34. MALI

|34. Mali|

Gericho "Echo" Escobar



"I'm okay! Don't worry! Don't cry!"

Nakasimangot kong nilingon ang kabilang kama kung saan kitang-kita ko si Dette habang yakap ang isang batang babae na umiiyak. Nasa harap nila si Mccoy na panay ang buntong-hininga habang nakatitig kay Dette.

Hindi ko alam kung bakit sila magkasama ngayon. Simula nang sabihin sa'kin ni Tadeo na umalis ng Bicol si Mccoy para magtrabaho sa Maynila ay wala na akong balita sa kaniya. Kaya nagulat talaga ako na magkasama na sila ngayon ni Dette.

Ano, sila na ba? Pero bakit ako niyaya ni Dette kanina na makipag-date? At sino ang batang kasama niya? Anak niya? Anak nila ni Mccoy? Ang gulo, tangina!

Ginamot na ang sugat ko sa ulo at hinihintay ko na lang na dumating sila Mama. Nataranta kaagad sila nang mabalitaan ang nangyari sa'kin.

"Tinawagan ko na sila. Tita Divina almost had a heart attack," dinig kong sabi ni Mccoy.

"Dapat hindi mo na sinabi." Napapalatak si Dette at saka niyakap pa nang mas mahigpit ang batang babae na walang tigil sa pag-iyak sa dibdib niya. "Stop crying, love. Wala namang nangyari sa'kin, eh."

"I shouldn't have forced you to buy milkshakes! If I only knew it would happen!" Muling lumakas ang iyak ng bata.

"Shh! It's okay! It wasn't your fault, love," malambing na sabi ni Dette sa bata habang hinahaplos ang buhok nito.

Bakit ganyan siya kalambing sa batang 'yan? Anak niya ba 'yan?

Gustong-gusto kong magtanong pero si Mccoy kasi hindi umaalis. Gusto ko siyang palayasin pero bad 'yon kaya tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila.

"P're."

"Uy, p're!" Awtomatiko akong ngumiti nang tinawag ako ni Mccoy.

"Kamusta ulo mo?"

"Buo pa 'rin." Pumeke ako ng tawa bago tumingin kay Dette na ngayon ay nakatingin din sa'kin. "Ikaw, Dette? May masama ba sa pakiramdam mo?"

Medyo nagulat siya sa tanong ko pero ngumiti rin siya kaagad. "I'm okay. Ikaw ang mukhang hindi okay."

"Wala 'to." Tumawa ako. "Hinampas kasi ako ng baril ng pukinginang holdaper na 'yon—" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang tinakpan ni Dette ang mga tenga ng batang kayakap niya.

Saka ko lang na-gets ang ibig niyang sabihin nang pinandilatan niya ako ng mga mata.

Tumawa ako at pabirong isinara ang bibig ko na parang isang zipper.

"Nasa kulungan na 'yung tatlong holdaper," sabad ni Mccoy, sa akin siya nakatingin. "Patay na daw 'yung lalakeng binaril ng isang holdaper. Tinamaan daw sa dibdib kaya dead on arrival."

Napatango ako. Naalala ko tuloy 'yung lalakeng tinutukoy ni Mccoy. Sa kaniya ko kinuha ang Arnis stick na ginamit ko kanina. Nanlumo ako sa nangyari sa kaniya lalo pa't nakita ko mismo kung paano siya binaril ng holdaper.

"Iyong mga costumers? Nasaan na sila?" tanong ko kay Mccoy.

Nauna na kami ni Dette na hiningian ng statement ng mga pulis kanina at nakita kong kinausap sila ni Mccoy bago umalis ang mga ito.

"Pinauwi na." Bumuntong-hininga siya. "Kung alam ko lang na may mangyayaring gano'n, sana ako na lang ang bumaba para bumili sa Dreamy."

"Tama na nga 'yan." Sinaway kaagad siya ni Dette. "Walang dapat sisihin sa nangyari. Nagkataon lang talaga na nandoon ako. At saka..." Tumingin sa akin si Dette at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. "Baka nakatadhana nang mangyari 'yon."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngumiti. Naramdaman ko pag-iinit ng pisngi ko.

Tangina, bakit ako kinikilig?

Hindi naman ako naniniwala sa tadhana, eh. Pero ngayong nagkita kami ni Dette sa isang lugar ay parang nagbago ang pananaw ko. Wala naman talaga akong balak na pumasok sa Dreamy para bumili ng milkshake. Pero naalala ko na paborito pala 'yon ng pamangkin ko, at hindi ko inakala na magtatagpo kami ni Dette sa lugar na 'yon.

Dumating bigla ang dalawang babae at isang lalake na medyo may edad na. Niyakap ng lalake si Dette at sumunod naman ang dalawang babae na may pag-aalala sa mga mukha.

Umiwas na lang muna ako ng tingin at nagkunwaring hindi nakikinig sa usapan nila. Narinig kong pinagalitan siya ng lalake na tinawag niyang Papa. Na-curious tuloy ako dahil sa pagkakaalam ko ay hindi okay ang relasyon nilang mag-ama. Pero inalis ko rin 'yon sa isip ko dahil maraming taon na ang lumipas at posibleng napatawad na rin ni Dette ang Papa niya.

Pero ako? Napatawad niya na kaya?

Base sa pakikitungo niya sa'kin, mukhang hindi na siya galit. Pero hindi pa rin ako pwedeng makampante. Sobrang sakit ang idinulot ko sa kaniya noon at hindi ko alam kung sapat na ba ang sampung taon para mapatawad niya ako.

Maya-maya ay dumating na rin ang pamilya ko. Isang hampas galing kay Mama ang natamo ko.

"Aray ko!" nakangiwing reklamo ko habang hawak ang braso kong hinampas niya. "May sugat na nga ako tapos sinasaktan niyo pa 'ko. Anak niyo ba talaga ako?"

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yo na makipagpatayan ka sa holdaper, ha?" nanggigigil na tanong ni Mama. Tiningnan ko tuloy si Papa para humingi ng tulong sa kaniya.

"Tama na 'yan," awat ni Papa kay Mama. "Ang mahalaga, walang nangyaring masama sa kaniya." Binalingan ako ni Papa. "Sa susunod, anak, tawagin mo ako kaagad kapag may kalaban ka. Para naman hindi ka nagkakasugat sa ulo. Naging Engineer ka lang, humina ka na," pabiro niyang sabi kaya natawa ako.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?!" Hinampas ni Mama si Papa pero natawa lang ito. "Hindi ka nakakatulong!"

"Sungit. Palibhasa menopause na," pang-aasar ni Papa pero nakatikim lang siya ng hampas.

"Buti nakaya mo, Kuya Echo?" tanong ni Gian. "Balita ko tatlo 'yung holdaper."

"Tinulungan ako ni..." Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil napansin ko na wala si Gia. "Nasaan si Gia?"

Tumawa si Gian at ngumuso sa direksyon ng hospital bed ni Dette. Naroon si Gia habang masayang kinakausap si Dette. Nakangiti naman ang mga matanda dahil sa kakulitan niya.

"Lahat ng libro mo binibili ko talaga, Ate Dette!" Parang nakakita si Gia ng artista habang hawak ang mga kamay ni Dette. "Grabe, 'di ko akalain na makikita kita dito! Kapag may booksigning ka, hindi ako nakakapunta kasi sobrang busy sa work! Saan ka na ba nakatira? Dadalhin ko mga books ko tapos papapirma ko sa'yo—" Binato ko siya ng crumpled tissue kaya natigil siya sa pagsasalita at nilingon ako. "Kuya naman!"

Tinuro ko ang nakabenda kong sugat sa ulo. "Nasugatan ako. Akala ko ako ang pinuntahan mo dito," nagtatampo kunwari na sabi ko.

Natawa ang mga kasama ni Dette maliban kay Mccoy at sa bata na ngayon ay nakayakap na sa isang babae na 'di ko kilala.

"Kuya naman! Favorite author ko si Ate Dette, eh! Avid reader niya ako sa Wattpad!" Inirapan ako ng kapatid ko.

Aba, attitude.

"Mas uunahin mo ang pagiging reader mo kaysa sa pagiging kapatid mo?" pagdadrama ko. "Sige. Okay lang. Pasensya na, ganito lang ako, eh."

"Si Kuya, parang timang!" Inirapan niya ako. "Hello! Ex-girlfriend mo kaya si Ate Dette! Huwag ka ngang magkunwari na hindi mo siya kakilala!" walang-prenong sabi niya kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Kaagad niyang tinakpan ang bibig niya at tumingin sa Papa ni Dette at sa dalawa pang babae na may edad na, na ngayon ay bakas ang pagkalito sa mga mukha.

"Napakadaldal na babae..."  Napahawak si Mama sa noo niya.

"Sinabi mo pa, Ma," segunda ko sabay buntong-hininga.

"Wait." Nagsalita ang Papa ni Dette habang nakatingin sa'kin. Bakas man ang pagkalito sa mukha ay nakangiti pa rin siya.

"Did I hear her right?" Tinuro niya si Gia habang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "You were my daughter's ex-boyfriend?"

Inalis ko ang bara sa lalamunan ko at ngumiti. "Opo, Sir."

"So, you were that guy who made her pregnant?" tanong niya ulit bagamat walang halong panghuhusga ang tono ng pananalita niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Oh, what a coincidence." Tumawa ang isang babae na may hawak sa batang babae, ang hula ko ay asawa siya ng Papa ni Dette. Kanina pa sila magkadikit, eh.

"Oo nga, eh," segunda ng isa pang babae na medyo masama ang tingin sa'kin. "That guy was the one who—"

"Tita Divina," awat ni Dette. "It was all in the past, a decade ago. Kinalimutan ko na 'yon."

Bumuntong-hininga ang babae na tinawag niyang Tita Divina. "You're right."

Tumikhim si Dette bago tumingin sa akin. Nagtama ang paningin naming dalawa pero hindi rin nagtagal iyon dahil tumingin siya kay Mama at Papa at doon ko nakita ang napakaganda niyang ngiti. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko nang masilayan ko 'yon kaya napatulala na lang ako sa kaniya.

At dahil distracted ako ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila Mama at Papa sa kama ni Dette. Nakita kong nakikipag-uusap sila Mama at Papa sa Papa ni Dette at nagtatawanan pa sila habang ako ay nakatanaw lang sa kanila.

"Uy, baka matunaw 'yan, nong," mapang-asar na sabi ni Gian na hindi pala umalis sa tabi ng kama ko. Pangisi-ngisi siya habang tinuturo ang mukha ko. "Namumula pisngi mo, para kang sinapak—"

"Eh kung sapakin kita?" Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. "Doon ka na nga."

"Tara na kasi do'n." Hinawakan niya ang braso ko at hinatak ako para tumayo mula sa kama.

Ayoko sana pero napilitan ako dahil sa pangungulit niya. At saka nakakahiya sa pamilya ni Dette kung hindi ako makikisama. Lumapit nga ako at hindi naman ako namatay sa mga tanong nila tungkol sa naging relasyon namin ni Dette noon. Wala namang kaso sa'kin 'yon dahil nakaraan na 'yon, at mukhang hindi na rin naman affected si Dette at pati si Mccoy na tahimik lang din sa gilid habang may ka-text sa cellphone niya.

Tama nga ang hula ko na asawa ng papa ni Dette ang babaeng kasama nila. At sa nakikita ko ay ramdam ko na magkasundo sila ni Dette. Mukhang napatawad niya na rin ang papa niya. At dahil nakausap ko sila ay naging malinaw na sa'kin ang naging takbo ng buhay ni Dette mula nang magkahiwalay kami. Masaya ako para sa kaniya dahil kahit wala na ang mama niya ay nagawa niya pa ring makabangon.

Pero isa lang ang hindi malinaw sa'kin—iyong batang babae na kasama nila.

Oo, mahilig ako sa mga bata. Sa totoo lang, gusto ko nang magkaanak. Pero ngayong nakikita ko 'yung batang kasama ni Dette ay nakakaramdam ako ng inis.

Paano kung anak niya 'yon? Paano kung nagkaanak sila ni Mccoy? Paano na 'ko? Paano kami ni Dette? Gusto ko pa naman na siya ang maging ina ng magiging anak ko.

Hindi ako nagbibiro. Sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, wala akong nararamdamang kakaiba katulad ng naramdaman ko noon kay Dette. At ngayong tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magtagpo ang landas naming dalawa, ay napatunayan ko na hindi pala nawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. Natulog lang pala at kusang gumising nang makita ko ulit si Dette.

Tangina, ang corny ko. Pero corny na kung corny basta isa lang ang alam ko. Mahal ko pa rin si Dette at mas lalong lumalim ang pagmamahal na 'yon ngayong nakatingin ako sa mukha niya. 

Ang kapatid kong si Gia ang nagdala ng kwentuhan namin hanggang sa lumabas na kami ng ospital.

Sa parking area na kami naghiwa-hiwalay at sinadya kong magpaiwan muna sa labas para ihatid sila Dette sa kotse nila. Nakita kong hawak ni Mccoy ang batang babae na kanina pa umiiyak habang inaalalayang pumasok sa loob ng Fortuner.

"Stop teasing him, Mccoy," inis na sabi ni Dette. "Kapag hinika 'yan, lagot ka sa'kin."

"Naano ka? Ang sabi ko lang naman ay ang pangit niyang umiyak. Mana sa'yo," angil ni Mccoy.

Sinara niya ang pinto pagkatapos magpaalam kay Tita Divina, Tita Maris at sa papa ni Dette na nakasakay na rin sa sasakyan. Kumaway ako sa kanila at ngumiti bago sila umalis at naiwan kaming tatlo ni Mccoy at Dette.

"Alam mo, simula nang mapunta tayo dito, hindi mo na tinigilan si Serene!" Piningot ni Dette ang tenga ni Mccoy at pinanood ko lang silang dalawa.

"Gano'n ako magmahal!" angil ulit ni Mccoy. "Kaya kita inaasar kasi mahal kita! At kaya inaasar ko si Serene kasi mahal ko siya!"

Napataas ang kilay ko nang marinig ang huling sinabi ni Mccoy.

Mahal talaga, ah? Sabi ko na nga ba, eh. Kahit noong kami pa ni Dette ay alam kong trip na ni Mccoy ang ex ko kaya hindi na ako nagulat na lumabas 'yon mula sa bibig niya.

"Aray ko! Putang—" Magrereklamo sana si Mccoy dahil kinurot siya ni Dette sa tagiliran pero napatingin siya sa'kin. "P're, ang sama ng tingin mo, ah. Mukhang kakainin mo 'ko ng buhay."

"Ah..." Tumawa ako at pinilig ang ulo. Hindi ko alam na masama na pala ang tingin ko sa kaniya. "Sorry, nagtataka lang ako kung bakit hindi niyo na lang sinabay 'yung batang babae—"

"Serene ang pangalan niya," sabad ni Dette."

"Serene." Tumango ako bago nagpatuloy. "Ayon nga, nagtataka ako dahil hindi siya sa inyo sumakay."

Tinaasan ako ng kilay ni Dette at natatawang tumingin kay Mccoy bago ibinalik ang tingin sa akin. Mas lalo yata siyang pumuti ngayon, napansin ko kaagad 'yon habang nakatitig ako sa mukha niya.

"I don't see any problem with that." Nagkibit-balikat si Dette habang nakangisi sa'kin.

"Anak mo tapos hindi niyo kasabay umuwi? Kalokohan 'yan," pabulong na sabi ko.

Hindi ko alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Dette kasabay ng malakas na tawa ni Mccoy.

"Tangina," malakas na tawa ni Mccoy habang hawak ang sariling tiyan. Napakunot tuloy ang noo ko.

"Anong nakakatawa?" takang tanong ko sa kanilang dalawa.

Maging si Dette ay tumawa na rin at nakipag-high five pa kay Mccoy.

"May anak ka pala? Ngayon ko lang nalaman." Tumawa pa nang malakas si Mccoy na may kasama pang palakpak.

"Bakit? Hindi ba totoo?" nakasimangot na tanong ko sa kanilang dalawa at sabay silang sumagot.

"Hindi!" At saka sila tumawa ulit.

Mas lalong napakunot ang noo ko. "Eh kaninong anak 'yon?"

"Kapatid ko 'yon, baliw!" Tumawa ulit si Dette habang panay ang punas ng luha sa gilid ng mata niya. Naiyak na siya dahil sa sobrang pagtawa. "Magtanong ka muna kasi."

Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa kabobohan ko. Bakit ba hindi ko naisip na baka anak 'yon ng papa niya sa bago nitong asawa? Pinangunahan kaagad ako ng selos!

"S-Sorry naman." Napaiwas ako ng tingin. Tangina, kakahiyan overload. "Akala ko kasi mag-on kayong dalawa."

"P're naman..." Tumawa ulit si Mccoy pero siniko siya ni Dette kaya tumigil din siya. "Hindi ako pumapatol sa babaeng parang runway ng eroplano ang noo."

"Letse ka talaga!" Nakatanggap ulit si Mccoy ng kurot sa tagiliran mula kay Dette. "Ang kapal ng mukha mo! Makapagsalita ka parang hindi mo ako niligawan dati!"

"Oy, anong pinagsasabi mo?" Kumontra kaagad si Mccoy.

"Sabihin mong hindi! Ilang beses kaya kita na-friendzone! Umiyak ka pa nga, eh! Yabang mo!"

"Hoy, moved on na 'ko sa'yo!"

Para akong tanga na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa habang nagbabangayan sila sa harap ko.

"So, hindi kayo?" paniniguro ko.

"Hindi nga!" Si Mccoy ang sumagot. "May girlfriend ako!"

"Sino?" Kumunot ulit ang noo ko. Gusto kong maniguro na hindi siya eepal kapag niligawan ko ulit si Dette.

Hindi sumagot si Mccoy sa tanong ko dahil napatingin siya sa likuran ko. Napasunod din ang tingin ko sa tinitingnan niya at nakita kong papalapit sa amin ang isa babaeng matangkad at parang model, nakasuot siya ng shades kaya hindi ko namukhaan.

"Hi, babe!" Humalik ang babae kay Mccoy at saka bumaling kay Dette. "How are you, Dette? I was worried about you!"

"I'm okay, Love!" Ngumiti si Dette. "Don't worry about me!"

Bumaling sa akin si Dette kaya napatingin din sa akin ang babae at tinanggal ang suot nitong shades.

"Putangina!" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang babae. "L-Lovely Shayne?!"

"Putangina nito, lakas makamura!" Binatukan niya ako matapos ilagay sa ulo ang shades. "Oo! Ako 'to! Anong problema mo?!"

"Hala, gago!" Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayon. "Mukha kang desente pero 'yang bibig mo balahura pa rin! Hala, oy!"

"Alam mo ikaw—" Natigil siya sa pagsasalita nang biglang sumabad si Mccoy na ngayon ay bakas ang pagkalito sa mukha.

"Magkakilala kayong dalawa?" tanong ni Mccoy sa aming dalawa.

"Kaklase ko 'yan sa Night Class dati, eh!" sagot ko sabay turo kay Lovely. "Bakit mo pinatulan 'to?! Tangina, mabaho kamay nito, eh!"

"Siraulo ka ba?!" asik sa akin ni Lovely at muntik pa akong suntukin.

"What a coincidence," amused na sabi ni Dette kaya napabaling sa kaniya si Lovely.

"Ngayon ko lang naalala." Tumawa si tanga. "Si Echo nga pala ang dahilan kung bakit ako nakatikim ng tornado kick mula sa'yo noong high school!"

Tumawa si Dette. "Right! I was impulsive that time! Naalala ko pa na galit na galit ka sa'kin dahil sa ginawa ko!" At nagtawanan pa silang dalawa.

Nagkatinginan kami ni Mccoy at napakibit-balikat na lang. Nakahinga ako nang maluwag dahil malinaw na sa'kin na hindi mag-on si Mccoy at si Dette. Okay na sa'kin na malaman na wala silang relasyon at hindi na rin ako nagtanong pa kung paano nagkakilala si Mccoy at si Lovely. Tangina, ang liit ng mundo!

"So, pa'no?" untag ni Dette maya-maya. Pumasok na ng kotse si Mccoy at Lovely at hinihintay na lang siya na pumasok. "Can I have your number?"

Pinigilan ko ang mapangiti para hindi masyadong halata na nagugustuhan ko ang pagiging first mover niya.

"Aanhin mo ang number ko?"

Pinaikot niya ang mga mata niya. "Ang slow mo naman! Engineer ka na niyan?"

"Anong connect?" pang-aasar ko.

"Akin na ang number mo!" Inirapan niya ako bago inabot ang phone niya sa'kin.

Nakangising kinuha ko iyon at ni-type ang plate number ng motor ko na katas ng pinagtrabahuhan ko sa construction firm. Gusto ko siyang inisin lalo.

"What the hell?!" Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ni-type ko. "Plate number?!"

"Lintik lang ang walang ganti." Tumawa ako pero sinapak niya lang ang dibdib ko.

"If that's what you want, fine." Humalukipkip siya sa harap ko. "Just meet me at the mall nearby. Tomorrow, 2 pm."

Tumaas ang kilay ko sabay kagat ng gilid ng labi ko. "Anong gagawin ko?"

"I'm asking you out on a date! God!" Inirapan niya ako.

"Ang bilis mo naman yata," pang-aasar ko pa lalo. "Ikaw pa talaga nagyaya."

"I don't like wasting my time. Time is gold so I have to be fast."

Tumaas ang sulok ng labi ko, namamangha sa mga pinagsasabi niya.

"At dahil mabilis ako..." Lumapit siya sa'kin at hinila ang kwelyo ko para mapayuko ako sa mukha niya.

Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero napangisi rin ulit ako at tinitigan ang bawat parte ng mukha niya.

"Gagawin ko na ang kanina mo pa gustong gawin."

Napakunot ang noo ko. "Ha?"

Hindi siya sumagot at tumingkayad siya para abutin ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Dalawang segundo ang tinagal niyon bago niya ako binitawan.

"See you tomorrow..." Kinindatan niya ako bago niya ako tinalikuran.

Naiwan akong nakatulala habang dinadama ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Tangina, Dette. Bukas, akin ka na ulit. Itaga mo 'yan sa bato.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top