Author's Note
Sa wakaaaaas!!! Natapos ko na din ang unang serye ng Night Class. Tapos na ang kwento ni Echo at alam kong marami sa inyo ang hindi nagustuhan ang ending, but still, alam kong may mapupulot kayong aral sa kwentong ito.
Ilang gabi ko ring pinagpuyatan ang kwentong ito at kahit cliche siya ay sobrang nahirapan pa rin akong gumawa ng mga confrontation scenes. Ewan ko, hindi kasi ako mapakali kapag hindi ko naisulat ang kwentong ito. Pumasok na lang bigla sa isip ko na magsulat ng kwento kung saan hindi ideal man ang isang lalake. Realtalk tayo dito mga besh. Hahaha.
So, ayon nga. Tapos na ang unang serye ng Night Class at naka-post na ang ikalawang serye sa profile ko. Ang seryeng 'yon ay kwento naman ni Marife. Kilala niyo siya, 'di ba? 'Yung hindi nakakakilala sa kanya, ibig sabihin hindi kayo nagbasa nang maayos. Hahaha.
Remind ko lang kayo na ang seryeng ito ay kwento ng mga estudyante ng Night Class at si Echo ang inuna ko kasi gusto ko muna kayong saktan. Chos! Hindi ko sure kung lahat ng estudyante ng Night Class ay gagawan ko ng story kasi 30 silang lahat! Hindi active ang creative juices ko at nangangapa pa ako!
Sana basahin niyo ang series 2 para mas makilala niyo ang mga taga-Night Class at para malaman niyo ang kwento ni Marife. Remind ko na rin kayo na hindi porket tragic ang ending ng story ni Echo ay tragic na rin ang ibang susunod, hindi gano'n 'yon, besh! Pero asahan niyo na rin na sasaktan ko kayo sa bawat series na isusulat ko.*evil smile*
Oh siya. Sige. Dami pang kuda. See you sa Night Class Series 2: Chin up, Marife!
Pahabol:
Pwede niyong basahin ang mga series 2 kahit hindi niyo basahin itong una. Gets? Kbye.
~TheChaserMe (Ang dakilang habolera)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top