20. TSISMIS

|20. Tsismis|


Odette Marie "Dette" Ojera



Dalawang linggo na ang lumipas magmula ng magsama kami ni Echo sa iisang bubong. Naging maayos ang trabaho niya sa isang construction site kasama si Ricky. Habang ako naman ay halos mag-walling na dahil sa sobrang boring sa bahay.

Walang wifi. Wala akong laptop. Data lang ang gamit ko at ang bilis maubos.

Dumapa ako sa kama ko at pinilit na lang matulog pero sobrang init dahil tanghaling tapat. Nag-iwan si Echo ng bacon at itlog bilang ulam ko pero hindi pa 'yon luto kaya nagpainit ako ng mantika sa kawali.

Pero hindi ko namalayan na napalakas ang apoy ko dahil pagkalagay ko pa lang ng bacon sa mantika ay natutong na kaagad.

"Shit! Stupid, Odette!"

Pinatay ko kaagad ang kalan habang pinapaypayan ang usok na galing sa kawali.

Ano ba 'yan, pati pagprito hindi ako marunong!

Nasunog lang ang dalawang bacon kaya itinapon ko na lang 'yon sa basurahan. Napasimangot na lang ako habang pinupunasan ang pawis sa noo ko.

Nahagip ng mga mata ko ang basket na may laman na labahin. Magkakahalo ang mga damit namin doon ni Echo at halos mapuno na iyon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kaunti lang ang mga damit namin kaya twice a week akong naglalaba lalo pa't marurumi ang mga damit na ginagamit ni Echo na pangtrabaho. Saka ko lang naalala na kailangan ko pala maglaba ngayon.

Napabuga ako ng hangin at naalala ang buhay ko sa bahay namin. Doon, buhay-prinsesa ako. Hindi ko iniintindi ang paglaba ng mga damit ko at pagluto ng kakainin ko. Lahat ay ginagawa ng mga maids at inaasa ko lang sa kanila lahat.

At ngayong magkasama na kami ni Echo, nakakapanibago bigla. Lahat ng gawaing bahay maliban sa pagluluto ay nakaatang sa akin. At wala naman akong karapatan na magreklamo dahil ako ang babae at ito ang ginusto ko.

"Ano 'yon?! Bakit amoy sunog?!"

Napatingin ako sa bintana ng sala nang marinig ko ang mala-megaphone na boses ni Genna.

Lintik! Hindi pa rin ako sanay sa bunganga niya kahit dalawang linggo na kami dito!

Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa labas kaya nakita ko si Genna na nakatayo sa tapat ng pinto, tinatanaw ako.

"Anong kailangan mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Amoy-sunog. Nagluluto ka ba?" tanong niya habang panay ang singhot.

"Oo sana kaso nasunog, eh. May problema ka ba do'n?" maangas na tanong ko sa kaniya.

"Ano ba 'yan..." Tumawa siya at saka tumingin sa matabang bakla na nakaupo sa pinto ng kabilang apartment.

Bale tatlo kasi ang apartment ng tita ni Mccoy. Magkakadikit halos ang pinto ng tatlong apartment. Kami ang nasa gitna. Sa kaliwa ang kanila Genna at Ricky habang sa kanan ang apartment ng dalawang bakla na live-in. Hindi ko alam ang pangalan nila.

"Hindi ka marunong magluto, 'te?" natatawang tanong sa akin ni bakla habang hawak ang cellphone niya.

"Hindi. May problema ba do'n?" tanong ko ulit.

"Meron..." Ngumisi si Genna. "Live in kayo ni Echo, 'di ba? Iyong katrabaho ng asawa ko? Bakit ka nakipag-live in kung hindi ka naman marunong magluto? Ano 'yon? Pagdating ng boyfriend mo galing sa trabaho ay siya pa ang magluluto ng hapunan? Aba, buhay-prinsesa ka pala!" Nagtawanan silang dalawa.

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Genna. May punto naman siya. Si Echo nga ang nagluluto ng hapunan namin pagkarating galing sa trabaho at wala naman akong naririnig na reklamo mula sa kaniya.

Pero itong dalawang 'to, bakit sila nakikialam? Sila ba ang pinapaluto ko?

"Ano bang pakialam niyo kung hindi ako marunong magluto? Inaano ko kayo?" Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.

"Wala lang. Naaawa lang kasi kami sa boyfriend mo," sagot ni Genna.

I crossed my arms over my chest, pressing my lips. "Ako rin, naaawa rin ako sa asawa mong ander."

Her lips parted a bit. "Ano bang pakialam mo?!"

"Ano rin bang pakialam mo kung hindi ako marunong magluto?!" Tumaas na ang boses ko.

"May pakialam ako kasi nakwento ka sa'kin ni Ricky. Hindi ka raw marunong magluto at buhay-prinsesa ka dati."

"Chismosa pala kayo, eh! Wala kayong magawa, ha?!" Bwesit na Ricky na 'yan! Ipagkalat ba na hindi ako marunong magluto?!

"Ang boyfriend mo ang nagkwento sa asawa ko," natatawang sabi niya. "Ang saklap, 'no? Boyfriend mo mismo ang nangtsi-tsismis sa'yo?"

Natigilan ako sa narinig ko. Napakunot ang noo ko at pilit inintindi ang sinabi niya.

Anong sabi niya? Si Echo? Si Echo ang nagsabi kay Ricky?

"Mukhang totoo naman ang sinabi ng boyfriend mo, eh," dagdag ni Genna. "Hindi ka talaga marunong magluto dahil simpleng pagprito lang—"

"Wala kang pakialam!" asik ko. "Ano bang nagawa ko sa inyo, ha?!" Tiningnan ko rin si bakla na napahawak sa dibdib dahil sa sigaw ko. "Wala naman, 'di ba?! O sadyang mga chismosa lang kayo na walang magawa sa buhay?!"

"You!" Dinuro ko si Genna kaya napasinghap siya at napaawang ang bibig. "I still remember how I smiled at you the first time we saw each other! But what did you do?! You just rolled your eyes at me! I tried to be nice with you!" Binalingan ko si Bakla na katulad ni Genna ay nakaawang na rin ang bibig. "At wala akong maalala kung anong naging atraso ko sa inyong dalawa para pag-tsismisan niyo 'ko!"

Naghabol ako ng hininga at naramdaman ko ang nagbabadyang pagbuhos ng mga luha ko. Ganito talaga ako kapag nagagalit, naiiyak.

"Tandaan niyo 'to, ha? You don't know me! You just know my name and not my fucking story!" Tinalikuran ko na sila at pabagsak na sinara ang pinto.

"Gaga, nag-English!" dinig kong sabi ni Bakla.

"Bwesit!" Marahas kong pinahid ang mga luhang pumatak sa pisngi ko bago ako pumasok sa loob ng kwarto at dumapa para roon umiiyak.

Paano ba nila sinusukat ang pagiging babae? Sa pagluluto? Ang babaw naman nila! Alam ko naman na hindi maganda sa babae ang hindi marunong magluto! Pero kaya ko naman matuto, eh. Ang bilis sa kanilang husgahan ako! Kasalanan ko ba na lumaki akong hindi alam magluto?!

Ang rupok ko rin, eh. Ganitong bagay lang iniiyakan ko. Mabilis akong masaktan. Kahinaan ko ang mga tao sa paligid ko. Masabihan lang ako ng hindi maganda, iiyak na ako.

Sa kakaiyak ko ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. At nagising na lang ako dahil sa mahinang tapik sa balikat ko.

"Mahal..."

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si Echo na nakasuot pa ng kulay green na long-sleeved na may tatak ng construction company na pinagtatrabahuhan nila.

"Masama ba pakiramdam mo?" Sinalat niya ang noo ko pero pinalis ko ang kamay niya at bumangon.

"Okay lang ako," malamig ang boses na sabi ko.

Hindi ko kayang palampasin ang ginawa niyang pagkakalat kay Ricky na hindi ako marunong magluto.

"Nagsaing ka na ba? Nagugutom na 'ko, Mahal."

Hinubad niya ang suot na uniform at ilalagay niya sana sa basket pero natigilan siya nang makitang tambak pa rin iyon ng labahin.

"Hindi ka naglaba?"

"Hindi. Magsasaing muna 'ko." Tumayo ako at lalabas na sana pero nagsalita ulit siya.

"Labhan mo muna 'tong uniform ko, Mahal. Gagamitin ko bukas. Tatlo lang 'to, eh. Hindi ka pala naglaba."

"Ano ba talaga? Maglalaba muna ako o magsasaing?" inis na tanong ko habang nakatalikod sa kaniya.

"Bakit kasi hindi ka nagsaing, Mahal? Kaya nga bumili na lang ako ng lutong ulam sa labas para pagdating ko kumain na lang ako, eh. Tapos hindi ka pala nagsaing."

Natawa ako nang mapakla bago pumihit paharap sa kaniya. Nakahiga na siya ngayon sa kama at mukhang pagod na pagod.

"Sorry, ha? Hindi kasi ako marunong magluto. Pwede mo naman akong deretsahin, hindi 'yung nagpaparinig ka pa."

Biglang bumangon si Echo at kunot  ang noong tumingin sa akin. "Ano bang sinasabi mo?"

"Ano pa ba ang pinagkakalat mo tungkol sa'kin? Na tamad ako? Na buhay-prinsesa ako dati? Na hindi ako marunong magluto? Na kahit pagprito ay hindi ako marunong, gano'n ba?"

Umawang ang bibig niya at bakas sa mga mata niya ang pagkalito. "Ano? Alam mo, pagod ako. Pwede bang magpahinga muna 'ko?"

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sa kaniya at padabog na lumabas ng kwarto.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsaing. Habang hinihintay na maluto ay nilabhan ko muna ang uniform ni Echo sa loob ng banyo. Sa sobrang inis ko ay napagbalingan ko 'yon. Sobrang diin ng pagkaka-brush ko na halos mapunit na ang tela. Marami kasing dumi at sobrang hirap tanggalin!

Nang matapos ay sinampay ko muna iyon sa labas para mapatulo. Binalikan ko ang sinaing ko at ininit ko na rin ang dalawang ulam na binili niya mula sa labas. Niyaya ko na si Echo na kumain at tahimik naman siyang bumangon at pumunta ng kusina.

Habang kumakain ay wala kaming imikan. Wala akong ganang kumain at dinagdagan pa ng walang lasang Menudo na kinakain ko.

Nang matapos ay ako na ang nagligpit ng kinainan namin at ako na rin ang naghugas ng mga plato habang naliligo si Echo sa banyo.

"Mahal..."

Napasinghap ako nang yakapin ako ni Echo mula sa likuran. Alam kong wala siyang suot na damit at nakatapis lang siya ng tuwalya.

"Naghuhugas ako. Pumasok ka na sa kwarto," sabi ko habang binabanlawan ang isang plato.

"Mamaya na 'yan," bulong niya habang hinahalikan ang leeg ko.

Nakaramdam ako ng kiliti pero nagpigil ako. Ang kamay niya ay bumaba na sa dibdib ko.

"Akala ko ba pagod ka? Bakit sisiping ka pa?" deretsong tanong ko sa kaniya, dahilan para bumitaw siya sa'kin.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga.

"Kung ayaw mo, sabihin mo lang. Ang dami mo pang satsat, eh."

Binitawan ko ang hawak kong plato at pinatay ang gripo bago ako pumihit paharap sa kaniya.

"Ikaw ang maraming satsat. Kung may problema ka sa'kin, dapat sa'kin mo sinasabi. Hindi 'yung pinagkakalat mo pa sa iba!"

Napakamot siya sa buhok niya at napabuga ng hangin.

"Wala akong pinagkakalat, okay?"

"Anong wala?! Sinabi sa'kin ni Genna!"

Natigilan siya sandali at napailing nang makabawi.

"Malay ko ba na sasabihin ni Ricky 'yon sa asawa niya?"

"Tama ba 'yon, ha? Kinikwento mo kay Ricky ang mga pagkukulang ko? Isn't it unfair?!"

"Oo na! Sorry na! Pwede ba tumigil ka na?!" Tumaas na ang boses niya. "Pagod ako sa trabaho, okay?!"

"Nag-sorry ka pa kung galit ka naman!"

Napahilamos siya sa mukha niya gamit ang dalawang kamay habang panay ang mura.

"Nag-sorry na nga, babarahin mo pa?!"

"Sa'yo na 'yang sorry mo! Gusto ko sa sorry ay 'yung sincere!" giit ko.

"Sincere naman ako, ah!'

"Sincere mo mukha mo! Galit nga ako tapos galit ka rin! Napakagaling mo rin, eh!"

"Kasi nga pagod ako! Mahirap bang intindihin 'yon?! Mabuti ikaw maghapon lang na..." Hindi niya naituloy ang sinasabi niya.

Natawa ako nang mapakla. "Bakit hindi mo ituloy?!"

Nagbaba lang siya ng tingin at hindi sumagot.

"Bwesit ka!" asik ko bago ko siya nilampasan.

Pumasok ako ng kwarto pero hindi pa man ako nakakarating sa kama ay hinatak niya na ang braso ko.

"Ano ba!" sigaw ko nang pilitin niya akong paharapin sa kaniya.

Sa kakapiglas ko ay nawalan ako ng balanse at nadulas sa sahig.

"Mahal!" Tinulungan niya akong bumangon pero tinulak ko siya.

"I hate you!" naiiyak na sigaw ko sa kaniya bago ako dumapa sa kama at doon umiyak nang umiyak.

***



Gericho "Echo" Escobar


Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang umiyak na si Dette habang nakadapa sa kama.

Anak ng putangina naman kasi 'tong si Ricky, pinagkalat pa kay Genna 'yung sinabi ko.

Hindi ko naman talaga pinagkalat, eh. Nagtanong siya sa'kin kung hindi ba marunong magluto si Dette kasi hindi na ako nagbabaon ng pagkain ko. Sinabi ko lang naman ang totoo. Nagbiro lang ako na buhay-prinsesa kasi si Dette dati kaya hindi marunong magluto. Tapos pinagkalat pa ng gago.

Nagbihis muna ako ng pantulog bago pinagpatuloy ang hinuhugasan ni Dette kanina. Kaya siguro siya hindi nakapaglaba at nakapagsaing dahil sa nalaman niya. Naiintindihan ko naman 'yon kaso pagod ako, eh.

Sa bawat araw na magkasama kami ni Dette sa iisang bubong, hindi ako nagreklamo kahit hindi siya marunong magluto. Wala namang kaso sa'kin 'yon, eh. Basta para sa kaniya, handa akong magpakaalipin.

Oo na. Inaamin ko na mahal ko na siya. Magmula nang magsama kami, mas nakilala ko pa siya. Sobrang sweet niya lalo na kapag umuuwi ako. Simple lang siyang babae at mabilis pasayahin. Masaya ako kapag nagkikita siyang nakangiti, natatawa ako kapag nakanguso siya at nasasaktan ako kapag umiiyak siya.

Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan siyang natutulog. Nakatulog na siya sa kakaiyak kaya nilagay ko ang kumot sa kaniya. Nilakasan ko rin ang electric fan dahil pawis na pawis siya. Hindi talaga siya sanay nang walang aircon.

Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang pisngi niya.

"Sorry," bulong ko. "Joke mo lang 'yung 'I hate you', 'di ba?"

Kumislot siya at nagpalit ng pwesto. Tumalikod siya sa direksyon ko kaya hindi ko nakita kung tulog ba talaga siya o nagtutulog-tulugan lang.

Kinabukasan ay pumasok ulit ako sa trabaho ko. Sabay ulit kaming umalis ni Ricky at habang naglalakad ay binatukan ko siya.

"Aray! Anong ginawa ko sa'yo?!" takang tanong niya habang hawak ang sariling batok.

"Nagtanong ka pa." Napailing ako. "Kalalake mong tao, chismoso ka. Pinagkalat mo pa sa asawa mo. "

"Hindi ko naman alam na makikipag-away si Genna sa syota mo, eh. Ewan ko ba do'n, pinagseselosan kasi si Dette."

"Teka..." Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya nang masama. "Pinagseselosan? Nagseselos ang asawa mo sa syota ko?"

Nagkamot siya sa batok niya. "Lahat naman ng babaeng nakatira sa katabing apartment, pinagseselosan ng babaeng 'yon."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Baka kaya pinagseselosan ni Genna si Dette kasi dumadamoves 'tong si Ricky sa syota ko. Chickboy pa naman 'to.

"Oh!" Tinaas niya ang mga kamay niya nang mapansin ang matalim kong tingin. "Wala akong ginagawa, ah! Takot ko lang sa'yo!"

"Siguraduhin mo lang."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero tumigil din ulit nang madaanan namin ang Tina's bakeshop.

Napangiti ako at lumapit doon para batiin ang tinderang natipuhan ko. Ipinatong ko ang mga braso ko sa estante ng mga tinapay at nginitian si Mona na nagce-cellphone habang nakaupo sa may kaha.

"Aga-aga, tutok sa cellphone?" mapagbirong sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya nakita ko na naman ang napakaamo niyang mukha. Isa 'yon sa mga natipuhan ko sa kaniya bukod sa maganda ang katawan niya. Maputi rin siya at matangkad kaya naging crush ko kaagad siya noong unang beses na bumili kami ni Ricky ng tinapay sa kaniya.

"Nandito ka na naman," masungit na sabi niya pero halata naman na gusto niya na nandito ako.

"Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita," pambobola ko saka ko siya kinindatan.

"Nambola ka pa." Umirap siya bago bumalik sa pagce-cellphone.

"Kunwari pang mataray, binigay naman number niya," pang-aasar ko. "Alis na 'ko, babe."

"Babe mo mukha mo!"

Natawa na lang ako bago ako bumalik kay Ricky pero natigilan ako nang makita si Genna na kausap siya. Napatingin siya sa'kin kaya kinabahan kaagad ako.

Nakita niya kaya na nilalandi ko si Mona? 'Di bale na! Sasabihin ko na lang na may tinanong ako!

"Sige na, sige na. Bumili ka na lang ng ulam mamayang gabi," sabi ni Ricky kay Genna kaya napabalik sa kaniya ang tingin nito.

"Tangina ka, anong mabibili kong ulam sa singkwenta?!" asik ni Genna sabay binatukan si Ricky. "Tapos magrereklamo ka sa'kin na palaging de lata ang ulam?!"

"Tsk! Eto na!" Binigay ni Ricky ang isang daan. "Okay na ba 'yan? Oh, siya sige! Alis na!"

"Taena mo!" asik ni Genna bago umalis.

"Pucha, nabudol ako!" biro ni Ricky nang makaalis ang asawa niya. "Oh, ano? Tapos ka na sa pakikipaglandian sa tindera mo?"

"Oo." Tumawa ako. "Sungit niya!"

Napailing siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod na rin ako.

"Kung ako sa'yo, hindi ako manlalandi ng babaeng malapit lang sa apartment natin," sabi niya.

"Bakit naman?" Napakunot ang noo ko.

"Alam mo kasi...ang mga babae, daig pa niyan ang mga imbestigador! Malakas ang instinct nila at madalas sa mga hinala nila ay tama! Malalaman kaagad nila na niloloko sila! Si Genna, nahuli na ako niyan dati! Tapos alam mo kung anong nangyari sa kalandian kong babae? Na-flying kick! Ayon na-ospital!"

"Hindi naman malalaman ni Dette 'yon." Umiling ako. "Halos hindi nga siya lumalabas ng bahay, eh. At saka isa pa, nilalandi ko lang si Mona pero wala akong balak ligawan."

"Kasi mahal mo syota mo," pang-aasar niya.

"Mahal ko talaga si Dette, hindi katulad mo!" pang-aasar ko rin.

"Bakit ko mamahalin si Dette? Malandi ako pero hindi ako nangtatalo ng kaibigan!"

"Ulol! Ang bobo mo!"

Nauna na akong naglakad dahil napakabagal niya. Mali-late na kami sa trabaho namin, eh.

Napabuntong-hininga ako nang maalala si Dette. Iniwan ko siyang tulog sa apartment, hindi ko na siya ginising dahil ayokong mag-away lang kami. Hihintayin ko na lang na lumamig ang ulo niya.

Nakaramdam ako ng konsensya dahil may nilalandi ako. Wala, eh. Hindi ko lang maiwasan na magkagusto sa iba. Nasa pagkatao ko na yata 'to at hindi na mababago pa.

Pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ko na kayang mawala si Dette sa buhay ko.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top