14. SUMABOG
|14. Sumabog|
Odette Marie "Dette" Ojera
Ang bilis lumipas ng araw dahil palarong panlungsod na nila Echo. Nag-cut ako ng klase ko para lang makanood sa laro nila. Nagbaon din ako ng damit ko pampalit sa uniform kaya ngayon ay nakasuot ako ng navy blue off-shoulder top at denim skirt. Pinaresan ko iyon ng puting sapatos at blue sling bag. Nakapusod din ang buhok ko habang may hairstick na nakatusok.
May kalayuan ang lugar kung saan ginanap ang laro pero sulit naman dahil nanalo ang team nila Echo.
Katabi ko si Tadeo habang nanunuod kaya ang ingay naming dalawa habang nagchi-cheer kay Echo. Sulit lahat pati ang pamamaos ng boses ko dahil nga nanalo siya at nakapasok sa regionals.
"Congrats, Mahal!" Sinugod ko siya ng yakap. Natawa ang mga kasama niya maging ang coach nila.
"Mukhang ikaw ang nanalo, ah!" Tumawa si Echo. "Mas tuwa ka pa sa'kin, eh."
"Oo naman! Henderson again and again and again!"
Tinakpan niya ang bibig ko. "Wala pa tayo sa palarong pambansa!"
"Kahit na! Nanalo pa rin kayo!" Sumimangot ako.
Pinatakan niya ng halik ang labi ko para hindi makita ng iba. Humagikhik ako dahil sa kilig.
"Painom ka naman mamaya, men!" Hinampas siya ni Tadeo ng Arnis stick sa braso kaya minura niya ito.
"Gago ka ba? Nag-cut ka na nga sa klase tapos iinom ka pa?"
"Wala naman sila Mama sa apartment. Nag-extend sila ng bakasyon nila!"
"Sama ako." Ngumuso ako kay Echo.
"Ikaw rin, nag-cut ka." Kinurot niya ang ilong ko.
"Supportive gf," proud na sabi ko.
Tumawa siya. Humiwalay muna siya sa'kin dahil tinawag siya ng mga ka-team niya. Nagsisigawan sila sa tuwa kaya natawa kami ni Tadeo.
"Tadeo," tawag ko sa kaniya. May naalala kasi ako na gusto kong itanong.
"Oh?" Ibinulsa niya ang hawak niyang cellphone at bumaling sa'kin.
"May...iba bang ka-chat si Echo bukod sa'kin?"
"Bakit mo naman natanong 'yan?"
I shrugged my shoulders. "Just wanna make sure kung matino siya kahit wala ako sa tabi niya."
Ngumiti siya pero 'yung tipong parang natatae na ewan.
"Matino 'yan si Echo. Huwag kang mag-alala."
"Hindi ko lang maiwasan. Nakakatakot kaya masaktan dahil sa pag-ibig," mahinang sabi ko.
"Mahal mo na si Echo? Gagi!" Tinakpan niya ang bibig niya dahil sa gulat.
Kumunot ang noo ko.
May bago ba roon? Ilang beses na nga kami nag-iloveyou ni Echo sa isa't isa, eh.
"Sorry, natawa lang ako. Bili lang ako softdrinks." Umalis siya sa tabi ko kaya sinundan ko na lang siya ng tingin habang nakakunot pa rin ang noo.
Problema niya?
Sa amin na sumabay si Tadeo sa pag-uwi. May service kasi ang team nila pero mas gusto ni Echo na mag-commute kasama ako at si Tadeo.
"Tahimik mo?" tanong ni Echo habang nakaakbay siya sa balikat ko. Busy naman si Tadeo sa ka-text niya.
"Wala, pagod lang."
Huminto kami sa tapat ng pedestrian lane para tumawid sa kabilang kalsada. Tatawid na sana ako pero hinatak ni Echo ang braso ko.
"Stop, look and listen," biro niya habang panay ang tingin sa magkabila para siguruhing walang sasakyan na dadaan.
"Kailan ka pa naging traffic enforcer, men?" pang-aasar ni Tadeo. "Para kang si Hiroshin."
"Paki mo? Ulol."
Nang makatawid kami sa kabila ay may nadaanan kaming nagtitinda ng kwek-kwek kaya tumigil muna kaming tatlo para mag-foodtrip.
Ang takaw nilang dalawa. Hindi ko masabayan ang pagkain nila kaya napasimangot ako.
"Pabili po." May babaeng tumabi kay Echo para bumili rin ng kwek-kwek.
Tiningnan ko ang babae. Mukha siyang manika sa sobrang ganda at puti niya. Ang hinhin pa ng bawat kilos niya. Nang tingnan ko si Echo ay nakatulala siya sa babae.
Napabuntong-hininga ako at tinapon sa basurahan ang hawak kong plastik na baso na may laman na kwek-kwek. Nakakawalang-gana naman makita 'yon.
Naglakad ako paalis doon at narinig ko ang tawag sa akin ni Echo at Tadeo pero mas binilisan ko lang ang lakad ko.
"Mahal! Sandali!" Hinatak niya ang braso ko nang maabutan niya ako.
"Ano ba!" asik ko sa kaniya at tumigil sa paglalakad. "Doon ka na sa babae! Maganda, 'di ba?! Natulala ka nga, eh! Hingiin mo number saka mo ligawan!"
Natigilan siya sa sinabi ko at hindi nakasagot.
"Ano? Bakit hindi ka makasagot?!" Tinulak ko siya. "Sige na, doon ka na!"
Sumabunot siya sa buhok niya at marahas na bumuntong-hininga.
"Ano ba, Mahal?! Dito ka talaga sa daan magwawala? Dahil lang doon?!"
"Lang..." Tumawa ako nang mapakla. Maliit na bagay lang pala para sa kaniya itong nararamdaman ko. "Ewan ko sa'yo! Bwesit ka!"
Saktong may dumaan na tricycle sa harap ko kaya pinara ko iyon at mabilis na sumakay.
Hindi ko na siya nilingon pa dahil nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
Nakakainis siya! Bakit kailangan niya pang tumingin sa mga babae?! Hindi pa ba siya kuntento sa'kin?! Nakakainis siya!
***
Gericho "Echo" Escobar
Gagi, ano 'yon?!" tanong ni Tadeo nang makalapit siya sa akin. Hawak niya pa ang baso na may laman na kwek-kwek. "Nasaan na si Princess of the swan?!"
"Nasa bulsa ko nagkakape!" inis na sagot ko saka kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa.
Tinawagan ko si Dette pero hindi na siya sumasagot. Nang tawagan ko ulit siya ay cannot be reached na.
"Bwesit!" Napasabunot ako sa buhok ko.
"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong niya ulit habang punong-puno ang bibig.
"Napatingin lang ako sa doon sa babae, nagalit na!"
"Kasalanan mo pala, eh. Alam mong kasama mo girlfriend mo tapos-"
"Dadagdag ka pa?" Inambahan ko siya ng suntok.
"Totoo naman! Inlove na sa'yo 'yon, men!"
"Gago! Anong inlove?!" Hindi pwede 'yon!
"Kakasabi niya lang kanina. Hiwalayan mo na kung hindi ka seryoso! Kawawa naman!"
Natigilan ako at napaisip. Hindi naman gano'n kadaling gawin 'yon. Nasanay na ako na kasama si Dette.
"Huwag mong sabihin na inlove ka kay princess of the swan?!" Sinuntok niya ang braso ko. "Hala ka! Hindi ba sabi mo hindi ka naman seryoso do'n? May china-chat ka pa ngang iba, eh!"
"Hindi ako inlove!" tanggi ko kaagad. "Nasanay lang akong kasama siya."
Hindi naman talaga ako inlove. Oo, gusto ko siya pero hindi ako inlove!
"Kawawa naman 'yung tao, men," Humina ang boses niya. "Nag-cut siya sa klase niya para lang suportahan ka. Tapos gaganyanin mo? Stop na, men. Kung hindi mo kayang magpaka-faithful, hiwalayan mo na lang."
"Ganito na 'ko, hindi na ako magbabago," pangangatwiran ko. "At isa pa, may mga mata ako. Malamang mapapatingin ako sa mga babaeng maganda."
"Gago ka, kasama mo girlfriend mo. Okay sana kung tayong dalawa lang ang magkasama. Intindihin mo naman ang mga babae, men."
Napakamot ako sa ulo ko, naiirita na. "Pwede ba manahimik ka na? Hindi ko kailangan ng sermon ngayon."
Nauna na akong maglakad sa kaniya. Sumunod din naman siya nang makasakay ako ng jeep.
Badtrip naman.
Ayaw niya nang sumagot sa tawag ko. Malamang pinatay niya na ang phone niya.
"Tsk. Kung ayaw niya akong kausapin, di huwag." Pinatay ko ang phone ko saka ibinulsa.
"Iyon lang." Napailing si Tadeo na katabi ko. "Sure ka hindi mo na kakausapin?"
Umiling ako. "Ayaw niya 'ko kausapin. Anong gusto mong gawin ko? Bahala siya."
Napailing na lang siya sa sinabi ko pero hindi ko na siya pinansin. Dumiretso na kami ng apartment ni Tadeo. Gusto pa sana nila coach na pumunta ako ng Henderson para mag-celebrate ng pagkapanalo pero wala na ako sa mood. Niyaya ko na lang si Tadeo na uminom.
"Bobo mo naman!" Binatukan ko si Tadeo dahil nakita kong natalo siya sa paglalaro ng ML. Naglalaro kasi siya habang tumatagay kami dito sa sala ng apartment nila.
"Bobo kakampi, eh!" katwiran niya. "Sali ka na kasi! On mo na cellphone mo!"
"Ayoko." Umiling ako bago tinungga ang laman ng shot glass. "Magpapabuhat ka lang kaya gusto mo 'kong isali, hayop ka."
"Kapal naman ng mukha mo, anong rank mo na ba?!"
"Mythic." Umismid ako.
"Yabang mo, gago."
Sabay kaming napalingon sa pinto nang magsidatingan ang mga tropa ni Tadeo na si Mccoy, Migz at Leo. Tiningnan ko siya nang masama, nagtatanong ang mga mata.
"Niyaya ko sila." Nagkibit-balikat siya. "Ang boring kapag tayong dalawa lang."
Napailing na lang ako. Kanina pa kami umiinom at ngayon lang siya na-boring. Ayoko sana makita ang pagmumukha ng Mccoy na 'yan, eh. Pero ano pang magagawa ko? Hindi ko naman apartment 'to.
"Naks, nanalo raw kayo?" Tinapik ni Leo ang balikat ko.
Tumango lang ako sabay hilot sa sentido ko. Nahihilo na ako dahil kanina pa kami umiinom. Tangina, alas tres ng hapon kami nagsimulang uminom! Alas-otso na ng gabi!
"Congrats! Pa-canton ka naman!" mapang-asar na sabi ni Migz.
Tumawa lang ako kahit hindi ko gusto ang presensya nila. Sa totoo lang kay Mccoy lang naman ako naiinis. Hindi ko siya sinagot nang batiin niya rin ako.
"Nasaan syota mo, p're?" tanong sa akin ni Mccoy nang makaupo silang tatlo sa sofa. Mukhang kakagaling lang nila sa court dahil nakasuot pa sila ng jersey at mga sapatos.
Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko at umismid nang marinig ang tanong ni Mccoy.
Sabi na, eh.
"Huwag mong biruin 'yan," saway ni Tadeo kay Mccoy, nahalata niya siguro ang pagdilim ng mukha ko. "Masama ang tama niyan ngayon."
Nagtawanan ang tatlong kupal na para bang may nakakatawa.
"Nag-away kayo?" pang-uusisa pa ng kupal na si Mccoy. "Sayang naman, dapat sinama mo siya dito."
Umayos ako ng upo at pinaningkitan siya ng mata.
"Bakit? Gusto mong makita syota ko?" Tumayo ako na parang naghahamon ng away. "Tara, samahan kita sa bahay nila."
"Uy, chill lang." Pinaupo ako ni Tadeo. "Nagbibiro lang 'yan si Mccoy."
Nagbibiro? Pukingina, iba ang ngisi ng gago, eh. Halatang sinasadya niya na pikunin ako.
"Type mo ba syota ko?" maangas na tanong ko sa kaniya pero ngumisi lang siya.
"Lasing na 'yan, p're." Si Tadeo ang kinausap niya kaya mas lalong nag-init ang ulo ko.
Susugurin ko sana siya pero pumagitna si Tadeo at hinarang ang mga kamay sa dibdib ko.
"Chill lang, men."
Nagsitayuan naman si Migz at Leo para umawat dahil tumayo rin si Mccoy na para bang nanghahamon din ng away.
"Malala na anger management mo," nakangising sabi niya, pinipikon talaga ako.
"Mccoy, tama na kasi," awat ni Migz.
"Talaga! Sa sobrang lala, baka mabasag ko pagmumukha mo!" asik ko habang nagpupumiglas kay Tadeo. "Tangina, masyado kang halata. Ano? Pinapantasyahan mo syota ko? Maghanap ka ng ibang babaeng lalandiin mo, huwag si Odette!"
Umangat ang sulok ng labi niya. "Insecure..."
"Gago ka?!" Bakit ako mai-insecure sa kaniya?!
Nang makawala ako kay Tadeo ay hinawi ko si Leo at Migz para sapakin siya. Napaupo sa sofa si gago dahil sa lakas ng pagkakasapak ko.
"Uy, men!" Sinubukan akong hawakan ni Tadeo pero pinalis ko ang mga kamay niya.
"Tangina, bitawan mo nga ako, Tadeo! Bakla ka ba?!"
"Ulol!" Binitawan niya kaagad ako.
Napailing ako habang naghahabol ng hininga dahil sa galit.
Kinuha ko ang Arnis stick holder ko saka ang bag ko at tuloy-tuloy na lumabas ng apartment.
Tanginang Mccoy. Mas pogi naman ako sa kaniya! At hindi siya magugustuhan ni Odette! Mukha siyang espasol!
Sa sobrang bilis ng paglalakad ko ay hindi ko namalayan na nasa bahay na ako. Hinilot ko ang ulo ko habang papasok ako ng pinto.
Mataas ang alcohol tolerance ko pero inabot kasi kami ng gabi sa kakainom kaya may tama na ako.
Tanginang empi.
"Tarantado ka!"
Isang suntok sa mukha ang sumalubong sa akin sa loob dahilan para masubsob ako sa sahig, nagdudugo na ang gilid ng labi.
Wow! Ang gandang bungad. Congrats, nanalo ako sa palarong panlungsod!Ano na naman bang ginagawa ko?!
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Papa.
"Ano ba, Gian?!" asik ni Mama nang makita ang ginawa sa akin ni Papa. Tinulungan niya akong makatayo.
"Tarantado 'yang anak mo, eh!"
"Tumigil ka na! Ano ba!"
"Ano na naman bang ginawa ko, Pa?" kalmadong tanong ko habang nakadikit ang pupulsuhan ko sa dumudugo kong labi.
"Hindi mo alam?!" Susugurin niya sana ulit ako pero humarang ang dalawang kamay ni Mama sa dibdib niya. "Iinom-inom ka tapos uuwi ka dito nang ganyan ang lagay mo?! Dapat hindi ka na umuwi! Sa kalsada ka na lang matulog!"
Ilang segundo kong inintindi ang sinabi niya bago ako tumawa nang sarkastiko.
"Sige. Bukas na bukas-"
"Anak, huwag ka nang sumagot!" awat ni Mama kaya napabuntong-hininga ako.
Bumaba ang tingin ko sa suot nilang dalawa. Parehas silang nakasuot ng pantalon at panglakad na damit. Tumawa ulit ako nang sarkastiko.
"Bakit ganyan ang suot niyo, Ma? Pa?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
"Anak-"
"Namasyal ulit kayo?" Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Wow! Tapos nag-picture taking pa kayo? Kayong apat lang?" Pumalakpak ako at saka tumawa nang malakas. Hindi ko makontrol ang bibig ko. "Galing! Napakagaling!"
"Anak..." Hinawakan ni Mama ang makabilang balikat ko. "Pasensya na. Hindi ka namin naisama. Ang sabi mo kasi mga alas-cinco ang uwi mo galing sa laro mo. Pero hindi ka umuwi kaya umalis na lang kami nang hindi ka kasama-"
"Malamang pinilit kayo ni Papa na huwag na akong hintayin. Huwag niyo na siyang pagtakpan," mapakla kong sabi bago ko tiningnan si Papa na sobrang dilim na ng mukha habang nakatingin sa akin. "Ano, Pa? Gusto akong hintayin ni Mama at ng mga kapatid ko pero ayaw mo dahil hindi mo gustong makasama ako sa pamamasyal, 'di ba?"
"Gericho," saway ni Mama, naiiyak na.
"Hindi, Ma..." Umiling ako. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko dahil sa sobrang sama ng loob. "Dumating man ako o hindi, ayaw pa rin ni Papa na isama ako. Kasi hindi naman ako parte ng pamilyang 'to, 'di ba-"
"Anak, huwag mong sabihin 'yan!"
Sinubukan pa rin ni Mama na patigilin ako pero hindi ko siya pinansin. Tinitigan ko si Papa nang may hinanakit sa mga mata.
"Kung hindi ko lang kayo kamukha, baka naisip kong ampon ako, eh!" Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko bago nagpatuloy.
"Kaya minsan napapatanong ako. Bakit gano'n si Papa? Bakit siya ganyan sa'kin? Bakit iba ang trato niya sa'kin kumpara kay Gia at Gian? Bakit palaging mainit ang ulo niya kahit wala naman akong ginagawang masama? Bakit ayaw niya akong isama tuwing namamasyal sila? Bakit lahat na lang ng gawin ko ay mali? Bakit tuwing nagkakamali ako ay sapak kaagad ang inaabot ko? Tangina, bakit?" Tumingala ako at sinubukang pigilan sa pagluha ang mga mata ko pero nabigo ako.
"Hindi mo alam 'yung pakiramdam na uuwi ka ng bahay tapos wala kang madadatnan kasi nasa pasyalan ang pamilya mo. Hindi mo alam 'yon kasi wala ka namang pakialam sa'kin."
"Anak..." Humagulhol si Mama habang nakayakap sa dibdib ko.
"Ma...kailan ba ako mag-eexist sa pamilyang 'to? Kailan ko ba mararamdaman na importante rin ako sa inyo?"
Hindi sumagot si Mama at humagulhol lang siya sa dibdib ko. Basang-basa na ang mukha ko sa magkahalong pawis at luha pero nakatingin pa rin ako kay Papa na wala man lang reaksyon.
"Wala kang masabi, Pa? Natamaan ka ba?"
Dumaan ang galit sa mga mata ni Papa at sinugod ulit ako. Pumikit na lang ako at hinanda ang sarili sa pagsapak niya sa'kin pero malakas na iyak lang ni Gia ang narinig ko.
"Papa! Tama na! Huwag mong saktan ang kuya ko!"
Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita kong hawak-hawak ni Gia ang pupulsuhan ni Papa, umiiyak nang malakas.
"Ang sama mo, Papa! Palagi mo na lang sinasaktan si kuya!" sigaw ni Gia kay Papa.
Bumitaw ako kay Mama at hinawakan sa magkabilang pisngi si Gia.
"Okay lang si Kuya Echo, huwag ka nang umiyak." Nginitian ko siya para ipakitang okay lang ako.
Hinatak ko siya palabas at hindi ko na tiningnan ang reaksyon ni Mama lalo na ni Papa. Dumiretso kami sa duyan at doon kami umupo habang hinahagod ko ang likod niya. Hindi siya matigil sa kakaiyak at nakayakap lang siya sa likod ko.
"K-Kuya..bakit..."
"Shh. Okay lang ako." Hinaplos ko ang buhok niya para kumalma siya.
"May dugo ang labi mo, Kuya, eh. Ayaw kong sinasaktan ka niya."
"Tahan na," bulong ko. "Okay lang ako...Okay lang si kuya..."
Paulit-ulit kong binulong iyon sa kaniya para kumalma siya. Napapikit na lang ako at hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako ulit.
Sana nga totoong okay lang ako. Dahil hindi ko na alam kung magiging okay pa ako ulit.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top