19. APARTMENT

|19. Apartment|

Odette Marie "Dette" Ojera



"Okay na ba kayo rito?"

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng apartment na kinaroroonan namin. Kulay green ang pintura ng pader maging ang kisame. May maliit na sala sa may bintana at nasa dulo naman ang kusina. Sa kaliwang bahagi naroon ang isang pinto na ang hula ko ay ang magiging kwarto namin.

"Maliit lang pero okay na rin," sabi ni Echo bago tumingin sa akin. "Okay na ba sa'yo 'to, Mahal?"

Tumango ako. "Okay na 'to."

May mga gamit na rin, eh. Sa pagkakaalam ko kasi sa mga apartment ay walang kagamit-gamit sa loob kapag bago ka pa lang. Ikaw ang magpo-provide.

Ngumiti ako sa landlady na tita pala ni Mccoy. "Magkano po ang renta dito?"

"3K. Pero dahil kakilala kayo ng pamangkin ko ay 2.5 K na lang." Ngumiti sa amin ang babae.

Halos puro puti na ang buhok niya sa harap at may kapayatan din siya pero mukha naman siyang mabait. At sa tingin ko ay hindi pa siya matanda kasi hindi pa kulubot ang mga balat niya.

"Talaga po? Salamat po, ah. Bale 5 k po ang ibibigay ko sa inyo para sa advance at deposit. Sandali lang po." Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko pero pinigilan kaagad ako ni Echo.

"Ano ka ba. Ako na." Pinigilan niya ang kamay ko.

"It's okay. May cash naman kasi ako, eh—"

"Hindi niyo na kailangan magbayad ng advance at deposit," tanggi ng landlady. "Pinakiusapan na ako ng pamangkin ko."

Nakita ko ang pag-irap ni Echo kaya natawa ako.

"Nakakahiya naman po."

"Okay lang. Close kasi kami ng pamangkin ko kaya binibigay ko kung ano ang request niya."

Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa apartment. Halos kumpleto na ang mga gamit doon mula sa kusina hanggang sa kwarto. May dati raw kasing nakatira doon at hindi na nakapagbayad ng tatlong buwan na upa. Nalaman na lang daw nila na wala nang tao roon at iniwan ang mga gamit nila.

"Swerte pa rin natin at nakakuha tayo ng apartment na may mga gamit na," sabi ko bago umupo sa maliit na kama.

Umalis na ang landlady at kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit namin sa maliit na closet. Kaunti lang naman ang mga nadala naming gamit kaya mabilis akong natapos. Hindi na rin kailangan linisin ang apartment dahil malinis na ito.

"Mahal," tawag ko sa kaniya dahil nakatulala lang siya habang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. Ni hindi pa kami nakakapagbihis. "Okay ka lang ba?"

"Magiging okay din ako." Ngumiti siya sa'kin.

Hinatak niya ang braso ko kaya napahiga ako sa tabi niya.

"Nalulungkot ako sa nangyari pero wala na 'kong magagawa," mahinang sabi niya habang nakatitig sa mukha ko. Parehas kaming nakahiga patagilid at magkaharap ang mga mukha.

"May responsibilidad na 'ko." Tumingin siya sa tiyan ko bago ibinalik ang tingin sa'kin saka siya ngumiti nang tipid.

"Okay lang 'yon. At least magkasama tayo," nakangiting sabi ko pero napawi iyon nang maalala ko ang ginawa niyang panloloko sa'kin.

Tumikhim ako at umusog palayo sa kaniya. Tumingin na lang ako sa kisame para iwasan ang titig niya.

"Sorry."

"Sorry saan?" tanong ko kahit alam ko naman kung para saan 'yon.

"Kasi...marami akong ka-chat na babae."

"Bakit nga ba?" Tumingin ulit ako sa kaniya. "Hindi ka pa ba kuntento sa'kin?"

Dumaan ang guilt sa mga mata niya at saka siya bumuntong-hininga.

"Hindi naman sa gano'n. Siguro ganito lang talaga ako. Lalake ako, eh."

"Hindi magandang rason ang pagiging lalake para magloko ka," putol ko sa sinasabi niya. "Hindi ba pwedeng maging kuntento ka na lang sa'kin?"

Napabuntong-hininga ulit siya bago masuyong hinawakan ang pisngi ko. Tumitig ako sa mga mata niya.

"Sorry kung nasaktan kita. Hayaan mo, hindi ko na gagawin ulit 'yon."

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Aasahan ko 'yan."

Wala naman nang mangyayari kung magagalit ako sa kaniya. Ang gusto ko lang ay ang assurance mula sa kaniya, na hindi niya na ako lolokohin ulit, na ako lang ang mamahalin niya.

He leaned closer to give me a kiss on my lips. Napapikit na lang ako.

***

Kakatapos ko lang magbihis ng pantulog nang buksan ko ang phone ko. Pinatay ko kasi iyon kanina nang makitang tumatawag si Mama.

I sighed heavily when she called again. Tiningnan ko muna si Echo na ngayon ay payapa nang natutulog sa kama. Nagdesisyon akong sagutin ang tawag ni Mama ngayon. Ayoko rin naman siyang mag-alala.

"Ma," bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Anak! Salamat at sinagot mo ang tawag ko!" I could hear her sobs through the phone. "Please anak, umuwi ka na! Alalang-alala na 'ko sa'yo, anak! Nasaan ka ba?!"

I bit my lower lip when I heard her pleading voice.

"Ma, stop worrying about me. I'm okay. Kasama ko na si Echo."

"Anak, naman! Alam mo naman na—"

"Please, Ma." I closed my eyes to let my tears fall. "Tama na. Masaya na 'ko ngayon. I'm free, I can do everything I want."

"H-Hindi mo na ba love si Mama? Ayaw mo ba talagang magpakita sa'kin?" puno ng hinanakit ang boses niya habang umiiyak.

"I love you, Ma..." My voice broke. "I'll see you again someday. Pero hindi muna ngayon. I wanna live my own life, even just for once."

"Anak..."

"Stop worrying about me," I almost whispered. "I'm okay, Ma. Isipin niyo na lang na masaya ako ngayon kasama si Echo. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. He...was the reason why I became a better person. He became my inspiration... my happiness...my world."

"Sana alam mo rin na hindi puro saya ang dala ng pagmamahal na sinasabi mo, anak. Masasaktan at masasaktan ka at natatakot ako na mangyari sa'yo 'yon nang wala ako sa tabi mo."

"I'm ready for that, Ma..." I smiled. "I feel like I can bear all the pain as long as I'm with Echo. As long as we love each other."

Hindi sumagot si Mama at tanging narinig ko lang ang mga hikbi niya.

"I'm hanging up now. I love you, Mama. Take care of yourself."

Hindi ko na hinintay na sumagot siya at pinatay ko na ang tawag. Bukas ay magpapalit na ako ng number.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ni Echo ang pag-iyak ko.

I love my mom, I really do.

Humiga ako sa tabi ni Echo at pinanood ang mukha niya habang natutulog.

Pero mas mahal ko si Echo. Siya na ang mundo ko. Sa kaniya na umiikot ang buhay ko.

***

Nagising ako na wala si Echo sa tabi ko. Pagbangon ko ay nakita kong nakabukas ang pinto ng kwarto namin. Maging ang bintana sa kaliwang bahagi ay nakabukas na rin kung saan pumapasok ang sinag ng araw.

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Wala pala kaming essentials para sa banyo. Kailangan naming bumili mamaya.

Nakasuot lang ako ng maong short at blue tank top. Pinusod ko rin ang buhok ko gamit ang hairstick na itinago ko sa loob ng bag ko.

Paglabas ko ng sala ay nakita kong may kausap si Echo na lalake, payat pero matangkad. Naka-faded ang buhok niyang itim at may itsura rin siya kaya lang mukhang nasunog ang balat niya dahil sa araw.

"Mahal," tinawag ako ni Echo nang makita niya ako. "Si Ricky nga pala. Siya 'yung nakatira sa kabilang apartment."

"Hi..." Ngumiti ako kay Ricky at makikipagkamay sana kaso pasimpleng hinawakan ni Echo ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kamay niya. "Dette nga pala."

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa sabay ngiti sa'kin. "Nice meeting you, ganda."

"Ah..." Tumawa si Echo. "Dette ang pangalan niya. Hindi ganda, oo."

"Sabi ko nga." Tumawa si Ricky bago bumaling kay Echo. "Ano, sasama ka na ba sa trabaho ko?"

"Magkano ba sahod sa site niyo?"

Napakunot ang noo ko.

Anong pinag-uusapan nila?

"Mahal..." Tinaasan ko ng kilay si Echo, nagtatanong ang mga mata ko.

"Nagtatrabaho kasi si Ricky sa construction. Welder siya at kailangan daw nila ng isa pang welder doon," paliwanag ni Echo.

"Marunong kang mag-welding?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi lang halata pero marunong ako," nakangising sabi niya, nagyayabang.

"Ano, sabihin mo lang kung gusto mong mag-apply," untag ni Ricky.

"Sige." Tumango si Echo. "Kailangan ng trabaho, eh."

"May experience ka na ba?"

"Oo naman! Kapag bakasyon umeekstra ako sa pagwe-welding. At may NC 1 and 2 din ako."

"Ayos 'yan!" Nag-thumbs up si Ricky.

"Ricky!!!"

Sabay kaming napapitlag nang marinig ang malakas na sigaw mula sa kabilang apartment.

"Asawa ko 'yon, si Genna," nakangiwing sabi ni Ricky. "Parang megaphone ang bunganga, 'no?"

"Ricky!!!"

Halos mapatalon si Ricky nang tawagin ulit siya ng asawa niya. Napangiwi na lang kaming dalawa ni Echo.

"S-Sandali lang!" sigaw ni Ricky bago patakbong lumabas ng apartment namin.

Maya-maya lang ay may narinig na akong kalampag ng pinto at ingay ng mga kaldero na parang hinagis o ano.

"Ander..." Tumawa si Echo bago kinurot ang ilong ko. "Good morning."

"Iniwan mo 'ko sa kama..." Ngumuso ako.

"Tara, balik tayo." Ngumisi siya nang nakakaloko sabay taas-baba ng kilay. Tumawa ako at nagpahila na lang sa kaniya papasok ng kwarto.

***

"Mahal, ang iksi ng suot mo," puna ni Echo sa suot kong ripped maong short.

Busy siya sa paglalagay ng wax sa buhok niya habang nakaharap sa malaking salamin sa tabi ng pintuan.

Nakasuot siya ng itim na khaki shorts na pinaresan ng puting t-shirt na may designer brand. Alam kong original 'yon dahil nabanggit niya sa'kin dati na hindi siya bumibili ng damit na panlakad na hindi original.

Aalis kasi kami ngayon. Aasikasuhin ni Echo ang mga requirements niya dahil mag-aapply siya bukas sa pinagtatrabahuhan ni Ricky. At pagkatapos ay bibili kami ng mga gamit sa banyo at mga stocks na pagkain.

"Okay naman, ah." Ngumuso ako bago tiningnan ang suot ko. "May cycling naman ako, eh. Hindi naman makikita singit ko, don't worry."

"Mahal, please. Palitan mo 'yan," pagpupumilit niya.

"Nagsusuot naman ako nito dati pero hindi mo ako pinupuna," sabi ko, nakasimangot.

"Dati 'yon. Live-in na tayo. At saka buntis ka, baka maipit si baby niyan."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Concern kasi siya sa baby namin.

"May itatanong ako sa'yo," sabi ko pagkatapos kong palitan ang short ko. Mas mahaba na iyon kaysa sa nauna.

Umupo ako sa kama habang hawak ang maliit kong salamin dahil nag-aapply ako ng liptint sa labi ko. Hindi na 'ko nag-make up. Hindi naman kailangan ng make up ang mukha ko. Natatakpan naman ng bangs ko ang malapad kong noo kaya okay lang.

"Do you want a kid?" Tumikhim ako. "I mean, kung hindi mo ako nabuntis, makikipag-live in ka pa rin ba sa'kin?"

Napalingon sa direksyon ko si Echo kaya nagtama ang paningin naming dalawa. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang umiwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok niya.

"Sa tingin ko, hindi ko kayang iwan ang pag-aaral ko nang basta-basta," mahinang sabi niya. "Pero mahilig ako sa mga bata at gusto ko rin magkaroon ng sariling anak. Kaya nga tinalikuran ko lahat nang malaman kong magkakaanak tayo, eh. Ang sarap kayang maging tatay. Gusto kong iparamdam sa magiging anak natin ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa Papa ko."

Natahimik na lang ako at hindi sumagot. Malinaw naman na hindi niya kayang makipag-live in sa'kin kung hindi lang ako buntis. Pero ayos lang, magkasama naman na kami ngayon, eh. Magrereklamo pa ba 'ko?

Maswerte nga ako dahil pinanindigan ako ni Echo, hindi tulad ng ibang lalake diyan na tinatakasan ang responsibilidad oras na makabuntis.

Paglabas namin ng apartment ay nakita ko ang isang babaeng may kargang bata. Morena siya at hanggang bewang ang itim na buhok. Mukha lang siyang haggard sa ngayon pero alam kong maganda siya kapag inayusan siya. Maliit ang mukha niya at matangos ang ilong hindi katulad ng ilong ko. Sa pagkakaalam ko ay siya ang asawa ni Ricky.

Ngumiti ako sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Napasimangot tuloy ako at inirapan ko rin siya.

Sumakay kami ng tricycle papuntang Centro. Hindi naman ako kinakabahan kahit pumunta ako ng Centro dahil hindi naman doon mahilig pumunta si Mama at malayo roon ang Haven's Delight kung saan palaging naroon si Mama.

Una naming nilakad ang mga requirements ni Echo tulad ng NBI, Police at Barangay clearance, maging ang drug test ay ginastusan din niya. May pera naman daw siya kaya okay lang.

"Hindi ka sanay na mabilad ng araw, 'no?" natatawang puna ni Echo.

Tumigil muna kami sa nadaanan naming waiting shed saka siya naglabas ng puting towel mula sa bag niya.

"Basang-basa ka ng pawis."

Pinunasan niya ng towel ang mukha ko pati ang likod ko. Mabuti na lang at nakasuot lang ako ng simpleng white t-shirt kaya hindi siya nahirapang ilagay sa likod ko ang towel.

"Ano, dang? Kaya pa?" mapagbirong tanong niya sa'kin. Kanina pa kasi kami naglalakad sa daan.

Tumango ako habang panay ang paypay ko ng kamay sa sarili ko. Ang init!

"Dang?"

"Ilonggo kasi ako," proud na sabi niya bago ako inakbayan.

"Bakit ngayon ko lang alam?" tanong ko nang maglakad na ulit kami.

"Bakit ngayon mo lang inalam?" balik-tanong niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Taga Bacolod talaga kami, lumipat lang kami dito sa Bicol," kwento niya.

Hindi ko siya sinagot dahil sobrang hingal na 'ko sa kakalakad. Napansin niya siguro 'yon dahil napatingin siya sa'kin.

"Shit. Dapat hindi kita pinapagod, eh."

"Okay lang," sabi ko na lang. "Ako naman ang nagpumilit na maglakad tayo, eh."

"Alam ko na." Tumawa siya at saka tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko.

"Jobee." Inginuso niya ang Jollibee na nadaanan namin.

Awtomatiko akong napangiti.

"Jobee!" tuwang-tuwang bulalas ko at nauna nang tumakbo roon.

Pagkapasok ko pa lang ay naramdaman ko na ang lamig ng aircon. Para akong nabuhayan ulit kaya napangiti ako. Hinintay kong makapasok si Echo hanggang sa sabay kaming pumunta sa counter.

"Gusto ko drumstick," sabi ko habang nakahawak sa braso ni Echo.

Hindi sumagot si Echo dahil nakatingin siya sa harapan. Napasunod ang tingin ko sa tinititigan niya at nakita ko na nakatingin siya sa isang babaeng nasa unahan ng pila.

Nakasuot ng maikling skirt ang babae kaya kitang-kita ang maputing binti nito.

Tumikhim ako kaya napapitlag si Echo at umiwas ng tingin sa babae. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Napatingin lang, Mahal." Alanganin siyang ngumiti sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Good morning, Ma'am and Sir! May I take your order?" nakangiting tanong ng kahera sa amin. Kami na pala.

Napatingin ako sa mukha ng kahera. Maganda siya lalo na kapag nakangiti. Tiningnan ko kaagad si Echo at natawa ako nang makitang sa menu siya nakatingin, sinasadyang hindi pansinin ang kahera.

"Mahal, para kang tanga." Natatawa kong kinurot ang braso niya.

"Agay! Namimili lang naman ako ng order natin, eh."

"Anong namimili? Alam mo naman na kung anong order natin, eh."

"Ay, oo nga pala." Napakamot siya sa ulo niya.

"Ako na ang mag-oorder. Pumikit ka na lang diyan," biro ko.

"Okay." Pumikit nga siya kaya natawa na lang ako.

"Ang cute niyo naman pong dalawa," nakangiting sabi ng kahera.

"Anong sabi, Mahal?" tanong ni Echo sa akin, nakapikit pa rin. Hindi niya siguro narinig ang sinabi ng kahera.

"Ang cute mo raw, mukha kang aso," biro ko.

"Kapag mukhang aso rin ang baby natin paglabas niya, saka ako maniniwalang mukha akong aso," sabi niya habang nakapikit pa rin.

Napailing na lang ako at nag-order na lang.

Habang naghihintay kami ng order ay panay ang linga ni Echo, hindi ko alam kung anong trip niya. Kung naghahanap ba siya ng chicks o ano.

Hello? Nasa harap niya kaya ang chicks!

Nang may mapadaang grupo ng magagandang babae ay hinintay ko ang reaksyon niya.

Napatingin siya sa mga babae pero isang segundo lang iyon dahil tumingala siya at nagkunwaring kumukuyakoy, with matching pasipol-sipol pa.

"Tagal ng order," sabi niya habang nakatingin pa rin sa taas.

"Mukha kang tanga." Binato ko siya ng tissue.

Tumawa siya. "Mahal mo naman."

"Nyenye. Wala akong maintindihan. Chuppy ka." I made a face.

"Cute mo, mukha kang chuppy without letter c and h." Tumawa siya.

"Uppy?" Naningkit ang mga mata ko.

Tama naman, 'di ba? Chuppy without letter c and h is Uppy.

"Puppy kasi 'yon." Napakamot siya sa batok niya.

"Gutom lang 'yan." Tumawa ako.

"Pinag-isipan ko 'yon!"

Pagkatapos naming kumain ng Jollibee ay dumiretso kami ng supermarket para mamili ng mga gamit at pagkain.

"Mahal." Inginuso ko ang lotion na naka-display. Iyon ang ginagamit ko palagi.

"Wow, ang mahal!" Napahawak sa dibdib niya si Echo nang makita ang presyo niyon.

"Kaya nga, eh." Mas lalo akong napanguso. "Hayaan mo na. Mas marami tayong kailangan paglaanan ng pera kaysa sa mga ganyan."

"Uy, masama ang loob niya..." Sinundot niya ang bewang ko habang tinutulak ng kabilang kamay ang maliit na cart. "Hayaan mo, kapag nakaraos tayo, ibibili kita niyan."

Hindi na ako sumagot. Iniisip ko kasi na kung nasa poder pa rin ako ni Mama, mabibili ko lahat ng gusto kong bilhin. Hindi ko tinitingnan noon ang presyo at basta-basta ko na lang nilalagay sa cart. Hindi tulad ngayon, bawat madaanan ko na gusto kong bilhin ay presyo kaagad ang tinitingnan ko.

Ang hirap pala. Pero okay lang. Masasanay din ako. Basta kasama ko si Echo, okay na 'yon.

Naghati kami sa pagbayad ng mga grocery at gusto pa sana umangal ni Echo pero wala na siyang nagawa dahil nakuha na siya sa tingin ko.

Umuwi kami ng bahay na sobrang pagod. Nagpahinga muna kami nang isang oras. Pagkatapos ay umalis si Echo para bumili ng tanke ng gasul, bumili na rin kasi kami ng kalan para hindi kami mahirapan magluto.

Habang wala si Echo ay inayos ko ang mga grocery namin. Walang ref kaya nahirapan akong ayusin ang mga stock namin sa kusina.

"Pwede ka nang magluto," pabirong sabi ni Echo nang maayos niya na ang kalan at ang gasul.

Inirapan ko siya. "Hindi naman ako marunong magluto."

"Joke lang. Ako na lang ang magluluto para sa'yo." Hinalikan niya ako sa pisngi bago nagsimulang magluto para sa hapunan namin.

Naging okay naman ang unang araw ng pagiging mag-live in namin ni Echo. Masaya ako at mukhang masaya naman siya. Parehas namin pinalitan ang mga sim card namin para wala nang mag-contact sa amin, lalo na si Mama.

"Masaya ka ba?" tanong ko sa kaniya habang nakahiga ako sa braso niya.

Nakahiga kaming dalawa ngayon sa kama at patulog na. Bukas ay pupunta na siya ng site para mag-apply.

"Masayang malungkot..." Bumuntong-hininga siya. "Masaya kasi kasama kita. Malungkot kasi nasaktan ko ang pamilya ko, nagkalayo pa kami."

"Nagsisisi ka ba na nabuntis mo 'ko?" Tumingala ako sa kaniya.

"Hindi. Sinabi ko naman sa'yo na gusto ko ng bata." Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos niyang sabihin iyon. "At saka mahal kita."

"I love you, too."

Umingos siya. "Corny naman. Tagalog sinabi ko tapos sasagutin mo ng English?"

Hinampas ko ang dibdib niya at natawa lang siya.

Kinabukasan ay nagsimula na siyang magtrabaho kasama si Ricky.

I thought everything will be okay as long as we're together.

But I was...wrong.

Echo and I, being together...are like ticking bomb. We could explode anytime and destroy ourselves in one wrong move.

Because together, we ruined each other's lives...unintentionally.




To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top