Kabanata 19

[ FLAIRE ]


Nang ipinangako ko sa sarili ko na mawawalan ako ng pakialam sa iba at tanging pagiging magaling na tagapagbantay ni Prinsipe Alixid ang aatupagin ay sinumulan kong mag-ensayo mag-isa. Lumalabas ako ng Palasyo at sa gubat ginagawa ang pag-eensayo. Pag-uwi naman ay pagod at diretso matulog. Paulit-ulit na gawi sa loob ng apat na araw.

Bukas ay simula na ng Fire Festival kaya't halos lahat ay paghahanda ang inaatupag. Hindi ko rin nakakasalamuha sina Vesiana, Zack at Nathe dahil nga umaalis ako. Si Prinsipe Alixid ay nakakasabayan ko umalis pero hanggang doon na lang yun. Ayaw ko rin silang istorbohin dahil naghahanda sila para bukas.

Tatlong araw ang tinatagal ng Fire Festival. Sa pagkakaalam ko, ang dalawang araw ay para sa mga paligsahan at ang ikatlo at huling araw ay para sa pagdiriwang ng festival sa buong bayan ng Fiore. Magkakaroon ng parada at ang pinaka-inaabangan ay ang pagkakaroon ng salo-salo ng mga mamayan habang umiikot ang mahal na hari at reyna sa bayan.

Wala akong balita sa nangyaring pulong sa angkan namin at wala rin akong balak alamin. Hindi ako sasali sa paligsahan kahit na dati ko pang pangarap ang makasali rito. Alam kong pagkakataon ko na ngayon lalo na't nandito ako sa palasyo pero yung mga ka-angkan ko mismo ang pimipigil sa akin. Taon taon ang festival pero ni minsan di ako pinayagang pumunta sa palasyo upang manood man lang.

Kapag araw nito ay lagi akong pinapa-ensayo ng lola at saka lamang papayagan kapag huling araw na, sa bayan na lang, sa labas ng Palasyo.

Huling araw ngayon ng paghahanda kaya't naisip ko na magpahinga sa pag-eensayo. Napatingin ako sa mga kamay na puro pasa kaka-ensayo magpana at mag-espada. Sumasakit din ang buo kong katawan sa pagod kaya kailangan ko talaga ng pahinga.

Sa mga kaganapan bukas ay manonood na lamang ako at makakapahinga din ako sa ganung lagay. Babantayan ko rin si Prinsipe Alixid.

Lumabas ako sa silid at pumunta sa silid kainan para mag-almusal. Balak kong maglakad lakad pagkatapos kumain bago pumunta sa silid aklatan upang magbasa.

Pagkarating ko ay halos kukunti lang ang tao. Marahil ay kung saan sila nag-eensayo ay dun na lamang sila kumakain. Pakiramdam ko masyadong mahigpit ang labanang manyayari dahil masyado silang abala sa paghahanda.

Habang kumakain ay may umupong grupo ng mga mula sa angkan ng dilaw na apoy malapit sa akin. Wala akong balak makinig sa kanila pero nakukuha ng pinag-uusapan nila ang atensyon ko.

"Masyadong maingat ang mga taga asul. Walang makalapit sa kanila habang nag-eensayo. Ganun din ang sa lila at pula."

"Si Prinsipe Alixid ang nagpanalo sa asul nung nakaraang taon at siguradong kasama na naman siya ngayon."

"Di rin nagpapatalo ang lila sa pula nakaraang taon pero pangatlo lamang sila pagdating ng pagbibigay ng gatimpala. Mahigpit ang laban nila pero mukhang kapit sa nakakataas ang mga pula. Ayaw mapahiya nang ikalawang punong hukom kaya ikalawa ang angkan ng mga pula."

"Kasi nga sa kanila galing ang mga mahuhusay na tagapagbantay kahit na di naman talaga malalakas ang mga naglaban nakaraang taon ay ikalawa pa rin sila."

Napakuyom ako ng mga kamay. Ang ikalawang punong hukom na tinutukoy nila ay ang lola ko. Ayaw kong maniwala na pinaburan ang angkan namin dahil sa lola ko pero wala akong alam.

"Baka ngayon ay sila na ang manguna at magwagi. May sakit ang ikalawang punong hukom at baka hilingin nitong manalo ang angkan ng mga pula at baka pagbigyan sila. Kapag ganun ang mangyayari ay magkakaroon ng protesta mula sa angkan natin at sa iba pang angkan."

May sakit si lola? Bakit hindi ko alam? Gusto ko siyang puntahan pero baka di ko rin alam kung saan siya dahil kapag may sakit siya pumupunta siya sa malalayong lugar at doon magpagaling.

"Saan mo naman nalaman na may sakit ang ikalawang punong hukom?"

"Nakakalimutan mo bang hukom din ang lola ko. Sa kanya galing ang mga sinasabi ko. Hindi niya sinasabi sa akin pero naririnig ko lang kapag nag-uusap sila ng mga magulang ko."

"Malay mo di sita pagbiyan ngayon dahil makakalaban niya ang iba pang hukom kung hihiling siya ng ganun."

"Maari. Magiging oras na natin ito para makapasok sa tatlong magagaling na angkan. Di naman malalakas ang mga mula sa angkan ng pula dahil iilan lamang sa kanila ang tunay talagang malakas at ang mga taong iyon ay nakapagtapos na at tagapagbantay na."

"Mahigpit nating kalaban ay mula sa lila at kahel. Ayos na sa akin kahit ikatlo tayo."

Kapag nanalo ang angkan namin ngayon ay mapapahamak si lola. Yun ang nahihinuha ko sa mga narinig ko. Napakuyom ako ng mga kamay. Pero naisip ko din na tama naman sila mahihina ang mga kaangkan ko at mas pabor 'yon para sa lola ko.

Pero kung mawawala sila sa tatlong malalakas na angkan magiging kahiya hiya ang lola ko at ang angkan namin. Ang pinakaligtas na pwesto ay ang ikatlong pwesto at yun dapat ang makuha ng angkan namin. Sana lang talaga ay makuha para man lang mailigtas ang karangalan ng angkan namin.

Pagkaalis nila ay saka pa lamang ako umalis. Tahimik lang ako habang naglalakad pero ang isip ko naman ang maingay. Nag-aalala ako sa lola ko. Mabait ang lola ko at naniniwala akong di niya hihilingin na paboran kami para lang manalo sa taong ito.

Nahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang mga kaangkan ko. Lumihis ako ng lakad pero ganun na lamang ang gulat ko nang habulin nila ako. Nang maabutan nila ako ay nagtataka akong tinanong sila.

"Anong kailangan niyo sa akin?"

Sa halip na sagutin ako ay hinila nila ako sa magkabilang kamay at pumasok kami sa isang silid na kami lang ang tao.

"Gusto lang namin ipaalam sayo na kasama ka sa limang magpi-presinta sa angkan natin bukas."

"Ha?"

"Labag man sa loob namin pero yun ang hiling ng lola mo at wala kaming magagawa kundi ang sundin ito. At ipinamimigay din pala sa iyo ito ng lola mo." Aniya at tinarayan ako bago iabot ang isang sobre.

"Gusto namin na kami ang masusunod bukas at ano man ang naisin namin ay sumunod ka lang."

Umalis na sila at iniwan ako. Napatingin naman ako sa sobre at binuksan iyon. Nakita ko agad ang sulat-kamay ng aking lola.

Flaire,

Alam kong pangarap mo dati pa ang makasali sa Fire Festival kaya isinali kita. Alam ko ring inaapi ka nila pero lagi mong tandaan na mahal kita apo.

Lagi kitang pinapaensayo sa tuwing araw ng festival dahil naisip ko na kapag nakasali ka na ay ikaw ang magpapanalo sa angkan natin. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Iiangat mo ang angkan natin mula sa mapanghusgang ibang angkan.

Ito lang ang hinihiling ko, ang maging bahagi ka ng festival at wala nang iba. Kahit nahihirapan ka iwasan mo pa ring masaktan dahil mag-aalala ako. Hindi ako makakapanood sa laban mo dahil magpapagaling ako.

Sana'y matupad mo ang hiling ko kapalit nang pagtupad ko sa pangarap mo.

Naluluha ako. Nalilito ako. Di ko alam kung anong dapat gawin. Anong susundin ko? Ang hiling ni lola para sa ikakasaya niya o ang nais ko para sa kaligtasan niya. Kapag di ko sinunod ang hiling niya ay magagalit siya sa akin at ayaw ko nun.

Anong gagawin ko?

Tumuloy ako sa silid aklatan sa Parte de Azul upang doon mag-isip. Tahimik ang silid at sa pinakadulo ako pumwesto. Kumuha ako ng upuan at sumandal rito at ipinikit ang mga mata.

Napamulat ako at agad na kumuha ng aklat nang may narinig akong mga boses. Itinakip ko ito sa mukha at pigil ang hiningang pinakinggan sila.

"Pinahigpitan ni ama ang seguridad sa gaganaping festival bukas. At ayaw niya rin sanang sumali ang apo ng ikalawang hukom dahil baka makita ng lahat ang tinataglay nitong apoy."

"Pinagbigyan lamang siya dahil sa may sakit siya. Akala ko'y hihilingin niya ulit na iparangal sa angkan niya ang ikalawang pwesto pero mukhang nasa palad niya ang swerte kahit na hindi pinagbiyan ay nakuha pa rin nila ang ikalawang pwesto."

"Mahal na Prinsipe, paano kung masaktan ang apo nito sa festival at magdulot ng gulo sa ating bayan, makakasapat ba ang paghigpit ng seguridad ng mahal na hari?"

"Inihanda na ni ama ang sulat na ipapadala kaya huwag ka nang mag-alala. Habang nandito siya sa palasyo mananatiling payapa ang ating bayan."

"Naniniwala ako sayo, Mahal na Prinsipe."

Pagka-alis nila ay napakuyom ako ng kamao at sa pinipigilan ang sarili na maluha. Si lola at ako ang tinutukoy nila. Sa narinig ko nagbago ang pagtingin ko sa unang prinsipe. Nawala ang paghanga ko sa kanya dahil sa pagiging mababa ang tingin sa angkan namin dahil sa ginawa ng lola ko.

Gusto kong makausap ang lola sa ginawa niya nakaraang taon pero sumasagi sa isip ko na ginawa niya lang yun para hindi madungisan ang karangalan ng angkan namin.

Naawa ako kay lola, pilit niyang inaayos ang karangalan ng angkan namin samantalang nadudungisan ito dahil sa mga kaangkan namin at dahil sa akin.

Halo halo ang emosyong nararamdan ko at napapagod na ang isip ko dagdagan pa na pagod ang katawan ko. Nakaalis ako ng silid aklatan na tulala sa lahat ng narinig.

Sino ba ako para maging dahilan para magkaroon ng gulo ang bayan? Sino ba ako para sa kanilang lahat? Bakit wala akong alam?

Malapit na ako sa silid ko nang makaramdam ako ng hilo. Napapikit ako at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig bago mawalan ng malay.

*****

Mukhang aabot ng 25+ chapters yung buong story. Wala pa tayo sa pagbubunyag ng katauhan ni Flaire. Medyo matatagalan din bago ulit ako maka-update dahil start na ng klase namin.

Kung gusto niyo po ako makausap add niyo lang po ako sa facebook. Rina Elizalde Rivas.

-btgkoorin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top