22. HINDI SAPAT

|22. Hindi sapat|

Odette Marie "Dette" Ojera

"Dette! Sandali lang!"

"Hayaan mo muna 'ko!"

Kanina pa ako sinusundan ni Echo sa gilid ng daan pero hindi ko siya pinapansin.

Gusto kong mapag-isa! Ayoko muna siyang makita!

"Ano ba!" Tumigil ako at hinarap siya. "Gusto kong mapag-isa, okay?! Pwede ba tantanan mo muna 'ko?!"

"Hindi pwede! Buntis ka, Mahal! Makakasama sa'yo 'yan!"

"Mas nakakasama 'yung ginagawa mong panloloko sa'kin!"

Umiling siya at bumuntong-hininga bago hinawakan ang braso ko pero pinalis ko ang kamay niya.

"Uwi na tayo, please. Huwag tayo dito sa daan."

"Wala akong pakialam!" sigaw ko dahilan para mapatingin sa amin ang mga dumadaan na tao. "Umuwi ka na!"

"Hindi ako uuwi nang hindi ka kasama!"

Sasagot pa sana ako pero may biglang tumigil na itim na motor sa tabi namin. Nang tanggalin ng driver ang helmet niya ay namukhaan ko kaagad si Mccoy.

"Anyare? Bakit dito kayo sa daan nagtatalo?" tanong niya pagkatapos niyang ayusin ang nagulo niyang buhok gawa ng helmet.

"Wala kang pakialam," malamig na tugon ni Echo bago ako hinatak sa braso ko.

"Bitawan mo 'ko!" Pinalis ko ang kamay niya at mabilis na sumakay sa motor ni Mccoy.

"Uy!" Nagulat si Mccoy. "Teka lang..."

"Ilayo mo 'ko dito, please!" sabi ko at saka kinuha ang hawak niyang helmet at mabilis na sinuot sa ulo ko. "Bilis na!"

"Mahal! Ano ba!" Humarang kaagad si Echo sa dadaanan ng motor. "Bumaba ka diyan!"

"Umalis ka diyan!" angil ko. "Mccoy, paandarin mo na!"

Napapakamot man sa ulo ay sinunod ni Mccoy ang sinabi ko. Pinaandar niya ang motor at humawak ako sa balikat niya para hindi ako mahulog.

"Hoy, Mccoy!" sigaw ni Echo.

Pero wala siyang nagawa nang iliko ni Mccoy ang motor para hindi siya mabangga, bago ito pinaandar nang mabilis.

Nilingon ko si Echo na hinahabol kami. Naawa ako sa kaniya kaya umiwas na lang ako ng tingin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat ni Mccoy dahil nagbabadya na namang umiyak ang mga mata ko.

"Dalhin mo 'ko sa plaza," sabi ko kay Mccoy. Gusto kong libangin ang sarili ko.

Hindi sumagot si Mccoy pero alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil makalipas ang sampung minuto ay tumigil nga kami sa tapat ng plaza.

Naghanap siya ng parking area bago niya ako inalalayan pababa. Namangha ako sa plaza pagkapasok namin. Ngayon lang ako nakapunta dito nang may mga dekorasyon na kaya napanganga talaga ako. Noong pumunta kasi kami dito ni Echo ay hindi pa naaayos ang mga christmas lights sa paligid. Well, malapit na kasi ang pasko.

"Salamat, ah," nahihiyang sabi ko kay Mccoy habang mabagal akong naglalakad. Mukhang naistorbo ko kasi siya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Ayos lang. Galing ako sa bahay ni Tita Yna," tukoy niya sa landlady ng apartment namin. "Papunta na sana ako sa Barangay Otso para maglaro ng basketball. Nagyaya kasi si Tadeo."

"Tadeo?"

"Wala akong sinabi sa kaniya tungkol sa inyong dalawa ni Echo," maagap na sabi niya. "Pero nagdadrama siya nitong mga nakaraang araw kasi hindi man lang daw nagpaalam si Echo bago umalis."

Hindi ako sumagot at napatingala na lang ako sa isang malaking puno na nadaanan namin, punong-puno iyon ng makukulay na christmas lights na nakapulupot sa mga sanga at trunk nito.

Ang ganda ng pagkaka-design ng christmas lights sa bawat puno kaya maraming nagpi-picture taking na pamilya sa paligid.

Nakaramdam ako ng inggit nang makita ang isang babae na mukhang kaedad ko lang habang kasama ang Mama at Papa niya. Mukhang masaya sila habang nagpi-picture sa harap ng christmas belen.

Nami-miss ko si Mama at Papa. Sana hindi na lang sila naghiwalay.

"Nag-away ba kayo ni Echo?" untag ni Mccoy pagkatapos naming umupo sa maliit na bench.

Kaharap namin ang isang fish pond na may nakalutang na 'Merry Christmas' sa gitna na gawa sa makukulay na christmas lights.

"Ayoko munang pag-usapan, sorry," I gave him an apologetic smile. "Pwede bang samahan mo muna ako?"

"Okay." Ngumiti siya sa'kin pabalik bago hinawi pataas ang buhok niyang medyo wavy, humaharang kasi 'yon sa mga mata niya.

"Saan ka nakatira?" tanong ko para hindi boring.

Kaya nga ako nagpasama sa kaniya para makalimutan ko ang ginawa ni Echo.

"Barangay Sais." Tumawa siya. "Layo, 'no? Tapos nakakarating ako ng Barangay Otso para lang maglaro ng basketball."

"Taga-Otso mga tropa mo, 'di ba?"

"Si Tadeo lang. Parehas kaming taga-Sais nila Migz at Leo pero niyayaya ko sila sa Otso para maglaro."

Natawa ako. "Bakit? May court din naman sa Sais, ah. Bakit hindi na lang kayo doon maglaro? Ang layo ng nararating niyo."

Ngumisi siya habang pinapaikot sa daliri ang susi ng motor niya. "May gusto kasi akong makita sa court ng Otso kaya doon ko gusto maglaro tuwing weekend."

"Ha?" Napakunot ang noo ko. "Sino?"

"Ikaw," deretsong sagot niya, dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"A-Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Oo." Tumaas ang sulok ng labi niya nang makita ang reaksyon ko. "Napilitan lang ako na maglaro ng basketball sa Barangay Otso noon dahil sa pangungulit ni Tadeo. Pero nang makita kita sa court habang naglalaro ng volleyball, ginusto ko na lagi kitang makita. Kaya ayon, para-paraan ako."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Hindi ako nagbibiro," giit niya nang makita ang reaksyon ko. "Natorpe lang akong lapitan ka kaya naunahan ako ni Echo."

Natawa naman ako bigla. "Ikaw? Torpe? Straightforward kang tao tapos matotorpe ka lang sa'kin?"

"Iba ang tama ko sa'yo, oy." Tumawa siya at saka tumingala sa langit. "Sa pangalawang pagkakataon, tinamaan ulit ako."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang huli niyang sinabi.

Pangalawa? Ibig sabihin may una?

Napailing ako.

Ano ba 'yan, dumagdag pa 'to sa iniisip ko, eh.

"Change topic." Tumawa siya. "Awkward."

"Awkward talaga." Tumawa rin ako. "Tara, tingin tayo sa Night Market!" Hinatak ko ang braso niya at nagpahila naman siya.

Ang daming tao sa Night Market pero nakipagsiksikan pa rin kami ni Mccoy. Nag-food trip kami pero siniguro niya na hindi makakasama sa'kin 'yung pinapakain niya. Buntis daw kasi ako.

Ang dami niyang alam na pambobola! Nabola niya 'yung isang tindera ng t-shirt. 250 dapat 'yon pero nagpa-cute siya sa tindera kaya binigay na lang ng 150! Nakatawad din siya ng pantalon kaya tawa na lang ako nang tawa sa mga pambobola niya sa tindera.

"Salamat, Ate! Next time ulit! Sa susunod buy one take one na, ha?!" Kinindatan niya ang tindera kaya namula naman ang pisngi nito.

"Ang landi mo." Hinampas ko siya sa braso niya.

"Selos ka, babe?" pang-aasar niya.

"Ew." Inirapan ko siya pero tumawa lang siya.

"Oy, tangina, anong tinitingin-tingin niyo?" Dinuro niya bigla 'yung grupo ng mga lalakeng nakatingin sa hita ko. Naka-maong shorts lang kasi ako. "Kaskas niyo sa pader 'yang kati niyo!"

"Ulol!" Tumawa lang ang isa sa mga lalake.

"Ulol pala, ha-" Susugurin niya sana ang mga lalake pero pinigilan ko siya sa braso niya.

"Huwag na. Hayaan mo na."

"Eh, ang babastos, eh!"

Napabuntong-hininga na lang ako.

Dati ay natutuwa ako kapag sinisipolan ako o kaya kapag may napapatingin sa akin na mga lalake. Pero ngayon, hindi na ako natutuwa. Ngayon ko lang na-realize na nakakabastos pala 'yon sa mga babae.

"Ano, ha?!" Susugod sana ulit si Mccoy pero hinila ko ulit siya, dahilan para mabangga niya ang dumaan na tatlong lalake sa likod namin.

"Shit!"

Nanlaki ang mga mata ko nang matapon ang mga laman ng hawak nilang fruit shake sa mga damit nila.

"Putangina!" pagmumura ng isa sa kanila.

Nakapormado pa naman silang tatlo at mukha pa naman silang mga gangster.

"Hoy, nananadya ka ba?" Tinulak ng isa si Mccoy.

"Sorry, mga pare. Pasensya na."

Itinaas ni Mccoy ang mga kamay niya pagkatapos niya akong itago sa likod niya.

"Hindi, eh! Nananadya ka!"

Nanlaki ang mga mata ko nang akmang susuntukin ng isang lalake si Mccoy pero yumuko kaagad siya at hinuli ko naman ang kamao nito.

"Hindi nga sinasadya, 'di ba?" asik ko.

Pinilipit ko ang braso ng lalake at sinipa ang dibdib niya.

"Whoah!" Nanlaki ang mga mata ni Mccoy nang makita niya ang ginawa ko. Subsob sa pavement 'yung lalake dahil sa lakas ng sipa ko.

Nagkagulo na sa paligid dahil sinugod kaming dalawa ni Mccoy ng dalawa pang lalake. Sinipa ko kaagad ang dibdib ng isa pang lalake nang lalapitan niya sana ako. Nang hindi siya natinag sa simpleng sipa lang ay umikot ako sa ere at pinatikim ko siya ng tornado kick ko. Plakda siya sa pavement kasama 'yung isang tropa niya.

Nang tingnan ko si Mccoy ay nakikipagpambuno pa siya sa isang lalake. Malaki kasi ang katawan ng kalaban niya kaya nahihirapan niya.

Narinig ko na ang pito ng mga pulis na paparating kaya mabilis akong sumakay sa likod ng kalaban ni Mccoy at kinagat ang tenga nito.

"Aray ko! Tiyanak!" sigaw niya. Nahulog tuloy ako dahil sa kakapiglas niya.

"Tara na!" Hinila ni Mccoy ang kamay ko dahil dumating na ang mga pulis.

Nakipagsiksikan kami sa mga tao kaya hindi na kami naabutan ng mga pulis. Tumigil lang kami sa kakatakbo nang makalabas kami ng plaza.

"Grabe!" hinihingal na bulalas ni Mccoy. "Nag-motor, nag-night market, napa-trouble!"

"Ikaw kasi warfreak!" paninisi ko habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa tuhod ko. "Muntik na tayo do'n, ah!"

"Okay ka lang? Buntis ka, eh. Bakit mo ginawa 'yon?" nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang ako," hinihingal na sabi ko.

"Paano 'yan? Tiyanak ka raw sabi ng kalaban ko kanina?" pang-aasar niya.

"Mukha ba 'kong tiyanak?!" Pinandilatan ko siya ng mata.

Tumawa siya at tumiling. "Hindi. Ganda mo nga, eh." Umayos siya ng tayo. "Iuuwi na kita. Baka nag-aalala na sa'yo si Echo."

Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng short niya at saka ako hinatak papunta sa motor niya.

"Ayoko pa umuwi," halos pabulong na sabi ko.

Natigilan si Mccoy at napatingin sa akin.

"Ano? Saan ka matutulog? Babalik ka na sa Mama mo?"

I shrugged my shoulders. "I don't know. Ayoko lang umuwi kay Echo. Pwede bang sa bahay mo muna ako makitulog?"

"Ha?" Napamaang siya at nagsalubong ang mga kilay niya. "Seryoso ka? Ako lang ang mag-isa na nakatira sa bahay."

"Ha?" Ako naman ang napamaang. "Bakit?"

"Bakit?" Tumawa siya. "Hiwalay kasi ang mga magulang ko kaya mag-isa lang akong nakatira sa bahay."

"Eh... 'di ba may tita ka naman? Iyong may-ari ng apartment na tinutuluyan namin," usisa ko.

"I'd rather be alone at my house." He chuckled nervously.

"Bakit? Close naman kayo ng tita mo, ah."

"Oo, pero hindi ng Papa ko."

"Ha?" Napakunot ang noo ko. "Hindi ko gets. Can you enlighten me? I'm confused."

Tumawa siya at sumakay na ng motor niya. Inabot niya sa'kin ang helmet pero hindi ko 'yon kinuha at tinaasan lang siya ng kilay, hinihintay ang paliwanag niya.

Napabuntong-hininga na lang siya. "Si Tita Yna ang bagong asawa ni Papa. Kapatid siya ni Mama kaya lang nabuntis siya ni Papa kaya ayon."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong. Ang complicated pala ng sitwasyon ng pamilya niya.

"Sorry, dapat hindi na 'ko nagtanong," mahinang sabi ko sabay yuko.

"Okay lang. Tara na hatid na kita kay Echo," yaya niya.

"Ayoko ngang umuwi," pagmamatigas ko.

"Ano, dito ka matutulog sa plaza?" Tumawa siya.

"Kung hindi mo 'ko isasama sa bahay mo, dito talaga ako matutulog." Ngumuso ako.

"Ano? Hindi pwede. Pangit tingnan. Tayong dalawa lang, eh." Kinamot niya ang batok niya. "Baka ano..."

"Wala ka naman gagawing masama sa'kin, 'di ba?"

"Wala!" tanggi niya kaagad. "Baka patayin ako ni Echo."

"Sige na," pagpupumilit ko. "Ayoko talagang umuwi, eh."

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Makulit ka rin, eh."

I crossed my arms, pouting. "Talagang makulit ako, kaya pumayag ka na."

Matagal siyang hindi sumagot at tumitig lang sa mukha ko. May bahid ng inis ang mukha niya kaya natawa na lang ako. Ang gwapo niyang mainis.

"Sakay na." Inabot niya ulit sa'kin ang helmet. "Dalawa naman ang kwarto sa bahay."

"Yes!" I raised my fists. "Thank you!"

Kinuha ko ang helmet at isinuot sa ulo ko bago ako umangkas sa motor niya. Pinahawak niya sa akin ang supot na may lamang t-shirt at pantalon na binili niya kanina.

"Ngayong gabi lang, ah?" paniniguro niya. Lumingon pa siya sa'kin kaya nagkagulatan pa kami. Muntik na siyang mauntog sa helmet na suot ko.

"Oo na. Alam ko naman na may pasok ka bukas."

"Hahatid kita nang maaga, okay?" sabi niya at tumango na lang ako.

"Puki mong nalaglag!" tili ko nang bigla niyang paandarin ang motor. Napahawak tuloy ako sa bewang niya.

"Sorry." Tumawa siya.

Napairap na lang ako at nilipat ko ang kamay ko sa balikat niya. Maya-maya lang ang nasa daan na kami.

Halos sampung minuto rin ang tinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa tapat ng isang bahay. Katamtaman lang ang laki niyon at may malawak na bakuran.

Pagkatapos i-park ni Mccoy ang motor niya sa maliit na garahe ay pinapasok niya na ako sa loob.

Simple lang naman ang bahay nila. May living room, may kusina na hugis 'G', may isang estante sa tabi ng hagdan papunta sa taas na puno ng trophy at medals. Nasa pader naman nakalagay ang mga graduation photos ni Mccoy mula kinder hanggang high school.

"Wow," amused na sabi ko.

Achiever din pala 'to si Mccoy. I wonder kung saan siya nag-aaral.

"College ka na?" tanong ko habang nakatingin sa mga pictures.

Nandoon din ang family picture nila ng mama at papa niya. Bata pa siya doon, mga ten years old pa lang yata.

"Second year college," he cleared out. "Si Mama ang nagbabayad ng tuition ko."

Tumango ako bago ibinaba ang tingin sa mga trophies.

"Dami mong trophies, nakaka-proud naman," mapang-asar na sabi ko.

"Sa mga basketball tournament ko 'yan. MVP," pagyayabang niya. "Crush mo na 'ko niyan?"

Inirapan ko siya. "Asa ka."

"Aasa talaga 'ko," natatawang biro niya bago hinatak ang braso ko. "Akyat tayo sa taas."

May dalawang kwarto sa taas at inayos niya ang dating kwarto ng mama at papa niya dahil doon daw ako matutulog.

"Araw-araw akong naglilinis dito," sabi niya nang tanungin ko siya kung bakit malinis pa rin ang kwartong 'to kahit matagal nang walang natutulog.

Dumapa ako sa kama at nakangiting nagpagulong-gulong.

Ang lambot! Na-miss kong humiga sa ganito kalambot na kama!

"Feel na feel." Tumawa si Mccoy habang pinagmamasdan ako. "Tara sa baba. Kain tayo."

Bumangon ako at tiningnan siya. "Marunong kang magluto?"

Tumawa siya at sumandig sa pinto habang nakatingin sa akin.

"I wouldn't survive alone if I don't know how to cook."

"Share mo lang? Oo o hindi lang, eh." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Anong ulam?"

Oo na, wala na 'kong hiya. Pero pakiramdam ko kasi ay komportable ako sa kaniya kahit ngayon lang kami nagkasama nang matagal. At isa pa, mabait naman siya kaya bakit ako maiilang?

Bumaba na kami ng kusina at nag-umpisa na siyang magluto. Pinanood ko lang siya habang nakaupo ako sa high chair.

"Anong lulutuin mo?" tanong ko.

Nakapatong ang mga siko ko sa countertop at nakapatong sa mga kamay ko ang baba ko.

"Sinigang," sagot niya habang nasa harap siya ng lababo at may hinuhugasan.

"You know, I hate sinangag-"

"Sinigang, hindi sinangag."

"Sounds like naman, eh..." Ngumuso ako.

Lumingon siya sa'kin, natatawa.
"Cute mo. So, bakit ayaw mo ng sinigang?"

I shrugged my shoulders. "Ayoko ng mga sabaw na maasim. Well, hindi pa ako nakakatikim niyan kaya malay mo magbago ang isip ko kapag natikman ko luto mo."

"We'll see." Tumawa siya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Habang pinagmamasdan ko ang mga kilos niya ay napapangiti ako. Halatang sanay na sanay na siyang magluto katulad ni Echo. Sana ganyan din ako.

"Paano ka natutong magluto?" tanong ko.

Nagbabalat ako ng gabi. Nagpresinta na kasi akong tumulong kahit hindi ako sanay magbalat.

"Mag-isa na lang kasi ako kaya kailangan kong matutong alagaan ang sarili ko," sagot niya.

Nakaupo siya sa high chair na katabi ko at hinihintay na kumulo ang baboy sa kaserola.

"Mahirap bang maging mag-isa?" usisa ko.

"Hindi naman." Nagkibit-balikat siya. "Mahirap lang lumaki nang walang gabay ng isang magulang. Pwede kang maligaw ng landas."

Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon.

"Naligaw ka na ba ng landas?"

Tumango siya. Nakatingin siya sa binabalatan ko pero alam kong may iniisip siya.

"Drugs."

"Aray!" Nahiwa ko ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kutsilyo at ang gabi na binabalatan ko.

"Lintian." Tumayo siya at hinatak ako papunta ng lababo para hugasan ang sugat ko.

"Sorry. Nagulat kasi ako sa sinabi mo," nakangiwing sabi ko.

Hindi naman malalim ang sugat sa hintuturo ko. Nagulat lang kasi ako sa sinabi niya! Ibig sabihin gumagamit siya ng...

"Hindi ako adik." Tumawa siya na parang nahulaan kung ano ang iniisip ko. "Sinubukan ko dati dahil sa impluwensya ng dati kong mga tropa. Pero iniwasan ko rin nang naging girlfriend ko si Melody."

"May naging girlfriend ka pala? Anong nangyari? Nasaan na siya ngayon?" usisa ko habang pinupunasan niya ng malinis na towel ang sugat ko.

May kinuha siyang First Aid kit sa taas at hinila niya ako paupo sa high chair. Nagsimula siyang gamutin ang sugat ko.

"Si Melody 'yung dahilan kung bakit ko nagawang talikuran ang paggamit niyon," sambit niya maya-maya. "Ilang beses ko siyang nasaktan, ilang beses niya kong nahuli na gumagamit pero hindi niya ako sinukuan. Bata pa kasi ako noon, mga 18 pa lang siguro. Tapos wala pa akong mga magulang na gumagabay sa'kin. Pero si Melody, hindi siya umalis sa tabi ko."

Nakinig lang ako sa sinabi niya habang ginagamot niya ang sugat ko.

"Kaya lang... kung kailan handa na akong magbago, kung kailan sa kaniya na umiikot 'yung mundo ko... saka naman siya...nawala."

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang mahimigan ko ang lungkot sa boses niya habang nagkikwento. Hindi man siya sinabi kung anong dahilan ng pagkamatay ni Melody ay ramdam ko pa rin ang sakit.

"Oh God..." I covered my mouth in shock. "I'm sorry. D-Dapat hindi ko na lang pinakwento sa'yo. S-Sorry talaga."

"That was two years ago. Okay na 'ko ngayon." Ngumiti siya sa'kin.

Hindi ko naranasan ang naranasan niya pero nasasaktan ako para sa kaniya. Siguro ay hirap na hirap siya noong namatay si Melody sa tabi niya. Wala ang mga magulang niya, wala siyang karamay.

Ang hirap pala kapag wala kang magulang na nasa tabi mo. Pwede kang maligaw ng landas, and worse, baka hindi ka na makabalik sa liwanag at habangbuhay ka na malugmok sa kadiliman.

Pagkatapos niyon ay siya na ang tumuloy sa ginagawa ko. Tahimik na ako ngayon dahil baka may maungkat pa ako sa nakaraan niya.

Nang matapos magluto si Mccoy ay kumain na kami.

Confirmed! Masarap ang Sinigang! Ang sarap niya magluto!

Inasar niya tuloy ako pero okay lang.
Totoo naman kasi na masarap ang Sinigang.

Nang matapos ay pinahiram niya ako ng t-shirt niya at isang pajama na kulay itim para makapagbihis ako habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin.

Hindi kaagad ako nakatulog kakaisip sa mga nalaman ko kay Mccoy. Bigla ko tuloy naalala si Mama.

Paano kaya kung nawala rin siya sa tabi ko? Maliligaw din kaya ako ng landas?

Bakit 'yung iba? Kahit may mga magulang naman sila ay naliligaw pa rin sila ng landas? Should I include myself? Kasi nagrebelde ako sa kaniya kahit panay ang pangaral niya sa'kin. Maswerte nga ako kaysa kay Mccoy, eh. Kasi hindi ako pinabayaan ni Mama.

Did I hurt my mom? Siguro, oo. Ngayon ko lang na-realize na minsan, hindi lang sa mga magulang ang problema kung bakit may mga kabataang katulad ko na nagrerebelde. Minsan, nasa anak din ang problema.

I miss my mom. Sana mapatawad niya ako sa ginawa ko.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Mccoy. Alas sais pa lang ay minadali niya na ako dahil papasok pa raw siya ng school. Nagulat pa ako nang makitang nakasuot siya ng uniform ng La Vida University. Parehas sila ng school ni Tonette!

Pinakain niya ako ng almusal at pinagbihis niya ako ng pantalon at isang t-shirt. Iyon ang binili niya kahapon sa Night Market!

"Nilabhan mo kagabi?" gulat na tanong ko habang hawak ang pantalon at t-shirt na binigay niya.

Amoy fabcon!

"Oo, sige na. Magbihis ka na. Dapat magsuot ka rin ng mga ganyan, kaysa 'yung maiikli mong short saka sleeveless na halos makita kaluluwa mo. Hindi naman sa pinagbabawalan kita pero parang gano'n na rin," sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Gulat man pero naligo na lang ako at nagbihis. In fairness, kaya pala tinanong niya ako kagabi kung anong size ko dahil para sa'kin pala 'yung binili niya.

Mabuti na lang at nilabhan ko ang mga underwear ko kagabi bago matulog kaya may magagamit ako ulit ngayon.

Bakit, masama bang matulog nang walang underwear?

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako bitbi ang paper bag na pinaglagyan ko ng short at damit ko. Nagmadali siyang sumakay ng motor niya at sa akin niya ulit pinasuot ang helmet niya.

Halos bente minuto ang lumipas at nasa harap na kami ng gate ng apartment namin ni Echo.

"Thank you, ha?!" Ngumiti ako nang malawak kay Mccoy pagkatapos kong ibalik ang helmet niya.

"Wala 'yon. Magbati na kayo ni Echo. Hindi ko man alam kung anong pinag-awayan niyo pero sana maayos niyo pa 'yan. Huwag niyong sayangin ang oras niyo sa galit."

"Opo, Sir!" Sumaludo ako sa kaniya. "Bayaran ko na lang 'tong binili mo-"

"Huwag na!" Umiling kaagad siya bago isinuot ang helmet. "Una na 'ko."

"Okay! Thank you ulit!" Kumaway ako sa kaniya at sumaludo naman siya.

Pumasok na ako ng gate. Nakita ko kaagad si Genna na nakaupo sa may pinto ng apartment nila. Nang mapatingin siya sa'kin ay inirapan ko lang siya.

Narinig ko ang pag-andar ng motor ni Mccoy kaya naglakad na rin ako papunta sa pinto ng apartment namin.

Kakatok sana ako pero nakita kong nakabukas pala ang pinto. Naglakad ako papasok at wala man lang akong naririnig na ingay.

Tulog pa kaya si Echo?

Binuksan ko ang isang takip sa mesa at nakita ko ang mga fried chicken na niluto ni Echo. May isang plato ng kanin pa doon at halatang hinintay niya akong bumalik kagabi. Napabuntong-hininga na lang ako.

Pumasok ako ng kwarto at doon ko nakita si Echo na mahimbing na natutulog. Nakadapa at yakap-yakap ang unan ko.

Alas-siete pa lang kasi ng umaga at alas otso pa ang pasok niya sa site. Tulog-mantika talaga siya dahil kahit umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang pisngi niya ay hindi pa rin siya gumagalaw.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong nakatupi na ang mga nilabhan kong damit kahapon. Natawa ako. Nagiging masipag siya kapag nakakagawa ng kasalanan.

Kinuha ko ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Doon ko nakita na nakarami siya ng tawag at text sa number ko. Hindi niya siguro nalaman kaagad na iniwan ko ang phone ko.

"Mahal," bulong ko habang nakatitig sa mukha niya.

Nagsimulang mag-init ang mga mata ko nang naalala ang ginawa niyang panloloko sa'kin.

"Gustong-gusto kitang hiwalayan kasi ang sakit ng ginawa mo. Pero mas hindi ko yata kaya na mawala ka sa buhay ko."

Pumatak ang mga luha ko sa pisngi niya kaya kumislot siya. Hindi ko inasahan na didilat ang mga mata niya.

Napabangon siya nang makita ako na para bang nakakita siya ng multo. Kinusot niya pa ang mga mata niya para masigurong hindi siya nananaginip.

Nang makitang totoo nga ako ay tumakbo kaagad siya papasok ng banyo at nagsepilyo. Natawa tuloy ako.

"M-Mahal!" Niyakap niya kaagad ako nang mahigpit pagkabalik niya. "Akala ko hindi ka na uuwi, eh! Pinag-alala mo 'ko!"

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinitigan siya sa mukha. Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang umiiyak ako. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang pisngi ko.

"S-Sorry na, Mahal. Magbabago na 'ko. Huwag ka nang umiyak." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang mga hinlalaki niya. "Patawarin mo na 'ko."

Umiwas ako ng tingin. Kaya ko naman siyang patawarin, pero 'yung tiwala ko sa kaniya, hindi na yata maibabalik pa.

Bumuntong-hininga ako. Saka ko na iisipin 'yon. Ang importante, mahal ko siya. At handa akong patawarin siya sa kabila ng mga ginawa niya.

Tumango ako sa kaniya bago ngumiti nang tipid.

"Pinapatawad mo na 'ko?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Mahal kitang kumag ka, eh." Tumawa ako nang mahina.

Ngumiti siya nang napakalawak bago ako hinalikan sa labi. Sabay kaming bumagsak sa kama kaya natawa kami pareho. Nasa ibabaw ko siya kaya hinawakan ko ang batok niya para palalimin ang halikan namin.

Nang kapusin kami ng hininga ay naghiwalay sandali ang mga labi namin at tinitigan niya ang bawat parte ng mukha ko.

"Magbabago na 'ko, Mahal. Salamat sa pagkakataon na binigay mo." Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko. "Sorry kung nasaktan kita. Mahal kita, alam mo 'yan."

I kept that in my mind. He loves me. Nakagawa siya ng mali pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi niya ako mahal. Mahal namin ang isa't isa at 'yon ang panghahawakan ko.

Pero tama nga si Mama....

Minsan...hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top