Kabanata 1

[FLAIRE]

"Fhaire pigilan mo ako magpapakamatay ako huhu"

"Ate para kang sira. Umayos ka nga tandain ka na eh"

Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik sa pagkakahiga sa may kama ko. Sa gilid ng kama ay nakahanda ang dalawang bagaheng dadalhin ko. Ngunit hindi pa ako handa.

"Ate 'dyan na nga yung sundo mo. Tumayo ka na dyan at baka galitan ka nina Ina"

"Oo na, oo na"

"Saka ayaw mo pa yun makikita mo na si Prinsepe Acnus"

"Paano mo nalaman?"

"Ate naman tingnan mo nga yung laman ng kabinet mo puro larawan ni Prinsepe Acnus, maski ang kwaderno mo ay puno ng pangalan ng mahal na prinsepe. Kulang na lang ay punuin mo ng larawan itong kwarto mo niya" Kahit ganito ako pinangarap ko pa rin ang unang prinsepe noh!

"Kung pwedi lang---si Ina kasi"

Tumayo na ako at binuhat ang dalawang bagahe sa magkabilang kamay. Una akong lumabas bago siya kaya siya na rin ang nagsara ng pintuan ng kwarto ko.

Mamimiss ko ang kwarto ko. Kailan kaya ulit ako makakabalik dito ah?

Pagdating sa labas ng mansyon ay may kalesang naghihintay sa labas ng gate. Pumunta ako dun at saka ko lamang napansin na nandun sina ama, ina at ang bunso kong kapatid.

"Mag-ingat ka dun Flaire. Gawin mo ang nakaatang sayong responsibilidad. Malaki ka na at alam mo na ang mga bagay na dapat mong gawin. At iwasan mo ang pagiging sakit ng ulo. Maligayang kaarawan anak" naluluhang sambit ni Ina at niyakap ako. Naluha tuloy ako. Minsan talaga si ina may topak, minsan mabait minsan hindi.

"Umayos ka anak. Wag kang papayag na may sumakit sayo, isa kang Daverson. Maligayang kaarawan din" yumakap din si Ama sa amin ni Ina. Ganun din si bunso at si Fhaire.

"Mamimiss ko kayo Ina, ama, bunso at Fhaire. Aalis na ako"

Kinarga ang bagahe ko sa kalesa at sumunod na rin ako sa pag-akyat. Kumuway lang ako sa kanila at ganun din sila sa akin.

Pero maiiwasan ko kaya ang magiging sakit sa ulo tulad ng sabi ni Ina? Malabo haha.

Sa buong biyahe ay nakapangalumbaba lang ako sa bintana at nakatingin sa palasyo.

Pagdaan namin sa bayan ay halos nasa kalesang kinalalagyan ko ang paningin at sa akin. Napapaatras pa ang iba at ang iba naman na kababaihan na hindi pinagpala tulad ko ay puno ng inggit habang nakatingin sa akin. May kakilala naman akong kinakawayan ko habang nakangiti, yung mga magulang na minsan ko nang tinulungan sa kanilang gawain. Nginisian ko naman ang mga nakikita kong naging kalaban ko. Mainggit kayo! Haha

Malamang na kakalat na naman sa bayan ang pagpasok ko sa palasyo at maraming matutuwa dahil hindi na ako makapanggulo sa kanila. Mamimiss rin nila ako, sigurado.

Pagkadating sa gate ng palasyo ay pinapasok ang kalesang sinasakyan ko at ibinaba ako sa may daan. Ibinaba rin ang mga bagahe ko. Ngayon, ako na lamang mag-isa dito nakatayo sa may tabi ng daan.

Kung tama ako, dito ako sa may loob ng palasyo pero hindi pa sa mismong parte kung saan matatagpuan ang mga silid ng mahahalagang tao ng palasyo. Dito ako sa parte kung saan makikita ang mga silid para sa mga estudyante. O ang tinatawag nilang Parte de Studya.

Ang lawak talaga. Woah gusto ko na dito. Malawak ng damuhan at fountain sa pinakagitna na may simbolo ng kaharian. Lumiliyab na buwan.

May mga dumadaan na estudyante na suot ang parehong disenyo ng uniporme pero magkaiba ang kulay at base sa angkang kinabibilangan.

Saka ko pa makukuha ang akin. Na-e-excite tuloy akong suutin ang uniporme ko.

Kanina pa ako nakatayo dito at wala man lang estudyante ang gusto akong lapitan at ituro kung saan dapat ako pumunta. Tinitingnan lang nila ako.

Ang susungit. Di naman kagandahan naku.

Bakit wala akong makitang pula nang may ka-angkan din ako dito. Nangangalay na ang mga paa ko eh. Di ba nila alam guardian ako ng masungit na prinsepe.

Nawala ako sa balanse nang may tumulak sa akin mula sa likod kaya nadapa ako. Nilingon ko ang gumawa nito at nakita ko ang pagtawa nila. Mga mula sa angkan ng Dilaw na apoy.

"Iyan ba si Flaire yung Sakit sa ulo ng mga Daverson? Bakit ang lampa naman?"

Lumakas pa ang tawanan nila kaya nakuha nila ang atensyon ng mga estudyante. May ibang tumatawa na rin.

Naiinis naman akong tumayo at hinarap sila.

Problema nila sa akin? Gusto rin ba nilang maging sakit ng ulo nila ako? Pwes ibibigay ko sa kanila.

Ina, Ama patawad pagtapos nito magpapakabait na ako. Pero hindi ako mangangako.

Tinulak ko rin ang tumulak sa akin. Sa lakas ko ay tatlo silang tiyaya sa lupa.

"Lampa pala ha! Tah masarap bang tulakin ng hindi alam?"

Sinamaan nila ako ng tingin at sabay silang tumayo. Sabay din silang nagpalabas ng apoy sa magkabila nilang kamay.

Jusko naman pati ba naman dito habulin ako ng gulo!

Tinira nila ito sa akin at agad akong pinalibutan ng dilaw na apoy. Mas lalo tuloy dumami ang nanonood sa amin. Hindi man lang ba sila tatawag ng guro?

"Hanggang saan ang yabang mo Bitch?"

Minamaliit yata ako ng mga Dilawan na'to ah.

Umikot ang paningin ko nang mahagip ko ang papalapit na unang prinsepe. Pagkakataon nga naman oh magiging knight in shining armor ko pa ang mahal kong prinsepe.

Pinabayaan ko ang tawanan nila at pangtutukso nila sa akin. Kailangang lumalabas na kawawa ako dito kahit na kaya ko silang patulan.

"Anong kaguluhan ito?"

Natahimik lahat dahil sa boses na iyon. Puno ng awtoridad na kailangang dapat sundin kundi mapaparusahan.

Hinarap ko ito at ganun na lamang ang pagsimangot ko nang isang prinsepe mula sa kawalan este pangalawang prinsepe ang nakita ko.

Nawala ang apoy na nakapalibot sa akin. Nawala na rin ang paawa effect ko na napalitan ng busangot. Mas lalong tumulis ang nguso ko nang lumampas lang ang mahal kong prinsepe.

Ni-titig wala man lang binigay. Kahit ngiti wala. Mahal ko winasak mo ang puso ko. Hindi! Hindi niya lang talaga ako napansin dahil sa mga pader na nakapalibot sa akin. Ang kakapal kasi ng mukha tuloy di ako nakita.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Mag-si-alis kayo!"

Mabilis na nawala ang mga pader na nakapalibot sa akin at natira na lamang si Prinsepe Alixid at ang dalawa niyang bantay? Ang gwapo naman nilang bantay.

Nung namukhaan na ako ng dalawa ay agad itong lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Iniyakan mo siguro si Tita at Tito kaya napasok ka dito"

"Gusto mo sapak Zack?"

"Kilala mo kung sino ang babantayan mo? Sinabi ba ni Tita at Tito?" nilingon ko si Nathe.

"Nakakapagtakang hindi mo sila pinatulan ha?" bumusangot ako ng maalala na naman ang pagdaan lang ng Prinsepeng dahilan ng pagpunta ko dito.

"Nakita niyo ba sina Ate Fanria at Kuya Francis?"

"Bukas pa ang balik nila mula sa pinuntahan e." tumango ako sa kanila. Akala ko nga ay sila ang susundo sa akin pero gulo pala ang sumundo.

Inalis ko ang mga braso nila at pinuntahan ang bagahe ko at hinila. Napatingin sila sa akin at agad na lumapit sa akin saka kinuha ang bagahe. Tig-isa sila ni Zack at Nathe.

Si Zack Drevor at Nathe Haminez ay mula sa angkan ng Asul na apoy. Magka-mag-anak sila ng pamilyang Avelarzon o ang pamilya ng royal family. Si Prinsepe Acnus at Prinsepe Alixid ay mga Avelarzon.

Napatingin ako kay Prinsepe Alixid na nauna sa paglakad. Alam kaya niyang ako ang tagapagbantay niya?

"Flaire sino nga ang babantayan mo? Ako ba o si Zack?" tinaasan ko ng kamao si Nathe sa sinabi niya. Dati na nilang gusto na ako ang tagapagbantay nila dahil kakawawain daw nila ako bilang ganti sa mga ginawa kong kalokohan sa kanila. Mga kalaro ko sila dati pero nang pumasok sila sa palasyo ay ako na lang naiwan mag-isa. Sampong taon sila ng pumasok sa Paaralan sa Palasyo pero nagkikita rin naman kami kapag hindi sila abala sa paaralan. Magkasing edad lang kami pero mas matangkad sila sa akin. Ganun din ang ikalawang Prinsepe. Malapit na nga pala ang kaarawan ng unang prinsepe. Tigil! Huminahon ka Flaire, hindi ka niya pinansin kanina kaya kalimutan mo muna siya kahit ngayon lang. Nilingon ko ang dalawa.

"Baka nakakalimutan niyong isa akong Daverson. Ako ang pumili ng babantayan ko at hindi kayo yun?"

"Totoo?"

"Biro lang. Kahapon lang sinabi ni Ina at Ama kung sino ang babantayan ko."

"Sino naman? Wag mong sabihing si Prinsepe Alixid. Naku mas malala pa yan sa amin" napangiwi ako sa sinabi ni Zack.

Huminto kami sa isang malaking tarangkahan. Sa likod nito ay ang kinaroroonan na ng mahal na hari at reyna. Umangat ako ng tingin sa karatula na nasa itaas at nabasa ang mga salitang 'Parte de Azul'. Parte de Azul ang tawag sa parte kung saan banda ang main part ng palasyo at kinaroroonan ng mga royal blood. Parte de Studya naman ang tawag sa parte kung saan naroon ang paaralan. Nung bumukas ito ay tumuloy kami sa paglakad. Kahit kinakabahan ay hindi ako huminto sa paglakad.

Natural na sa kanila ako didiretso dahil sila ang pumili sa akin para bantayan ang isa nilang anak. Hindi man si Prinsepe Acnus ayos na rin, pwedi na rin si Prinsepe Alixid.

Mula sa gilid ng malaking pinto ay itinabi ng dalawa ang mga bagahe ko at nagpaalam na may pupuntahan. Pagkakita sa Mahal na Hari at Reyna ay agad akong yumuko.

Pareho itong nakaupo sa isang sofa at umiinom ng tsaa habang nakatanaw sa labas ng salaming pinto.

Bumaling ito sa amin at hindi ko maiwasang kabahan at panayuan ng balahibo. Kakaiba talaga ang presensya ng pamilyang Avelarzon wala kang magagawa kundi ang yumuko ng ulo at magbigay galang. Presensya pa lang nila ay nakakapanghina na.

"Ikaw ba si Flaire Daverson?"

Umangat ako ng tingin sa Mahal na reyna at tumango.

"Ako nga po. Ikinagagalak ko pong makita kayo Mahal na Hari at Mahal na Reyna." tumango sila.

"Hiniling ko na agad na makapunta ang napili ko para magiging tagapagbantay ng aking anak pero hindi ko inaasahang nandito ka na agad. Kaarawan mo ngayon hindi ba. Bakit hindi ka sumabay sa amin mamaya sa hapunan." napayuko ako sa hiya. Nakakahiya.

Tumawa ito na siyang mas lalo kong ikinahiya. Gusto ko nang lamunin ako ng sahig. Si ina at ama kasi excited hindi muna pinalipas ang kaarawan ko bago pinapunta rito. Nakakahiya namang sumabay kumain sa kanila.

"Iha alam kong alam mo na kung sino ang babantayan mo diba. Anak lumapit ka rito"

Napatingin ako kay Prinsepe Alixid na tahimik na sumunod sa ina. Lumapit ito sa kanya at humarap sa akin.

"Ikaw ang napili namin para bantayan siya. At bago ka maging opisyal na tagapagbantay ng anak ko ay kailangan mo munang dumaan sa proseso." tumango ako.

"Maari ka nang pumunta sa iyong kwarto at aasahan ka namin sa hapunan." ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako.

"Salamat po."

"Anak bakit hindi mo samahan siya sa kwarto niya." tugon ng Mahal na Hari na ikinagulat ko. Pwedi namang ako na lang mag-isa.

"Tsk." lumabas ito at iniwan kami. Sungit talaga.

"Iha, gusto ko sana'y pag-aralan mo ang ugali ng anak ko. Hindi siya madali pakisamahan dahil tahimik at masungit ito. Pero umaasa akong magkakasundo kayo kapag naging tuluyan ka nang tagapangalaga nito. Maliban sa pagbantay ay alagaan mo rin sana siya. Abala kami sa maraming bagay kaya hindi namin siya maharap minsan. Sana punan mo ang pagkukulang namin."

"Opo. Gagawin ko po. Makakaasa po kayong naroon ako sa hapunan. Maraming salamat po."

"Maligayang kaarawan, Flaire." tumango ako at ngumiti.

Pagkalabas ko sa pinto ay napahinga ako ng malalim. Hindi ako sanay sa mabibigat na presensya. Paano lang kaya kapag talagang kasama ko na ang Prinsepe. Oo nga pala sasabay ako sa kanila sa hapunan.

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Makikita ko at makakasabay sa hapunan si Prinsepe Acnus.

"Tatayo ka na lang ba at ngingiti nang parang tanga?" agad nawala ang ngiti ko at bumaling sa lalaking nakasandal sa gilid. Masungit itong tumingin sa akin bago umalis sa pagkakasandal at naunang lumakad.

Tanga daw. Bwesit eh. Naka Mahal na Reyna sana matagalan ko ang ugali ng bunso niyong anak.

"Sumunod ka"

Nakabusangot kong hinila ang dalawa kong bagahe at sumunod sa kanya. Nakailang liko kami ng pasilyo bago kami huminto sa isang pinto.

Nangangalay ko namang binitawan ang dalawang bagahe.

"Ito ang kwarto mo at ang kabilang pinto ay ang akin." aniya at umalis na. Pumasok siya sa sinabi niyang pinto.

Bakit ganun siya huhu?

Binuksan ko ang pinto at ipinasok ang dalawang bagahe. Tumambad sa akin ang malawak na kwarto. Agad akong humiga sa malaki at malambot na kama.

'Maliban sa pagbantay ay alagaan mo rin sana siya. Abala kami sa maraming bagay kaya hindi namin siya maharap minsan. Sana punan mo ang pagkukulang namin.'

Kaya ba ganun ang ugali ng Prinsepeng iyon? Kaya ba siya masungit kasi kulang siya sa atensyon?

Piling ko mas dapat ko siyang bigyan ng pansin. Bakit kasi nakakaawa ang lalaking iyon?

***
*Alixid na po ang pangalan ng ikalawang prinsepe.

-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top