Kabanata 14

[FLAIRE]


Hindi na kami ulit nakapag-ensayo ni Prinsepe Acnus dahil pinatawag siya ng hari kaya maghapon akong walang ibang ginawa kundi ang maghintay na lumipas ang oras.

Sa makalawa na ang kaarawan ni Prinsepe Acnus kung kaya't nagsisimula na rin ang preperasyon sa gagawing pagdiriwang. Tahimik akong naglalakad sa pasilyo patungo sa silid kainan.

Napahinto ako ng makasalubong ko si Vesiana. Tulala ito at nag-iisang naglalakad. Naningkit ang mata ko nang mapansing ang lalim ng iniisip niya at hindi nya ako napansin at dinaanan man lang. Umiling ako at nagpatuloy sa paglakad ngunit agad ding napatigil nang magsalita sya.

"Maari ba akong sumama sayo sa pagbili mo ng iyong susuotin, Flaire?" Nilingon ko sya at nang magtama ang paningin namin ay nangunot ang noo ko. Seryoso?

"Bukas ako bibili at kasama ko sina Zack at Nathe. Ayos lang ba sayo?"

"Ayos lang. Sige, mauna na ako." Aniya at umalis na.

Di pa rin nawala pagkakunot ng noo ko. Ayos lang kaya siya?

Pagpasok ko sa silid kainan ay agad akong kumuha ng pagkain at umupo sa bakanting mesa. Mabagal akong kumakain habang iniisip pa rin si Vesiana.

Vesiana Morrel, isang napakamisteryosong babae na nakilala ko dito sa Palasyo. May bahagi sa kanyang nahihiwagaan ako kasi sa pagiging seryoso niya at tahimik ngunit malakas ay may tinatago sya. Sa mga kataga niyang iniiwan sa akin parang may alam siya na hindi ko alam.

Kaibiganin ko kaya siya para mawala 'tong iniisip ko tungkol sa kanya. Bukas naman ay makakasama ko siya kaya may pagkakataon akong pag-aralan siya.

Advance ako mag-isip sa sinabi kong kasama ko sina Zack at Nathe dahil ang totoo di ko alam kung bibili sila. Saan na ba ang mga 'yon at hindi ko sila mahagilap.

Tumayo ako at nilisan ang silid upang maglalakad lakad. Madilim na ang paligid at bukas na rin ang mga ilaw sa palasyo. Lumiko ako sa may pasilyong papunta sa may ilog at doon naisipang gumala. Hindi rin naman ako magtatagal dahil maabutan ako ng curfew.

"Yumina..."

Napatigil ako at agad na hinanap ang pamilyar na boses. Nang makita ko ang pinanggalingan ng boses ay agad akong tumago sa likod ng puno at sinilip sila.

Si Prinsepe Acnus at kasama niya si Yumina Morello, kabilang sa angkan ng lilang apoy.

Ano kayang ginagawa nila?

Hinawakan ni Prinsepe Acnus ang kamay ni Yumina na agad na iniwas ng huli. Umatras si Yumina at akmang aalis ay hinila siya pabalik ni Prinsepe Acnus at niyakap.

Sila ba?

"'Wag ka na magselos kay Flaire. Ini-ensayo ko lamang siya para sa aking kapatid. Wala nang iba."

Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang umalis sa pagkakasilip sa kanila at tumago ng tuluyan sa puno. Siya namang ikinagulat ko dahil nasa harapan ko na yung tatlo.

"Anong ginagawa mo dito, Flaire?" Tanong ni Zack at sumilip sa sinisilip ko kanina. Sumilip din ako at nang makitang wala na dun ang dalawa ay nakahinga ako ng maluwag.

Mataman namang nakatingin sa akin si Nathe at Prinsepe Alixid. Mukhang nagdududa sa kilos ko.

"Gumagala." Sagot ko at tinalikuran sila. Tuloy-tuloy ang lakad at tulala sa nilalakaran. Sa kaninang dinaanan ko, ako dumaan.

"Flaire!" Isang kamay ang pumigil sa paghakbang ko. Nilingon ko si Nathe at nginitian.

"Bakit?"

"Ikaw ang gusto kong tanungin ng 'bakit'. Bakit iniwan mo kami? Matapos ka naming hanapin, iiwan mo lang kami!" Napangiwi naman ako.

"Pasensya na. Kanina ko pa rin kayo hinahanap pero ngayon hindi na. Sige, aalis na ako."

Tinalikuran ko siya at nagsimulang lumakad ng mabilis. Hindi na rin siya sumunod. Hindi ko alam kung narinig din ba nila yung narinig ko o bago lang sila nakarating dun. Alin man sa dalawa, mas maigi na ang ikalawa para di sila magtaka sa kinikilos ko.

Pagkadating sa aking kwarto ay agad akong nahiga at tumulala sa kisame.

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Prinsepe Acnus. Kung ganun ay sila pala ni Yumina. Wala man lang akong kaalam-alam na yung taong gusto ko pagmamay-ari na ng iba.

Yumina Morello, napakaswerte mo.

Napahawak ako sa dibdib at ngayon ko lang naramdaman yung kirot. Masaya siguro sa pakiramdam na mayakap ng ganun ng prinsepe. Pero mas masaya kung ako yung kayakap niya kanina.

Maaga akong gumising at nag-ayos ng sarili kinubukasan. Isang simpleng itim na bestida at yung itim na sandalyas na malimit ko gamitin kapag may lakad ako. Hinayaan ko namang nakabagsak lang ang mga buhok saka tuluyang lumabas.

Pagkalabas ko sa Parte de Asul namataan ko agad ang naghihintay na Vesiana. Suot ang magarang lilang bestida at lila ding sandalyas na may taas na isang pulgada.

Palapit na ako sa kanya nang mahagip ng paningin ko ang tatlong lalaki na patungo rin sa direksyon ng pupuntahan ko. Pagkalapit ko ay nginitian niya ako na ikinabigla ko.

"Tara na!" Aniya at kumapit sa braso ko. Naguguluhan naman akong napatitig sa kanya. Seryoso? Close kami?

"Ikaw ba yan Vesiana o iba?" Tanong ko na ikinasimangot niya.

"Ako 'to. Sadyang di mo pa nakikita ang ganitong side ko."

"A---okay sabi mo e." Ang weird niya pa rin.

"Flaire!" Napalingon ako sa tumawag at bumungad sa akin ang kaninang tatlong lalaki. Inirapan ko sila at hinila si Vesiana paalis. Ayos na sa aking si Vesiana na lang ang kasama kesa sa tatlo. Gusto ko muna ng tahimik na paligid dahil kapag nandyan sila ang ingay ingay.

"Sama kami!" Huminto ako at napatingin sa akin si Vesiana. Pumikit ako ng mariin at nilingon ang tatlo. Nasa likod na namin sila. Sumunod pala.

"Ayaw ko ng maingay kaya alis!" Tinaasan naman ako ng kilay ni Zack at  Nathe pero sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Sa pagkakaalam namin kami lang kaibigan mo dito pero mukhang pinagpalit mo na kami kay Ms. Morrel. Basta sa ayaw o sa gusto mo sasama kami sa inyo."

Tiningnan ko silang tatlo. Mula kay Zack na nakataas pa rin ang kilay at si Nathe na nakangisi. Sarap nilang sapakin. At si Prinsepe Alixid na walang kare-a-reaksyon. Tiningnan niya ako pabalik. Tumagal hanggang sa makaramdam ako ng kahihiyan. Iniwas ko ang tingin at hinila na si Vesiana na tahimik lang nakatingin sa amin.

Bakit ang gwapo niya ngayon?

"May gusto ka ba kay Prinsepe Alixid?" Nanlaki mga mata ko kay Vesiana dahil sa ibinulong niya. Bigla yata akong kinabahan sa tanong niya.

"W-wala."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kahapon. Si Prinsepe Acnus ang gusto ko. Pero hangang gusto at paghanga lang ako dahil may iba siyang gusto. May iba siyang minamahal.

"Bagay pa naman kayo." Nilingon ko si Vesiana at nangunot ang noo.

"May sinasabi ka?"

"Wala a. Tara na bilisan na natin."

Pagkalabas namin sa malaking tarangkahan ng Palasyo ay agad kaming naghanap ng kalesang masasakyan. Pinayagan kaming lumabas dahil na rin sa paghahanda para sa kaarawan ng Mahal na Prinsepe.

At dahil kasama namin si Prinsepe Alixid ay hindi sana siya papayagan kung walang tagapagbantay na kawal ng Palasyo ngunit napilit niya itong huwag na lang dahil nandito naman ako. Nang malaman ng mga ito na mula ako sa angkan ng Pulang apoy ay pumayag ito.

Mula sa kinaroroonan namin kitang kita ko ang malawak na bayan ng Fiore. Tinanaw ko din ang aming malaking bahay. Kamusta na kaya sila ina at ama?

Pagkatapos ng mahabang buahe ay nakarating na kami sa pinaka sentro ng bayan kung saan may iba't ibang pamilihan.

"Ate Flaire!" Isang bata ang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako sa hita. Napangiti naman ako at lumuhod upang magkapantay kami.

"Kamusta na Lynlyn? Ang inay maayos na ba ang kalagayan?" Ngumiti ito at tumango-tango.

"Namiss ka na namin Ate sana makadalaw ka ulit sa aming tahanan. Hinahanap ka rin ng iba pa. Simula kasi nang pumasok ka sa Palasyo naging malungkot na kami." Di ko mapigilang ngumiti ng malaki. Isa kasi si Lynlyn at ang nanay niya sa mga tinutulungan ko. Lahat ng napapanalunan ko sa mga laban laban dito sa bayan ay binibigay ko sa mga tulad nilang kapos sa salapi.

"Mamaya hintayin mo ako sa tirahan nyo magdadala ako ng pasalubong. May pupuntahan pa kasi ako ngayon." Tumango naman siya at nakangiting tumakbo palayo.

Tumayo ako at paglingon ko sa apat ay nasa akin ang paningin nilang lahat.

"Bakit?"

"Si Daverson o!" Napalingon ako sa nagsalita at ganun na lang ang pag ngiwi ko na yung mga nakalaban ko dati. Nakaagaw din iyon ng atensyon kaya marami na ang nakatingin sa amin, sa akin.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila. "Hi fans!" Halos lahat ata ng nandito nasaksihan mga ginagawa ko dati kaya kilala talaga ako.

"Tara na." Napalingon lahat kay Prinsepe Alixid nang magsalita siya.

"Ang mahal na Prinsepe. Magbigay galang tayo."

Nagsiyukuan sila at tumango naman ang Prinsepe sa kanila. Nawala ang nagtitipong mga tao at bumalik sa kani-kanilang mga gawain.

Lumingon sa akin ang Prinsepe at tinaasan ako ng kilay. "Narinig mo sinabi ko?"

"Oo. Di naman ako bingi." Tinalikuran niya ako at napanguso na lamang ako. Ang sungit niya talaga.

"Tama na ang titig baka matunaw at mainlove ka pa." Binalingan ko ng tingin si Vesiana at nangunot ang noo ng makitang ngumisi sina Nathe at Zack sa tabi niya.

"May sinasabi ka Vesiana?"

"Wala a." Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Kanina pa siya pabulong bulong diyan di man lang lakasan nang maintindihan ko. Tsk.

Ang weird niya talaga.

*****

Ilang chapters pa bago mabubunyag ang totoong pagkatao ni Flaire. Kung bakit pinamagatang Scarlet Princess ang storyang ito. I hope na hanggang dulo ay patuloy nyong suportahan ang kwentong ito.

Pasensya na kung natagalan bago nakapag-update ulit. Pero nagpapasalamat ako at umabot na ng 18k reads at dumadami din ang followers ko. Salamat po sa inyo.

-btgkoorin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top