33. PINAGTAGPO

|33. Pinagtagpo|

Odette Marie "Dette" Ojera






10 YEARS LATER

"Serene!"

Sinara ko ang laptop ko nang makitang pumasok si Mccoy sa loob ng mini-office kasama ang kapatid kong si Serene.

"Grabe, ang likot ng kapatid mo!" reklamo ni Mccoy bago umupo sa upuang nasa harap ng desk ko.

Tumakbo naman papunta sa'kin si Serene at humalik sa pisngi ko. Pinanggigilan ko ang pisngi niya kaya kinurot ko iyon.

"Ate! My cheeks!" reklamo niya sabay simangot. "Let's go outside! I want milkshakes! Please, Ate!!"

"Kanina pa ako kinukulit niyan," natatawang sabad ni Mccoy habang inaayos ang suot na kulay asul na dress shirt. Tinutupi niya hanggang siko ang sleeve niya, nahila yata ni Serene dahil sa kakulitan.

"I told you to wait for me outside." Pabiro ko siyang inirapan. "May inaasikaso lang ako dito while Tita Divina isn't here to manage the inventories." Tita Divina was having a spa service with my father and Tita Maris inside the mall. 

"She insisted," Mccoy defended himself.

"I didn't!" tanggi ni Serene at saka tumingin kay Mccoy. "You said you wanted to see Ate Dette that's why I insisted to go inside! Kuya Mccoy, bawal ang liar!"

"Still." Mccoy laughed. "You insisted."

"Ateeee!!!" Pumadyak si Serene na para bang inagawan ng candy.

Nag-umpisa na siyang umiyak kaya kinuha ko ang towel sa maliit niyang bag at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"You stop, Mccoy," saway ko sa kaniya at narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa.

Hindi na talaga nagbago si Mccoy. Noong lumipat siya ng Maynila after graduation ay ako palagi ang inaasar niya. Hanggang sa nagtayo ng bagong branch ang Haven's Delight malapit sa university na pinagtatrabahuhan ni Mccoy. That time, ako na ang nagma-manage ng shop kaya madalas na kaming magkita ni Mccoy. At tuwing nagkikita kami ay palagi niya akong inaasar.

But things became different since we arrived here in Bicol to celebrate Tita Divina's birthday. Kasama ko si Papa at si Tita Maris, ang new wife ni Papa at si Serene na anak nila at half-sister ko. Ever since we got here, hindi na tinigilan ni Mccoy si Serene sa pang-aasar niya. Umaabot sa puntong napapaiyak niya ang kapatid ko katulad ng ginagawa niya sa'kin noon.

Hindi naman sana sasama si Mccoy sa pag-uwi dito sa Bicol pero nagkataon naman na namatay ang papa niya kaya sumabay na rin siya sa pag-uwi.

My father and Tita Divina have been getting along for a long time, the reason why my Dad didn't hesitate to accompany me to attend Tita Divina's birthday celebration last night along with his wife and youngest daughter.

Masaya ako dahil nagkasundo sila pagkatapos mamatay ni Mama, kasabay ng pagpapatawad ko kay Papa at sa pagtanggap ko kay Tita Maris na sobrang bait sa'kin kahit ilang beses ko siyang natarayan noong unang pagkikita namin.

I must admit, I was happy for ten years after I left here in Bicol. I found my new family in Manila after Serene was born. Nagawa ko lahat ng gusto kong gawin na hindi ko nagawa noon dahil mas inuna ko na ang sarili ko. Hindi ako nagpabaya sa pag-aaral at tinupad ko ang gusto ni Mama para sa'kin—ang makapagtapos ako ng pag-aaral at maging independent ako in a good way.

Maraming taon na rin ang lumipas pero sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari sa akin dito ten years ago.

My mother died here.

My heart broke into a million pieces because of a guy named Echo.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko siya.

Kamusta na kaya siya ngayon? Engineer na kaya siya? Natupad niya na kaya ang pangarap niya pagkatapos ng ginawa ko?

Ako? Natupad ko na lahat ng mga pangarap ko. I became a published author in a famous publishing company. Naging best-selling author ako last year dahil sa pangatlong story na ginawa ko sa Wattpad pero ginawang libro ng publishing company.

Ang sabi ng iba, marami raw nakaka-relate sa mga kwentong isinusulat ko dahil realistic daw ang mga bida at mga scenes na isinusulat ko. Hindi nila alam na base 'yon sa mga naranasan ko noong kabataan ko. Natutunan ko na ang bawat sinusulat ko ay repleksyon sa kung anong nangyayari sa tunay na buhay. Mayroon dapat matutunan ang mga readers ko, hindi puro kilig lang.

"Milkshake!" tili ni Serene nang madaanan ng kotseng sinasakyan namin ang Dreamy.

Papunta na sana kami sa mall dahil nandoon si Tita Divina kasama si Papa at Tita Maris. Nagsi-spa silang tatlo kaya iniwan muna nila sa amin si Serene.

"I want milkshake, Ate!" Sumilip pa si Serene sa bintana.

"Sa mall na lang, love," malambing na sabi ko habang nakalingon ako sa kaniya sa backseat. Si Mccoy ang nagda-drive ng kotse habang nasa shotgun seat naman ako.

"Hinihintay na tayo nila Papa sa mall."

"You can't wait na ba, baby girl?" nakangising pang-aasar ni Mccoy sa kapatid ko, pinaliit pa niya ang boses para maging boses-bata.

"Wala namang milkshake sa mall, eh!" angil ni Serene. "Balik tayo sa Dreamy, Kuya Mccoy!"

"No, Serene." Umiling si Mccoy at kinagat ang gilid ng labi, nagpipigil na tumawa. "I have a date."

Hinampas ko ang hita niya. "Stop it, Mccoy. Paiiyakin mo na naman, eh."

"Totoo naman, eh!"

Nilingon ko si Serene at nakita kong namumula na ang pisngi niya at ang mga mata niya ay paiyak na.

"Alright. Babalik tayo," sabi ko.

Tiningnan ako nang masama ni Mccoy. Hindi rin nagtagal iyon dahil tumingin ulit siya sa daan.

"We have a date, come on," he whispered, still looking at the front.

"Sandali lang naman 'yon. Arte mo." Pabiro ko siyang inirapan.

Napabuntong-hininga na lang siya. "Pasalamat ka at..." Sinadya niyang ibitin ang sinasabi niya saka kinagat ang labi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Umikot ang kotseng sinasakyan namin para bumalik sa Dreamy. Sigurado kasi ako na iiyakan lang kami ni Serene kapag hindi nasunod ang gusto niya. Spoiled, eh.

"Ako na lang ang papasok sa loob," sambit ni Mccoy nang maka-park kami sa parking space ng Dreamy. Nasa likod kami dahil punuan na sa harap.

Tinanggal ni Mccoy ang suot niyang seatbelt pero biglang tumunog ang phone niya. Napatingin siya sa'kin matapos tingnan kung sino ang tumatawag.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napairap na lang ako nang tinaasan niya rin ako ng kilay. "Okay. Ako na lang ang bibili sa loob."

"Sama ako, Ate!" Serene poked my shoulder from behind.

"No, Serene. Stay here. Baka hikain ka. Maraming tao sa loob ng Dreamy."

"Okay!" Umupo na siya nang maayos. "I want a Blueberry with chocolate chips!"

Gusto kong mapangiwi nang marinig ang sinabi ng kapatid ko pero pinigilan ko na lang dahil baka iyakan niya lang ako. Ano kayang lasa ng Blueberry na may chocolate chips?

Napailing na lang ako bago bumaba ng sasakyan. Hinila ko pababa ang suot kong white denim shorts dahil halos kita na ang kaluluwa ko, at saka ako dumiretso sa loob ng Dreamy.

Madaming tao kaya medyo nailang ako nang makitang napatingin sa akin ang karamihang costumers.

Bakit, ngayon lang ba sila nakakita ng model? Charot.

Alam ko naman na medyo famous ako dahil sa mga libro ko at hindi ko naman 'yon pinagyayabang dahil una sa lahat ay hindi naman ako artista.

I was wearing a red halter top, partnered with white denim shorts and a pair of white shoes. My hairstyle hasn't changed. It was in a bun with hairstick on it. That was probably the reason why they were staring at me.

Mukha raw akong artista. Charot ulit.

Nag-order na ako sa counter ng isang milkshake para kay Serene at dalawang frappe para sa aming dalawa ni Mccoy. After that, umupo muna ako sa isang bakanteng mesa para hintayin ang order ko.

Habang naghihintay ay nilabas ko muna ang phone ko. Hindi ko alam pero biglang kumabog nang malakas ang puso ko kaya napahawak kaagad ako sa dibdib ko.

"Puki mong nalaglag!" tili ko nang may matigas na bagay na bumunggo sa likod ko.

Natakpan ko kaagad ang bibig ko dahil sa hiya. Napatingin sa akin 'yung dalawang mag-jowa sa gilid ko at natawa sila pareho. Iyong lalake ay may nakasabit na Arnis Stick holder sa likod at ang babae naman ay nakasuot ng Volleyball jersey. May naalala tuloy ako.

Sinamaan ko na lang ng tingin 'yung lalakeng may bitbit na malaking bag sa balikat niya. Hindi ko alam kung anong laman niyon at hindi ko rin nakita kung anong itsura niya dahil nakasuot siya ng itim na mask. Umupo na siya sa pang-isahang mesa.

Inirapan ko na lang siya kahit hindi niya ako nakita dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Ang sakit kaya! Nabunggo ako ng bag niya!

Nag-cellphone na lang ulit ako habang hinihintay ang order ko. Pero maya-maya lang ay nahagip ng mga mata ko ang isa pang lalake na umupo sa di-kalayuan. Katulad ng lalakeng bumunggo sa akin kanina ay nakasuot din siya ng itim na mask kaya hindi ko siya mamukhaan.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ulit ang kabang naramdaman ko kanina.

Luminga ako sa paligid at may nakita ulit akong lalake sa pwestong malapit sa pinto. Nakasuot din siya ng mask.

Itinago ko ang phone ko sa dala kong purse at tumayo para tingnan ang tatlong lalakeng nakasuot ng mask. Hindi man halata ay nakikita ko pa rin ang palihim nilang tinginan na para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin.

"Masama 'to," bulong ko.

"Hi, Ma'am! Here's your order—" Hindi na natapos ng crew ang sinasabi niya sa'kin dahil umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.

Napuno na malakas na tili at sigawan ang loob ng Dreamy. Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang tatlong lalakeng nakasuot ng mask kanina na may hawak na mga baril at nakatutok sa amin.

"Dumapa kayo! Dapa!" malakas na sigaw ng lalakeng may bitbit na bag.

Nakatutok sa amin ang hawak niyang baril. Sabi ko na nga ba at hindi maganda ang kutob ko sa kaniya.

Dumapa naman ang lahat ng costumers maging ang mga crew dahil sa takot sa tatlong holdaper.

Pero maliban sa'kin. Hindi ako dumapa, pero hindi rin ako gumalaw.

"Ma'am! Dumapa ka na! Baka patayin ka ng mga 'yan!" sabi ng babaeng crew na may dala ng order ko.

Nakadapa siya sa gilid ko at nanginginig sa takot katulad ng karamihan.

Hindi ako umimik at nakatuon lang ang atensyon ko sa armadong lalake na papalapit sa'kin habang nakatutok ang baril sa ulo ko.

Ang dalawang holdaper ay pinuntahan ang counter at tinututukan ang takot na takot na kahera. Inilabas naman ng kahera ang mga pera mula sa kaha dahil marahil sa takot na baka barilin siya bigla ng holdaper.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?!" sigaw sa'kin ng holdaper na kaharap ko kaya napabalik sa kaniya ang tingin ko.

Mata lang ang nakikita ko pero bakas doon ang panggigigil niyang paputukin ang baril sa ulo ko.

"Dumapa ka sabi!"

Sa totoo lang ay natatakot ako sa baril na nakatutok ngayon sa ulo ko. Anumang oras ay pwede niyang kalabitin ang gatilyo at magiging katapusan ko na. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw sumunod ng katawan ko sa utos niya na dumapa ako. Parang gusto ng utak ko na labanan sila.

Pero hindi pwede! Anong magagawa ng mga moves ko sa mga baril na hawak ng mga holdaper?!

"Dapa sabi!!!" nanlilisik ang mga matang sigaw ng holdaper sa'kin.

Pero ayaw talaga sumunod ng katawan ko at napatitig lang ako sa nguso ng baril niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at napatingin ako sa mga costumers na tinututukan ng baril ng isa pang holdaper at pilit na kinuha ang mga bag at cellphone ng mga ito.

Dette, kung hindi ka gagalaw, marami ang—

Umalingawngaw ang isa pang putok ng baril kaya napatili kaming lahat. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga gamit ang mga nanginginig kong kamay.

"No!" umiiyak na sigaw ng babaeng nakasuot ng Volleyball jersey kanina.

Nakatingin siya ngayon sa boyfriend niyang nakahandusay na sa sahig at duguan ang dibdib.

Natutop ko ang bibig ko dahil sa takot at panlulumo. Siya 'yung lalakeng may Arnis Stick holder sa likuran kanina!

"Walanghiya ka!" singhal ng babae sa holdaper na bumaril sa boyfriend niya.

"Tangina! Tatawag pa kayo ng pulis, ha?!" galit na sigaw ng holdaper na siyang bumaril.

Doon ko napansin na may hawak na cellphone sa kamay ang boyfriend ng babae. Kaya pala ito binaril dahil nahuling tumatawag sa pulis.

"Huwag ka nang umiyak diyan! Tangina! Ilabas mo lahat ng pera at ilagay mo sa bag!" sigaw ng isa pang holdaper sa kahera.

Napuno ng iyakan ang loob ng Dreamy, marahil ay dahil sa takot at pangamba para sa nakaambang panganib sa buhay nila. At ngayon lang din ako nakaramdam ng sobrang kaba at takot. Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay nawawala na ako sa sarili ko dahil sa mga nasaksihan ko.

Ang wrong timing ng pagpunta ko dito! Ang malas ko! Kung kailan ako pumunta dito, saka naman may holdapan na nangyari! Anong gagawin ko?!

"Hindi ka talaga dadapa?!" sigaw ng holdaper na kaharap ko.

Tiningnan ko siya nang masama pero hindi naman siya nagpatinag.

"Ano! Dadapa ka na?!" asik niya.

Kinuyom ko ang mga kamao ko at napatingin ulit sa mga costumers na umiiyak at nakadapa pa rin habang tinututukan ng baril ng isang holdaper. Ganoon din ang kahera na nanginginig ang mga kamay habang ipinapasok sa itim na bag ang mga pera mula sa kaha dahil may nakatutok na baril sa ulo niya.

Napapakit na lang ako.

Lord, kayo na ang bahala sa'kin sa gagawin ko! Hindi ko kayang tumunganga lang dito!

"Puta! Dadapa ka ba o hindi?! Ipuputok ko na 'to—"

Hindi na natapos ng holdaper na kaharap ko ang lintanya niya dahil sinipa ko pataas ang kamay niyang may hawak na baril, dahilan para lumipad ang baril sa ere at tumilapon sa gilid.

Hindi ko na hinintay na makapalag ang holdaper at pinilipit ko na ang kamay niya. Nagsisigaw siya sa sakit pero hindi pa ako nakuntento at sinapak ko pa siya sa mukha. Sa sobrang lakas ng pagkakasapak ko ay humandusay siya sa sahig, nakapikit at hindi na gumagalaw.

Hinihingal na inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang isang holdaper na hinahampas sa ulo ng kahera na kanina lang ay nanginginig sa takot. Iyong bag na pinaglagyan niya ng pera ang pinanghahampas niya sa ulo ng holdaper.

Sunod akong napatingin sa isang holdaper na bumaril sa lalake kanina. Hindi na siya magkanda-ugaga sa kakapiglas sa lalakeng naka-arm lock sa leeg niya. Hindi ko makita ang mukha ng lalake pero nagpapasalamat ako at naglakas-loob siyang kalabanin ang holdaper kahit na may baril ito.

Binalik ko ang tingin ko sa holdaper na kalaban ng kahera. Patakbo akong lumapit sa counter at sinipa sa tagiliran ang holdaper, dahilan para mabitawan niya ang baril niya at humandusay siya sa sahig.

"Gago ka, ah!" sikmat niya sa'kin.

Mabilis siyang bumangon para sapakin ako pero umilag ako at hinawakan ang balikat niya para tuhurin ang kayamanan niya. Nagsisigaw siya at napaluhod sa sahig habang namimilipit sa sakit.

Sinipa ko palayo ang baril at sinenyasan ang kahera na kunin ang bag na pinaglagyan niya ng pera. Nalaglag kasi iyon sa sahig. Pinulot niya ang bag at sinipa pa ang holdaper na hanggang ngayon ay hawak ang kayamanan niya.

Napatingin ulit ako sa lalakeng kumakalaban sa isa pang holdaper. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang natatalo na siya ng holdaper. Nakahiga na siya sa sahig habang sinasakal siya ng holdaper!

Hindi na ako nagsayang ng segundo at sinugod ko ang holdaper na sumasakal sa kaniya at sinipa ito sa tagiliran, dahilan para tumilapon ito sa isang mesa. Susugurin ko sana siya ulit pero mabilis niyang pinulot ang baril niya sa sahig at itinutok sa akin. Natigilan ako at hinihingal na tumitig sa nguso ng baril na nakatutok ngayon sa dibdib ko.

"Sige! Lumapit ka!" pagbabanta niya sa'kin, nanlilisik pa ang mga mata. Putok na ang gilid ng kilay niya dahil siguro sa pakikipagbuno.

Kahit pinagbantaan niya ako ay lumapit pa rin ako. Hinawakan ko ang braso niya at itinaas iyon bago pa man niya makalabit ang gatilyo. Umalingawngaw ulit ang isang malakas na putok na baril pero sa kisame iyon tumama.

Nagpupumiglas siya at dahil malaki ang katawan niya ay nagawa niyang makaalis sa pagkakahawak ko sa braso niya. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. Hindi ako dumaing sa sama ng pagkabagsak ng pwet ko dahil napatitig ulit ako sa nguso ng baril na nakatutok na naman sa'kin ngayon.

"Ang tapang mo pero hindi mo 'ko kaya!" Tumawa siya nang sarkastiko pero naudlot din iyon nang may pumalo sa likod niya.

Napalingon kaagad siya sa likod niya at isang malakas na hampas ng Arnis stick ang sumalubong sa mukha niya.

"Putangina mo!" asik ng holdaper sa lalakeng may hawak na dalawang Arnis stick at alam kong galing iyon sa lalakeng binaril kanina. Siya 'yung kumalaban sa holdaper kanina.

Pamilyar sa akin ang mukha ng lalake pero dahil dumudugo ang ulo niya at umaagos ang dugo pababa sa pisngi niya ay hindi ko siya mamukhaan, plus naka-side view pa siya.

Siya naman ang tinutukan ng baril ng holdaper pero winasiwas niya ang hawak niyang Arnis stick kaya tumilapon ang baril sa gilid. Magkasabay niyang winasiwas ulit ang hawak niya at tumama iyon sa mukha at dibdib ng holdaper.

Napaupo sa sahig ang holdaper at namilipit sa sakit. Alam kong tatayo pa siya at gaganti pero narinig ko ang sigawan ng mga costumers.

"Sugooooood!!!!"

Sa isang iglap ay nagkumpulan ang costumers na kanina lang ay takot na takot pero ngayon ay binubugbog na ang kawawang holdaper. At nang magising naman ang isa pang holdaper na napatumba ko kanina ay siya naman ang sinugod ng mga costumers. The store was filled by the costumers' swears and curses.

"Okay ka lang?"

Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses. Napatingin ako sa kamay na nasa harap ko. Kasabay ng muling pagkabog nang malakas ng dibdib ko ay unti-unti kong inangat ang tingin ko hanggang sa masilayan ko ang may-ari ng kamay na 'yon.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Siya 'yung lalakeng tumulong sa'kin! Iyong may hawak ng Arnis stick! Duguan man ang ulo at may mga dugong dumadaloy pababa sa pisngi niya ay nakilala ko pa rin siya ngayong malapit na siya sa'kin!

Napaawang ang bibig ko lalo na nang inabot niya ang braso ko para tulungan akong makatayo.

"Okay ka lang, Dette?" nag-aalalang tanong niya at napatitig lang ako sa mukha niya.

Dios ko! Totoo ba 'to?! Nasa harap ko siya ngayon! At dito pa talaga kami nagkita! Sa dami ng lugar, dito pa talaga?!

"Ngayon ka lang ba nakakita ng lalakeng may sugat sa ulo pero gwapo pa rin?" nakangising tanong niya.

Tumingin ako sa buhok niya. It wasn't spiky anymore. All black na rin ang kulay at naka-clean cut na. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang kulay puting dress shirt na nakabukas ang tatlong botones at sa itim niyang pantalon na alam kong mamahalin. 

Mukha siyang presentable hindi lang sa itsura kung hindi pati sa amoy. Ang bango-bango niya!

"Kamusta ka?" Naging seryoso ang mukha niya at sa isang iglap ay nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila at pananabik. "Ang sabi ko noon ay hahanapin kita kapag handa na ako. Pero hindi ko alam na pagtatagpuin tayo sa ganitong sitwasyon."

Nag-init ang mga mata ko sa sinabi niya. "E-Echo..."

Bumuka ang bibig niya para magsalita pero nabaling ang atensyon ko sa holdaper na paika-ikang tumatakbo palabas ng pinto para tumakas. Siya 'yung holdaper na sinipa ko sa kayamanan niya kanina.

"Hoy!" malakas na sigaw ko.

Hinugot ko ang hairstick sa buhok ko at hinagis sa direksyon niya.

Kitang-kita ko kung paano dumaplis sa gilid ng tenga niya ang hairstick ko at tumusok iyon sa malaking frame ng Dreamy.

Natigil sa pagtakbo ang holdaper at sinalat ng daliri ang dumudugong tenga. Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin habang nanlalaki ang mga mata. Nginisihan ko siya pero nauwi sa ngiwi ang ngisi ko nang bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.

"Wow..." Bakas sa tinig ni Echo ang pagkamangha kaya tumingin ako sa kaniya ulit. Nakangisi siya sa'kin sa kabila ng sugat niya sa ulo. "Wala ka pa ring pinagbago."

"Let's have a date after this." I winked at him which made him chuckled in amusement.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top