11. MALI

|11. Mali|

Odette Marie "Dette" Ojera

Lumipas ang mga araw at nagdesisyon kami pareho ni Echo na sa apartment ni Tadeo kami pupunta para maturuan niya ako sa mga lessons ko sa Math. Wala namang problema dahil nakakagawa ako ng paraan para makatakas kay Tonette at kay Manang Rosie. Nagkukunwari akong tulog na at ayaw magpaistorbo sa loob ng kwarto at saka ako tatakas.

Hindi naman ako masyadong napagtutuonan ng pansin ni Tonette dahil busy siya sa acads niya at nagmo-move on pa rin siya sa boyfriend niya. Madalas din tumatawag si Mama para kamustahin ako bago matulog.

Mula nang halikan ako ni Echo ay maraming nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Madalas kaming magsabay sa canteen tuwing lunch break tapos minsan ay hahawakan niya ang kamay ko kapag naglalakad kami papunta sa apartment ni Tadeo.

Si Tadeo lang kasi ang nakatira mag-isa sa apartment niya dahil umuwi ang mga magulang niya sa Mindoro dahil namatay ang lolo niya at kailangan niyang magpaiwan dahil nag-aaral siya.

Malaki rin ang naitutulong ni Echo sa akin pagdating sa pagtuturo ng mga lessons ko sa Math. Hindi na ako gaanong napag-iinitan ni Ma'am Caroline sa school at nakakasagot na rin ako ng tama tuwing recitation.

Lumipas pa ang mga araw at dumating ang araw ng Sabado, umuwi na si Mama pero hindi iyon naging dahilan para tumigil ako sa pakikipagkita kay Echo.

"Anak, gusto kang kausapin ng Papa mo."

Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko hawak ang laptop niya. Naroon si Papa sa screen at nakangiti pero hindi ako ngumiti pabalik.

Mula nang dumating si Mama kaninang umaga ay hindi ako nagtanong tungkol sa annulment nila. Ayokong malaman, masasaktan lang ako lalo.

Inilagay ni Mama ang laptop sa side table ko at umupo sa tabi ko.

"Hi, anak!" Kumaway sa akin si Papa. Halatang nasa site siya dahil nakasuot pa siya ng hard hat at puting polo.

Ngumiti ako nang tipid sa kaniya at hindi nagsalita.

Paano niya nagagawang ngumiti nang ganyan sa kabila ng paghihiwalay nila ni Mama?

"Naaalala mo ba 'yung good news na sinasabi ko sa'yo?" tanong niya at tumango naman ako. Hindi naman ako interesado roon. "Hindi ko alam kung good news ito para sa'yo, anak. Pero sa tingin ko kailangan mo pa rin malaman."

Napatingin ako kay Mama, nagtatanong ang mga mata ko pero hindi siya nagsalita.

"Odette, anak," tawag ni Papa at napatingin ulit ako sa kaniya. "Do you want to meet your sister?"

Napakunot ang noo ko. I have a bad feeling about this.

"Sister?"

"Yes, you have a sister..." Ngumiti pa siya. "Pinanganak siya noong isang linggo—"

"Wait lang, Pa..." Itinaas ko ang mga kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita at saka ko tiningnan si Mama. "Ma, hindi ka naman nanganak noong isang linggo, 'di ba? Hindi rin lumaki ang tiyan mo. Paano nangyaring—"

"Anak, nakabuntis ng iba ang Papa mo," putol niya sa sinasabi ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko at tiningnan si Papa na ngayon ay seryoso na ang mukha.

"P-Papa? A-Anong..." Parang may bikig sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita nang maayos. "Iyon ba ang good news na sasabihin mo dapat sa akin noong isang araw?"

He took a deep breath, looking guilty. "Hindi ba matagal mo nang gusto na magkaroon ng kapatid, anak?"

My lips parted a bit. Nag-init ang mga mata ko kasabay ng pagkuyom ng mga kamao. "Pero hindi sa ibang babae, Papa!"

"Anak, calm down..." Hinagod ni Mama ang likod ko pero hindi kayang alisin niyon ang sakit na nararamdaman ko.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi ka umuuwi dito, Pa? Iyon ba ang dahilan kung bakit gusto mo nang makipaghiwalay kay Mama?"

"Matagal na sila ng Papa mo, anak. Hindi lang namin sinasabi sa'yo," si Mama ang sumagot.

Hindi na ako nakapagsalita. Akala ko ay wala nang babae si Papa ngayon. Akala ko...Akala ko nawalan lang siya ng pagmamahal kay Mama. Hindi pa rin pala talaga siya nagbabago.

"I told you, Dominic. Hindi niya kayang tanggapin 'yan! Ayaw mo kasing makinig!" sigaw ni Mama kay Papa.

"She needs to know the truth, Dorothy. At kapatid niya pa rin si Serene—"

"Wala akong kapatid!" Sumabog na ako kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko. "Hindi ka na nagbago, Papa. Manloloko ka pa rin! Niloko mo si Mama at pati ako! Hindi mo 'ko mahal! Hindi mo kami minahal kasi sarili mo lang ang mahal mo!"

Hinawakan ni Mama ang kamay ko pero pinalis ko iyon. "I hate you! I hate you all!"

Tumakbo ako palabas ng kwarto at dere-deretsong lumabas ng bahay namin sa kabila ng pagtawag ni Manang Rosie at ni Mama. Tumakbo ako nang tumakbo habang panay ang punas ko sa mga luha ko.

Wala na silang ibang ginawa kung hindi saktan ako! Wala silang pakialam sa nararamdaman ko!

Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng apartment ni Tadeo dahil dito namin balak magkita ni Echo. Maingay sa loob at puro boses ng mga lalake ang naririnig ko kaya tumigil ako sa pagkatok.

Tumingin ako sa sarili ko. Nakasuot lang ako ng denim short at puting spaghetti top. Balak sana namin ni Echo na pumunta ng bar katulad ng usapan namin noong isang araw pero dahil nga sa nangyari ay hindi ako nakapagbihis nang maayos.

Kumatok ulit ako sa pinto ng apartment. Nang bumukas iyon ay tumambad ang gulat na gulat na mukha ni Tadeo.

"D-Dette, ang aga mo, ah. Hindi ba mamayang 8 pm pa kayo magkikita ni Echo? 7 pm pa lang," sabi niya.

Ngumiti ako nang tipid. "Sorry. May nangyari lang kasi. Pwede bang dito muna ako?"

Napangiwi siya sabay tingin sa sala kung saan naroon ang mga lalakeng umiinom. "Nandito tropa kong mga lalake. Birthday kasi ni Mccoy kaya dito nila napiling uminom..." Kinamot niya ang ulo niya. "Okay lang ba? Mababait naman mga tropa ko, huwag kang mag-alala."

Kinagat ko ang labi ko sabay tingin sa tatlong lalakeng nasa sala at umiinom ng alak. Isang oras lang naman ako maghihintay kay Echo. Naiwan ko kasi ang phone ko sa bahay at hindi ko siya matatawagan para sabihing nandito na ako. Sinadya kong iwan 'yon para hindi ako ma-contact nila Mama.

Tumango ako kay Tadeo bilang pagpayag kaya inakay niya ako paupo sa isang sofa na pang-isahan. Napatingin sa akin ang tatlong tropa niya at napatigil sa pagsasalita.

"Uy, may chicks si Tadeo! Naks!" pang-aasar ng lalakeng walang suot na damit at kulot ang buhok.

"Hindi mo naman sinabing magdadala ka ng chicks mo," sabi naman ng isang lalake na nakataas ang isang paa sa sofa habang may hawak na shot glass. Skinhead siya pero ma-muscle ang katawan.

"Hindi ko siya chicks, mga ulol!"

Umupo na si Tadeo sa tabi ng isang lalakeng seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Mccoy, shot mo na."

Ibinigay ni skinhead ang shot glass sa lalakeng katabi ni Tadeo. Hindi maalis-alis ang tingin nito sa'kin kahit nang i-bottoms up nito 'yung baso na may laman na alak.

Actually, sa kanilang tatlong tropa ni Tadeo ay siya ang mas may itsura. Siya 'yung tipo ng lalake na kahit tingnan ka lang sa mga mata ay matutunaw ka na sa paraan ng pagtitig niya.

Paano na lang kaya kapag ngumiti siya?

"Nililigawan 'yan ni Echo," dagdag ni Tadeo.

Hindi ko inaasahan na mabubuga ng katabi niya ang alak na shinot nito, iyong Mccoy ang pangalan.

"Sira-ulo 'to si Mccoy, nagkalat pa!" Napakamot sa ulo si Tadeo at sinuntok ang braso ni Mccoy. "Ano bang nangyayari sa'yo?!"

"Wala..." Tumayo si Mccoy. "Banyo lang ako."

"Migz nga pala," pagpapakilala ng lalakeng kulot. Tinanggap ko ang kamay niya.

"Ako si Leo," sabi naman ni skinhead.

Makikipagkamay din sana ako sa kaniya pero tinapik ni Tadeo ang kamay niya.

"Huwag na. Pasmado kamay mo."

Napasimangot si Leo at binato ang hawak niyang towel kay Tadeo. "Grabe ka!"

"Totoo naman, ah! Mas malakas pa nga yata mag-produce ng oil 'yang kamay mo kaysa sa mukha mo!"

Sumama lalo ang mukha ni Leo at binalingan ako. "Kaibigan ko 'yan pero grabe maka-bully."

Tumawa lang ako sa sinabi niya. "I'm Odette."

"Princess of the swan!" sabay na sigaw ni Leo at Migz. Napangiwi na lang ako.

***



Gericho "Echo" Escobar


Panay ang ngiwi ko habang naglalakad pauwi sa bahay namin. Ang dami kong paltos at pasa sa katawan. Ang sakit din ng buong katawan ko lalo na ang tuhod ko kaya paika-ika akong maglakad.

Pagkatapos kasi ng klase namin kanina sa Night Class ay dumiretso ako sa training namin sa gymnasium. Wala, eh. Pini-pressure na kami ni Coach Ram dahil malapit na ang laban namin sa Arnis.

Kung hindi ko lang talaga gusto ang Arnis ay hindi ako magtityaga roon. Ginabi na ako ng uwi dahil naaksidente ako. Napuruhan ang tuhod ko ng isang kasama ko kaya dinala nila ako sa clinic.

"Saan ka galing?" bungad ni Mama pagkapasok ko pa lang ng bahay.

Nasa sala si Papa at nanunuod ng tv, ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Sorry, Ma. Naaksidente kasi ako sa training namin sa Arnis."

Nagmano ako sa kaniya at paika-ikang naglakad papunta kay Papa para magmano pero pinalis niya lang ang kamay ko.

"Gian," saway ni Mama pero tiningnan lang ako ni Papa na para bang may ginawa na naman akong mali.

"Ano bang nakukuha mo sa lintik Arnis na 'yan?"

Napabuga ako ng hangin. Alam ko naman na hindi niya ako suportado sa mga gusto ko pero pati ba naman ang paglalaro ko ng Arnis ay pakikialaman niya?

Tumayo si Papa at hinarap ako. "Dapat sa'yo, mag-drop out ka na lang sa pag-aaral. Total, 'yan lang naman ang pinagtutuonan mo ng pansin. Hindi 'yung nagsasayang kami ng pera para sa pag-aaral mo. Hindi nga nakakatulong ang ibinibigay mong pera dahil sa kakarampot mong sahod tapos lumalandi ka pa. At para magkaroon ka ng pakinabang sa'min, mag-full time ka na lang sa pinagtatrabahuhan mo at tumigil ka na sa pag-aaral. Baka matuwa pa 'ko sa'yo."

Hindi ko alam na kusa na lang nagkuyom ang mga kamao ko dahil sa masasakit na salitang narinig ko sa mula kaniya.

Natiis ko lahat ng masasamang salita na binabato niya sa'kin, pati pagmamaliit niya sa'kin ay pinapalampas ko. Pero 'eto? Gusto niya akong patigilin sa pag-aaral? Pucha, ibang usapan na 'to.

Tinanggal ko ang Arnis stick holder na nakasabit sa likod ko at pabagsak na hinagis sa sahig. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Papa dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Tiningnan ko siya nang puno ng galit bago ko siya tinalikuran.

"Gericho," tawag ni Mama pero hindi ko siya pinansin.

Masakit man ang tuhod ko ay hindi ko alam kung paano ako nakarating sa tapat ng apartment ni Tadeo nang gano'n kabilis. Dito kami magkikita si Dette kaya dito na muna ako. Gusto kong magpalipas ng oras, gusto kong makalimot.

Kumatok ako sa pinto kahit may naririnig akong tawanan ng mga lalake sa loob. Nagpapasok na naman siguro si Tadeo ng mga tropa niya.

Bumukas ang pinto at mumurahin ko na sana si Tadeo dahil ang tagal niyang buksan ang pinto pero babae ang tumambad sa akin.

Si Dette!

Medyo inaantok ang mga mata niya at namumula ang mga pisngi niya.

Depungal. Bakit amoy alak 'to? Usapan namin sa bar kami iinom hindi dito.

"Uminom ka?" nakakunot ang noong tanong ko.

Bumaba ang tingin ko sa suot niyang spaghetti top at maikling short.

Bakit ganyan ang suot niya?

Hinawakan niya ang ulo niya na para bang hilong-hilo na siya.

"Oy!"

Hinawakan ko kaagad ang balikat niya nang biglang sumuray ang tayo niya. Nakaramdam kaagad ako ng kakaibang kiliti na dumaloy sa kamay ko nang mahawakan ko ang malambot niyang balat.

"S-Sorry, nahihilo kasi ako. Pinainom nila ako, eh." Tinuro niya ang pwesto nila Tadeo kasama ang mga tropa nito na si Mccoy, Leo at Migz.

Mga pukinginang 'to. Yari 'to sa'kin mamaya.

Inalalayan ko si Dette na maglakad papunta sa pwesto nila Tadeo.

"Hoy, Tadeo. Bakit mo pinainom 'to?" turo ko kay Dette.

"Si Mccoy ang pumilit sa kaniya na uminom," matinong sagot ni Tadeo habang nagsasalin ng alak sa shot glass.

Alam kong may tama na siya pero matino pa rin ang mga kilos niya.

Sinulyapan ko si Mccoy na nakangisi lang habang nakatingin kay Dette.

Type yata ng ugok na 'to si Dette.

"Bakit nakasuot ka pa ng P. E uniform? Papasok ka pa lang?" biro ni Leo pero waley kaya hindi ako natawa. Hindi ako natutuwa sa kanila.

"Shot ka muna, p're!" Inabot sa akin ni Migz ang isang shot glass at nilagok ko naman 'yon nang isahan.

"Echo..." Kinalabit ako ni Dette. "Nahihilo ako."

Yumakap siya braso ko at nakita ko ang mapanuksong tingin ni Migz at Leo pero inirapan ko lang sila.

Mga gago kasi, pinainom pa. Paano 'to makakauwi sa kanila?

"Pahigain mo muna siya sa loob ng kwarto ko, men," sabi ni Tadeo bago isinandig ang ulo sa sandalan ng sofa at pumikit.

Napatingin ako kay Dette na parang hilong-hilo na nga at sumusuray na ang tayo. Napabuntong-hininga ako at inalalayan ko siya na pumasok sa kwarto ni Tadeo.

"Paano ka makakauwi niyan? Siguradong sesermunan ka ng Mama mo," sabi ko nang tinulungan ko siyang makahiga sa kama.

"Ayokong umuwi, please. Ayokong umuwi, Echo," nakangusong sabi niya habang nakapikit at hinihilot ang sariling ulo. "Punyemas na alak, gano'n pala lasa niyon?" Nalukot ang ilong niya na para bang diring-diri siya.

Napangisi ako. "Nakatikim ka na ng alak. Huwag na tayong pumunta ng bar."

Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. Ang cute niya lalo kapag nagtataray siya.

"Sa tingin mo makakapunta pa ako ng bar sa ayos kong 'to?"

"Bakit nga ba ganyan ang ayos mo?" Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya.

"Nilayasan ko si Mama. Huwag ka nang maraming tanong. Basta hindi ako uuwi."

"Ano, dito ka matutulog? Aba, mahiya ka kay Tadeo, ale," biro ko. Okay lang naman 'yon kay Tadeo. "At baka mamaya ipa-pulis kami ng Mama mo."

"Basta, ayoko munang umuwi!"

"Sige, pero ihahatid kita sa bahay niyo mamaya. Nag-aalala panigurado ang Mama mo." At ayokong makulong nang wala sa oras.

Hindi siya sumagot at pinagmasdan lang ang suot ko. "Pinagyayabang mo ba na taga-Henderson ka kaya nakasuot ka pa rin ng P.E uniform?"

Napatingin din ako sa suot ko sabay ismid. "Naglayas din ako sa bahay. At huwag mo nang itanong."

"Nag-away kayo ng Papa mo?"

Pumalatak ako at umiling. "Sabing huwag mo na itanong, eh."

Dahan-dahan siyang bumangon at hinarap ako. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya naamoy ko ang alak mula sa hininga niya.

"Malungkot ka ngayon?" malambing na tanong niya. Gusto ko tuloy kurutin ang namumula niyang pisngi dahil ang cute niya.

"Oo, malungkot ako," pag-amin ko, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"Gusto mong pasayahin kita?"

Napakunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo? Lasing ka lang. Itulog mo muna 'yan."

"Hindi ako lasing, dude. Tipsy lang." Ngumiti pa siya. "At kaya kitang pasayahin ngayon mismo."

"Paano?" Umarko ang kilay ko para hamunin siya.

Ngumiti siya nang napakalawak at niyakap ang leeg ko.

"Oy! Anong ginagawa mo?!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa.

Pinindot niya ang ilong ko gamit ang hintuturo niya. "Sinasagot na kita."

"Ha?" Narinig ko naman pero gusto kong ipaulit.

"Ay, nabingi?" Ngumiwi siya. "Sabi ko sinasagot na kita. Isang linggo mo rin akong niligawan. Okay na 'yon. Tinuruan mo ako sa Math, sinasamahan mo ako tuwing lunch break. Kaya ayon, mag-on na tayo mula ngayon. Gano'n na rin naman kasi hinalikan mo ako noong isang araw tapos palagi mong hinawakan ang kamay ko..."

Napangiti ako habang salita pa rin siya nang salita. Gano'n ba dapat kapag sinasagot ng isang babae ang isang lalake? Kailangan maraming explanation?

Ngayon ko lang kasi naranasan na sagutin ng babae sa personal. Madalas kasi ay sa text lang dahil sa text ko lang din naman sila niligawan.

Napangiti ako lalo dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kakasalita. Napatingin ako sa labi niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinawakan ko ang batok niya at siniil ng halik ang labi niya. Narinig ko ang pagsinghap niya pero hindi niya naman ako tinulak.

Lasang alak ang labi niya pero hindi niyon nabago ang lambot nito. Halatang first time niyang mahalikan dahil hindi niya ginagalaw ang labi niya at hinahayaan niya lang ako.

"Baka may...makakita...sa'tin," putol-putol at halos paungol na sabi niya nang bumaba ang halik ko sa panga niya hanggang sa leeg niya. Rinig na rinig ko ang malalim at sunod-sunod niyang paghinga.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang lambot ng balat niya at may nararamdaman ako sa katawan ko. At bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ko ay lumayo na 'ko sa kaniya.

"Lock ko lang," bulong ko at tumayo para i-lock ang pinto.

Busy pa rin sa inuman sila Tadeo kaya napangisi ako bago bumalik kay Dette.

Tinitigan ko ang mga mata niyang namumungay dahil sa epekto ng alak.

"Huwag kang mag-alala, halik lang..." Ngumisi ako. Parang kinakabahan kasi siya.

"Halik ba 'yon? Eh, bumaba kaya sa leeg ko—"

Sinunggaban ko na siya ng halik para patahimikin siya. Halik lang naman sana ang plano ko pero katulad kanina ay nakaramdam ulit ako ng kakaiba sa katawan ko. Parang gusto ko ng higit pa roon at hindi ko namalayan na nakapatong na pala ako sa kaniya habang nakahiga siya sa kama.

Iyong mga kamay ko ay kung saan-saan na pumupunta, dinadama ang mga parte kung saan gustong-gusto ko siyang hawakan unang kita ko pa lang sa kaniya.

Hindi naman ako inosente pagdating sa mga ganitong bagay. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito. Natatakot kasi ako noon na makabuntis, pero ngayon ay parang wala lang sa'kin.

"Echo," tawag ni Dette kaya tumigil ako sa paghalik sa leeg niya at tumitig sa mga mata niya. "Bakit parang masakit ang puson ko? Parang maiihi ako pero parang hindi naman."

Napangisi ako sa kainosentehan niya. Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya na hayaan lang ako sa ginagawa ko. Pero isa lang ang sigurado ako...parehas na kaming hindi inosente pagkatapos nito.




To be continued...



Author's Note:

Sa mga batang nagbabasa, huwag niyong gagayahin si Dette at Echo. Naging mapusok sila dahil sa family problems nila.

And I just want to clarify na hindi ko sinusulat 'to para i-tolerate ang maagang pakikipag-boyfriend ng mga kabataan. May tinatawag po tayong character development at may matututunan ang bawat readers dito. Tandaan, I write to educate, not to tolerate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top