32. PANGAKO

|32. Pangako|

Gericho "Echo" Escobar


"Tangina mo, ang kulit mo!" Binatukan ko si Tadeo habang naglalakad kami papasok sa gate ng Henderson University.

Literal niya akong kinaladkad papunta ng Henderson! Gustong-gusto niya akong pumunta sa Christmas Party!

"Wala ka nang magagawa! Nandito na tayo!"

Napatingala na lang ako sa building ng High School Department, partikular sa second floor kung saan naroon ang room ng Night Class 10. Ilang buwan din akong nawala at parang nanibago kaagad ako nang makita ito. Nakaka-miss din pala mag-aral.

Nakasuot ng kulay puti na polo shirt si Tadeo na may halong itim na stripes at pinaresan ng itim na pantalon at puting sapatos. Habang ako ay simpleng pulang t-shirt lang na may tatak ng designer brand at itim na pantalon. Sa kakamadali sa'kin ng pukinginang si Tadeo ay tsinelas lang ang nasuot ko. Kaya heto, kanina ko pa siya pinapaulanan ng mura.

"Ngumiti ka naman, men! Isu-surprise ko ang mga classmate natin tapos 'yang mukha mo parang tigang na nabitin—"

"Putangina mo. Iyon ka," inis na asik ko.

Akala ko sa second floor kami pupunta dahil madalas, sa mismong classroom namin idinaraos ang Christmas Party, pero nagkamali ako. Hinila ako ni Tadeo papunta sa may tennis court kung saan naroon ang katabi nitong Pavilion.

Isa iyong open area kung saan ginagawa ang ilan sa mga simpleng events ng Henderson University. Dito rin minsan nagpa-practice ang dance troupe ng school. Kaya hindi ko talaga inakala na pumayag ang Dean ng Henderson na gamitin ng Night Class 10 ang Pavilion para sa Christmas Party.

Hindi pa man kami nakakarating ng Pavilion ay narinig ko na ang malakas na tugtog ng sound system. Isang pamilyar na tugtog.

Nang makarating kami ng Pavilion ay nakita ko ang mga estudyanteng nakapalibot doon na para bang may nagpe-perform sa gitna kaya sila nagkukumpulan.

"Bakit ang daming tao?!" pasigaw na tanong ko dahil sa lakas ng tugtog.

Hindi namin makita kung anong nangyayari sa gitna dahil nga sa dami ng taong nanonood. Kailangan pa namin makipagsiksikan!

"Wala ba silang sariling party? Bakit sila nakikinood dito sa party ng Night Class 10?!"

"Gagi! Nag-umpisa na sila!" Biglang nawala sa paningin ko si Tadeo kaya nakipagsiksikan ako sa mga tao para makapunta ako sa harap.

Tangina lahat yata ng klase ng amoy ng kili-kili naamoy ko na! Isa pa 'to si Tadeo! Dinala ako dito tapos iiwan rin pala ako!

"Excute me! Excute me lang! Padaanin ang pogi! Huwag na kayong mahiya naman kayo! Padaanin ang pogi!"

Siniksik ko ang sarili ko sa mga nakapormang estudyante na mukhang iniwan ang party nila para lang makinood dito. Seryoso ba sila?!

Saka ko lang naintindihan kung bakit sila nagkakagulo. Nakita ko sa gitna si Ma'am Veronica, ang adviser ng Night Class 10, na nakaupo sa harap ng makeshift stage na puno ng decorations habang nasa gilid naman ang mahabang mesa kung saan nakalagay ang iba't ibang uri ng pagkain. Nasa kabilang gilid naman nakalagay ang mga nakabalot na regalo.

Pero hindi talaga iyon ang pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Dahil nasa ibabaw ng stage ang lahat ng kaklase ko sa Night Class 10 at sumasayaw sa kantang "All I Want For Christmas Is You" ni Mariah Carey.

Nakasuot ang mga babae ng dress na pang-Santa Claus ang design, habang ang mga lalake ay nakasuot rin ng costume na gano'n din ang design. Ang cute nilang tingnan dahil lahat sila ay nakasuot rin ng santa hat.

Natawa kaagad ako nang makita si Marife na awkward na sumasayaw, halatang napipilitan. Habang si Mayumi at Lovely naman ang nangunguna sa pagsasayaw. Mukha silang mga manika sa suot nila at paniguradong isa sila sa dahilan kung bakit maraming nanonood sa kanila. 

Sabay-sabay sila sumayaw pero natatawa talaga ako kapag nakikita ko si Marife na nakanguso habang pinipilit na makisabay. Gustong-gusto ko tuloy siyang asarin. Panay naman ang palakpak ni Ma'am Veronica habang nanunuod sa katangahan ng mga kaklase ko.

Teka, nasaan nga pala si Tadeo?!

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya sa gilid na tumatakbo paakyat ng stage habang pilit isinusuot ang costume niya. Hindi niya pa nasasara ang botones ng santa claus outfit niya pero nakisabay na siya sa sayaw. Tangina, natawa ako mga bente. Para siyang tanga!

Mas lalo akong natawa nang matapos na ang kanta kung kailan kakaakyat lang ni Tadeo ng stage. Nakita ko tuloy kung paano siya sumimangot at inasar ng mga kaklase ko.

"Ang daya! Hindi niyo 'ko hinintay!" reklamo ni Tadeo. Dinig na dinig na namin ang boses niya dahil huminto ang tugtog.

"It's okay, anak! May dance number pa naman kayo mamaya!" natatawang sabi ni Ma'am Veronica.

"Kasalanan mo naman, eh! Late ka!" sabi ng isa kong kaklase na si Apple.

"Paano ako hindi mali-late? Ang bagal kaya kumilos ni Echo! Kulang na lang kaladkarin ko siya papunta dito!" reklamo ni Tadeo habang dinig na dinig siya ng lahat. Saka niya na-realize na nasabi niya na ang surprise niya kaya natakpan niya ang bibig.

Natampal ko na lang ang noo ko sabay ngiwi. "Bobo. Surprise daw."

"N-Nandito si Echo?" tanong ni Marife. Siya talaga ang unang nag-react.

Napakamot sa ulo si Tadeo at saka naglikot ang mga mata sa paligid na parang hinahanap ako.

Napabuntong-hininga na lang ako saka ko itinaas ang isa kong kamay.

"Nandito 'ko."

Napunta ang lahat ng atensyon nila sa akin. Si Ma'am Veronica ay napangiti nang makita ako. At nang tingnan ko ang reaksyon ng mga kaklase ko ay para silang nakakita ng gwapong multo. Nakaawang ang mga bibig nila at nanlalaki ang mga mata.

"Na-miss niyo ba ang pinakagwapong lalake sa Night Class 10?" mayabang na tanong ko sa kanilang lahat.

"Echoooo!!!!" sabay-sabay nilang sigaw.

Nanlaki ang mga mata ko nang sabay-sabay silang tumakbo pababa ng stage para salubungin ako ng yakap.

"T-Tangina!!!" Napaupo ako sa sahig dahil sa pagsugod ng mga kaklase ko. Sa dami nilang yumakap sa'kin ay hindi ko nakayanan ang bigat nilang lahat kaya humalik ang pwet ko sa makinis na sahig ng Pavilion.

"Tangina niyo! Papatayin niyo ba 'ko?! Hindi ako makahinga! Hoy, Adan! Anak ngnasisiko niyo na ang bombilya ko! Hoy!"

Napuno ng tawanan ang buong Pavilion dahil sa ginawa nila sa'kin. Nakatanggap ako ng batok, suntok at pingot mula sa mga kaklase kong lalake lalo na si Hiroshin na isa rin sa mga ka-close ko. Isa-isa namang yumakap sa'kin ang mga babae kong kaklase at huling yumakap sa'kin si Ma'am Veronica.

"Kamusta ka na?" nakangiting tanong niya sa'kin. "Bigla ka na lang nawala hanggang sa mabalitaan namin na nakabuntis ka raw."

"Ang landi kasi niyan!" hirit ni Lovely sabay inirapan ako.

"Mahabang istorya, Ma'am." Kinamot ko ang kilay ko dahil sa hiya. "Pumunta lang naman po ako dito para makita kayo. Ito na ang huling Christmas Party ng Night Class 10. Sa Senior High, walang nang Night Class."

"Na-miss ka ng mga kaklase mo. Buti naman nagpakita ka ngayon. Mag-aaral ka ba ulit?"

"Aba, oo naman, Ma'am! Hahabol ako next year!" masayang sabi ko. Iyon naman talaga ang balak ko, eh.

"Paano ba 'yan? May nagtatampo sa'yo." Ngumiti nang nakakaloko si Ma'am Veronica bago inginuso si Marife na nakaupo lang sa gilid at kinakalikot ang mga daliri.

"Sa totoo lang, men...si Marife talaga ang pinaka-naapektuhan sa amin nang mawala ka bigla," sabad ni Hiroshin na ngayon ay nakatingin kay Marife. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin dito.

Bumuntong-hininga ako at nagpaalam sa kanila na pupuntahan ko muna si Marife. Pinagpatuloy nila ang party habang ako ay umupo sa monobloc chair na katabi ni Marife.

"Ginagawa mo dito?" nakayukong tanong niya.

Ang laylayan naman ng dress niya ang pinaglalaruan niya ngayon. Ang cute niya tingnan sa Santa Claus dress niya.

"Kinakamusta ka," malambing na sagot ko bago sinundot ang ilong niya. "Miss mo 'ko?"

"Bigla kang nawala tapos babalik ka para lang asarin ako?" Ngumuso siya. "Dapat pala hindi ka na lang bumalik."

"Aray ko," pagdadrama ko sabay hawak sa dibdib ko. "Ang sakit mo na magsalita ngayon, ah."

Alam ko naman na nasaktan siya sa biglaan kong pagkawala dahil ako lang at si Hiroshin ang naging kaibigan niyang lalake sa Night Class. Pero sa pagkakakilala ko kay Marife ay hindi siya 'yung tipo ng babae na sasabihin kung ano ang nasa isip niya. Madalas siyang magtago ng nararamdaman niya kaya medyo nanibago ako sa mga salitang binitawan niya sa'kin.

"Sorry na..." Tagiliran niya naman ang sinundot ko pero hinampas niya lang ang kamay ko.

"Huwag mo 'kong inaano diyan." Ngumuso siya lalo.

"Sorry na nga," sinserong sambit ko. "Masyadong maraming nangyari kaya hindi na ako nakapagpaalam—"

"Noong nawala ka, nawalan ako ng kakampi." Pumiyok ang boses niya kaya napaseryoso ang mukha ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya sa'kin kaya nakita ko ang namumula niyang mga mata, malapit na siyang umiyak. Hindi siya nagsalita pero tumingin siya sa direksyon ni Hiroshin at Mayumi na naglalaro ng 'The boat is sinking' kasama ang iba pa naming kaklase habang si Ma'am Veronica ang host.

"U-Una si Mayumi..." Yumuko ulit siya at nagpunas ng pisngi para hindi ko makitang umiiyak siya. "T-Tapos...Tapos si Hiroshin. Hindi ko alam kung bakit lagi akong hindi pinipili ng mga kaibigan ko pagkatapos nilang makahanap ng ibang magpapasaya sa kanila. P-Parang hindi ako sapat, p-parang hindi ako mahalaga kasi hindi ako...k-kasi hindi ako m-maganda..."

Napaawang ang bibig ko dahil sa mga sinambit niya. Hindi ako mahilig sa pagdadrama ng mga babae pero mula nang magkahiwalay kami ni Dette ay nagkaroon na ako ng pakialam sa mga babaeng nasasaktan at umiiyak sa harap ko kahit hindi ko naman kadugo. At isa pa, hindi na iba sa'kin si Marife.

Sinabihan ko siya ng mga salitang alam ko na magpapapagaan sa loob niya at tinanong ko rin siya kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Hiroshin at sinabi niya naman ang totoo. Ayokong pakialam silang dalawa sa away nila kaya wala akong ibang ginawa kung hindi patawanin si Marife. Hindi siya sumali sa mga laro dahil nahihiya siya kaya sinamahan ko lang siya sa gilid kahit natatakam na akong kumain.

Sabay kaming napatingala ni Marife sa stage nang umakyat doon ang mga kaklase namin kasabay ng pagtugtog ng isang pamilyar na kanta.

"Girl in the mirror!" nakangiting bulalas ko sabay tingin kay Marife. "Tara! Themesong ng Night Class 10 'yan!"

Matigas siyang umiling. "Ayokong sumayaw!"

"Dali na! Tayo na lang ang wala sa stage!" Hinila ko ang kamay niya para tumayo siya. "Dali, partner tayo!"

Napakamot siya sa batok niya at napilitang tumayo dahil umakyat na rin ng stage si Ma'am Veronica at dahil lumakas ang hiyawan ng mga nanonood.

Nang makaakyat kami ng stage ay sinabayan namin ang tugtog ng kantang "Girl in the mirror" ni Sofia Grace. Natawa pa ako nang makitang namumula na ang mukha dahil sa hiya si Marife. Alam na alam naming lahat ang steps ng kanta kaya tawa kami nang tawa kahit wala namang nakakatawa.

Nang matapos ang pagsayaw ay inasar ko si Marife dahil hindi talaga siya marunong sumayaw.

"At dahil ngayon lang sumulpot ang pinakapoging estudyante ko," tukoy ni Ma'am Veronica sa akin kaya natawa kaagad ako. Hawak niya ang microphone habang nasa gilid siya ng stage. "Gusto kong makita na sumayaw ang 'maligalig trio' ng klase ko."

Dahil sa sinabi ni Ma'am Veronica ay nagkatinginan kami ni Hiroshin at Tadeo. Kami lang namang tatlo ang binansagan nila ng 'maligalig trio' dahil kami ang pinakamalikot, pinakamaingay at pinakamaloko sa Night Class 10.

"Ladies and Gentlemen, wala ito sa program pero dahil mahal ko ang tatlong 'to, isisingit ko sila!" nakangiti at masiglang sambit ni Ma'am Veronica. "Si Hiroshin, Tadeo at Echo!"

Nang tumugtog ang intro ng kantang "Uptown funk" ni Mark Ronson at Bruno Mars ay nag-unahan kaagad kaming tatlo na makaakyat ng stage. Nag-aerial twist pa kaming dalawa ni Hiroshin papunta sa gitna ng stage kaya narinig  ko ang tilian ng mga babaeng nanonood sa amin, pero mas malakas pa rin ang tili ng mga kaklase naming babae.

"Ako rin!" Nainggit kaagad si Tadeo pero tinawanan namin siya ni Hiroshin.

"Huwag na! Baka mabalian ka lang ng buto!" pang-aasar ko sa kaniya pero ginawa niya pa rin. Nag-aerial twist din siya at swabeng lumapat ang sapatos niya sa sahig ng stage.

"Oh!" Hinawakan namin siya ni Hiroshin sa balikat dahil sumuray ang tayo niya at parang matutumba.

"Okay ako! Okay ako!" masiglang sabi ni Tadeo sabay thumbs up sa mga nanonood sa amin. Nakangiti pa siya na parang natatae.

Nagsimula kaming sumayaw kasabay ng pamilyar na kanta. Alam na alam namin ang steps niyon dahil ginaya namin ang dance steps ni Bruno Mars sa music video nito. Kaya nang isinayaw namin iyon sa chorus ay lumakas ang tilian ng mga babae. Hinaluan kasi namin ng kalokohan ang mga dance steps namin.

"Don't believe me just watch! Come on!" kanta nila.

Halos mabingi na kami sa sigawan at tilian ng mga nanonood sa amin lalo pa't nadagdagan ang mga nakikinood sa party.

Natapos ang sayaw naming tatlo at hindi pa rin kumakalma ang mga nanood sa amin pero tinawag na rin ni Ma'am Veronica si Marife para kumanta. Nahihiya man ay chineer ko pa rin siya. Sunod-sunod na ang performance ng mga kaklase ko at hindi ko inakala na magmumukhang concert ang Christmas Party dahil padami nang padami ang nakikinood sa amin.

Hindi sa pagyayabang pero ang Night Class 10 ay binubuo ng 30 na estudyante na may iba't ibang talento kaya naman malakas kami kay Dean. Madalas kasi na sa amin nanggagaling ang mga pambato ng Henderson University pagdating sa kahit anong contest.

Mahal ko ang Night Class 10. Mahal ko ang mga kaklase ko at nalulungkot ako na iiwan ko na sila ulit.

Nang matapos ang party ay halos mag-iyakan ang mga kaklase kong babae dahil nagpaalalam na ako.

"Hindi pa 'ko mamamatay, ano ba kayo!" Sinubukan ko pa rin na pangitiin sila.

Yumakap sa dibdib ko si Marife. "Chat-chat tayo, ha? Huwag mo kaming kakalimutan."

"Oo naman! Kayo kaya ang naging pamilya ko sa school!" pigil ang emosyon na sambit ko. "Hindi ko kayo makakalimutan! At pangako ko sa inyo, magkikita-kita rin tayo ulit!"

Naniwala sila sa promise ko at kahit nahihirapan akong magpaalam ay nagawa ko pa rin na ngumiti sa kanilang lahat.

Nang makaalis ako sa Pavilion ay doon lang tumulo ang mga luha ko. Tinapik ako ni Tadeo sa balikat. Sabay na kaming uuwi bitbit ang mga regalong natanggap namin.

"Hirap kang magpaalam sa mga kaklase natin," malumanay na sambit niya maya-maya. "Paano pa kaya kapag nalaman mo na aalis na sila Dette pagkatapos ng Christmas?"

Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Parang may bumundol sa dibdib ko.

"A-Ano?"

"Nabalitaan ko kay Tonette na aalis na raw si Dette. Sasama siya sa papa niya papuntang Maynila. Doon na siya mag-aaral."

Nakaramdam ako ng panlulumo sa ibinalita niya. Natulala ako nang ilang segundo bago nakabawi. Bumuntong-hininga ako.

"O-Okay na rin 'yon. Para malayo siya sa sakit. Para hindi na rin kami magkita ulit."

"Sure ka ayaw mo na siyang makita ulit?" mapang-asar na tanong niya.

Umupo kaming dalawa sa bench na kaharap ng tennis court.

"Gusto ko. Pero masyado ko siyang nasaktan. Mas okay nang lumayo siya para buuin ulit ang sarili niya."

"Hindi mo ba siya kakausapin bago umalis? Para magpaalam man lang?"

Ngumiti ako nang mapait. "Walang paalam na mangyayari, Tadeo." Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkalito sa mukha niya. "Dahil hindi pa tapos ang kwento naming dalawa."

"Ha?" Nangunot ang noo niya. "Lalim naman ng mga salita mo, men! I kennat!"

"Hahayaan ko muna ang sarili namin na maghilom. Bata pa kami at marami pa kaming mga bagay na dapat matutunan at i-explore. Katulad ko, mag-eenjoy muna ako sa pagiging binata ko. Total, hindi ako makuntento sa isang babae. Eh di hihintayin ko na magsawa ako sa ginagawa ko nang walang sinasaktang damdamin. At kapag dumating ang araw na handa na akong makuntento, kapag kaya ko nang ipangako sa kaniya na hindi ko na siya sasaktan ulit...hahanapin ko siya."

"Shit..." Tinakpan ni Tadeo ang bibig niya habang nanlalaki ang mga matang tumititig sa'kin. "Ikaw ba 'yan, men?! Tangina, ang corny mo!"

"Bobo ka!" Binatukan ko siya pero nagseryoso rin ako ulit. "Iyon siguro ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Dette, dahil hindi pa kami handa, dahil bata pa kami. At pinagtagpo siguro kami ngayon para magbigay ng aral sa bawat isa."

"Teka nga..." Tinapik niya ang pisngi ko. "Bakit ganyan ka magsalita kapag si Dette ang pinag-uusapan? Huwag mong sabihing..."

Tumango ako. "Mahal ko si Dette. Hindi ko kaagad nakita ang halaga niya. Siya lang ang babaeng kayang tiisin ang ugali ko, ang pagiging malandi ko. Kaya niyang tiisin ang sakit basta makasama lang ako, kaya niyang magpakatanga para sa'kin. Siya lang." Napabuga ako ng hangin bago nagpatuloy. "At hihintayin ko ang araw na mapatawad niya ako at ang araw kung saan handa na akong ibigay ang buong puso ko sa kaniya."

"Ano 'yon? Landi now, seryoso later?"

Hindi ko na siya sinagot at tumayo na ako. Wala naman siyang kwentang kausap.

Nakangiti ako habang naglalakad sa corridor. Magaan ang pakiramdam ko dahil alam kong hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

Balang araw, magtatagpo ulit tayo, Dette. At kapag dumating ang araw na 'yon, hinding-hindi na kita sasaktan. Pangako yan...



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top