Kabanata 23
[ FLAIRE ]
Matapos ang sinabing yun ng Mahal na Reyna ay natapos na rin ang paligsahan ngayong araw. Kunti na lang din ang naririto sa Azure Battleground.
Napatingin ako sa talaan ng puntos at napangisi nang makitang kami na ang nangunguna.
Pula - 86
Asul - 78
Lila - 77
Dilaw - 76
Kahel - 75
Berde - 75
"May silbi ka din pala, Daverson!" Hinarap ko ang mga kasamahan ko at nilakihan ang ngisi sa kanila.
"Kung isa siguro sa inyo ang napili, malamang nasa laylayan ang angkan natin." Ani ko kasabay ng paghawi ng buhok at tinalikuran sila. Kahit na mabilis ang pag-alis ko ay rinig ko ang protesta at galit nila sa akin. Inaasahan ko nang hindi kami magkakaayos dahil ayaw nila sa akin at syempre ayaw ko din sa kanila. Patas lang.
"Ate Flaire!" Kumuway ako pabalik kay Lynlyn at mas binilisan ang paglakad para makarating sa kinaroroonan nila. Agad akong bumati at nagpasalamat sa kanila. Kung hindi sa kanila ay hindi ako makakaisip ng lulutuin kanina.
Balak ko sanang sumama sa kanila kaya lang nakita ko ang pamilya ko na papunta sa akin kaya nagpaalam ako na susunod na lang.
Pagkalapit ko sa kanila ay agad akong nilapitan ni Ina at akala ko ay yayakapin nya ako ay isang kurot sa tagiliran ang natanggap ko.
"Ano yung nakita kong hindi kayo magkasundo sa grupo niyo? Hindi ka pa rin ba tumitino, Flaire?" Napangiwi ako.
"Ina naman, sila ang may ayaw sa akin kaya wala na akong magagawa dun."
"Mayabang ka kasi ate Flaire kaya ganyan sila sayo." Binalingan ko si Fheire at tinaasan ng kilay.
"Mali. Inggit sila sa akin kasi nalalamangan ko sila. Saka maganda kasi ako."
"Pangit ka ate!"
"Kung pangit ako, pangit ka din. Magkapatid tayo, remember."
"Flaire..." Natigilan ako at nilingon si Ama na seryoso habang nakatingin sa akin. Nawala ang ngisi ko sa kaba.
"Bakit ama?"
"Lagi mo sanang tandaan ang bilin namin sayo. Mag-iingat ka at wag mo hayaang may sumakit sayo. Ayaw kong sabihin ito pero, mas ayos nang masaktan ang mga taong nasa paligid mo 'wag lang ikaw." Makahulugang sabi nito at tinapik ako sa balikat.
"Binabati ka namin sa pagkawagi mo kanina sa Pagluluto. Magkita na lang tayo ulit bukas. Paalam, Flaire."
Nanatili akong tahimik habang nakamasid sa kanilang pag-alis. Ewan ko pero nagsimulang manginig kamay at lumakas ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko, nung muli ko marinig ang bilin nila lagi sa akin ay may nag-iba. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Na may tinatago sila sa akin pero ayaw nilang sabihin.
Utos ng isip ay umangat ang tingin ko sa itaas na bahagi ng Battleground. Pagdako ng tingin ko dito ay biglang naglaho ang taong kanina pa nakamasid sa akin.
"May nakikita ka bang hindi namin nakikita, Flaire?"
Napapikit ako at mabilis na itinaas ang kanang kamay para sapakin si Zack sa mukha. Di ito nakailag kaya sapo nya ang kanyang mukha. Akmang pipilitin nya ako sa leeg ngunit agad akong yumuko at umalis palayo sa kanya.
"Ang sadista mo talaga, Flaire!"
"Nagulat ako sayo eh!"
"Mukha ka bang nagulat, sinadya mo yun!"
"Pake ko sa mukha mo." Seryosong ani ko. Hindi ko makuhang ngumisi sa ngayon. Nababagabag pa rin ako.
"Akalain mo yun, magaling ka pa lang magluto hahahaha"
"Anong nakakatawa, Nathe?" Natigilan sya at napangiwi.
"Meron ka ba, kaya ganyan ang asta mo Flaire?" Bwesit talaga!
Tinalikuran ko sila at mabilis na lumayo. Gusto kong mawala ang nararamdaman ko ngayon kaya gagawin ko yung nasa isip ko.
Pagdating sa Silid Kainan ay agad akong kumuha ng maraming pagkain at dinala sa pinakagilid na mesang walang nakaupo. Nakakatulong 'to para mawaglit sa isip ko ang mga bagay bagay. Pagkatapos nito ay matutulog ako at lalabas ng Palasyo upang maghanap ng away este pagkakaabalahan.
Sinunod ko ang balak ko kahit na napapansin ko o nakakasalubungan sila Nathe ay umiiwas ako. Ganun din kay Vesiana na nagtataka sa kilos ko. Nang gumabi ay naghanda ako para umalis at pumunta sa Bayan.
Tulad ng palagi kong ginagawa para maka-alis ay sumakay ako sa ginawa kong ulap na apoy at lumipad pataas. Mas masaya siguro kung ganito lang ang buhay ko. Oo nga pala, ako rin pala ang nangarap na mapunta sa palasyo kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin lahat ng nangyari sa akin.
Nang makarating ako ay bumaba at agad na naglakad palapit sa tahanan nila Lynlyn. Kumatok ako at naabutan ko silang naghahapunan kung kaya't hinintay ko silang matapos.
"Ate Flaire, alam mo ba yung kwento ng Skarlatang Prinsesa?" Nangunot ang noo ko at umiling sa kanya.
"Bakit?"
"Flaire, pasensya hindi ko kayo masasamahan maglakad lakad dahil sa kailangan ako sa Palengke." Ngumiti ako kay Aling Lana at tumango.
"Mag-iingat po kayo, Aling Lana." Ngumiti ito sa akin at kay Lynlyn na naman sya nagpa-alam. Pagka-alis nito ay agad na lumapit sa akin si Lynlyn at hinila ako palabas ng bahay. Umupo naman ako sa upuang inilahad niya at sya naman ay pumwesto sa taas ng mesa habang naka-krus ang mga braso.
"Kanina kasi ate, may nakita akong aklat sa inupuan ko habang hinihintay si Ina. Habang wala pa yung nag-mamay-ari ng aklat kinuha ko ito at binasa. Pero ate ibinalik ko rin pagtapos ko magbasa." Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Ate, yung kwento ng Skarlatang Prinsesa ang isa sa nakakatakot na nabasa ko."
"Bakit naman?"
"Kasi ate, tumutukoy iyon sa babaeng kakaiba sa lahat. Nakakatakot dahil sa babalang nakasulat sa unang pahina nito at sa katauhan ng babae."
"Hmm. Tapos?"
"Hindi binanggit ang pangalan niya sa aklat pero kilala sya sa tawag na Scarlet dahil sa kulay ng apoy na tinataglay niya. Maraming may ayaw sa kanya dahil sa pinanggagawa niya. Habang binabasa ko yun ay ayaw ko sa kanya kasi hindi naman talaga siya mabait, lahat ng pinapakita niyang kabutihan ay pagkukunwari lamang. Kaya lang naman siya nagiging mabait kasi kapag nasaktan siya yung pamilyang itinuturing niya mapapahamak."
"Maraming naapektuhan kapag nasaktan o nasugatan man lang siya. Maski ang inosente nadadamay dahil sa kapabayaan niya. Yung hinahangad niyang Prinsepe hindi rin sya tinanggap dahil alam nito ang katauhan niya."
"Kahit na ganun, naawa ako sa kanya kasi lahat na lang ayaw sa kanya kaya siguro naging masama siya. Pero nakakatakot pa rin kasi may ugnayan siya sa kalaban."
"Ugnayan sa kalaban?"
"Anak siya ng kalabang hari kaya isa rin siyang prinsesa."
"Ha?"
"Nagpapasalamat nga ako, ate kasi alamat lang siya at hindi totoo. Kasi kung totoo man siguro napakagulo ng bayan natin."
"Tanda mo pa ba ang babalang nakasulat sa unang pahina?" Tumango ito sa akin bago nagsalita.
"Upang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore kailangan nilang iwasan ang isang napakahalagang babala, ang huwag saktan ang tinatawag nilang Scarlet Princess."
Biglang humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili. Sakto namang pagdating ni Aling Lana kaya nagpaalam na rin ako na aalis na at babalik sa palasyo. Nginitian ko si Lynlyn at nagpasalamat sa kinwento niya.
Ang totoo hindi pa talaga ako babalik, gusto ko pa maglakad lakad. Napabuntong hininga ako.
Sa totoo lang habang nakikinig ako, hindi ako natatakot kay Scarlet. Nalulungkot ako. Hindi niya kasalanan kung bakit ganun ang katauhan niya kundi kasalanan ng magulang niya. Hindi nila naisip ang magiging dulot nito kapag namulat si Scarlet sa katotohanan. Hindi nasabi sa akin ni Lynlyn kung bakit napunta siya sa bayan ng Fiore kung anak siya ng kalaban. Bakit kaya?
Saka ko lang siguro malalaman kapag ako na mismo ang nagbasa nun. Nang makakita ako ng madilim na parte ay agad akong tumungo rito para gumawa ng ulap na apoy pabalik ng Palasyo.
Ganun na lamang ang gulat ko nang isang butas na tinakpan ng mga dahon ang maapakan ko. Napadaing din ako sa tumamang kahoy sa katawan ko. Nasugatan pa yata ako. Sino kayang bwesit ang gumawa ng butas na ito!
Pinilit ko bumangon at umalis sa butas na mas mataas pa sa akin. Puro na ako galos dahil sa ilang bato na kinapitan ko. Nang makarating ako sa taas ay wala man lang akong makitang tao na pweding salarin. Nakakabwesit talaga!
Kailangan ko nang bumalik sa Palasyo pala magamot 'tong sugat at galos ko. Mabilis naman akong nakarating gamit ang ulap na apoy at dali-daling pumasok sa aking silid pero ganun na lamang ang gulat ko nang maabutan ko ang ikalawang Prinsepe na nakaupo sa kama ko. Halatang kanina niya pa ako hinihintay kung pagbabasehan ang naiinip niyang mukha.
Pagkakita niya sa akin ay nagulat siya at agad akong nilapitan. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at hinila ako paupo sa kama.
"Anong ginagawa mo, Prinsepe Alixid?"
"Saan ka galing?"
"S-sa bayan."
Sinamaan niya ako ng tingin na ikinakunot-noo ko. Ang weird niya maging ng kinikilos niya. Kumuha siya ng panlinis at gamot sa sugat ko. Sinimulan niya itong linisin.
"Anong nakain mo?" Tanong ko.
"Prinsepe Alixid!" Tiningnan niya ako habang nakasalubong ang dalawang kilay at agad na iniwas.
"Ilang beses ka nang sinasabihan na mag-ingat pero lagi mong sinusuway. Balewala lang ba sayo ang nararamdaman ng mga taong nag-aalala sayo ha, Flaire!"
"Hindi-"
"Ingatan mo ang sarili mo kung ganon."
"Bakit naging ganito ka bigla, Prinsepe Alixid?"
"Hindi ka lang pala matigas ang ulo, manhid ka din."
"Anong ibig mong sabihing manhid?"
"Walang pakiramdam." Naningkit ang mga matang tiningnan ko siya.
"Pwedi ba, Prinsepe Alixid deretsuhin mo nga ako. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?"
"Gusto kita."
Natigilan ako at napanganga sa sinabi niya. Gusto kong magsalita pero ayaw kumilos ng bibig ko. Pinagmasdan ko siya hanggang sa matapos niya iligpit ang ginamit at bumalik sa harap ko.
"At seryoso ako."
Mas lalo akong nagulat at hindi makakilos. Pakiramdam ko, ayaw na tumanggap yung utak ko. Hindi na ma-absorb lahat ng nasagap nito mula kanina.
"Hindi lang naman ngayon ganito ako kumilos, nakaraan pa. Sadyang manhid ka lang o ramdam mo pero di mo pinagtutuunang pansin."
Lumapit siya sa pintuan at binuksan ito.
"Matulog ka na, manhid na scarlet princess."
Sumarado ang pintuan at saka lamang ako nakahinga ng maayos. Tinawag na naman niya akong Scarlet Princess. Sa mga sinabi sa akin ni Lynlyn at sa sinabi niya kanina lang ay may pagkakahawig kami ni Scarlet.
"Lagi mo sanang tandaan ang bilin namin sayo. Mag-iingat ka at wag mo hayaang may sumakit sayo. Ayaw kong sabihin ito pero, mas ayos nang masaktan ang mga taong nasa paligid mo 'wag lang ikaw."
At sa sinabi ng aking ama.
Kahit anong iwas ko na 'wag isipin ang mga sinabing iyon sa akin ay kusa silang bumabalik. Hindi ko alam kung bakit nasabi yun ni ama pero hindi ako sang-ayun dun. Mas nagulo rin ang pagkatao ko. Hindi ko na maunawaan ang nais nila, kung para lang ba iyon sa akin o may iba pang dahilan.
At isa pa...
"Gusto kita."
Hindi ako makapaniwalang may gusto sa akin ang masungit na prinsepe na 'yon. Hindi ko tuloy alam kung anong ikikilos pag-andyan siya.
Bakit ganun? Sa mga nababasa ko ang romantic ng pag-amin ng lalaki sa babae tapos sa akin matapos umamin iniwan ako agad. Ba't walang kiss! Nakakapanlumo.
*****
Thank you sa paghihintay.
-btgkoorin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top