30. PASKONG WALA KA

|30. Paskong Wala Ka|

Odette Marie "Dette" Ojera




"Death is not the end. Perhaps, it is the beginning of a new journey waiting ahead."

Mahihinang paghikbi ang maririnig sa buong paligid habang nagsasalita ang isang pari sa gitna at may hawak itong bibliya.

Panay ang iyak ko habang nakaalalay sa akin si Tita Divina, Tonette at si Papa. He arrived four days ago when he heard about the news. He tried to reach out to me many times but I refused talking to him.

"His loving memory will forever be cherished," pagpapatuloy ng pari sa gitna at saka isinara ang hawak na bibliya.

"I-I love you so much, Ma," umiiyak na sambit ko. Hinagod-hagod naman ni Papa ang likod ko para mapakalma ako.

Maraming nakilibing na mga kaibigan ni Mama. Nagpaabot ang mga ito ng pakikiramay bago magsialisan.

Natapos na ang libing at tuluyan nang tinabunan ang kabaong ni Mama ng lupa. Hindi pa rin kami maawat sa pag-iyak ni Tonette at ni Tita Divina, habang si Papa naman ay tahimik lang na nakatitig sa kabaong ni Mama.

I wonder what he was thinking. Humihingi na ba siya ng tawad kay Mama dahil sa mga ginawa niya? Nagsisisi ba siya?

Gustong-gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano. Nasasaktan ako sa nangyari kay Mama at paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko.

Hinagis ko ang isang bulaklak sa hukay at saka pumikit.

I know my sorry's won't make you alive anymore, Ma. God knows how much I blame myself for what happened to you. But I knew there was nothing I could do. You're gone. At ang magagawa ko na lang talaga ngayon ay ang tanggapin ang pagkawala mo at tuparin ang pangarap mo para sa'kin. I will continue my studies. I will forget what happened. I will put myself before others. At sisiguraduhin ko na sa bawat araw na wala ka sa tabi ko, mas magiging matatag ako at handa na akong matuto sa bawat pagkakamaling magagawa ko. Mahirap kapag wala ka, Ma. Pero nagpapasalamat ako at ikaw ang naging ina ko. Inalagaan mo ako at ginabayan, inintindi nang walang pag-aalinlangan, minahal nang walang kapalit. Mahal na mahal kita, Ma. I will miss you. Sa pagkawala mo, sisikapin kong tumayo sa sarili kong mga paa. Thank you so much, Ma. 'Till we meet again.

***

The funeral was over, but I hadn't finished crying.

Nasa kwarto na ako at nakadapa sa kama habang umiiyak. Dinalhan ako ni Manang Rose ng pagkain pero hindi ko 'yon pinansin. Parang ayaw ko nang kumain, gusto ko na lang umiyak nang umiyak kahit namamaga na ang mga mata ko.

"Dette, anak..."

"I wanna be alone here, Pa," sagot ko habang nakabaon ang mukha ko sa unan. Ayoko siyang makausap.

I thought he left, but I was wrong. Umupo siya sa tabi ng kama ko at hinawakan ang balikat ko.

"You never talked to me since I got here."

Kinagat ko ang labi ko nang marinig ang sinabi niya.

"I don't wanna talk to you."

"Naiintindihan kita kung galit ka sa'kin," malumanay na sambit niya. "Pero hindi mo maiaalis sa'kin na alagaan ka ngayong wala na ang Mama mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Umupo ako sa kama at humarap sa kaniya.

"What do you mean?"

"Isasama na kita sa Maynila. Doon ka na mag-aaral."

Nangunot ang noo ko. "What?"

"Mas maaalagaan kita roon, Dette," malumanay pa ring sambit niya habang nakangiti sa akin. "Ipapaubaya ko na sa Tita Divina mo ang Haven's Delight—"

"No!" Tumaas kaagad ang boses ko. "Hindi ako aalis dito, Pa. Nandito lahat ng memories ni Mama!"

"Walang mag-aalaga sa'yo dito," giit niya. "Kapag nasa Maynila ka, matitingnan kita, maaalagaan kita."

"And then what? Ipapakilala mo sa'kin ang babae mo?! I'd rather die here alone!"

"Huwag nang matigas ang ulo mo," pakiusap niya. "Kahit hiwalay na kami ng Mama mo, may karapatan pa rin ako sa'yo dahil anak kita."

"Don't call me your daughter if you weren't here for eight years!" singhal ko sa kaniya. "Kung hindi ba namatay si Mama, pupuntahan mo ba 'ko dito?! Wala ka namang ibang iniisip kung hindi ang sarili mo at ang babae mo, eh! May pagkakataon kang umuwi dito para dalawin ako pero hindi mo magawa! Tapos ngayon ay sasabihin mo sa'kin na anak mo 'ko?!"

Napabuntong-hininga siya at yumuko para iwasan ang tingin ko.

"Marami akong pagkukulang, alam ko. Pero sana naman, bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi sa'yo." Tumingin siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko. "Sumama ka sa'kin sa Maynila at babawi ako sa'yo, anak. Just give me a chance."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko siyang patawarin pero parang ayaw ko. Gusto ko siyang mahirapan. Gusto kong ipakita sa kaniya na ayoko sa kaniya. That's what he deserved for hurting Mama like that.

"Sasama ka sa'kin sa ayaw at sa gusto mo, Dette," maawtoridad na sambit niya maya-maya. "Kung kinakailangan na kaladkarin kita, gagawin ko basta mapasunod ka lang."

Binigyan ko siya ng nanlulumong tingin bago ako padabog na bumaba ng kama para layasan siya.

Nakakainis siya! Pupunta siya dito para kontrolin ako?!

"Hey..." Nakasalubong ko si Tonette sa hagdan na may hawak na baso ng gatas, dadalhin niya siguro sa kwarto ko.

Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan siya sandali. Hindi umalis si Tonette dito sa bahay para damayan ako. At nagpapasalamat ako dahil kahit nag-away kami ay hindi niya pa rin ako pinapabayaan.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako at nilampasan siya. Nagtuloy-tuloy ako sa pagbaba ng hagdan at tumuloy ako sa loob ng pool area.

"Couz..." Sinundan pa rin pala ako ni Tonette. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig sa pool.

"Can't you see? Gusto kong mapag-isa," frustrated na sabi ko.

"I know what Tito Dominic told you." Nakatalikod pa rin ako sa kaniya kaya hindi ko makita ang itsura niya. "Kinausap niya na rin ako pati si Mommy. Mas makakabuti kung sumama ka sa kaniya."

"You don't really know the feeling of being controlled, do you?" I asked her sarcastically. "Ayokong makasama siya. Mahirap bang intindihin 'yon?"

"Pero daddy mo pa rin siya, couz," giit niya. "May karapatan siya sa'yo dahil anak ka niya. Kailangan mong sumama sa kaniya para mapunan niya ang mga pagkukulang niya sa'yo. Give him a chance. If hindi pa rin siya nagbago, then you can call us. Babawiin ka namin sa kaniya right away! I can even smash his face just to get a revenge for you!"

It warmed my heart. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti nang tipid.

"Brutal."

"I can be brutal anytime na may nang-aaway sa'yo."

Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay alam ko na umirap siya. Kilalang-kilala ko na siya pati mga mannerisms niya.

"So, sasaktan mo pala ang sarili mo kasi sinaktan mo ako," panunumbat ko.

"Duh! You pulled my hair rin kaya!"

"You called me stupid." I rolled my eyes before turning to her to give her a glare.

"Totoo naman, eh!" She made a face before crossing her arms over her chest.

Pero maya-maya lang ay nagbaba siya ng tingin at bumuntong-hininga.

"But honestly, I was blaming myself. Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana hindi na lang kita inaway. Hindi sana inatake sa puso si Tita Dorothy. And the fact that I was one of the reasons of her death, was making me uncomfortable every night to the point that it was giving me nightmares."

Napabuntong-hininga rin ako. Parehas pala kami ni Tonette na sinisisi ang sarili dahil sa nangyari kay Mama.

"It wasn't your fault," I almost whispered. "Kung hindi ko inuna ang kalandian ko, sana buhay pa si Mama ngayon—"

"Stop it." She glared at me. "You're not malandi. Slight lang."

"Parehas lang 'yon!" I glared at her too, making her burst into laughter.

Natawa ako dahil nahawa na rin ako sa tawa niya.

"Kidding aside." Sumeryoso siya bigla. "I'm sorry, couz. If I hurt you..."

"Tama lang 'yon," I scoffed. "Dapat nga inuntog mo pa 'ko sa pader para mas maaga akong nagising sa katotohanan."

"Hey..." She hugged me tightly as she caressed my back. "Okay lang na magkamali ka. Ang importante, natuto ka sa mga pagkakamali mo."

"Nawala naman si Mama..." My voice broke.

"Tita Dorothy will get mad if you keep on blaming yourself."

"I hate myself..." I cried silently. My vision became blurry again because of my tears.

"Forgive yourself. Hindi mo ginusto ang nangyari. Believe me, ganyan din ang palagi kong sinasabi sa sarili ko. At sigurado ako na hindi gugustuhin ni Tita Dorothy na nagkakaganyan ka."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Do you think she will let me go with Papa?"

"Kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong sumama ka sa kaniya. Mas madali para sa'yo kaysa mag-stay ka dito sa house. Maraming memories dito si Tita at mahaaihirapan ka."

I shook my head. "I don't wanna forget her, couz."

"I know. Hindi mo naman siya kakalimutan, eh. Kailangan mo lang ng bagong surroundings. And malay mo, 'yon ang maging way para maging close ulit kayo ni Tito Dominic. Ayaw mo ba niyon?"

"Gusto." Ngumuso ako. "Pero galit ako sa kaniya."

"Galit ka kasi you love him, right?"

Tumango ako. Totoo naman, eh.

"Then, give him a chance. Kung nandito lang si Tita, pipilitin ka rin niya na sumama sa Papa mo."

"Teka nga." Sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakahalata na 'ko, ah. Parang gustong-gusto mo na umalis ako dito."

"Gaga!" She pulled my hair. "Hindi! Alam ko naman kasi kung gaano ka karupok. Gusto ko na lumayo ka dito kasi alam kong magkakaroon ng pagkakataon na magkita kayo ng ex mong cheater!"

Napakamot ako sa ulo ko. "Kailangan ipaalala? Kinakalimutan ko na nga, eh."

"But honestly, isa lang 'yon sa mga rason kung bakit gusto kong sumama ka sa Papa mo. You have to move on, couz."

"Sa tingin mo, makakalimutan ko pa siya?"

"Duh! Of course!" Inirapan niya ako. "Iyong mga gano'ng lalake, dapat kinakalimutan! Ewan ko ba kasi sa'yo! I really don't know kung bakit ka na-fall kay Echo! Though, I understand you kasi bata ka pa! Basta gwapo, okay na!"

"Mabait naman siya," I tried to save his reputation. "Inalagaan niya 'ko. It's just that..."

"Hay naku! Stop it now. Change topic!"

Natawa na lang ako sa kaniya at na-touch nang slight. Talagang ayaw niya nang ipaalala ang mga masamang nangyari sa akin magmula nang makilala ko si Echo.

"Anak..."

Sabay kaming tumingin sa likod namin. Naglakad si Papa palapit sa akin at yumuko lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Hayaan mo akong makabawi sa'yo, anak."

Niyakap niya ako at hinayaan ko lang siya. Sinenyasan ako ni Tonette na yakapin ko siya pabalik at nang hindi ako sumunod ay inambahan niya ako ng suntok.

"P-Payag na po ako, Pa."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiting tumitig sa mga mata ko.

"Really?"

"But in one condition," hirit ko.

"Anything for you, sweetheart."

"I want to stay here until Christmas. I want to celebrate it with Tonette and Tita Divina."

Ngumiti siya nang napakalawak. "Of course." Hinalikan niya ako sa noo at masuyong hinaplos ang buhok ko. "Of course, anak."

"Aww, you're so sweet." Tonette held her chest dramatically. "Gusto mo pala ako makasama sa Pasko, couz?"

Tumango ako sa kaniya. "Yeah. May utang kang regalo sa'kin last Christmas."

"Hey! I had a gift for you kaya!" angil niya kaya natawa kami ni Papa pareho.

"Mayroon nga. Barbie doll naman!" Inirapan ko siya.

"I thought you like barbies!"

"Yes, but I'm not a kid anymore!"

"Tama na 'yan," natatawang awat ni Papa sa aming dalawa dahil mukhang magsasabunutan na kami. "Don't worry, we will celebrate the Christmas with Tonette. Are you happy now?"

I shrugged my shoulders and gave him a small smile. "Not really but...I'm sure I will get better as long as you guys are here."

"Aww, you're so sweet na talaga!"

"Tumigil ka nga kaka-aww mo." Inirapan ko si Tonette. "Hindi ka aso."

"I love dogs!"

"But you don't have a dog!"

"Because I'm allergy!"

"Whatever! Where's my milk?!"

Namilog ang mga mata niya. "Nasa kitchen. Binalik ko!"

"Akin na!" Inilahad ko ang kamay ko.

"Wait! Manang Rosie!" malakas na tawag niya sa loob. "Pakuha ng milk ni Dette!"

Maya-maya lang ay pumasok na rin sa pool area si Manang Rosie habang hawak ang isang baso ng gatas.

"Thank you, Manang." Nginitian ko si Manang Rosie.

"Balita ko aalis ka na," nakasimangot na sambit ni Manang Rosie habang nilalaro ng mga daliri ang laylayan ng apron niya. "Iiwan mo na 'ko. Sasama ka na kay Sir Dominic."

"Manang..." Nalungkot tuloy ako bigla.

"Nawala na nga si Ma'am Dorothy tapos pati ikaw aalis." Namaos ang tinig niya kaya niyakap ko siya. Maging si Papa at Tonette ay nakiyakap na rin.

"Don't worry, Manang. Bibisita naman kami dito. Basta ipangako mo sa'kin na aalagaan niyo 'tong bahay habang wala kami," bilin ni Papa.

"Oo naman, Sir. Makakaasa kayo. Hindi ko lang talaga maiwasan na malungkot dahil napamahal na rin sa'kin si Dette." Tuluyan nang naiyak si Manang Rosie kaya hinagod ko ang likod niya.

"Don't cry, Manang Rosie!" I tried to make her laugh. "Hindi pa 'ko mamamatay!"

Tumawa si Manang Rosie at kumalas sa pagkakayakap naming tatlo sa kaniya para punasan ang mga luha niya sa pisngi.

"Nandito pa 'ko, Manang! Everyday kitang dadalawin! Promise!" Itinaas ni Tonette ang isa niyang kamay. "Smile na!"

"Huwag na. Hindi ko suot pustiso ko."

At nabalot kami ng tawanan dahil sa sinabi niya.

Kagaya ng gusto ko, sa bahay nila Tita Divina kami nag-celebrate ng Pasko. Sobrang saya ko at malungkot at the same time dahil matagal-tagal ko ring hindi makakasama si Tonette at Tita Divina. Pero inisip ko na lang na para naman sa ikakabuti ko ang pag-alis ko, para makalimutan ko ang lahat ng masasamang alaala.

Including Echo.

I wasn't totally healed. Wala pang isang buwan mula nang maghiwalay kami pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Ang hirap mag-move on, sa totoo lang. Pero dahil nandyan sila Tonette, nakakalimutan ko siya kahit panandalian lang.

Hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin na kalimutan siya. I blocked his number and any social media accounts dahil iyon ang sinabi ni Tonette. Sinigurado niya na hindi na ako maco-contact ni Echo and vice-versa.

Ngayong Pasko, pinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya, na kaya kong mag-celebrate ng Pasko kahit wala siya dahil kasama ko ang pamilya ko. Nakakalungkot lang dahil wala si Mama habang nagkakasiyahan kami.

I promise to you, Ma. I will live my life to the fullest with patience. I know, darating din ang tamang pag-ibig para sa'kin sa takdang panahon. Pero katulad ng palagi mong sinasabi sa'kin ay uunahin ko ang pag-aaral ko. Sayang lang at hindi ako nakinig sa'yo noong una kaya nangyari lahat ng hindi maganda. Pero at least natuto ako, 'di ba? I love you, Ma. I miss you so much. You will always be in my heart. I wish you were here, Ma. But I know, masaya ka na rin kung nasaan ka man ngayon.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top