35. CLOSURE

|35. Closure|

Gericho "Echo" Escobar



"Seryoso?! Magdi-date kayo ni Dette?!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Tadeo mula sa kabilang linya.

"Oo nga," sagot ko habang lumilingon sa paligid ng mall. Hindi ko makita si Dette! "Hindi ko lang alam kung sisiputin niya ako."

"Yari tayo diyan." Tumawa si Tadeo.

"Tangina, ang lawak ng mall. Saan ko siya hahanapin dito?" inis na sabi ko.

"Langya, um-absent ka pa yata para lang diyan tapos hindi ka sisiputin? Pighati, men!" tumatawang pang-aasar niya.

"Sira, Linggo ngayon. Wala akong pasok."

Sumakay ako ng escalator papunta sa second floor. Habang paakyat ay panay ang linga ko sa paligid, umaasa na makikita ko si Dette. Pinagsisihan ko tuloy na hindi ko ibinigay ang number ko sa kaniya.

"Naks. Parang kailan lang ay iba-iba mga babaeng ka-date mo," pang-aasar ulit ni Tadeo.

"Manahimik ka nga. Kailan ba ako huling lumandi?" Natahimik siya sa kabilang linya na parang nag-iisip. "Oh, wala kang maalala? Kasi nga mahigit isang taon na 'kong walang kalandian. Mas focus ako ngayon sa trabaho ko at sa pagpapatayo ng bahay namin."

"Oo na, ikaw na ang maraming ipon."

"Sige na, sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo," inis na sabi ko. "Baka masesante ka at ako pa sisihin mo."

"Ulol. Ako ang boss dito."

"Ay talaga? Hindi halata," pang-aasar ko.

"Loko 'to, ah."

Inasar ko pa siya lalo hanggang sa mapikon siya at patayan ako ng tawag. Tatawa-tawang binulsa ko na lang ang cellphone ko.

"Nasaan na ba siya?" bulong ko habang panay ang linga sa paligid.

Nalibot ko na ang buong second floor pero hindi ko siya nakita. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Nag-ayos pa naman ako tapos 'di ka sisipot? Ayos mo, Odette."

Tumingala ako at hindi sinasadyang napatingin sa third floor kung saan naroon ang malaking signage ng food court. At sumagi bigla sa isip ko 'yung mga panahon na magkasama kami ni Dette at kumakain sa nadadaanan naming streetfoods.

Wala sa sariling napangiti ako at namalayan ko na lang na umakyat na ako ng third floor at umupo sa isa sa mahahabang upuan sa gitna na sakop ng malaking food court. Maraming food stalls sa gilid at marami ring kumakain, mas marami kaysa sa mamahaling restaurant na nandito sa loob ng mall.

"Hi, pogi!"

"Putang—" Napahawak ako sa dibdib ko dahil may biglang bumulong sa tenga ko mula sa likuran. "Dette!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dette na tatawa-tawa habang nakaturo sa mukha kong gulat na gulat. Gusto ko tuloy siyang sapakin...ng halik.

Tumayo ako at pinagmasdan ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng light blue off-shoulder top at ripped jeans na fit sa katawan niya. Iyong buhok niya ay naka-messy bun pero walang nakatusok na hairstick. Napatitig ako sa mukha niya na walang bahid ng kahit anong make-up. Parang nag-liptint lang siya at kaunting blush on para hindi siya magmukhang maputla.

"Ganda naman this girl," pagpuri ko na may halong pang-aasar. "Walang make-up! Pak na pak pa rin!"

Napakunot ang noo niya at hinampas ang balikat ko. "Parang kang bakla. Hindi bagay."

"Kiber! Wiz din kita type, 'te!" pagbibinakla ko.

Gusto ko lang siyang asarin para makalimutan ko ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko.

"Siraulo!" Hinila niya ang buhok ko sa sobrang panggigigil niya. "Nambola pa!"

"Balls? Mayroon akong dalawang balls pero—"

"Dugyot mo!" Hinampas niya ulit ako sa balikat, pikon na pikon na. "Sana hindi na lang ako pumunta dito! Bakla ka!"

"Bakla..." Pumeke ako ng tawa bago siya ninakawan ng halik sa labi.

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan dahil sa ginawa ko.

"May bakla bang nanghahalik?"

Sinampal niya ang pisngi ko pero mahina lang. "Take-advantager!"

"Pft—" Pinigilan ko ang matawa dahil sa sinabi niya. "Take-advantager, amp."

"Alam mo na meaning n'on!" Inirapan niya ako.

"Hoy, Miss Ojera..." Pabiro kong dinuro ang mukha niya pero kinagat niya lang iyon kaya napangiwi ako at ibinaba na lang. "Ipapaalala ko lang sa'yo 'yung ginawa mo kahapon. Hinalikan mo 'ko kahit hindi tayo."

"Eh di tayo na! Problema ba 'yon?!" Inirapan niya ulit ako bago ako tinalikuran.

"Oy, teka! Saan ka pupunta?!" Hinabol ko siya.

"Aalis na lang ako! Inaasar mo 'ko, eh!"

"Joke lang! 'Eto naman!" Tumawa ako at humarang sa dinaraanan niya kaya natigil siya sa paglalakad. "Pero sure ka? Tayo na ulit?" Ngumisi ako nang nakakaloko.

Pinagkrus niya ang mga braso niya at tinaasan ako ng kilay. "Ang kapal naman ng mukha mo."

"Tangek, ikaw kaya ang unang nagsabi," pagpapaalala ko. "Sino sa'tin ang makapal ang mukha?"

"What's up with you? You like teasing me now, huh? May I remind you na kahapon lang tayo nagkita ulit." Tumingin siya sa ulo ko kung saan may benda pa rin ang gilid ng ulo ko.

"Alam ko naman 'yon." Namulsa ako at siningkitan nang kaunti ang mga mata ko. "Kaya kita inaasar kasi pinaghintay mo 'ko. Sabi mo 2 pm pero anong oras na?"

"Kanina pa 'ko dito," singhal niya. "Ala-una pa nga lang nandito na 'ko, eh."

Tinaasan ko siya ng kilay at muling ngumisi. "Excited ka naman yata masyado sa date natin."

Umirap siya. "Like I said, I don't like wasting my time. Kanina pa 'ko dito, alam mo ba? I thought you wouldn't come. Aalis na sana ako."

"Nahirapan ako sa paghahanap ko sa'yo," pabirong panunumbat ko.

Umismid siya. "Kilala mo na 'ko. Mas gusto kong kumain ng mga street foods kaya in-assume ko na alam mo kung saan ako hahanapin." Tinaas niya ang mga kamay na parang pinapakita ang buong paligid ng food court. "Here. In this place."

Napakamot ako sa batok ko. "Bakit hindi ka na lang nag-abogado? Ang hilig mong makipagdebate."

"You better—" Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang hintuturo ko.

"Shatap." Pabiro ko siyang inirapan.

"It's 'shut up'. Not shatap," pagtatama niya.

"Sounds like." Inismiran ko siya bago ko hinatak ang braso niya papunta sa isang food stall para bumili ng pagkain.

Maya-maya lang ay kumakain na kami sa isa sa mga mahahabang upuan na may mahabang mesa. Magkaharap kami kaya kitang-kita ko kung paanong sarap na sarap si Dette sa kinakain niyang kwek-kwek.

"Dahan-dahan," natatawang sabi ko at inabutan siya ng tissue. "Kalat mo kumain."

"I told you, I don't like waisting my time." Kinuha niya ang tissue na binigay ko at pinunasan ang gilid ng labi niya. "So, kamusta nga pala si Tadeo? I didn't saw him yesterday. Sa pagkakaalam ko, hindi kayo mapaghiwalay ni Tadeo. I was just wondering why he wasn't there when something bad happened to you."

"Nagtatrabaho siya sa Maynila. Loan Manager siya sa isang kompanya. Mas mataas ang sahod doon kaya ginusto niyang doon tumira," matinong sagot ko bago humigop ng softdrink. "Eh si Tonette? Nasaan na pala siya? Wala akong balita sa kaniya, ah."

"Nasa U.S. Babalik na rin siya dito pero hindi ko alam kung kailan," sagot niya. "How about your parents? Nakita ko kahapon kung gaano na kayo ka-close ng Papa mo. I'm happy for you." Ngumiti siya nang matamis, dahilan para kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko. Iba na talaga ang epekto sa akin ni Dette.

"May sarili na kaming pwesto sa palengke, binigyan ko sila ng puhunan mula nang matanggap ako sa isang construction firm. Sa awa ng Dios, naging maganda ang takbo ng tindahan at lumago nang lumago. Pinagtutulungan din naming tatlong magkakapatid ang pagpapagawa ng bagong bahay, bilang ganti man lang kay Mama at Papa na hindi kami pinabayaan sa pag-aaral."

Nang tingnan ko ulit si Dette ay nakita kong nakatitig lang siya sa'kin, bakas sa mga mata ang matinding paghanga.

"Crush mo na 'ko niyan?" mapang-asar na tanong ko habang hawak ang straw ng softdrink ko.

"I'm happy for you." Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko. "Si Gian at Gia? Kamusta naman sila?"

Ngumiti ako. "Okay naman. Si Gian isa nang bank teller. Si Gia naman, naghahanap pa ng experience. Chef assistant siya sa isang catering business."

"Wow..." Amused siyang napatango. "That's good to hear."

Dumukwang ako sa mesa para ilapit ang mukha ko sa mukha niya. Muntik niya nang mabitawan ang isang stick na may nakatuhog na dalawang kwek-kwek dahil sa gulat.

"Eh ako? Hindi mo ba ako kakamustahin?" Tinaas-baba ko ang mga kilay ko.

"Y-You're an Engineer," nauutal na sagot niya bago tinulak ang mukha ko kaya napaayos ako ng upo. "Papansin."

"Kamustahin mo ako, dali na," pangungulit ko pero nagbaba lang siya ng tingin.

"Ayoko. Baka may marinig ako na hindi magustuhan ng dalawa kong tenga." Ngumuso siya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa.

"Wala akong girlfriend," paglilinaw ko. "Ikaw ang huli kong naging girlfriend."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at pinandilatan ako. "Kalandian, marami?"

Doon ako hindi nakasagot. Ngumiti ako nang alanganin at mukhang na-gets niya kaagad dahil umirap siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Last year pa ako huling lumandi, huwag kang mag-alala."

"Paki ko?"

"Uy, kunwaring walang paki. Gusto rin naman malaman," pang-aasar ko.

"I just wanted to know kung nagbago ka na." Humina ang boses niya kaya napaseryoso tuloy ako. "Mukhang hindi pa pala."

Umayos ako ng upo at tumititig sa mukha niya. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko ay mag-eenjoy muna ako sa pagiging binata ko. Kasi alam kong isa 'yon sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakuntento sa'yo noon, dahil bata pa ako at marami pa akong gustong maranasan." Huminto ako saglit at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Pero tamang-tama lang ang pagkikita natin ulit. Kasi ngayon, handa na akong makuntento, handa na akong pumasok sa isang relasyon."

"Paano mo naman nasabi 'yan? Dahil ba nagsawa ka na sa pakikipaglandi?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Nagkibit-balikat ako. "Isa rin 'yon sa dahilan pero mas inisip ko ang trabaho at ang pamilya ko, kung paano ko matutulungan si Mama at Papa. At katulad ng sinabi ko, nagpapagawa kami ng bahay. Mas uunahin ko pa ba ang pakikipaglandi ko kaysa sa trabaho ko? Malapit na kaya akong ma-promote!"

Tumawa siya sa sinabi ko. "I already said these word but...I'm so proud of you. Kahit papaano, may magandang naidulot ang paghihiwalay natin noon."

Napaseryoso ulit ako kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako, tangina.

Gusto ko siyang tanungin kung napatawad niya na ako sa mga nagawa ko sa kaniya noon pero natatakot ako sa isasagot niya. Paano kung hindi pa?

"Nasaktan kita noon," mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya.

"But I became stronger." Ngumiti siya nang matamis at pinagsalikop ang dalawang palad namin na nakapatong sa mesa. "Iyong mga naranasan ko noon habang kasama kita ay ang naging rason kung bakit ako naging matatag. At marami rin akong natutunan."

Tumitig siya sa mga kamay namin na magkasalikop habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Hindi lahat ng bagay ay minamadali, dahil sa kakamadali kong maranasan ang mga bagay na gusto kong gawin ay nakakalimutan ko kung ano ang tama at mali. At bawat pagkakamaling nagawa ko noon ay maraming naapektuhan at nasaktan. Iyong pag-aaral nating dalawa, 'yung tingin sa ating ng mga tao at ang pamilya natin. Sila ang mas nasasaktan tuwing nakakagawa tayo ng mali."

Nagbaba ako ng tingin at inalala ang mga pinagdaanan namin noon. "Tama ka. At sa kaso ko, ikaw naman ang dahilan kung bakit nagawa kong makita ang halaga ng nararamdaman ng isang babaeng katulad mo." Tumawa ako para pigilan ang pag-iinit ng mga mata ko.

"Mapaglaro ako sa feelings ng mga babae noon pero hindi ko nakita kung paano sila nahirapan at nasaktan dahil sa'kin. Pero ikaw, nakita kitang umiyak, nakita kitang lumuhod sa harap ko para magmakaawa na tumigil na ako sa mga kagaguhan ko, nakita ko kung paano ka nahirapan. Tangina, kung hindi pa ginago si Gia ng nakabuntis sa kaniya ay hindi ko maiintindihan kung gaano kita nasaktan noon, eh."

"Wait." Tumitig siya sa'kin at pinahiran ang mga luha sa pisngi niya. Umiiyak na pala siya nang hindi ko namalayan. "Nabuntis si Gia?"

Tumango ako bilang sagot. "Oo. Pero buti na lang at hindi sumuko si Gia sa pag-aaral niya pagkatapos niyang manganak. Sinuportahan pa rin namin siya."

"Oh..." Napatango siya, bakas sa mukha ang tuwa. "I admired her for that. Katulad ko, hindi rin siya sumuko. Pero ang pinagkaiba lang namin ay nabuhay ang anak niya." Biglang lumungkot ang boses niya kaya napalunok ako at humugot ng malalim na hininga, pinipigilan ang maging emosyonal.

Tumitig ako sa kaniya at lakas-loob na nagtanong. "N-Napatawad mo na ba 'ko?"

Kitang-kita ko kung paano sumeryoso ang mukha niya dahil sa tanong ko pero ilang sandali pa ay ngumiti rin siya ulit.

Gusto kong marinig ang sagot niya ngayon. Kasi kung hindi ang sagot niya ay handa akong bumawi sa kaniya, handa akong magmakaawa para lang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa kaniya.

"O-Of course." Tumulo ang mga luha niya bagamat nakangiti pa rin. "Honestly, mahirap kalimutan ang mga nangyari noon. Pero bumangon ako at tinupad ang mga pangarap ko. And...look at you now. Kung hindi tayo naghiwalay noon, sa tingin mo ay magiging Engineer ka? Sa tingin mo maaabot mo ang mga pangarap mo kung hindi nangyari ang mga nangyari noon?"

Umiling ako. Tama siya. Kung nagsama pa rin kami noon, hindi sana ako nakapagtapos ng pag-aaral.

"M-Minahal kita noon, Dette," halos pabulong na sabi ko. Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng mga luha sa mga mata ko. "At mas minamahal kita ngayon."

"S-Sadyang hindi lang 'yon ang tamang panahon para sa ating dalawa. Sobra kong sinisi ang sarili ko noon, kaya mas pinili kong lumayo at huwag magpakita sa'yo kahit noong libing ng mama mo. Kasi pakiramdam ko, kasalanan ko lahat, eh. Wala akong mukhang maihaharap sa'yo. Nakunan ka dahil sa'kin, pinabayaan kita. Walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko sa'yo. Kasi kahit bali-baliktarin man ang mundo, nasaktan pa rin kita, Dette."

Ngumiti lang siya sa akin habang panay ang tulo ng mga luha sa pisngi niya. Kahit umiiyak ay nakikita ko sa mga mata niya ang kakaibang saya.

"G-Ganito pala ang feeling kapag nagkaroon kayo ng closure ng ex mo, 'no?" Tumawa siya at binitawan ang kamay ko para kumuha ng tissue at punasan ang mga luha niya.

Maya-maya ay tumitig ulit siya sa'kin at saka ngumiti nang malawak.

"Matagal na kitang pinatawad, Echo. At gusto kong malaman mo na 'yung pagmamahal ko para sa'yo..." Umiling siya nang paulit-ulit at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. "Hindi nawala 'yon. Akala ko nga wala na, eh. Pero nang makita kita kahapon, ayon bumalik! Magic, 'di ba?"

Nagtatalon sa tuwa ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Iyon ang gusto kong marinig mula sa kaniya, ang malaman na mahal niya pa rin ako. Hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon at parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa.

Dumukwang ako sa mesa at hinalikan siya sa labi. Medyo matagal iyon pero wala akong pakialaman kahit maraming makakita sa amin. Binitawan ko lang siya nang marinig ang pagtawa niya.

"Kilig na kilig?" pang-aasar ko sa kaniya.

Tumawa lang siya habang pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Ngayong may closure na tayo, handa ka na bang buksan ulit ang second chance nating dalawa?"

Ngumiti siya at pinatakan ng halik ang labi ko. "You mean, new beginning? New memories?"

Tumango ako bilang sagot. "Natupad ko na lahat ng pangarap ko, eh. Well, maliban sa bahay na pinapagawa namin pero yakang-yakang na 'yon." Kinuha ko ang kamay niya at masuyong hinalikan iyon. "Ikaw na lang ang kulang. At siempre 'yung magiging anak natin."

"What?" Tumawa siya at kinurot ang ilong ko. "Anak 'agad? Hindi mo pa nga ako pinapakasalan—"

"Gusto mo mag-propose pa 'ko sa'yo ngayon?"

"I was just kidding!" Humalakhak siya. "So, you want a kid?"

"Alam mo naman na noong una pa lang, eh. Gustong-gusto kong magkaroon ng anak, pero gusto ko ikaw ang nanay."

Sandali siyang tumitig sa mukha ko at bahagyang nabura ang ngiti pero ilang segundo lang ay ngumiti ulit siya.

"Okay. I'll give you a kid. But first, ligawan mo muna ako."

"Ano?" Kumunot ang noo ko. "Sabi mo kanina tayo na?"

"Kanina 'yon! Kailangan mo pa rin patunayan sa'kin na nagbago ka na talaga!"

Okay. Hindi naman mahirap 'yon. Basta para sa kaniya, lahat gagawin ko.

"Okay. Basta kapag naging tayo, pwede na kitang buntisin, ah?" Tinaas-baba ko ang mga kilay ko.

Nakakatawa lang dahil kanina ay nag-iiyakan kaming dalawa tapos ngayon ay tumatawa na naman kami.

Biro lang naman ang sinabi ko pero sineryoso niya. Pumayag siya.

"I love you," sinserong sabi ko habang magkahawak-kamay kaming naglalakad paalis sa food court. "Alam kong masyadong mabilis dahil kahapon lang tayo ulit nagkita pero 'yon talaga ang nararamdaman ko."

Lumingon siya sa'kin at saka ngumiti. "Don't worry. The feeling is mutual."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi bago nagsalita.

"I love you. I will do everything just to make you happy."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Pero kung alam ko lang...

Kung alam ko lang sana ang kahulugan ng huling salitang binitawan niya...

Sana hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ko siya hinayaan.

Mahal na mahal ko si Dette. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pala sapat ang pagmamahal na 'yon para manatili ang isa para sa isa.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top