27. GOING HOME

|27. Going home|

Gericho "Echo" Escobar

Naglayas si Papa. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pero iisipin ko pa ba 'yon? Ngayong hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga nalaman ko.

"Natukso ako," panimula ni Mama pagkatapos umupo sa gilid ng kama kung saan rin ako umupo. "At bata pa kami noon. Marupok ako."

"Bakit hindi niyo sinabi?" Kumuyom ang mga kamao ko habang nakatitig ako sa sahig.

"Bakit pa, anak? Anak kita kahit anong mangyari. Hindi mababago ng pagkakamali ko ang katotohanan na 'yon."

"Pero hindi ako tinanggap ni Papa," giit ko. "Kaya pala gano'n siya sa'kin. Kaya pala mas mahal niya si Gian kaysa sa'kin kasi siya naman talaga ang panganay niya."

Tumingin ako sa kaniya. "Dapat sinabi niyo. Hindi niyo alam na halos gabi-gabi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit para akong hindi anak kung ituring ni Papa."

"Patawarin mo 'ko, anak..." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Patawarin mo 'ko kung nadamay ka sa kasalanang ginawa ko."

Tumawa ako nang sarkastiko at napailing. "Kung hindi niyo sana ginawa 'yon, sana wala ako ngayon..." Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko na ayaw magpaawat. "Hindi ko alam kung matutuwa ako, eh. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat sa'yo na ginawa mo 'yon. Kasi dahil sa pagkakamaling 'yon, nabuhay ako."

"K-Kung mayroon mang magandang naidulot ang ginawa ko, iyon ay ang dumating ka sa buhay ko." Yumuko siya at humagulhol bago muling nag-angat ng tingin sa akin. "I-Ikaw ang una kong minahal, i-ikaw ang panganay ko..."

"Hindi naman ako galit sa'yo, Ma."

Lumakas ang hagulhol ni Mama at niyakap ako nang mahigpit habang panay ang hingi ng tawad sa akin.

Hindi ako galit sa kaniya. Ano bang karapatan kong magalit? Oo, nagkamali siya noon pero hindi naman niya ako pinabayaan. Pinalaki niya ako at pinakain. Minahal.

Nasasaktan lang ako ngayon dahil hindi nila sinabi sa'kin ang totoo. Nasasaktan ako kasi mahal ko pa rin si Papa kahit hindi siya ang tunay kong ama, kahit galit siya sa'kin. Ngayon ay wala na akong karapatang magalit sa kaniya dahil may dahilan naman siya, at wala na akong magagawa roon.

"Kuya..."

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at nakita kong nakatayo roon si Gian at si Gia, parehong umiiyak.

"N-Nong," tawag sa'kin ni Gian. "Tinanggap mo 'ko kahit ganito ako. Tatanggapin din kita kahit half-sister mo lang ako."

Natawa ako nang kaunti kaya binato ko sa kaniya ang isang unan.

"Kuya ka pa rin namin, Kuya Echo,"  sambit ni Gia bago naglakad palapit sa akin at niyakap ako.

Sumunod sa kaniya si Gian kaya gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano dahil sa mga yakap nila.

"Na-miss ka namin, Kuya Echo." Tinitigan ako ni Gia. "Dito ka na ba ulit titira?"

"Gia, may ibang bahay na inuuwian ang kuya mo," kontra ni Mama habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Ma, wala na kami ni Dette," pag-amin ko.

"Ano?!" Sabay-sabay silang nagulat sa sinabi ko.

"Ayoko munang pag-usapan," sambit ko kaagad nang magtatanong sana si Mama. Hindi naman na sila nagtanong nang sabihin ko iyon.

"Ikaw, parang tumaba ka. Lakas mo siguro kumain," puna ko kay Gia. Ilang buwan lang akong nawala tapos parang lumubo siya.

"Ang lakas kumain niyan, nong!" pang-aasar ni Gian sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo, bakla!" Binelatan siya ni Gia. "Dapat hindi ko na ginamot 'yang sugat mo, eh!"

"Hoy, kahit bakla ako marunong pa rin akong manuntok! Gusto mo sampolan kita?"

"'Eto ka!" Sinuntok siya ni Gia sa braso kaya napangiwi siya.

"Hoy, Gian," tawag ko kaya napatingin siya sa'kin. "Matanda ka na kaya hindi na kita kailangang pagsabihan kung ano ang tamang gawin."

"Alam ko naman, 'yon..." Ngumuso siya.

Hindi si Gian 'yung tipo ng bakla na nagsusuot ng mga pambabaeng damit kaya hindi mapaghahalataan na bakla siya kahit sa mga kilos niya. At kahit ganyan siya, tanggap namin siya. Ewan ko lang kay Papa.

"Gian," tawag ni Mama. "Boyfriend mo ba 'yong lalakeng kasama mo?"

Napakamot siya sa batok at nagbaba ng tingin. "H-Hindi po. K-Kalandian lang—oy, nong!" Hinampas ko siya ng unan sa mukha.

"Hindi kami kontra sa pagiging bakla mo, anak," malumanay na sambit ni Mama. "Pero sana unahin mo ang pag-aaral mo kaysa sa kahit ano pa man."

"Opo, Ma..." Ngumiti si Gian at niyakap si Mama. "Kahit hindi ako tanggap ni Papa, thankful pa rin ako kasi tinanggap niyo 'ko."

"Mahal ka ng papa mo, anak..." Hinagod ni Mama ang likod niya. "Hayaan mo lang siyang makapag-isip."

"Ma..." Hinawakan ko ang balikat niya kaya naghiwalay sila ni Gian at tumingin sa'kin. "Alam kong nasaktan ka dahil sa ginawa ni Papa—"

Kaagad umiling si Mama. "Mas masakit pa rin ang ginawa ko sa papa mo," nakangiting sambit niya pero bakas pa rin sa mga mata ang sakit.

"Pero, Ma. Sinaktan ka pa rin niya—"

"Anak..." Umiling siya, pinapatigil na ako. "Okay lang ako."

Napatitig na lang ako sa kaniya.

Paano niya natitiis 'yon? Kahit na may ginawa siyang mali noon, hindi pa rin tama ang ginawa ni Papa. At kung sa akin ginawa 'yon, baka hindi ko kayanin.

Dahil sa naisip ko ay naalala ko bigla si Dette.

Paano niya nakakayang tiisin 'yung sakit kahit nahuhuli niya akong may kalandian?

Napailing ako. Hindi ko dapat siya iniisip ngayon, eh. Pero nagkusang gumalaw ang kamay ko at kinuha ko ang cellphone ko. Naka-off iyon para hindi niya ako matawagan kanina.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama.

"Sa labas lang, Ma."

Pumunta ako sa labas para tawagan si Dette. Ibinili ko siya ng cellphone noong isang linggo para hindi na siya magpumilit na magtrabaho. Wala naman kasing kaso kahit ako lang ang magtrabaho, eh. Siya lang 'tong mapilit.

Kahit galit ako sa kaniya ay nag-aalala pa rin ako. Gusto kong masiguro na nakabalik na siya sa mama niya para mapanatag na ang loob ko. Wala naman kaming utang sa apartment na 'yon at babalikan ko na lang ang mga gamit kapag nagkaroon ako ng oras.

Pagkatapos ng anim na ring ay sumagot din si Dette.

"Hello..." Boses ng lalake ang sumagot kaya nagsalubong kaagad ang mga kilay ko.

"Sino ka? Bakit mo hawak ang cellphone ng girlfriend ko?" maangas na tanong ko. Parang gusto kong manapak ngayon.

"Si Mccoy 'to."

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Langya..." Tumawa ako nang sarkastiko. "Umalis lang ako ng apartment, sumalisi ka na kaagad kay Dette."

"Nagkakamali ka ng iniisip. Nasa—"

"Gago!" asik ko. "Huwag na huwag kang magpapakita sa'kin. Baka mapatay kita!" Pinatay ko na ang tawag at muntik ko nang ibato ang cellphone ko dahil sa panggigigil.

Ilang oras lang akong nawala, magkasama na sila?! Tangina lang! Magsama silang dalawa!

***



Odette Marie "Dette" Ojera

"Nagalit siya," sambit ni Mccoy matapos mamatay ang tawag.

Hindi ako sumagot at nanatili lang akong tulala habang tahimik na lumuluha.

"Dette..." Hinawakan ni Genna ang kamay ko. "Nandito lang kami."

"W-Wala na..." Pumiyok ang boses ko kaya napalunok ako. "W-Wala na ang baby ko. Ilang buwan na pala siyang nasa tiyan ko pero hindi ko man lang siya iningatan."

"Wala kang kasalanan," alo ni Genna. "Hindi mo naman alam na buntis ka, eh. At saka nakunan ka dahil sa ginawa sa'yo ni Echo. Tinulak ka niya."

"Kailangan niyang malaman ang nangyari sa'yo," sabad ni Mccoy na ngayon ay nakasandig sa pader at nakatingin sa akin.

"C-Call him again," utos ko, hindi nakatingin sa kaniya.

"Cannot be reached na ulit..." Napabuntong-hininga siya.

Napailing na lang ako. Kakauwi lang namin galing ospital. Narinig ni Genna at Ricky ang sigaw ko nang dinugo ako. Tinulungan nila akong dalhin sa ospital pero huli na dahil wala na ang baby ko.

Ilang ulit tinawagan ni Genna ang number ni Echo pero cannot be reached iyon kaya si Mccoy na lang ang pinatawagan ko. Ang bilis niyang nakarating ng ospital at siya pa ang nagbayad ng mga bills. Siya rin ang naghatid sa akin pauwi dito sa apartment pero hindi niya ako magawang iwan maging si Genna.

Nagpaalam si Genna na babalik muna sa apartment nila dahil umiiyak ang anak niya kaya kaming dalawa na lang ni Mccoy ang naiwan.

"Ano ba 'yan..." Mccoy sighed and scratched his head a little. "Hindi ako sanay na nakikita kita nang ganyan."

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. "Bakit? Naaawa ka sa'kin?" Tumawa ako.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama, nakatitig sa mga mata ko.

"Kailangan mo nang bumalik sa pamilya mo," malumanay na sambit niya.

"Ayoko..." Umiling ako at nagbaba ng tingin. "Wala na akong mukhang ihaharap kay Mama at kay Tonette."

Anong sasabihin ko sa kanila? Na hiwalay na kami ni Echo? Na ang tanga ko kasi hindi ako nakinig sa kanila? Na nagsinungaling ako para lang makatakas ako sa kanila? I don't think they will accept me again.

"Natatakot ka sa sasabihin nila?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.

Sa mga araw na nakasama ko si Echo, marami akong natutunan. Lahat ng mga sinabi sa'kin ni Mama, lahat ng pangaral niya patungkol sa pag-ibig ay tama. Dahil naranasan ko kung paano magmahal, magtiwala, mawalan ng tiwala at masaktan nang paulit-ulit. Nabulagan ako sa kagustuhan kong maranasan nang mas maaga kung paano magmahal at ito ang naging kapalit sa kapusukan ko.

"I...was afraid to die without doing anything I wanted," I whispered but I know Mccoy was still able to hear it. "I'm... scared to death. Takot akong harapin ang kamatayan nang hindi nagagawa ang mga gusto ko. Takot akong mamatay nang hindi nararanasan ang magmahal."

"At ngayong naranasan mo nang magmahal, hindi ka na ba takot mamatay?" tanong ni Mccoy.

Sandali akong napaisip dahil sa tanong niya. Handa na ba akong harapin ang kamatayan dahil nagawa ko na lahat ng gusto kong magawa noon? Oo. Nagawa ko na lahat ng gusto kong gawin.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti nang mapait kay Mccoy. Dumaan kaagad ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Hindi na ako takot mamatay...dahil mas gusto ko nang mamatay kaysa magmahal habang nasasaktan."

"Huwag mong sabihin 'yan," kontra niya. "May dahilan ang mga nangyayari sa'yo, Dette. May dahilan kung bakit ka Niya inilagay sa sitwasyon na 'to. At habang nabubuhay ka, may pag-asa ka pa rin na maging masaya."

"I hope so..." I smiled painfully.

Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog sa kabila ng bigat na nararamdaman ko. Hindi ako iniwan ni Mccoy. Alam ko 'yon dahil nakita ko siyang naglatag ng banig sa ibaba ng kama ko at doon humiga.

I had a dream about going home to my mom, and when I woke up, I saw her face. Akala ko nananaginip ulit ako pero nang makita kong kasama niya si Tonette sa likod niya ay tuluyan ko nang idinilat ang mga mata ko.

"M-Mama? Tonette?" Napabangon ako bigla. "M-Mama..."

Nag-init kaagad ang mga mata ko nang hinawakan niya ang isa kong pisngi at lumuluhang ngumiti sa akin.

"A-Anak ko..." She hugged me tightly. My whole body trembled, feeling her warm hug.

"I saw her number on your contact," paliwanag ni Mccoy habang nakatayo sa may pinto at nakahalukipkip, pinapanuod kami.

Tinawagan niya pala si Mama. Gusto kong magalit sa kaniya pero alam ko naman na ginawa niya lang 'to para sa ikakabuti ko. Tama siya, kailangan ko ng pamilya ngayon. Sila lang ang masasandigan ko.

"C-Couz..." Tonette gave me a tight hug while tearing up. "Ang tagal ka naming hinanap, dito ka lang pala."

"I-I'm sorry," tanging nasabi ko habang lumuluha.

"You're so gaga!" Tonette pulled my hair. "Bakit ka pa kasi tumakas?! Tingnan mo ang nangyari sa'yo! Iniwan ka rin ng lalakeng sinasabi mong mahal mo!"

"Tonette," sinaway siya ni Mama. "Hindi ito ang oras para sisihin siya."

Napanguso si Tonette. "I know, Tita. Pero hindi ko lang maiwasan, eh! Pinag-alala niya tayo!"

"Ang importante ngayon ay uuwi na siya." Ngumiti si Mama sa akin. "You're going home, right anak?"

I smiled back at her despite of my teary eyes. Right. "I-I'm going home, Ma."

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. "Belated happy birthday, anak. Stop crying na. Nandito na 'ko."

"Hindi ba kayo galit sa'kin, Ma? Iniwan ko kayo, tinakasan. Binigyan ko kayo ng sakit sa ulo."

Umiling siya, nakangiti kahit luhaan ang mga pisngi. "Anak kita, eh. Paulit-ulit kitang tatanggapin kahit paulit-ulit kang magkamali. At alam kong nadadala ka lang ng kapusukan mo kaya mo nagawa 'yon."

I stared at her eyes. "M-Malandi po ba ang tingin niyo sa'kin dahil maaga akong—"

"Malandi ka pero slight lang," Tonette barged in and she rolled her eyes at me.

"Tonette," saway ni Mama bago ako binalingan ulit. Hinaplos niya ang buhok ko at magiliw na ngumiti. "Hindi ka malandi, anak. Hindi mo lang alam ang pwedeng maging consequences ng mga bagay na ginawa mo kasi bata ka pa."

"I-I did a terrible thing, Ma. I-I lied about my pregnancy para lang makaalis ako sa puder mo. At ngayon, kung kailan totoong nabuntis ako, saka naman siya nawala. Ma...wala na 'kong ginawang tama sa buhay ko...I'm... s-sorry..."

"Hush now, sweetie..."

Niyakap niya ulit ako para patahanin. She caressed my back, making me feel better. Para akong bumalik sa pagkabata at tumitigil lang ako sa pag-iyak kapag hinahaplos ni Mama ang likod ko.

Ang swerte ko sa kaniya. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng nanay na katulad niya. Handa siyang tanggapin ako kahit nakagawa ako ng mali. Iba talaga magmahal ang isang ina sa isang anak.

***

"Thank you..." I smiled at Mccoy. Sa kaniya ko pinapaasikaso ang mga maiiwan naming gamit ni Echo. "Palagi kang nasa tabi ko kapag may problema ako. Salamat talaga."

"We'll see each other again." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Huwag ka munang magpasalamat na para bang hindi na ulit tayo magkikita."

Tumawa na lang ako at niyakap siya. Kinailangan ko pang tumingkayad dahil mas matangkad siya sa'kin.

"Sarap naman ng yakap," pang-aasar niya.

Humiwalay ako sa kaniya at hinampas siya sa braso. Napangiwi kaagad siya.

"Volleyball player ka nga, ang sakit ng hampas mo."

"Now you know why Echo left me," pagbibiro ko.

"Sadista." He laughed.

Sunod kong kinausap si Genna at si Ricky habang kausap ni Mama si Mccoy.

"May sumpa 'ata ang apartment na 'yan." Tumawa si Ricky. "Pa'no, kahit sinong mag-asawa ang tumira diyan, nagkakahiwalay at hindi umaabot ng isang taon."

"Doon ka na nga sa kwarto!" asik ni Genna sa kaniya. "Bantayan mo si Piyang!"

"Tulog!" angil ni Ricky.

"Baka gusto mong ikaw ang patulugin ko?!"

"Oo na!" Binalingan ako ni Ricky. "Dette, mag-iingat ka. Sana maging okay ka na."

"Sige na. Tangina, Ricky!"

"Heto na!" Umalis na si Ricky at pumasok na sa loob ng kwarto.

"So pa'no?" Bumuntong-hininga si Genna at tinitigan ako. "Hindi na ba tayo magkikita ulit?"

"Dadalaw ako..." Ngumiti ako sa kaniya.

Hindi ko siya nakasundo noon pero hindi ko rin akalain na magiging magkaibigan kami kahit papaano.

"Mami-miss ko ang mala-megaphone mong bibig," pagbibiro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Kita mo 'yan?" Tinuro niya ang noo ko. "Mami-miss ko rin 'yan."

"Inaano ka ba ng noo ko?" Sumimangot ako kunwari.

"Joke." Nag-peace sign siya. "Pero seryoso. Sana maging okay ka rin."

"I hope so." I smiled at her. Umaasa ako na magiging okay din ako.

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.

"Huwag mo nang batuhin ng mga kaldero at kawali si Ricky. Kawawa naman."

"Huwag mo na rin akong pakialaman, gaga ka." Hinila niya ang buhok ko kaya natawa na lang ako.

Finally, pumasok na rin ako ng kotse kasama si Mama at si Tonette. Muli kong tiningnan ang gate kung saan naroon ang tatlong apartment. Mami-miss ko 'yon kahit pa mas lamang ang bad memories na mayroon ako.

Nang makarating kami ng bahay ay nagulat ako dahil may pa-welcome party sila Mama para sa'kin. Celebration na rin daw 'yon ng birthday ko kahit kahapon dapat 'yon. Nandoon din si Tita Divina, ang mommy ni Tonette. She kissed my forehead when she saw me.

"Welcome home, Odette."

"Thank you po, Tita." I smiled at her.

Maraming hinanda sila Mama para sa'kin at mas natuwa ako nang makita ko ang paborito kong Blueberry Cheesecake na galing pa sa Haven's Delight ni Mama.

Ah, I missed my mom's cupcakes! I missed my home!

"Manang Rosie!" I gave her a tight hug. She was already tearing up since I got home.

"Na-miss kitang pasaway ka!" She cried at my neck.

"I'm here na, Manang. Stop crying, nagmumukha ka nang matanda! Look at your face!" pang-aasar ko pero kinurot niya lang ako sa tagiliran.

The welcome back party made me forget about Echo and my... unborn baby. Akala ko hindi na ako makakaahon, pero sinamahan ako ng pamilya ko at hindi nila ako pinabayaan.

"What are you doing?"

Dumapa si Tonette sa kama sa tabi ko mismo at nakisilip sa ginagawa ko sa laptop. God, I missed my laptop!

"God, Wattpad na naman?!"

The party was over and I decided to write an update on my on-going story.

"Ang tagal ko rin hindi nakapag-update, 'no!" angil ko sa kaniya habang nagsusulat.

"At ano? Lolokohin mo naman ang mga readers mo sa almost perfect mong—"

"Alam ko na ang punto mo," I made her shut up. "I will revise this soon and bibigyan ko ng flaws ang bida kong lalake. You know, I just realized that a perfect man doesn't exist in real life."

"Yah," she agreed and flipped her hair. "Patunay ang ex mo na walang lalakeng perpekto at halos lahat sila ay hindi marunong makuntento."

"Stop it." I rolled my eyes.

"Alright, I'll help you na lang sa pag-update."

"What?" I glared at her.

"Spoil mo 'ko sa mga gusto mong mangyari and then tutulungan kitang mag-isip ng sub-plots! Dali!"

Ha? Seryoso ba siya? Wala naman siyang kahilig-hilig magsulat ng stories. And she never tried reading a Wattpad story!

"Nagbabasa na ako ng Wattpad stories since we broke up." She rolled her eyes at me. "Na-addict na ako because you know, sa story lang ako nakakahanap ng lalakeng understanding and would always treat his girl right."

Napatango na lang ako. Iba talaga kapag nasawi sa pag-ibig ang isang tao. Kung ako ay sa pagsusulat inilalabas ang sakit, si Tonette naman ay sa pagbabasa.

Inubos namin ang maghapon namin sa pag-iisip ng plots sa story ko hanggang sa hindi ko namalayan na gabi na pala.

"Your phone rang a while ago," sabi ni Tonette habang nagsusulat sa laptop ko.

Galing kasi ako ng banyo kaya hindi ko narinig na may tumawag sa'kin.
Dinampot ko ang phone ko sa side table at nakita kong tumawag si Echo.

"Sinong tumawag?" tanong ni Tonette at napatingin pa sa'kin habang ang mga daliri ay nasa keyboard.

Napalunok ako. "S-Si Echo."

Tumalim bigla ang titig niya sa akin. "Don't you ever answer his call, Dette."

Nakagat ko ang labi ko. "B-Baka importante."

Kahit hindi importante, ang mahalaga sa'kin ay naalala niya akong tawagan. May posibilidad na gusto niyang makipagbalikan sa'kin.

"Huwag kang tanga, Dette. Niloko ka na nang paulit-ulit ng lalakeng 'yan. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang baby mo at isama mo pa na iniwan ka niyang mag-isa. Ang kapal ng mukha niya."

Ramdam ko ang gigil niya habang nagsasalita. Naiintindihan ko naman siya pero nagiging marupok na naman kasi ako, eh.

"Block his number," utos niya bago bumalik ulit sa pagsusulat.

I didn't block his number but I didn't call him either. Abot-langit ang pagpipigil ko na huwag siyang tawagan at mabuti na lang ay pinatinawag ako ni Mama sa kwarto niya. Iniwan ko muna si Tonette sa loob ng kwarto. She even pushed me away because she was busy writing on my laptop.

"Ma," reklamo ko nang yakapin niya ako nang mahigpit, to the point na hindi na ako mahinga.

"I'm sorry." She chuckled and kissed my forehead. "I missed you so much, anak."

"I missed you, too, Ma." I smiled at her. "Thank you for everything, for accepting me again. Akala ko sasampalin mo ako at susumbatan pero hindi niyo ginawa."

Hinaplos niya ang buhok ko habang nakangiti nang malawak.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? I could never hurt you. Oo, nasampal kita noon pero pinagsisisihan ko 'yon. Ayokong nasasaktan ka, anak. Kaya nga galit na galit ako kay Echo dahil sa mga ginawa niya sa'yo."

I bit my lower lip. Wala akong itinago kanila Mama. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Echo. But to make it fair, sinabi ko rin ang pagiging tamang-hinala ko, ang pagiging sadista ko. At sa kabila ng mga nalaman nila, tinanggap pa rin nila ako.

"Kahit ano pa ang ginawa mong kasalanan kay Echo, hindi pa rin niyon matutumbasan ang pain and depression na naranasan mo nang ilang ulit ka niyang lokohin. Though, hindi kita kinukunsinti sa ginawa mong pagsisinungaling dahil naapektuhan ang pag-aaral niyong dalawa. Hindi kita pinalaki at minahal para lang lokohin nang paulit-ulit ng isang lalake. You don't deserve it."

"M-Mahal ko pa rin siya, Ma," pag-amin ko.

"Anak..." Umiling siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Remember when your dad cheated on me? Lumayo ako sa kaniya pero binigyan ko siya ng pagkakataon na magbago. Pero anong ginawa niya? Inulit niya nang inulit hanggang sa makabuntis siya ng ibang babae. At katulad ng sinabi ko sa'yo noon, hindi lahat ay worth it ipaglaban. Hindi mo kailangan ng isang taong sasaktan ka nang paulit-ulit at gagawa ng dahilan para bumaba ang tingin mo sa sarili mo."

"Alam ko naman 'yon, Ma." Yumuko ako. "Pero hindi ko maitatanggi na naging masaya rin ako sa kaniya. Habang nagsasama kaming dalawa, natutunan kong gumawa ng mga bagay na hindi ko nagagawa dati. Natuto akong maglinis, maglaba at...magluto kahit man lang ng Sinigang."

Tumawa siya. "It's okay. Hindi kailangang magmadali, anak."

"But life is short, Ma. Kailangan kong magmadali." Tumitig ako sa mga mata niya. "Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Alam mo namang—"

"Hindi mangyayari 'yon, anak." She didn't want to hear it. "Bukas na bukas, pupunta tayo kay Dr. Amanse, okay?"

Tumango na lang ako at ngumiti. "Okay po." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka, Ma. Babawi ako sa'yo. Gusto ko, habang bumabangon ako ay nasa tabi kita."

"Of course, baby. I will stay on your side no matter what."

At naniwala ako sa sinabi niya.





To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top