21. TIWALA
|21. Tiwala|
Odette Marie "Dette" Ojera
Nagising ako nang wala na si Echo sa tabi ko. Napairap na lang ako bago bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos at magsepilyo.
Hindi niya man lang ako ginising! Hindi man lang siya nagpaalam bago umalis! Nagbago na nga siya!
Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Ang kalat niya tuwing umaalis siya! Damit doon, damit dito! Tapos 'yung lagayan niya ng damit sobrang gulo kahit maayos naman kahapon!
Nang mapagod at magutom ako ay dumiretso ako ng kusina at nakita ko na nagluto siya ng pinakbet.
Ano 'to? Peace offering? At may mga prutas pa, ah.
Kinain ko nga ang niluto niya at wala akong masabi. Ang sarap niya talaga magluto. Pagkatapos kong kumain at maghugas ay kinuha ko ang phone ko at nakita kong nag-text siya.
From: Mahalkuko
Sorry na. :)
Kumain ka ng gulay at prutas. Para healthy dalawang baby ko. Yiehh.
Wala sa sariling napangiti ako. Ang corny niya pero napapangiti niya pa rin ako.
To: Mahalkuko
Dapat sa bibig mo nilalagyan ng stipler.
Nag-reply kaagad siya. Well, it was already 12 noon. Malamang ay lunch break na nila.
From: Mahalkuko
Stapler kasi 'yon.
To: Mahalkuko
I hate you talaga!
From: Mahalkuko
Nakakadalawa ka na, ah. Mamaya ka sa'kin.
Napairap ako bago nag-type ulit ng reply.
To: Mahalkuko
Chuppy ka.
From: Mahalkuko
Hehe. Wabyu. ;)
Kinagat ko ang labi ko. Ang bilis talaga mawala ng inis ko sa kaniya kapag nagpapa-cute siya.
Ang rupok ko!
Humiga ako sa kama at nag-Facebook na muna. Wala naman akong gagawin, eh.
I was scrolling through my phone when I saw a certain post. Maraming likes 'yon at 'haha' react kaya nakuha kaagad ang atensyon ko. Tumaas ang kilay ko nang makitang kay Genna pala ang post na 'yon. Naging friends kami sa Facebook dahil pinilit ako ni Echo na i-add siya para raw maging friends kami sa personal. Pero mukhang malabong mangyari 'yon.
Gennalyn Monte is feeling disgusted.
Maputi nga, hindi naman maganda.
Sexy nga, hindi naman marunong magluto.
Anong ambag mo, girl? Hahaha.
Umawang ang bibig ko nang mabasa ang post niya. Binasa ko kaagad ang mga comments.
Sino 'yan, girl? Hahaha.
Abangan na 'yan sa kanto.
Tsismis ba 'yan?
Sana all maputi.
Tag na 'yan!
Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko nang mabasa ang isang comment ni Genna.
Babaeng nasa kabila ng apartment namin. Jusko! Prito lang hindi alam! Hahaha!
"Bitch," I muttered, pressing my lips.
Kailangan pa talaga i-post sa Facebook? Ano bang ginawa ko sa kaniya? Bakit kailangan niyang ipagkalat 'yon?! Nanggigigil ako, ah!
Binitawan ko ang phone ko saka mabilis na lumabas ng apartment namin. Namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng pinto ng apartment nila Genna.
"Hoy, Gennalyn!" Kinatok ko nang malakas at sunod-sunod ang pinto. "Lumabas ka diyan!"
Nakarinig ako ng malakas na iyak ng bata bago bumukas ang pinto at bumungad ang nakasimangot na mukha ni Genna habang karga ang anak niya.
"Problema mo?" maangas na tanong niya.
Sa tono ng pananalita niya ay mahahalata ng kahit sino na warfreak siya. Well, nakahanap siya ng katapat niya!
I crossed my arms over my chest, raising my brows. "Bakit ka nagpo-post sa Facebook ng tungkol sa'kin?!"
Lumakas ang iyak ng bata dahil sa sigaw ko pero wala akong pakialam!
"Ah, nakita mo?" sarkastikong tanong niya. "Congrats, may mata ka!"
"Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Tumaas na ang boses ko. "Bakit kailangan mong i-post 'yon?! Kung may problema ka sa'kin, sabihin mo nang personal! Nasa kabilang apartment lang ako, oh! Pwede mo 'kong awayin, pwede mo 'kong sampalin o sabunutan! Hindi 'yung tinitira mo 'ko patalikod!"
"Masyado ka namang madrama." Umirap siya. "Huwag kang mag-alala. Idi-delete ko naman talaga 'yon. Kahapon ko 'yon pinost dahil naiinis ako sa'yo."
"You should!" asik ko. "Pwede ba, ilugar mo 'yang pagiging tsismosa mo?! Hindi ka na nakakatuwa, eh! At huwag na huwag mo 'kong huhusgahan base sa nakikita mo!"
Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. "Actually, wala naman akong pakialam sa iisipin at sasabihin mo tungkol sa'kin, eh. Mas importante sa'kin ang tingin ni Echo. Dahil si Echo lang ang tumanggap sa'kin at mahal niya 'ko."
Bigla siyang tumawa sabay iling. "Sigurado ka bang mahal ka ng Echo mo?"
My brows met immediately. "Of course! Makikipag-live-in ba siya sa'kin kung hindi?!"
"Sigurado kang nakipag-live-in siya sa'yo kasi mahal ka niya? O baka dahil lang sa nabuntis ka niya?"
My lips pressed into thin line. Parang may gusto siyang iparating sa tono ng pananalita niya.
"Whatever the reason, I think that's none of your business!"
"None of my business..." Tumawa siya nang mapakla. "Okay. Tatanggapin ko 'yan. Tama naman ang mga sinabi mo, eh. Pero hindi ako naniniwalang mahal ka ng boyfriend mo. Kasi kung totoo 'yon, hindi ka niya sasaktan. Hindi ka niya lolokohin.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan!
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Oo, niloko ako ni Echo pero wala na 'yon! Dinilete niya na ang dummy account niya at sabi niya ay magbabago na siya!
"May nilalandi ang boyfriend mo sa Tina's bakeshop," seryosong sabi niya. "Kapag may nakita kang magandang babae, matangkad, maputi at sexy, si Mona 'yon."
Pakiramdam ko ay nawala ako sarili ko nang marinig ang sinabi niya. Napatulala ako at hindi nakasagot kaagad.
"Wala naman dapat akong pakialam," dagdag niya. "Pero alam ko ang pakiramdam ng maloko. Kaya kung ako sa'yo, hindi ko hahayaan na ganyanin ako ng kinakasama ko. Huwag kang tanga, girl."
Hinawakan niya ang pinto at pabagsak na sinara pero nanatili lang akong tulala. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nalaman ko.
Bakit niya gagawin 'yon? I thought he wouldn't cheat on me anymore because we were already living in the same roof! Isn't that enough?!
Noong una, patingin-tingin lang. Pangalawa, pachat-chat na. Tapos ngayon, nanlalandi na sa personal?
Aba, level up!
Naging mabilis ang paghinga ko kasabay ng palpitate ng puso ko. Napapikit ako sandali at maya-maya lang ay kinuyom ko ang mga kamao ko. Idinilat ko ang mga mata ko at naglakad palabas ng gate.
Hindi ko alam kung saan ang Tina's Bakeshop na sinasabi ni Genna pero tuloy-tuloy lang ang mga paa ko sa paglalakad. Gusto kong makita kung anong itsura ng babaeng nilalandi ni Echo. Gusto ko siyang sabunutan. Gusto kong ingudngod sa pader ang nguso niya.
Panay ang linga ko sa magkabilang kalsada habang naglalakad. May mga nadadaanan akong bakeshop pero hindi naman Tina's Bakeshop ang pangalan.
Malapit lang 'yon! Alam kong malapit lang!
Wala akong pakialam sa init kahit tagaktak na ang mga pawis sa noo ko. Maraming napapatingin sa akin tuwing may nakakasalubong ako at alam ko naman kung bakit. Nakasuot lang kasi ako ng super ikling short at spaghetti top.
"Tinitingin-tingin mo?!" asik ko sa binatang napatingin sa akin habang bumibili ng tinapay.
Napaiwas kaagad siya ng tingin sa akin. Kinuha niya ang paper bag mula sa tindera saka kumaripas ng takbo.
Sinundan ko ng tingin 'yung lalake bago ko binalingan ang tindera ng tinapay. Nakatingin siya sa'kin ngayon habang nakangiti.
"Hi. Bibili ka?" Ngumiti siya nang napakalawak.
Hindi ako sumagot at binasa ko sa taas ang pangalan ng bakeshop.
Tina's Bakeshop.
So, ikaw pala.
Tinaasan ko ng kilay ang tindera at nakapameywang na naglakad palapit sa estante.
"Ikaw si Mona?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Hindi ko maitatanggi na maganda talaga siya, napakaamo ng mukha at maputi rin katulad ko. Maganda rin ang katawan niya at pino ang bawat kilos. Kaya pala siya nagustuhan ni Echo. Kung ikukumpara kaming dalawa, siya ang mas maganda. Matangos kasi ang ilong niya at hindi malapad ang noo katulad ko.
"A-Ako nga si Mona," nauutal na sagot niya, nasindak sa tono ng pagtatanong ko.
"Kilala mo ba si Echo?" tanong ko ulit pero napakunot ang noo niya.
"Echo?"
"Gericho. Kilala mo?"
Tumango siya kaagad nang marinig 'yon.
"May kakilala akong Gericho. Iyong palaging bumibili sa'kin ng tinapay tuwing umaga."
"Tuwing umaga..." Tumaas ang mga kilay ko. "Tapos?"
"Kapag hindi siya bumibili, tumatambay lang siya rito nang ilang minuto at nakikipagkwentuhan sa'kin."
Nagkuyom ang mga kamao ko dahil malakas ang kutob ko na tama nga ang sinabi ni Genna.
I faked a smile. "Pwede mo bang i-describe ang itsura ng Gericho na 'yon?"
Gusto ko nang magwala pero kailangan ko muna i-confirm kung totoo.
"Uhm..." Napaisip siya saglit. "Matangkad siya. Moreno. Matangos ang ilong. Color brown ang buhok at medyo spiky."
Confirmed! Walanghiya ka, Echo. Lagot ka sa'kin mamaya.
"Alam mo ba na boyfriend ko ang lalakeng 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Nanginginig na ang buong katawan ko at gusto ko nang umiyak at magwala pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Umawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko.
"B-Boyfriend mo? N-Naku, sorry! Hindi ko alam! Kung alam ko lang, sana hindi ko binigay ang pangalan at number ko sa kaniya—"
"Number?! Kinuha niya ang number mo?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko.
Kinagat niya ang daliri niya, mukha siyang guilty. "O-Oo. Akala ko kasi—"
"Malandi ka!" Hinatak ko ang buhok niya kaya napatili siya. "Boyfriend ko 'yon, eh! Boyfriend ko 'yon!"
"Sorry! Tama na! Hindi ko naman alam, eh! Sorry talaga!" naiiyak na sigaw niya.
Binitawan ko ang buhok niya kaya nasubsob siya sa sahig. Naghabol ako ng hininga ko. Naghalo-halo na ang mga emosyon sa dibdib ko: galit, selos at inis.
Marahas kong pinahid ang mga luha na tumakas sa mga mata ko bago ako umalis sa lugar na 'yon. Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa apartment. Doon ako umiyak nang umiyak habang tinatanong ang sarili ko ng maraming tanong.
Ayaw niya na ba sa'kin?
Hindi pa rin ba ako sapat para sa kaniya?
Bakit hindi na lang siya makuntento sa'kin? Dahil ba hindi ako gano'n kaganda? Dahil ba hindi ako marunong magluto?
Hindi ko na alam. Parang hindi ko kayang patawarin siya sa ginawa niya.
"Gaano po ba kahirap ang magpatawad, Ma?"
I suddenly remembered my Mom and her words when I asked her about forgiveness.
"Kapag niloko ka ng taong mahal na mahal mo, hindi lang tiwala ang masisira sa'yo. Hindi mo pa alam 'yan kasi bata ka pa."
Ang tanga ko para tanungin si Mama nang gano'n. Pinilit ko pa siya noon na patawarin na lang si Papa without knowing kung gaano kasakit ang maloko. Though, hindi magka-level ang cheating na nangyari between Papa and Echo.
Pero kahit anong level ng cheating pa 'yan, masakit pa rin. Iisa lang ang sakit na mararamdaman ng isang tao. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko na kayang magtiwala kay Echo ulit.
I already gave him a second chance! Tapos ito na naman? Inulit na naman niya at mas malala pa!
Ngayon ay naiintindihan ko na si Mama kung bakit siya nag-give up kay Papa. Hindi madali ang maloko nang paulit-ulit. At hindi ko alam kung paano niya nalampasan ang sakit, kung paano niya nagawang makabangon.
Kasi ako, hindi ko alam kung paano.
As usual, pinatulog ulit ako ng pag-iyak ko. I felt sorry for my pillows. Sila ang sumasalo sa mga luha ko.
Nagising na lang ako dahil sa kalabog ng pinto.
"Ay, sorry. Tulog ka pala, Mahal."
Nakita ko si Echo na kakapasok lang ng kwarto. Nakasukbit sa balikat niya ang itim niyang bag habang nakasuot pa rin ng uniform ng construction.
"May dala akong prutas." Umupo siya sa gilid ng kama at hinalikan ako sa labi. "Hindi ka pa pala nagsasaing. Sige, ako na lang. May binili rin akong manok at gagawin kong fried chicken, paborito mo 'yon, 'di ba?"
Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. Mukhang hindi niya naman nahalata na wala ako sa mood, dahil pagkatapos niyang ilapag sa side table ang supot ng mga prutas ay nagbihis na siya ng damit at deretsong lumabas para magluto sa kusina.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang umiyak ulit.
Bakit kahit nasaktan niya ako ay na-appreciate ko pa rin ang ginagawa niyang pag-alaga sa'kin?
Tumayo ako mula sa kama at susunod sana sa kaniya sa kusina pero nahagip ng mga mata ko ang phone niya na nakapatong sa gilid ng supot ng mga prutas.
Kinuha ko iyon at binuksan gamit ang password na alam ko. Dumiretso ako sa call logs pero burado lahat. Nang pumunta naman ako ng message box ay saktong may nag-text.
From: Unknown number
Sorry. Na-snatch phone ko kanina kaya hindi ko nabasa messages mo. Nakauwi ka na ba?
Sumikip na naman bigla ang dibdib ko nang mabasa 'yon. Nanginginig man ang mga kamay ko ay nagawa ko pa ring tawagan ang number na 'yon.
"Hello?" Babae ang sumagot.
"Sabihin mo salamat shopee," sabi ko.
"What? Sino ba 'to? Scammer ka 'no?"
"Sino ka rin ba? Ikaw ba 'yung Mona? Iyong tindera sa bakeshop?" tanong ko.
"Tindera nga ako pero hindi tindera ng bakeshop. Tindera ako ng sari-sari store. Ikaw, sino ka ba?"
Hindi ako nakasagot kaagad. Pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang tuhod ko at napaupo na lang ulit ako sa kama.
"Ibalik mo nga kay Echo ang phone niya," iritadong sabi niya.
"Nililigawan ka ba niya?" Kahit gusto ko nang umiyak ulit ay tinanong ko pa rin siya para makasiguro.
"Oo, bakit? Almost two weeks na. Nasa harap lang kasi ng store namin ang site ng pinagtatrabahuhan niya. Ikaw? Sino ka ba? Kapatid ka ba niya?"
Two weeks. Ibig sabihin, mga unang araw pa lang ni Echo sa trabaho niya ay may nilalandi na siya. Hindi lang pala si Mona.
Hindi ko na nasagot ang tanong ng babae dahil pinatay ko na ang tawag. Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa phone habang tahimik na lumuluha.
Hindi lang isa ang nilalandi niya. Dalawa pala. O baka higit pa? Hindi ko lang alam dahil magaling siyang magtago.
"Mahal—" Pumasok si Echo sa kwarto pero natigilan siya nang makita akong umiiyak. "Mahal, bakit ka umiiyak?"
Lumingon ako sa kaniya at mabagal na umiling. Napakunot ang noo niya at bumaba ang tingin niya sa kamay kong may hawak na cellphone.
"Bakit mo hawak ang phone ko?" tanong niya at mabilis na naglakad palapit sa akin. "Bakit mo—"
"Oh, ayan!" Hinampas ko sa dibdib niya ang cellphone niya at nasalo niya naman iyon.
Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto.
"Mahal," tawag niya sa akin.
Hinatak niya ang kamay ko para pigilan ako pero itinulak ko siya at binigyan ng isang malutong na sampal.
"Ilang beses pa, ha?!" I blurted out. "Ilang beses pa?!"
Natigilan siya sa ginawa ko dahil ito ang unang beses na sinampal ko siya. Napabaling sa kaliwa ang ulo niya at namula kaagad ang pisngi niya.
"Ilan silang hiningian mo ng number?! Ilan silang nilalandi mo?! Ilang beses mo pa 'ko lolokohin?! Ha?! Ha?!" Pinagsusuntok ko ang balikat niya at hinayaan niya lang ako. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita.
"Putangina, magsalita ka!" sigaw ko.
"S-Sorry," sambit niya habang nakayuko.
Natawa ako nang mapakla.
"Sorry? Sorry na naman? Tapos ano? Kapag pinatawad kita, uulitin mo ulit? Palibhasa alam mong mahal kita, eh!"
Pinagsusuntok ko ulit ang dibdib niya pero sa pagkakataong iyon ay pinigilan niya na ang dalawa kong pupulsuhan saka ako niyakap nang mahigpit.
"Sorry, tama na," bulong niya sa tenga ko. "Sorry...Sorry..."
Nagpupumiglas ako sa yakap niya pero ayaw niya akong pakawalan.
"Sorry, hindi na. Magbabago na 'ko. Tama na, Mahal. Please. Please."
Umiyak lang ako nang umiyak sa balikat niya habang panay pa rin ang suntok ko sa likod niya. Ang sakit-sakit ng ginawa niya!
"Sorry na, please. Mahal kita..."
Tumigil ako sa kakasuntok sa likod niya at naghabol ng hininga.
"S-Sinungaling ka. Alam mo, tama si Genna, eh. Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako lolokohin."
Natigilan siya at lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Sinamantala ko 'yon at nagkumawala ako sa pagkakayakap niya at tinitigan siya sa mga mata. Namumula na ang mga mata niya na parang nagbabadyang umiyak.
Guilt was written all over his face while he was staring at me.
Binigyan ko siya ng isang tingin na puno ng galit at sakit bago ako mabilis na naglakad palabas ng apartment.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top