. Nagawi ako sa angkan ng mga lila at nakasalubong ko ng tingin si Vesiana, may itinuro siya at ako naman na uto-uto ay tumingin sa itinuro niya.

Nagtama ang paningin namin ni Prinsepe Alixid at pakiramdam ko nagsimula na namang mamula ang mga pisnge ko. Una akong umiwas at sinamaan ng tingin si Vesiana. Nakakadalawa na siya a!

Lumingon ako sa angkan ng asul at ang dalawa na ang nakatitigan ko. Malawak ang pagkakangiti nila sa akin parang nang-aasar. Inalis ko ang tingin at napatampal na lang sa noo. Bakit kaya ako napapalibutan ng baliw na mga kaibigan.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ang huling araw para sa paligsahan ay binubuksan na. Ang dalawang paligsahang magaganap ngayon ay ang labanan ng espada at tagisan ng apoy na taglay."

"Sa labanan ng espada, tatlo lamang mula sa bawat angkan ang lalaban. Ang gagawing pagpipilian ay nakaayon sa inyong angkan. Magiging palabunutan ang mangyayaring paghaharap."

"Ang natirang dalawa ay haharap sa tagisan ng apoy. Ang bawat angkan ay binibigyan ng limang minuto upang magdesisyon kung sino-sino ang lalahok sa magaganap na paligsahan."

Dahil sa iisang araw lang ay ganun ang magiging takbo ng paligsahan. Mas nagagalak ako sa hulong paligsahan. Gusto nang kumuwala ng apoy ko.

Hindi na ako sumali sa usapan ng apat dahil mukhang may lalaban na at hindi ako kasali na kalahating pabor sa akin. Gusto ko din lumaban sa labanan ng espada at syempre gusto ko din sa tagisan ng apoy.

"Sa tagisan ng apoy ka Flaire, para kapag natalo tayo sayo ang sisi ng angkan natin."

Natigilan ako at seryosong tiningnan sila. Gusto ko silang saktan ngayon dahil sa sinabi at ginawa nilang pagtawa. Biro pero katotohanan. Gusto nila akong pahiyain. Sobra sobra na sila.

Tinalikuran ko sila at pinilit na ikinakalma ang sarili. Gustong kumuwala ng luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim ng sunod sunod. Bumalik ako sa inupuan kanina at pumikit. Kalma, Flaire!

"Ang magkakaharap para sa labanan ng espada ay; Lila laban sa Kahel, Berde laban sa Dilaw at Asul laban sa Pula. Ang patakaran ay huwag masugatan upang tanghaling panalo. Ang angkan na may pinakamaraming sugat sa loob ng Kinse (15) minutos ay tatanghaling talo. Ang puntos na igagawad sa mananalong angkan ay 15 puntos at sa matatalo ay 7 puntos."

"Para sa unang laban, pumunta na sa gitna ang mga kalahok."

Hindi kasali sa tatlo si Vesinana at malamang na sa tagisan ng apoy sya kasali.

Pagtunog ng bandana ay nagsimula ang laban. Magagaling pareho ang manlalahok ng bawat angkan pero nasugatan agad ang isa sa kahel kahit dalawang minuto pa lang ang lumilipas. Hanggang sa natapos ang kinse minutos ay halos lahat sa kahel ay may sugat samantalang sa lila naman ay isa lang kaya ang lila ang nagwagi.

Lila - 92
Kahel - 82

Sa laki ng lamang hindi ko alam kung makakaabot pa sila.

Ang sunod na laban ay ang Berde at Dilaw. Ayaw ko talaga sa uri ng pagtingin ng mga taga angkan ng dilaw. At isa pa sa narinig ko sa usapan nila tungkol sa lola ko.

Mahigpit ang nangyaring laban sa kanila dahil parehong dalawa sa kaangkan nila ang may sugat na. 5 minuto na lang din ay matatapos na ang oras. Sabay na sumugod ang magkabilang angkan at pagtunog ng bandana ay nasugatan ang walang sugat sa berde dahil sa pagtulak niya sa isang kasamang tatamaan ng espada ng kalabang angkan.

Dilaw - 91
Berde - 82

At ang huling maglalaban ay ang angkan ko at ang asul. Nang pumunta na sa gitna ang kalahok ng asul ay di ko maiwasang mapangisi sa lalaban. Si Zack at Nathe ang dalawa sa asul. Magaling sila sa espada at siguradong saglit lang ang laban.

Dumako ang tingin ko sa matirang dalawa. Nakasalubong ko pa ng tingin ang babaeng katabi ni Prinsepe Alixod na nakangisi sa akin. Nginisian ko lang din siya. Ayos na ayos sa akin kung matalo man ang kaangkan ko.

Nang magsimula ang laban ay napahanga ako sa kilos nila Zack. Sobrang pag-iingat ang ginagawa nila at kalkulado ang bawat galaw. Ang mga kaangkan ko naman ay madaling basahin ang susunod na hakbang kaya pag abot ng 8 minuto ay natapos agad ang laban nang masugatan silang tatlo.

Asul - 93
Pula - 93

Pantay na kami ng Asul at ang huling paligsahan ang magtatakda ng panalo.

"Ang huling paligsahan ay gaganapin mamayang ala-una ng hapon. Ang lahat ay binibigyan ng oras upang kumain, magpahinga at maghanda para sa pinaka- pinale ng paligsahan."

Pagka-anunsyo ay agad na tumayo ako at umalis. Pero bago ako maka-alis nang tuluyan ay may humila sa akin. Paglingon ko ay sina Vesiana, Zack, Nathe at Prinsipe Alixid. Tinanggal ko ang kamay ni Vesiana at tinalikuran sila para magpatuloy sa paglakad.

"Hoy, Flaire!"

Dumiretso ako sa kagubatang bahagi sa likod ng Azul Battleground. Ramdam ko ang pagsunod nila ngunit tuloy tuloy lamang ako at huminto nang marating ang pinag-e-ensayuhan ko.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid kung may ibang tao maliban sa amin at nang wala akong maramdaman ay nagpalabas ako ng apoy sa kamay at sunod sunod na tinira ang punong nasa harap ko.

Tuloy tuloy hanggang sa malabas ko lahat ng sama ng loob ko sa trato sa akin ng mga kaangkan ko.

"Flaire, tama na!"

Hindi ako tumigil kahit na lahat sila ay pumigil na sa akin. Nagsimulang magsibagsak na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Isang tira ay tumigil ako at pinunasan ang aking pisnge. Humarap ako sa kanila at pinilit na ngumisi.

"Kung hindi ko lang sila kaangkan ay malamang na hindi ako mag-a-atubiling ipalamon sila sa apoy ko."

Nakita ko ang pagkagulat nila sa sinabi ko.

"Kaso hindi ako pinalaki para pumatol sa mahihina pa sa akin."

"F-Flaire?" Nginisian ko si Nathe.

"Bago ako pumasok sa palasyo ramdam ko ang kabilangan ko sa bayang ito ngunit nung pumasok ako sa Palasyo, maski kaangkan ko kinamumuhian ako. Buong buhay ko lagi akong pinaalalahanan na mag-ingat, paano ko maiiwasang hindi masaktan kung gusto pa rin ako saktan ng mga taong hindi ko naman ginawaan ng masama. Masama bang maging totoo ako sa sarili ko? Sumpa ba ang magkaroon ng isang Flaire Daverson sa bayang ito?"

"Pumasok ako sa palasyo para maging mahusay na tagapagtanggol ng Prinsipe at ipagmalaki ng pamilya, kaibigan ko. 'Yon lang naman ang nais ko pero bakit ko nararanasan lahat ng mga bagay na nagpahina sa akin ngayon?"

"Bakit maging malalapit sa akin may itinatago sa akin?"

Muli kong pinunasan ang mga luha at tumalikod. Ni isa sa kanila ay walang masagot sa mga katanungan ko.

"Umalis na kayo." Seryosong sabi ko. Nagdalawang isip pa sila pero sinunod din nila nang makita ang ekspresyong ipinapakita ko. Binalingan ko si Prinsipe Alixid na palapit sa akin.

Isang yakap ang iginawad niya sa akin. Nagulat at hindi ako nakagalaw.

"Magbago man ang tingin mo sa amin, sa akin. Hindi nun mababago ang nararamdaman ko para sayo. Gusto kita maging sino ka man." 

Bumitaw siya at iniwan ako. Napayuko ako. Umangat ako ng tingin at sinabi ng mahina ang mga katagang hindi ko masabi ng harapan.

"Maraming salamat, Prinsipe Alixid."

Namalagi ako sa kinaroroonan ko hanggang magsimula na ang huling paligsahan. Bumalik ako sa Azure Battleground na ang tanging determinasyon at pagiging seryoso ang nakapaskil sa aking mukha. Ano man ang magiging kinalabasan ng huling laban na ito, sisiguraduhin kong hindi mapapahiya ang angkan ng Pula.

"Ang huling paligsahan ay binubuksan na. Ang mga kalahok ay maari nang pumunta sa gitna."

Pagka-kumpleto naming mga kalahok ay nagkaroon ng naaaninag na harang sa pagitan namin at nang manonood.

"Ang tagisan ng apoy ang magtatakda ng panalo sa taonang Fire Festival. Ang patakaran ay matira - matibay. Ang kalahok na hindi makatayo sa loob ng 3 sigundo ay tanggal na. Ito ay individwal, hanggang sa isa na lang ang matira at ang kanyang angkan ang magwawagi. Ang tatanghaling panalo ay magkakaroon ng kabuuang puntos na 100 at ang hindi ay walang karagdagang puntos."

"Ang angkan na tatanghaling panalo ay magkakamit ng gantimpalang tropiyo at isang kahilingan para sa nagwagi sa tagisan ng apoy."

"Walang itinakdang oras ng pagtatapos ang paligsahan at matatapos lamang pag may isa o magka-angkan ang natira."

Napalingon kaming lahat sa Mahal na Hari nang tumayo ito.

"Simulan na." Anunsyo nito kasabay ng pagtunog ng bandana.

Unang nagpalit ng baluti ang Dilaw, sumunod ang Berde, Kahel, Lila, Asul at kami ang panghuli. Naunang kunti ang kaangkan ko bago ako kaya sa akin ang atensyon ng lahat nang magpalit ako. Makikita na ng lahat ang baluti ko, maging ang apoy na tinataglay ko.

Agaw pansin ang pagiging matingkad na pula o scarlet na kulay ng baluti ko. Iba sa ordinaryong pulang baluti ng kasama ko.

Nagpakawala ako ng maroon na kulay ng apoy sa kanang kamay at tinupok nyon ang taga Berde. Sa lakas nun ay agad silang bumagsak at natanggal. Malakas ang hiwayan ng manonood at mas lalo akong ginanahan patumbahin ang iba pa.

Humiwalay ako sa kasama ako at umiwas sa apoy na tatama sa pwesto ko. Napalingon ako nang bumagsak rin ang Kahel at natanggal nang di makatayo dahil sa apoy na pinakawalan ni Prinsepe Alixid.

Asul na apoy sa kanan at Dilaw na apoy  sa kaliwa ko ang paparating sa akin. Gamit ang magkabilang kamay ay sinangga ko ito. Hinarap ko ang taga Dilaw at nginisihan. Nilakasan ko ang pwersa na papunta sa kanila na nagpatalsik sa kanilang dalawa. Tumalsik din ang kasama ni Prinsepe Alixid at nang tiningnan ko ang gumawa nito ay napangisi ako. Si Vesiana. Natanggal din ang kasamahan ni Vesiana dahil kay Prinsepe Alixid.

Umayos ako ng tayo at nagkatinginan kaming tatlo. Lima na lang kaming nandito, ang kasamahan ni Prinsipe Alixid na agad nakatayo at ang isa ay ang kasama ko. Ramdam ko ang pagtira nito ng apoy papunta sa direksyon ko na agad kong inilagan na sya namang paghalo ng asul at lilang apoy na natalo ang apoy na pinakawalan niya at nagpatalsik sa kanya. Nawalan sya ng malay at natanggal.

"Gusto kong mapanood kung sino ang malakas sa inyong da-"

"VESIANA!"

Bago nya matapos ang saaabihin isang malaking asul na bolang apoy ang tumama sa kanya na nagpatumba sa kanya. Agad syang kinuha pagkatapos ng tatlong sigundo. Napatingin ako sa gumawa nito.

Nagpakawala ako ng apoy patungo sa kasama ni Prinsipe Alixid ngunit sinangga ito ng apoy ng Prinsipe. Napangisi sa akin ang babae. Nanghihina na siya at isang tira na lang ang magagawa niya. Kailangan na nyang matanggal at isusunod ko si Prinsepe Alixid.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magpaulan ng bolang apoy patungo sa kanila. Ganun din ang ginawa nila kaya puro iwas din ang ginawa ko habang tumitira.

Nagkahiwalay silang dalawa kaya agad akong nagpalabas ng apoy para tirahin ang babae na nagpawala ng malay nito. Nagpakawala din si Prinsepe Alixid ng apoy na papunta sa akin. Nagpalabas din ako ng apoy para tapatan ito. Natigilan ako ng may maramdaman akong kakaiba. Kahit nauubusan na ng lakas ay napatingin ako sa itaas at isang itim na bolang apoy ang tatama sa kasama ni Prinsipe Alixid.

Natalo ng apoy ni Prinsipe Alixid ang apoy ko at bago ako tamaan ng apoy ng Prinsipe ay nawala siya at napunta sa tabi ng kasama niya saka itinulak ito. Kasabay ng pagtama sa akin ng asul na apoy ang pagbagsak sa kanya ng itim na bolang apoy.

*****
Thank you sa paghihintay. Ang kabantang ito ang pinakamahaba kesa sa nauna. I hope nagustuhan nyo. : )

At tingin ko di ko matuloy-tuloy ang pagsusulat dahil sa busy ako kaya unti untiin ko na lang ang pagsulat at pag-upload.

-btgkoorin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top