36. ECHO'S WISH

|36. Echo's wish|

Odette Marie "Dette" Ojera


Hindi ko inakala na mas magiging masaya pa pala ako mula nang magkita ulit kami ni Echo. Dalawang taon na mula nang magkabalikan kami at tumira kami ni Echo sa naiwang bahay ni Mama na malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya.

I decided to stop working since I found out that I was pregnant. Alam na ni Echo na buntis ako maliban sa pamilya namin. Well, si Tita Divina lang ang nakakaalam pero pinakiusapan ko siya na huwag sabihin kanila Papa.

I still remember Echo's face when I told him about my pregnancy, he was so...happy. Bawat araw na lumilipas, mas minamahal ko siya at mas sumasaya ako. At na-realize ko na natupad na pala lahat ng gusto ko, natupad lahat kahit hindi ako nagmadali, dahil alam kong planado lahat ng Dios ang lahat ng nangyayari sa'kin. Hindi niya hahayaan na mawala ako sa mundo nang hindi nahahanap ang kasiyahang nakatakda para sa akin.

"Bye, Ate Dette!" Nag-flying kiss si Serene bago nagpaalam sa'kin.

Binigay niya ang phone kay Papa kaya sa kaniya na naka-focus ang camera.

"I have to rest, Pa. Bye—"

"Your doctor called me yesterday," he cut me off with a serious tone. "You didn't show up."

I bit my lower lip while I was hugging my pillow and holding my phone with my other hand. "Y-Yeah. I wasn't feeling well yesterday." I closed my eyes as I took a deep breath. "I'm sorry, Pa."

"Hindi mo ugaling mag-skip ng schedule mo."

Bakas ang inis sa mukha niya habang nakaupo sa couch. Naririnig ko sa background ang tili ni Serene, mukhang naglalaro.

"May hindi ka sinasabi sa'kin."

"I'm tired, Pa," pagpapalusot ko. Ayoko nang magtanong siya nang magtanong.

"Tired from what? You went there in Bicol and lived with Echo. Iniwan mo ang trabaho mo dito sa Maynila kaya saan ka napagod?"

Tumawa ako saka bumangon para magpakita sa kaniya nang maayos.

"Bakit parang pinaparating mo na palamunin lang ako dito ni Echo? Excuse me, katulong ako ni Tita Divina sa pagma-manage ng Haven's Delight dito."

"What's the problem?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Pinaikot ko na lang ang mga mata ko. Sa kakulitan ni Papa ay alam kong hindi niya ako titigilan.

"Matagal ko nang napapansin, eh. Tuwing niyaya ka namin ng Tita Maris mo para umuwi rito, palagi kang tumatanggi. Ano bang nangyayari sa'yo?"

I took a deep breath and stared at his worried face through the screen. Balak ko naman talagang sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko pero gusto kong sabihin iyon kapag wala na silang ibang choice.

I cleared my throat. "I-I'm...pregnant, Pa."

His brows met immediately. "You're what?!"

"Nabingi, Pa? I said I'm pregnant. Malapit na ako manganak. Kaya ayokong magpakita kasi makikita niyo ang tiyan ko—"

"What the hell, Odette?!" Tumaas ang boses niya kaya natigilan ako. "Papatayin mo ba ang sarili mo?!"

"Pa, calm down—"

"How can I?! It's your life we're talking about here!" Bumaling siya sa yaya ni Serene. "Ipasok mo muna sa kwarto si Serene."

Maya-maya lang ay bumuntong-hininga si Papa habang minamasahe ang sariling ulo.

"Pa, huwag na kayong magalit sa'kin," malambing na sabi ko. "Alam ko ang ginagawa ko."

"You're doing this for him?" puno ng hinanakit ang boses na tanong niya. "Hindi mo ba kami ng naiisip? Ako, ang Tita Maris at Tita Divina mo, si Serene. Hindi ba sumagi sa isip mo kung anong mararamdaman namin dahil sa ginagawa mo?"

Napaiwas ako ng tingin. Nag-iinit ang mga mata ko. "Mahal ko kayong lahat, Pa. Alam niyo 'yan. At wala na akong mahihiling pa dahil binigay na ng Dios sa akin ang mga bagay na deserve ko. Kayong pamilya ko, 'yung pagmamahal niyo at si Echo..."

"Hindi mo alam 'yang sinasabi mo—"

"Wala na kayong magagawa, Pa. Nandito na 'to. Tanggapin niyo na lang," mariing pakiusap ko.

"Kaya pala..." Pumeke siya ng tawa. "Kaya pala ayaw mong magpakita kasi may laman na 'yang tiyan mo. Alam ba 'to ng Tita Divina mo?"

Tumango ako bilang sagot. "Ako mismo ang nakiusap na huwag sabihin sa inyo."

"Alam niya ba na hindi ka pwedeng magbuntis?!" Tumaas ulit ang boses niya. "Anak naman! Bakit ka ganyan? Nagdesisyon ka nang wala kaming kaalam-alam! Pamilya mo kami, dapat alam namin 'yan!"

"Kasi alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo, Pa," naiiyak na sagot ko. "I'm sorry. Please stop worrying about me. Kaya ko 'to."

"Kaya mo? Tumanggi ka na magpaopera noon dahil hindi ka sigurado kung makakaya mo! Pero sa ginagawa mo, mas malala pa ang pwedeng mangyari sa'yo! Para mo na ring pinatay ang sarili mo, anak!"

My lips curved into a sweet smile while I was staring at his frustrated face. My tears were running down my cheeks silently as I held my tummy.

"But he's worth sacrificing for."

Napailing si Papa at hinilamos ang isang kamay sa mukha. "Hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo."

"Ibigay niyo na sa'kin 'to, Pa," pakiusap ko. "Please..."

"I will go there."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "W-What? It's already half past 11!"

"Kakausapin kita at si Echo," determinadong sabi niya bago pinatay ang tawag.

Nataranta kaagad ako at tumayo para tawagan siya ulit. He wasn't answering!

Napahawak ako sa tiyan ko dahil nakaramdam ako ng paghilab.

"M-Manang Rosie!" sigaw ko.

Palakas nang palakas ang paghilab ng tiyan ko. Umupo ulit ako sa kama habang nakangiwi. Hindi pa umuuwi si Echo. Hindi ko alam kung may overtime siya or what. Hindi naman siya nali-late dati sa pag-uwi, eh. Ngayon lang talaga.

"Manaaaaang!!!"

Dahil sa lakas ng sigaw ko ay maging ako ay nabingi. Bumagsak ang hawak kong phone sa sahig at hindi ko na rin alam kung saan ako hahawak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napapikit na lang ako at napahawak sa bedsheet.

"Dios ko, Odette!"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang yabag papunta sa'kin. Hindi ko man nakita ay alam kong si Manang Rosie iyon lalo na nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Anong nangyari sa'yo?!"

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Manang Rosie.

"Anong nararamdaman mo, ha? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.

"T-Tawagan mo si Echo, Manang..."

"Sandali, nasaan 'yung cellphone mo—" Tumigil din siya sa pagsasalita nang makita niya ang cellphone ko sa sahig. Pinulot niya iyon at maya-maya lang ay tinatawagan niya na si Echo.

Butil-butil na ang pawis sa noo ko at nagsisimula na ring sumakit ang batok ko kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung paanong hihinga nang maayos at napakapit na lang ako sa suot na damit ni Manang Rosie.

"H-Hello, Echo—" Inagaw ko kay Manang Rosie ang phone ko para ako ang kumausap kay Echo.

"N-Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay! Bakit hindi ka pa umuuwi?!" Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses dahil sa halo-halong sakit na nararamdaman ko.

"M-Mahal, bukas na tayo mag-usap please. Magpahinga ka na," sagot niya sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko dahil parang balisa siya.

"May babae ka ba, ha?! Bakit hindi ka pa umuuwi?! Sagutin mo naman ang tanong ko!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na paghinalaan siya. Dala na rin siguro ng pananakit ng tiyan at batok ko ay hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.

"Umuwi ka na!"

"Pwede ba, Dette?! Bukas na tayo mag-usap! Wala akong oras sa mga hinala mo!" Pagkatapos niyang magsalita ay pinatay niya na ang tawag.

"E-EchoAhhh!" Muli kong naramdaman ang matinding paghihilab ng tiyan ko. "M-Manang, manganganak na yata ako!"

"D-Dios ko!" Nataranta kaagad si Manang Rosie. "S-Sandali lang. Tatawagin ko lang ang driver, ha?! Dito ka lang!"

Hindi na ako nakasagot dahil kinagat ko na nang mariin ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sumigaw nang malakas. Sobrang sakit na talaga! Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang sakit!

Nang makaalis si Manang Rosie ay inabot ko ang rosaryo na nasa side table ko. Pinaloob ko iyon sa palad ko at pumikit nang mariin.

"D-Dios ko, okay lang sa'kin ang mahirapan ako nang ganito..." Suminghap ako para sumagap ng hangin. "H-Huwag niyo lang pong pababayaan ang baby ko. Maging safe sana ang paglabas niya."

Humawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang pagputok ng panubigan ko.

"K-Kayo na po ang bahala sa'kin..."

***





Gericho "Echo" Escobar


"Appendicitis," umiiyak na sabi ni Gia habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ko.

Hinagod ko ang likod niya at tiningnan si Mama at Papa maging si Gian na nakaupo sa bench na kaharap ng operating room. Pare-pareho silang tahimik na umiiyak at ako lang yata ang hindi.

Kanina pa dapat ako umuwi kay Dette, eh. Pero nang mabalitaan ko ang nangyari sa pamangkin ko na si Grey ay halos paliparin ko ang motor ko papunta sa ospital.

"H-Hindi ko kayang maglibing ng anak, Kuya...Hindi ko kaya..." umiiyak na sabi ni Gia.

"Hindi mamamatay si Grey, okay?" pagpapalakas ko ng loob niya kahit maging ako ay malapit nang bumigay.

Pero kailangan ako ni Gia kaya pinipigilan ko ang sarili ko na huwag maging emosyonal.

"Kaya mo 'yan."

"Wala naman akong pinakain na masama sa kaniya, eh. Bakit biglang nagkagano'n? Bakit halos mamatay na siya sa sakit kanina? Bakit?!"

"Inooperahan na siya ng mga doktor," malumanay na sambit ko. "Matapang ang anak mo. Kaya niya 'yon."

Pumutok na ang appendix ni Grey kaya kinailangang operahan, kung hindi ay baka mamatay siya nang wala sa oras. Mabuti na lang talaga at naisugod kaagad siya sa ospital. Kaya hindi ko masisisi si Gia kung bakit nagwawala siya ngayon. Kung anak ko rin lang ang nasa sitwasyon ni Grey ay hindi lang pagwawala ang gagawin ko, baka mag-amok pa ako ng mga doktor para lang buhayin ang anak ko.

"I-Iniisip ko pa lang na mawawala ang anak ko, parang hindi ko na kakayanin, Kuya. Ayokong mamatay siya, ayoko!"

"Hindi siya mamamatay. Hindi siya mamamatay," paulit-ulit na sambit ko para lang kumalma siya.

Maya-maya ay tumunog ulit ang phone ko kaya wala akong nagawa kung hindi bitawan muna si Gia. Pinapunta ko muna siya kanila Papa.

Nang makita kong si Dette ulit ang tumatawag ay napabuntong-hininga na lang ako. Kapag sinagot ko 'yon ay paniguradong tatalakan niya lang ako.

Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ang nangyari sa pamangkin ko ay ginawa ko na pero hindi pwede dahil maselan ang pagbubuntis niya. Ayoko siyang ma-stress lalo pa't alam kong malapit na rin ang loob niya sa pamangkin ko.

Hindi ko sinagot ang tawag dahil ayokong mag-away kami. Uuwi rin naman ako mamaya, eh. At alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Manang Rosie.

Tumunog ulit ang phone ko at papatayin ko ulit sana ang tawag pero nakita kong si Tadeo iyon. Napabuntong-hininga ako at sinagot ko iyon.

"Ano, men? Kamusta pamangkin mo?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Critical, men." Pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon. "Tangina, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa batang 'yon."

"Uuwi ako diyan bukas," seryosong sabi niya. "Paniguradong hirap na hirap ka sa sitwasyon mo ngayon. Ano na nangyari kay Dette? Sino ang una mong pinuntahan? Pamangkin mo o si Dette?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"N-Nasa bahay si Dette. Anong pinagsasabi mo?"

"Hala, gagi!" Tumaas ang boses niya. "Tangina ka, hindi mo alam?!"

Nakaramdam ako ng kakaibang alon sa dibdib ko nang marinig ang tono ng pananalita ni Tadeo, parang kinabahan kaagad ako.

"Pinagtitripan mo ba 'ko? Hindi ako natutuwa sa'yo, gago."

"Gago ka! Magkausap kami kanina ni Tonette. Dis oras ng gabi tumawag 'yung mommy niya. Nasa ospital daw si Dette kasi manganganak na! Wala nga siyang ideya na buntis si Dette, eh! Nagpahatid kaagad siya sa driver niya para makauwi siya diyan. Gusto ko sanang sumama pero mag—"

"Putangina," anas ko nang maalala na tumawag pala ulit si Dette kanina pero pinatay ko lang.

Hindi ko na pinatapos si Tadeo sa pagsasalita para makapagpaalam kaagad ako kanila Gia.

"Babalik ako, ha? Manganganak na kasi si Dette."

"Ano?" Kumunot ang noo ni Mama. "Buntis si Dette?"

"M-Mahabang kwento, Ma. Ipapaliwanag ko na lang sa inyo pagbalik ko. Balitaan niyo ako kay Grey, ha?" Halos magkanda-utal na ako dahil sa pagkataranta.

Malalaki ang hakbang ko habang palalabas ako ng ospital bitbit ang susi ng motor ko. Nanginginig ang buong katawan ko.

Muling tumunog ang cellphone ko at sinagot ko kaagad iyon nang makitang  pangalan ni Dette ang tumatawag.

"Echo! Dios ko! Salamat at sumagot ka!" umiiyak na bungad ni Manang Rosie.

"P-Pasensya na, Manang. Hindi ko sinagot kaagad. Papunta na 'ko diyan, kamusta si Dette? Saang ospital siya dinala?"

"Dios ko, delikado ang buhay niya!" Nag-umpisa siyang umiyak nang mas malakas kaya mas lalo akong kinabahan.

"Anong sinasabi mo, Manang?!" Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses. 

"Kinausap kasi ako ni Dette na huwag kong sabihin sa'yo ang tungkol sa kondisyon niya. Ilang beses namin siyang pinagsabihan ni Divina pero matigas ang ulo niya, eh! Ginagawa niya raw 'yon para mapasaya ka!"

Nakarating na ako ng parking area ng ospital at napasabunot ako sa ulo ko. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya!

"Ano ba, Manang! Diretsahin mo na nga ako! Ano bang kondisyon ang sinasabi mo?! Anong mayroon kay Dette na hindi ko alam?!"

"May butas ang puso niya!" pasigaw na sagot niya dahilan para matigilan ako. "Kaya ako ang sinasama niya tuwing check-up niya sa OB kasi ayaw niyang malaman mo ang kondisyon ng puso niya! Ang sabi niya, kapag nalaman mo raw ang sakit niya, baka hindi ka pumayag na magbuntis siya. Hindi niya raw  maibibigay ang anak na gusto mo!"

Pakiramdam ko ay sinapok ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko. Napatulala na lang ako at parang ayaw mag-sink in ng mga sinabi niya sa utak ko.

Sakit sa puso? May butas? Anong kalokohan 'to?! Bakit kailangan niyang itago? Hindi ko maintindihan!

"Critical na ang lagay niya! Pumunta ka na dito!"

"Tangina, anong critical?!" Halos magwala na ako habang sinasabunutan ko ang sarili kong buhok. "Ano na bang nangyayari?!"

Hindi na nagawang makasagot ni Manang Rosie at tanging hagulhol na lang ang naririnig ko. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Sumakay kaagad ako sa motor ko at halos paliparin ko iyon para lang makarating kaagad ako.

Dahil sa bilis ng pagmamaneho ko ay nakarating kaagad ako sa ospital na tinext sa'kin ni Manang Rosie. Naabutan ko si Manang Rosie, Tita Divina at si Mccoy sa harap ng operating room.

Umiiyak si Tita Divina habang nakayakap kay Manang Rosie habang si Mccoy naman ay nakasandig sa pader at nakayuko. Hindi ko alam kung umiiyak siya.

"Kamusta siya?" hinihingal na untag ko sa kanilang tatlo.

Si Tita Divina ang unang lumingon sa akin at nakita ko kaagad ang pagdaan ng galit sa luhaan niyang mga mata.

"You!" Sinugod niya ako at dinuro sa mukha. "Kasalanan mo 'to, eh! You made her pregnant without knowing her heart condition!"

"Ma'am Divina, wala siyang kasalanan!" Inawat kaagad siya ni Manang Rosie. "Kagustuhan 'to ni Dette. Siya ang nagdesisyon na huwag sabihin kay Echo ang sakit niya."

Hindi sumagot si Tita Divina at humagulhol lang sa harap ko. Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa kalagayan ni Dette at hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko.

"P-Patawarin niyo 'ko..." Walang awat sa pagpadaloy ang mga luha ko. "H-Hindi ko alam... K-Kung alam ko lang—"

"Paanong hindi mo nalaman 'yon?!"

Namalayan ko na lang na nakasandig na ako sa pader habang hawak ni Mccoy nang mahigpit ang kwelyo ko. Magkadikit ang mga labi niya at kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya habang matalim ang tingin sa'kin.

"Girlfriend mo siya! Dapat alam mo ang lahat ng tungkol sa kaniya!"

Umiwas ako ng tingin habang tahimik na umiiyak. Naiintindihan ko naman ang mga galit nila. Nagkulang na naman ako bilang boyfriend ni Dette. Dapat inalam ko ang kalagayan ng puso niya bago ko siya binuntis.

Tangina, wala akong kwenta.

"Kaya pala ayaw magpakita ni Dette! Kasi ayaw niyang malaman namin na buntis siya! Dapat inalam mong may sakit siya, eh! Sana iniwasan mo!"

Inalala ko ang araw na sinabi sa'kin ni Dette na buntis siya. Pinigilan niya ako na sabihin sa mga kaibigan namin at sa pamilya namin ang tungkol doon. Tinanong ko siya kung bakit pero dinahilan niya lang na gusto niyang i-surprise ang mga ito. Dapat noon pa lang ay nagtaka na ako, dapat noon pa lang ay inalam ko na ang totoo. Masyado kasi akong masaya kaya hindi na ako nagpumilit pa, masyado akong masaya na magkakaanak na kami. Pero hindi ko alam na siya naman ang magiging kapalit.

Lumuwag ang pagkakahawak ni Mccoy sa kwelyo ko at yumuko. Doon ko nakita ang pagyugyog ng balikat niya.

"H-Hindi ito ang unang beses na natakot akong iwan ng babaeng mahalaga sa'kin," humahagulhol na sambit niya. "Pero 'yung sakit, gano'n pa rin. Tangina..."

Inilayo na rin siya sa'kin ni Manang Rosie at napadausdos na lang ako sa pader bago tuluyang napaupo sa sahig.

"D-Dios ko, huwag muna. Huwag muna, parang-awa niyo na," nakapikit na sambit ko habang nakapatong ang mga braso ko sa dalawang tuhod ko.

Nakaramdam ako ng lamig sa gulugod ko at dahil doon ay napadilat ako. Nakita ko ang paglabas ng doctor mula sa operating room. Nilapitan kaagad siya ni Tita Divina at Manang Rosie habang kaming dalawa ni Mccoy ay nanatili sa pwesto namin at pigil ang hiningang hinintay ang sasabihin niya.

"The baby...is safe."

Napatayo ako dahil sa sinabi ng doktor. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa binalita niya.

"But..." Sumikip ulit ang dibdib ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng doktor. "Odette didn't survive the operation. Sinubukan namin siyang iligtas pero hindi na kinaya ng puso niya, plus high blood pa siya kaya—"

"Sinungaling ka!" Sinugod ko siya at kwinelyuhan. "Sinungaling ka, doc! Buhay ang girlfriend ko! Buhay siya!"

"I'm sorry," malungkot na sabi ng doktor at saka inalis ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

Para akong nabingi. Para akong nawala sa sarili ko. Hindi ko na narinig nang malinaw ang malakas na pag-iyak ni Tita Divina at Manang Rosie.

Sana panaginip na lang 'to. Tangina, Dette. Panaginip lang 'to, 'di ba?! Makikita pa kita, makakasama pa kita!

"Before we proceeded to the operation, she kept on begging me to save her baby. Hindi bale na raw na mamatay siya, basta maligtas ang anak niya," pagpapatuloy ng doktor. "Sinubukan namin pero ang puso niya ang kusang sumuko. And I think, matagal na niyang alam na mangyayari 'to sa kaniya."

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi ng doktor. Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat. Ang paglilihim ni Dette sa pamilya niya tungkol sa pagbubuntis niya ay paraan niya para hindi siya mapigilan sa gusto niya. Na kahit buhay niya na ang nakasalalay ay tinanggap niya para lang mabigyan niya ako ng anak.

Muli akong napaupo sa sahig habang  patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

Bakit mo ginawa 'to, Dette? Bakit nagdesisyon ka nang hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabing may sakit ka? Binigyan mo nga ako ng anak...pero ikaw naman ang nawala. Hindi ko alam kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko ngayong wala ka na.

Mahal na mahal kita, Dette.





To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top